I'm Born as an Eryndor! (Book...

By itsmarresemonika

478K 27.1K 2K

She díed due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appropriat... More

I'm Born as an Eryndor!
🥀 Prologue
🥀 Chapter 1
🥀 Chapter 2
🥀 Chapter 3
🥀 Chapter 4
🥀 Chapter 6
🥀 Chapter 7
🥀 Chapter 8
🥀 Chapter 9
🥀 Chapter 10
🥀 Chapter 11
🥀 Chapter 12
🥀 Chapter 13
🥀 Chapter 14
🥀 Chapter 15
🥀 Chapter 16
🥀 Chapter 17
🥀 Chapter 18
🥀 Chapter 19
🥀 Chapter 20
🥀 Chapter 21
🥀 Chapter 22
🥀 Chapter 23
🥀 Chapter 24
🥀 Chapter 25
🥀 Chapter 26
🥀 Chapter 27
🥀 Chapter 28
🥀 Chapter 29
🥀 Chapter 30
🥀 Chapter 31
🥀 Chapter 32
🥀 Chapter 33
🥀 Chapter 34
🥀 Chapter 35
🥀 Chapter 36
🥀 Chapter 37
🥀 Chapter 38
🥀 Chapter 39
🥀 Chapter 40
🥀 Chapter 41
🥀 Chapter 42
🥀 Chapter 43
🥀 Chapter 44
🥀 Chapter 45
🥀 Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
I'm Born as an Eryndor! Book 2 : Faded & Return
Chaptee 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190

🥀 Chapter 5

9.7K 481 10
By itsmarresemonika


Gumapang ako sa halamanan hanggang sa narating ko na ang pinakadulo nito. Tumayo ako saka pinagpag ko ang aking damit. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nagpameywang ako nang napagtanto ko na tuluyan akong nakalabas ng Palasyo. Tamang-tama din na walang nagbabantay na mga kawal sa bandang bahagi na ito. Finally, I can have my freedom! Sa loob ng pitong taon ay inalam ko talaga ang mga bawat pasikot-sikot sa Palasyo and alas, ito na nga. Napapansin ko kasi na wala naman gumagalang kawal dito. Dahil na din sa curiousity ko ay ito ang nalaman ko.

Para hindi ako matunugan ay umaribas ako ng takbo palayo sa mga matataas na pader ng Palasyo. Bahala na din kung hahanapin ako ni Nesta mamaya dahil ang totoo ay tumakas lang ako. Inuutusan ko siyang ipagkuha niya ako ng merienda pero kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para makalabas.

Sa loob din ng pitong taon ay nakucurious ako kung anong meron sa labas ng Palasyo. Ni isang beses ay hindi ako nagawang igala ni Vencel. Siguro ay dahil hindi talaga maiwasan ang pagiging over protective niya bilang tatay sa akin, gaoon din sina Raegan, Eomund at Cederic. Good thing, hindi rin nila natunugan na nakatakas ako. Si Raegan ay abala sa kaniyang hinahawak na Royal Chivalry Order. Samantala si Eomund at Cederic ay kasalukuyang may private lessons. Ako naman ay wala pang sinasabi si Vencel kung mag-aaral na ako pero naririnig ko na kumukuha na siya ng magiging private teacher ko. Kaya magpapakasaya muna ako habang wala pa siyang nahanap at isa na ito.

Bago man ako lumabas ay talagang pinaghandaan ko talaga nang maigi ito. Inaalala ko ang mga bagay na pupwede kong gamitin mula noong nabubuhay ako sa modernong panahon. Una kong ginawan ng paraan ay ang mga mata ko. Dahil magkaiba ang kulay ng mga ito ay naisip kong gumawa ng contact lens. Dahil isa akong writer sa previous life ko, hindi maiwasang hindi ko pag-aralan ang mga bagay-bagay para sa mga istorya na ginagawa ko. Kaya hangga't maaari ay kinokolekta at inaral ko nang mabuti ang mga materyales at formula na gagawin ko para sa paggawa ng contact lens. Mabuti nalang ay hindi ito makati sa mata, kahit ang liquid solution na gawa ko. Ilang beses ko na din ako dumaan sa trial and error bago maging perpekto ang aking gawa!

I have natural red and violet eyes. Ginawa ko namang amber color ang mga contact lens na gawa ko. Nalaman ko din kasi na kilala daw ang prinsesa ng Imperyo na magkaiba ang kulay ng mga mata kaya wala na akong choice. Para na din maging tagumpay ang pagdidisguise ko!

