HEART ARREST II (PAGSUKO O PA...

By raibrielle

4.9K 463 83

Panibagong hamon, panibagong Giyera, Handa kaya silang sumulong at sumugal? o mas maiging kanila nilang itong... More

MAIN CASTS :
C1: PANIBAGONG MUNDO
C2: PROMOTIONS
C3: SAF:SULONG 2.0
C4: ELLA AND ABELAINE
C5: THE PROPOSAL
C6: PELIGRONG MISYON
C7: LEVEL UP
C8: Flipped Pages
C9: UPGRADING
C10: TORN
C11: GET OVER
C12: ONE GREAT LOVE
C14: Huling Bakbakan
C15: THE FINALE (PART 1)

C13: HEART OVER PAIN

179 17 0
By raibrielle

Ella's P.O.V

Biglang may nag door bell kaya agad akong nagtungo at pinagbuksan kung sino man yun.

" Marsela?." Nakakagulat yung biglaan niyang pagsulpot dito

" Hi Ella! Busy ka ba?." Mukhang okay naman yung mood niya

" Uhm hindi nga eh, nababagot na nga ako dito sa Condo namin ni Akin bakit?." Sambit ko

" Ako rin, actually naka leave ako ngayon and I've decided na gusto ko sana makipag bonding sayo." Teka parang nakakatuwa naman yata toh, I'm sure matutuwa si Akin dito pag nalaman niyang okay na kami ni Rai

" Talaga? gusto mo makipagbonding saken?, naku di ako tatanggi dyan pwede bang magbihis at mag-ayos muna ako?." Nananabik kong sambit

" Surething, take your time Ella." Sambit niya at naupo sa sofa

Kaya agad akong nagtungo sa kwarto para magbihis at mag-ayos

Rai's P.O.V

(Flashback)

Pumasok ako sa isang Cafe at nagtungo agad dun sa VIP area. 

" Finally we meet Ms. Guia or should I say Former Mrs. Skribikin." 

" And who are you? Teka parang namumukhaan kita ha?." Sambit ko

" Oh come on, Let me just introduce myself to you formally." Tumayo siya at inextend ang kamay niya saken kaya inangatan ko siya ng isang kilay

" Guinevere Kyz Muse, known as GIA, Former asawa din ni Ella na inagaw ng Gabrielle mo." Sambit niya

" What the... Ikaw si Gia? ang nagpaniwala kay Ella na asawa ka niya at itinago siya ng matagal?." 

" Yes, and I know hindi mo nagustuhana ng biglang pagsulpot ni Ella ulit sa buhay niyo, And so I'm giving you an offer Ms. Guia." She smirked before sipping her coffee

" Hindi ako kasing demonyo mo, baka nakakalimutan mong Pulis ako? I can arrest you right at this very moment." Sambit ko

" Sige, I dare you.. I bet nacucurious ka rin sa offer ko sayo for sure," Natahimik ako sa sinabi niya totoo naman talaga nakakacurious

"  TALK!." tanging nasabit ko

" Maupo ka muna Ms. Guia, let's talk about this business na parehas tayong makikinabang." Sambit niya, umupo ako at tumingin sa kanya

" Stop wasting my time Gia, TALK!." 

" You still love Gabb right? admit it or not, alam kong mahal na mahal mo pa rin ang dati mong asawa." 

" It's none of your business anymore." 

" Oh yes it is, Dahil yan ang magiging dahilan mo na makikipagtulungan ka saken Marsela." 

" Stop! ano ba talagang plano mo ha?." 

" Bring Ella to me, pangako, ilalayo ko siya, maghahanap ako ng isang lugar kung saan hinding hindi na kami matutuntun ni Gabb, And by that Solo mo na ulit ang dati mong asawa, you can have her back." 

" ARE YOU F*CK**G CRAZY??!! ANONG TINGIN MO SAKEN? HINDI AKO MASAMANG TAO GIA!"

" I am just helping you Marsela, nakakaawa ka, masyado kang sinaktan ni Gabb, this time seek revenge lalo na sa pagkamatay ng anak niyo. pinapangako ko sayo once I have Ella, hinding hindi na siya kelanman makukuha ni Gabo, and that's the perfect time to do your job of getting Gabb again." 

