HEART ARREST II (PAGSUKO O PA...

By raibrielle

4.9K 463 82

Panibagong hamon, panibagong Giyera, Handa kaya silang sumulong at sumugal? o mas maiging kanila nilang itong... More

MAIN CASTS :
C1: PANIBAGONG MUNDO
C2: PROMOTIONS
C3: SAF:SULONG 2.0
C4: ELLA AND ABELAINE
C5: THE PROPOSAL
C6: PELIGRONG MISYON
C7: LEVEL UP
C8: Flipped Pages
C9: UPGRADING
C10: TORN
C11: GET OVER
C12: ONE GREAT LOVE
C13: HEART OVER PAIN
C15: THE FINALE (PART 1)

C14: Huling Bakbakan

174 24 2
By raibrielle

Eyrez P.O.V

" Captain Sibug, sumama ka sa grupong ito. hahanapin ko si Supremo." Sambit ni Rai

" Samahan ka na namin Chief." Sambit ko

" Hindi na, kaya ko na toh." Sambit ni Rai

" Hindi pwede, sasamahan kita Marsela." Sambit ni Mie

" Kakayanin mong masaktan ang Papa mo? Abelaine wag na alam kong napakahirap sayo neto." Sambit ni Rai

" Minsan kailangan nating saktan ang mga minamahal natin para lang magising sila sa katotohanan." Sambit ni Mie

" Kaya pala." Sambit ni Rai

" anong meron dito? nakapwesto na lahat, kayo nalang hinihintay namin para sa pagsugod sa area." Sambit ng kakarating lang na si Gabb

" Tayo na!." Sambit ni Rai at nauna maglakad sumunod naman si Mie sa kanya

" Problema nun? ba't parang nawala na naman sa mood si Singkit?." Pagtataka ni Gabb

" Nako Gabo, di ko rin alam kanina lang okay lang yun eh. yaan muna baka meron. tara na nga." Sambit ko at naglakad na rin.

Gabb's P.O.V

Sinundan ko sina Marsela at Abelaine para hanapin na namin si Supremo

" Ba't sumunod ka pa?." Napakunot ang noo ko sa tanong ni singkit saken, teka akala ko okay na kami? 

" Siyempre para masugpo na si Supremo, Okay ka lang Sese?." Pagtatanong ko

" Hoy! baka dito pa kayong dalawa mag-away nasa gitna tayo ng giyera remind ko lang." Sambit ni Abby

Magsasalita pa sana ako pero may mga grupo ng lalake na sumugod samen kaya nakipaglaban nalang kami. Pero nakakainis ha? nabobothered na naman ako sa asta ni Sese saken. 

" Pre, ang kinis nitong isa oh, tapos singkit pa, parang yung nasa website na pinapanood ko, rapsa." Napalingon ako sa dalawang lalakeng nagbubulungan na tila ang lagkit ng tingin kay Sese.

" Aba'y gago! ang mamanyak niyo!." Agad ko silang pinagsisipa at pinagbubugbog 

" Gabo, kalma na, mapapatay mo na sila." Sambit ni Abby

" Eh ang mamanyak eh, ang lagkit ng tingin kay Sese, tas kinumpara pa dun daw sa website na pinapanood nila. Naging asawa ko yan pero never ko pinag-isipan ng ganyan yan." Sambit ko

Natahimik naman si Abby, dun ko na realize na na dulas na naman yung dila ko. nakita kong tumakbo na si Sese kaya sumunod na rin kami ni Abby.

" Dumaan ka muna saken, Papatayin kitang hayup ka!." Nabigla ako kase may biglang sumipa saken pagtingin ko si Gia pala yun

" Abelaine sundan mo si Sese, titirisin ko muna tung sagabal na kutong ito." Sambit ko

" MASAYA NA KAMI NI HELENA EH, INAGAW MO NA NAMAN SIYA SAKEN!." nagtututukan na naman kami ng baril

" HELENA MONG MUKHA MO! ILUSYANADA! UNANG NAGING AKIN SI ELLA SUMAPAW KA LANG! GANON KA NA BA KA DESPERADA AT NANG A-ANGKIN KA NG HINDI SAYO HA?." Sambit ko 

" AKIN LANG SI HELENA! AKIN!." 

" EH DI SAYO NA SYA, LAMUNIN MO YANG HELENA MO. BASTA SAKEN SI ELLA!." 

" PAPATAYIN TALAGA KITA!." 

