Burning touch

Da dcmuch

6.5K 282 328

Namulat si Dahlia Aeria Escubar sa isang malayong isla ng Malinao,gamit ang pangalang Katya Valenzuela. Tahim... Altro

Dahlia - Owl City Girls Series
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 1

826 22 2
Da dcmuch


Mula sa madilim na malawak na dagat at bawat bangkang tinatanglawan ng lampara, pinanood ko ang pagsulyap ni Banyera sa akin habang hawak ang baldeng puno ng mga isdang nahuli ng kanyang ama at nakatatandang kapatid na lalaki.

"Nakikiayon ang swerte sa atin! Swerte talaga kapag sumasama si Katya, Tingnan mo, Rufino!" anang tatay niya. Sa kamay nito, ipinakita ang malaking isdang ngayon ko lang nakita sa tana ng aking buhay.

Nangunot ang aking noo. O baka, nakakita na ako niyan noon, sadyang hindi ko lang matandaan kung ngayon lang ba talaga o hindi.

The man he named, squatted in front of me to fix the old blanket that gave me warmth. "Pasensiya ka na, anak. Bukas ay hindi muna kita isasama." Tumayo siya upang ipagpatuloy ang paghila sa lambat. "Hindi nakabubuti sa kanya ang napupuyat. Baka bukas ay ako lamang ang pumalaot." Sumulyap sa akin ito saglit. Bagama't may katandaan na, malakas at sanay nitong hinila ang mabigat na lambat na puno ng isda.

Nagmadali akong tumayo upang tulungan siya. Nanginginig ang aking braso bawat hila noon.

"Doon ka nalang sa gilid. Kaya ko na ito."

"Tay, kaya ko." Kinindatan ko siya bago ngumisi.

Mabilis natapos sila Banyera dahil tatlo sila. Mas bata rin ng ilang taon ang ama niya kaya mabilis sila kumilos, hindi gaya ni Tatay na kaya naman ngunit may katagalan lamang.

"Doon ka na, Katya. Ako na rito."

"Salamat, Kuya Baldo." Ibinigay ko sa nakatatandang kapatid ni Banyera iyon bago tumalikod. Nakuha ni Banyera ang kumot, siya ang naglagay noon sa aking katawan bago nakinood sa pagtulong ng ama at kapatid niya sa aking tatay.

Hindi lamang kami ang nakahuli ng maraming isda. Maging ang iba rin naming kasabay. Habang pabalik sa pangpang, ganoon na rin ang pagkain ng liwanag sa madilim na karagatan.

I watched the loud and cheerful group on the other larger boat on front. Just like us they were celebrating! Nagkakantahan at nagbibiruan kami nila Banyera sa tuwa sa dami ng nahuli.

"Sa dami ng nahuli, may pambili na ako ng bagong damit para sa nalalapit na pista nito. Ikaw, Katya?"

Kalmado kong ninamnam ang simoy ng hangin. Kahit pa maliwanag na ay malamig pa rin iyon. Ngumiti ako. "Okay na sa akin ang mga damit ko. Kailangan ba bago ang suot kapag pupunta ng pista?"

Kita ko ang pag-angat ng tingin ni Banyera sa aking tatay. Iniisip kasi niya, walang pakialam ang magulang ko pagdating sa mga ganoong bagay. Kumpara sa kanila, higit na mahirap lamang kami. Pinagkakasya ang napagbentahan ni tatay para sa pagkain namin maghapon at gamot ni nanay.

Sa totoo lang, matagal na akong gustong bilihin nila nanay at tatay ng bagong damit. Ako lang mismo ang tumatanggi dahil mahalaga ang kalusugan ni nanay. Palagi kasi siyang inuubo at nilalagnat. Hindi gaya kong tinamaan lang ng karamdaman, ngunit sa ngayon ay alam kong magaling an ako.

"Oo naman! Marami tayong makikitang mga guwapo at mayaman na turista. Malay mo, doon mo makilala ang mapapangasawa mo!"

Nanlaki ang aking mga mata.

Ganoon ba iyon? Kung makakakilala nga siya ng guwapo at mayamang turista, masuwerteng matatawag. Una, bihira na ngayon ang mayaman na guwapo pa. Pangalawa, hindi niya nabanggit kung mabait. Paano kung malupit pala? Kung mabait nga, matatawag kung tunay na masuwerte siya kung mangyayari iyon.

Minasdan ko siya mula ulo hanggang paa.

