YES SIR, NO MISS.

By gabbiesalazar

2.6K 136 5

Meet Ocena Fay and Summer Elio. A story about their past and present episodes in life. Can the present scenar... More

2
3
4
5
6
7
8
9
10- EPILOGUE

1

399 17 0
By gabbiesalazar

enlo ebribadi!! pxencia na agad sa mga typo and wrong grammars!! enjoy niyo na lang basahin hehe

Wala ng intro intro basta sturi siya :p

•••
••

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

sorry for the misspelled words and grammatical errors, oki?


•••
••


"Miss O, hindi po ba talaga pwedeng magpalipat ng group? or kahit palit na lang po kami ni Andrea?" pangungulit sa akin ni Dianne, isa sa mga estudyante ko.

"Sige, ililipat kita ng group pero ikaw ang dapat maging leader." bakas sa mukha ng estudyante ko ang pagkasaya nung malaman niya na ililipat ko siya pero agad din iyong napalitan dahil sa kundisyon ko.

"Ihhhh Miss O naman ih!!"

"Your choice, Dianne" kitang kita ko na yung pagsuko niya dahil no choice naman talaga siya. "Bakit ba kasi gusto mong magpalipat ng group nak?"

"A-ano po kasi Miss O, paano ko ba ito ieexplain" natatawa ako kasi kahit hindi niya sabihin sa akin yung dahilan halatang halata naman. "Eh kasi ganito nga iyan nay, hindi kasi talaga kami magkasundo ni Ryan, ewan ko ba doon nay ang ganda ganda ko tapos pag nakikita ako laging bwiset sakin porke siya ang president lagi na ako pinagiinitan."

"eh kasi naman nak, baka naman ang pasaway mo din?"

"huy nay, hindi kaya-" pinutol ko na ang sasabihin niya pa at tinaas ang hawak hawak kong incident report na late nanaman siya kanina. Napakamot na lang siya sa ulo.

"Nak ganito, malay mo naman ganiyan lang talaga si Ryan kasi he is just doing what he needs to do—being the president. Wag ka na ma-bother..." makahulugan ko siyang tinignan at mukhang gets niya naman agad.

"NAY! NO NO NO HINDI TALAGA!!"

"uy defensive! wala naman akong ibang sinasabi! Sige na balik na doon sa room niyo at please magpakabait nak." paalala ko bago ko pabalikin si Dianne sa room nila.

Bumalik na ako sa pagchecheck ng mga papel ng mga bata nung makaalis si Dianne.

"Akalain mo nga naman, ganiyang ganiyan din kayo noon ni Elio—aso't pusa ng university noon!" buti na lamang at kaming dalawa na lang ang nandito sa loob ng faculty room.

"salamat at pinaalis mo muna sila bago ka chumismis diyan, salamat ha?" sarkastika kong sagot kay Iris, co-teacher ko din at matalik na kaibigan ko simula pagkabata.

"Mare aminin mo, ganiyan din naman talaga kayo noon ni Elio!" tatawa tawa pang aniya ni Iris, tumango na lang ako at nagpatuloy na sa ginagawa ko. Wala pang limang minuto simula nung tumahimik si Iris pero heto nanaman siya at may sinasabi na naman.

"Kamusta na nga kaya si Elio?"

"Napaka OA mo talaga kahit kailan Iris Jeniffer! andon lang naman iyon sa college department bat di mo puntahan at tanungin?!" akala mo talaga di sila nagkikita ni Elio dito sa University.

"Kailangan buo ang pangalan ko ha?! tama ba yon Oceana Fay?!!" pabiro ko siyang binato ko ng ballpen na hawak ko, buuin ba naman na isigaw ang pangalan ko.

"Ano ba! itigil mo na nga iyan kung gusto mong kamustahin si Elio go ka na doon sa college department at ako tatapusin ko na itong mga chinecheckan ko." akmang sasagot pa sana si Iris buti na lamang at tumunog na ang bell sa labas hudyat na lunch break na at anytime ay pwede ng dumagsa dito sa faculty room ang iba pang mga teachers.

"Oceana Fay niyo bitter pa din kay fafa Elio" mahinang bulong ni Iris pero sapat na para marinig ko iyon kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin bilang pagbabanta na tumigil na siya. Kasi oo na! Si Elio kaya yon, kay Elio lang ako rurupok!