" EH DI MAGPATAYAN TAYONG DALAWA!."

"Taas ang kamay, wag ka na magsubok lumaban pa dahil di mo pa alam anong kaya naming gawin." Sambit ni Zeus kasama si Coleen, wala nang nagawa si Gia kundi ang sumuko nalang. agad ko silang iniwan at sinundan sina Abby at Sese. 

Belle's P.O.V

" Lala, wag nga kasing matigas ang ulo, utos ni Gabb na dito ka lang." 

" Di ako mapapakali Mina, baka mapano yung akin ko." At yun na nga lumabas si Ella sa van at agad na tumakbo papasok sa lumang bodega

" ELLA AVRIIIILL!!!!." Haaay

Ella's P.O.V

Hindi ko basta-bastang pababayaan ang akin ko kaya sumugod na din ako dito, hinahanap ko sila. 

" Gabb? Akin? nasan ka???." 

" Ate Ella, anong ginagawa mo dito?." Pagtataka ni Omar

" Sinusundan ko ang Ate Gabb mo, nakita mo ba sila?." Sambit ko

" Ate masyadong delikado, bumalik nalang po kayo sa Van." Sambit naman ni Jehan

" Hindi! kaya ko toh. wag niyo akong alalahanin." sambit ko at tumakbo palayo sa kanila

Gabb's P.O.V

Hinahanap ko sila hanggang sa makita ko si Abelaine. 

" Su-supremo?." 

" Gabb, tumakbo ka na sundan mo si Marsela." Sambit ni Abelaine, nagtututukan sila ng baril nga sarili niyang ama

" Ganyan ka ba talaga ka demonyo Supremo? na pati sarili mong anak kaya mong patayin?." Sambit ko

" TRAYDOR SIYA, MATAPOS NG LAHAT, KAKAMPI LANG PALA SA MGA KALABAN??!!." 

" PAPA, SUMUKO KA NA PLEASE. MAY PANAHON PA PARA MAGBAGO PLEASE PA." Sambit ni Abby

Nang makarinig kami ng tatlong malakas na putok, napatingin kami kay Supremo na dahan dahang napababa sa sahig. At nakita namin si Sese na may hawak ng baril na ibinaril kay Supremo

" Para yan sa walang awang pag paslang mo sa aking ama at sa lahat ng atraso mo sa bansa!." Sambit ni Sese

" PA!." agad namang tumakbo si Abby sa naghihingalong si Supremo

" Sese, ayos na di na niya kayang lumaban." Sambit ko at kinuha yung baril sa kanya

" Lumayo ka saken, baka ikaw sunod kong mabaril." Nabigla naman ako sa sinabi niya, ano na naman bang kasalanan ko?

" Problema mo na naman ba saken? Marsela NAKAKAPIKA KA NA HA?." di ko napigilan at napagtaasan ko na siya ng boses.

" AKIN!." napalingon naman ako kay Ella.

" Akin, ba't ka sumunod dito?." Sambit ki at lumapit kay Ella

" Nag-alala kase ako sayo.teka si.." Napatingin siya kay Supremo na naghihingalo

" Oo akin, tapos na ang laban." Sambit ko at hinalikan ang noo ni Ella

" Sa wakas." Sambit niya at napayakap sa gilid ko

Lumapit kami kay Abelaine, at nakita naming binawian na pala ng buhay si Supremo.

" Wala na siya Gabo, wala na ang Tatay ko. Wala na rin siyang masasaktan at maaagrabiyadong tao." Sambit ni Abby na umiiyak

" Kahit pano pa siya kasama, Tatay mo pa rin siya, at hindi maipagkakailang minahal ka rin niya." Sambit ko

" Mahal na mahal ko rin ang Papa ko, pero hindi ko na rin kayang makitang buhay na buhay siya at napakasama." Sambit ni Abby

" Mabait naman siya eh, nung nagtatrabaho palang ako sa kanya, napakabait at napakamaunawain niya." Sambit ni Ella

Habang dinadamayan ni Ella si Abby ay napatingin naman ako sa paligid, bigla yatang nawala si Sese, Baka nainis na din yun sa pagtataas ko ng boses sa kanya.

