IAH2: Remembering The First B...

By xxladyariesxx

35K 1.8K 281

IN A HEARTBEAT 2: REMEMBERING THE FIRST BEAT Amari's heart was healed but she forgot the first beat of it. St... More

Amari's Heart
Chapter 1: Love
Chapter 2: Voice
Chapter 3: Visitor
Chapter 4: Hospital
Chapter 5: Picture
Chapter 6: Wife
Chapter 7: Leave
Chapter 8: Call
Chapter 9: Truth
Chapter 10: Lie
Chapter 11: Accident
Chapter 12: Death
Chapter 13: Life
Chapter 14: Mother
Chapter 15: Pain
Chapter 16: Call
Chapter 17: Memories
Chapter 18: Reason
Chapter 19: Home
Chapter 20: Back
Chapter 21: Family
Chapter 22: Rest
Chapter 23: Mess
Chapter 24: Father
Chapter 25: Tears
Chapter 27: Start
Chapter 28: Search
Chapter 29: Accept
Amari's Love - Part 1
Amari's Love - Part 2
Amari's Heart - Part 3
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3

Chapter 26: Failed

767 50 5
By xxladyariesxx

"Mommy."

Natigilan ako sa pagsusuklay kay Ayah noong tawagin niya ako. Tiningnan ko ang repleksiyon namin sa salamin at marahang nginitian ito.

"I like Tito Von, mommy," marahang sambit nito na siyang ikinaawang ng labi ko. "He hold my hands gently and I can see that he cares for you."

"Ayah, what are you talking about?" Nahihirapang tanong ko dito at tinapos na ang pag-aayos sa buhok nito. "Come on. Lumabas na tayo. Your Lola and Lolo are waiting."

"Yes, mommy!" Magiliw na sambit nito at umalis na sa upuan niya. Siya na mismo ang nagbukas ng pinto ng silid niya at nagmamadaling tumakbo na siyang ikinabahala ko.

"Ayah, slow down, baby!" Sigaw ko at binilisan na rin ang paglalakad. Napailing na lamang ako noong makitang nasa pinakahuling baitang na ito ng hagdan at ngayon ay tinatawag si Adliana.

"Tita!" bati ni Ayah sa kapatid ko at mabilis na hinalikan ito sa pisngi.

"You look beautiful, baby," ani Adliana sa anak ko at tiningnan ako na dahan-dahang humahakbang papalapit sa puwesto nila. "The Hendersons are here, Amari."

"Tito Von is here?" gulat na tanong ni Ayah na siyang ikinatigil naming dalawa ni Adliana. Pinagtaasan ako ng kilay ng kapatid at hindi na nito nagawang magtanong sa akin noong hilain na ito ni Ayah patungo sa hardin ng mansiyon namin.

"Ayah, slow down. Stop pulling your Tita Adliana," suway ko sa anak at sinundan na ang dalawa patungo sa hardin.

Sa may pintuan pa lang ay rinig ko na ang boses ni Yvana, Von's sister. Natigil ako sa paglalakad at tiningnan ang mga tao sa hardin.

My parents are already there. Masayang nakikipag-usap si mommy kay Tita Gretchen samantalang seryoso ang mga mukha nila daddy, Tito Miguel at Von habang may kung anong pinag-uusapan sa puwesto nila. Napabaling ako kay Yvana noong bigla itong tumayo at lumapit kay Adliana at Ayah. Naiiyak na lumapit ito sa dalawa at mabilis na lumuhod sa harapan ng anak.

"Hello, little angel. You must be Ayah!" anito at hinawakan ang kamay ng anak. Natigilan sila mommy at Tita Gretchen sa pag-uusap at binalingan na rin sila Ayah. Ganoon din ang ginawa nila daddy kaya naman ay mas lalo akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ako.

"Magandang ga... gabi? po," tila nahihirapang bati ni Ayah. Nagulat naman si Yvana sa pag-ta-tagalog ng anak ko kaya naman ay mabilis niya itong pinang-gigigilan.

"You speak Tagalog?" tanong ni Yvana na siyang ikinatango ni Ayah.

"I practice a lot po! With Lola and mommy!"

At noong sabihin iyon ni Ayah, halos sabay-sabay na bumaling sa gawi ko ang mga tao sa hardin. Biglang kumabog nang malakas at mabilis ang puso ko kaya naman ay napaawang na lamang ang bibig ko. Kinalma ko ang sarili at nagsimula nang humakbang muli papalapit sa puwesto nila.