"Oh Maam Fay, Maam Iris lunch break na po, sabay napo kayo sa amin." pag-anyaya sa amin ng isa naming kasamahang guro. "Thank you Miss Eva pero hinihintay pa namin si Sir Santy." magalang na pag tanggi ni Iris.

Siniko ko si Iris nung makalabas na ng pinto sila Miss Eva "Ang plastik mo bakla ka!!" inirapan lang ako ni Iris

"Pikon talaga ako diyan sa teacher na yan, nakakainis siya—Mukha naman siyang tocino!!" tawang tawa ako kahit wala akong inis kay Miss Eva pero dahil sa sinabi ni Iris which is totoo naman mukha siyang tocino dahil pakak lagi ang reddish kuno face niya.

"Ano tawang tawa Oceana?! Asan na ba kasi to si Santy, gutom na ako!" And as if on cue biglang bumukas ang pinto ng faculty room at iniluwa si Santy.

"Finally Santiago! gutom na ako tara na sa cafeteria!!"

"Ang jinit ng julo mo teh! teka lang lalapag ko muna tong gamit sa table ko." Mabilis naman na nailapag ni Santy ang mga gamit niya kaya agad na din kaming pumunta sa cafeteria para kumain.

"Iris ikaw na humanap ng vacant seats ako na oorder ng fudangz mo." narinig kong sabi ni Santy kay Iris. And I bet sumunod si Iris.

Nung bahagyang nakalayo na si Iris sa amin ni Santy. "Oceana, bakit ba ang jinit ng julo ni Jeniffer kay ano" kita ko naman na ininguso siya ang direksyon kung nasaan si Maam Eva.

"Ewan ko ba diyan kay Iris, namumukod tanging kay Maam Eva mainit ang dugo."

"Hayaan na nga baka sadyang gutom lang si Jeniper!" tatawa tawang aniya ni Santy.

"Ay ayon si Jeniper oh!" turo ni Santy sa banda kung nasaan si Iris.

"Ang tagal niyo ha!" salubong sa amin ni Iris

"Ay demanda pa si bakla, siya na nga itong ipinag order."

"Oh edi thank you!"

"Nasa harap ng pagkain oh, mamaya na ulit kayo magbardagulan please." sabat ko dahil gutom na din ako. Tumahimik naman sila kaya nakapag umpisa na kaming kumain.

"Ay kanina pala nung nakapila kayo, nakita ko si Elio." biglang bulalas ni Iris kaya nasamid ako sa kinakain ko.

"tangina mo naman talaga Iris." mahina pero may gigil na sita ko kay Iris na tawa pa rin ng tawa

"bunganga!! marinig ka ng mga eschudyernts lagot ka nanaman niyan Oceana." saway ni Santy nung narinig niya akong magmura.

"affected pa rin si bakla partida pangalan pa lang binaggit ko paano pa kaya pag andito na siya—ELIO! dito!" akala ko ay nagbibiro lang si Iris kaya hindi ko na pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko.

"Sir Elio!!" rinig kong bati ni Santy pero hindi pa rin ako nag aangat ng tingin, medyo nanlamig ako. "Uy kamusta na Sir Santy?" ang awkward naman nito.

Nag angat na din ako ng tingin. "Sir Elio." ginawaran ko na lamang siya ng ngiti para magbigay bati at ganoon din naman siya.

Kanina pa ako tingin ng tingin sa orasan ko, napakabagal ng oras ngayon. Magkwkwentuhan lang silang tatlo paminsan ay sumasagot din naman ako at nakikisali sa kwentuhan nilang tatlo.

"Ikaw Maam O? balita ko three years nang sunod sunod na mula lagi sa advisory class mo ang nagchachampion sa battle of the bands." nagulat ako ng bahagya sa tanong na iyo ni Elio.

Kunwari chill lang "Kami lang to, ako lang to!" pabiro kong aniya. "Sa totoo lang hindi ko pa din alam kung anong plano ng mga anak ko pero kung ano man yung maging plan nila lagi't lagi naman akong support sakanila." Totoo naman na hindi ko pinapakialaman ang mga anak ko sa ganiyang bagay pero iba yung di pinapakialaman sa walang paki. Ayoko lang na ma-pressure sila gusto ko lang na mag enjoy sila.