( 2 weeks passed)

Gen. P.O.V

Nagtagumpay na naman muli ang SAF: Sulong lalo na sa pagsugpo sa isa sa pinakamatindi nilang kalaban. nahuli na rin ang iba pang mga nagsitagong sindikato dahil sa pagkanta ni Gia, lubos ang pagsisisi niya sa nagawa niya kaya nag desisyon siyang maging star witness at dahil sa ginawa niya ginawaran siya ng pagbaba ng sistensya. Pati malalaking tao na pumapailalim sa sindikato ay hindi nakaligtas. Matagumpay din na naipasa kay Marsela Rai Guia ang pagiging Police Director General dahil ginawa na si Jace  bilang Secretary of National Defense. umangat din ang posisyon ng iba. 

Gia's P.O.V

" Guinevere! May dalaw ka!." Hininto ko muna ang ginagawa kong paglilinis at agad na sumama sa jail guard.

" Ella?." 

" Hi Baba." Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya, walang paglagyan ang saya sa puso ko na makita ko muli ang babaeng pinakamamahal ko

" Baba, napadalaw ka." Sambit ko sabay punas ng luha ko

" Gusto kong kumustahin ka at may sasabihin ako sayo." Sambit ni Ella

" Maayos lang ako ba, kailangan ko ring pagbayaran ang mga kasalanan ko. tsaka nais ko ring humingi ng sorry sa lahat ng nagawa ko sayo at sa mga kaibigan mo. Minahal lang talaga kita Ella at nasobrahan yung pagmamahal ko na yun kaya ako nakagawa ng mga bagay na yun." Sambit ko

" Ssssh, tama na yan, matagal na kitang pinapatawad ba, siyempre kahit papano isa ka sa mga taong never akong tinalikuran, lalo na nung mga panahong wala akong mapuntahan, ikaw ang nagbangon muli saken, at lubos kong pinagsasalamat yun." Sambit ni Ella na hawak hawak ang kamay ko at umiiyak

" Salamat din sa lahat Ba. ikaw ang isa sa pinakamagandang nangyare sa buhay ko Ella. Kahit na alam kong di naman ako ang nilalaman ng iyong puso." Sambit ko at di ko napigilang maluha na naman

" Mahal kita Ba, pero hindi sa gusto mong paraan. Palagi lang akong nandito, pangako kong hinding hindi ka mag-iisa. Nung naging si Helena ako, mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal mo, oo may mga di magandang nangyare pero naramdaman ko yung pagpapahalaga mo saken, kaya hinding hindi ko magagawang talikuran ka." Sambit ni Ella habang pinupunasan niya ng thumb niya ang mga luha ko.

" Mahal na mahal din kita Ella, at habang buhay kong bubuhatin ang pagmamahal ko sayo maging hanggang sa huli." Sambit ko at nagyakapan kami ni Ella

" Tama na nga toh, nag-iiyakan na tayo hahaha." Sambit ko

" Oo nga eh." Sambit niya

" Pero masaya ako kasi alam kong masaya ka na rin sa piling ng akin mo. Diba siya ang one  great love mo?." Sambit ko, ngumiti lang si Ella saken at yumakap

Nagpaalam na si Ella saken kaya hinatid ko siya sa may pintuan. 

" Mag-iingat ka Ba ha? Pagkalabas ko dito kain tayo ulit ng streetfood." Sambit ko

" Sige Baba, hihintayin ko yun." Sambit niya

" Sigee babyee!." Kaway ko, pero nagulat ako ng tumakbo siya muli saken at niyakap ako ng sobrang higpit

" Maghihintay ako Baba ha? Hihintayin kita pangako." Ewan ko pero kakaiba ang naramdaman ko sa sinabi ni Ella pero nagpatay malisha nalang ako.

" Oo naman, O sige na baka maabutan ka pa ng malakas na ulan." Sambit ko

At tuluyan na ngang umalis si Ella.

Mie's P.O.V

" Bakit mo ba ako pinapapunta dito Marsela?." Sambit ko 

" Abelaine." Sambit niya at ngumiti saken

" Yes? namiss ba ako ng Marsela baby ko?." Sambit ko at lumapit sa kanya

" Abelaine, ayokong saktan ka pa. ayokong paasahin ka sa wala." Sambit niya at nagsimulang maiyak

" A-ano ibig mo sabihin? di mo pa nga ako sinasagot ulit, basted na ako agad?." Sambit ko kinakabahan ako

" I did my very best Abelaine na manumbalik ang pagmamahal ko sayo. pero.." 

