Oh My PRIEST!

By shise004

2.8K 151 26

Olivia is the evil step sister of Juan Miguel. She will do anything to destroy and wreck his evil step broth... More

*CAUTION*
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
Chapter 19

CHAPTER 4

163 9 0
By shise004

Chapter 4

IT'S PAST 6AM ng magsimulang bumyahe si Olivia. Dederetso na sila ngayon sa isang foundation org na pinlano niyang bibisitahin at lalagakan ng donasyon niya.  It was quite a long hour ride. Nasa tatlong oras ang byahe kaya tama lang na medyo maaga siyang umalis. 

She turned to her left and nasa location na sila. Pababa palang sana siya ng masipat ang pamilyar na monster blue Ford Raptor nito.

Napaarko ang kilay niya sa pagtataka. Paanong?  Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng makita niya ang kumpulan ng iilang tao sa gitna ng quadrangle. Naka ready na ang ilan sa mga bitbit nitong volunteers.

Agad na napahampas si Olivia sa ere ng mamataan ang pamilyar na tindig ni Juan Miguel. Agad rin nagsidatingan ang mga truck kung saan laman ang ibat-ibang dalang food packs na inakala niyang sa kanya.

Ilang sandali ay nag ring ang phone niya. She checked and it was from the truck driver.

"Yes, "

"Ma'am emergency po, yung tires po ng tatlong truck natin naflat po. Baka matagalan po kami. "She dismissed the call right away. She clung on her phone tightly. Palagay niya ay may mahahampas siya sa sobrang galit niya.

To her disappointment nagka abirya pa pala ang tatlong trucks. Tuluyan ng napaupo sa gitna ng daan si Olivia hindi niya alam kung mababaliw ba siya. Habang nakikitang kasalukuyang dinidistribute na ng mga volunteers ng team ng kuya niya ang mga food packs nito. Nanlulumong dinadaan-daanan lang siya ng mga ito. 

Wala sa isip na nasabunutan niya ang sarili namumuo narin ang luha sa mga mata niya dahil sa asar.

"Hoy! ikaw bakit nakaupo ka lang diyan, tumulong ka rin. Minus points ka niyan sa langit eh. "

Napaikot ang mata ni Olivia sa pagkaasar! May malilintikan pa ata ng pagkainis niya. Wala sa sariling napatayo siya at hinarap ang pinanggalingan ng boses. Na nagmumula sa may likod niya. Alam ba nito ang pinagdadanan niya ngayon? Dahil ba sa simpleng damit na suot niya ay hindi siya nakilala na isa siya sa mga donors? Pasimuno ng nasabing mission for a cause na ito?

"Anong sinabi mo? " nanlilisik ang mga mata niya kasabay ng pagbusangot ng pagmumukha niya itong binulyawan.

"Wait familiar ka? " sambit nito sa kanya. Na ikinataas niya ng kilay.

She rested her arms across her chest.

"Sa ganda kong to familiar lang sayo?"maarting sumbat niya dito.

The guy smiled back with the most prominent close up smile. Nakakapangigil ang ngiting pinakawalan nito lalo na sa mapuputi at pantay-pantay na ngipin. Dang! Marahil isa sa mga kahinaan niya ang mapuputi't pantay-pantay na ngipin ng isang lalake.

Magsasalita pa sana siya ng biglang iabot nito sa kanya ang isang karton na may lamang foodpacks.

"Ouch! " impit na hiyaw niya. Kamuntik pa niyang mabitawan iyon. Dahil di niya napaghandaan ang bigat ng karton.

"Ayan tumulong ka. Iaabot mo lang yan sa lalakeng yon. " agad napasunod ang ulo niya na lingunin ang tinuturo ng labi nito.

Kung saan kilala kilala niya ang tinutukoy nito. Ang mortal niyang kaaway!

She smiled back at may naisip na gagawin. Tsk. Talagang sinusubukan ang kapasidad niya ha. Eh doon pa naman siya genius. She laugh silently. Dang!

Dahan-dahan siyang naglakad nakasunod lang siya sa pila ng mga kapwa volunteer. Good thing napasunod niya ang sarili na magsuot ng ordinary atire. Yung pants at petrol jacket di siya nag aksayang iponitail ang malagong buhok. Naka cap rin siya dahil alam niyang mainit ang weather nila today.

They are falling in line hanggang sa marating ang dulo kung saan ang kuya niya kasama ang mga bayarang taga press nito ang tatanggap ng mga karton ng donation packs. She was able to camouflage. Gumagana na naman ang kapilyahan niya. 