" NO WAY ! NOOO!!! JUST LEAVE PLEASE!." sambit ko, kaya tumayo si Gia

" I'll leave you this, nakasulat diyan ang number ko at address kung saan mo maaaring dalhin si Ella. I'll be waiting Former Mrs. Skribikin, Ciao!." 

Hindi ako makapaniwalang makakaharap ko siya, pilit kong iniiwas ang mata ko sa card na iniwan niya sa table. pero ewan ko kinuha ko ito saka na rin umalis. 

(End of flashback)

" Saan pala tayo pupunta Marsela?." Sambit ni Ella

" Just wait and see, sigurado akong magugustuhan mo dun Ella." Sambit ko while driving.

Yes balak ko siyang dalhin kay Gia, I'm so desperate to get Gabb back dahil akin naman talaga si Gabb, ako ang pinakasalan niya. Gia's right kung hindi bumalik si Ella malamang napakasaya naman hanggang ngayon ni Gabb at baka buhay na buhay ang anak namin ngayon, kaya panahon na ng paniningil Ella, you ruined my life since you came back.

" anong hinahanap mo Ella? tila di ka mapakali?." Pagtatanong ko

" Yung cellphone ko sana  , tatawagin ko sana si Akin tiyak matutuwa yun pag nalamang magkasama tayo." Sambit niya, I'm sorry Ella pero kanina ko pa dinispacha ang cellphone mo.

" Oh actually alam na niya, nagpaalam ako kanina before I came to fetch you. and yes she's happy to know na magkasama tayo." Pagsisinungaling ko

" awweee, sana maging maayos na talaga kayo ni Akin, nalulungkot ako pag nakikita kong nalulungkot din siya dahil sa nagawa niya sayo.and also patawarin mo rin sana ako, kung hindi dahil saken hindi kayo masisira ni Akin." Buti alam mo? but this time hindi na ako papayag pa na nandito ka pa rin Ella, ilalayo na kita kay Gabb nang sa ganun mapasaken siya ulit.

Nakarating na ako sa pinag-usapan namin ni Gia,  lumabas muna ako ng kotse para kausapin si Gia. habang ang walang ka-alam alam na Ella ay nasa loob lang ng kotse. 

Gabb's P.O.V

" Skribikin! uwi ka na?." Pagtatanong ni Gray saken

" Di pa Brual may meeting pa daw mayamaya eh." Sambit ko

" Ayy Oo nga pala, naku wag ka muna umuwi, hayaan mo muna mag bonding sina Ella at Marsela, diba yan naman gusto mo ang magkasundo silang dalawa?." 

" Si akin at si Marsela? nagbobonding?." Pagtataka ko

" Ayy hindi mo alam? actually dumaan ako sa condo niyo ni Ella, pababa na sana ako ng kotse para ihatid yung bag na inorder ni Ella sa online business ng asawa ko. pero nakita ko siyang nakasakay sa kotse ni Marsela at tila ang saya saya pa nila." Sambit ni Gray

" Wala namang nabanggit si Ella ngayon, teka tawagan ko lang si Akin." agad kong nilabas phone ko para kontakin si Ella pero di ko siya makontak.

" ano? diba magkasama sila?." Sambit ni Gray

" Hindi ko makontak si Akin, nakapatay yata cp niya." 

" Try mo si Chief." Sambit ni Gray

" Sa tingin mo di kaya siya magagalit pag tumawag ako? Galit pa yun saken eh.." 

" Di naman siguro. try mo na dali." 

" maya nalang siguro after ng meeting natin. hayaan ko muna sila mag bonding." Sambit ko sabay ibinulsa phone ko

" Ay buti pa, oh andyan na pala sina Abelaine at Eyrez oh." Sambit ni Gray, wala pa rin kaming imikan ni Abelaine matapos nung nangyareng komprontasyon pati si Eyrez ay dun na rin kay Abelaine sumasama.

Natapos na yung meeting namin, 15 mins lang kase may importanteng lakad pa daw si Tatay Jace. tinawagan ko ulit si Ella pero ganun pa rin nakapatay phone niya, no choice si Marsela tatawagan ko, ewan ko kase di ako mapakali eh, may tiwala naman ako kay Sese pero ewan kinakabahan ako talaga.