" pero wala na talaga? hindi mo na ako kayang mahalin tulad ng dati?." Sambit ko at bumagsak ang mga luha sa mata ko

" Abelaine, siya pa rin talaga. Si Gabb pa rin yung mahal ko." Sambit ni Marsela at umiiyak

" Sabi ko na nga ba eh. mukhang wala na nga talagang pag-asang mabago ko ang nararamdaman mo kay Gabo." Sambit ko

" Hirap na hirap na nga din ako eh, Pero wala yung puso ko si Gabb lang talaga ang gusto." Mistulang sinaksak ng napakatalim na kutsilyo yung puso ko sa sinabi ni Marsela. 

" Marsela.. Gustong gusto pa kitang ipaglaban, gustong gusto kong mahalin mo ako ulit, pero tila ngayon palang nagpapahiwatig na ito ng pagkatalo ko. Kaya sige na nga, I'm raising the white flag, Hindi na kita pipilitin na mahalin ako muli. pero gusto kong malaman mong mahal na mahal kita Singkit simula't simula. If letting you go makes you happy then I'll painfully accept it and I'll set you free." Sambit ko habang nakahawak ako sa mukha niya, we're both crying

" Kung pwede lang sana na turuan ang puso kong, mag throwback ng feelings para sayo ginawa ko na. pero alam ko Abelaine na may darating din sayong tao na magmamahal sayo ng sobra. At ipagdarasal ko yun." 

Nagyakapan kami ng mahigpit hanggang sa bumitaw ako ng yakap at tinitigan ang mukha niya lalo na ang mga singkit niyang mata. 

" Sa ngayon hayaan mo muna akong lumayo ha? Kailangan eh. Mag-iingat ka Marsela, hindi ko kelanman pinagsisihan lahat ng nagawa ko dahil sa sobrang mahal na mahal kita." Sambit ko at madiin na hinalikan ang noo niya bago ako tuluyang umalis palayo sa kanya, wala namang tigil ang pag-iyak ko.

Sheki's P.O.V

" Gabobi! naparito ka." Sambit ko

" Pinapabigay po ni Ella sa inyo, order niyo daw toh. dinaan ko lang talaga yan dito Nay." Sambit ni Gabb

" Ahh ganun ba? pupunta ka ba sa HQ?." Sambit ko

" Opo dun po ako papatungo." Sambit ni Gabb

" Sabay nalang ako sayo, dun din punta ko eh. ano tara?." Sambit ko

" Sige po Nay tara po." Sambit ni Gabb 

Sabay na kaming nagtungo sa Head quarters.

" Akin! Hello Ate Sheki!." Sambit ni Ella

" Hi, kanina ka pa?." Sambit ni Gabb teka ba't ang lamig naman yati ng bati na yun Skribikin? LQ na kayo

" Uhm puntahan ko muna si Jace ha? maiwan ko muna kayo." Sambit ko at nagtungo sa kay Jace

Ella's P.O.V

2 weeks na ang dumaan simula ng maramdaman kong unti-unting nagbabago ang pakikitungo ni Gabb saken. pakiramdam ko nanlalamig na siya. Nasasaktan ako kasi di ko alam kung bakit. 

"Akin, uuwi tayo sa probinsya natin diba?." Sambit ko

" Bakit gusto mo umuwi dun?." nabigla ako kase napakunot ang noo niya habang nagtatanong

" E-eh yun ang usapan natin diba? para mabisita ko puntod ng kapatid ko?." Sambit ko

" Ella kita mo namang busy ako diba? andami naming ginagawa dito." Sambit niya kaya natahimik nalang ako

Napansin naming nagtakbuhan sina Eyrez at Coleen

" Anong nangyayare?." Pagtataka ni Gabb

" Chief! nasa balita ngayon si General Guia, nahostage siya sa lumang building sa binondo." Sambit ni Coleen

" Dito ka nalang Gabbo, kaya na namin toh." Sambit ni Eyrez

niyakap ko si Gabb sa gilid dahil alam kong nag-aalala siya sa kaibigan niya.

" Wag kang mag-alala akin, maliligtas din nila si Rai at kaya nila yun." Sambit ko, pero nabigla ako ng iwaksi ni Gabb ang yakap ko.

" HINDI! ILILIGTAS KO SIYA, HINDI KO KAKAYANIN PAG NAWALA SIYA!" Naging statwa ako sa sinabi ni Gabb at tumakbo siya palayo. mistulan akong binagsakan ng napakalamig na tubig at napagbagsak ako kakaiyak.

