KAEL (on-going)

By LiPaoLy

8.9K 393 97

Si Kael isang babae na may kakaibang pagkatao, isang babae na may dalawang pagkatao. Si Darren isang lalake n... More

Prologue
#Kabanata 1
#Kabanata 2
#Kabanata 3
#Kabanata 4
#Kabanata 5
#Kabanata 7
#Kabanata8
#Kabanata 9
#Kabanata 10
#Kabanata 11
#Kabanata12
#Kabanat 13
#Kabanata 14
#Kabanata 15
#Kabanata16
#Kabanata17
#KABANATA 18
#KABANATA 19
#KAEL'S POV
#KABANATA 21
#KABANATA 22
#KABANATA 23
#KABANATA 24

#Kabanata 6

378 17 4
By LiPaoLy

#Kabanata 6


DARREN'S POV

Kala ko isang batang paslit na makulit, madungis, pasaway, salbahe, iyakin, mahilig sa candy, ang babantayan ko. Pero mali ako, maling-mali. There are right,maraming namamatay sa maling akala.

Nandito ako ngayun sa Garden, nasa likod ako ng puno, nagtatago. Muka na nga akong tanga dito, biruin nyo, Isa't kalahating oras na ko nandito na dapat ay nag-lu-lunch ako kasama ang mga Baby Doll ko. Pero wala, kailangan kong sundin ang pinag-uutos ni Kaicy at yun ay ang bantayan ang kanyang kapatid.

Ang kapatid nyang masungit, tahimik, cold, at kinakatakutan ng lahat, si .... Kael. Si Kael ang kapatid nya. Si Kael na ayaw ng kausap, snobber, nakakatakot kahit mukang Angel ang muka, at Si Kael, na kapag-nakikita ko ay naaabnormal ang tibok ng puso ko. At meron pa pala, si Kael na mahilig din sa Dark-Chocolate na favorite ko rin. Ang akala kong madaling pag-babantay ay sobrang hirap pala. Kaya pala Good luck ng Good luck si Kaicy.

Anung oras kaya matatapos si Kael na magbasa?. Gutom na gutom nako, 25mins. na lang tapos na ang Reces namin.

"Darren...My Love...So Sweet"

Napatingin naman ako si sa unahan ko, kung saan tumatakbo at sumisigaw ang babaeng Tungaw ... este ... si Yna pala. Kumaway-kaway naman ako sa kanya. Lumingon muna ako sa pwesto ni Kael para masigurong di pa sya umaalis. At ng nasiguro ko na, ay muli akong humarap kay Yna. She put her hands on my nape, at nilagay ko naman ang kamay ko sa kaniyang bewang.

"I miss you"

Wika nya at hinalikan ako sa labi.

"Totoo ba? kayo ba talaga ni Kaicy the bitch?"

Wika nya. Huminga muna ako ng malalim, hindi ko kase alam ang sasabihin ko. Pag-sinabi kong oo, lalayo si Yna at magagalit si Kaicy, pag-sinabi ko namang hindi, lalong lalapit sakin si Yna at hindi ko mababantayan ng maayos si Kael.

"Ano....Friend ko lang si Kaicy"

Wika ko, agad namang nagliwanag ang muka nya. 

"Really? tsk.tsk.tsk pilingera talaga"- Yna said.

Muling pinulupot ni Yna ang kaniyang braso sa batok ko at muling akong hinalikan, at dahil lalake lang ako, hindi ko napigilang tumugon sa mga halik nya.

*So you could give me wings to fly, and catch me if i fall... or pull the stars down from the sky, so i could wish on them all*

Napatigil naman ako ng biglang mag-ring ang phone ko.

"Wait...Yna"

"Don't answerd it"

Wika nya, pero wala rin syang nagawa ng sagutin ko ang tawag.

"HOY YUNG PINABABANTAYAN KO, MAMAYA DYAN NAKIKIPAG-LANDIAN KA LANG KAY TUNGAWWWW..."

Agad kong nilayo ang phone ko sa tainga ko, putsa, kailangan nya ba talagang sumigaw, pambihirang Kaicy yan.

"Bye na"

Wika ko at binababa ko na ang phone.

"Sino yon?"

Wika ni Yna, pero diko nalang sya sinagot. Lumingon ako sa likuran para makita si Kael.

"Shit"

Napa-mura ako, wala na kase sya sa pwesto nya. Patay saan ko hahanapin yon, patay ako nito kay Kaicy.

"Ah...Yna next time na lang ah"

Hindi ko na siya inantay at tumakbo na ako paalis. Shit.