Rai's P.O.V

" Rai? di pa ba tayo aalis?." Pagtatanong n Ella

" Chill ka muna, parating si Gabb." Pagsisinungaling ko

" Hala! talaga susunod siya? Waaaah nakakaexcite naman!." Kawawa ka talaga Ella

" yeah so chill ka muna diyan." Tumunog ang phone ko at text pala ni Gia yun na malapit na sya, biglang humambalos ang napakalamig na hangin sa mukha ko, at biglang sumagi si Papa sa isipan ko at ang isang pangyayare nung bata ako. 

(Flashback)

Umuwi ako ng bahay na umiiyak pano kase yung mga kalaro ko inagaw yung pagkain ko, tas inaway pa nila ako. 

" Oh Bakit umiiyak ang aking prinsesa Sese?." Pagtatanong ni Papa

" Kasi po yung binili niyo po saken na Tsokolate, inagaw po ng mga kalaro ko papa, tapos inaaway pa nila ako, ayaw daw nila ako kalaro." 

" Aww kawawa naman ang aking pinakamamahal na prinsesa. yaan mo anak ibibili kita ulit ng tsokolate ha? mas dadamihan ko pa." Sambit ni Papa 

" Humanda sila saken, dahil sa ginawa nila, hindi ako papayag na hindi ako makakaganti sa ginawa nila saken Papa, inagawan at sinaktan nila ako." 

" Sese anak, masama ang gumanti yan ang pinaka masama mong gagawin anak. di porket binato ka ng bato eh babatuhin mo rin ng bato. Anak, parte ng buhay ang maagawan at masaktan paminsan minsan, Paglaki mo mas matindi pa dito ang kakahapin mo anak ko, at ayokong umabot sa punto na dudungisan mo ang dignidad mo makaganti ka lang sa mga nanakit sayo. Gusto kong habang bata ka pa, matuto ka nang magpakumbaba anak ko, walang mangyayare kung pupunuin mo ng Galit at Paghihiganti ang puso mo, Hindi ka magiging masaya nun anak, habang buhay kang mumultuhin ng iyong konsensya. Pagpasenyahan mo na yung mga nananakit sayo Sese anak ko, May tinatawag tayong Karma anak, hayaan mong siya na ang trumabaho nun." 

" Ano po yung Karma, Papa?."

" Ang lahat ng ginawa mo ay may akmang katumbas na babalik sayo ng doble o triple. kaya kung gagawa ka ng masama mas doble o triple ang balik nun sayo anak. Mas maiging pairalin mo ang kabutihan sayong puso, lumaki kang may prinsipiyo at dignidad anak. Wag mong hahayaang masira ka ng galit at sakit." 

" Ngayon alam ko na po ang tama kong gagawin Papa, pupuntahan ko sila kakausapin ko sila ng maayos para maayos din kami. Hindi na po ako gaganti Papa dahil bad yun." Sambit ko

" Magaling! Yan ang Prinsesa Sese ko. maganda na, napakabusilak pa ng puso. kaya naman sobrang lablab ni Papa. pangako ko sayo anak, gagabayan kita hanggang sa paglaki mo, nang sa ganun masiguro kong lalaki kang Mabuting tao." Sambit ni Papa sabay karga saken

" Hihihihi.. I love you po Papa." Sambit ko at yumakap sa aking ama

" Mahal na mahal din kita anak ko." Sambit ni Papa saka ako isinasayaw

(End of Flashback)

Hindi ko alam pero kusang tumulo ang mga luha sa mata ko, Tama hindi ako dapat nagpadala dito. Papa salamat kase lagi mo akong ginagabayan sa tama. agad akong pumasok sa kotse.

" Ella, isara mo ng maayos ang pinto mo. Aalis na tayo." Sambit ko at mabilis na nagmaneho

" Teka akala ko ba darating si Akin?." Pagtataka ni Ella

" Walang Gabb na darating, Ella. hayaan mo munang makalayo tayo dito, saka ko ipapaliwanag lahat sayo." Sambit ko

" ano? teka naguguluhana ko Marsela?." 

Nang makasiguro na ako na safe na kami ni Ella ay hininto ko na ang sasakyan

" Ella patawarin mo ako, I'm really really sorry Ella." Naiiyak kong sambit

" Teka ano ba talagang meron? Di kita maintindihan Rai." Sambit niya

" Pakiramdam ko ang sama sama kong tao Ella, hindi ako dapat nagpadala sa galit ko. inaamin kong galit na galit ako sayo hanggang ngayon kaya ko naisip yun. sana mapatawad mo ako Ella." Sambit ko at umiiyak na ako

" Direchuhin mo ako please anong plano mo?." Sambit niya, pero biglang tumunog phone ko, tumatawag si Gabb. 

