Abounded City

By yourshdw

137 26 0

9 teenagers reported missing and could not be found by police and there are also says that they are in abound... More

Start.
1.
2.
3
5
6
Part 7
Part 8
Part 9.
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

4

8 1 0
By yourshdw

(Back to Psyche pov)

Natapos na kami magluto at kumain kaya nagpahinga na muna ulit kami.

Pagod na pagod kami kahit wala naman kami mas'yadong ginawa. Ngayon nakaupo ako sa upuan na kahoy. Kasi wala naman din kaming magawa at baka bukas pa kami makagawa ng paraan para makaalis dito, sana nga. Sana nga makaalis na kami.

Nananahimik lang ako ng bigla akong siniko ni Veigne ang ulo ko. Kaya napatayo ako at hinablot ang braso n'ya.

"Aray." Sambit n'ya. "Ano bang problema mo ha?" Tanong ko naman dito ng seryoso kaya napatingin ang mga kaibigan namin.

"Ano bang problema mo saakin ha? Kanina ka pa ha. Hindi kana nakakatuwa!" Sigaw ko dito at mas hinigpitan pa ang hawak sa braso. "Aray ko, masakit! Bitawan mo ako!" Sigaw n'ya. "Talagang masasaktan ka saakin kapag hindi mo pa ako tinigilan!" Pinagdilatan ko s'ya ng mata at binitawan ang braso n'ya.

Napahawak s'ya sa braso n'ya. "Gusto mo malaman kung anong problema ko sa'yo? Ikaw! Ikaw mismo ang problema ko!" Sinusubukan talaga ako neto ha, napangisi ako dahil sa sinabi n'ya.

Itinulak ko s'ya ng mahina. "Ako problema mo ha? Ako?" Turo ko pa saaking sarili. "Bakit? Ano bang ginawa ko sa'yo? Ano bang ginawa ko sayo ha?!" Sigaw ko dito at tinulak muli s'ya. Lahat sila ay nakatingin lang saaming dalawa at walang nagpipigil o umaawat saaming dalawa.

Tinulak ko ulit s'ya sa pangatlong pagkakataon at doon na kumilos si Kaizer para tulungang tumayo si Veigne at inawat naman ako ni Serenity.

Nang makatayo ang babae ako naman ang tinulak n'ya. Inawat s'ya ni Kaizer. "Bakit mo inawat? Hayaan mo s'ya!" Sabi ko dito.

"Gusto mo malaman kung ano ginawa ko sa'yo ha?! Ikaw! Patuloy ka parin sa pakikipag usap sa boyfriend ko na ex mo!" Sigaw n'ya saakin.

"Ayan lang dahilan mo? Eh bakit hindi 'yang boyfriend mo na inagaw mo saakin ang pagsabihan mo ha?!" Ani ko dito. "Ayan!" Turo ko kay Kaizer. "Ayan ang panay lapit saakin! Hindi ako! Ano bang pake ko sainyong dalawa! Sa boyfriend mong gago!" Dagdag ko pa dito.

Bigla nalang lumabas si Veigne at sinundan ng magali n'yang boyfriend na gago. Wala naman pala 'tong dalawang 'to.

"S'ya pa talaga ang may ganang magalit ha! S'ya na nga ang nag agaw ng boyfriend ng iba s'ya pa may ganang magalit!" Sigaw ko.
"Diba dapat nga ako? Diba dapat ako yung magalit sa kanilang dalawa? K-Kasi sinaktan nila ako eh." Paiyak kong ani.

"Ako yung sinaktan. Ginawa nilang tanga e. Ako yung umasa, umasa sa wala. Umasa sa mga pangakong laging napapako." Sambit ko pa at tuluyang umiyak.

"Putcha, Ako nga 'tong hindi nila alam na nasasaktan tuwing nakikita ko silang masaya." Hinawakan ni Sereniy ang balikat ko at hinaplos haplos ito. "Tahan na bes, Tahan na.. may lalaking may mas karapatdapat ng pagmamahal mo." Sabi neto.