Takbo lakad takbo, yan ang ginagawa ko ngayon, hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Kael. Eto na nga ba ang sinasabi sakin ni Kaicy, wag na wag kong ihihiwalay ang paningin ko kay Kael, dahil sa oras na mawala siya, mahihirapan ka ng hanapin sya. At eto na nga hirap na hirap na ako sa paghahanap, sampung minuto na lang magsisimula ng muli ang Klase. Sinubukan kong pumunta sa Physics at Chemistry Lab. pero wala dun, sa Library wala din, saan ba kase sumuot yon. Limang minuto na ang lumilipas pero wala padin, pumunta nakong room nya pero di pa raw pumupunta doon si Kael. Baka nasa Cr ng Girls, yun na lang kase ang hindi ko pa napupuntahan. Kaya mula dulo ng 4th floor ay muli kong nilakad ang pinaka-dulo nito. Tahimik sa floor nito, madalang lang ang mga estudyante dito kase ang floor nito ay para lamang sa mga Special Students galing Star Section. Patuloy parin ako sa paglalakad, hanggang sa bigla nalang may humila saakin at sinakal ako ng napakadiin.

Tumama ng napakalakas ang likuran ko sa pader, tapos lalong humigpit ang pagkakasakal saakin. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata, at nagulat ako ng mapagtanto ko kung sino ang sumasakal saakin, unti-unti kong iniangan ang aking mga kamay para hawakan ang kamay nyang nakasakal sa akin. Habang tumatagal pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa aking leeg.

"D--i a--ak--o maka---hi--n--ga"

Wika ko, pinilit kong tanggalin ang kaniyang kamay pero masiyado itong mahigpit.

"Bi---taw"

Nakatingin lang sya saakin, walang makikitang emosyon sa kaniyang muka, tinitigan ko ang kaniyang mata, ngayun ko lang napansin na ang ganda ganda ng mga mata niya. Itim na itim ito at bilog na bilog. 

"Tigilan mo ang pagsunod"

She said in a cold tone, nag-iwas rin siya ng tingin.

"K---a---e--l"

Wika ko, dahil konti na lang talaga ay mauubusan na ako ng hininga. Agad din naman nyang binitawan ang leeg ko. 

Napaluhod ako sa sahig habang habol habol ang aking hininga. Pero bago sya makalayo ay sinigawan ko siya.

"KAHIT ANONG GAWIN MO, BABANTAYAN AT SUSUNDAN PARIN KITA"

Hay nako, ipaalala nyo nga sakin kung bakit ko binabantayan ang babaeng yon.

Bumaba nako at nagtungo na sa Room ko, pero bago iyon sinilip ko muna si Kael kung nasa Room naba nila siya, naka-upo sya sa dulo malapit sa bintana, wala siyang katabi at tahimik lang siya duon habang nilalaro ang ballpen nya. I sighned. Wala siyang kaibigan, walang kausap, siguro ang lungkot lungkot niya. I sighned. Dapat siguro makipag-kaibigan ako sa kanya, pero pwede ring hindi. Haist ang gulo-gulo ko.

"Mr.Darren Khalil Vezon, can you explain this?"

Napatingin naman ako sa unahan kung saan naka-nguso nanaman si Mr.Madlang-Awa. Tumayo ako na napakamot sa ulo. Nakatingin ang lahat saakin, lahat sila iniintay ang isasagot ko. Haist, pahamak talaga tong si Madlang-Awa na wala namang Awa.

*tinggggg*

Save by the bell. Kala ko mapapahiya na talaga ako ng tuluyan. Inayos ko na lahat ng gamit ako at lumabas na, and now back to pagbabantay nanaman ako. Umakyat na ulit ako sa 4th floor para puntahan si Kael, kung ibang tao lang siguro ako malamang nilayuan ko na si Kael, pero dahil kailangan ko itong gawin, hindi dapat ako magpadaig sa pangamba na maaari nya akong patayin.

"Pre, andyan pa si Kael?"

Tanong ko sa classmate nya. Inayos muna nito ang salamin nya, tumingala ito at pinakatitigan ako, parang nagulat po ito saakin.

"Hoy ano na?"

Sigaw ko at muka naman syang natauhan.

"Ah...kalalabas lang po"

Tumalikod na ako, at nag-simula ng maglakad. Naabutan ko naman sya agad, papalabas pa lang sya ng Gate, sakto naman ang layo ko sa kanya, maigi nato kesa naman sabayan ko sya.

