Fucker Series #6: YLLER

By Enaruol

34K 1K 643

Yller M. Newz is a renowned attorney and a bar top notcher, who would have thought that Attorney Newz who nev... More

INTRODUCTION
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
Author's Note
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHPATER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16

CHAPTER 7

1.3K 60 39
By Enaruol

Nang makabalik siya sa kanyang puwesto ay binigyan siya ng kaniyang guro ng inumin at makakain.  Tahimik na kumain si Nikolai, samantalang si Yller ay nakatingin lang sa kanya.

Lumingon si Nikolai sa kinaroroonan ni Yller at nagtama ang kanilang mata.  Kitang-kita ni Yller kung paano siya kindatan ni Nikolai at ang pagtaas ng sulok ng labi nito, tila'y himahamon siya ng asaran.  Hindi mapigilan ni Yller na mapairap sa inasal ng bubwit na bata samantalang si Nikolai ay napahagikgik sa ginawa ng abogadong iyon.

"Nikolai"

"Hmm?"

Lumingon si Nikolai nang tawagin siya ng kaniyang guro.

"Lets go"

Tumango siya at naglakad papaalis sa kanilang puwesto.

Natapos ang patimpalak ay dumiretso si Nikolai papasok sa sasakyan.  Nang makaupo ay sumandal siya at pumikit. Naramdaman niyang umandar na ang kaniyang sinasakyan ngunit ilang sandali ay narinig niyang nagsisiiyakan ang mga kapwa niya mag-aaral.

Dumilat si Nikolai at nakita niyang yakap ng mga guro ang mga bata at nagbigla siya nang yakapin din siya ng kaniyang guro.

"Maam, what happened?"

"The break of this vehicle is broken"

Nabigla si Nikolai at bago pa man siya makapagsalita ay nakarinig siya ng malakas na tunog kasabay ng pag-untog niya sa bintana ng sasakyan at tuluyan siyang nawalan ng malay.

Habang papunta sa isang kliyente si Yller ay nakita niya ang isang sasakyan na nakatagilid. Yupi ang unahan nito at rinig niya ang paghingi ng saklolo ng mga tao sa loob. Agad siyang tumawag ng pulis upang humingi ng tulong. Nabigla siya nang makitang tumatagas ang gasolina mula sa sasakyan. Mabilis siyang umaksyon, dali-dali niyang binuksan ang pintuan at nakita niya ang mga guro na naghihingalo at ilang mga bata na nawalan ng malay, may iba na humahagulgol nang iyak habang tinatawag ang kanilang ina. Nakita niya ang drayber at napailing siya dahil wala na itong buhay.

Ang una niyang kinuha ay ang mga bata. Nang maialis niya ang mga bata ay nagpatulong siya sa mga motorista at iba pang taong nakapaligid upang ayusin ang pusisyon ng sasakyan. Nagtulong-tulong sila upang mailabas ang lahat mg mga nakasakay sa sasakyan. Matapos nilang mailabas ang mga bata ay nagsidatingan ang mga pulis upang imbestigahan ang nangyari.

"Attorney"

"Sgt. Fierro"

Ngumiti sila bilang pagbati sa isa't isa. Doo'y inumpisahang isalaysay ni Yller ang nangyari. Matapos silang mag-usap ay dumating ang isang pulis. Sumaludo ito kay Sgt. Fierro bago nagsalita.

"Sir, hindi po kasya sa ambulansya ang mga biktima."

Lumingon si Yller sa mga nasugatan at doo'y nakita niya si Nikolai na nakahiga at walang malay, duguan ang mukha nito, ibang-iba sa mapang-asar na bata kanina. Parang may kung anong tumusok sa kaniyang dibdib.

"Ako na ang bahala sa batang iyon."

Hindi pa man nakasagot si Sgt. Fierro ay dali-daling lumakad si Yller sa kinaroroonan ni Nikolai. Binuhat niya ito papasok sa kaniyang kotse at madali niyang pinatakbo papunta sa Jones Hospital.

Tinawagan niya si Blue upang ipahanda ang personal niyang kuwarto gayun din ang pagiging VIP patient ni Nikolai.

******

Nagtataka si Hier nang makita niyang hindi magkandamayaw sa pag-aasikaso si Blue matapos makatanggap ng tawag mula kay Yller.

"Ano nangyari?"

"Ipinapahanda ni Yller ang kuwarto niya at nagpapaasikaso ng VIP."

Hindi agad nakasagot si Hier dahil may kumatok sa pinto.

"Pasok."

"Dr. Jones, nasa baba na po si Atty. Newz buhat-buhat ang isang bata, duguan at walang malay. Sa ngayon si Dr. Santos ang nagbibigay ng first aid sa bata."

"Sige papunta na ako"

Sumama si Hier kay Blue papunta kay Yller.  Nang makarating ay kitang-kita nila ang pangangatog ng katawan ni Yller at namumulang mata nito.  Halatang kagagaling sa iyak at walang patid ang paglalakad nito.

