Rules of Love (COMPLETED)

By dyngrnnn

3.1K 142 4

Amoureux Series #2 I once ask myself, what love is? What can i get out of it? Dulce Villalobos is a kind of g... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 9

65 2 0
By dyngrnnn

Disclaimer: Hindi po ako naging isang CAT Officer and yung mga terms na ginamit ko po dito is pinagtanong ko lang so kung may mga mali sorry na agad.

________________________________________________________________________________

Chapter 9

Nakalapat padin ang labi niya sa labi ko pero hanggang ngayon ay hindi ako maka move on. Totoo ba to o baka napasama talaga ng naging sabunot sa akin ni Farrah at kong ano ano na naman ang naiisip ko.

But then his lips are moving against mine so hindi ako nanaginip o nababaliw. Gusto kong sabayan ang pag galaw nang labi niya pero hindi ko magawa dahil mag pahanggang ngayon ay shock padin ako.

Kasi bakit naman maiisipan ni Clyde na halikan ako diba? Sino ba ako para halikan niya at isa pa nasa school kami for god sake!

When he finally stops moving his lips ay nagmulat na ako nang mata. Nakita ko kong paano unti unti niyang inalis ang labi niya sa akin at kong paano niya ako tingnan pagkatapos.

"I said stop biting your lips" But before I can even speak ay may narinig kaming nagsalita mula sa paligid.

"Clyde, mag uumpisa na ang training. Whatever you're doing just hurry up" Yon lang ang sinabi ni Thyme bago kami tuluyan nang iniwan ni Clyde. Nagkatinginan ulit kami bago niya ako tuluyang itayo nang ayos.

Hindi ako maka galaw at parang hindi nadin ako makahinga dahil sa nangyari sa pagitan naming dalawa. It's my first kiss!

"Let's go" Nauna na siyang naglakad na para bang hindi niya ako biglang hinalikan kanina. I mean I am thankful kasi iniligtas niya ako pero sana hindi niya ako hinalikan nang basta basta tapos ay iiwan lang na parang walang nangyari.

Nang tuluyan kaming makapasok sa gym ay nagtinginin sila sa amin. Alam ko naman na kaya sila tumingin ay dahil late kami pero ewan ko ba pakiramdam ko lahat nang tao dito nakita ang halikan namin sa hallway.

Pumunta na ako sa hanay ko at nag antay katulad nang lahat nang aspirants kong sinong officer ang kukuha sa amin. Sure ako na hindi ako kukunin ni Clyde at ipinag dadasal ko naman talaga na wag niya akong kunin. Pero ayaw ko din na kunin ako ni Thyme, kasi feeling ko talaga kahit hindi na mag kalapat ang labi namin ni Clyde nang mag salita siya ay alam niya ang nangyari.

Halos hindi ako makahinga kapag lalapit si Thyme at kukuha nang aspirants. Ibigay niyo ko sa iba basta wag lang sa dalawang to!

Pero nang tumapat sa akin si Thyme ay alam ko na nakukunin niya ako at hindi naman ako nagkamali. Sumunod ako sa kanya papunta sa ibang aspirants na pinili niya, pinagpasalamat ko na lang na kasama ko si Aaron.

Nang bumalik ang tinggin ko ay nakitang kong si Farrah na naman ang kinuha ni Clyde pero hindi gaya dati ay masamang masama talaga ang tinggin nito. Kawawa siya dahil isang linggo kaming hindi maaring makatanggap nang merits tapos kay Clyde pa siya napunta.

Nag simula ang training pero hindi gaya dati ay hindi na ako masyado nahihirapan kasi nagamay ko na naman, ilang linggo na din naman namin tong paulit ulit na ginagawa tuwing umaga at hapon. Hindi tuloy ako makapaniwala na ilang linggo na lang ay tapos na kami sa training. Kahit inis talaga ako na kahit ayaw ko ay isinali ako nina Eli ay na enjoy ko din naman kahit papano ang experience.

Nang matapos ang training ay agad akong nilapitan nina Aaron kaya nawalan ako nang chance para lapitan si Clyde at tanungin kong bakit niya yon ginawa kanina. Nang lubayan naman ako nang mga kaibigan ko ay wala na si Clyde sa gym.

Napamura na lang ako.

Umakyat kami sa room namin pero ni isang beses ay hindi nawala sa isip ko ang nangyari bagkus para pa itong sirang plakang paulit ulit sa isip ko. Kong paano niya igalaw ang labi niya at kong paano niya ako titigan nang wala sa oras.