May yumakap bigla saakin at hinaplos ang Mukha ko at inalis ang mga luha kong nasa pisngi ko. Niyakap ko nalamang s'ya ulit at umiyak.

Hindi ko alam kung ano yung nagawa kong mali. Kasi ginawa ko naman lahat ng gusto n'ya para hindi n'ya ako iwan. Kahit hindi kakayanin ng puso ko 'yung pinapagawa n'ya kinaya ko parin.. para lang.. hindi n'ya ako iwan.

Hays. Tama na, tapos na. Siguro may lalaking inalalaan saakin si tadhana. Yung lalaking mas karapatdapat kong mahalin.

Tumahan na ako sa pag-iyak at pinunasan ang mga luha ko. Itinaas ko ang aking ulo.
Si Serenity pala ang yumakap saakin.
Ngumiti nalang ako ng peke sa kan'ya at tumayo na para bang walang nangyari.

Lumingon-lingon ako sa paligid inaasahang makikita si Cael pero wala s'ya dito sa loob. Si Gab, Serenity, Ethan, at Kaizer lang ang nandito. Si Veigne at Cael lang ang wala.
Huminga ako ng malalim at naglakad papalabas ng bahay na tinuluyan namin.

Lumingon lingon ulit ako sa paligid nagbabakasakaling makita si Cael at Veigne.
Naglakad lakad ako para magpahangin narin.

Babalik na sana ako sa bahay na tinuluyan namin nang makita ko si Cael kausap si Veigne. Gusto ko na sana maglakad at bumalik sa bahay pero parang ayaw makisama ng paa ko. Para bang pinipilit ako na makinig sa pinagu-usapan nilang dalawa.

Namalayan ko nalang ang sarili ko na nagtatago at nakikinig sa pinagu-usapan nila. Pinupunasan ni Cael ang pisnge ni Veigne. Umiiyak s'ya.

Tumahan naman si Veigne sa pag-iyak at ngumiti kay Cael. Ngumiti naman pabalik si Cael sa kan'ya. Buti pa s'ya concern kay Veigne hmp.

Hindi ko naman s'ya masisisi. Alam naming lahat na matagal ng gusto ni Cael si Veigne. Ewan ko ba kung anong nagustuhan n'ya sa bastardang babaeng 'yan. Nagf-feeling reyna kasi si Veigne sa pinapasukan naming University although mabait s'ya kay Cael at sa iba naming kaibigan pero saakin hindi.

Animoy may ginawa ako sa kan'yang masama at para bang sinusumpa n'ya ako palagi tuwing nagkakatinginan kami.
Kahit wala naman akong ginagawa sa kan'yang masama. S'ya nga 'yung may ginawang masama saakin tapos s'ya pa ang may ganang magalit. Wow ha, wow talaga.

Aalis na sana ako ng makita kong magkayakap silang dalawa. Ewan ko, pero biglang kumirot yung puso ko ng makita kong magkayakap silang dalawa.

Umalis na ako sa pinagtataguan ko at bumalik sa bahay. Sigurado naman akong hindi nila ako nakita o napansin na nagtatago doon. Imposible, naka focus lang silang dalawa sa isa't isa. Animoy parang wala silang ibang kasama at hindi nila alintana na nakakulong kami sa isang lugar na hindi namin alam.

Katabi ko ngayon si Serenity sa labas ng bahay. Dinala namin sa labas yung mahabang upuan para doon kami umupo at lumanghap ng sariwang hangin.

Nakapatong ang ulo n'ya sa aking balikat at ni isa saamin ay walang nagbabalak na magsalita. Parang ang lalim rin ng iniisip n'ya. Pero hindi ko na s'ya tatanungin tungkol doon.

Huminga ako ng malalim at magsasalita sana ng makita kong paparating sina Veigne at Cael. Muling kumirot ang puso ko. Ang hilig kumirot ng puso ko ngayong araw ha.

