Rules of Love (UNDER EDITING)

By ricamae_porkss

3K 141 4

Amoureux Series #2 I once ask myself, what love is? What can i get out of it? Dulce Villalobos is a kind of g... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 7

68 3 0
By ricamae_porkss

Disclaimer: Hindi po ako naging isang CAT Officer and yung mga terms na ginamit ko po dito is pinagtanong ko lang so kung may mga mali sorry na agad.

_____________________________________________________________________________________________________________

Chapter 7

Maaga akong umalis nang bahay. Hindi ko alam kong totoo ba yong sinasabi ni Clyde na special training pero maganda na siguro nang may ganon kesa naman mag pang abot kami ni Papa.

Sinabi ko sa sarili ko na magiging malakas ako para sa pamilya ko, oo pero hindi naman ibig sabihin non ay hindi na ako masasaktan sa tuwing maalala ko ang nangyari.

Dahil sinabi nga ni Clyde na kailangan kong agahan ay sobrang aga ko talaga. Nang makadating ako dito sa school ay madilim pa sa labas. Dumiretso ako nang gym sa pagaakala na wala pa dong tao pero nang makita ko ang likod ni Clyde ay para na naman akong pusang natameme.

Bakit naman napaka aga niya? Kaya nga maaga ako pumasok para wala na siyang masabi na late ako tapos nandito na pala siya, ilang alarm clock kaya meron to?

Dahan dahan akong lumapit, sinigurado ko talaga na hindi masyadong maingay ang mga hakbang ko para hindi naman niya agad ako mapansin pero nang bigla siyang humarap sa akin ay halos matumba ako sa gulat.

"You're really here" Kinagat ko ang labi ko bago tumingin din sa kanya.

"Sabi mo eh may special training"

"Yeah, as if pig can fly" Hindi ko siya maiintindihan sa mga trip niya sa buhay kaya naman na upo na lang ako sa may bleacher at nag ayos nang buhok para sa special training eme nang lalaking to. Kong iniisip niya na nakalimutan ko na ang nakita ko kahapon ay nagkakamali siya. Bawat pangyayari ay naalala ko pero as if naman alam niyang may feelings ako sa kanya kaya bahala na sa kong anong mangyayari dito sa may special training.

Pero natapos ko na ang lahat nang dapat kong gawin ay wala pa din kaming ginagawa. Tumingin ako sa relo ko at halos may isang oras pa kami bago tuluyang mag datingan ang mga officer at aspirants.

Pinili ko na lang mag antay pero nang minuto na ay wala padin ay hindi na ako nakatiis at lumapit na ako sa kanya.

"Anong oras ba yong special training, Sir" Idiniin ko ang pagkakasabi nang Sir para maipasok ko sa isip ko na yon lang naman ang koneksyon ko sa kanya kong hindi naman ako napasali sa CAT ay hindi ko namam siya makikilala at hindi sana nag kaleche leche ang puso ko.

"There is no special training, I just tested you if you'll really come and you really came" Para akong sasabog sa inis. Testing me? Bonak ba siya? Halos wala akong tulog kasi sabi niya agahan ko daw tapos testing me?!

"Fuck you, Sir respectfully" Naglakad ako pabalik sa bleacher para sana kunin ang gamit ko nang bigla ko na lang siyang narinig na tumatawa mag isa sa pwesto niya. I love hearing it kasi minsan lang naman siya tumawa pero ngayon hindi ko mahanap sa sarili ko kong paano ako matutuwa.

"You sure about that, Clementine? I mean respectfully speaking I can grant your wish" Naibagsak ko ang bag ko sa gulat sa sinabi niya. Is this guy for real?

"That's not what I mean, Sir" Gustong gusto ko na siyan irapan pero naiisip ko ako din magdudusa pag ginawa ko yon kasi bibigyan na naman niya ako nang demerits. Parang feeling ko hawak niya ako sa leeg dahil lang ayaw ko na bigyan niya ako nang demerits. At teka bat ang bastos naman ata sa isip ko nong hawak niya ako sa leeg, parang choke me daddy ang vibe kainis.

"Oh... I thought that's what you want, sorry my bad" The last time I check hindi naman ganito si Clyde o baka isip ko lang yong madumi? Ah basta para sa akin ang bastos nang usapan namin ngayon dahil siguro pareho kaming walang tulog dahil sa testing testing niyang nalalaman.