Lord yon na ba yon? Yon na ba yong sign na hinihingi ko po sa inyo?

Nasabunutan ko na lang ang sarili ko. Ang gulo din naman kasi nang lalaking yon, kong manghahalik siya tapos hindi man lang siya mag explain kong bakit wag na lang niya ipakita sa akin ang labing yon, bwiset!

Sa sobrang stress ay halos mabali ko na naman ang hawak kong ballpen buti na lang at nanakit yong huli kong sugat kaya hindi natuloy. Dahil sa kanya puro sugat nadin ako malma.

Nag klase kami pero wala akong naintindihan dahil nalipad ang isip ko sa nangyari kanina sa hallway. Ikaw talaga magiging dahilan nang kamatayan ko Clyde Theodore!

Nakatulala lang ako sa may harapan habang may hawak na ballpen at kong ano anong pinagsusulat. Nag kukusa na ang kamay ko kaya hinayaan ko na lang.

Natapos ang klase buti na lang at wala sa mood ang teacher na mag recitation hilig paman din non ako tawagin, baka mamaya kiss lang ang maisagot ko sa kanya.

"Kiss?" Nagulat ako nang biglang bumulong sa gilid ko si Nina, nakatinggin ito sa aking notebook kaya tiningnan ko na din. Agad na namula ang aking pisnge nang makitang punong puno yon nang word na kiss. Isinara ko ang notebook ko kaya nagtatakang tumingin sa akin si Nina na akala mo ay may nagawa akong masama.

Siguro nga meron.

"Wala lang to wag mong pansinin!"

"Bakit ang defensive?! Wala pa nga ako sinasabi eh" Bakit nga ba ang defensive ko? Kasi alam kong may meaning kairita, kailangan ko na talaga makausap si Clyde mababaliw na ako sa kakaisip kong bakit niya ba ako hinalikan kanina.

Nagbangayan lang kami ni Nina hanggang sa mapatigil kami nang pumasok si Julliana na naka busangot ang mukha. Sabay kami ni Nina na lumapit dito at nag tanong.

"Anyari sayo? Bakit naka busangot mukha mo? Ang unfair ha, bakit pag ako naka busangot panget eh ikaw maganda padin?"

"Tanggapin mo na kasi, Nina. Ako nga tanggap ko na eh"

"Na panget ka?"

"Na panget ka at maganda kami" Binatukan niya ako pero napatigil din nang namula si Julliana sa sobrang inis.

"Hala sorry na Julliana. Sige panget na kami pareho"

"No, that's not it... I'm just so pissed to Savannah" Nang marinig ang pangalan ni Savannah ay nairita din ako. Ganda ganda niya tapos ang sama nang ugali, mag sama silang mag kapatid.

"Oh, ano na namang ginawa sayo non?"

"Tinanggal niya ako as grade ten representative... I know it's not that big deal, but it is big deal for me. I really want it; you both know me I hardly commit to something but then when I already knew what I want she just shut the door" She really look sad because of what happened. Na guilty tuloy ulit ako, if hindi naman niya kasi sinubukan na tulungan ako like what Eli did hindi naman madadamay sana yong pagtakbo niya.

"I'm sorry, Julliana"

"Hey, it's not your fault Dulce. Maybe it's not really for me, I'll just figure something I'm really good at" She smiled at me to assure that it's really okay, but I still felt guilty so as soon as we're dismissed I immediately look for Brei. I'm sure he can help.

I look every corner, but I can't find him. Susuko na sana ako sa paghahanap nang maka salubong ko si Ceshiah. Tiningnan ko siya nang mabuti, wala namang masama kong e try ko.

"Hey, do you know where Brei lives?" Kitang kita ko na gulat na gulat talaga siya sa sinabi ko pero ilang saglit lang ay ibinalik niya din naman ang posture nang mukha niya na para bang wala siyang gulat na naramdaman kanina.

"What do you need from him?" Sinabi ko sa kanya kong anong pakay ko kay Brei but Ceshiah just shrugged at iniwan ako. Akala ko ay umalis na siya kaya lang narinig ko ang boses niya na ako yata ang kinakausap.

"Ako nang bahalang mag sabi kay Brei, but I can't promise anything kasi hindi naman niya desisyon kong sino ang tatangalin at hindi for the election next year" Humarap ako sa kanya, katulad kanina ganon padin ang mukha ni Ceshiah.