Banyera was a type of woman who possessed an Asian beauty. Tan skin. Taller than me even if I had enough height too. Black long hair. Itim na itim ang kanyang mga mata, bagay na kinaiinggitan ko sa kanya gaya ng kanyang buhok. Samantalang ang akin ay kulay asul na kakulay ng dagat kapag nasisinagan ng araw.

Kung mangyayari nga ang masuwerteng pangarap niya, magiging masaya ako para sa kanya. Naniniwala kasi akong lahat tayo ay may kanya-kanyang hinaharap. Hindi man maganda o makakabuti, naniniwala akong minsan sa buhay ng isang tao ay may darating na swerte. Panalangin ko lamang ay ang swerte na dumapo sa amin ay iyong buhay na alam naming mag-aangat sa kahirapan mayroon kami ngayon.

Tumulong kami ni Banyera sa pagbenta ng mga nahuling isda.

Sa consignation, dinagsa si tatay ng mga suki niya. Iyon nga lang, kahit mas madami ang kila Banyera na isda ay mas mabilis na naubos ang amin.

"Pupunta ka ba sa pista, Katya?"

"Naku, Dandeng... baka hindi iyan sumama," si Banyera ang sumagot para sa akin.

"Bakit naman?" Dandeng gave me a sad gaze.

"Wala siyang damit na isusuot—"

Everytime I went here with my father, Dandeng was always persistent to invite me to any event. Palagi ko nga lang siyang sinasabihan na wala akong oras. Totoo naman kasi, matapos kasi nito ay uuwi kami para tulungan ko si nanay sa kanyang gamot at pagtatahi ng mga basahan para ibenta sa nanay ni Banyera. May puwesto kasi sila sa palengke, binibenta niya ang basahan namin para sa amin. Tulong nila.

I could say Dandeng's influence to all the fish vendor in the supermarket was epic. Kaya noong lumapit siya sa akin, isda namin ang dinagsa. Iniisip ng mga tao, mas maganda ang kalidad ng huli namin kahit pa iisang puwesto at iisang dagat ang pinaghulihan.

"Halika, Banyera. Tulungan natin ang tatay mong mabenta ang mga huli niyo ng makauwi na tayo."

"Ako ng bahala sa isusuot mo, Katya. Sumama ka na, minsan lang ang pista. Gusto mo ba, ipagpaalam kita kay Tatay Rufino?"

Lumapit sa akin si Banyera para bumulong, "Pagbigyan mo na. Masugid mong mangliligaw iyan, guwapo naman at may malaking kita. Balita ko'y konsehal ang tatay niya. Kung magkakatuluyan kayo, tiyak maaahon mo na sa kahirapan si Nanay Gal at Tatay Rufino."

Aaminin kong sa lahat ng mga kalalakihan dito, si Dandeng nga ang pinaka-angat sa buhay. Maputi at may tamang pangangatawan na bagay sa kanya. Magalang siya sa matatanda, ngunit para sa akin ay presko at makulit. Don't get me wrong, okay. He was generous to me and my parents. One time when Nanay Galilea was attacked by her asthma, Dandeng was there to the rescue and lend us his car to bring Nanay to the Hospital.

Kung tutuusin, puwede kong gawin ang gusto ni Banyera. Sadyang marami lang gumugulo sa isipan ko.

"Hindi na, Dandeng. Salamat." Ngumiti ako.

Umawang ang kanyang labi at napakamot sa batok. "May ilang araw pa. Kapag nakapag-desisyon ka na. Sabihan mo lang ako."

Tumango ako at muling ngumiti.

Hinila ko si Banyera patungo kila tatay. Paubos na ang kanilang paninda. May ilang mga vendor ang bumili at pinakyaw ang isda kaya tumulak na kaming pabalik sa nayon. Gaya ng madalas kong gawin kapag nasa munting kubo namin, tinulungan ko si Nanay sa pagbangon upang makakain ng kakalutong lugaw.

Nang makakain ay pinainom ko siya ng gamot.

I knew to myself that something was wrong to me but I didn't bother myself to ask parents or question them since they've been nice to me to the point I felt sheltered and satisfyingly happy. Sakto ang laki ng kubo namin. Sa sala ay may TV. Bukod din ang kuwarto ko sa kanila. Kumpara sa kanila sa sa gawang kawayan ang hugaan, ang higaan ko'y may malambot na comforter na binili ni tatay para sa comfort ko noong magkasakit ng ilang Linggo.

Gusto kong ibigay na iyon kay nanay, ngunit nangako ako sa sarili ko na magsisikap ako ngayon para ibili siya noon.