(Phone convo)

Me: Gabb?

Gabb: Sese, magkasama daw kayo ni Ella?

Me: O-Oo wag kang mag-alala e uuwi ko na siya. 

Gabb: ahh ganun ba? tapos na ba kayo? okay lang naman, pwede muna ako tumambay kina Coco at Brei. 

Me: Oo tapos na kami, Pauwi na talaga kami. 

Gabb: ahh ganun ba? sige sese, antayin ko nalang kayo sa Condo. Dun ka na rin mag dinner para naman makapag-usap usap tayo.

Me: Di na, sige ihahatid ko na si Ella mo.

(Hangs up)

" Marsela sabihin mo na please anong plano mo?." Sambit ni Ella

" I was supposed to surrender you to Gia. Oo Ella, nakipagkita si Gia saken at nilason niya isipan ko, gusto ka niyang kunin ulit." Sambit ko

" Niloko mo lang pala ako na gusto mo makipag bonding? Nagmamakaawa ako Sela, please wag mo na akong ibalik sa taong yun." Umiiyak na sambit ni Ella

" Sssh.. hindi na, and I'm so sorry, pangako Ella e uuwi kita kay Gabb ng safe. Trust me this time." Sambit ko

" Hindi ako galit sayo Sela, naiintindihan ko ang pinanggalingan ng lahat ng ito. kaya salamat kase di ka nagpadaig sa kasamaan. Alam kong mabuting tao ka, dahil yun din ang palaging sinasabi ni akin saken" Sambit ni Ella

" Thank you so much Ella, thank you, hindi kita pipigilan na sabihin mo kay Gabb itong lahat, dahil karapatan din naman niyang malaman toh." Sambit ko, hinawakan naman ni Ella ang kamay ko

" Sasabihin ko kay akin toh, para mas patunayang napakabuti mo nga talagang tao Marsela, kaya di na ako magtatakang nahulog din ang loob ni Akin sayo." Sambit niya

Gabb's P.O.V

Nakaabang lang ako sa labas ng Condo dahil malapit na daw sila. Natutuwa akong magkasundo na yung dalawang espesyal na babae sa buhay ko. Sana kami rin ni Sese, sana balang araw manumbalik yung dati naming samahan at pagkakaibigan. 

Natanaw ko na ang kotse ni Sese, nakita ko na rin ang pagbaba ni Ella sa kotse niya, kaya lumapit na ako. 

" Hi Akin!." Pagbati ko kay Ella saka ko siya hinalikan sa noo

" Hello Akin, Marsela thank you ha?." Sambit ni Ella 

" My pleasure ella, sige I really have to go, Ella, Gabb." Sambit ni Rai

" Sese, salamat, mag-iingat ka ha? see you tomorrow sa HQ." sambit ko

Tumango siya at nagmaneho na palayo. alam kong malapit na kaming magiging okay ni Sese. 

Habang naliligo si Ella ay nakaupo naman ako Sala kinakalikot phone ko nang biglang. 

Fr: Sese

Gabb I'm sorry for everything. I just love you so badly that it made me do such a thing. :')

Nabigla ako sa tinext ni Sese, ano ibig niya sabihin, sinubukan ko siyang tawagan pero ayaw niyang sagutin tawag ko. 

Nalaman ko na lahat, naikwento na saken ni Ella at tila di ako makapaniwala. kaya kahit malalim na ang gabi ay nagtungo ako sa tinitirhan si Sese. 

Nang makarating na ako ay kumatok ako ng kumatok pero di niya ako pinagbuksan, pero alam kong gising na gising pa siya, kaya ginamit ko na ang mga natutunan ko sa training ng SAF, kusa kong inakyat ang bahay niya at matagumpay naman akong nakapasok. Hinanap ko siya at dun ko siya nahanap sa silid sana ng baby namin. nakaupo at tila ang Lalim ng iniisip.