Hindi ko na namalayan ay nakarating na ako sa mataong lugar. Tahimik kong iginala ang aking mga mata sa paligid. Hinawi ko ang balabal na nasa aking ulo, hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha sa aking nakikita. Buhay na buhay ang nasa paligid ko. Itinuloy ko ang aking paglalakad. Pakiramdam ko ay umaapaw na sa galak ang puso ko dahil inangat ko ang aking mga braso at nagagawa ko pang umikot sa daanan na akala mo ay handa na akong sumayaw.

So this is that taste of freedom!

Kung ganito lang pala ang matatagpuan ko sa lugar na ito, willing na willing talaga ako tumakas, anytime!

Binusog ko ang aking mga mata sa aking mga nakikita. Ganito pala ang hitsura ng palengke sa mundong ito. Maingay pero masaya. May nakita din akong musikero sa hindi kalayuan. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan 'yon. Pinapanood ko siya habang natugtog. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata para mas damhin ko pa ito. Nang nakontento na ako ay lumapit ako sa lata na nasa harap lang ng musikero. Naglabas ako ng gintong baryapara ipambayad sa kaniya. Hindi na ako nagtagal at agad ding umalis.

Muli ako naglakad-lakad. Nasa likuran ko lang ang mga kamay ko. May namtaan akong Bake Shop sa hindi kalayuan. Sumilay ulit ang ngiti sa aking mga labi. Patakbo akong lumapit sa pinto ng Bake Shop. Itinulak ko ang pinto at may tumunog na bell, hudyat na may dumating na costumer. Tumambad sa akin ang mga mesa at mga silya, pero ang mas tumawag ng aking pansin ay ang mga cake at mga iba't ibang klase ng pastries sa mga stante. Excited akong lumapit at tumingin ng mga iba't ibang klase ng cake. Gustuhin ko man tikman ang mga ito pero hindi pwede dahil matutunugan nina Nesta pati na din nina Vencel at mga kapatid ko na tumakas ako. Paniguradong uulanan nila ako ng sermon kung nagkataon.

"May napili na po ba kayo, Binibini?" nakangiting tanong sa akin ng babae, siya siguro ang kahera.

Bago man ako sumagot ay pumili muna ako ng cake. Aha! "Ito po sana." sabay turo ko sa chocolate cake. "Dito ko na kakainin, ha?"

"Sige po, Binibini." nakangiti siyang sabi saka kumuha na siya ng isang hiwa ng chocolate cake.

Nagbayad na ako saka inabot ko ang cake. Ipinatong ko ang plato sa mesa. Umupo ako sa isa sa mga silya. Excited na akong kainin ang binili kong cake. Kinikilig ako nang matikman ko ang lasa. Ang sarap! Namiss ko ang mga ganitong pagkain habang nasa dating mundo palang ako.

Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako sa naturang Bake Shop. Muli ako gumala. Oh, I love the Capitol. I never though I could feel like this! Nag-enjoy ako nang sobra kahit mag-isa lang ako napunta dito.

Sunod ko pinuntahan ay ang pinakasadya ko. Isang Book Shop. Itinulak ko ang pinto. Wala masyadong tao. Maliban lang sa isang lalaki na abala sa pag-aayos ng mga libro sa mga bookshelf. Lumabi akong tinungo ang mga bookshelf. Hinahanap ko ang mga sadya kong mga libro.

I need a magic book. Ilang taon ko na din pinapraktis ito pero puro sablay lang ang nangyayari so I need more knowledge for how to use this. Kung ano ba ang mga dapat kong gawin para ma-enhance ko pa ang skills ko na ito.

Ang ending, wala akong makita. Puro mga element magic lang ang nakikita ko. More in romance and history books din pala ang meron sa Book Store. Medyo nadismaya naman ako pero hindi bale, baka hindi lang ito ang Book Store sa Kapitolyo. Baka may iba pa.

Dahil sa paggagala ko ay hindi ko na namalayan kung saan na ako nakarating. Napansin ko na madalang na ang mga tao dito. Tumigil ako sa paglalakad. Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Umawang ang aking bibig nang makita ko na puros mga eskinita ang mga naririto. May mga madilim na bahagi ng lugar na ito. Sa tingin ko din kasi ay wala naman akong makikitang Book Shop dito dahil mukhang wala na ako sa Kabihasnan. Sa paningin ko ay puro mga tirahan na ang mga naririto. Apartment or Inn, mga ganoon. Hayys, so it's time to go home.

Maglalakad na sana ako pabalik nang matigilan ako nang may narinig akong ingay sa bandang kanan ko. Sinundan ko 'yon ng tingin. Kusang kumunot ang noo ko. Bakit pakiramdam ko ay bayolente ang naririnig kong salita sa bandang direksyon na 'yon?