Pinagmasdan ko silang maglakad papalapit sa bahay hanggang sa makapasok sila. Nakita ko namang nakatingin din saakin si Cael kaya ako na ang unang bumawi ng tingin. Baka kung ano pa ang isipin n'ya.

Tumingin ako sa langit ni isang bituin ay wala akong makita. "Anong lugar ba ito? At bakit ako nandito?" Bulong ko sa sarili ko bago ko ipikit ang aking mata at isinandal ang aking ulo sa pader.

******

Nagising ako sa ingay ng alarm clock na nasa gilid ko. Ala sais palang ng umaga mamaya pang alas otso ang pasok ko sa University.

Humikab ako at inunat ang aking mga braso.
Tumingin tingin ako sa paligid. Tahimik at mukhang natutulog pa ang iba kong kasama sa bahay.

Grabe ang panaginip ko kagabi nasa isang Abandoned Place daw kami. Tapos kasama ko pa ang magbabarkada sa University na pinapasukan ko. Akalain mo 'yon? Kasama ko yung mga sikat sa Paaralan na pinapasukan ko. Talaga naman.

Hindi ako isang scholar. Kung iniisip n'yo na isa akong scholar na istudyante sa University na pinapasukan ko ay nagkakamali kayo. May kaya kami ano, kayo talaga.

Ang weird lang talaga ng panaginip ko kagabi. Minsan hindi ko din alam kung anong pumapasok sa imagination ko e.

Inunay ko ulit ang mga braso ko sa pangalawang pagkakataon. Gusto ko pa matulog pero may pasok pa ako mamayang alas otso hindi ako pwede mahuli sa klase.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at inayos ang aking higaan. Binuksan ko na rin ang dalawa kong bintana sa kwarto. Tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Napahikab ulit ako, antok na antok pa ako.

Bakit kasi ang aga ng pasukan namin? Pwede namang tanghali nalang para naman lagi akong may sapat na tulog hindi kung limang oras o anim na oras lang palagi ang tulog ko. Kainis namang schedule 'to. Ano pa nga ba magagawa ko? (Ayun sinulat ng author e, may magagawa paba ako.)

Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng kama at tinignan kung anong oras na.
6:23 am palang. Ang ganda talaga ni Myoui Mina ng Twice sa dami dami ng miyembro ng Twice sa kan'ya ako sobrang nagandahan. Ang natural lang kasi ng ganda n'ya at elegant pa s'ya.

Pinatay ko na ang cellphone ko. Sinaksak ko s'ya gamit ang kutsilyo as in na patay ang ginawa ko pero s'yempre charot lang 'yon.

Kinuha ko na ang uniform ko sa cabinet ko.
Iniisip ko kung bibili ba ako ng bagong album ng Enhypen na Carnival pero wala pa pala akong pera dahil mas inuna kong bilhin ang Taste of Love ng twice. (Ay bakit ba natin pinagu-usapan anh mga K-pop idol?)

Tinatamad talaga ako pumasok ngayon. Ano bang pwedeng gawing dahilan para hindi ako makapasok? Suggest nga ka'yo hehe. S'yempre joke joke lang. Para rin naman saakin yung pag-aaral. Para saakin nga ba?
Hays. Makaligo na nga.

----- After 20 minutes -----

Natapos na din akong maligo. Binilisan ko lang maligo dahil anlamig ng tubig maninigas ata ang buong katawan ko kapag binagalan ko pang maligo.

Himala at tahimik parin ang bahay namin Walang ni isang sigaw galing sa kusina.
Sinuot ko na ang uniform ko at bumaba.
Hindi ako sanay na tahimik ang bahay namin tuwing umaga kapag papasok ako.

Akala mo tuwing umaga ang palangke ito sa sobrang ingay at gulo kaya isang himala 'to ngayong araw. Gusto n'yo bang malaman kung sino sino ang mama at papa ko? Kasama narin kapatid ko? Asa kayo, bleh. <( ̄︶ ̄)>

Dumaretso na agad ako sa kusina dahil na amoy ko ang nilulutong sinangag ang bango ng amoy. Binuksan ko ang nakatakip sa pinggan sa lamesa. Bacon, Egg, and hatdog ang ulam namin ngayong umaga usual hindi na magbabago ang ulam namin tuwing umaga. Hindi ba pwedeng adobo o hindi kaya sinigang na baboy namin maging ulam namin tuwing umaga? Hays.