Tinawagan ni Blue ang kaniyang tiyahin at sinabi kung ano ang kalagayan ni Yller.  Sa tinagal tagal ng pagihing normal nito, ngayon nila muling nakita ang pag-atake ng sakit nito. 

"Blue, he needs to calm down. You know what to do."

"Thanks Aunt."

Madaling inutusan ni Blue ang isang nars upang turukan nito si Yller ng pampakalma.

Matapos maturukan ay nahimatay si Yller, agad siyang binuhat nina Hier at Blue papasok sa kuwartong nakalaan para sa kanya. Matapos nilang asikasuhin si Yller ay pumasok sa kuwarto ang isang doktor

"Dr.  Jones,  maayos na ang batang dinala ni Atty.  Newz."

"Sige,  dalhin mo dito sa kuwarto ang bata."

"Okay po. "

Naupo sa isan'tabi sina Hier at Blue. Ipinasok sa loob ang bata at nabigla sila nang makita nila ang itsura nito.

"Hier... He looks like him."

Nagpapalit-palit ng tingin sina Blue at Hier kay Nikolai at Yller.

Doon pumitik sa isipan ni Hier ang nangyari noon.

"Hier, anong alam mo? Bakit hindi ka nagsasalita?"

"Destiny"

Napakunot ang noo ni Blue nang marinig ang sinabi ng kaibigan.

'Baliw na nga 'to. Tsk... May sayad talaga.'

Kinabahan si Hier, natitiyak niya na mag-ama ang dalawang nakahiga sa kama.

'Where is she? It is better that she won't come here.'

Muling naalala ni Hier ang itsura ni Yller kanina... Nag-aalala siya sa sasapitin ng kaibigan kung sakaling malaman nito ang katotohanan.

'Bahala na, kung ano ang mangyari.'

Alam ni Hier na hindi niya hawak ang tadhana ni Yller. Kahit anong pigil niya, hindi niya kayang itago ang katotohanan habambuhay.

"Dr. Jones, we got this ID with contact number in his pocket."

Napatingin sina Blue at Hier sa nars.

"Contact his Mother. By the way, what is his name?"

"Nikolai Claud Barrenya."

Napangiti si Hier nang marinig ang apelyido nito. 

'Siguro nga, tama lang na magkita sila. Maybe this would be better'

********

Nang makatanggap si Claudia ng tawag mula sa ospital ay dali-dali siyang tumayo sa higaan at lumuwas papuntang Manila. Gustuhin man niyang bilisan ang biyahe ngunit wala siyang magawa dahil tatlong oras ang aabutin mula sa probinsya papuntang Manila.

"God please... No."

******

Makalipas ang isang oras ay nagising si Yller. Agad siyang tumayo at pumunta sa kinaroroonan ni Nikolai.

"Blue, what happened?"

"He's fine. He needs to take a rest for while."

Nakahinga ng maluwag si Yller at marahang kinurot ang pisngi ng bata.

"Salbaheng bata, pinag-alala mo ako."

Mababakas ang kaginhawaan sa mukha ni Yller gayundin ang pamumuo ng luha nito sa sulok ng kaniyang mata.

"Wow, para kang tatay. Sabihin mo nga, ikaw ba ang ama ng bata? Magkamukha pa kayo, tingnan mo... Oh, 'di ba!"

Naalala ni Yller ang kakulitan ng bata at ang pamimilit niyang tawagin siya nitong daddy. Natawa si Yller tiyaka tumango.

"Yeah, I'm his daddy."

"I don't have an ugly dad like you. Don't over estimate yourself."

Napatingin sila sa bata at ang nanlilisik nitong mga mata. Napahagikgik sina Blue at Hier, mukhang nakahanap ng katapat ang baogagong matalas ang dila.

"As if you are cute like my future son. I'm too young and I don't like to have a little devil as my son."

"Same here, you're quite handy to be my dad. I won't lower my standard."

Napahagalpak sina Blue at Hier samantalang si Yller ay natameme sa sinabi ng bata.

"O, sige na. Hindi na kayo magkadugo. Hahaha, mauna na ako, Yller. May pasyente pa ko."

"Ako rin, may aasikasuhin pa ko"

Lumabas sina Blue at Hier. Naiwan naman sa loob ng kuwarto sina Yller at Nikolai.

"Attorney."

Tumingin si Yller nang tawagin siya ni Nikolai.

"Thank you."

Ramdam ni Yller ang kagalakan ng bata at ang natural na ngiti nito. Wala sa sariling kumilos si Yller at niyakap si Nikolai.

" Magiging maayos din ang lahat."

Ramdam niya ang takot ni Nikolai at ayaw niyang ma-trauma ang bata sa nangyari. Sa oras na iyon ay hindi napigilan ni Nikolai na umiyak. 

"I'm afraid, I thought that is the end.  I want to be with mother, what will happen to her if I'm gone.  I don't want her to be sad.  I'm afraid Attorney, I don't want to die."

