Eventide Interference

By JasioneAzure

860 245 52

Si Auriga Delvante ay may mga panaginip na kasama ang grupo ng mga tao na hindi nya nakita o nakilala ni-mins... More

Copyright And Disclaimer
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Random Question:
Kabanata XVII
Kabanata XII
Kabanata XVIII
Kabanata XVI
Kabanata XIX

Kabanata VI

30 11 1
By JasioneAzure

          Tumakbo si Auriga pababa ng hagdan, sa pagtakbo nya ay dinausdus nya ang palad ng kaliwang kamay sa kaliwang hawakan ng hagdan. Binuksan nya ang pinto ng kanyang bahay at tinakpan ang mga mata gamit ang kanang kamay nang masilaw sa liwanag ng araw. Nagmamadali siyang naglalakad sa kanyang hardin, huminto siya at masayang tiningnan ang paglabas ni Malcolm sa kanyang asul na kotse. Sinara nya ang kotse at ngumiti kay Auriga,"Ang laki ng bahay mo."

          Inakay nya papasok ng bahay si Malcolm, pagdating nila sa tapat ng hagdan ay hinawakan ni Auriga ang kaliwang braso nya, huminto siya at lumingon sa direktor."Sa hardin na lang tayo mag almusal," mungkahi nya na sinang-ayunan naman ng lalaki.

           Sa pagpasok ni Auriga sa kusina ay nanlaki ang mga mata nya nang hilahin siya ni Yalex. Ang lalaki ay balisa na lumingon sa pintuan. Binitawan nya ang direktor, lumapit siya sa pinto at tumingin sa labas ng kusina.

          "Yalex, anong problima mo?"

          Hindi sumagot si Yalex, ilang segundo siyang tumingin sa labas ng kusina. Sinara nya ang pinto, pagkatapos punasan ang pawis sa noo gamit ang kanang kamay ay tiningnan nya ang direktor. "Ganito, layuan mo si Malcolm. Mapanganib siya."

          "Ano bang sinasabi mo?"

          Lumingon siya ng saglit sa pinto at muling
nilingon ang direktor na kunot-noong nakatingin sa kanya."Masama ang kutob ko. Kahina-hinala ang ibang detalye sa buhay nya."

          Ang takot at kaba ni Yalex ay nauunawaan ni Auriga, gustuhin nya mang layuan si Malcolm, hindi nya iyon pwedeng gawin; ito lamang ang paraan para mas makilala nya siya. Kailangan nyang malaman ang plano ng lalaking may pekas sa muka.

          "Magbigay ka ng magandang dahilan para layuan ko siya."

           Natahimik si Yalex, yumuko siya, nakatingin lang sa sahig."Katulad ng sinabi ko, masamang kutob ang meron ako ngayon,"Nag-angat siya ng ulo; tiningnan ng direkta ang mga mata ni Auriga,"Pakiusap, layuan mo siya."

           Malakas na tumunog ang relo na nasa ibabaw ng mesa nya, napilitan siyang bumagon sa kama at pinatay ang nag-iingay na relo. Malakas na hinampas ni Auriga ang kanyang kama,"Bakit ba sa tuwing maingay ang paligid, nauudlot ang panaginip ko!"

          Naisipan nyang kumain ng almusal sa labas, minsan nya lang ito gawin at kapag nagpasya siyang kumain sa labas ay gusto nyang makapag-isip nang mabuti. Si Auriga ang tipo ng tao na gumagana nang matino ang utak sa tuwing maraming tao sa kanyang paligid.

          Sa pagpasok ni Auriga, naamoy nya ang matapang na aroma ng kape, ang bakanting upuan at mesa ay bilang sa daliri. Karamihan ng mga kumakain ay may edad na, ang iba ay isang buong pamilya, ang iba naman ay mga  estudyante at mga naka-suot ng sibilyan na damit.

         Nginuya nya ng dahan-dahan ang  matamis na pancake, habang hawak ang tasa ng purong kape at paglagok nito ay ang pag-alala ng huli nyang panaginip,
"Sino ka ba talaga, Malcolm?"

        "Malcolm, siya ba ang nobyo mo?" tanong ng babaing umupo sa harapan nya.

