Anesthesia

By alsaiuhnee

11.7K 124 5

This story inspired by DOSAGE OF SEROTONIN by @inksteady ---- She was once a victim of physical abuse by her... More

ANNOUNCEMENT
Anesthesia
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER FOUR

CHAPTER THREE

569 10 0
By alsaiuhnee

CHAPTER THREE

Anesthesia's POV

I always take a day off every saturday. And it's been two weeks and i'm still regretting that i wasn't able give Nicolas my number.

Kung hindi lang isa't kalahating tanga ako, naibigay ko sana ang number ko sa kan'ya bago pa may tumawag sa phone n'ya at umalis. May kalandian na sana ako. Nakakabwesit.

"T-tita..." Mahina at basag ang boses na tawag sakin...

It's been a week since the last i've heard her voice.

"Allana..." mahinang tawag ko dito na s'yang naging signal para yakapin ako.

She hugged me tightly, na para bang humahanap ng lakas ng loob. Naririnig ko ang mahinang pag iyak niya. Kahit hindi ako mag tanong alam kong may mali, may problema.

I let her cry and cry, hinayaan kong ilabas n'ya ang sakit na nararamdaman n'ya. She's always cheerful kaya bihira ko itong makitang umiiyak. Umiiyak lang s'ya pag hindi na n'ya kayang kimkimin ang nasa loob ng isip n'ya, pag alam n'yang pasuko na s'ya. She'll ran to me to cry.

I was her crying shoulder since the day my family showed up years ago after leaving and beating me. I was twenty that time while Allana was thirteen turning fourteen. When she first saw me she immediately hug me.

Kumalas ako sa pag yakap niya at tinignan ang kabuuan niya. She was covered by bruises all over the body.

"Where did you get this bruises?!" Galit na tanong ko ng makita ko ang mga sugat at pasa sa mga braso n'ya.

Nag iwas lang ito ng tingin at saka napayuko. She can't tell it. Hindi pa rin sila nagbabago, nanakit pa rin sila. At ngayon naman ay si Allana ang pinagbubuhatan nila ng kamay.

"Makikinig ako Allana, Where did you get this bruises? Sinong may gawa nito sayo? Hmm?" Sunod sunod na tanong ko dito nang malunay.

Nag angat na ito ng tingin sakin at tinitigan ako sa mata. Then she smiles.

"Wala 'to tita. Wala lang 'to. Wag ka na mag- alala." She says while wearing her beautiful smile.

Ayaw n'yang pag-usapan.

"Alam mong lagi akong nandito para sayo, 'diba?" I assured her.

"Alam ko 'yon tita, kaya nga favorite kita eh."

She always smile... Lagi s'yang ngumingiti kahit na nahihirapan at nasasaktan. She always choose to smile. I hate that side of her. She's close to me yet she's still hiding something.

"Kumain ka na ba?" Pag iiba ko ng topic dahil alam kong ayaw na n'yang pag usapan ang tungkol sa mga pasa at sugat n'ya sa katawan.

"Ipagluluto mo ba ako, tita?" Nangungusap ang mga mata nito sa saya pero para sakin ay isang insulto ang tinanong n'ya.

"You and Nathan really know a way to ruin my mood." I groaned after saying that, kaya natawa ang dalaga.

"Malay ko ba? Baka magaling ka na mag luto eh." Dagdag pa nito.

"I bake chocolate cake last night. Your favorite, kaso ayoko nang ipakain sayo." Anas ko dito habang tuloy tuloy akong naglakad papuntang kusina.

"Tita namann!!" May bahid ng pagtatampo sa boses n'ya.

She loves chocolate that's why i like to bake chocolate sweets and cake. Magana rin itong kumain kaya, i love baking for her. She was like a sister to me.

"I'm going home tomorrow." Saad ko dito na s'yang kinatigil n'ya ng pagkain.

"T-tita..."