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para sundan ko pa ang pinanggalingan ng tunog at mga boses na 'yon. Isinuot ko ang balabal sa aking ulo. Napalunok ako habang maingat kong nilalapitan 'yon. Marahan na dumapo ang isang palad ko sa pader. Dahan-dahan at sinisiguro ko na hindi ako makakalikha ng ingay habang nilalapitan ko ang lugar na 'yon. Habang palapit ako nang palapit ay siya naman palakas nang palakas ang tunog. Nagpasya ko nang tumigil. Isinandal ko ang aking likod sa pader. Sumilip ako nang kaunti.

"Ugh!"

Lumipad ang aking palad sa aking bibig nang suminghap ako. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang mga binatilyo na may sinasaktan sila. Lumipat ang tingin ko sa tao na sinasaktan nila. Ini-kurba niya ang kaniyang katawan kahit na yakap-yakap niya ito upang protektahan ang kaniyang sarili. Rinig ko pa na inuulanan nila ng mura ang biktima nila. Nasaksihan ko pa na dinuduraan pa nila ito na labis ko pa ikinagulat!

Nang nakuntento na sila ay nilayasan na nila ito. Naiwan nilang nakahandusay ang lalaki na punung-puno na ng sugat ang katawan. Tumingin ako sa mga lalaki, tuluyan na silang nakaalis. Doon ako naglakas-loob na lapitan ang lalaki na naiwan. Napalunok ako ulit.

"A-ayos ka lang ba?" mahina kong tanong sa kaniya.

Bigo ako makakuha ng sagot. Umahon ang kaba sa aking sistema.

Sinubukan ko siyang galawin hanggang sa masilayan ko ang kaniyang mukha. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Kahit ang mukha niya ay may sugat na't putok pa ang labi! Sariwa pa ang dúgo sa kaniyang bibig! Umawang ang aking bibig. Teka, pamilyar sa akin ang lalaking ito. Teka, sino nga ba siya ulit?!

"Prinsipe Calevi?" mahina kong tawag, walang kasiguraduhan sa tono ko.

Dahan-dahan siyang dumilat. Nagtama ang mga mata namin kahit na namumungay na ang mga mata niya dahil sa pagkahina.

"Kailangan kitang dalhin sa manggagamot!" bulalas ko. Inakay ko siya pero dahil sa mabigat siya ay natumba pa kami! Napangiwi ako sa sakit.

"Sino 'yan?"

Nanigas ako sa posisyon ko nang may narinig akong boses ng isang lalaki. Mas bumilis ang tibok ng aking puso. Ilang beses na ako nagmumura sa isipan ko. Kailangan na namin makalayo dito!

Mabilis kong inakay si Prinsipe Calevi at tumayo. Balak ko sanang umusad pero muli na naman akong natumba. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pananakit ng aking paa. Oh no, don't tell me, natapilok talaga ako?! Sheez, paano na kami makatakas nito? Paano kami makaalis dito?!

"Aba, may balak ka pang tumakas, ha!" nagawa niya akong sabunutan. Napangiwi ulit ako dahil sa sakit. Walangyang lalaking ito. How dare he pulled my hair! Kahit ang tatay at mga kuya ko, hinding hindi nila magagawa sa akin ang bagay na ito! "Mukhang anak ka din ng Maharlika. Kung ako sa iyo, ibigay mo sa akin lahat ng pagmamay-ari mo. Mas masaya pa ako kung ginto ang ibibigay mo!"

Matalim akong tumingin sa kaniya. "B-bitawan mo ako kung ayaw mong... Magsisisi sa huli." matigas kong sambit.

Tumawa siya na mala-demonyo. "At may gana ka pang magbanta. Akala mo takot ako sa iyo?"

"Kung dito kaya, matatakot ka?" rinig pa namin ng isang pang boses lalaki na malapit lang sa amin. Nanlaki ang mga mata namin nang may biglang lumitaw na mahaba at matalas na espada na nakadikit sa leeg ng lalaking sumabunot sa akin! "Bitawan mo ang buhok ng binibini kung ayaw mong magpaalam sa mundong ito." matigas at may bahid na poot sa boses nito.

Dahan-dahan binitawan ng mama ang aking buhok. Pero hindi pa rin naalis ang espada sa leeg nito.

"N-nabitawan ko na..." nanginginig nitong sabi.