Sir, kong wala na naman kayong maayos na ipapagawa at sasabihin can I just excuse myself? I don't wanna be part of your dirty talks as of the moment" Kahit madilim ang paligid ay hindi nakaligtas sa akin ang tinggin niya. He looked amused; I mean kong gusto niya nang ka dirty talk I'm pretty sure Farrah is more than willing to participate.

"As of the moment huh? Okay then you're excused just notify me if you're willing to be part of that dirty talk that you've been talking about" He quoted the word dirty talk bago ito nag patuloy sa pag tinggin sa cellphone niya. I'm loss of words, what the hell was that?!

Hindi ako nakaalis sa pagkakatayo ko sa gulat sa mga sinasabi niya kaya naman napansin niya ako agad.

"What? Change your mind?" Umiling na lang ako at patakbo na kinuha ang bag ko at lumabas nang gym dumiretso ako sa cr at nakita ko sa salamin kong gaano ka pula ang mukha ko. Ano na naman bang ginagawa mo sa akin Clyde Theodore!

Nag hilamos ako para kahit papano ay mawala ang pula, nag tagumpay naman ako kaya lumabas na ako sa room at agad na napairap nang makita ko si Farrah na may dalang coffee, dalawa na naman ito at halatang para kay Clyde ang isa.

I mean alam ko naman na hindi niya kasalanan na siya ang gusto ni Clyde pero nasa parte ako nang pag move on kong saan galit ako sa lahat, saka na lang ako mag sorry sa kanya sa isip ko pag wala na ako sa stage na to.

Umakyat na lang ako sa room kong saan ko naabutan si Ceshiah na may kausap sa telepono, ayaw ko makinig sana pero sinisigawan na niya yon kaya wala akong choice kong hindi marinig. Aga aga init na naman nang ulo ni Madam.

"Just shut it up! I'm done playing your games, whore!" Nakakatakot na si Ceshiah na pati yong aakyat sana sa third floor ay natakot na dumaan, pano ba naman kasi para nang mag bubuga nang apoy si Ceshiah sa galit.

"Doesn't mean you get anyone; you'll get me too. Just admit it you don't really like me you're just obsess with the fact that I don't give a damn thing about a whore like you"

"This is a warning for you, stop calling me or I'll block you and report you as a sexual offender, understand?" Mariin niyang pinindot ang end call button at dire diretso na nag lakad papasok sa room namin, since nakapasok na siya pumasok na din ako.

Naka busangot ang mukha niya kaya hindi na ako nag tangka pa na mag salita para man lang malaman niya ang presensya ko, taimtim lang akong naupo sa aking upuan habang inantay ang iba pa naming kaibigan.

Nang oras na naman para sa training ay sabay sabay na kaming bumaba, medyo awkward kasi naka salubong namin si Levy sa hallway. They seriously look good together sayang naman shipper pa naman nila ako kahit hindi halata.

Pagpasok namin sa gym ay nadon na ang mga officer. Nakatayo si Thyme katabi si Ember na parang ngayon ko na lang ulit nakita samantalang si Clyde ay naka obob sa gilid. Testing pa more edi inaantok din siya.

Naupo kami sa bleachers at nag kwentuhan muna, ilang minuto ang nakalipas na nakaupo lang kami at tinitigan lang kami nang mga officer kaya naman tumingin din kami sa kanila. Applicable lang naman yong bawal sila tingnan pag training na eh hindi pa naman oras nang training.

"The morning training is cancelled for the fact that mag meeting kami about sa mga aspirants na papalit sa pwesto namin and besides magkakaroon na nang practice for Junior-Senior prom, so the teachers advise us na wag mo na kayong e train for the mean time" Medyo malayo man kami sa pwesto ni Thyme ay rinig naman namin ang sinasabi nito. "Since part kayo nang CAT required na sumali kayo lahat sa prom and make sure na palagi kayong present sa practice, another thing pa comply nang total nang merits and demerits niyo pass it until tomorrow morning"

Halos manlumo ako sa narinig, ano namang ma comply ko? Puro demerits lang naman yon nag taka nga ako na hindi pa ako natatanggal.