Hindi nagtagal ay narating din niya ang dulo kung saan nakatayo ang kuya niya.

Nang di sinasadyang matapilok siya at  wala sa sariling maitapon sa ere ang bit-bit niyang karton. 

Napahiyaw siya sa sakit at wala sa loob na napatingin sa loob ng karton. All of those are expired goods na pala. Paano niya nalaman? May magnifying eyes kasi siya. Hindi naalala niya siya ang nag procure ng lahat ng to a year ago pa.

"What the hell? "Singhal ng kuya niya. Susugurin na sana siya nito. Nang biglang may isang katawan ang pumagitna sa kanila.

"Teka naman pare, hinay-hinay Lang babae parin yan. " pakiusap nito.

Bigla namang natauhan ang kuya niya at humakbang ng isang hakbang pabalik.

Natuliro din ito ng makilala ang napaka pamilyar niyang mukha. 

"Olivia? Anong ginagawa mo dito sinasabutahi mo na naman ako? " singhal nito sa kanya ng mahimasmasan ito. Halata parin ang iritasyon sa pagmumukha nito.

Mabilis siyang napatayo at confident na pinagpagan ang sarili. Sabay na hinila ang lalaking hindi parin umaalis sa harap niya. Masyado namang epal tong kumag nato! Tumabi tabi ka nga ako ang bida dito. Sa isip niya. Humakbang siya palapit sa kuya niya dahil hindi na sila magkarinigan dahil sa dami ng nakikiusyuso.

"Teka nga kuya magkalinawan nga tayo? Pinagbibintangan mo na naman ba ako?" kapansin-pansin ang pagtiim ng mga bagang nito. But she just smirked and challenge his gaze."Diba kuya dapat linya ko yan? Ano ang ginagawa mo dito? "

Parang natauhan ang kuya niya. 

"Tinatanong kita Juan Miguel, ano ang ginagawa mo dito sa location ko? " nakaarko na nang husto ang kaliwang kilay niya. 

"S-someone told my team na dito kami pumunta. " atubiling paliwanag nito na hindi tumitingin sa kanya.

"Someone?" She smiled back innocently. Alam na niya paano paaaminin ang magnanakaw. Kahit na walang magnanakaw na umaming magnanakaw sila. "Alam mo bang inunahan mo pa ako ngayon dito? "

"Ano? Paano nangyari yon? "

She cussed a lowkey smile. "Yan ang tanong ko sayo paano nangyari? Anong nangyayari pumapalya kana pala ngayon? " She said na medyo nilakasan ang pagkakasabi. Just enough para mas marinig ng mga marites sa paligid. She almost laugh about it, ng makita ang reaksyon kapatid. But she just composed herself.

Ayaw na ayaw nito ng public scandal lalong lalo na at nasa labas sila. It's very public takot lang nitong hindi ito mailalantad sa headlines kinabukasan. She teased a smile on her lips. Tagumpay!

"I will investigate on this may mananagot sa bagay na ito." Pagbabanta pa nito saka umurong ng kaunti. She raise her eye brows but she is not affected. Agad ay napahinga nalang siya ng malalim.

Parang nabunutan siya ng napakalaking tinik sa lalamunan.

Paalis na sana ang team ng kuya niya ng magsidatingan ang tatlong truck niya ng food packs na nagka abirya. 

She smiled widely! Tingnan mo nga naman maglaro ang pagkakataon.

She saw how her brother frowned, bago umangkas sa monster truck nito. Parang inagawan ng paborito nitong laruan. First time na nanalo siya rito.

Ewan ba niya pero ang satisfying lang ng mga nangyayari. Proud siya sa sarili niya. She smiled widely habang hinahatid ng tingin ang paglisan ng buong grupo nito.

HABANG namimigay ng mga food packs ay hindi niya mapigilang hindi palakpakan ang sarili. Hanggang sa maramdaman niya ang kanina pang nakamasid sa kanya. Hindi niya maiwasang titigan ito pabalik. Na abala sa pag unpacked ng mga karton.

Sinamaan niya ito ng tingin bago ibinalik at ipinatong ang karton ng food packs patapos na rin naman sila sa pamimigay,  hindi na niya napigilang lapitan ito.

Sinimangutan niya ito, "Bakit nandito ka pa? Diba isa ka sa mga volunteers ng kuya ko? " she asked. Kailangan niyang makasiguro.

"Bakit mali ba ang tumulong? "Asik nito sa baritunong boses. Ni hindi man lang lumanding ang paningin nito  sa kanyang pagmumukha. Kasalukuyang inaayos nito ang mga karton na wala ng laman pabalik sa truck.