"Nako duda ako sa mga paganiyan mo Oceana! Yan din sinabi mo last year pero pakak ang performance ng mga junakis mo!" pang-aalaska pa ni Iris

"apaka competitive ng mga junakis mo teh, sa trotoo lang!!" gatong pa ni Santy

Buti na lang at nag change topic sila at yung about sa foundation week na ang naging topic namin. Medyo gumaan at nabawasan yung awkwardness. As usual bangayan na naman si Iris at Santy at sanay na kami doon.

"Miss O!! buti po nakita ko na kayo, pinuntahan ko po kayo sa faculty kasi akala ko andoon na kayo." hinihingal na saad ni Andrea, isa sa mga anak ko.

"Nak, teka kumalma ka nga, hinihingal din ako sayo eh." pagpapakalma ko kay Andrea

"Ano bang nangyari sayong bata ka at hingal na hingal ka?" tanong naman ni Iris.

"Miss O kasi po si Dianne at Ryan nag aaway po sa room, hindi po namin maawat-" Agad agad na akong tumayo para pumunta sa classroom ko. Madalas na talaga magbangayan ang dalawang iyon pero ito yung unang beses na ganito-yung umabot sa punto na kailangan na nila ako para maawat yung dalawa.

Naabutan ko na itinutulak tulak ni Dianne si Ryan at may sinasabi siya. Nakita ko din na pilit silang inaawat ng iba pa nilang kapwa kamag-aral.

"Ano bang problema mo sakin ha?! bakit ang init init ng dugo mo sakin!?" sigaw ni Dianne

"Hindi mainit ang dugo ko sayo! sadyang saksakan lang talaga ng tigas ng ulo mo! lahat na ata ng offenses dito sa school nagawa mo!" ngayon ko lang nakita na ganito si Ryan, sanay ako sa Ryan na kalmado at mahaba ang pasensya.

"May kulay ang buhok, ang kapal ng make-up, laging late, numerous counts of cutting classes, caught drinking liquors na naka school uniform at napakabilis magpalit ng lalaki—kahit kanino ata pumapatol-" isang malakas na sampal ang iginawad ni Dianne doon.

"putangina oo pasaway ako! oo i break the rules pero kahit kailan hindi ako katulad ng iniisip mo! Hindi mo ako kilala para husgahan ng ganiyan..." nakita ko kung paano bumuhos ang mga luha ni Dianne, agad ko silang nilapitan. Bakas sa mukha ni Ryan ang pagkabigla.

"Lumabas muna kayo mga anak ako nang bahala dito pero huwag na sanang makalabas pa sa silid na to kung ano man ang nangyari." Kalmado kong pakiusap sa ibang estudyante. "Ryan and Dianne stay, we will talk."

Hinayaan ko muna na maupo ang dalawa bago ko kinausap si Andrea at sinabihan na wag na muna magpapasok sa loob ng classroom, binigay ko na lang sakanila itong spare time para gawain ang mga kailangan nilang gawin.

Hinarap ko si Dianne at Ryan, kalmado pa rin ako. Nakita ko naman na tumigil na sa pag-iyak si Dianne at pareho na silang kalmado. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"What happened?" seryoso kong tanong sa dalawa pero walang nagsasalita. "Dianne?... Ryan?" pero walang ni isa sakanila ang sumasagot. "Ryan?" magsasalita na sana siya pero sumabat si Dianne.

"Kasalanan ko po Miss O, lagi naman po." tipid na aniya ni Dianne ngunit pabulong niyang sinabi ang huli. Nakatitigan kami ni Ryan.

"Miss O, ganito po kasi yung nangyari. Hindi pa po kasi tapos ang oras samin ni Miss Mae kanina then nahuli ko po si Dianne na tatakas nanaman-"

"Ako na nga diba?! kasalanan ko na nga diba ano pa bang pinuputok ng buchi mo??" sabat ni Dianne

"Ang sakin lang naman kasi respeto na lang doon sa prof natin, Dianne!"