"Alam ko kung sino ang may gawa n'yan, Allana. Hindi ako tanga para hindi maisip na sila ang gumawa nan." May galit ang tonong ginamit ko ng sabihin ko ang mga katagang 'yan.

"The fact that you didn't want to open who did that to you. That was my confirmation. Akala ko ba you trusted me? Bakit ayaw mong sabihin? You know how much i hate, you being in state like that." Tumigil ako sa pag sasalita upang tignan s'yang mahigpit na nakahawak sa tinidor.

"A-ayokong ikaw ang pag buntunan nila tita..." Mahina ngunit sapat na sakin para marinig.

I was taken a back, wala akong maisagot sa kan'ya. It was so hard for her. Tangna! Babae ang pamangkin ko and they beating her?!

Nakakainit ng dugo. Parang gusto kong maging criminal. I insisted to pay all the expenses Allana will be needing for studies. Para hindi nila isumbat sa pamangkin ko na dagdag lang ito sa problema nila.

Pareho kaming napatingin sa cellphone n'ya nang mag ring ito. Kita sa mga mata n'ya ang takot ng makita kung sino ang tumawag. Nakahanda na s'yang patayin ang tawag ng hablutin ko ito at sinagot.

Allana's pleading me na wag ko nang kausapin at patayin na ang tawag but i can't stand seeing her like that.

"ALLANA! ASAN KA NA NAMAN!! POKPOK KA TALAGANG MALANDI KA! UMUWI KA NA DITO NGAYON NA." sigaw ng lalaking ayaw na ayaw kong marinig ang boses.

"She ain't going home tonight. Dito s'ya matutulog, KUYA." may diin kong saad dito saka pinatay ang tawag.

Nakita kong nakayuko si Allana, dahil alam kong narinig n'ya ang sinabi ng tatay n'ya.

"T-tita... Ayokong pagbuntungan ka nila ng galit." Mahinang saad nito.

I tapped her head lightly and smile to her.

"They won't, promise." Nakangiti kong mag aassured sa kanya.

"After you eat, maligo ka at gagamutin ko ang sugat mo. Ikukuha lang kita ng damit sa kwarto. " nakangiti kong saad dito.

She's just twenty and yet she looks like a girl who have the whole universe in her shoulder.

Umaykat na ako sa taas ng makita kong tumayo na si Allana mula sa pag kakaupo sa hapag kainan. Natapos na s'yang kumain ng dalawang slice ng chocolate cake.

Pumasok na ako sa k'warto ko para ikuha ng pamalit si Allana. May tatlong k'warto ang bahay na nabili ko, pero next week pa maililipat sakin ang pangalan ng bahay at lupa pero nasa akin na ang ibang documents.

It wasn't big, but it wasn't small for a family.

Nang makakuha ako ng damit na susuotin ni Allana ay hinanda ko na rin ang kit ko para lagyan ng gamot ang mga sugat n'ya.

Ang tanga ko sa part na tinanggap ko ulit sila sa buhay ko, if Allana wasn't with them alam kong hindi ko na ulit sila mapapatawad sa ginawa nila sakin. But seeing Allana being with them, hindi ko kayang itaboy sila.

I gave them the first house that i brought using lola's money na iniwan sakin. Ang bahay naman na tinirhan namin ni lola ay ibinigay ko kay tita Miranda. Si tita ang may karapatan sa bahay ni lola at hindi ako.

At nabalitaan ko na lang na ibenenta na ni Tita Miranda ang bahay dahil aalis na ito pabalik sa ibang bansa.

Nakarinig ako ng ilang katok na s'yang nag pabalik sakin sa ulirat.

"Tita..." Tawag ni Allana sakin.

Lumapit ako ng pintuan at pinagbuksan ko ito. Nakasuot lang ito ng roba ngayon.

"Hala! Pasensya,natagalan ba ako?" Pagtatanong ko dito.

"Hindi tita, mabilis lang talaga ako maligo." Sagot nito sa akin.