" Marsela." napalingon siya at tila gulat na gulat na makita ako

" Gabb? a-anong? pa-paano?." Nauutal niyang sambit

" Pag may paraan nagagawa, ayaw mo akong pagbuksan kaya kusa kong pinasok ang dating bahay natin." 

" Bakit ka narito? Siguro alam mo na yung nagawa ko." 

" Oo! naikwento na lahat saken ni Ella." 

" Eh di magalit ka na saken, kamuhian mo na ako dahil minsan kong naisip na ibigay si Ella kay Gia." Sambit niya

" Galit? Kamuhian? Ba't naman? Hindi ako galit sayo Sese, kung tutuusin gusto kong pasalamatan ka, kase inuwi mo pa rin saken si Ella ko. Sa kabila ng nagawa ko sayo, nanaig pa rin ang kabusilakan ng iyong puso at di mo itinuloy ang masama mong balak." Sambit ko

Napatingin siya saken at napansin kong naluluha ang kanyang mga mata kaya nilapitan ko siya, lumuhod ako sa harap niya para mapantayan ko siya, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. 

" Alam kong napakabuti mong tao Sese, at napatunayan ko na yan dati pa. bitbit mo lage ang mga pangaral ng iyong namayapang ama, kaya kumpiyansa akong hindi ka magpapadaig sa masama. Thank you Sese, Thank you for bringing me back my Ella." Sambit ko at ngumiti sa kanya, bumuhos siya ng iyak habang hawak hawak ko pa rin ang magkabilang pisngi niya.

" BAKIT BA ANG HIRAP MONG KALIMUTAN GABB? PLEASE TELL ME HOW TO UNLOVE YOU KASE SOBRANG NAHIHIRAPAN NA AKO! KUNG PWEDE SANA MAGKA AMNESIA NALANG AKO PARA TULUYAN KANG MABURA SA ALA-ALA KO." 

" I'm so sorry for everything Sese, Sorry kung hindi kita napanindigan, Sorry kung nasira ko buhay mo, I did my very best na di magpadala sa nararamdaman ko kay Ella pero tila pasaway yung puso ko Sese, ayaw niyang magpadikta, alam niyang si Ella talaga. Kung maaari lang manipulahin yung puso, siyempre hindi na ako magmamahal ng iba kundi ikaw lang, pero hindi eh, ang hirap pigilan ng tunay kong nararamdaman." Umiiyak kong sambit

" Kaya ko naman yung pagmamahal na meron si Ella sayo ha? mas hihigitan ko pa nga eh, pero wala Gabb, siya pa rin talaga, sobrang sakit ng puso ko Gabb. Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal." Iyak siya ng iyak

" Sese, mahal din kita, mahal na mahal kita pero hindi gaya ng pagmamahal na meron ako kay Ella. at maniwala ka, minahal talaga kita Sese, naging dahilan ka ng kasiyahan ko noon, masaya akong maranasan ang pagmamahal ng isang Marsela Rai Guia, and I will forever and always be grateful to that Sese." Sambit ko

" Kaya ayaw kong maging kaibigan mo ulit dahil di ko kakayanin Gabb. ang taas ng ibinagsak natin mula sa paiging mag-asawa pabalik sa pagiging pagkakaibigan.." 

" Hindi naman kailangang agad agad yun Sese, malaman ko lang na okay ka na at handa ka na ulit maging magkaibigan tayo handa kong hintayin ang araw na yun Sese." 

Nabigla ako kasi bigla siyang sumiksik ng yakap saken kaya niyakap ko siya pabalik. Nakakatuwang unti unti na kaming nagiging okay. 

" Nandito lang ako Sese., hangga't kailangan mo ng yayakap sayo at ipaparamdam sayo na worth it ka, handa akong gawin yun para sayo." 

Wala kaming pasok ngayon dahil ito ang Founding anniversary ng SAF: Sulong. Nagtipon tipon pa rin kaming lahat sa Head quarters, kasama ko rin si Ella dahil pwede daw bitbitin ang pamilya, asawa o jowa. Nakatayo kami ni Ella nang biglang..

" Pose muna kunan ko lang kayong litrato." Sambit ni Coco

" Hintayin na muna natin si Chief Guia nang makapag simula na tayo sa ating salu-salo." Sambit ni Tatay Jace

" Talaga darating pala si Marsela ko? Akala ko wala siya." Sambit ni Abelaine

" Darating yun si Ate Chief, di pwedeng wala siya, hindi buo ang SAF: Sulong pag walang singkit na itlog  na namumuno nito." 