Tahimik lang syang naglalakad, napapalingon sa kanya ang mga taong nadadaanan nya. Yung iba lumalayo, yung iba naman napapatitig.

Huminto si Kael sa tapat ng isang napakataas na building. Napatingin naman ako sa nakalagay. Faith Condominum. So sa Condo pala siya tumitira, nakita ko syang pumasok sa gate, may dalawang body guard ang nagbabantay sa gateat tiyak na may CCTv dyan sa loob. Siguro naman pwede na kong umuwe. Nag-simula na akong maglakad, medyo malayo pa dito ang Condo ko pero maglalakad na lang ako, marami pa namang tao ang naglalakad.

Lakad parin ako ng lakad, hanggang sa kumonte na lang ang mga taong nakakasalubong ko, kumokonte na din ang mga ilaw. Hindi naman ako nakakaramdam ng takot pero may nararamdaman akong hindi maganda. Pundido na ang ilang ilaw sa poste kaya medyo madilim ang ibang part ng dinadaanan ko. Patuloy parin ako sa paglalakad hanggang sa may humintong itim na Van sa gilid ko at mula dun ay lumabas ang mga lalakeng naka-itim na maskara. Mga nasa sampu sila. Napalunok naman ako, mukang ito na yung mangyayaring hindi maganda.

Makailang ulit akong napalunok, masiyadong akong kinakabahan para sa mangyayari sakin. Tinry kong tanungin kung anong kailangan nila pero hindi sila nag-salita. Pinalibutan nila ako, malalaki ang mga katawan nila, alam kung hindi ko sila kaya. Oo mahilig ako sa rambulan, sa sakitan, sa patayan, pero ngayun dehadong-dehado ako. Sinubukan kong umatras, pero nabungo ko lang ang malaking katawan na isang lalaki, hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"Teka, wala naman akong kasalanan"

Wika ko, pero imbis na sagutin nila ako, ay pinag-susuntok nila ako, pinilip kong makawala pero hindi ko kaya, masiyadong mahigpit ang pagkakawahak sakin.

Mukang katapusan kona, siguro eto na ang karma ko sa lahat ng mga taong nagawan ko ng mali. Mga taong walang-awa kong sinasaktan, mga taong hindi ko lang physical na nasaktan, pati emotional. Pinagsusuntok ako sa muka, sa tiyan, sinipa rin ako sa binti dahilan para mapaluhod ako sa lupa. Hindi pa sila natapos dahil muli nanaman akong sinipa.

Napataob ako sa sahig, nanlalabo na ang mga mata ko, sumusuka narin ako ng dugo, at sobrang sakit ng buong katawan. Hinawakan ako ng isang lalaki at pinatihaya, pag-katapos ay muli akong tinadyakan sa tiyan, dahilan para muli akong mapasuka ng dugo. I cuss in so much pain, pinilit kong makatayo, and i did it, and then i punched a guy who hit me on my face, inubos ko lahat ng lakas ko, at napatumba, at ganun din ako. 

"Gago ka"

Wika nya, tumayo eto at sinipa ako ng napakalakas. Tumalsik ako mula sa malayo, tumama ng napakalakas sa pader ang likod ko. Napasigaw ako ng napakalakas.

I close my eyes, and i saw my lil sister face, she's smiling ear to ear, and i smile her back, and then i mouthed her sorry. I took a deep breath. Sumunod ang muka ni Kaicy, nakataas ang kilay niya at nakapamewang, nag-sorry din ako sa kanya, kase hindi ko na maitutuloy ang pagbabantay ko sa kapatid nya. 

I try to opened my eyes, ewan ko kung namamalik-mata lang ba ako o totoo itong nakikita ko.


Tinutukan ako ng isang lalaki ng kaniyang baril, pero hindi ako sa kaniya napatingin kundi sa isang babae na naka-uniform na katulad ng uniform ng Migohora Academy. Walang nakakapansin sa kaniya na papalapit ito saamin, may hawak itong katana, at nagulat ako sa sumunod na nangyari.

Napapikit ako dahil sa tumalsik na dugo sa buong muka ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko, at hindi nga ako namamalik-mata o nag didiliryo, totoo ang nakita ko, yung lalaking may hawak na baril na nakatutok sa akin kanina, gumugulong na ang kaniyang ulo papunta kung saan. Napalunok ako, unti-unti kong pinagmasdan ang paligid, nagkalat ang iba't ibang parte ng katawan ng tao, unti-unting napadako ang aking patingin sa bandang gilid, apat na lalaki na nalang ang natitira, may mga hawak itong baseball bat at mga bakal, nakatalikod saakin ang babaeng lumalaban kaya hindi ko makita ang muka niya, pero merun na akong hula kung sino siya. 