"Gusto ko lang subukan, hindi kasi ako makakatulog knowing na dahil sa akin hindi makakatakbo si Julliana"

"Stop blaming yourself for the thing na wala ka namang kinalaman. Kong may dapat mang sisihin sa sitwasyon na to yong kambal na kirara yon, okay?" I just smiled at her bago kami sabay na pumunta sa room. Naiwan ko pa kasi ang gamit ko doon sa pagmamadali na hanapin si Brei kanina. Nang makapasok kami ay nagulat ako na makitang nandon si Clyde, nakalagay sa bulsa ang parehong kamay at nagmamasid sa room namin.

Nang humarap ito sa amin ay biglang sumaludo si Ceshiah kaya kahit ayaw kong tingnan si Clyde ay kailangan kong gawin kasi sasaludo ako.

Tumango siya sa amin bilang tanda na tinatanggap niya ang aming saludo. Dumiretso kami sa aming gamit at kinuha iyon, lalabas na sana si Ceshiah kaya lang ay napansin niya na hindi ako nasunod kaya tumigil ito at tumingin sa akin.

"Tara na?" Kinakabahan man ay umiling ako dito bago sumagot.

"Ah... mauna kana Ceshiah" Binigyan niya ako nang maka hulugang ngiti bago nag pabalik balik ang tinggin nito sa akin at kay Clyde.

"Ikaw ha dumidiskarte ka nang patalikod" Bulong niya sa akin bago tuluyang lumabas. Hindi ko alam kong narinig ba yon ni Clyde pero halo halo na ang naiisip at nararamdaman ko para idagdag pa yon.

Minutes past pero nakatayo lang kami at nakatinggin sa isa't isa. Staring contest naman pala to sana nag sabi siya.

"About what happened..." Ayan na naguumpisa na siya magsalita. Kanina gusto ko talaga na magsalita siya kesa nag sasayang lang kami nang oras dito pero nang buksan na niya ang bibig niya para na naman racer ang aking puso, ano ba kalma ka lang diyan!

"Can we forget it until the training is done?" Napaawang ako sa gulat. Ano yon may schedule. Scheduled email lang ang peg? May time kong kailan kakalimutan at tatandaan?

"I mean the whole CAT training"

"Can you elaborate it? Hindi ko kasi maintindihan"

"I like the kiss but as of the moment we can't do that"

"And why is that?" At saan ako kumukuha nang lakas nang loob para mag demand? Saan?!

"We just can't..."

"The hell Clyde you can just simply tell me why para alam ko kong saan ako lulugar! Nag mumukha na akong ewan nyeta" Pakiramdam ko mag jowa kaming nag aaway kahit hindi naman nakakaasar.

Sabi nga sa commercial. Check muna, check the label.

"I am the Corps Commander" Napairap ako, tinggin niya ba ay hindi ko yon alam... kulang na nga lang ay magkaroon siya nang commander na sulat sa buong katawan niya.

"And you're an aspirant" Bobo ba ako o sadyang wala lang akong maintindihan sa gustong iparating ni Clyde sa akin. Mag pinsan ba talaga sila ni Eli? Hindi naman ganito kagulo yong pinsan niya.

"CAT protocol number four, duty first before pleasure" Nag form nang o ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Now I get it, kong kanina niya pa sinabi sana yong protocol edi kanina ko pa sana na gets. "And the moment I kiss you, I choose pleasure over my duty and responsibility which is I should not do so I am asking for you to wait, if that is not too much to ask"

"Do you like me?" Pigil ko ang hininga ko habang inintay ko ang sagot niya. Sumagot ka ngayon Clyde dahil hindi ko na yata yan matatanong sayo dahil paniguradong sa mga susunod na oras o araw ay purong kahihiyan na lang ang mararamdaman ko.

"Yeah, very much like that" And then he chuckled. Wow, he just chuckled, and I felt my whole system jumbled.

"Totoo ba yan? Hindi yan eme?" Hindi ako makapaniwala, may gusto siya sa akin?

"What is eme?" Ako naman ang natawa dahil sa pag slang nang bibig niya dahil sa word na eme. Ang cute pwede ba.

"Eme as in hindi mo ako niloloko"

"Ah... okay. Hindi kita inieme" I lost it. Tawang tawa talaga ako at sinabayan niya ako sa pagtawa. Bakit naman kailangan maging ganon siya ka cute?