Lumapit ako sa kama ko para kunin ang damit na susuotin n'ya.

"Mag bihis ka na, gagamutin ko pa mga sugat mo, d'yan ka na sa banyo ko mag bihis." Saad ko dito habang inaabot ang mga damit, nginitian n'ya lang  ako saka ako tinanguan.

Wala pang ilang minuto ng pumasok ito ng banyo para mag palit ng dahan dahan itong lumabas ng banyo, she's wearing oversized t-shirt at isang short.

Mahihirapan akong gamutin ang sugat n'ya pag nag mahaba ito. Nag aalala rin ako kay Allana, dahil napansin ko itong paika ikang maglakad kanina. Nasaktan ba masyado ang paa n'ya?

Pinaupo ko ito sa may gilid ng kama ko habang inilabas ang cottons na may betadine, at saka ipinahid sa mga medyo may kalakihan n'yang mga sugat.

"Nililigawan ka pa rin ba ni Nathan?" Tanong ko dito habang abala akong linisin ang sugat n'ya.

"Opo, napakabait n'ya sakin tita, kahit busy sa hospital nagagawa pa n'yang puntahan ako paminsan minsan sa school para dalhan ng lunch..." Ramdam ko ang saya kay Allana habang k'winek'wento n'ya si Nathan.

I know Nathan, hindi s'ya naabutan ng k-12 pero si Allana oo, he was passionate in his work and i know i can trust him enough para kay Allana.

"Magpahinga ka na sa kabilang kwarto, Allana. Sabay tayong pupunta bukas sa bahay. Hapon pa naman ang shift ko bukas... Have a nice sleep, okay? Good night. Allana," saad ko dito ng matapos kong gamutin ang mga sugat n'ya.

Binigyan n'ya ako ng matamis na ngiti, bago buksan ang pinto ng k'warto ko.

"Good Night din, Tita..." Saad nito bago tuluyang lumabas ng silid.

Papunta na kami ni Allana sa bahay ng kuya ko, kasama ako kasi hindi ko hahayaan na mag isang uuwi si Allana sa magulang n'yang walang ginawa kun'di manakit. Halos hindi pa nga gumagaling ang ilang pasa sa katawan ni Allana, tapos nadagdagan na naman.

"Tita, hindi mo naman ako kailangang ihatid sa bahay eh..." Saad ni Allana habang nakayuko, hindi s'ya makatingin sakin dahil sa kabang nararamdaman n'ya.

"I told you, sasamahan kita. Babae ka Allana... Nasa tamang edad ka na, pero nagagawa ka pa rin nilang saktan. Sa tingin mo mag bubulag-bulagan nalang ba ako sa mga nakikita ko?" Sagot ko dito.

Nag-aalala lang naman ako eh, na baka dahil sa hindi ko pag pansin sa mga nakikita ko dumating yung araw na pag sisihan ko 'yon.

Nakarating na kami sa bahay nila at sa labas ay naririnig ko ang malakas na sigawan nilang mag asawa— step mother ni Allana, dahil matagal ng iniwan ni Jasmine, biological mother ni Allana ang kuya ko dahil sa mga pananakit nito. Halos ganito nalang lagi ang naabutan ko pag pumupunta ako sa bahay na ito.

Dere-deretso akong pumasok sa bahay pag katapos kong iparada ang sasakyan ko, nakasunod naman sakin si Allana.

"Papa..." Mahinang tawag ni Allana sa kuya ko para makuha ang atensyon nito.

Pasugod na lalapit sana si kuya sa pamangkin ko ng harangan ko ito, balak na naman n'yang saktan si Allana. At mismong sa harapan ko pa talaga.

"Subukan mong saktan ang pamangkin ko, Kuya." Pagbabanta ko dito, saka ko itinago si Allana sa likuran ko.

"Wag ka ngang makielam sa pag didisiplina ko, Anes." Nanggagaliiting sagot naman ni kuya sakin.