"If wala na kayong tanong you can go, and we'll just see you all mamayang hapon sa training" Pagkatapos non ay kinalabit niya si Clyde at sabay sabay na ang mga ito nag alisan. Malakas ang pakiramdam ko na kaya walang training ngayong umaga dahil wala sa kondisyon si Clyde. Malapit ko na talagang isipin may gusto din yong si Thyme kay Clyde eh.

Tumayo na kaming apat at sabay sabay nang umakyat muli sa taas. Ramdam ko na antok na antok na talaga ako kaya naman may pumasok na kalokohan sa aking isip.

"Guys, punta muna ako clinic sama nang pakiramdam ko eh" Tumingin silang tatlo sa akin nang bigla akong mag salita as usual agad na nag alala si Eli.

"Want me to accompany you there?" Mahinhin nitong pag kakasabi sa akin. Tuwi talaga naririnig ko ang boses niya nang hihinayang ako sa ginawa ni Levy. I mean jackpot na siya kay Eli no. Maganda, mabait, mayaman lahat lahat na na sa kanya hays.

No, I can manage naman Eli. Sige na baka ma late kayo sa class" Ayaw ko naman talagang mag cutting pero hindi ko na kaya ang antok ko at isa pa sabi ni Thyme malapit na mag practice para sa prom kaya sigurado na hindi na din mag sisi pasok ang mga teacher sa klase.

Nang mapaniwala ko sila na kaya ko nang mag punta sa clinic mag isa ay agad akong bumaba, usually pag ganitong oras wala ang nurse kaya pwede pa akong maka tulog. Siguro naman ay sapat na ang isa o dalawang oras para kahit papano ay umayos ang pakiramdam ko.

Nang makarating sa clinic ay tama nga ako nang hula dahil wala pa yong nurse kaya agaran akong dumiretso sa isang kama. Apat ang kama dito dalawang mag katabi at dalawa sa tapat nito tas may harang lang na kurtina sa pagitan nang mga kama.

Agad kong hinubad ang sapatos ko at nahiga na sa kama at agad din naman nakatulog.

Nagising ako nang makarinig ako nang kong ano sa paligid ko. Nang imulat ko ang aking mata ay halos malaglag ako sa gulat nang makitang nakasandal si Clyde sa gilid at mataan akong tinitingnan.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi siya sumagot bagkus ay lumapit siya at inilagay ang kaliwang kamay sa aking noo na parang pinakikiramdaman kong may sakit ako.

"I should ask you that, I'm here first" Pagkakasabi niya bago umupo sa upuan sa gilid nang kama ko, anong nakain nito?

Tinitigan ko siya na parang sa utak kami nag uusap at tinatanong kong paano siya nagpunta dito sa clinic.

"Stop looking at me like that... Like what I said nauna talaga ako dito, jeez"

"May sakit ka ba?" Hindi ko tuloy napigilang itanong kasi ano namang gagawin niya dito kong wala.

"Just the same reason why you're here" Mataman niyang sinabi habang nakatinggin sa paligid na akala mo ay may kong anong mangyayari.

"Kasalanan mo naman"

"And why is it my fault?" At talagang sinusubukan ako nang lalaking to ah. Bakit ba lagi siyang nasa paligid ko ngayon kong kailan mag move on na ako? Epal!

"Kaya lang naman ako pumasok nang maaga kasi sabi mo may special training" Hindi lang yon ang dahilan pero hahayaan ko na lang siya na yon an isipin.

"I don't think so" Sagot niya sa akin habang diretsong naka tinggin sa akin, bigla naman na nang lambot ang tuhod ko sa klase nang pagkakatitig niya sa akin.

"At anong gusto mong palabasin na nagsisinungaling ako?" Kahit ang lakas nang epekto niya sa akin ay sumagot pa din ako. Hindi siya agad sumagot bagkus ay mas idiniin niya lang ang pagkakatitig niya sa akin na dahilan kong bakit parang nasa karera ang puso ko sa bilis nang tibok.

"I'm just saying hindi ka naman basta basta pupunta sa school dahil sinabi ko na may special training. It's either may iniiwasan ka or you're just simple dumb" Mind reader na din ba siya ngayon? Napaka dami naman palang niyang talent at ang kapal niya ha para tawagin akong dumb!

