My Five Boy Friends: Season 2...

By Lebayn

7.6K 469 38

Everything happens for a reason, people come and go... But what if the reason that your looking for doesn't m... More

Prologue
MFBF: Sixty-five
MFBF: Sixty-six
MFBF: Sixty-eight
MFBF: Sixty-nine
MFBF: Seventy
MFBF: Sixty-seven
MFBF: Seventy-one
MFBF: Seventy-two
MFBF: Seventy-Three
MFBF: Seventy-Four
MFBF: Seventy-Five
MFBF: Seventy-six
MFBF: Seventy-seven
MFBF: Seventy- eight
MFBF: Seventy- nine
MFBF: Eighty
MFBF: Eighty-one
MFBF : Eighty-Two
MFBF: Eighty- three
MFBF: Eighty-four
MFBF: Eighty-Five
MFBF: Eighty-six
MFBF: Eighty-seven
MFBF: Eighty-eight
MFBF: Eighty- nine
MFBF: Ninety-one
MFBF: Ninety-two
MFBF: Ninety-three
MFBF: Ninety- Four
MFBF: Ninety-Five
MFBF: EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

MFBF: Ninety

166 10 0
By Lebayn




Xynon's POV




Few days after i had a conversation with them, when finally the case that Shawn filed against me got dismissed. I didn't waste any time and imideately go back to the school and look for her. My heart imideately skipped a beat when i saw her  walking through the hallway along with her friends

I wanted hug her, but I managed to distance myself from her. After watching her for a while, I already walked back to see Major Mendoza when I noticed that her locker was half opened. I stopped for a while and took an extra pen from her locker and wrote a piece of paper. I can't help but to smile while writing that short message for her


After that I immediately drove off to see Major Mendoza in his house. Nagtaka pa ko nung una nang mapansing hindi nakasara nang maayos ang gate nila, bigla akong nakaramdam nang kaba kaya minabuti ko nang pumasok.  Tahimik ang paligid, napalinga pa ko sa paligid para tignan kun may ibang tao pero bigo ako. Sinubukan kong buksan ang pinto at mas lalong nagtaka nang mapagtantong hindi ito nakalock.

Mabibigat ang mga yapak ko nang pumasok sa loob nang bahay. Maayos naman ang lahat at tahimik, akmang tatawagin ko na sana si Major nang makarinig ako nang nabasag na salamin sa taas. Hindi nako nagdalawang isip at patakbong umakyat saka dumiretso sa isang nakabukas na pinto. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa pinto saka sumilip, nanlaki naman ang mga mata ko nang umalingasaw ang malakas na putok nang baril





Fvck! Nakita nila ako!




Naging sunod sunod na ang mga maiingay na putok nang baril matapos nun, hindi naman ako makasilip sa kung anong nangyayari sa loob dahil sa palitan nila nang putok



Ibig sabihin maayos pa ang lagay ni Major!



Muli akong nagkaroon ng pagkakataon na makasilip sa loob nang matapos ang putukan. Palihim naman akong pumasok nang makitang nasa parehong nasa sahig na ang mga baril nila


"Sinong nagpadala sainyo dito?!" Dinig kong tanong ni Major Mendoza sa isang lalaking nakaitim na jacket at pantalon, na may itim ding bonet.



Napakunot naman ako nang mapansing may isa pang paparating na lalaki ang akmang susugod mula sa likod ni Major, kanya naman hindi na ko nag sayang nang oras at agad na tumakbo saka sinungaban nang suntok yung lalaki. Sabay kaming natumba pero agad akong tumayo para tulungan pa sana si Major na sinubukang makipag agawan nang baril dun sa isa pang lalaki, nang tadyakan naman ako nung lalaki sa likod dahilan para mapadapa ako sa sahig katapat nang isang baril.

Agad naman akong napatingin kay Major nang bigla akong makarinig nang sunod sunod na putol nang baril, kasabay nun ang unti unting pagbagsak ni nya sa sahig




"Major!" Tawag ko sa kanya saka agad na inabot ang baril na nasa harap ko't sunod sunod na pinagbabaril ang lalaking, sumipa sakin kanina



Akmang babarilin ko na din sana ang bumaril kay Major nang maubusan ako nang Bala



"Sh*t!" Inis na bulalas ko saka agad na binitawan ang baril at gumulong papunta sa likod nang kalapit na lamesang pinagtataguan ko kanina.



Muli naman akong napasilip sa lalaking bumaril kay Major, at laking gulat nang makitang nakakapit pa rin si Major sa kaliwang binti nya para mapigilan ito sa paglapit sakin. Kahit na sumusuka na nang dugo at patuloy na pinagsisipa nang lalaki gamit ang kabilang paa ay pinilit pa rin nyang kumapit dito at magsalita





"T-tuma--kas ka n-na Xy--non-- ah!" Dinig kong sigaw pa nito nang sunod sunod syang paputukan nang baril nung lalaki, mariin naman akong napapikit saka muling ibinalik ang paningin ko sa katapat na pader




F*ck!





