MISSION 3: Claiming You

By AleezaMireya

184K 8.7K 2.5K

"Pwede bang hindi kita tawaging Kuya? Crush kasi kita." Ang mga salitang iyon ang unang sinabi ni Pretzhel k... More

Author's Note
Teaser
Chapter 1 - Memory Lane
Chapter 2 - Pretty
Chapter 3 - Jealousy
Chapter 4 - Research
Chapter 5 - Portrait
Chapter 6 - Love Story
Chapter 7 - Gift
Chapter 8 - Seduction
Chapter 9 - The Chase
Chapter 10 - Confirm
Chapter 11 - Threatened
Chapter 12 - Getting To Know
Chapter 13 - Family
Chapter 14 - Admission
Chapter 15 - Lured
Chapter 16 - Cornered
Chapter 17 - Virtual War
Chapter 18 - Come Clean
Chapter 19 - Sweetheart
Chapter 20 - Secret
Chapter 21 - Priceless
Chapter 23 - Introduced
Chapter 24 - Unimpressed
Chapter 25 - Make Out
Chapter 26 - Future Plans
Chapter 27 - Lap Dance
Chapter 28 - Grand Slam
Chapter 29 - Warned
Chapter 30 - Taste
Chapter 31 - Tested
Chapter 32 - Unrestrained
Chapter 33 - Overheard
Chapter 34 - Wrong Verb
Chapter 35 - Evasive
Chapter 36 - Connive
Chapter 37 - Captivated
Chapter 38 - Tricked
Chapter 39 - Captured
Chapter 40 - Remorseful
Chapter 41 - Ready
Chapter 42 - Marked
Chapter 43 - Busted
Chapter 44 - Beloved
Chapter 45 - Perturbed
Chapter 46 - Cared For
Chapter 47 - Perfect Addition
Chapter 48 - Fairy Tale
Chapter 49 - Jubilant
Exciting News!!!

Chapter 22 - Mission

2.9K 177 33
By AleezaMireya


Pagbukas pa lang ni Pretzhel sa pintuan ng van ay sumalubong na kaagad sa kanya ang malamig na temperatura. Na hindi naman kataka-taka. Wala pang alas siyete ng umaga at puro fog pa ang paligid.

Sumama siya kina Abby nang malamang pupunta sa Baguio ang mga ito. Madalas talagang pumasyal ang pamilya nina Brian sa Baguio. Once or twice every quarter ay bumibisita ang pamilya nina Brian sa kapatid na nag-aaral sa PMA. Naenganyo raw itong magsundalo dahil kay Clifford.

Kahapon pa sila dumating sa Baguio. Pero imbes na pumasyal ay ginugol na lang nila ang nalalabing oras sa vacation house na pag-aari ni Lolo Gener. Wala nang interesadong mamasyal pa dahil hapon na rin naman. And they'd been in Baguio for so many times, familiar na sila sa lahat ng tourists spots doon. Isa pa'y pagod na rin naman ang mga batang kasama nila sa biyahe.

At dahil walang gagawin ay ang mga naka framed na litrato ang tiningnan niya. She'd been in this vacation house on several occasions before but she didn't pay much attention to the photo albums underneath the coffee table. And she's glad she did last night. Ilang litrato ni Clifford noong kabataan nito ang nakita niya. Napansin lang niya na karamihan ng litrato nito ay solo si Cliff, kung hindi man ay ang Lolo at Lola ang kasama. She did find a photo of him with his mom and dad, pero iilan lang, kumpara sa mga kuha na ang kasama ni Cliff ay ang grandparents nito.

Pretzhel got stuck with a particularly picture of Cliff with his parents. Nakita na niya ang mga magulang ni Clifford noong birthday ni Lola Ada. Hindi nga lang sila nagkaroon ng chance na makilala ng personal ang mga ito. Which is not a big deal that time. Wala naman kasi sa hinagap niya na magiging boyfriend niya si Clifford ngayon.

