Under the Same Sky [Book#3: U...

By dordz29

1.7K 160 126

Sunny is growing bigger by the day and another baby is on the way! Jamie opens up something to Jackie that ma... More

Chapter 1: Tough
Chapter 2: Gone
Chapter 3: Different
Chapter 4: Unexpected
Chapter 5: Batangas
Chapter 6: One More
Chapter 7: Home
Chapter 8: Adjust
Chapter 9: Plan
Chapter 10: Sacrifice
Chapter 11: Battles
Chapter 13: Gray
Chapter 14: The Appointed Day
Chapter 15: Sky
EPILOGUE

Chapter 12: Intuitions

69 9 11
By dordz29

☁️

Fred's POV
 

I am trying my best to keep it all together. To balance it all. Tumawag sakin yung mga tauhan ko sa Tagaytay na kelangan ako doon kaya I have to go there sometimes. Yung unang plan ko is bahay sa Antipolo pero may nakita akong lupa sa Tagaytay which has the best biew kaya kinuha ko na. Hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Jackie na pinapatayo ko na ang bahay namin at malapit na itong matapos. And of course, siya ang interior decorator. Siya mag dedesign lahat. Pero hindi niya pa alam hehe

 

Kapag pumupunta ako doon I always make sure na magkakasama sila dito sa bahay. I want their safety pa rin.
 

Wow a great progress. Malapit na talaga matapos ang bahay namin. Nakakaiyak. Minsan di ko na rin alam irarason sa kanya na may meetings or what minsan sinasabi ko na alng nandito si Mark at tatambay kami. Nakakahalata na rin siya siguro haha
  

Dahil medyo payapa dito, dito na rin kami nag uusap ni ate Faye ng plano namin para sa darating na araw na pag takas ni mommy. Again as much as possible no police involvements.


"So dapat naka sunod yung van namin sa likod nila? Paano tayo makakasigurado na konti lang ang tauhan na dadalhin ng Arthur na yan?"
 

 

"He promised mom to transfer there. To have thier own lives. So I'm sure they only need few of them"
 

 

"Ate parang impossible na walang police. Baka hindi natin ito kakayanin."
 

    

"Yan din naiisip ko eh. I know mom is just scared kaya sinabi niya yun kilala niya na si Arthur eh pero pag nasa atin na si mom and with police protection, wala naman itong magagawa if mahuli na si Arthur eh."
 

  

"Exactly ate. So I will talk to daddy Jo mamaya he could help us."
 

     

"Yes Fred. What if much better na sa Airport na lang kukunin si mom? Ipagpapa alam natin sa kanya na doon siya pupunta and silently nakapaligid ang mga police na naka civilian clothing lang?"
 

     

"Yes ate that's good kasi maraming tao doon hindi makakapalag yung Arthur at walang lalabas sa van si mom lang mismo papasok para hindi niya kami makita"
 

"Sige marami pa namang buwan para makipag usap at plano sa mga police. Salamat ate ah. Konting tiis na lang sana kaya to."
 

     

"Kaya to. Magdasal lang tayo"

-------

Pag uwi ko ng bahay dumirecho na ako sa kwarto kasi wala ng tao sa baba. Hindi ako gaanong pinapansin ni Jackie.
 

"Daddy!"
 

"Hi baby! Pa kiss nga si daddy!"
 

"Palangga? Eto oh may dala akong paborito mong nuggets! Sunny you like?"
 

Nag drive thru na lang ako pauwi kakapagod mag drive.
  

"Done eating dad"
 

"Bakit late ka? Saan ka galing?"
Tanong niya habang nasa phone niya lang ang mata niya habang nakahiga
 

"Ay pasensya na palangga may kinausap lang akong kaibigan may pinapakiusap kasi si daddy sa akin kaya ayun natagalan ako doon"
 

"Sa Tagaytay? Bakit ang layo?"
 

  

"Oo eh taga dun kasi siya pasensya na palangga sorry na. Eto oh dinalhan kita ng pagkain oh"
Jusko ang hirap naman mag isip ng irarason ko. Halatang nagtatampo ito.
   

"Busog na ako at tsaka inaantok na rin ako."
 

"Ay ganun ba...sige iref ko na lang muna initin mo na lang bukas pag gusto mo ah. Siya nga pala 60% tapos na ang mga furnitures."
 

   

"Awww that's good."
 

Hay kakausapin ko muna to.
     

"Sunny? Halika anak hatid muna kita sa room mo mom and I just need to talk ok?"
 

      

"Ok dad. Goodnight mommy."
 