Sa bawat salitang binigkas ng bata ay siyang paghagulgol niya. Niyakap siya ng mahigpit ni Yller, pilit niyang pinadadama ang kaniyang presensya upang may mahawakang pundasyon ang bata sa oras na iyon.

"Nikolai, I'll be your father but it doesn't mean that I'll be with your mom. I don't know her, I want you to have a father, who will protect you, provide your need and show you how to feel to have a father."

"I don't—"

"No buts Nikolai"

Napangiti si Nikolai kasabay nang pag-iling.

"I'm too handsome to be your son."

Natawa si Yller dahil ayaw magpatalo ni Nikolai. Ginulo niya ang buhok ng bata tiyaka tumayo.

Naging maayos ang pag-uusap nilang dalawa at hindi nila namalayan ang oras. Natigil sila sa pag-uusap nang pumasok sa loob ng kuwarto si Claudia.

Nang makita ni Yller ang babaeng pumasok sa kuwarto ay agad siyang napahinto. Iyon ang babae sa kaniyang panaginip, naalala niya pa noon na ginawa niya ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon ngunit napatunayan ang katotohanang hindi totoo ang nasa panaginip niya. Ngunit mukhang pinaglalaruan siya ng tadhana, dahil kung kailan niya hindi hinahanap ang babae ay kusa nitong inalay ang sarili sa kaniyang pintuan.

Hindi napansin ni Claudia si Yller, dali-dali siyang naglakad papunta sa anak tiyaka niya niyakap si Claud, hinalikan niya sa noo at nagpasalamat sa Diyos.

"Claud, are you okay? May masakit ba sayo? Tell me."

Ngumiti si Claud tiyaka pinunasan ang luha sa pisngi ng kaniyang ina.

"Maayos na po ako ma."

Mas humigpit ang yakap ni Claudia kasabay ng kaniyang pagpikit. Nang idilat niya ang kaniyang mata ay sumambulat sa kaniya ang demonyong pilit niyang kinalimutan, si Yller.

Pilit na pinigilan ni Claudia ang pangangatog ng kaniyang katawa gayundin ang pag-init ng kaniyang ulo. Alam niyang anumang oras ay maghihisterikal siya, pilit niyang pinagana ang pagiging rasyunal.

Bumitiw siya sa pagkakayakap at tinitigan sa mata si Yller.

"Bakit ka nandito?"

"Uhm, by the way. I'm Attorney Newz, I helped your son that's why I'm here."

"Nikolai, explain."

Napansin ni Nikolai ang pag-iiba ng timpla ng kaniyang ina kung kaya't pinaliwanag niya sa kaniyang ina isa-isa ang mga nangyari.

"Thank you Atty. Newz. You may go."

Napakunot ang noo ni Yller sa tono at asal ng ina ni Nikolai. Para bang nagbagong anyo ito mula sa pagiging anghel hanggang sa pagiging Ms. Minchin na ubod ng sungit.

"Sorry but I think we have a problem Ms. Barrenya. May I know if we have met before? Why you seems so angry at me?

Tumaas ang kilay ni Claudia, sa totoo lang gusto niyang hambalusin ng upuan ang lalaking nasa harapan niya.

"Ngayon lang kita nakita at nakilala Mr. Newz."

"Ms. Barrenya, I want to be his father."

Natigilan si Claudia at agad na sinampal si Yller.

"You are not qualified Mr. Newz. Get out!"

Napansin ni Yller ang pag-iyak ni Claudia at ang masamang tingin ni Nikolai.

'This is the first time that I got hit by a woman. Damn.'

"Nikolai, mukhang kailangan naming mag-usap ng mommy mo."

Hindi pa man nakakasagot si Nikolai ay binuhat na ni Yller na parang 'san sakong bigas si Claudia.

"Mabilis lang 'to. I won't hurt her... I promise"

Hindi na nakasagot si Nikolai dahil isinara na ni Yller ang pinto.

"Ibaba mo ako!"

"Attorney Newz! Idedemanda kita!"

"Ms. Barrenya, I'm waiting for that day to come. I don't want to force you but please listen."

"No! No! RAAAAAPEEEE!"

Natigilan si Yller nang marinig ang sigaw ni Claudia, buti na lamang at walang tao, nakakahiya.  Dali-dali niyang ipinasok sa isang kuwarto si Claudia.

"No please..."

Nakita niya ang pangangatog nito at ang pag-iling.

"Ayoko na... Please Yller."

Natigilan siya nang banggitin nito ang pangalan niya.

That sounds familiar, the way she begs to stop. The fear in her eyes. This is so familiar.

That moment he knew that it was not a dream.

This woman... I raped her.


*******

This is it!

The most awaited chapter. Chos!!

Sorry if medyo natagalan ako sa pag-update. 

-En

Continue Reading

You'll Also Like

103K 4.6K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
371K 11.4K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...
30.6K 539 50
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
122K 2.7K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...