THE BAD BOYS AND ME

By ANIRAZCC_

301K 8K 1.4K

ON-GOING| Si Cassy ay isang anak ng mayamang si Jackson Perez.Pinapunta siya sa Philippines para tumira sa ma... More

PROLOGUE
CHAPTER 1(Edited)
CHAPTER 2(Edited)
CHAPTER 3(Edited)
CHAPTER 4(EDITED)
CHAPTER 5(Edited)
CHAPTER 6(Edited)
CHAPTER 7(Edited)
CHAPTER 8(Edited)
CHAPTER 9(Edited)
CHAPTER 10(Edited)
CHAPTER 11(Edited)
CHAPTER 12(Edited)
CHAPTER 13(Edited)
CHAPTER 14(Edited)
CHAPTER 15(Edited)
CHAPTER 16(Edited)
CHAPTER 17(Edited)
CHAPTER 18(Edited)
CHAPTER 19(Edited)
CHAPTER 20(Edited)
CHAPTER 21(Edited)
CHAPTER 22(Edited)
CHAPTER 23(Edited)
CHAPTER 24(Edited)
CHAPTER 25(Edited)
CHAPTER 26(Edited)
CHAPTER 27:CASH REVELATION(Edited)
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 28:CASH REVELATION(Edited)
CHAPTER 29(Edited)
CHAPTER 30(Edited)
CHAPTER 31(Edited)
CHAPTER 32(Edited)
CHAPTER 33 (EDITED)
CHAPTER 34(Edited)
CHAPTER 35(Edited)
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39(Edited)
CHAPTER 40 (Edited)
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68

CHAPTER 60

536 31 8
By ANIRAZCC_

CASH POV

"Where the hell is Edward?"Tanong ni Coach Dale.Late na siya.Kahapon ay maaga naman siyang pumunta dito sa bahay nila Cassy.

Pupunta rin sila Lukas dito at yung dalawang girls na sila Abby at Nicole.Pag uusapan din namin ang tungkol sa strategy namin para sa practice game namin sa Wilton.

"Sir,nandito na rin po yung ibang team members niyo."Sabi ng isang maid nila.Tumango naman si Coach Dale bago magsalita.

"Okay,ako na ang bahala sa kanila."Sabi ni Coach Dale.

"Cash,wait me here.Pakihintay si Cassy,pababa na rin yun.Pupuntahan ko lang sila Lukas."Sabi ni Coach Dale.Tumango naman ako bago siya lumabas.

Nakaupo ako sa may living room at malapit ito sa stairs papuntang second floor.Maya maya lang nakarinig ako ng yapak na may pababa at nakita ko nga si Cassy.Halos matulala ako nang makita ko siya.She is beautiful,what can I say? Kahit simple lang yung suot niya.She is attractive.

"Cash,nandito ka na pala.Nasaan si Kuya?"She asked.Hindi ko agad siya nasagot.Nakatulala kasi ako.

"Cash?"She asked again.

"Ha? Ah,lumabas lang.Pinuntahan sila Lukas.Wala pa kasi si Edward."Sabi ko.

"Wala pa siya? Hindi kaya siya nainis kay kuya kaya wala pa siya?"Tanong niya.

"Hindi naman siguro.Hindi naman siya ganun katampuhin."Sabi ko.Natawa naman siya.

"I was just joking.Alam ko namang hindi yun magpapatalo sa bangayan nila ni kuya."Natatawang sabi niya.Maya maya pumasok na rin sila Coach Dale kasama sila Lukas.

"Hi,Cassy!"Masayang lapit ni Abby at Nicole sa kanya at yumakap.

"Kainggit."Napalingon ako kay Ivan nang ibulong niya yun.I hear you,dumbass.

Nabigla ako nang magtama yung mata namin ni Ivan.
'WHAT ARE YOU LOOKIN' AT?' He mouthed.Tsk.

"Dumbass."I mouthed at him.Inis niya naman akong tignan tsaka nilapitan.

"Anong sabi mo? Basang basa ko sa bibig mo yun.Dumbass mo mukha mo,Cash.Inggit ka rin naman.Akala mo naman ako lang gustong makayakap kay Cassy."Sabi niya.Tsk.

"Di ka makaimik,no? Sabi na eh,gusto mo rin ng HUG."Sabi niya.Ang lakas ng boses.Tinakpan ko ng hawak kong book yung buong mukha niya.Leche.

"Itigil tigil mo yang bibig mo,mukha kang manyak."Inis na sabi ko.

"Ano kamo?!"Inis niyang tinanggal yung book sa mukha niya at ibinato sa akin.Sininghalan ko lang siya ng tingin.

"Hoy,may balita ba kayo sa kaibigan niyong si Edward? Where the hell is he? He's late."Sabi ni Coach Dale.