Ang kusina namin ay maliit kumpara sa sala, ngunit may partition iyon. May refrigerator na maliit, sapat lang na stocks ng gulay at raw meat ang naroon. Pinagkakasya namin para sa aming pagkain sa isang Linggo. Tumulong ako kila nanay sa pagtatahi ng basahan. Si tatay ay nagpapahinga sa tanghali dahil sa hapon ay tumutulong siya sa palengke sa puwesto nila Banyera para magbuhat ng mga paninda.

Sa hapon naman, minsan ay sumasama ako kila Banyera at pinsan niya sa tambayan malapit sa manukan.

Ganoon ang nakagawian ko ng dalawa o higit pang buwan.

Kalmado kong pinanood ang pag-aagaw ng kulay kahel at dilim ng karagatan. This was the exact view I've noticed in the sunrise too. How weird to witness the same event in a day constantly even if there was no constant thing in this world. Except for those people living luxurious life. For rich people who live beyond our Island, for sure they will constantly felt beyond lucky for having anything without lifting a finger. Unlike us here, we were hassling hard to earn five hundred pesos to feed ourselves.

"Paano kapag may nakilala kang foreigner?"

Siniko ni Banyera ang pinsang babae. "Mag-aaral ako mag-english, Janice. Para hindi tayo mapahiya. Teka... hindi baa ng English ng ano ang pangalan mo ay what's your name? Ano nga ulit ang English ng kamusta?"

Janice lived beside Banyera's house. Gawa rin iyon sa kubo, ngunit mas malaki kaysa sa amin. Mas malaki nga lang ang kila Banyera at sementado pa. Gusto ko nga ang sala nila. May malambot silang sofa, hindi gaya sa amin na gawa sa kawayan. Okay lang din naman, ang mahala ay hindi nawawalan ng oras si tatay na samahan kami ni nanay na manood ng paborito naming teleserye sa tanghali bago matulog. Iyon ang nagiging bonding naming tatlo.

Kapag nakikita kong masaya ang magulang ko, may kakaibang galak at init sa aking puso.

Tumawa si Janice. "How are... he? Her?" Nagkamot ito ng ulo. "Bumili nalang tayo ng dictionary."

Mula sa tanawin ay sumulyap ako kay Janice. "How are you?"

Tumitig sila sa akin, tila napaaga ang pasko.

Umusog sa tabi ko si Banyera at ngumiti. "Ano ang English ng masaya ako na nagpunta ka rito?"

I confidently answered, "I am glad you visit in this Island."

Humagikgik si Banyera habang ginagaya pabulong ang sinabi ko. "Ang guwapo mo, Sir."

"You are handsome."

"Mahal na mahal kita, Sir Pogi?" dagdag niya pa.

"I love you very much, Mr. Handsome. Or I like you so much, Sir." Natigilan ako sa mga sinabi. Sa pagkakaalam ko kasi, gaya nila Banyera. Walang kakayahan sila tatay na pag-aralin ako.

Saan ko nakuha ang mga ito?

Tumawa si Janice. "Ang galing mo naman, Katya! Akala ko ba ay hindi ka nakapag-aral. Bakit alam mo ang ganyan?"

Bagong lipat lang kami rito nakaraang taon sabi ni tatay. Siya ang nauna ng anim na buwan dito bago kami kinuha ni nanay. Ngunit hindi naman kami nanirahan sa siudad. Sabi ni tatay, nasa kaparehas na isla kami ngunit ibang nayon. Dito niya napili dahil naging malapit siya sa tatay ni Banyera at mababait ang mga kapitbahay. Nagustuhan rin kasi ang natutunang trabaho.

"Hindi ako nakapag-aral." Naalala ko ang mga libro sa silid ko. "Mahiligl ang ako magbasa."

Ngumiwi si Banyera. "Nakakaganda baa ng pagbabasa ng libro?"

Tumawa si Janice. "Normal ng maganda si Kayta, Banyera. Naku, magbasa ka nalang ng libro para kahit papaano sa talino ay hindi mapahiya ang pamilya natin."

"Makapagsalita! Bakit hindi mo rin gayahin."