"Init talaga ng dugo mo sakin, hindi ko alam kung dahil pa ba yon sa pagtakas ko o dahil nataasan nanaman kita sa exam."

"N-no, ofcourse not!"

"Ah talaga ba?! well sorry na lang sayo, pasaway man ako sa paningin niyong lahat pero pagdating sa studies never at wala kayong maihuhusga sakin. Sorry Ryan, mas magaling ako sayo. Sorry" walang emosyon na saad ni Dianne pero kita ko sa mata ni Dianne yung sakit. Si Dianne yung tipo ng estudyante na gago kung titignan mo pero may bigat na dinadala-makikita mo sa mata niya.

"Children tapos na ba kayo?" taas kilay kong singit sa dalawa. "Pwede na ba akong magsalita? or baka may gusto pa kayong sabihin?" natahimik ang dalawa at parehong iginiya ang mukha na nakatungo sa sahig.

Nanatili kaming tahimik, walang may gustong umimik. Nung makahugot na ako ng lakas ng loob para magsalita biglang bumukas ang pinto hudyat na mayroong pumasok.

"Diba sinabi ko na wala munang papasok-" nagulat ako dahil pagpaling ko sa may pinto, hindi estudyante ang nakita kong nakatayo kundi si Sir Elio. Agad ko namang tinignan ang dalawang bata at halatang halata ang gulat sa mga mukha nila sabagay kahit ako yung estudyante magugulat ako na andito ang isang college prof.

"Sir Elio apakabilis mo naman maglakad may sa kabayo ka ba?" hinihingal na bulalas naman ni Santy habang papasok ng room at kasunod niya rin si Iris.

"B-bakit kayo nandito,w-wala ba kayong mga klase? lunch time's over na ah." aniya ko pa habang nakatingin sa orasan.

"Gurl may ganap sa gymnasium, pinacall ni madam ang mga students."

"may mga announcements regarding sa foundation week, may binago ata si madam sa flow ng program."

"teka pupuntahan ko muna yung mga anak ko sa library, baka di pa nila alam." akmang tatayo na ako pero sumabat naman agad si Santy.

"Mare okay na, nakasalubong na naman ang mga junakis mo pababa na sila pero mukhang need mo din na pababain muna yung dalawa." aniya ni Santy habang inginunguso sina Dianne at Ryan.

Bumuntong hininga muna ako. "Sige na mga anak, bumaba na muna kayo sa gymnasium PERO mag-uusap pa tayo, let's settle this ha." maawtoridad pero may lambing na pakiusap ko sa dalawa. "Ryan, ikaw muna bahala sa mga classmates mo. susunod din ako." huling pakiusap ko pa bago sila tuluyang lumabas.

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang faculty, may kukunin lang ako at agad na rin kaming susunod sa gymnasium.

"mare very ikaw talaga si Dianne lalo na nung highschool days mo" pabirong basag ni Iris sa katahimikan namin

"trotoo pero mas malala pa din si Oceana, walang tatalo!" bulalas ni Santy. "May pinagmanahan!" sabay na aniya ni Santy at Iris, jusko ako nanaman ang nakita nila, huwag na lang sana silang magsalita pa about sa nakaraan kasi baka kung ano pang masabi nila at malimutan nila na kasama pa namin si Elio.

"Tas si Ryan naman very El-ARAY!" agad ko namang tinapakan sa paa si Santy. "Careful naman kasi Sir Santy." maang maangan kong sabi na may kasama pang pandidilat ng mata habang si Iris naman ay pigil na pigil na ang tawa niya."Oo nga Sir, nasasaktan ka tuloy ng wala sa oras." inosenteng saad naman ni Elio. "Oh edi it's a tie para sa atin na mga nasaktan ng wala sa oras." gusto ko nang lumubog sa lupa ngayon, si bakla walang preno ang bibig. Awkward.

Nag-ayos lang kami saglit at agad na rin kaming nagtungo sa gymnasium. Nagtabi tabi na kami sa may bakanteng upuan sa may likuran kung nasaan din ang ibang mga guro ng senior highschool at college.

"Tignan ko lang muna ang mga anak ko baka mamaya may nagsasaksakan na doon." pagpapa alam ko sa kanila.