"Hindi namin alam kung saan eh,nagsasabi naman yun kapag may importanteng lakad yun.Magkakasama kayo kahapon,ikaw Cash?"Bumaling si Lukas sa akin.

"I don't know,nauna siya umuwi sa akin and after that hindi ko na alam kung saan siya pumunta.Magsasabi naman yun kung importante yung kailangan niyang asikasuhin."Sabi ko sa kanila.

"Tsk,then where the hell is that brat?"Inis na sabi ni Coach Dale at tinignan ang wrist watch niya.

"No way..."Napalingon kaming lahat kay Cassy nang banggitin niya yun.She looks confused and worried.

"What is it,Cassy?"Tanong ni Coach Dale.Agad namang nag angat ng tingin sa kanya si Cassy at napatingin din sa amin tsaka pilit na ngumiti at umiling.

"Ha? Wala,wala...may naalala lang ako."Sabi niya.Parang may gusto siyang sabihin pero ayaw niyang malaman namin.Ganun yung nababasa ko sa expression niya kanina.

"Are you sure? Parang may gusto kang sabihin?"Sabi ni Coach Dale pero nginitian lang siya ni Cassy at umiling ulit na ibig sabihin ay wala siyang gustong sabihin.

Lumipas na ang isang oras pero wala pa rin si Edward kaya naisipan na ni Coach Dale na ituloy na ang meeting namin kahit wala pa siya.Halata sa mukha niya ang pagkainis and at the same time he is worried.Kahit rin naman kami ay nag aalala.Simula kagabi ay hindi namin siya nakausap at ngayon ay wala na naman.Where the hell did he go? May sinesikreto ba siya sa amin? May ginagawa ba siya na hindi namin alam?

"Tomorrow is the practice game,pag uusapan namin ng coach ng Wilton ang practice para bukas and of course after that is your exam bago ang interhigh."Sabi niya pa.Tumango naman kaming lahat bilang pagsang ayon.

"And tell that to your f*ckin' Captain when you see him.Alam niyang may meeting wala siya dito."Dagdag pa ni Coach Dale at saka inilabas ang phone niya sa bulsa niya,mukhang may tinatawagan siya.Nag-excuse muna siya dahil may kakausapin lang daw siya.

"Bro,saan kaya nagpunta yung si Edward?"Tanong ni Adrian sa amin.

"Malay ko,di nga alam ni Coach Dale eh.Sila naman laging magkasama nan pero hindi niya alam kung nasan si Edward."Sabi ni Ivan.Nakaupo kaming lima sa sala at yung mga girls ay pumunta muna sa kusina para kumuha ng meryenda.

"Tawagan niyo kaya."Sabi ni Lukas.Kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa at i-dinial ang phone ni Edward.Nagriring naman ito.

"Ano na? Sumagot ba?"Tanong ni Ivan sa akin.Umiling naman ako.Nagcall end.

"Ayaw eh."Sabi ko at idinial ulit ang number niya.Nakalipas na ang ilang minuto at pangsampung try ko na natawagan siya.

"Hello po?"Nagtaka ako ng iba ang sumagot.Isang boses ng matandang lalaki.

"Hello,sino ito?"I asked.Taka naman akong tinignan ng mga kasama ko.

"Ah,guard po ito ng isang subdivision.May nakapark po kasing kotse dito sa gitna ng daan at bukas ang bintana at nandito po ang susi at phone ng may ari ng kotse.Pasensya na po kung ginalaw ko.May nagreklamo po kasi na kagabi pa po itong sasakyan na nakaparada sa daan."Paliwanag ng guard.Nabigla naman ako.Kagabi pa yan,ibig sabihin pagkatapos naming magreview dito kila Cassy at umuwi ay nawala na si Edward.

"Sige po,pakisabi na lang po kung saan yung subdivision at pupunta po kami ngayon."Sabi ko.Sinabi niya naman sa akin kung saan nakita ang kotse ni Edward.Ibinaba ko na ang phone ko at humarap sa kanila.

"Oh? Ano na? Anong sabi sa'yo? Bakit ganyan itsura mo?"Dire-diretsong tanong ni Ivan.Inis ko naman siyang tinignan.

"Teka lang,nagmamadali."Inis na sabi ko.Sinupladuhan niya naman ako.

"Ano daw sabi? Nakita nila si Edward?"Nag aalalang tanong ni Lukas.

"Nandun daw yung kotse ni Edward.Naiwan yung susi ng kotse at phone niya.Mukhang may sumundo sa kanya at saka maalaga si Edward pagdating sa kotse niya.Imposibleng iniwan niya lang yun sa daan,baka pinilit siyang sumama sa kanya."Sabi ko sa kanila.Lahat kami ay nag aalala dito.