"Kong ganon ano tayo? Friends with benefits?"

"What? No, we're not friends to begin with"

"Eh ano tayo?" Nakita ko na parang nag isip muna siya. Bakit ang cute lahat nang ginagawa niya? Hindi ako makapaniwala na gusto ako nang lalaking to, I mean ang gwapo niya kaya kahit sinong babae gugustuhin na magustuhan niya kaya sa lahat lahat bakit ako? Wala namang espesyal sa akin.

"Schoolmates" Napairap ako sa sinabi niya, seriously? Schoolmate talaga?

"Schoolmates don't kiss each other though" Lumapit ito sa akin at bumulong sa aking tenga.

"Then isipin mo na lang na thank you kiss mo na lang yon since I help you" Napangiti ako, who would have thought na may ganitong side itong si Clyde at sinong makakaisip na magkakagustuhan kaming dalawa.

Inilayo na niya sa akin ang kanyang mukha tapos ay umupo siya sa may arm rest nang upuan, kinuha niya ang isa kong kamay bago tumingin sa akin nang diretso.

Ang pogi punyeta.

"How about you Clementine, do you like me?" Seryoso na naman siyang nakatinggin sa mata ko kaya pakiramdam ko ay nagiging jelly ace ang aking legs. Ano ba Clyde dahan dahan naman sa mga tinginan na ganyan.

"Depends" Nanlaki ang mata niya na parang hindi makapaniwala. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko talaga kahit feeling ko nauutot na ako.

"Depends on what grounds, Clementine" Oh! He's kinda losing he's patient and I love it. God baliw na ako.

"Depends on how good are you as a schoolmate" Nanlaki ang mata niya pero hindi yon nag tagal kasi mata ko naman ang nanlaki nang bigla niyang hawakan ang pisnge ko at halikan na naman ako.

For a few seconds I was so stun but then I started copying him. I move my lips how he move his and we're kissing, again.

"Is it good enough?"

"It is but then you choose pleasure again before your duty, commander" I don't know if I sound flirty or what, the hell I cared.

"Well, you challenged me so basically it's your fault. Back again with my question, do you like me?"

"I like you, commander" Pagkatapos kong sabihin yon ay hinalikan niya ako sa noo. Sabay kaming lumabas at umuwi, inihatid niya ako ulit. Sa buong byahe ay hindi niya binibitawan ang kamay ko. Schoolmate daw tapos ganito. Ang clingy niya ha.

Kaya naman habang nagsasaing at nagluluto nang kakainin namin ay nakangiti lang ako, ganito ba talaga ang feeling? Akala ko ang oa lang nong mga nakikita ko sa facebook na napapangiti kahit nag sasandok lang naman nang kanin dahil in love sila ay samantalang ako kahit kunting hangin na mapadapo sa akin ay napapangiti ako pakiramdam ko nga ay mapupunit na eh.

Ngiti lang ako nang ngiti nang biglang pumasok si Papa sa loob nang bahay. Agad akong na patayo at nag panic dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Ilang araw nadin kaming hindi nagkikita at nag uusap.

Kabang kaba lang akong nakatinggin sa kanya hanggang sa lumapit ito at hinawakan ang braso ko at tiningnan. Nanlaki na naman ang mata ko, shit! Nakalimutan kong mag jacket dahil sa sobrang saya ko kanina.

"Anong nangyari sa braso mo, anak?" Alalang ala ito habang tiningnan at hinahaplos nang marahan ang mga kalmot sa aking braso. Hindi ko naman napigilang maiyak at mapayakap sa aking Papa.

"Papa, wag na tayong mag away. Sorry kong nagawa ko yon at kong bakit ako galit sa kanya pero hindi niyo naman ako masisi. Alam niyo ba kong gaano ako nasasaktan sa tuwing nakikita kayong ganon? Ang sakit sakin non Papa" Habag na habag ako habang naiyak sa balikat nang Papa ko. Hindi naman kasi ako sanay na hindi kami nagiimikan at nagkikita, mahal na mahal ko ang pamilya ko. Silang dalawa ni Vergel.