"May karapatan akong makielam kuya. Pamangkin ko ang sinasaktan mo!!" Medyo malakas ang pagkakasabi ko rito.

Nahagip din ng mata ko ang maliit na sugat sa muka ng bago n'yang kinasama, ang step mother ni Allana.

"Wala ka pa ring pinagbago. Palagi ka pa ring nananakit, kuya!" May diin sa bawat salitang binitiwan ko.

"Wala kang karapatan Anes, kapatid lang kita. Pamamahay ko 'to, at kung ano ang gusto ko 'yon ang masusunod."

"Hah! Pamamahay mo ba talaga kuya??"

Wala naman akong balak ipamukha sa kanya na hindi n'ya pinaghirapan ang bahay na tinitirhan n'ya... Wala naman akong balak patulan ang kuya ko pero mali na ang ginagawa n'ya. Puro nalang pananakit ang ginagawa n'ya, he doesn't even work for his family.

"Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo Anes. Porket ba ikaw ang nag bigay ng bahay na 'to? Edi sana hindi mo ibinigay kung ipag lalandakan mo lang din naman." Galit na saad nito sakin.

"Nurse ka lang naman." Dugtong pa niya.

How dare he?? How dare he degrade me? My profession??

" Ang lakas mo namang idegrade ang pagiging nurse ko, kuya. " Pagalit na saad ko din dito.

Ayoko ng pahabain pa ang gulo. Ayoko ng patulan pa ang katangahan ng kuya ko. Ayoko ng makipag sagutan sa close minded na tulad niya. Nakakaubos s'ya ng energy...

"Sa bahay ko muna titira si Allana. Wala akong pakielam kung ayaw mo. She's staying with me." Pronto kong sinabi kay kuya, saka ko ito tinalikuran.

Dahil once na iwan ko si Allana sa bahay na ito, baka 'yon na ang maging huling kita ko sa kan'ya.

Lumabas na ako ng bahay habang hawak hawak ko ang kamay ni Allana, halatang nanginginig pa s'ya sa takot sa papa niya. Buti na lang at hindi ako pinag buhatan n'ya ng kamay.

"Ouch!"

Napatingin ako kay Allana sa likod ko ng bigla itong napatigil, nakahawak ng mahigpit sa pulsuhan nya si kuya. Na tila ba ay ayaw niyang ibigay sakin si Allana.

"Anak ko s'ya." Madiing anas n'ya.

"Minamaltrato mo s'ya!" Pasigaw na saad ko.

"Vince... H-hayaan mo na m-muna si Allana sa kapatid mo." Mahina at nauutal na sabi ni Mira, asawa ni kuya.

Napatingin ako dito, at makikita mo sa mga mata niya na matulungan at mailayo ko si Allana sa puder ng kapatid ko.

'thank you' bulong ko, para hindi marinig ng kuya ko at mabasa n'ya lamang sa mga bibig ko.

Tinanguan n'ya lang ako, habang dahan dahang lumapit sa kuya ako saka mabagal n'yang tinatanggal ang mahigpit na pagkakakapit nito sa pulsuhan ng pamangkin ko.

"Tss" saka pabalya niyang binitawan ang kamay ni Allana.

Nagmamadali akong lumabas ng bahay kasama si Allana, nang mapalingon ulit ako sa may pintuan nila. Nakatayo roon si Mira. Na para bang nagpapasalamat dahil nailayo ko sa kapatid ko si Allana.

Naglakad na kami papunta sa sasakyan, at halata na kinakabahan pa rin s'ya sa nangyari kanina. Kung iniwan ko ang pamangkin ko sa bahay nila, baka bugbog lang ang abutin n'ya. Nag aalala din ako kay Mira dahil mukhang sakanya ma ibubunton ang galit ng kuya ko.

"Don't be scared, Allana." Nakatingin kong saad dito saka ko marahang hinawakan ang kamay n'ya.