"Oh? Anong nangyari sa mga mukha niyo? Bakit parang ang lungkot niyo?"Biglang tanong ni Abby.Nandito na pala yung mga girls at may dala silang tray na may pagkain.Umupo naman sila.

"May nangyari ba?"Tanong naman ni Nicole na nakaupo malapit kay Cassy at Abby.

"No,wala naman.Wag kayong mag alala."Nakangiting sabi ni Lukas pero alam kong ayaw lang niyang mag alala sila kay Edward.

*BAAAG!!*

Nagulat kaming napatingin sa may pintuan nang padabog na binuksan ni Coach Dale yung pintuan.Muntik pang mabasag yung double door na pinto nila dahil sa lakas ng pagkakabukas.

"K-kuya...okay ka lang ba?"Medyo nabiglang tanong ni Cassy.Mukhang nabigla rin naman si Coach Dale sa ginawa niya kaya tinignan niya ang reaksyon naming lahat.

"H-ha...oo naman,I'm fine."Nakangiting sabi niya,pilit.

"Enjoy lang kayo dyan.May pupuntahan lang muna ako."Paalam niya at lumabas ng mansion nila.Kita ko pa ang huling ekspresyon niya bago siya tumalikod.I can see his rage in his eyes.

"Cash,mukhang may problema tayo dito.Nakita mo yung mata ni Coach Dale?"Napalingon ako kay Ivan nang ibulong niya iyon sa akin.

"I can see that."Sabi ko sa kanya.

"Yeah...he looks really mad and pissed off."Dagdag niya pa.Tumango naman ako bilang pagsang ayon sa kanya.

"Looks like something happened."Sabi naman ni Adrian at kumuha ng juice tsaka uminom tapos sumubo ulit ng kinakain niya.

"Ikaw naman mukhang gutom na gutom."Sabi ni Alexander sa kanya.Tinapalan naman ng tinapay ni Adrian yung bibig niya.

Ilang oras na ang nakalipas mula nung umalis si Coach Dale kaya naisipan muna namin na pumunta kung saan nakita yung kotse ni Edward.Nagpaalam muna kami sa mga girls na may bibilhin lang kami saglit.Baka magtaka pa sila kung saan kami pupunta.

Ginamit na lang namin ang sasakyan ko para isahan na lang ang punta doon.Maya maya lang ay dumating na kami sa subdivision na hindi kalayuan kila Cassy.Napansin namin ang isang kotse na nakapark na sa gilid.Kotse nga ito ni Edward.Napansin din namin ang isang may edad na ring guard.

"Manong."Tawag ni Alexander dito.Napalingon naman sa gawi namin ang guard kaya agad kaming lumapit sa kanya.

"Mga ser,good afternoon po."Bati sa amin ng nakangiting guard nang makalapit kami sa kanya.

"Manong saan yung susi ni Edward tsaka yung phone?"Tanong naman ni Lukas.Ibinigay naman agad ito ng guard sa kanya.

"Pasensya na po kung ginalaw ko.Ipinarada ko lang po sa gilid yung sasakyan at kinuha ko po yung phone at susi,baka po kasi may kumuha."Sabi niya.

"May napansin ba kayong kakaiba sa sasakyan?"Tanong ko.

"Wala naman ho,ser.Nakaopen lang yung bintana sa may driver's seat,parang may kinausap siguro mula sa bintana tapos nakaparada po dyan sa gitna ng daan kahapon."Sabi niya at itinuro kung saan nakaparada kahapon yung sasakyan ni Edward.

"May cctv po kaya dito parte?"Dagdag na tanong ko.Itinuro niya naman yung cctv na nakakabit sa poste.

"Yan po,ser kaso hindi ko alam kung naayos na yan kasi nasira po talaga yan."Sabi niya pa.

"Salamat,manong.Kami na pong bahala sa sasakyan ng kaibigan namin."Sabi ni Lukas.Siya na ang magda-drive ng kotse ni Edward papunta muna sa bahay nila Cassy.

Dumaan muna kami nila Ivan sa convenient store at bumili ng snacks para naman masabi nilang may binili kami.Nauna na si Lukas at si Adrian dun.

"Teka,saglit lang.May nakalimutan akong bilhin. Bibilhan ko pala si Cassy ng chocolate."Sabi ni Ivan.Ako yung nagdra-drive.

"Ako din,bibilhan ko si Abby ng chocolate."Sabi naman ni Alexander.

"Tss."Singhal ko.Napatingin naman sila sa akin.

"Bilhan mo na lang si Nicole."Sabi sa akin ni Ivan.Tinignan ko naman si Ivan at nakangisi siya sa akin.

"Wag na.Paniguradong may dala yung si Lukas para kay Nicole."Sabi ni Alexander.