"Mahilig lang ako tumingin sa guwapo at mayaman, pero masaya na ako sa boyfriend ko. Tsaka alam ko ang English ng mahal kita. Ikaw lang ang walang alam Banyera dahil single ka pa rin hanggang ngayon." Bumaling sa akin si Janice. "Maiba tayo. Nakita ka raw ni nanay na kausap si Dandeng. Patay na patay sa'yo iyon. Hindi ba't noong nakaraang Linggo ay pumunta sa inyo na may dalang isang basket ng prutas? Umaakyat na ba ng ligaw? Grabe, kakilig! Sana maging ganoon ang boyfriend ko. Sweet at caring! Bagay kayo. Maganda ka, tapos guwapo si Dandeng."

Ngumiwi ako ng sabay silang kinilig ni Banyera.

"Gusto niyong sumama bukas? Lalangoy kami sa Isla malapit sa Purungaya para sa perlas."

Magkakasabay kaming bumaling sa kadarating lang na si Kuya Baldo. Sa likod nito ang mga kaidarang kaibigan na pinaghalong babae at lalaki. Ang sino mang kabigan niya ay malapit din sa grupo naming tatlo. Kahit hindi nag-uusap, magkakasabay kaming tumango nila Banyera at Janice.

"Katya, ipagpapaalam ka namin kay Tatay Rufino. Hindi ba't nagkasakit ka?" isa sa mga babaeng kaibigan ni Kuya Baldo.

"Naku, magaling na ako. Sasama nga lang ako sa madling araw—"

"Tigas ng ulo nitong si Katya. Baka mabinat ka at lalong hindi makasama. Magpahinga ka, sa tanghali na lakad ka nalang sumama."

Ayaw ko man iwan si Tatay Rufino na mag-isa, alam ko namang sinasamahan siya ni Banyera at ginagabayan ni Kuya Baldo at ng tatay nila. Isa pa, gusto ko rin sumama sa pagkuha ng perlas. Marunong akong lumangoy, bagay na confident kong maipagmamalaki dahil minsang sumama ako kila tatay sa pangingisda, isa ako sa lumangoy. Iyon nga lang, kinabukasan ay inatake ako ng mataas na lagnat. Ngayon, tiyak akong hindi na. Okay na ako!

Ganoon nga ang nangyari.

Mahimbing ang tulog ko ng umaga, nagising ako bigla nang maalala na kailangan kong magluto ng sabaw para sa agahan namin. Baka nariyan na sila tatay! Binuksan ko ang maliit naming refrigerator. For a fleeting seconds, I saw an image of double door and huge refrigerator. Just like what I did, I opened it and saw a bunch of foods, meats in Tupperware, drinks, fruits, vegetables, and chocolates.

I shook my head and then the luxury view changed into limited stocks.

May nakita akong kalahating repolyo at naka-plastic na laman ng baboy. Kinuha koi yon at naisip na magninilaga nalang para mainitan ang sikmura ni Nanay at Tatay. Wala akong alam sa pagluluto, sa gabay ni tatay noon sa akin ay nakasanayan na rin. Pili nga lang, iyong itatambog lang at pakukuluin ng saglit.

Nang matapos magluto, naligo na ako at naghanda para sa lakad namin mamaya.

Gumising si nanay na agad ko ring tinulungan.

"May lakad ka, anak?"

Natigilan ako sa pag-akay sa kanya, napansin ang nakangiti niyang labi na umabot hanggang kanyang mata. Nakatanglaw sa akin iyon, tila ba sinasabing gusto niya ang kanyang nakikita. Ngumiti ako pabalik.

"Lalangoy po kami malapit sa Purungaya Island para sa perlas, nanay. Kapag nakakuha ako ng isa, ibebenta ko."

Nawala ang saya sa labi niya. "Alam ba iyan ng tatay mo? Naku, anak!"

"Nagpaalam po kami kagabi, kasama naman po namin si Kuya Baldo at mga kaibigan niya. Hindi po sila hihiwalay sa amin nila Banyera." Sinubukan kong samahan ang himig ko ng masaya para ngumiti ulit siya, pero nanatiling nag-aalala ang mga iyon. "Huwag po kayo mag-aalala. Kaya ko po. Sanay akong lumangoy."

"Nasa pusod ng dagat ang perlas anak. Natatakot akong baka—"

Tumawa ako. "Nakalangoy na po ako sa—"

"Gusto mo ba ng perlas? Ibibili ka namin ni Rufino. Huwag ka lang—"

I pulled her for a hugged. Hinimashimas ko ang likod niya gaya ng ginagawa niya kapag masama ang pakiramdam ko noon. "Hindi ko po kailangan ng perlas. Gusto ko lang pong ibili kayo ng malambot na higaan."

"Sanay naman ako sa papag."

"Hindi maganda na matigas ang higaan niyo nanay."