" Truly! Backbone talaga ng SAF: Sulong si Chief." Sambit ni Omar

" Guys, balak ko sanang ligawan muli ang Backbone ng SAF: Sulong, nais kong maging pakpak niya. Mahal na mahal ko siya." Nagulat kami sa biglaang sambit ni Abelaine

" Alamin mo muna kung handa na ba si singkit na buksan muli ang puso niya. " Sambit ni Eyrez

" Support ka namin Abelaine, dati pa naman bagay na bagay na talaga kayo ni Itlog eh." Sambit ni Gray

" Oo nga tandang tanda ko pa nng Cadets pa tayo sa PNPA walang pakialamanan tung sina Abelaine at Marsela eh, PDA na kung PDA Hahahaha." Sambit ni Coleen

" Nagpapasalamat kaming bumalik ka Ate Abelaine kase alam naming Real na real ang love mo for Ate Chief, alam naming sa kabila ng lahat ng napagdaanan niya, Nandyan ka na para iparamdam sa kanyang may forever talaga." Sambit ni Eya, naiilang ako dito alam ko naman kasing isa ako sa pinaka nanakit kay Sese.  

" Guys, quiet na andyan na si Ate Chief." Sambit ni Zeus. 

" Wow namang katawan yan Mars! pano mo ba na achieve yan?." Sambit ni Nay Sheki

" Ate Marsela ang lamig sana kanina kaso uminit nung dumating ka grabe. " Sambit ni Coco

" Mga baliw hahahaha, suot ko nalang blazer ko." Sambit ni Rai

" Ang ganda mo talaga lage Marsela Baby."

Ang ganda naman talaga nitong si Sese pero nanibago kami halos lahat sa suot niya ngayon.

(Sela's look)

" Busog na yata tung si ate abby, kanina lang halos mag-agawan na sila ni Mina sa lumpia eh." Nakatawang sambit ni Zeus

" Kumain na nga tayo, mapapanis na yung pagkain oh hahahhaa." Sambit ni Rai

Masaya akong muli siyang makitang medyo ngumingiti na, sana magtuloy tuloy na talaga. 

Mie's P.O.V

Habang abala ang iba sa mga kanya kanya nilang mga gawain, nakita kong mag-isa lang si Marsela ko kaya di na ako nagdalawang isip na lapitan siya. 

" Hi Chief Guia." Sambit ko at napalingon naman siya at halos matunaw puso ko ng gawaran niya ako ng napakatamis na ngiti

" Abelain, anong Chief? hahahah lika dali." Sambit niya, haaay Sela ikaw talaga nagpabaliko saken simula pa noon eh.

" namiss ko yang mga ngiting yan yung pati mga mata mo naniningkit lalo sa pagngiti mo Marsela." Sambit ko at umupo sa tapat na upuan.

" Namiss mo? Eh ako namiss mo ba?." Di ko maipaliwanag yung malakas na pagtibok ng puso ko sa tanong niyo dagdag mo pa ang mga titig niya ikaw talaga ang kahinaan ko Marsela

" Kung may hihigit pa sa sobra yan ang magpapaliwanag ng pagkamiss ko sayo." Sambit ko habang tumititig din sa mga mata niya

" Alam mo wala ka pa ring pinagbago Abelaine, Yung mga mata mo nagpapatunay pa rin ng mga sinasabi mo kung totoo o hindi." Sambit niya

" At sa tingin mo, ano ang pinapahiwatig ng mga mata ko ngayon? gaya din ba ng ipinapahiwatig ng iyong puso Marsela?." Hindi ko inaalis ang mga titig ko sa kanya

Pero bigla siyang umiwas ng tingin..

" Ewan ko, Ewan ko, nakakatakot magmahal, nakakatakot sumugal. Ayoko na nakakamatay." Bigla siyang tumingin saken at nakita kong naluluha ang kanyang mga mata kaya mas lumapit ako at hinawakan ang mukha niya. 