Naramdaman ko na hinigpitan ni Papa ang pagkakayakap din sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Patawarin mo din ang Papa sa nagawa niya, pero kasi anak ayaw ko lang mag tanim ka nang galit sa Mama mo. Kahit ano mang mangyari wag kang magalit sa kanya, okay? Kayong dalawa ni Vergel gusto ko na hindi galit ang maramdaman niyo sa Mama niyo" Tumango ako para lang mag kaayos na kami ni Papa. Hindi madali ang gusto niyang mangyari, my resentment for that woman was deep within me already at hindi ko na yon maalis nang basta basta. I even doubt kong gusto ko nga ba yong alisin sa akin.

She left a scar already. Na kahit gaano mag makaawa siguro ang Papa ko sa akin para hindi ako magalit sa kanya sa lahat nang ginawa niya ay hindi ko magagawa. I'll do anything Papa will ask me too aside from that, never.

It's easier for me to hate her than to drown myself with all the question that even Papa don't know the answer or maybe he knows, either way I stop caring anymore. I choose not to associate myself to her, she's not worth my time and I'm sure she's happy now not minding kong gaano niya nasaktan ang pamilya niyang basta na niya lang ibinasura.

Not minding what Papa would feel, what Vergel would feel. What I would feel. Dahil sa kanya napunta sa akin ang responsibilidad na dapat ay siya ang gumagawa. Kailangan kong umakto na ako ang matanda sa bahay na to so Papa would not feel that he's alone. So Vergel would not feel na parang may kulang. Ginawa ko lahat para hindi nila maramdaman lahat nang bagay na araw araw kong nararamdaman.

At first hindi ako makapaniwala na just like that ay iiwan niya kami. Inisip ko baka may rason siya but years past hindi na siya bumalik at wala naman akong narinig na kahit anong explanation kaya naman I just stop hoping. Hindi naman titigil ang buhay namin ngayong wala na siya doon.

Nag usap kami ni Papa, sinabi niya sa akin kong gaano siya na guilty sa nagawa niya na naniwala siya kay Vergel na baka nag layas nga daw ako. Tawa lang ako nang tawa hindi ako makapaniwala na yon agad ang maiisip ni Vergel, hindi ko naman sila kayang iwan eh.

We keep talking hanggang sa dumating si Vergel, weirdo niya kaming tiningnan bago siya umupo sa tabi ko at eventually naki sali na din. Ang dami nga niyang kwento, chismoso talaga kahit kailan. Masaya na ako na nandiyan sila, sapat na sila sa akin. Mahirap mamuhay na walang nanay pero sanay na ako. Saglit ko lang naman naramdaman na naging ina siya sa akin kaya hindi naman siya malaking kawalan. I can even forget her if I want too but then palagi ko na lang nakikitang nahihirapan si Papa kaya kahit gustong gusto hindi ko magawa.

Sabay sabay kaming kumain. Nag presinta si Vergel mag ligpit at hindi na ako tumanggi sabay kami ni Papa na umakyat sa taas. Papasok na sana ako nang mag salita si Papa.

"Salamat anak, alam ko na sa mga taong nag daan pinilit mong tumayong magulang para kay Vergel kahit ikaw mismo ay bata pa kaya patawarin mo si Papa. Susubukan ko na maging malakas na para sa inyo, okay?"

"Gawin mo Pa, at isa pa okay lang naman lahat Pa masaya ako basta masaya kayong dalawa" Ngumiti ako kay Papa bago tuluyang nag paalam na papasok na ako. Dumiretso ako sa banyo at nag half bath.

Ang gaan nang pakiramdam ko, sana nga maging malakas na si Papa. Sana maging masaya na siya nang tuluyan at tanggapin niya na lang na wala na talaga.

Nang matapos kong patuyuin ang aking buhok ay agad akong nag diretso sa aking kama. Kinuha ko ang cellphone ko at saka nag text kay Clyde. Gusto ko lang na may masasabihin ako kong gaano ako kasaya ngayon. Siya lang naman ang masasabihan ko, alam ko na pwede kong sabihan ang mga kaibigan ko pero kong gagawin ko yon kailangan kong e kwento pati ang nakaraan ko at hindi pa ako handa don. Pero balang araw sasabihin ko din naman.

To: Commander

Hi... busy ka ba?

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay agad naman itong nag reply. Hindi ko naman inasahan akala ko kasi ay busy siya at hindi agad makaka pag reply sa akin. Medyo kinilig ako, lahat naman nang gawin niya kahit hindi nakakakilig ay nakakakilig para sa akin. Ganon ko ata talaga siya ka gusto.

From: Commander

Not really, why you miss your schoolmate?

