Oh My PRIEST!

By shise004

2.8K 151 26

Olivia is the evil step sister of Juan Miguel. She will do anything to destroy and wreck his evil step broth... More

*CAUTION*
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
Chapter 19

CHAPTER 5

121 9 1
By shise004



AGAD NAPATAYO si Olivia sa malapit na podium she is the next presenter. Irereport lang naman niya ang nangyaring Out Reach program for a Cause ng Team niya. She will also add details regarding sa pasahod ng Team niya.

"Good Morning. Isang magandang umaga sa lahat. Lalong-lalo na sa nagiisa at kagalang-galang kong Kuya na si Juan Miguel. Na ngayon ay kararating lang." Kitang-kita ang pagkunot ng noo nito. Hindi naman kasi nito inakala na iaanunsyo niya ang pagdating nito. Late na nga kasi ito. At hindi maganda sa isang leader ang nalilate.

She smirked. Tumikhim siya sandali bago nagsimula. "Mukhang napag-alaman ninyo kung gaano kaimportante ang outreach program ng Ramirez Group. We've been doing this ever since nabubuhay pa ang Grand Chairman," Which is ang nag iisa niyang lolo. "Ang layunin nito ay maraming matulungan at umaangat ang buhay hindi lang sa loob ng Ramirez Group kundi pati na rin ang ordinaryong mamamayan. Ngunit hindi nalalaman ng lahat ang sakrispisyo ng mga tauhang gumagawa at nagsisilbi para makapag-abot lang ng tulong. Magbibingibigihan nalamang ba tayo sa kanilang hinaing. Now I need your vote. Raise your hands kung sumasang-ayon na maamyendahan ang layunin kong ito."

Napangiti si Olivia ng makita ang sunod-sunod na pagtaas ng mga kamay ng BOD members. Ang kuya niya nanatiling nakatingin sa kanya. Nakatiim ang mga bagang.

"All your votes has been counted. And I believe sa inyong pagtitiwala siguradong makakarating sa mga empleyadong nangangailangan. " Sambit niya and to formally end her speech bago yumukod sa karamihan. She ended her presentation with a bow. Isang masigabong palakpakan ang binigay sa kanya ng makakababa sa podium.

Now she realized gaano nagtitiwala ang Ramirez sa kanya. Hindi pa huli ang lahat at mababawi pa niya ito.

Mabibilis ang lakad ni Olivia para makarating sa Elevator. Mabilis siyang nakapasok sa elevator. Aktong magsasara na sana ang pinto ng maramdaman ang kung sinong pagharang nito.

Napahawak siya sa puso niya. Napatingin siya sa nagngingit-ngit na pagmumukha ni Juan Miguel.

Napakunot ang noo niya ng magtama ang mga mata nila. "Anong ginagawa mo? " asik niya rito.

"Alam mo kung ano, at dahil sinimulan mo ito pwes hayaan mong ako ang tatapos. "At tumiim ang bagang nito pagkatapos ay iniwan na siya nito haggang sa sumara ang pinto ng elevator.

Hindi siya nakasagot. Dahil nakaramdam siya ng kaba. Wala sa sariling napasandal ang likuran niya sa elevator. Pababa na siya sa floor niya ng sandaling huminto ang elevator sa twenty fifth floor. Naramdaman niya ang pagpasok ng isang lalaking nakahelmet. Naka white long sleeve at apron sa bewang, ngunit sa tindig palang nito ay alam niyang may kakaiba rito. Isipin mo ba naman nakahelmet parin si kuya all the way sa taas. Mukhang kakatapos lang nitong mag deliver ng pagkain.

Hindi nakaligtas sa kanya ng magtama ang paningin nila sa malaking salamin sa loob ng elevator. Agad itong napaiwas na tila napapaso.

Napakurap tuloy siya at napaisip kung sa aling kitchen department ito naka assign. Dahil wala naman siyang naalalang pinagsusuot nila ng helmet mga waiters doon.

Tumikhim siya, "Pwede ba akong magtanong sa aling kitchen department ka? "

She tried to act normal. Dahil hindi ito  nagsasalita. Mukhang may disability pa ata ito sa pagsasalita. Hanggang sa pinakita nito ang order details kung saan ito nagtatrabaho.

Na realize niyang hindi ito nagmula o nagtatrabho sa kanila. Talagang mag nagpasadyang omorder at ito ang nagdeliver ng order.

Napatango na lamang siya at wala sa sariling napatingin sa likod ng helmet nito may King Shaman na pangalan doon.