"Wag na.Para sa lahat naman itong binili natin,dami niyong alam."Sabi ko sa kanila.

"Eh,sa gusto ko ngang bilhan si Cassy ng chocolate."Sabi ni Ivan.

"Edi bumaba ka na,lakarin mo pabalik kila Cassy."Inis na sabi ko.

"Edi wow,Cash.Ayaw mo lang na malamangan ka eh."Pambwibwisit niya pa sa akin.Di ko naman siya pinansin.Bahala siya sa buhay niya.

Nakarating na kami sa mansion nila Cassy pero napansin pa rin namin na wala pa rin ang kotse ni Coach Dale sa garahe nila.Saan kaya siya pumunta? Ang init ng ulo nun eh.

"Oh? Nandito na pala kayo.Hapon na ah.Saan kayo galing kanina?"Tanong ni Abby pagkapasok namin.

"Kasasabi ko lang na may binili kami eh."Sabi ni Adrian kay Abby.

"Weh? Wala ka ngang dala nung pumasok kayo ni Lukas eh."Sabi ni Abby kay Adrian.

"Oh.Pagkain,ubusin mo."Sabi ko sa kanya.

"Oh? Galit ka na nan? Suplado nito."Sabi niya sa akin pero kinuha naman lahat ng bags na may lamang pagkain na binili namin.

"Hayaan mo yan.Ganyan talaga yan,di ka pa nasanay."Sabi sa kanya ni Alexander at umupo sa tabi ni Abby.

"Cassy,wala akong dalang chocolate.Bibilhan sana kita eh.May epal lang kasi."Parinig ni Ivan sa akin.

"Ha? Ano ka ba,ayos lang.Kumain naman kami kanina ng chocolate nila Nicole at Abby kaya okay lang."Sabi sa kanya ni Cassy.

"Walang tinira sa akin?"Nakabusangot na sabi ni Ivan.Binangga ko naman ang balikat nito bago ako umupo sa tabi ni Cassy at Alexander.

"Patay gutom."Bulong ko pa.

"You know what? Badtrip ka,Cash."Sabi ni Ivan.

"Stop fighting,please."Napalingon kaming dalawa kay Cassy.Nakangiti siyang nakatingin sa aming dalawa.

"A-ah...oo."Sabay naming sabi ni Ivan.Nagkatinginan kaming dalawa at medyo napangisi.Pagdating kay Cassy parang pareho utak naming dalawa.

Kumain muna kami ng meryenda at maya maya ay naisipan naming magreview muna.Nasa may sala si Alexander at Abby pati na rin si Nicole at Lukas kami naman ay nasa may garden nila Cassy.Si Ivan at Adrian wala naman silang gagawin ay tumambay muna sa basketball court nila sa may mansion. Nagbabasa ako ng review papers nang magsalita si Cassy.

"Saan na kaya si kuya? Malapit ng maggabi pero wala pa siya."Nabaling ang tingin ko kay Cassy nang sabihin niya iyon.

"Baka may pinuntahan lang siyang importante,don't worry about him."Sabi ko sa kanya.Nginitian niya naman ako.

"He's acting weird lately.Minsan bigla bigla na lang siyang may pupuntahan.He's close with Edward tapos mag aaway sila.Alam mo para silang magkapatid,ganun.Para niya na rin kayong mga kapatid,he cares about the team.Nag aalala lang ako kasi coach siya ng team tapos may mga importanteng pinapalakad si Dad sa kanya na hindi ko alam tsaka yung mga ginagawa niya na siya lang yung may alam.Parang andami lang prinopoblema ni kuya."Kwento niya at nangalumbaba sa mesa.

"She cares about you."Sabi ko sa kanya.Tinignan niya naman ako bago siya tumango.

"And I'm happy with that,lalo na at tinutulungan niyo rin siya.I'm thankful din kasi nandyan kayo para sa kuya ko at para sa amin nila Nicole at Abby."Nakangiting sabi niya.

"Of course."I smiled.Iniharap niya sa akin ang fist niya at itinapat iyon sa may dibdib ko.

"Thank you."Sabi niya at ngumiti ulit.Tinignan ko naman muna ng matagal iyon bago umiwas ng tingin.Baka mamaya di ko na mapigilan,mapaamin ako ng de oras.

To Be Continue....


Continue Reading

You'll Also Like

4M 86.2K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
476K 43.4K 33
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
637K 15.5K 64
sequel to aeou (read first) ✘ ✘ ✘ The boys are back. And they're out for revenge. Last semester the girls of Sterling humiliated Caleb, Luca, Atla...
A and D By Louisse

Teen Fiction

45.4M 814K 50
Nerdy Dakota Evans makes the biggest mistake of her life by falling in love with her best friend, Aaron Ford. Despite coming from entirely different...