"Isama mo na nga itong si Iris para naman medyo matahimik dito." pang-aalaska naman ni Santy.

Agad din naman na tumayo si Iris "Wit umimik ang walang sariling junakis at nakiki-anak na lang sa advisory class namin. Tara na nga Miss O!" balik na pang-aasar naman ni Santy.

"Bwiset talaga yan." bulong sa akin ni Iris "ha? sino, si Santy? Oo bwiset-" Hinila ako ni Iris kaya naputol ang sinasabi ko. "Kailangan nanghihila??" pero hindi ako pinansin, nakatuon lang ang tingin niya sa advisory class niya kaya tinignan ko din ang kanina niya pa minamata.

"Ahh kaya naman pala ang jinit ng dugo mo diyan, gets ko na. Kahit naman sa akin yan mangyayari, katulad din ng reaksyon mo ang magiging reaksyon ko."

"ha?" pa-inosenteng tanong pa ni Iris

"ah talaga ba jeniper? di ka talaga nagseselos, sure na yan??" umiling lang si Iris "kahit na mas gusto na ng advisory class mo si Maam Eva?" ayan na nga ba ang sinasabi sa hula. Selosa talaga to si Iris pagdating sa mga junakis niya.

"tara na, balik na tayo doon. Inaasikaso na naman pala ni Maam Eva ang mga junakis ko." walang emosyon na aniya ni Iris at nauna nang maglakad.

Naabutan namin na nagkukwentuhan si Santy at si Elio.

"ay iyon ba first encounter natin noon? parang hindi ata." rinig kong saad ni Santy

"Hindi nga, cause our first encounter was during the junior hughschool's acquiantance party."

"Ah oo!! HAHAHAHAHA nahuli mo lang naman kaming tatlo noon na may puslit na-" tawang tawa si Santy habang nagkukwento habang ako gusto ko na lang na bumukas itong lupa at lamunin ako.

"C2 daw. Gin kamo na nasa bote ng C2" wow ang sarap naman ng kwentuhan niyo Santy at Elio, andito kaya kami ni Iris.

"tas yung isa diyan may pa 'Yes, C2 you want? baka gusto mo itry nakakaumay na kasi yung mga drinks na sineserve nila' HAHAHAHAH" Iris naman sumali ka pa talaga. Hindi na ako kumportable sa pinag-uusapan nila kaya I made myself busy-busy to the point na hindi ko man lang napansin na ako na pala ang topic nila.

"Crush ko naman talaga siya noon. Dinaan ko na lang sa araw araw na paninita at pagbibigay ng incident report sakanya yung concern at care ko sakaniya NOON." May diin sa huling salitang binitawan ni Elio, nanatili akong hindi sumasali sa usapan nilang tatlo.

Hindi ko napansin na inaalala ko na pala yung unang beses na nagkita at nagkakilala kami ni Elio.

••
•••

[ 1 9 9 x ]

OCEANA FAY's

Halos magkahalong takbo, lakad, at hingal ang ginagawa ko para lamang makaabot ako sa oras, dahil kung hindi-malamang ay ipapatawag na talaga nila si mommy sa opisina dahil sa dami na ng naging mga kaso ko, mapa-late, mapa-may kaaway. Kaya naman kilalang kilala na ako dito ng lahat. Pero despite all of that hindi ko naman pinababayaan ang studies ko, ako pa rin ang nangunguna sa klase kahit ako rin ang nagungunang dahilan ng sakit ng ulo nila.

"And where do you think you're going?" Napatigil ako dahil sa pagharang ng isang lalaki sa akin.

"Malamang pupunta sa classroom ko" sagot ko sa kung sino man itong gwapo na nasa harapan ko.

"And who said na pwede ka nang dumiretso sa room niyo?" gwapo nga antipatiko naman.

"Ako! Desisyon ko to kaya pwede ba wag kang makaialam!" akmang lalakad na ako palayo pero agad niya akong hinawakan sa braso.

"Ano ba, bitawan mo nga ako." reklamo ko pa pero di niya pa rin ako binitawan instead he dragged me inside the guidance office.

"HOY! BAKIT MO AKO DINALA DITO?!"