" Minsan ka na sumugal saken, Minsan na tayong nagmahalan, hindi ko ginustong mag wakas tayo noon pero kailangan kitang protektahan kaya mas pinili kong mahalin nalang kita sa malayo. Pero Marsela heto na ako ulit, kahit ilang beses na tayong ipinaghiwalay ng tadhana, babalik at babalik pa rin tayo sa isa't isa. You're my one great love Marsela, kaya gagawin ko lahat maging worth it lang ako sa pagmamahal mo." Sambit ko at di ko na rin napigilang di maiyak

" Hindi mo naman ako kailangang iwan nun eh, kaya kitang ipaglaban Abelaine, kahit sino o san pa yan. pero iniwan mo pa rin ako, nung lumisan ka, isa yun sa pinaka masakit na nangyari sa buhay ko. Kaya natatakot na ako, masyado ng maraming sakit ang bumugbog saken, hindi ko alam kung kakayanin pa nito." Sambit niya habang umiiyak at dinuduro ang puso niya

" Kahit katiting lang muna ng pagmamahal mo Marsela sapat na saken, ako na muna bahalang magpuno ng kulang. Just love me again, Find me worthy because I know in my heart that I am worth it and I deserve you." Sambit ko

" You will always be worth it Abelaine, pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa ako totally over sa mga nangyare saken, at samen ni Gabb. I'm not saying this to hurt you, I'm saying this kasi gusto ko hintayin mo akong maghilom ako totally." Sambit niya

" Hihintayin kita Marsela, pero hinding hindi na ako kailanman mawawala sa tabi mo, I'll help you get over of everything that hurt you. Slowly and surely hanggang sa handa mo na ako muling papasukin sa dati kong tahanan, ang puso mo." Sambit ko bago halikan ang noo niya, kaya yumakap siya pabalik saken. 

Napansin ko si Gabb na nakatingin samen sa Glass wall nakangiti siyang makita kami kaya tinanguan ko siya at nginitian. 

Gabb's P.O.V

Agad akong naglakad palayo sa dalawa matapos kong makitang unti-unti na ring nanunumbalik sina Sese at Abby. alam ko naman talagang si Abelaine ang karapatdapat kay Sese, dati pa mahal na mahal na niya si Sese. 

" Akin!." Napangiti naman ako sa tumawag saken, My one great love, My Ella

" Yes Akin?." Sambit ko sabay higit sa bewang niya at halik sa noo niya

" Halika panoorin natin sina Ate Sheki at Brei magduduet daw." Sambit niya kaya agad kaming nagtungo sa Function Hall

" Wuy anong meron dito?." Napatingin ako kay Abelaine kasama si Marsela magka holding hands na sila

" Baka kami dapat mong sagutin kung anong meron ha?. HHWW?." Sambit ni Coleen

" HHWW???" Pagtataka ni Marsela

" Holding Hands While Walking po atee hihihihi." Sambit ni Eya

" Haaay quiet na kayo at kakanta na kami ni Doktora Brei." Sambit ni Nay Sheki

" Uyy! Ayos Kids Show!." Sambit ni Eyrez

" Ang talented ng dalawang bata." Sambit naman ni Gray

" Anong bata?." Pagtataka ni Brei

" Yung height hahahhaa labyuu Ombeng." Sambit ko

At nagtawanan naman kaming lahat. 

Natapos na ang duet nina Nay Sheki at Ombeng

" Waaah After all yung next song, favorite ko yan!." Sambit ni Belle

" Perfect themesong sa inyong apat. Gabb at Ella tapos Abelaine at Marsela." Sambit ni Tatay Jace

" Baka naman pwedeng kayong apat naman ngayon ang kumanta." Nagulat ako ng e abot ni Eyrez saken ang mic at nginitian ako

" Ano game Gabo?." Napatingin din ako kay Abelaine na nakangiti rin

" Game rin kami ni Ella, kala niyo kayo lang." Napangiti naman ako ng makita kong magkaakbay sina Akin at Sese

" Yes Game na game!." Sambit ni Ella

( Song Plays:)

" Woohoooo Ang gandang Collab naman niyan!." Sambit ni Nay Sheki

( Starts Singing)

Abby: 

Well, here we are again
I guess it must be fate
We've tried it on our own
But deep inside we've known
We'd be back to set things straight

Sela: 

I still remember when your kiss was so brand new
Every memory repeats
Every step I take retreats
Every journey always brings me back to you.