        "Shenara, sinusundan mo ako?"

        Mahinang tumawa si Shenara, sumagot siya gamit ang lenggwahing Ingles,"Dito ako nakain ng almusal. Masama bang bumati?"

        "Aminin mo na, taga-hanga ka ni direktor Auriga," nakangiting singit ni Yalex na naglakad patungo sa tabi ni Shenara, itinaas nya ang kanang kamay, "Ako nga pala si Yalex Tiago."

        Nakipagkamay si Auriga kay Yalex at tipid na ngumiti sa kanya,"Auriga Delvante... .. ... Kaano-ano mo si Tiabes Tiago?"

        "Tatay ko siya."

         Natawa si Auriga sa kanyang tinanong. Naisip nya na kilala nya naman na si Yalex, bakit nya pa kailangang tanungin ang relasyon nila?

         "Tulad nga ng sinabi ko. Taga-hanga ka ni Shenara. Sana.. ... Sana bigyan mo siya ng pagkakataon, gusto nya talagang makatrabaho ka. Ang totoo nga, nang nalaman nya na pupunta ka sa kasiyahan; maaga siyang sumama sa akin. Gusto ka talaga nyang makita." Ngumuso si Shenara at tinawanan siya ni Yalex.

          "Uulitin ko ang sinagot ka sa kanya. May napili na akong bagong designer."

          "Hon, marami pang pagkakataon. Malay mo, sa sunod nyang proyekto; siya na mismo ang tumawag sa'yo," alo ni Yalex kay Shenara. Inakbayan nya ang nobya at naglalakad sila palayo sa restawran.

          Nakatanaw si Auriga sa unti-unti nilang pag-alis. Lumabas ang isang lalaki sa kainan na suot ang kulay pulang sombrero, sa paglabas nya ay nakilala siya ni Auriga. Umayon sa naisip nya ang nangyayari, magbabago ang lahat ng magaganap. Sa panaginip nya ay silang tatlong ang magkasamang kumain sa restawran, wala doon si Malcolm. Tinatanong nya sa sarili kong bakit ngayon ay sinusundan ni Malcolm sina Shenara at Yalex.

          Mabilis siyang naglakad, sa bilis nya ay naabutan nya si Malcolm. Nang napansin siya ay nag-iwas ng tingin ang lalaking may pekas sa muka at inayos ang kanyang sumbrero na tumaklob sa kanyang mga mata, binagalan nya ang lakad.

          Hinila ni Auriga ang kanyang kamay, "Binabago ko na ang pasya ko, tanggap ka na bilang bagong Custome Designer. Aasahan kita sa sunod na lokasyon ng palabas."

          Nanlaki ang mga mata ni Shenara, sa tuwa ay niyakap nya nang mahigpit ang direktor,"Salamat! Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Eehhh!"

           Ngumiti naman si Auriga. Sa tingin nya, mababantayan nya si Shenara kapag naging magkatrabaho sila. Mali ang una nyang ginawa.  Nasa panganib pa rin ang buhay ni Shenara kahit na iniwasan nyang mapalapit sa kanila. Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyang silang nilampasan ni Malcolm, lumiko ang lalaking may pekas sa muka at dumaan sa kabilang kalsada.

          Sa unahan nila, kumaway ang isang matangkad na babae. Kulay rosas ang balat nya tulad ni Shenara at lampas balikat ang kanyang buhok. Ang kulay ng mga mata nya ay kayumangi at itim na mas matingkad ang itim na kulay sa gilid nito. Ang suot nya ay simpling makapal na puting t-shirt at maluwag na asul na pantalon. Katabi nya ang isang singkit na lalaki na itim ang mga mata, mas matangkad siya sa babaing katabi nya at kutis porsela ang kanyang balat.

         Nagpaalam si Auriga sa kanila, sa paglampas nya ay sinundan siya ng tingin ng babaing kamuka ni Shenara, tinuloy nya ang lakad at iniwasan ang tingin ng babae. Tumakbo siya, luminga-linga, kahit saan siya tumingin ay nya makita ang hinahanap. Naramdaman nya ang mahinang tapik sa kanyang balikat.