    

"Goodnight baby I love you"
 

    

"Love you mommy. Love you baby"
Hinalikan naman ni Sunny ang tiyan ng mommy niya.


After ng birthday ni Sunny doon na rin siya natutulog sa room niya na kami mimso ni Jackie ang nagpinta tsaka of course, designed by mommy Jackie. Hindi na rin ito natatakot mag isa tsaka may cctv din naman dito kaya we can check on her always.
 

    

Pag balik ko...Naka tingin pa rin ito sa phone niya.
 

    

"Palangga wala ka ata sa mood? Galit ka ba? May ginawa ba ako? Dahil ba na late ako ngayon?"
 

  

"Wala...wala to"
  

Nilapitan ko naman ito at dahan dahan siyang niyakap. I kissed her head.
 

 

"Baby oh nagtatampo si mommy kay daddy. Sabihan mo naman na patawarin ako."
 

   

"Hay ano ba Fredrick"
 

   

"Mamaya na yan ano ba yan"
Kinuha ko yung phone niya
 

"Uy may binabasa akong article!"


"Mamaya na sabi yan look at me palangga please" Agad naman akong sumunggab dito
 

     

"Fredrick uuurgghh kairita"
 

   

"Luh naiirita ka na sa mga halik ko ngayon? Bakit ka ba nagtatampo? Sorry na palangga ko."
 

  

"Hay ayoko ma stress Fredrick wala to wala lang ako sa mood today baka sa hormones ko lang to"
 

 

"Ganun ba...basta di ka galit ah? palangga alam mo ba pagod ako ngayon kaka drive."

"Eeee palangga naman eh nangongonsensya ka eh"

 

"Hindi ah haha sinasabi ko lang."

"Sige na talikod na mamasahiin kita"

"Wag na baka mahirapan ka"

"Di pa naman malaki si baby eh"

"Sure ka?"

"Oo na sige na talikod na before I change my mind"

"Di mo ako matiis noh?"

"Ewan ko sayo!"


"Kiss muna?"
 

"Ah talikod na sabi!"
 

 

Niyakap ko naman ito at hinalikan ulit.
 

"Aaah! Isa! Fred!!!"


"Mahal na mahal kita Jacqueline Bernize Lagdameo-Castillo. Walang makakapantay sayo. Ikaw lang, sapat na."
   

Kahit wala sa mood napangiti ko rin ito.

I rubbed her belly and smiled.
I gave her butterfly kisses and she responded to my kisses at yun minasahe na nga ako ng misis ko
 

     

Jackie's POV
 

The next day maaga naman ulit umalis si Fred. I called Mike.
 

  

"Mike pwede ka bang maka usap? Alone?"
 

"Yes Jak? Oo ba kelan?"
 

"Mamaya? Kakausapin ka lang namin ni Sheena at Kelly"
 

"Tungkol ba kay Sarah to?"
 

"Oo sana tsaka....about Fred"
 
 

"Huh? What about him?"
 

"Basta mamaya na lang be here sa bahay alone ha? ok?"
 

"Ok ok sige copy Jak"

-----------
 

"Jackie you're over reacting!"
 

Sabi ni Mike nung sinabi kong naghihinala ako kay Fred na baka may babae ito. Natawa rin yung dalawa kong kaibigan
 

"Panay punta sa Tagaytay.
Anong meron dun?"
 

  

"Jackie naman baka trabaho lang. Nako pregnancy hormones yan!" Sheena said
 

  

"Well actually sinabi niya may pinapagawa si daddy Francis sa kanya doon."
 

  

"Oh yun naman pala eh! And you did not believe and trust him? Jusko Jackie this is a first. Hindi magagawa ni Fred yan" Kelly said
 

  

"Wag praning girl! Makakasama sa buntis yan! Noon pa man witness na kami kung gaano ka kamahal ni Fred Jak hanggang ngayon ganun pa rin siya sayo. Taga sana all nga ako dito diba?"
 

   

"Pero hindi ko alam bakit ganito siya lately."
 

"Jak? Give him time. Pagod din yan kaka trabaho and maneho. And to think about his family sa Cebu...he is trying his best not to show you how sad he is diba ikaw na mismo nagsabi yun." Sabi naman ni Mike.


"Jak? Nasanay ka lang kasi kaya nalulungkot ka siguro dala na lang din ng pagbubuntis mo. Tsaka alam ko lahit nagkakatampuhan kayo I'm sure you both don't go to sleep angry."
 

 

"Jusko akala ko kung ano na"

Sabi ni Mike

"Pero let's talk about Sarah"
 

"Ok?"
 