Sobra akong natawa sa naging reply niya talagang pinanindigan na niya ang pagiging schoolmate namin. He's just full of surprises, nagugulat na lang ako sa mga side character niya na ipinapakita sa akin.

To: Commander

Not really but can I call?

From: Commander

Whatever pleases you, my schoolmate

I smiled form when I read his reply, so cute.

Huminga muna ako nang malalim bago ko e dial ang cellphone number niya. In just a second ay nasagot niya agad yon. Ang bilis nang kamay ha.

"Hi..."

"Damn"

"Why?

"Nothing, I'm just not use to this. I hear your voice everyday, but your voice now is just so different, yet I love it"

Namula ako sa sinabi niya. Hanggang tawag mag papakilig ka? Kalmahan mo naman baka hindi na ako magising bukas.

"By the way bakit nga pala gusto mo akong tawagan?"

"Nagkabati na kasi kami ni Papa, I just need someone I can talk about it"

"I didn't know na nag away kayo but good to hear, siguro naman ngayon hindi ka na papasok nang maaga"

Napakunot ang noo ko. He just won't let go. It's not like he's wrong but I don't wanna admit it.

"What? I told you kaya ako pumasok nang maaga kasi sabi mo may special training!"

"Yeah, sure." I can even imagine him rolling his eyes. I'm sure it's cute. God! I'm helpless anymore.

"Nagsasabi ako nang totoo no"

"Stop being defensive, I just said yeah. Chill" Hindi ako nagsalita kasi hindi ko na alam ang sasabihin ko. Kahit ano yata ang sabihin ko ay hindi naman siya maniniwala. And for some reason ayaw kong mag sinungaling, not to him.

"Hey, you mad? I'm sorry naniniwala talaga ako" Natawa ako. He's ruthless but then ganito pala siya ka cute ngayon nag pre-suyo siya sa akin. Pre kasi hindi ko sure kong suyo ba yon assuming lang talaga ako.

"I'm not mad, why would I? And your right iniiwasan ko talaga si Papa, ayaw ko lang na may masabi ako na pagsisihin ko I love my family so much" Siya naman ngayon ang hindi nagsalita sa kabilang linya. Nag antay ako pero wala padin siyang sinasabi kaya tiningnan ko baka kasi namatay na yong tawag pero nang tingnan on going padin naman.

"Hello? Clyde, still there?" I heard him sigh bago tuluyang sumagot sa akin.

"Damn women... you're making me fall harder and harder" Namula ako sa sinabi niya bakit ba basta basta na lang siyang nahirit nang ganon, ako tong parang aatakihin sa kilig eh.

"Stop it"

"Stop what?"

"Pagpapakilig, sige ka pag ako nahulog nang todo sayo eh"

"Then fall willing naman kitang saluhin"

"Bolero!"

"Clementine, I'm just stating facts. Na kwento ko na naman sayo ang Mama ko diba? I'm a family-oriented kind of man, I just don't date for fun. I date to marry" Gusto kong magtatalon pero pinigilan ko kasi for sure maririnig niya yon. Para tuloy akong inaasinang bulate sa kilig, nakakasar siya.

"I know I ask you to wait but it doesn't mean I'm not serious about you. I just don't want anyone to think na backup mo ko sa CAT, grabe na nga yong naririnig ni Eli dahil lang sa pinsan ko siya pano pa pag nalaman nila na gusto kita diba? That will drive them crazy, just look what happened to kireyra" Kinilig naman ako pero natawa ako sa kong paano niya sabihin yong kirara.

"So, don't be afraid to fall, okay? I'm just right here sasaluhin kita. Hindi na nga ako makapag intay na matapos na tong training" Mapupuknat na talaga ang bibig ko sa kakangiti. My original plan is just to talk to him about Papa tapos napunta kami dito? Worth it lahat nang naiiyak ko.

"Gosh, Clyde Theodore. You better be true to your words because you're setting my standard way to higher than average"

"I will certainly do, Clementine. I just trick Eli before and now you like me, sure time flies so fast" I didn't know what he mean for that pero hindi na ako nag tanong. Nag usap kami hanggang ten pm. I wanted to talk more pero pinatay na niya since maaga pa talaga kami bukas.

Natulog ako na abot langit ang ngiti.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 56.7K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...
99.7K 3K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
192K 7.5K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
69.8K 1.8K 53
A story of a Up's and down's Of one girl and a man