What initially got her attention to the family picture was the resemblance of the three generation of Sales. It was very evident. Maging ang dimples sa gilid ng labi ni Lolo Gener ay meron ang ama ni Clifford. But what got her undivided attention was the huge smile and genuine happiness in Clifford's eyes. Close up ang kuha. Studio shot. Tingin niya ay baka siyam o sampung taon si Clifford sa larawan. Napagigitnaan ito ng mga magulang na parehas naka-military uniform.

Pretzhel delicately traced Clifford's face. She smiled dreamily. Biglang sumingit sa isip niya ang pag-asam na sana'y may dimples din ang magiging anak nila. Mapa babae man o lalaki.

Bigla ang pag-iinit ng pisngi ni Pretzhel nang ma-realize kung ano ang dapat mangyari para magkatotoo ang inaasam niya. She bit her lip as heat spread on her body. She cleared her throat and dismissed that wayward thought.

Pretzhel took a photo of the family picture and proceeded with looking at the other pictures in the album. May ilang larawan pa si Clifford noong kabataan nito na kinuhaan niya. She'll edit that later, saka niya isesend kay Cliff kapag hindi na ito busy.

Hindi pa man ay napapangiti na siya sa kalokohang naglalaro sa isip. And she made a mental note to hide their photo albums. Mahirap na. Baka gantihan siya nito sa pinaplanong gawin. But Pretzhel's smile faded after a while. Nagpalitan iyon ng pangamba, na pilit niyang nilabanan.

Nagsabi si Cliff sa kanya na hindi makakapag-chat at makakatawag dahil may importanteng mission na pinaghahandaan.

Actually ay isa pa iyon sa mga dahilan kaya sumama siya kina Abby. Well, actually, ang ina niya ang pumilit sa kanya na sumama. May bago naman na silang assistant sa bakeshop at sabi ng Mama niya na ito na ang bahala kung kailangan ni Lilibeth ng tulong.

Pretzhel can tell that her mother felt that she's distracted for a couple of days now. Hindi niya maiwasang mag-alala sa tuwing magsasabi ang boyfriend na may mission na namang gagawin. And what better way to divert her attention than to do the thing she really like doing?

Alam ni Abby na mahilig siya sa strawberry at looking forward siya tuwing strawberry picking season na. Gusto niyang siya mismo ang namimitas noon. Sa mga strawberry flavored goods din lang talaga siya hindi makatanggi. Guilty pleasure niya ito.

Kaya imbes na sumama sa PMA ay maaga siyang gumising at nagpahatid sa strawberry farm.

"Sigurado kayo, Ma'am, na okay lang sa inyo mag-isa?" tanong sa kanya ng katiwala na nagmimintini sa vacation house. Ito ang napakisuyuan na maghatid sa kanya sa strawberry farm.

Luminga siya sa paligid. Bukod sa kanya ay mangilan-ngilan pa lang ang turista roon. Maging ang mga souvenir shops ay sarado pa ang karamihan. Ang ilan ay nagbubukas pa lang.

"Okay lang po ako rito, Tay. Basta balikan niyo na lang po ako rito pagkahatid ninyo kina Brian sa PMA."

Wala siyang dalang sasakyan. Sumabay na lang siya sa van nina Brian. At ayaw din niyang makagalitan ng kuya Gabriel niya kapag nalaman na nagdrive siya pa-Baguio.

Kagabi pa nila napag-usapan na ida-drop siya sa strawberry farm, sina Brian ay ihahatid sa PMA at saka siya babalikan doon ng van. Dederetso na siya sa PMA. Ang katiwala naman ay magpa-public transport na lang pabalik sa vacation house. Sa hapon ay uuwi na rin sila. May pasok pa rin kasi sa trabaho si Brian.

"Sige, Ma'am, ingat po kayo," anang katiwala na itinaas na ang bintana ng van.