 

"Last week? You saw her last week tas kayo na agad?" Sabi ko dito
 

"Haha I know. Pero wala eh there's something about her. We just talked that  night and then the next day I asked if I could court her and sabi niya wag na daw jowain niya naang ako agad haha"
 

    

"Jusko speed babad? Anyway I have nothing against her its just that may kutob din si Fred kasi na hindi maganda sa kanya. Sorry Mike ha just we're being honest"
 

 

"Ay ako rin panay tingin kay Jackie"
 

  

"Same akala ko ako lang naka notice eh sorry Mike ah"
 

  

"Kilala mo na ba talaga siya Mike? Like family background and all?"

  
"Well she said she has no parents and she is living alone here in Manila in a condo. She is a flight attendant"

 
"I see...basta Mike ingat lang muna ngayon. have to tell you guys something. Si Trixie...naka takas siya two weeks ago"

"What?!!! No way!!"
 

Gulat na gulat silang lahat.


"Yeah ang gago lang kasi halata na may kakampi sa loob ng kulungan dahil nalaman na nina daddy Francis saka lang sila ang ingay at nagpa imbestiga. Di man lang binalita doon"  sabi ko

"Mananagot dapat pati mga tumulong sa kanya doon ang unfair may hatol na eh"

"It's ok guys justice will always be served. Grabe talaga ang tililing ng babaeng yan."


"Mahuhuli din ulit yun Jak don't stress out remember buntis ka."

"Thanks Mike."

         

Trixie's POV

Two Weeks Ago


"Basta thirty minutes after lights out mamaya ay kumilos ka na papuntang likuran. May naghihintay na itim na sasakyan sayo doon."

"Sige chief. Maraming salamat. Bukas na bukas papadala na yung bayad mo"

"Sige. Salamat"
 

Ang tatanga din talaga ng ibang police at hepe eh. Hindi rin sila tapat sa trabaho. Konting pakita lang ng pera bumibigay. Tawang tawa ako. Hindi rin madali. Ilang buwan ko silang kinakausap. Ilang buwan din yung preparasyon ko sa planong maka takas ako dito. Marami na rin akong naka away dito. Kahit na anong higpit ng pagbabantay, konting arte ko lang naniniwala naman sila. Tawang tawa ako. Hay mga inutil talaga.
        

Ayun naka hanap ako ng paraan para maka usap pa rin yung tatay ko kahit papano may silbi pa rin pala ito. Mabuti at naisipan niya pa akong tulungan.

Sinunod ko yung sabi ni chief. After thirty minutes, may nagbukas ng selda ko. Dahan dahan naman akong sinabayan papuntang likod. May ilang police din kasi na hindi alam ang planong to kaya doble ingat din kami. Hanggang sa nakalabas na nga ako at naghihintay na nga ang sasakyan sa akin. Si daddy.

Sa mga sumunod na araw nagpalit ako ng pangalan at nagpagawa ng mga pekeng birth certificate at passport. Pinuntahan ko ang kakilala kong dermatologist at plastic surgeon sa Thailand the next day. I asked her to change my face. Hindi ako nag aksaya ng panahon. And then one week after, I was completely healed. I woke up to a new face and new identity. Babalik ako ng Pilipinas pero na tripan kong sumakay sa Asian Cruise dito papuntang Indonesia Malaysia at Philippines tsaka doon ako bababa.

Updated ako lagi kina Fred at Jackie. Tawang tawa ako sa kabobohan ng nanay niya na nagpauto kay Tito Arthur. Instant preso. Masunurin naman pala siya. Anyway ako makokontento? I am still not done. Galit na galit pa rin ako kay Fred. I am just starting.

And then I met this guy sa barko. He looks familiar. I searched a little and tama nga ako, he is Jackie's best friend. I have a new plan and idea. Oh yes I am loving this.

"Hi miss! All alone?"

"Yeah. Pinoy ka?"
 

"Yep! Michael. And you are?"

"Sarah."


"Nice to meet you, Sarah"

  

☁️

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 146 10
This was jikook one or two shots collection enjoy it.....
1.3M 57.6K 104
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
1.3K 56 6
Ever wondered how it was like to date our blue sweetie? <3 This book will show all the scenarios and good, bad times that happens when you date him...
15.3M 435K 73
"𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐡𝐞𝐥𝐥 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐛𝐞𝐞𝐧 𝐚𝐥𝐥 𝐦𝐲 𝐥𝐢𝐟𝐞?" "𝐍𝐨𝐭 𝐢𝐧 𝐡𝐞𝐚𝐯𝐞𝐧, 𝐭𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐬𝐮𝐫𝐞." Nothing in life...