         "Ikaw nga, Auriga! "bati sa kanya ni Malcolm,"Ughmh! Abala ka ba ngayon? Tara, kain tayo."

          Naiilang na tumingin si Auriga kay Malcolm, nakahawak siya sa baba nya at nakatingin sa direktor, tuluyang hindi natiis ni Auriga ang ginagawa ni Malcolm nang lumabas ang maputi at pantay nyang mga ngipin nang ngumiti siya habang nakatingin sa paraan ng kanyang pagkain. Naisip nya na magaling umarte ang lalaki, kong hindi nya nakita ang ginawang pagsunod ni Malcolm kina Shenara ay marahil naniwala na siya na wala ang lalaki sa unang lugar nyang kinainan.

          "Itigil mo ang pagtitig mo sa akin. Kain na," saway nya kay Malcolm.

         "Patawad, natutuwa talaga akong makita ka ngayon."

          Tiningnan nya ulit si Malcolm, ganoon pa rin ang tingin nya sa kanya, patuloy ang kanyang titig sa direktor kahit umiinom ng kape.

          Kinuha ni Auriga ang tasa ng tsaa,"Anong trabaho mo, Malcolm?"

          "Isa akong pintor."

          Inalis nya ang tingin kay Auriga, sinandok at nginuya nya ang sopas,"Gusto mo bang makita ang mga ipininta ko?"

           Manghang nakatingin si Auriga sa mga obra ni Malcolm."Nasa mga museong napuntahan ko ang mga gawa nya!"Komento nya sa kanyang isip. Halos lahat ng tema ng ipininta ni Malcolm ay tungkol sa kalikasan. Ang bukod tanging pumukaw sa kanyang pansin ay ang mga ipininta nyang tanawin ng mga gusali at itsura ng bundok sa oras ng gabi, matingkad ang madilim na kulay; maganda ang ginawa nyang paglapat at paghalo ng kadiliman at ng kalikasan, lumitaw na maginhawa at tahimik ang kapaligiran sa paggamit nya ng itim na kulay. Ang mga hayop tulad ng kulisap ay mas lalong nagpaganda sa kanyang mga gawa. Natulala siya sa mga ipininta ni Malcolm at naalala ni Auriga ang namatay nyang ina, isa rin siyang pintor. Sabi nga ng iba ay naman daw nya ang pagkamalikhain ng ina.  Matagal na siyang patay, sa tagal ng panahon ay labis ang pananabik nya na makasama siya.
          
            
            Naglakad si Malcolm sa kanyang mga obra. Sa tuwing nasa harap siya ng mga likha na ang tema ay gabi, dinadausdus nya sa kanyang ipininta ang hintuturo sa kanang kamay; tinitingnan ng mabuti ang kanyang gawa. Ang paglapat ng malakas na hangin sa kanyang makapal at maikling itim na buhok ay nakadagdag sa paghanga ni Auriga kay Malcolm, nag-init ang pisngi nya ng inayos ng lalaki ang nagulong buhok. Hinayaan nyang nasa buhok ang palad ng kanang kamay at mabagal na lumingon kay Auriga nang may magandang ngiti sa labi, sa ngiti nya ay lumitaw ang maliit na puyo (dimple) sa kanan nyang pisngi.

           "Pabo-rito mo ang itim na ku-lay?" Utal-utal na tanong ni Auriga kasunod nang malakas na mura sa kanyang isipan.

           Hinawakan ni Malcolm ang suot na itim na t-shirt, "Oo, ikaw? Anong paborito mong kulay? "

           Pinakalma ni Auriga ang sarili. Kahit maayos ang makapal na berde nyang t-shirt ay pinagpag nya ito, "Ayaw ko ng mga kulay. Wala ni-isa sa mga kulay ang paborito ko."

           "Imposible!Sinungaling!"mataas at malakas ang boses na sabi ni Malcolm.

           Mahirap paniwalaan, kahit kailan ay hindi nagandahan si Auriga sa mga kulay. Oo, nagagandahan siya sa paraan nang paggamit ng mga kulay sa mga likhang- sining, hanggang ganoon lang ang paghanga nya.