"Destiny!" Sigaw ni Yvana at mabilis na tumakbo palapit sa akin. Mabilis akong niyakap nito at narinig ang mahinang pag-iyak nito. "Welcome back, Destiny," bulong nito at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin. Maingat niyang inalis ang mga luha sa mata at nginitian ako. "Thank you for coming back."

"This is my real home, Yvana, of course, uuwi ako sainyo," mahinang sambit ko dito at nginitian ito. Bumaling ako sa puwesto nila Tita Gretchen at marahang inihakbang muli ang mga paa. Binati ko ito at maingat na inabot ni Tita Gretchen ang mga kamay ko.

"Welcome back, Destiny."

"Thank you, Tita," turan ko at niyakap na rin ito. Sinunod kong binati si Tito Miguel at noong nagtagpo ang mga mata namin ni Von Sirius, agad akong napaayos nang pagkakatayo.

"Maupo na kayo, Amari," marahang sambit ni daddy na siyang ikinatango ko dito. Nag-iwas ako nang tingin kay Von Sirius at binalingan na si Ayah. Nilapitan ko ito at niyaya na itong maupo sa puwesto namin.

I mentally cursed when I realized our seating arrangement. Nasa isang pahaba na mesa kami ngayon. Nasa magkabilang dulo si daddy at Tito Miguel at katabi nila si mommy at Tita Gretchen. Magkatabi rin si Adliana at Yvana kaya naman ay kami ni Von Sirius ang magkatabi sa upuan!

Adliana! My God! Paniguradong ideya niya ito!

Napabuntong-hininga na lamang ako at napabaling sa kaliwa ko. Prenteng nakaupo lang si Ayah sa pagitan naming ni mommy ngayon. Nagsimula na itong galawin ang pagkain niya kaya naman ay mabilis ko itong tinulungan.

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng mga taong kasama ko sa mesa. Nagsasalita lang ako kapag tinatanong nila ako. Mas marami pa ngang nasabi si Ayah kaysa sa akin. Masyado itong madaldal kaya naman ay tuwang-tuwa si Yvana sa anak ko.

"Mabuti talaga ay naisipan niyo nang umuwi dito sa Pilipinas, Destiny," ani Tita Gretchen na siyang ikinatigil ko sa kinauupaun. Hindi ko alam kung saan tutungo itong usapang ito. Basta na lamang akong tumango kay Tita Gretchen at nginitian ito.

"Kung hindi pa ako inatake sa puso, paniguradong hindi pa yan uuwi," natatawang sambit ni daddy na siyang ikinangiwi ko.

"Dad, uuwi naman talaga kami ni Ayah dito. We're just... you know, taking our time. Masyadong bata pa si Ayah para bumiyahe noon kaya naman ay natagalan kami."

"Saan mo pala ipinanganak si Ayah, Destiny?" tanong naman ni Yvana na mabilis na kinalabit ng kapatid ko. Nasa harapan ko kasi ang dalawa kaya kitang-kita ko ang galaw ng mga ito. "What?" taking tanong pa ni Yvana sa kapatid ko na siyang marahang ikinailing ko.

"Sa New York. She born and raised there," sagot ko na siyang ikinatigil ng dalawa. Umayos nang pagkakaupo si Yvana at muling nagtanong sa akin.

"And her father?"

There. Alam kong ito talaga ang nais nilang malaman tungkol sa pagkatao ni Ayah.

Alam kong sinabi na ni Von sa kanila ang tungkol sa kung anong alam nito sa anak ko. Alam nilang hindi ito anak ni Von kaya naman ay sa akin na mismo sila nagtanong.

"My dad is in a happy place now, Tita Yvana," wika ni Ayah na siyang ikinatigil naming lahat. Gulat akong napatingin sa anak at namataan ang kaswal na ekspresyon nitong umiinom ng juice niya. "He's in that place with Mommy Charlotte," dagdag pa niya na siyang ikinaawang ng labi ko.

"Ayah's father is dead," rinig kong sambit ni Adliana ngunit na kay Ayah pa rin ang buong atensiyon ko.

"Ayah," tawag pansin ko dito na siyang ikinabaling nito sa akin. "Who told you about that?"

"Amari, don't," pigil naman ni mommy sa akin.

"Ikaw ba nagsabi nito sa kanya, mom?" Akusa ko sa ina at tiningnan ito. "Mom, hindi mo dapat sinabi ito sa bata!" Natatarantang sambit ko at mabilis na napailing.

"Wala akong sinasabi sa anak ko, Amari."