Tumalikod na si Pretzhel at muling luminga sa paligid. She noticed some tourists shivering from cold, but Pretzhel was actually excited of the cool temperature. She welcomed it. Kaya nga naka distressed denim jumpsuit at black and white striped t-shirt lang siya. She didn't bother wearing a jacket. She's wearing a black Converse Chuck Taylor low top shoe. Which is the perfect shoe, considering the damp ground she's walking. She loosely braided her long hair and put on a pink cap. The only accessory she got is her pink crossbody bag.

Bago pa man niya marating ang entrance ng farm ay naroon na ang babaeng tin-ext niya kagabi. Kumaway ito sa kanya. "Good morning, Pretzhel!"

"Good morning, Mimi," ganting bati niya sa babaeng malayo pa man siya  ay nakangiti na. Ito ang regular supplier niya ng mga strawberry na ginagamit niya sa bakeshop. Dito na rin siya nakikipag-usap kapag kailangan niya ng mga fresh at organic na bulaklak mula sa Baguio para sa mga cakes na ginagawa.

"Ang aga mo talaga."

"Mas maaga ka pa rin kaysa sa akin," pabirong tugon niya, umagapay sa paglalakad ng babae. Nang makalampas sa nakatayong istruktura na siyang nagsisilbing entrance ng strawberry farm ay tumambad sa kanya ang hilera ng taniman ng mga strawberry.

Napatawa si Mimi. "Inagahan ko talaga at kabisado na kita. Alam kong ayaw mong makipagsisikan sa iba. Pero himala. Nag-iisa ka? Si Luke, hindi mo kasama?"

Kilala nito si Luke dahil sa hindi mabilang na beses na strawberry picking visits niya rito ay ang lalaki ang madalas na driver niya. Nagkibit-balikat siya, "He's kinda busy lately."

May nanunudyong ngiting gumuhit sa labi nito nang lumingon sa kanya, "LQ?"

Napatawa si Pretzhel. Umiling lang siya bilang tugon.

"Iyon palang isang crate na separate order mo, dadalhin ni Apollo dito mamaya."

Tumango si Pret. May bukod siyang order na strawberry para sa mga gagawin niyang cake sa bakeshop. Pero iba pa rin talaga ang hatak sa kanya na siya mismo ang pipitas ng mga strawberry na for personal consumption niya.

Pinanatili niya sa strawberry fields ang paningin. Pretzhel's excitement mounted. She's the first customer for today. Makakapamili siya ng magagandang bunga!

"May mainit na tsokolate akong dala. Uminom muna tayo bago ka mamitas ng strawberry para mainitan ka. Sanay na ako sa klima rito kaya hindi ko na iniinda ang lamig. Pero ikaw? Hindi ka ba giniginaw sa suot mo? Wala ka pa yatang jacket na dala."

Nang lumingon siya rito ay nakatingin ito sa damit niya.

Napatawa si Pretzhel. "Hindi na. Elsa ng Frozen ang peg ko. Tipong 'The cold doesn't bothered me anyway.' Mas gusto ko nang makapamitas ng strawberry."

Ngumiti si Mimi, "Sus! Kung sinasagot mo na ba naman si Luke, eh di hindi ka nasasanay sa lamig. May nagpapainit sana sa mga gabi mo."

Humalakhak si Pretzhel. "Luke and I are just friends, Mimi."

"Friends pa rin? Ilang taon na kayong pasyal nang pasyal dito, hanggang ngayon friends pa rin?"

Ngumiti siya. Maliban sa kanya at sa Mama niya ay wala nang kilalang kamag-anak niya si Mimi. For sure sa side ni Clifford ay wala rin naman itong kilala. Kung sakali ay safe dito ang sikreto niya. "I'll let you in a little secret. Basta mangako ka na wala kang ibang pagsasabihan."

"Promise," ani Mimi na itinaas pa ang kanang kamay.

"Friends lang talaga ang pwede sa amin ni Luke. I am in love with someone since I'm thirteen. And he is now my boyfriend," she beamed.

Bakas ang gulat sa mukha ni Mimi. "Hindi nga?"

Lumapad ang ngiti ni Pretzhel. "Uh-hum," aniya na sunod-sunod na tumango. "I'll introduce you to him sa susunod na umuwi siya. Sana lang strawberry picking season pa rin para may dahilan ako kung bakit ako babalik dito."