SeBy: 

After all the stops and starts
We keep comin' back to these two hearts
Two angels who've been rescued from the fall
After all that we've been through
It all comes down to me and you
I guess it's meant to be, forever you and me, after all

Gabb: 

When love is truly right
It lives from year to year
It changes as it goes
Oh, and on the way it grows
But it never disappears

UniPhant: 

After all the stops and starts
We keep comin' back to these two hearts
Two angels who've been rescued from the fall
After all that we've been through
It all comes down to me and you
I guess it's meant to be, forever you and me, after all

Ella: 

Always just beyond my touch
You know I needed you so much
After all, what else is livin' for?

SeBy and UniPhant: 

After all the stops and starts
We keep comin' back to these two hearts
Two angels who've been rescued from the fall
After all that we've been through
It all comes down to me and you
I guess it's meant to be, forever you and me, after all

(Ends)

" WAAAAH nakakakilig OMGEEEE!!!." Sambit ni Eya sabay yakap kay Zeus

" Sige lang Eya, kiligin ka pa." Sambit ni Zeus na niyakap naman pabalik si Eya ng mahigpit

" Masaya akong makita kayong ganyan, nawa'y magtuloy-tuloy na." Sambit ni Tay Jace

" Bakit naman hindi? Dati ko naman talagang bestfriend din itong si Gabo, parehas kaming pogi nito eh, diba Gabo?." Nagulat ako sa pag-akbay ni Abelaine saken sabay ngiti

" Masaya rin ako kase nanumbalik na yung bonding niyong magkakaibigan." Sambit ni Ella

" sinu-sino pa ba naman ang magdadamayan kundi tayo-tayo lang diba?." Sambit ko

" Tama si Gabb, After everything, tayo tayo pa rin hanggang sa huli." Sambit ni Sese

" Does this also mean na okay na rin tayo Sese?." Sambit ko, kaya napatingin siya saken

" Basta ba ililibre mo ako ng cup noodles gaya ng dati eh bakit hindi Gabrielle." Sambit niya kaya hinila ko siya at niyakap, Finally!

" Parang may isa pa dito Gabo oh." Nguso ni Gray kay Eyrez

" Hoy Sibug! arte arte mo, lika nga dito!." Sambit ko at hinila si Eyrez paakbay

" Matitiis ko ba naman ang bestfriend ko? Ang kasama ko lagi sa panchichix?." Sambit niya 

" ANONG CHIX???." Sabay na sambit nina Ella at Belle

" Naku wala Akin, Sibug naman eh, Lagot na naman ako nito." Sambit ko

" Pero di biro namiss kita Skribikin. Ang hirap magpanggap na ayaw kitang kausap. Ang hirap para akong nabalian ng pakpak, alam mo namang isa ka sa naging lakas ko dito sa SAF: Sulong diba? Kayong dalawa ni Marsela ang inspirasyon ko sa pagiging Captain ko dito. Mahal na mahal ko ang Pamilyang ito." Sambit ni Eyrez na naiyak na

" Sibug, di kami mawawala ni Gabb, patuloy nating pamumunuan ang SAF: Sulong at gampanan ang sinumpaang tungkulin. Siyempre pamilya tayo dito, walang perpekto kaya dumadaan talaga sa pagsubok." Sambit ni Rai na yumakap sa gilid ni Eyrez

" Pero ang importante, nandyan pa rin tayo sa isa't isa, walang pagsubok na hindi malalampasan kung sama sama tayong lahat. Nandito lang ako bilang Tatay at Heneral niyo palaging gagabay sa inyo kahit anong mangyare." 

"Awweeee, naiiyak na ako. naalala ko Cadet days natin." Sambit ni Coleen

" SULOOOOONG!!! SAF: SULONG!!!." sigaw ng karamihan

Masaya kaming nag group hug lahat, sobrang saya at napaka espesyal ng araw na ito. 

" Pasensya napo Heneral, Captain, Major at Chief kung mapuputol ko ang kasiyahang ito, may natanggap po kaming report na apat na malalaking buildings po sa Makati ay pinasabog ni Supremo." Sambit ng bagong miyembro ng SAF: Sulong na si Deib

Nagtinginan kaming tatlo nina Sese at Eyrez at nagtanguan, kaya sumigaw na ako...

" SAF: SULONG! MAGHANDA!." 

Continue Reading

You'll Also Like

894K 24.2K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...