"Drinking alcoholic beverages inside school premises, kahapon pa nga kayo pinapahanap ni Miss Jem pero ambilis niyong nakatakas magkakaibigan kahapon." mahabang paliwanag niya. So, siya pala yung lalaking inalok ko pa kahapon sa Acquiantance party, shit shit shit.

"Mukhang bulag ka ata lalaki! Di ba inalok pa nga kita, C2 kaya iyon at... at wala ka namang proof na alcoholic beverage iyon." nakita ko naman kung paano ako sinamaan ng tingin ng kung sino mang gwapong poncio pilato ito.

"What brings you here Elio? masyado pang maaga para sa mga nahuli mong pasaway na students." tatawa tawang sambit ni Miss Jem. Hindi ata napansin na nandito ako.

"Miss Jem regard-"

"Oh Miss Oceana, anong ginagawa mo dito?-wait, don't tell me ikaw yung-" kinakabahan na ako baka mamaya mapatalsik na talaga ako dito sa university.

"No, Miss. Ang kaso po niya ay late-thrice na po kaya po dinala ko na siya dito para mabigyan siya ng sanction." Nagulat ako dahil pinagtakpan niya ako.

Kinausap ako ni Miss Jem at sinabi na bilang sanction ko, kailangan na tumulong ako sa next event ng school which is the university's foundation week. After niya na iexplain sa akin yung kailangan kong gawain ay agad niya na rin naman akong pinayagan na makabalik na sa room ko.

Naabutan ko pa si Mister Antipatiko sa labas ng guidance office.

"Thank you." tipid kong aniya.

"para saan?" taka niyang aniya

"Kasi ang sinabi mo lang kay Miss Jem na reason ay dahil late lang ako."

Tinawanan lang niya ako, yung nakakairita na tawa parang nambwibwiset talaga. "Baliw ka ba? alangan magsinungaling ako. Late ka naman talaga palagi." Akala ko ay aalis na siya pero humarap pa ulit siya. "Hayaan mo Miss hahanap ako ng proof para mapatunayan na ikaw at ang mga kaibigan mo iyong nag-iinuman during akwe."

Nakakairita talaga!! "Bwiset ka talaga! Wag ka sanang madapa!" sigaw ko sakaniya.

••
•••


Students were eventually dismissed after the meeting. Inabisuhan ko naman si Andrea na sabihan ang iba niyang mga kaklase na bumalik muna sa classroom, kukunin ko muna ang 15 minutes nila bago umuwi para sa aming homeroom period.

"Maam O, sabay ka na samin ni Maam Iris pauwi?" tanong ni Santy na nakagayak na.

"Hindi na Sir Santy, mauna na kayo, pupuntahan ko pa ang mga junakis ko." pagtanggi ko

"Oh siya sige, mauna na kami mare. Mag ingat ka mamaya pag uwi mo ha." saad ni Iris at nagbeso na ganoon din si Santy. "Bukas mo na din lecturan ang dalawang junakis mo." pahabol pa ni Santy

"Oo na, oo na. Sige na, pupuntahan ko na sila para mapauwi ko na din sila." pag papaalam ko sa dalawa.

Wala akong galit na nararamdaman sa kanila, more of disappointed ako-hindi sa kanila kundi sa nangyayari sa kanila.

Kumatok muna ako bago pinihit ang pinto at tsaka pumasok. Nakakapanibago dahil tahimik ang mga estudyante kong napasukan, sanay ako sa mga anak ko na maingay, puro tawanan hindi ako sanay na ganito sila-

"Mga anak-"

"Nay, sorry po." napukaw ang atensyon ko nung magsalita si Dianne. I will mean it, one more word from her and I will really be uncomposed baka hayaan ko na lang na magpadala ako sa emosyon at umiyak dahil sa isang sincere na sorry mula sa estudyante ko-na in the first place ay wala namang dapat na ihingi ng tawad.

"Anak, no need to..."

"Alam ko lahat kayo aware sa kung anong nangyari kanina pero huwag niyong isipin na kaya ko kayo pinaiwan ngayon ay dahil papagalitan ko kayo—No, hindi. Sa totoo nga mga anak, naiintindihan ko kayo kasi bago pa man ako maging kung sino pa man ako bago pa man ako maging isang Maam O, naging katulad niyo rin ako—napagdaanan ko rin lahat iyan mga anak. Ika nga nila papunta pa lang kayo, pabalik na ako."