Naluluha lang itong tumango. Hindi pa rin aalis ang takot sa kan'ya. Masyadong malala ang trauma na naidudulot ng kuya ko sa pamangkin ko.

"Sa bahay ka muna mag stay dahil may pasok ako mamayang hapon. May laman naman ang ref, magsabi ka nalang kung kailangan mo ng allowance, okay?" Nakangiti kong saad dito para naman mabawasan ang takot at kaba n'ya.

"Opo tita." Saad nito, saka ko pinaandar na ang kotse.

Napatingin ako sa pintuan ng office ko ng biglang pumasok doon si Nathan. Mga nakakalokong ngiti ang makikitang nakapaskil sa labi ng binata. Na s'yang dahilan upang mag umpisang uminit ang ulo ko. Hindi ko magugustuhan ang salitang lalabas sa bibig ng lalaking ito.

Mag sasalita na sana ito ng unahan ko. "Wag mo akong umpisahan ngayon, Nathan. Kung hindi ihuhulog kita sa unang bintana na makikita ko, sinasabi ko sayo."

"Ikaw naman Miss, napakainit agad ng ulo ko. Itatanong ko lang kung bakit wala ka sa operasyon ngayon? 'diba ikaw ang kinuhang scrubs?" Anas nito.

Sasagot na sana ako ng may isinunod pa s'ya. "Saka gusto ko sana kamustahin si Allana, napansin ko kasi na namamayat 'yon saka laging balot na balot ang damit... Alam ko naman na may dahilan pag gano'n ang suot n'ya."

Nawala ang ngiti nito ng mabanggit niya ang tungkol sa kalagayan ni Allana... Alam ko naman na nag aalala rin 'sya sa pamangkin ko.

"Sa, unang dalawa mong tanong about sa nakakainis na doctor na 'yon. Biglang nag bago ang desisyon n'ya and pinalitan ako... At about kay Allana... She's fine, sa bahay s'ya ngayon nakatira." Hindi ko mabanggit sa kan'ya na binubugbog ang pamangkin ko ng ama n'ya dahil baka lalong mag alala 'tong taong 'to.

Halata sa expression n'ya na gusto n'yang itanong kung bakit, pero ayokong sabihin dahil gusto ko na si Allana ang mag open up sa kan'ya no'n. Kaya inunahan ko na itong mag salita.

"I won't tell you why, because ayokong pangunahan si Allana... Hindi pa n'ya sinasabi sayo ang dahilan. So, wait for her to open up, Nat." Tinignan ko ito ng magaan para lalo n'yang maitindihan na dapat si Allana ang mag sasabi no'n at hindi ako.

"Okay lang Miss, palagay naman ako sa lagay niya ngayon kasi kasama mo s'ya sa bahay mo. Ayos na ako ro'n. " Nakangiti n'yang saad.

"Oo nga pala Miss, kamusta na kayo ng boyfriend mo?"

Nabigla ako sa tanong n'ya na s'ya din namang kinainit agad ulit ng ulo ko. Nawala na nga sa isip ko ang katangahan ko noong hindi ko na ibigay ang number ko tapos... tapos... Ipapaalala lang ng tukmol na 'to.

"Wala break na kam—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko...

"I was just busy this past few weeks, tapos break na agad tayo?" Saad ng lalaking bagong pasok lamang sa opisina ko na s'yang ikinagulat namin ni Nathan.

WHAT THE HELL??????

I'm doomed!!!

Continue Reading

You'll Also Like

39.2K 919 34
This is an unofficial fan-made English translation of We are...คือเรารักกัน (We are... we are in love). Please do not re-translate to any other langu...
561K 15.3K 78
A butler was the job description. Do what he wants. Get what he desires. That's all I have to do, but suddenly, I am thrown into a completely differe...
1.5M 128K 62
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
231K 35.7K 104
Maran and Maya, two independent individuals hate each other out of their family background but destiny has some other plans by bringing them together...