Huminga siya nang malalim. Ang atensyon ay napunta sa likuran ko. Doon ko lang napansin na naroon na pala si tatay at nakikinig sa pag-uusap namin ni nanay. Sa huli, sumama si tatay sa amin sa border ng Purungaya Island. Hindi dapat siya lalangoy, ngunit para mabigyan kapanatagan si nanay ay siya ang naging mata ko sa ilalim ng dagat.

Naging mahirap sa grupo ang makakuha, idagdag pang masyado kaming marami.

Ngunit gaya kahapon, nasa amin ang suwerte at lahat kami ay nakakuha ng higit sa tatlong perlas lahat. Hindi madali iyon, tinulungan din ako ni tatay. Ang nakuha niyang perlas ay ibinigay niya sa akin.

Nang makabalik kami sa nayon.

Para kaming mga yagit na excited na nagpunta malapit sa consignation para maghanap ng maliligaw na turista na pagbebentahan noon. Iyon nga lang, maghahapon na ay wala pa rin kaming mahanap ni Banyera.

"Ginugutom na ako." Si Janice na pawisan na at nagtali na ng buhok.

"Balik nalang tayo mamaya. Tara Katya. Magmiryenda muna tayo ng turon ni Ka Sela." Panay ang linga ko, desididong mabenta ang hawak na pitong perlas.

Sa dami namin, dalawa lang ang nakapagbenta. Puro pa sila babae na lakas loob na binentahan ang mag-syotang nagdaan na tiga- Owl City Main. Walang gaanong turista na nagagawa sa consignation, unless it was time of selling fish which was around six in the morning. Kapag ganitong oras ay wala na talagang tao rito, bukod sa mga naninirahan sa nayon. Gusto ko lang naman mabilhan si nanay ng malambot na higaan, anong masama roon?

Bakit walang turista?

Pagod at gutom akong yumuko.

Nakita ko sa malayo ang pag-uwi ni Janice. Si Banyera ay lumapit sa gilid ko.

"Masama ba ang pakiramdam mo? Namumula ang pisngi mo Katya!"

Umiling ako. Naiiyak na kung ano habang mariin ang hawak sa perlas. "Kailangan nating mabenta ito, Banyera."

"Syempre naman. Pero gutom na kasi ako, gusto mo balik nalang tayo? Doon tayo sa dulo, maghanap tayo ng turista. Hindi tayo uuwi hanggat hindi nabebenta lahat."

Nagkaroon ako bigla ng pag-asa dahil sa sinabi niya. Tumango ako, buon ang loob na tumayo na sinabayan niya.

"Ano nga ulit ang English ng kain muna tayo?"

Tumawa ko. "Let's eat first."

"Okay. Let's eat second, third, and forth." Hinuli niya ang pulso ko at hinila na pabalik sa nayon.

Bahagya akong natigilan sa narinig, pero ipinagkibit balikat ko iyon. Sa bahay namin kumain si Banyera ngunit nagdala siya ng makakain mayroon sa kanila. Inaaya niya si Tatay Rufino at Nanay Gal kaya napilitan kumain ang dalawa. Tawa ng tawa si Nanay Gal sa kuwento ni Banyera tungkol sa muntik kong pagkakalunok sa perlas kanina.

"Hindi niya raw alam kung totoo ang perlas, kinagat ba naman!"

Matapos ng masiglang miryenda ay tumulak na kami ng palabirong kaibigan. Patuloy kami sa tawa habang binabagtas ang kahabaan ng dalampasigan nang may maaninaw kami sa dulo naka-dock na malaking barko. Kumpara sa mga nakikita kong karatig o malaking bangka, ang isang ito ay yari sa metal at mukhang mamahalin. May logong kulay ginto sa gitna nito na letran O.

"Excuse me."

Mula sa inaaninaw na nakakamanghang barko, sabay kaming lumingon ni Banyera sa nagsalita sa kaliwang bahagi. Isang matipuno, matangkad at mukhang foreigner ang bumungad sa amin. Naka-puting shirt siya, ang unang tatlong butones noon ay nakabukas. Marahas ang ihip ng hangin, sumasayaw iyon kaya't malinaw kong nakita ang maliit na buhok na naroon.

Natatakpan ng itim na sunglasses ang kanyang mata. Inalis niya iyon para mas makita kami ng malinaw. Gaya ko, may asul din siyang mga mata. Malamlam iyon habang nakatitig sa akin o kay Banyera? Lumapit pa para muling magsalita.