Napatulala siya at inaalala kong saang parte ng Makati niya namataan ang pangalan. Isa ata itong kilalang restaurant. Tatanungin pa sana niya ito ng mapansing tumunog na ang elevator. Wala sa sariling lumabas siya ng elevator. Dahil nasa floor na siya kung nasaan ang office niya. Lilingunin pa sana niya ito ng sumara na kaagad ang elevator.

Napapailing na lamang siya habang binabaybay ang daan sa office niya. Kailangan ata niya ng body massage ngayon. Masyadong nabugbug ang katawan niya sa mga nangyayari. Nagpadagdag pa sa kaguluhan ng iniisip niya ang mga sinabi ni Juan Miguel. Anong akala nito handa siya ano man ang mangyari.

Nang makabalik sa office niya ay kapansin-pansing wala pa si Maria roon. Ang assistant slash secretary niya. Napakunot ang noo niya.

Tatawagan na sana niya ito ng makita itong hinihingal sa habang papalapit sa kanya. 

"Oh Katya, saan ka nagsusuot bakit ngayon ka lang? "

"Nika po Ma'am,  may ipinag utos lang po si Sir Juan Miguel. "

Parang gustong umikot ng mga mata niya sa gulat. 

"Ano? Bakit sumusunod ka sa lalaking yon, sino ba ang boss mo rito? " Nawala na talaga siya sa mood niya. Parang lahat nalang bukambibig itong Juan Miguel na nagpapairita sa kanya ng tunay.

Parang batang napamarsta siya sa loob ng opisina niya. Agad niyang nilock ang pinto ng makapasok. Wala sa sariling napasalampak siya ng upo sa swivel chair niya. Wala siyang pakialam kung may poise oh wala.

Naasar talaga siya kay Juan Miguel. Panigurado magsusumbong na naman ito sa Mommy niya.

Napahawak siya sa kanyang noo at dahan-dahan itong hinilot. "Oh stress tantanan mo ako, " sambit niya. Ayaw niya ang nangyayari kailangan na niyang makaisip ng Plano para makuha ang Ramirez Group.

Kinuha niya ang cellphone niya. She scrolled down and look for her contacts. Mukhang may plano na siya.

WALA pang tatlomping minuto ay binabaybay na nila ang magarbong super highway ng BGC. Pinagpalaam na niya kay Camille ang mga naiwan niyang trabaho.

"Ah mom, good thing at hindi ka busy ngayong araw. "Kasalukuyan ay kausap niya ang mommy niya. Pareho silang nasa back seat habang pinapanood ito na naglalaro ng paborito nitong laruin ang candy crush.

"I'm always available for you sweety alam mo yan. "Wika nito at hinapyawan siya nito ng tingin. 

She invited her mom na samahan siyang magpa spa. Well, ganito naman talaga sila mag bonding dati pa. Natigil lang nung naging bussy siya sa mga gawain niya sa opisina.

Mabilis lang naman ang byahe dahil hindi ganon ka traffic ngayong araw. Nang marating ang kilalang spa ay kaagad na inasikaso sila ng mga attendant.

They decided na magpa foot spa nalang muna. Suhestyon ng mom niya kaya pumayag narin siya. She makes sure na nasa tabi Lang niya ang mom niya at kanina pa niya napapansin na naglalaro parin ito ng candy crush. Ewan ba niya naalibadbaran siya. Di ba nito mabitawan ang tab nito? Oh kahit ipahinga lang ito sandali. Huminga siya ng malalim at nagpasyang pumikit sandali.

Nararamdaman din niya ang paglapit ng yapak ng tao. Mukhang ito ang gagawa ng bagay niya sa paa. Naramdaman niya ang magagaan at malalambot na mga palad nito minamasahe nito ang paa niya. Kaya hindi na siya nag aksayang tingnan kung sino ito dahil hinihila na siya ng antok niya.

Nagising siya ng makaramdam ng malamig na bagay na ipinampatong ng kung sino sa kanyang mukha. Didilat na sana siya ng maisipang pumikit nalang ulit. Hihintayin niyang umalis ang gumagawa noon sa kanya. Pero naintriga siya sa nag aasist sa kanya kaya dumilat nalang siya. Kaso nakamask ang siyang nag aassist sa kanya para hindi niya maaninag ang mukha nito. Nang matapos siyang lagyan noon ay napatingin siya sa kaliwa niya kung nasaan nakapwesto ang mom niya. Katulad niya ay nakapikit rin ito na may kasamang mahinang paghilik. Napansin niyang nakasilid na sa loob ng handbag nito ang tab nito. Wala sa sariling napahinga na lang siya ng malalim.