          Inulit ni Auriga sa kanyang sarili ang tunay na pakay sa pagsunod kay Malcolm. Pumalit ang matinding poot sa paghanga nya nang maalala ang malamig na bangkay ni Shenara.

           Mabilis nyang inikot ang paningin sa malawak na puting estudyo nang lumabas ang lalaki upang kumuha ng inumin. Umaasa siya na makakita ng kahit anong impormasyon tungkol sa kanya. Lumapit siya sa maliit na kahoy na aparador sa unahan ng mga ipininta, isa-isa nyang binuksan ang lagayan nito. Maingat ngunit mabilis nyang tiningnan ang mga laman. Sa unang lagayan, napailing siya nang makita ang mga bras na pampinta. Sa dalawang pinto na bukasan ay puro pintura ang nakita nya. Mabagal at malalim ang paghinga nya, tumutulo ang pawis sa gilid ng kaliwa nyang noo. Inikot nya ulit ang paningin sa loob ng estudyo. Sa aparador na nabuksan nya lang pwedeng magtago ng kahit anong gamit.

           
          Pumunta siya sa katabing kwarto ng estudyo nang mabilis. Ang mga gamit sa kwarto ay sofa, mesa at isang malaking kahoy na aparador. Nasa dulo ng kwarto ang itim na malaking sofa, sa unahan ng sofa ay ang kahoy na mesa. Sa kanan ng sofa ay may maliit na salaming bintana kong saan nakikita ang kalsada mula sa ikalawang palapag ng gusali. Lumapit siya sa malaking  kahoy na aparador  na nasa kanan ng bintana. Pinilit nyang buksan ang aparador pero nakakandado ito, naisip nya na buksan ito gamit ang hair pin sa kanyang buhok. Nagawa nyang buksan ang pinto nya nang minsang mawala ang susi ng kanyang bahay, tiwala siya na mabubuksan nya rin ang aparador. Sa maliit na awang na nagawa nya sa pagbukas nya sa aparador, sa gitna niyon ay nakita nya si Malcolm sa isang larawan, nakatayo siya at nakangiti. Napansin nya ang isang kamay na nakaakbay kay Malcolm. Gusto nyang buksan ng tuluyan ang aparador, natigilan siya, pakiramdam nya ay huminto ang paghinga nya nang marinig ang tawag ni Malcolm.

           Hinanap ni Malcolm si Auriga, hawak nya ang dalawang bote ng malamig na tubig,"Nainip ka ba?"

          Lumingon si Auriga, inalis ang tingin nya sa pinintang asul na dagat ni Malcolm at sumagot, "Hindi, naaliw ako sa mga pininta mo, eh."

         Tuluyang ibinuga ng mahina ni Auriga ang pigil na hininga nang inipit ni Malcolm ang isang bote sa kanyang kaliwang braso at binaling ang tingin sa binubuksang bote ng tubig. Nakangiti nyang inabot ang bukas na tubig kay Auriga, nagpasalamat siya. Binuksan naman ni Malcolm ang kanyang inumin, sa puntong iyon ay tiningnan ni Auriga ang kwarto na katabi ng estudyo.  Nagtataka siya kong sino ang kasama ni Malcolm sa larawan. "Siya ba si Shenara?! Hindi! Ang alam ko ay nakilala nya lang si Malcolm noong ipinakilala ko siya sa kanya. Napaka bata pa ng itsura ni Malcolm sa larawan, ibang-iba sa itsura nya ngayon," pahayag nya sa kanyang isipan.
            

          Nabuksan nang tuluyan ni Malcolm ang inumin, agad na ibinaling ni Auriga ang tingin sa kanya nang narinig ang tunog nang mabagal na pagbukas nya ng takip.

          Pagkatapos uminom ng tubig, tumingin si Malcolm sa mga mata nya nang hindi kumukurap, "Sana hindi ka mabigla, Auriga," sandali siyang tumigil at inilabas ang malalim na puyo (dimple) sa ganda ng kanyang ngiti, "Manliligaw ako sa iyo, gusto kita. Noong una pa lang kitang makita ay gustong-gusto na kita, Auriga."



Continue Reading

You'll Also Like

63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
17.5M 656K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
7.5M 380K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...