"Kapag umuwi? Bakit? Nasaan ba siya?" usisa ni Mimi.

"Albay." Tumigil na siya sa tapat ng strawberry fields na pag-aari nina Mimi.

"Taga-Albay ang boyfriend mo? Ang layo!" Itinulak pabukas ni Mimi ang gate na gawa sa kawayan. Pumasok ito roon. Sumunod si Pretzhel. Kinuha niya kay Mimi ang maliit na basket at gunting.

"Taga-Bulacan talaga siya. Military Captain. Sa Albay lang naka-assign."

"Ah." Tumango si Mimi. "Eh di ang hirap? Narito ka, nasa Albay naman ang boyfriend mo?"

"Correction. Narito siya, narito rin ako ngayon."

Nanlalaki ang mga matang lumingon si Pretzhel.

And there, just a few feet away from her, is a man with fresh, big red roses in his hands.

Pretzhel blinked several times. Sinisigurado niyang hindi lamang dala ng imahinasyon niya ang binatang nakikita. Nakarating na sa harapan niya si Clifford ay nakatitig lang siya sa binata. Itinaas nito ang kamay. Gamit ang likod ng daliri ay hinaplos ang pisngi niya.

Clifford flashed his dimpled smile. "Hello, sweetheart."

Huminga nang malalim si Pretzhel. And she's glad she went to the strawberry field alone, because she can't do what she wanted to do if Abby or Brian or any member of Clifford's kin is present.

Imbes na tanggapin ang bulaklak na ibinibigay ni Clifford ay binitawan niya ang maliit na basket, ang batok nito ang hinagip niya. Without preamble, and without any hesitation, she fused her lips to his. Clifford's arms goes around her body, enclosing her in a very warm embrace that set her blood ablaze. He took charged of the kiss she initiated. Pretzhel tiptoed. Her arms goes round his waist. Pulling their bodies closer that it already was.

Kung hindi pa sa pagtikhim ni Mimi ay malamang na hindi sila maghihiwalay.

"Anong...? Bakit ka narito? Akala ko ba may mission ka?" aniya nang humiwalay ang labi niya sa binata. Ang mga braso nila ay nanatiling nakayapos sa isa't isa.

"I am a man on a mission," Clifford grinned.

Pretzhel felt her heart was about to burst. She’s stunned, but over the moon.

She's elated.

Bumitaw siya kay Clifford at pinalo ito sa dibdib. “Niloloko mo ba ako?”

Tumawa si Clifford. Hinalikan siya sa dulo ng ilong. “Hindi, ah! Takot ko lang na lokohin ka.”

“Eh bakit sabi mo may importanteng mission ka?” aniya na inirapan ito. Pretzhel was not really an emotional person. But tears of happiness are threatening to spill. And the only option she know to hide what she's actually feeling was to pretend that she's annoyed. 

“My mission is to surprise and make you happy, sweetheart. Di ba nangako ako noong birthday mo na pagbalik ko ay babawi ako?”

Lumabi siya. Susungitan pa sana niya ang boyfriend nang maagaw ng ibang parating na turista ang atensiyon niya. Noon lang niya naalala kung nasaan sila, at na hindi sila nag-iisa. Nang lumingon siya kay Mimi ay mataman itong nakatitig kay Clifford.

“Siya ang boyfriend ko, Mimi.”

Continue Reading

You'll Also Like

70.8K 53 1
Warning: SPG | R-18 | Mature Content Cassandra Sydeon Lopez, who was disowned by her family and forced to drop out of college due to her single-paren...
1.2M 25.2K 30
SPG Theseus Montenegro is a serious man. Puro business lang laman ng kanyang utak. Hindi mo sya makikitang may kasamang babae. Dating isn't in his vo...
257K 5.7K 22
WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | RATED SPG | 18+ Isang sikat na Matchmaker ang inutusang hanapan ng babaeng mapapangasawa si Leonardo Villaruiz- a we...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...