"Do you know a person who can help us?"

Mangha pa si Banyera habang nakatitig dito. Ako naman ay tinanaw ang malaking barko, sa gilid ng dalampasigan ay napansin ko ang maliit na inflatable boat na kulay orange. Siya siguro ang sakay noon. Nasa postura nitong lalaki ang kakayahang magkaroon noon. Ang kutis din niya ay bagama't tan, halatang anak mayaman. Ang accent pa ay maganda at sexy.

Gaya niya!

"Sa'yo ba iyon?" tanong ko ng hindi siya nililingon.

"Yes. Uh, I'm sorry taking your time ladies, but do you know someone who can fix the engine motor of a Yacht?"

Siniko ako ni Banyera. "Nagdurugo ang ilong ko. Anong sabi?"

"Ngayon lang kami nakakita ng Yatch. Baka walang makakatulong sa'yo rito." Hinawakan ko sa pulso si Banyera para hilain patungo sa pupuntahan namin, pero hindi ito nagpaunlak. "Tara na, Banyera! Ibebenta pa natin itong perlas."

"Wait up ladies, I'm kind of lost. Please, I need someone who knew this place so I could find a person who can fix the Yacht?"

"Ano raw ulit?"

Muli kong tinanaw ang malaking barko. That was Yatch, huh! "Ikaw lang ba ang sakay niyan?"

"Unfortunately, yes. I am lost too. Don't have an idea where I am now."

Huminga ako nang malalim. Magdidilim na at kailangan pa namin ibenta ang perlas. I am torn between helping this person and selling the pearl.

"Lost? Naliligaw ka?"

Gulat kong nilingon si Banyera. Hindi ko alam na may alam pala siya kahit papaano sa English. Baka may idea nga siya, hindi lang siya sanay mag-construct ng sentence.

"Yes, ma'am."

Siniko ako ni Banyera. "Tulungan natin. Sila tatay, baka matulungan siya."

Hindi ako nakasagot agad ng magkatinginan kami nitong lalaki. May kakaiba sa mata niya na nagpapakaba sa akin sa hindi maipaliwanag na dahilan. Gaya nalang ni Dandeng, hindi ako comfortable. Pero mas iba ang sa lalaking ito. Hindi ko naman siya kilala at ito palang ang encounter namin. I am already uneasy.

"Tiga saan ka ba, pogi?"

"I'm from the Casa Blanca."

Nagkatinginan kami ni Banyera. Parehas naming hindi alam ang lugar na iyon.

"Tara. Sama ka sa amin. Baka alam ni Tatay ang—"

Ako naman ang sumiko sa kanya. Paano kung mapanganib ang taong ito? Hindi dapat kami agad-agad nagtitiwala. Walang masamang tumulong, kaso sad ala niyang barko bakit kakailanganin pa niya ng tulong kung sa tingin ko ay kaya naman niya yata ang sarili niya?

This was exactly what I am saying about the constant luck of rich people to a person like us. Rich people had all the means to provide themselves what they needed while us poor took the time to provide our wants.

"Bakit?" medyo iritadong tanong ni Banyera sa akin, pero noong bumaling sa lalaki ay biglang nagpa-cute.

"Baka masamang tao iyan."

"Naku, Katya. Kung masamang tao 'yan, baka palapit palang tayo patay na tayo."

May punto siya. Bahagya akong nakaramdam ng matinding hiya nang mahuling titig na titig siya sa akin. Baka naiinis na inaakusahan ko siya ng ganito, siya na nga ang humihingi ng tulong at sa paraan ng approach niya ay mukhang mali nga ako ng kutob.

"Paano itong ibebenta nating perlas? Baka wala ng turista sa pupuntahan natin?"

"Katya may bukas pa. Relax!" Bumaling ulit si Banyera sa lalaki. "What is your, uh. Anong pangalan mo, pogi?"

Nanatili ang titig nito sa akin. "My bad. I forgot to introduce myself, ako nga pala si Cameron Oswold III. Call me, third ladies."

"Baniella nga pala. Tawag nila sa akin ay Banyera, kasi mahilig ako noong bata na maligo sa banyera ng mga isda." Pinalupot ni Banyera ang kamay sa braso ko. "Ito naman si Katya. Katya Valenzuela."

Naglahad ng kamay ang lalaki patungo sa akin. "Nice knowing you, Katya."

It was rude to ignore it. I politely shook his hand while glaring back at him in a casual manner while he had these deep and unsaid words in the eyes as he glared back at me. 

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...