Nang matapos sila sa spa ay naisipan nilang madinner ng sabay. Isa pa namimiss na niya rin itong makasabay sa hapunan. Unlike before kung saan nabubuhay pa ang dad niya. They always eat out for dinner and celebrate little celebrations together. But she dismissed the thought right away, mamimiss niya lang ang dad niya ng mapansing nalalapit na sila sa venue.

Naisip niyang iresearch ang King Shaman Restaurant. Hindi nga siya nagkamali. Its a five star restaurant just like their own!

Nang maipark ng personal driver ng mom niya ang sasakyan na lulan na sila na siyang nakalaan sa mga customers. Agad nabuksan ng personal driver slash security ng mom niyang nasi Robert ang kabilang side ng Pinto para mapagbuksan ang mom niya. Siya naman ay nagkusa ng buksan ang pinto sa side niya. At Naunang lumabas ng sasakyan. Ilang sigundo ang hinintay niya ng makababa ang Mommy niya.

Napakunot ang noo nito habang titig na titig sa malawak na Signage ng King Shaman.

"Nasaan tayo Hija? " habang napatitig ito sa buong lugar.

Hindi naman nabigo ang expectation niya. Malinis ang lugar hindi ito simpleng restaurant lang.

Napatingin siya sa mommy niya. Ramdam niyang nabigla ito dahil akala nito dadalhin niya ito sa isa sa mga kilalang five star restaurant nila. She managed those kaya ganun nalang siguro ang pagtataka nito. 

Tumikhim siya sandali. "Mom follow me I reserved a table for us. "

Ramdam naman niyang nakasunod ito kahit may pagtataka. Nang makapasok ay agad silang binati ng receptionist na nakaabang sa harap circular table , this is to accommodate dinners na katulad nila.  Agad nitong hiningi ang pangalan niya para makita ang pina book na reservation.

"Your table ma'am is fronting the seaside view," anito na tila maliwanag pa sa sinag ng araw ang ngiti.

She just nodded. And then a waiter pops up in front of them and walk them through their table. They just follow him hanggang sa marating reserve table nila.

Agad silang inanyayahang maupo. Hanggang sa mapagmasdan niya ang white long sleeve ng waiter.  Kapareho nga noong suot ng lalake kanina na may suot na helmet sa elevator. She hide a lowkey smile.

"What's your order ma'am? "

Agad nitong inabot sa bawat isa sa kanila ang mga main Menu.

She scanned the whole menu.  Mukhang masasarap nga lahat ng foods nila rito. Napalunok siya sandali. Kaso napatulala siya ng mapagmasdan ang lahat ng putahe. Bakit parang familiar sa kanya ang mga pagkaing nakatala sa menu?

Napatingin siya sa waiter na matiyagang naghihintay ng kanilang order. Tumikhim siya at muling naghanap ng pagkain na sana ipinag-utos na lamang niya kay Jackelyn na kanyang Secretary.

"I want this, "aniya at sabay-sabay itinuro ang mga pagkaing nagpapatakam sa kanya. Mensan sa isang buwan sinasadya niya ang iilan sa kagaya ng mga restaurant nila para  gumawa ng random experiment. Hindi lang naman siya ang gumagawa nun kasama rin niya ang iilan sa mga restaurant owners na successful sa industriya.

"Maam, your order will be serve in 5 minutes maximum. For now have this our complementary drinks while your waiting. " she just nod her head. Bilang tugon.

Agad rin nitong kinuha ang order ng mom niya. Na katulad niya ay may pagtataka rin sa mukha.

"Mom kinausap ho ba kayo ni Juan Miguel? " she ask casually.

Napatingin sandali sa kanya ang mommy niya. "Hindi hija. Bakit mo naman natanong? " bilang magkaharap sila ngayon sa lamesa.

"A-ah alam mo na. Pasasalamatan ko rin sana siya dahil naging matagumpay ang outreach. " segway niya.

She scanned her moms face and it lit up right away. She hid her smile. Hindi nga maipagkakailang kay bilis basahin ng mommy niya. Alam na alam niya iyon, noon pa man hindi parin pala ito nagbabago.

"Naku hindi ko rin nakakausap si Miguel alam mo na abala yon sa lahat lahat lalong-lalo na at binabalak na namin ng Dad mo ang pag-aasawahin siya. " and then it wink at her. Like us girls secret lang ang peg!