Napairap siya ng kaunti, napaka-antepatiko talaga, "Mahirap na no baka may binabalak kang kung ano para isabutahi ako. "She said with a frowned face. Nagsisimula na namang umusok ng ilong niya.

"Hindi ibig sabihin na impossible sayo ay impossible narin sa iba. "

Napakunot na nang tuluyan ang noo niya sa patotsada nito."Aba't pinatatamaan mo ba ako? "

"Bakit may iba ba akong kausap dito?"

Humarap siya sandali patalikod rito para paypayan ang sarili. Ang kupal talaga. Pakiramdam niya ay umalsa ang BP niya ng mga wanfurti sa mga pinagsabi nito. Taray sumagot ng taong to. Di porket gwapo at cute siya kinakaya at sinasagot-sagot na siya nito.

Napakuyom siya ng kamao.

"Sige Brad may sideline pa akong gagawin kayo na muna bahala dito." Paalam nito sa mga kasama.

Haharap na sana siya dito ng talikuran siya ng hambog na isang yon. Mahigpit na naikuyom niya ang kamao sa asar. May araw ka rin.

PARA KAY SAM kapag tumulong ka kailangang bukal ito sa kalooban. Pag tunay at bukal sa kalooban ang iyong layunin sa pagtulong sa kapwa tiyak ay kakalugdan ka ng nasa taas. Isa sa mga homily na palagi niyang naririnig kay father. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ng babaeng yun kanina. Ang mang apak ng tao ay malaking pagkakamali lalo na sa mata ng diyos.

Hindi niya gusto ang pakiramdam na yon kaya nauna na siyang umalis. Hindi na rin tuloy siya nakapag paalam kay Father Auralio. Gusto niyang pag isipan ang nangyayari isa pa maleleta na siya sa pangalawang raket niya araw na ito.

PAGOD NA PAGOD ng makauwi si Olivia sa condo niya. Pero kahit papaano para sa kanya worth it naman yung nilakad niya today. Hindi niya talaga makalimutan paano niya natalo ang kuya niya.

Excited na kinuha niya ang phone mula sa hand bag. May titingnan lang siya sa social media. She can't wait to see the scope.

She scrolled from all the social media sites ng mapansing wala siyang mahagilap na photo ops sa naganap kanina. Kahit anong paghahanap niya ay wala siyang makita.

"May mali ata dito. " Sambit niya." Bakit wala akong mahanap? " hiyaw niya at ibinalibag kung saan ang phone niya sa asar! Napahiga siya sa malambot na kama niya at huminga ng napakalalim.

Napatitig siya sa magarang chandelier niya sa kisame.

"Isinusumpa kita Juan Miguel. " she yelled.

Ngayon lang ay may ideya na siya sa nangyari. Siguro ang mama niya ang gumawa ng paraan para hindi lumabas ang iskandalo.

Syempre ang kuya Miguel niya ang image ng kompanya. Hindi nila yun hahayaang madumihan.

Tuluyan na talaga siyang mababaliw. Gusto niya talagang pabagsakin ang Juan Miguel na yan pero papaano? Papaano niya ito pababagsakin na hindi nadadamay ang pangalan ng Ramirez Group?

Isang malaking palaisipan para sa kanya. Pero masasaan ba at paniguradong mahahanap rin niya ang kahinaan nito.

Napakurap siya ng biglang umilaw ang phone niya. Agad ay pinulot niya iyon. Gumagana pa naman pala.

She scroll down agad ay nakita niya ang kanyang sarili sa kanilang pahayagan. Pagmamay-ari mismo ng Ramirez Group.

Nakasulat doon, MISS OLIVIA RAMIREZ A GOOD SAMARITAN WHO BROUGHT FOOD PACKS TO SAVE THE DAY! 

Agad bumalandra ang sandamukal na pictures niya kasama ang kuya niya habang inaabot sa kuya niya ang karton ng food packs!

Parang sinampal lang naman siya ng article. Hindi siya pumunta doon para tulungan ang kuya niya. Nangigigil na napahigpit ang hawak niya sa cellphone niya sa inis at asar. Damn!

KINABUKASAN ay maaga si Olivia'ng nagising papasok ng opisina. She wore a black pencil cut dress na may slit sa gilid. Di naman provocative stylish pa nga ang dating noong maisuot niya. Binagay niya ang black four inches na stellito sa damit and she came out satisfied sa OOTD niya today.