"Ah!" Mahina kong sigaw dahil sa gulat ko ng may magsalita sa gilid ko. "Kanina ka paba?" Tanong n'ya. "A-Ah. Ngayon ngayon lang po." Wika ko sabay upo.

"Ginugulat n'yo naman po Manang Hilda. Bigla bigla ka nalang po sumusulpot." Dagdag ko po. Natawa naman ito ng mahina.
"Nagulat ba kita? Pasensya na. Nagluluto kasi ako ng sinangag, pumunta lang ako sa bakuran n'yo saglit." Paliwanag n'ya. Tanging tango lang ang ginawa ko.

Hinintay ko s'yang matapos sa pagsalin ng sinangag sa babasaging pinggan. "Papasok ka na ba, Psyche?" Tanong n'ya sabay lagay ng pinggan na may sinangag sa lamesa. "Opo." Tugon ko.

Tumayo ako at kumuha ng pinggan tsaka bumalik ulit sa lamesa at sinimulan ng kumuha ng sinangag at ulam.

Umupo sa harapan ko si Manang Hilda sinabayan n'ya akong kumain. Ganito na ang naging routine naming dalawa ni Manang Hilda. Sinasabayan n'ya ako kumain tuwing umaga kasi wala naman sila Mama at Papa para sabayan ako. Tanging ako, ang dalawa kong kapatid at ang nga kasambahay lang ang natitira tuwing weekdays.

"Himala at tahimik ngayong umaga." Ani ni Manang Hilda.
"Oo nga po eh. Mga ganitong oras naga-away na yung dalawa ko pang kapatid." Tugon ko sa kan'ya natawa nalang s'ya sa sinabi ko at tumango tango.

Bigla kong naalala ang napaginipan ko kagabi. Balak ko sanang tanungin si Manang Hilda tungkol dito dahil mahilig s'ya sa mga pamahiin, paniniwala sa mga panaginip at iba pa.

"Hmm, Manang." Wika ko dito. Tumingin namin ito saakin. "Ano iyon hija?" Tanong n'ya. Napahinga naman ako ng malalim. "May itatanong lang ho sana ako sainyo." Ani ko. "Ituloy mo lang." Sabi neto.

Umupo ako ng maayos at ibinaba ang kutsara at tinidor saka muling tumingin ulit kay Manang. Tumikhim ako tsaka nagsalita. "Hm. Manang Hilda. May Kahulugan po ba yung mga panaginip na natatandaan ng mga tao? Kasi diba po kapag nanaginip ka pagkagising mo ay nakakalimutan mo din kaagad ito?" Wika ko. "Paano naman po yung mga taong hindi nakakalimutan yung napaginipan nila pagkagising?" Tanong ko dito.

Tumingin naman ito saakin ng seryoso. At ibinalik ang tingin sa pagkain at sumubo ulit ng sinangag na niluto n'ya. Ano ba naman 'to Manang Hilda tinatanong ko tapos kakain lang ulit.

Tumayo ako at kinuha ang pinggan na pinagkainan ko at kumuha ulit ng sinangag. "Sabi po kasi ng iba. Kapag hindi mo daw nakalimutan yung napaginipan mo. Pwede s'yang mangyari o 'di kaya nangyari na 'yon saiyo." Patuloy ko ulit. Tumingin ulit ako kay Manang nag Shurg lang ito at hindi sinagot ang tanong ko kanina.

Napasimangot nalang ako at mabilis ma inubos ang sinangag dahil baka mahuli na ako sa University ko. Bagong pasukan pa naman mahirap na dahil sigurado akong maraming taong magsisiksikan sa court at ayoko maging isa don.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
10.3M 462K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.