Napaismid siya. She decided not to comment on that subject matter. She just stay silent. Hanggang sa dumating ang orders nila.

She had beef steak medium rare top with onion and bay leaves and a cocktail juice.

Kapansin pansin ang smokey texture ng putahi. This is how should it be cook. Her favorite way of cooking her steak. Kaagad siyang naglagay ng panyo sa lap niya at dahan-dahang kinuha ang kobyertos para hiwain ang steak. It's tender and juicy. Tatam na takam siya ng matikman ang steak.

"Oh kuya andyan ka na pala." Sambit ni Nika na inaantay talaga ang kapatid. Alam kasi niyang napakahitik ng schedule ng kapatid ngayong araw. Nakailang answering machine nga siya kanina ng subukan niya itong tawagan. Always routed sa answering machine ang mga tawag niya.

"Bakit hinihintay mo'ko? "

Huminga siya ng malalim. Nasa alas dyes narin ng gabi ng mapansin ang wall clock sa pader.

"Ginabi ka ata kuya. "

Pasalampak itong naupo at sumandal sa sofa. Kitang-kita niya ang kapaguran nito. Mabilis siyang nagtimpla ng kape at inabot sa kuya niya.

"Kape ka muna kuya. Naghapunan kana ba? "

Agad naman nitong tinanggap ang tasa at humigop. "Oo nagkapaghapunan na. " Nakangiti nitong sabi bago sinimsim ang kapeng timpla niya. Napangiti nalang tuloy siya kahit papano naibsan ang pag aalala niya. 

"Sabihin mo na anoang kailangan Mo Niks." Untag nito. Nakangiti nitong turan.

Para namang natuklaw ng ahas si Nika. Di niya napansing nahimigan na pala ng kapatid na may hihingin siyang pabor?

"H-huh, w-wala naman akong sinabing.... "

"Alam kong di mo ugaling maghintay ng ganitong oras kung wala kang kailangan sakin. Kaya sabihin mo na ano yon?"

Napalunok siya. "A-ah kasi kuya may hihingin akong pabor. "

Tumango-tango si Sam bilang tugon.

"A-ah k-kasi itatanong ko lang kong a-ano ang m-madalas na p-paboritong k-kulay ng mga l-lalake, at kong anong favorite part nila sa katawan ang minamasahe para mawala ng stress nila? "

Napakunot naman ang noo ni Sam. Pilit niyang tinatanim sa isip ang mga lumalabas mula sa bibig ng kapatid. "Anong katanungan naman yan Nika? Huwag mung sabihin...?"

"H-ha naku hindi. Yung boss ko kasi nagpapatulong sakin. Bring home assignment niya sakin to. "

"Ano? Teka nga Nagkaboyfriend na ba yang boss mo noon?" Tanong ni Sam kahit di kumbinsido sa sagot ng kapatid.

"Yun nga kuya eh. Wala pa ata kaya nagpapatulong sakin."sabay pakamot-kamot niya sa ulo.

"Kung ganon bakit ka naman pumayag? Eh wala karin naman non." Patuya nitong angil sa kanya na nagpalukot ng noo ni Nika.

"Kuya naman eh kaya patulong nga diba.. "

"Nika pag ikaw... Akin na nga yang kwaderno. Isusulat ko. "

Napalunok si Nika at dahan-dahang inabot ang slambook. Kahit papano may maisasagot na siya sa boss niya makakalimutin sa pangalan. 

Kanina kasi bago siya iwan nito ay naitanong nito kong may alam siya sa mga gusto at hindi gusto ng mga lalake. Wala sa sariling napa-oo siya dahil sa iniisip niya ang kuya niya. Syempre lalake ang kuya niya di hamak na may alam 'yon.

Itatanong niya sana kung bakit naitanong ng boss niya kaso nakasibat na ito agad. Kaya homework nalang daw iyon. Nag iwan pa ito ng slambook sa desk nito bilang doon niya isusulat ang mga nalalaman niya.

Natampal nalang niya ang sarili ng wala sa loob niya. Hays.



************

Pls vote and comment!  Thank you!



















Continue Reading

You'll Also Like

956K 30.5K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
1.7M 55.2K 123
Highest rank reached in Humor category: #4 as of Nov. 14, 2016 "A story of friendship, loyalty, and love between a girl and her bunch of guy friends...
11.9M 283K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
45M 757K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...