"Antigas nang ulo mo ah! Kung nanahimik ka na lang kasi, baka hindi ka pa nahirapan!" Dinig kong saad nang isang di pamilyar na boses "Boy! Asan ka na ha? Ikaw yung Ravena diba? HAHAHAHA pag sinuswerte ka nga naman! Tiba tiba pa ko ngayon, at dahil pinatay mo ang kasama ko solong solo ko ang perang binayad nang nanay mo! HAHAHAHA!" Agad akong napakunot nang marinig ang mga katagang yun mula sa kanya, naging sunod sunod ang paglunok ko habang naghahanap nang paraan para makatakas sa sitwasyon na to





Pero anong ibig nyang sabihin?! Kasabwat nga nila si mom?! F*ck!





So I was right all along! That she used us! She tricked us!... But why?




"Tutal mamatay ka na lang din naman, gusto ko lang malaman mong matagal ka nang gustong patayin nang nanay mo! Kayong dalawa nang ate mo! Hindi ba nagkwento sayo ng ate mo?? Kamuntikan na syang lasunin nang nanay mo nung bata pa sya! Kung hindi lang sya nahuli nang tatay mo!" Dinig ko nanamang kwento nya dahilan para mas lalo akong mainis at magtaka




F*CK this sh*t! Why the hell is he telling me all this crap, now?!




Kasabay nang mga yapak nya ay ang mas lalong pagbilis nang tibok nang puso ko, sinubukan kong maghanap nang bagay na pwedi kong magamit laban sa kanya ngunit bigo ako




"Katapusan mo na boy" bigla akong nanigas sa kinauupuan ko nang maramdaman ang bunganga nang baril sa ulo ko, napapikit ako nang mariin kasabay nang isang malakas na putok











Pero agad akong napadilat nang makarinig nang malakas na kalabog. Dun ay nakita kong makahilata na sa sahig ang lalaking tumutok nang baril sakin kanina, dilat pa ang mga mata nya habang unti unting umaagos ang dugo mula sa noo nya



Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at napatingin sa kung saan nanggaling ang putok nang baril na iyon, at laking pagtataka ko nang makita si Tito William habang hawak hawak ang umuusok pang baril nya.





"Are you okay?" Seryosong tanong nya sakin at napatango naman ako bilang sagot




Habang pinipilit iproseso ang lahat nang pangyayari ay sya namang pagpasok nang limang mga lalaking naka tuxedo at agad na kinuha ang mga baril na nagkalat sa sahig, at mga bangkay




"W-what are they doing?" Wala sa sariling tanong ko kay Tito Will



"We'll fix this up, you should better go back to your house before the police arrives...baka makadagdag pa to sa kaso mo" seryosong sagot ni Tito Will saka agad na lumabas nang kwarto. Taka naman akong sumunod sa kanya



"How did you know that i was here?" Tanong ko uli sa kalagitnaan nang paglalakad



"Carlo asked for my help when those two came inside his house, it was just a coincidence that i found you here at the same time"






Nanatili kaming tahimik hanggang sa umabot sa labas nang bahay ni Major, akmang sasakay nako sa kotse nang tawagin nya naman ako






"Xynon..." Tawag nya dahilan para mapalingon ako sa kanya "Listen... about the wedding--"udlot na saad nya nang agad akong magsalita





"No...I owe you my life for today, but I can't let you take my life away from me forever. I'm sorry tito, but I could never allow your son to marry my wife"seryosong sambit ko sa kanya, akmang sasakay na uli ako nang kotse nang magsalita sya




"Don't be selfish Xynon. It's Lexie's life here, were talking about. And our lives too, are you really willing to risk all of that just for your pride?" Tanong nya, dahilan para matahimik ako "Look Xynon...I understand, you love her. But please accept the reality that your love can't save her"






"Then tell me? From all the possible ways that you can do, why this? Why are you choosing the way that will save her life, but would kill me?" Maluha luhang tanong ko habang diretsong nakatingin sa mga mata nya "Please Tito... she's the only strength that i have left, don't take that strength away from me..."











To be continued...











_________________________________



Awwww medjo na touch ako...medjo Lang hahahah choss, sorry ngayon lang mga bb's. Writer's block talaga eh, yung tipong alam ko na kung anong mangyayari, pero di ko alam kung pano isusulat haaha. Pero Yun na nga HAHAHAHA sa wakas kinaya den!




Thanks sa pagbabasa!!! Don't forget to vote and comment love love 😘💖✨

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
8M 276K 88
Book 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Mis...
5.9M 182K 38
Completed [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will...