" Ella, anyare?." Pagtatanong ni Ate Sheki

" Si Gabb po kase." Sambit ko at napayakap ako kay Ate Sheki

" San si Gabb?." Sambit ni Ate Sheki at pinaupo ako habang yakap niya pa rin ako

" Ewan ko Ate, pero ilang araw na din kasing napapansin ko ang cold treatment saken ni Gabb. nahuli ko rin siya one time sa bahay namin na naglalasing at bukambibig niya si Marsela. Pakiramdam ko tuloy parang pinagsisiksikan ko lang talaga sarili ko kay Gabrielle." Sambit ko at bumuhos ng iyak

" Nako teka lang ang gulo ha? hindi ba't iniwan ni Gabb si Mars para sayo? naipawalang bisa pa nga yung kasal nila diba? Ella, ikaw ang mahal ni Gabb, baka nag-aalala lang siya kay Marsela talaga." Sambit ni Ate Sheki

" Sana nga ganun lang Ate Sheki. sana nga talaga." Sambit ko

Rai's P.O.V

" Heneral! asan na yung nang hostage sayo?." Pagtataka ni Coleen

" ayan knock out! nagpunta pa pala kayo dito? hahaha keri ko na yan." Sambit ko

" Ito kasing si Eyrez eh nataranta nung makita ka namin sa balita." Natawa nalang ako sa asta ng dalawa

" Oh bitbitin niyo muna yang mga asungot na yan. susunod din ako sa inyo." Sambit ko at kinuha naman nila ang dalawang nang hostage saken. 

Hinanap ko muna ang gold bracelet ko kasi nahulog yata kanina habang nakikipaglaban ako sa mga yun. 

" san na kaya yun?." nakayuko lang akong naghahanap habang gamit ko ang flashlight ng cellphone ko. 

Bigay kase saken ni Gabb  yun nung cadets pa kami, speaking of Gabb 2 weeks na ang lumipas, I already did everything para mapatawad niya ako kase alam ko namang nasobrahan din talaga ako eh. pero wala di ako kinikibo ni Gabb, at ngayon mukhang galit talaga siya saken kase hindi siya yung nandito para iligtas ako.

" Ayun nahanap din kita." napangiti ako at pinulot ang bracelet

" SESE!!!." napalingon at nabigla sa nakita ko

" Gabrielle?." Nanlaki ng mata ko ng bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit, saka bumitaw at tumingin saken

" Kumusta ka? napuruhan ka ba? gusto mong dalhin kita sa ospital? anong nararamdaman mo ha? may masakit ba sayo? anong ginawa nila sayo?." 

" Gabb okay lang ako, wala lang saken yung mga yun. okay lang ako. Eh tayo ba? Okay ba tayo?." Sambit ko

" Ba't naman kase umaalis ka mag-isa? alam mong delikado lalo na ngayong Heneral ka na. maraming banta." Sambit niya

" yang banta na yan parte na yan ng buhay natin hahaha, pero okay na talaga tayo? di ka na galit saken?." Sambit ko

" Please next time doble ingat naman, baka mapano ka. di ko mapapatawad sarili ko pag may nangyareng masama sayo Sese.  Hinding hindi talaga. And to answer your question, alam mo namang never akong magagalit sayo, nagtampo lang siguro." Gabb? Ikaw ba yan? bakit parang ewan di ko ma explain. 

" awwee thank you Gabrielle. natouch naman ako dun, yieee." Sambit ko

" Halika na nga, pinakaba mo ako ha?." Sambit ko at nagulat ako ng e intertwined niya ang kamay naming dalawa.

Gabb's P.O.V

" Akin.." Sambit ni Ella at tumabi saken sa couch

" Hmm?." 

" Akin, may problema ba? Tila napapansin ko yatang nanlalamig ka saken. may nagawa ba ako Akin?." Sambit niya

" Wala naman Ella, pagod lang siguro ako dahil sa mga trabaho ko." Sambit ko

" Hindi Gabb, kilala kita hindi ka ganyan pag wala kang problema. Gabb please tell me the truth." Sambit niya at naiiyak na

" Ella please, matulog nalang tayo pwede?." Sambit ko at humiga at tumalikod sa kanya

" Hindi mo na ako tinatawag na Akin, ang cold mo, at nung nalasing ka one time bukambibig mo pangalan ng dati mong asawa, Gabb yung totoo? Mahal mo pa ba si Marsela?." natigilan ako sa tanong ni Ella, pero minabuti kong di nalang yun pansinin at pinikit ko mga mata ko.