"Tita Cristina told me that, mommy," wika ni Ayah na siyang nagpatigil sa akin. "Tita Cristina told us a story and then told me about daddy and Mommy Charlotte. They're both in a happy place now that's why I need to be happy for them. I... I don't hate them for leaving me. I don't hate them not bringing me with them because if that happened, who would hug you when you cry again? Daddy is not with us anymore and I'm the only one left to comfort you."

"Ayah." Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. Nag-unahan na ito sa pagtulo na siyang mabilis na ikinatigil ng anak ko. Mayamaya lang ay umiyak na rin si Ayah at mabilis na niyakap ako.

"Why you're crying, mommy?" tanong nito at sumiksik sa akin. Napayuko at mahigpit na niyakap ang anak.

"Amari," tawag ni mommy sa akin at pinatahan na ako. Humugot ako ng isang malalim na hininga at kinalma ko ang sarili. Noong natigil na ako sa pag-iyak, maingat akong tumayo at nagpaalam sa mga kasama ko.

"Excuse me," maharang sambit ko at binalingan si mommy. Tumango lang ito sa akin at binalingan si Ayah. Nagsimula na nitong kausapin ang anak kaya naman ay nawala sa akin ang atensiyon nito.

Dali-dali akong umalis sa kinatatayuan ako at pumasok na sa mansiyon. Agad akong pumahik sa pangalawang palapag at deretsong nagtungo sa silid ko. Pagkapasok ko ay maingat kong isinara ang pinto at dahan-dahang naupo sa sahig. Napayuko ako at mabilis na pinahid ang mga luhang nag-unahan na naman sa paglabas sa mga mata ko.

Damn, Cristina! Bakit niya sinabi iyon sa bata? Bakit hindi man lang nito ipinaalam sa akin?

Napailing ako at nagpatuloy sa pag-iyak.

Wala naman problema sa akin ang tungkol dito. Sooner, ipapaalam ko rin naman kay Ayah ang tungkol sa tunay na ina nito kaya dapat ay hindi niya ako pinangunahan. I'm trying my best here to be her mother! Yes, Ayah is a smart child. She can understand everything in just a span of time but, she's still a child!

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakaupo sa sahig. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak at noong makarinig ako nang marahang pagkatok sa pintong sinasandalan ko, natigilan ako.

"Destiny," rinig ko ang marahang pagtawag ni Von sa pangalan ko. "I'm here, Destiny."

Napailing na lamang ako at hindi nagsalita.

Ngayon ay alam ko nang alam na rin ni Von ang tungkol kay Ayah. Alam na niya kung bakit ilang beses kong sinabi sa kanyang hindi niya anak si Ayah.

"Open the door, Destiny. Mag-usap tayo. Please," marahang sambit muli nito at sinubukang buksan ang pinto ng silid.

"Stop, Von," nahihirapang sambit ko na siyang ikinatigil nito. "Nakasandal ako sa may pinto. Stop it."

"Destiny-"

"Give me a minute," wika ko at dahan-dahang itinayo ang sarili. Kahit nanghihina, sinubukan kong buksan ang pinto ng silid ko. At noong magtagpo ang mga mata naming ni Von, mabilis niya akong hinila palapit sa kanya at marahang niyakap.

"It's okay now. I'm here," anito at hinaplos ang buhok ko. "Stop crying, love. I'm here for you. Hindi ka na nag-iisa."

"I'm so sorry," nahihirapang sambit ko at muling napaiyak. Isiniksik ko ang sarili kay Von Sirius at patuloy na humingi nang tawad sa kanya.

"Destiny-"

"Ayah is not my child. I'm not her mother. I was just... damn. I'm so sorry."

"I love you, okay? No need to say you're sorry. Kahit ano pa iyan, let's just forget about it. Ang mahalaga ay nandito ka na. Sa akin. Ulit."

Mabilis akong umiling kay Von at marahang inilayo ang sarili dito.

"Hindi mo naiintindihan, Von," walang boses na sambit ko dito at tiningnan ito sa mga mata niya. "I failed, Von. Hindi lang sa pagiging ina ni Ayah. I failed everything, everyone! Even you! I... I failed to protect myself and..." Napapikit ako at mabilis na napayuko. "I failed to protect our child. I'm so sorry."

Continue Reading

You'll Also Like

57.7K 3.4K 14
"in this game, it's only kill or be killed." Class A has always been the paragon of the university. A class made of elites that excels in scholastic...
2M 113K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
4.7M 298K 108
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.4M 35.3K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...