Tumingin ito sa gawi ko, at duon ko napatunayan na tama nga ang hula ko. It was Kael, her angelic face is full of blood, walang emosiyong makikita sa kaniyang muka.

I was shocked when one of a guy, hit Kael on her shoulder using baseball bat. Nabitawan niya ang kaniyang katana, kinabahan ako, paano kung may mangyari sa kaniyang masama, hinding-hindi ako mapapatawad ni Kaicy, kaya kailangan kong gumawa ng paraan, pinilit kong tumayo, kahit sobrang sakit ng katawan ko, I need to protect Kael, I don't want to hurt her. Nakita kong unti-unting lumalapit yung isang lalake kay Kael, at akma na sana nitong hahampasin si Kael, pero buti na lang at nayakap ko na agad si Kael. Naramdaman ko ang pagtama ng baseball bat sa likod ko, napaungol ako sa sobrang sakin, hindi ko na nakaya kaya napaluhod ako, pero bago ako mapaluhod tumingin hinawakan ko muna ang muka niya, bahagya akong ngumiti.

"Sorry"

Wika ko bago tuluyang mapahiga sa lupa.

Napahiga ako sa malamig na semento na nababalot na pulang likido, nagkalat kung saan-saan ang ibat ibang parte ng katawan ng tao, ulo, braso, bintin, at merun din parang mananangal dahil nahati sa dalawa ang katawan. Hindi ko akalaing kaya itong gawin ni Kael. Napatingin ako sa kanya tatlo na lang ang natitira dahil hinati niya sa dalawa ang lalaking pumukpok sa akin kanina. Sumugod sa kaniya ang dalawa pero wala katulad ng nangyari sa lahat, ganun din ang nangyari sa dalawa. Ngayun natatanaw ko na ang maamong muka ni Kaicy, puno ng galit ang kaniyang mga mata, sobrang higpit din ng hawak niya sa katana niya. Unti-unti akong gumapang papunta sa kaniya, hirap na hirap man, ngunit akin paring pinilip, ng makalapit ako ay pilit ko namang iniaabot ang kamay niya, sa sobrang pilit ko ay naabot ko na rin sa wakas. Nagulat siya saakin, tumingin siya saakin, ang kaninang galit na mata ay napalitan ng kalungkutan, at nahihirapan akong makita siyang ganuon.

Sumikip ang aking dibdib ng makita ko ang malungkot niyang mga mata. Kahit saglit ko lang napagmasdan ang kaniyang mga mata, nakadama ako ng lungkot, awa at inis saaking sarili. Ako itong lalake pero hindi man lang ang nakatulong. Napabitaw sa kamay ko si Kael, kaya napatingin ako sa kaniya, tumakbo siya dahil tumakas ang huling kalaban, pilit kong tinatawag ang pangalan ni Kael, para pigilan siya, hindi ko na kase kaya pang makita siya na pumapatay ng tao, hindi ko na kayang makita na ang maamo niyang muka ang ay nababahiran na ng dugo. Nakita kong inabutan niya ang lalake, agad niya itong sinaksak, kala ko kontento na siya pero hindi pa pala, sinak-sak niya pa ito ng sinak-sak.

"KAEL"

Sigaw ko, napatingin naman siya saakin. Tumakbo siya papalapit saakin at lumuhod. Nginitian ko na lamang siya at muli akong nag-sorry hanggang sa tuluyan naakong napapikit.

Continue Reading

You'll Also Like

67.2K 1.8K 48
Sinong mag- aakala na ang isang simpleng babae na katulad ni Yosheena ay may nakatagong mahiwagang nakaraan! Isang nakaraan na sadyang binura para ma...
6.7K 195 17
May isang girl . Name Amanda Fan na Fan Sia Ni Darren sa Hindi Inaasahang Pangyayari Nagkita sila at naging Magkaibigan Naging mag Best Friends Mag...
372K 5.6K 31
Isang lalaking nangarap, para baguhin ang kanyang mundong ginagalawan.. Pangarap na handang hadlangan nang mga taong, kahit kailan hindi sya matatang...
66.4K 2.4K 22
This story is about the person na hindi tumitigil mag mahal kahit paulit ulit naiwan at nasaktan . She believe that she need love para mas maging mas...
Wattpad App - Unlock exclusive features