( 1 month passed)

Eyrez P.O.V

Nandito kami ngayon sa Batanes para sa kasal ko, finally ikakasal na kami ng Belle ko.

" Finally ikakasal ka na Sibug! Magtino ka na ha?." Sambit ni Gabo

" Kinakabahan ako Gabo, ganito pala feeling noh?." Sambit ko

" Sus, kinakabahan ka lang ata matali kay Mina dahil paniguradong gagawing factory ng Lumpia Shanghai ang bahay niyo." Nakatawang sambit ni Rai

" Baliw ka Marsela hahahha pero pwede ring rason yun hahahha." Sambit ko

" Normal lang kabahan Sibug, ganyang ganyan din yung naramdaman ko nung ikinasal ako, kaba siya na dulot ng pananabik at pagkagalak, kase diba mapapasayo na habang buhay yung babaeng sobra mong mahal na mahal? Mas lalo nga lumakas kaba ko nun nung makita ko na si Sese na naglalakad papunta saken, para bang excited akong magiging mag-asawa na kami." Nabigla naman kami ni Marsela sa sinabi ni Gabb

" Uh..ihm excuse me muna ha? check ko lang sila dun." Sambit ni Rai at tumakbo palabas

" Hoy Skribikin! Mas magulo ka ba sa Problem Solving ha? lulunurin na talaga kita dito sa dagat ng Batanes." Sambit ko

" Huh? Bakit?." Sambit niya

" Anong bakit? nagkwekwento ka lang naman ng tungkol sa kasal niyo ni Marsela habang nandito siya kanina ayun napa walk out tuloy." Sambit ko

" Sibug, sapakin mo nga ako, sige na please." Sambit niya

" Baliw! tara na nga baka maunahan pa ako ni Belle." Sambit ko

Ella's P.O.V

" MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!." Pagbati naming lahat sa kanila, nasa reception kami ngayon.

" Ella, labas muna ako saglit ha? sasamhan ko lang si Gray at Zeus." Wala na talaga yung Akin, di naman masakit Gabb

" Sige sige, wag kayo magtagal baka hanapin kayo." Sambit ko, at umalis na nga siya

Palingo-lingo ako sa paligid pero andito naman sina Gray at Zeus kasama sina Eya at Laine. Asan ka Gabb? 

Tumayo na ako at lumabas ng Function Hall para hanapin siya. Asan kaya yun...

Gabb's P.O.V

Napansin kong nawala si Rai kanina sa Event kaya minabuti kong sumama saglit kina Zeus at Gray para magpalusot at makalabas ako para mahanap si Sese. 

" Gabo, may hinahanap ka?." Nagulat ako kase nakita ako ni Tay Jace

" Ahh opo may kailangan kase ako kay Sese." Sambit ko

" Ahh ganun ba? nakita ko yun sabi niya pupuntahan daw muna niya yung Honesty Restaurant dito." Sambit ni Tay Jace

" Honesty Restaurant?." Pagtataka ko

" Sikat yan dito nak, kung may nais kang katotohanan na malaman sa sarili mo o kaya sa isang tao, magtungo kayo dun, ewan parang may magic ang lugar na yun eh, napapasabi ka talaga ng totoo." Sambit ni Tay Jace

" Ganun ho ba? sige ho, sundan ko muna si Sese dun, baka mapahamak na naman yun." Sambit ko

" Sige buti pa nga, mag-iingat kayo." Sambit ni Tay Jace kaya agad na akong tumakbo. 

Jace P.O.V

" Ella? hinahanap mo ba si Gabb?." Nakita ko siyang aligaga na tila parang may hinahanap din

" Ayy opo Sir Jace, nakita niyo po ba si Akin?." Sambit ni Ella

" Andun sa Honesty Restaurant, sinundan si Marsela." Sambit ko

" Honesty Restaurant po? May ganun po?." Pagtatanong niya

" Oo Ella, maganda dun, kung may mga katanungan ka sa buhay o puso mo na nais mong mabigyan ng totoong sagot, magtungo ka dun, o kaya may nais kang malaman sa isang tao, dalhin mo siya dun." Sambit ko at ngumiti

" Ang magical naman po, sige po susundan ko po sila." Sambit ni Ella at nagmadaling umalis

Alam kong parehas kayong tatlo na may maraming katunungan sa inyong puso nawa'y mabigyan na yan ng kasagutan. 





Continue Reading

You'll Also Like

867K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...