Walang sabi na hinila siya ng lalaking may hawak ng espada. Lumingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang masaksihan ko na marahas na isinadal ang mama sa pader at walang sabi na isinaksak ang espada sa sikmura. Nagsuka ng dúgo ang mama hanggang sa binawian ito ng buhay. Para akong kinapos ng hininga sa aking nakita!

Nakahood ang lalaki kaya hindi ko gaano maaninag ang mukha nito. Binawi niya ang espeda saka tinapon niya ito sa isang tabi. "Linisin mo, Egos."

Biglang may sumulpot na lalaki na nakaitim na balabal mula sa dinaanan kong eskinita. Dinampot niya ang itinapong espada at umalis din agad.

Lumipat ang tingin ko sa lalaki na nakahoodie. Napalunok ako nang matindi. Humigpit ang pagkahawak ko kay Prinsipe Calevi. Napaatras ako sa kabila na nananakit ang aking binti. Humakbang pa ito palapit sa amin hanggang sa dumapo ang isang tuhod niya. Lumuhod siya sa harap ko. Hindi matanggal ang mga mata ko sa kaniya hanggang sa inalis niya ang hood ng kaniyang balabal na itim din. Isang bagong mukha ang tumambad sa akin. Maputi ang kaniyang balat at makinis. Kulay platinum blonde ang kaniyang buhok. Matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay at kulay berde ang kaniyang mga mata!

"Anong ginagawa ng nag-iisang prinsesa ng Cyan sa lugar na ito, hmm?" seryoso niyang tanong sa akin.

"K-kilala mo ako...?" ang tanging nasabi ko. Base sa boses niya, hindi siya ang isa sa mga kapamilya ko.

"Syempre, kilalang kilala kita." nakangiting sabi niya. "Sino bang hindi makakakilala sa isang prinsesa ng Cyan o mas kilala sa tawag na mga mata ng kaluluwa?"

Kumunot ang aking noo. "Mga mata... Ng kaluluwa?" ulit ko pa.

Sumilay ng mapait na ngiti sa kaniyang mga labi. "Sayang lang ay hindi kita agad nakita noon pa man. Masyado akong abala sa mahabang panahon."

Sandali, kilala niya ako. Papaano nangyari 'yon eh may contact lens ako! Alam kong perpekto ang pagkadisguise ko!

Walang sabi na itinapat ko sa kaniya ang aking palad, tanda na pinapatigil ko muna siya sa pagpapaliwanag niya. Kita ko kung papaano siya natigilan sa ginawa ko. Seryoso akong tumingin sa kaniya.

"Huh?"

"Bago ka magsalita, tutal ay naririto ka rin naman. Baka naman pupwede mo kaming tulungan? Lalo na itong kasama ko? Bugbog-sarado, eh." sabay baling ko kay prinsipe Calevi na wala na ngayong malay.

Lumipat ang tingin niya sa inaakay ko. Nang napagtanto niya kung sino 'yon ay gumuhit ang pagkasimangot niya para dito.

"Egos," seryoso niyang tawag sa kasama niya. "Ikaw na ang bahala sa Prinsipe ng Severassi."

"Masusunod po." nilapitan niya ako at maingat niyang bunuhat si Prinsipe Calevi.

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil matutulungan na siya. Sa ngayon ay kailangan kong mag-isip ng paraan para makaalis na dito. Kailangan kong umuwi agad para makaiwas ako ng pagkukwesyon nina Nesta at ng mga Kamahalan.

Halos mapatili ako nang bigla akong binuhat ng lalaking nagligtas sa amin. It's a bridal style! Gulat akong tumingin sa kaniya. "A-anong ginagawa mo?!" hindi ko mapigilang singhalan siya.

Painosente siyang tumingin sa akin. "Nasaktan ka din kanina, hindi ba? Tinutulungan lang din kita dahil mas mahihirapan kang maglakad pabalik sa Palasyo."

"K-kaya ko ang sarili ko!"

I heard him tsked. "Hindi ko sukat-akalain na may pagkapilya at may katigasan ng ulo pala ang nag-iisang prinsesa at bunsong anak ng Emperador ng Cyan." nabuntong-hininga siya. "Hayaan mong hinatid kita dahil tiyak na nagwawala na ang iyong ama dahil sa kakahanap sa iyo."

Continue Reading

You'll Also Like

15.3K 560 70
"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste y...
4.3K 299 28
TRIGGER WARNING ⚠️ : VIOLENCE After fighting against the COVID-19, they thought everything will be going back to normal. Masks off, face shields off...
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
494K 26.9K 43
Alexandria, a normal high school student got transmigrated into the body of the villainess of the internet novel her best friend wrote. The problem i...