"Mga anak sana palagi niyong pakatandaan na kung sa bahay mayroon kayong nanay at tatay na nakaalalay, handang magprotekta sa inyo, handang gabayan kayo-dito sa school mayroon din kayong nanay na handa rin na ipaglaban kayo, kayang gabayan kayo, at palaging nandito kung kailangan niyo ng makakausap, makikinig at masasandalan." hindi ko alam pero gusto ko silang bigyan ng assurance na no matter what happens andito ako, sakanila ako.

Kita ko na nananatiling nakayuko sina Dianne at Ryan, siguro tama nga si Santy. Hindi ko na muna kakausapin yung dalawa, hahayaan ko na sila ang magkusa na mag open up at magsabi.

"Oh sige na mga anak, pwede na kayong umuwi. Mag iingat kayong lahat ha." pag papaalam ko sa mga estudyante ko. Nagtayuan na naman silang lahat at unti unti nang naglabasan sa classroom nila.

"Maam O, hanap ka na din kasi ng tatay namin!" pabirong aniya ni Zion kaya medyo nagtawanan pa ang natitirang mga estudyante.

"Baka naman meron na ayaw lang ishare satin ni Maam O." dagdag pa ni Alfren

"Single pa kaya yan diba Maam O?" tanong naman ni Sarah. Ano ba naman mga anak bakit niyo naman ako ginigisa.

"Hay nako, bakit pa ba kayo naghahanap ng tatay? di pa ba sapat na ako na lang yung nanay at tatay niyo minsan kumare niyo pa." pagsakay ko sa pagbibiruan nila para naman medyo gumaan ang atmosphere namin.

"Uyy edi single pa nga!!"

"Nay may rereto kami sayo, pogi din, tapos teacher din. Oh diba bagay na bagay kayo!!"

"Aba talagang desidido kayo na magkaroon ng tatay?? baka naman di pumasa iyan sa standards ko ha!" pabiro at tatawa tawa kong aniya

"Ay nako nay, crush kaya yon ng mga taga dito sa shs department."

"Truly!! mapa-teacher or mapa-students" nagtaka naman ako kung sino. "ha? sino ba iyan?" nacurious din ako.

"Si Sir Elio nay, yung prof sa college department. Apaka fafa kaya nyern." aniya pa ni Dani/Daniel na kinikilig kilig pa. Para naman akong nanlamig noong binanggit nila ang pangalan ni Elio.

"Nako tigilan niyo na nga iyan! sige na at magsi uwi na kayo baka hinahanap na kayo sa mga bahay ninyo."

Hindi ko na rin napansin na nakauwi na sila Dianne at Ryan siguro dahil masyadong akong naaliw kanina sa usapan namin.

Hindi na naman ako babalik sa faculty room dahil dala ko na rin naman ang mga gamit ko, dumiretso na ako sa parking. Pasakay na sana ako ng sasakyan ko ng mahagip ng paningin ko si Elio.

"E-elio?"

"Uy, Fay ikaw pala. Pauwi ka na?"

"Oo, ikaw ba? may problema ba?"

"Ah oo pauwi na rin sana ako kaso flat yung gulong ng motor ko eh pero di bale na iwan ko na lang muna ito dito tas mag-aangkas na lang ako pauwi, rush hour na kasi medyo mahirap na sumakay." mahabang litanya ni Elio, tinanong ko lang naman kung may problema ba.

"Sabay ka na sakin, along the way lang din naman ata yung bahay mo...unless lumipat ka na?"

"nakakahiya naman wag na-" pinutol ko na siya sa sinasatsat niya.

"Ito naman, tara na sige na-I insist. Hindi ka naman na iba sa akin."

Lord guide us pauwi, nawa'y walang pusong rumupok. Amen. (L)

•••
••

August 17, 2021
Like, vote, share, and comment kayo dyarn :>

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 158K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
1.1M 49.3K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
7.3M 302K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
524 84 31
Carlson Spencer is the smartest student in Sansrival University. Besides, he is quiet and the most handsome in the university, so the girls are crazy...