Papasok na sana siya ng lobby ng Ramirez building ng mamataan niya ang kumpulan ng iilang empleyado.

Nang makalapit ay pagagalitan niya na sana ang mga ito ng biglang tumabi ang mga tauhan nila at kitang-kita niya kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Agad siyang sinalubong ng halik sa pisngi ng mom niya.

"Mom, ano to?" Gulat na tanong niya sa mom niya na nakapang pustora rin talaga ang suot. From her pink customed made business suit at sa pixie haircut. Her mom is really a stunner! She's glowing kahit na nasa 50's na ito parang magka edad lang sila kong titignan.

"Surprise hija. "Nakangiti nitong bati bago inabot sa kanya ang magarbong bouquet ng bulaklak na Lilies at Mirasol. Her favorite flowers na alam na alam ng kanyang Mommy.

Tinanggap naman niya ito kaagad. Pero naguguluhan siya. Dahil hindi niya makuha kong anong okasyon? "Para saan? " saka lang niya naalala ang nakasulat sa pahayagan.

"Pangit na ba ngayon na isurprisa ng magulang ang nag iisa nilang anak? " May pag pabulong na sambit nito.

"Mommy tinanggap ko naman po yung bulaklak kahit wala naman okasyon. Nagasta pa kayo ng pera para rito."

"Masaya lang ako anak, dahil mukhang nagkaka ayos na kayo ng kuya mo. " naka ngiti nitong tukoy. Bago nahawakan ang kaniyang kanang kamay at magkasunod na pinisil.

Sinamaan niya lang ng tingin ang mom niya. Tama nga siya.

"Okay mom. May iba ka pa bang kailangan? May meeting pa ako eh." Pagkuway pag dadahilan niya. Saka kunwaring sinipat ang relo sa bisig.

"Wala na anak. Basta ingatan mo ang iyong sarili. Mauuna na ako. " Paalam nito. Bago ulit humalik sa kanyang pisngi.

"Ah teka. " Huminto ito sandali at binalingan siya mukhang may nakalimutan itong sabihin. "Naalala ko lang magpapasama pala ako sayo hija."

Napakunot na lamang siya. "Saan naman? "

"Ah papasabi ko nalang sa assistant mo. Sige na bye. "

Saka mabilis na umangkas sa sasakyan nito. Nang makaalis na ang mom niya saka lang niya napansin ang mga empleyadong nakamasid parin pala.

"Ano pang ginagawa nyo dyan. Wala ba kayong mga trabaho? "

Sita niya sa mga ito.  Hays, talaga namang agad nag iinit ang ulo niya.

Mabilis naman nag sipag alisan ang mga pobreng empleyado.

"Kaya nalulugi ang mga kompanya eh dahil sa mga empleyadong mga kagaya nito hindi productive! " saka nagmamadaling tinungo ang prebadong elevator. Na nakalaan lamang sa mga kilalang tao ng kumpanya nila.

Mabilis siyang nakarating sa loob ng opisina niya. Ipinatong niya kaagad ang bit-bit na bouquet. Ewan ba niya kung saang sulok ilalagay. Uutusan nalang niya marahil si Linda na ayusin yan. Hinanap niya rin si Linda para malaman ang sched niya for today. Naalala lang niya may meeting siya kaso nakalimutan niya anong oras yon.

"Mabuti naman po at nandito na kayo may meeting po later for Gainsco Auto. "

"Okay andun ba si Juan Miguel? "

"Ah hindi pa po sila nag confirm Ma'am. "

"Kayo po ang magdadala ng meeting ma'am alam kong kaya nyo yan." Magiliw na pagchicheer nito sa kanya.

Iikutan niya sana ng mata si Assistant kaso wala sa isip na napalanghap siya ng hangin. Namamawis rin ang kamay niya. Indikasyon na kinakabahan siya. 

Few minutes at nasa function hall na siya kong saan gaganapin ang meeting. Ito naman talaga ang gusto niya diba? Ang maamyendagan kaagad ang sinusulong niyang taasan ng sahod ang staff niya. Napailing nalang siya ng dahil sa kaartihan niya ito ang nangyari.

Nagulat nalang siya ng makatanggap siya ng memo mula sa office ng CEO na kailangan niyang ipaliwanag ang tungkol sa sahod ng kanilang empleyado.

Hay naku. Dagdag stress. Aniya sa utak niya.

*************************

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 26.5K 47
[ Stanford Series #1] [FIN] She tends to forget a lot of things. She often forgets locking her unit. She forgets doing her grocery. She forgets her f...
956K 30.5K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
1.1M 51.4K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.