"Either way I don't care just don't blame me for the thing you know it's not my fault, I hate it" Tumayo na to sa pagkakaupo sa upuan at naglakad na pero bago siya tuluyang lumabas sa clinic ay humarap itong muli sa akin.

"Don't attend the training if inaantok kapa but if may iniiwasan ka man sa kong saang lupalop you can just watch. Ako nang bahala mag dahilan para sayo" At tuluyan na siyang lumabas. Paano niya nabasa ang isip ko? Paano niya nalaman na may iniiwasan ako ganon ba ako kahalata?

Inayos ko ang sarili ko at isinuot ang aking sapatos bago ako tuluyang lumabas. Naabutan ko na yong nurse doon sa pwesto niya pero wala naman siyang sinabi kaya nag patuloy lang ako palabas. Pag akyat ko ay walang teacher at nag kwentuhan lang ang lahat, lumapit ako sa mga kaibigan ko at agad namam akong tinanong Julliana.

"Eli said masama daw ang pakiramdam mo? You okay now or you want me to buy you food?" Ngumiti ako sa kanya at umiling na lang. Ang bait talaga nito pwedeng pwede na sila ni Eli bigyan nang most kind award.

Nag uusap usap pa sila nang biglang mamataan namin si Savannah sa pintuan na tinatawag si Julliana. Agad tong tumayo at dinala nadin ang kanyang gamit, mukhang seryoso siya sa pagtakbo. Good for her.

"Guys, let's eat sa sunday my treat" Busy ako sa pagbabasa nang biglang magsalita si Eli, right it's her birthday.

"Sure..." Yon na lang ang nasabi ko. Alam ko naman ang sitwasyon ni Eli, hindi man siya nagsasabi pero alam ko, madali lang naman basahin ang mukha niya. Kong wala kami sure ako na mag celebrate ulit siya mag isa kasi madalas naman na hindi naalala nang parents niya but she's just subtle about it kaya hinayaan na lang namin.

Hindi ko lang talaga mapigilang maawa sa kanya minsan kasi kapag nasa bahay kami ni Margaux o sa amin o kong kanino man nakikita ko na malungkot siya kapag kausap namin ang magulang namin. Malungkot siya pag nakikita niya na sobrang close namin sa pamilya namin.

I don't know why her family is like that, I mean Eli's perfect. Wala kang ibang masasabi sa kanya, she's smart, down to earth and one call away friend. Good thing she still got her brother.

May nag klase sa amin na dalawang teacher na halos nag explain lang nang maaring mangyari para sa prom, sana pala ay hindi na ako nag dala nang gamit wala din namang gagawin.

"Aasahan ko na lahat kayo ay sasali sa prom ha. Class dismiss" Agad kong inayos ang gamit ko. Aayosin ko na sana ulit ang pag ka bun nang buhok nang maalala ang sinabi ni Clyde kanina sa clinic.

"Don't attend the training if inaantok kapa but if may iniiwasan ka man sa kong saang lupalop you can just watch. Ako nang bahala mag dahilan para sayo"

At some point I just trust what he said na siya na ang bahala mag dahilan sa ibang officers kaya hindi na akong nag abala pa na mag ayos nang buhok kasi aantayin ko lang naman sina Eli na matapos mag training.

Nang nasa gym na kami ay pansin ko na masama ang tinggin sa akin ni Farrah. Naiinis man ako kasi siya ang gusto ni Clyde hindi ko siya kailanman tiningnan nang masama kaya hindi ko alam kong anong nagawa ko para tingnan niya ako nang ganon.

Nawala lang ako sa pagkakatinggin kay Farrah nang hawakan ako ni Eli sa kamay at hinila na sa bleachers.

"Kaya mo bang mag training? Hindi ba masama ang pakiramdam mo?" Yon ang unang salita na binaggit sa akin ni Ceshiah ngayong araw. Hindi na kasi talaga ako nagtangka dahil nakakatakot talaga sity at halatang yamot na yamot siya sa kausap niya kanina.

Ceshiah's right antayin mo na lang si Julliana dito para sabay sabay na tayo umuwi since may meeting pa siya. Kami na lang magsasabi kina Two" Hanggang ngayon hindi ko ma gets yong tawagan nilang dalawa ni Clyde. She's calling him Two e if I'm not mistaken Clyde Theodore Reyes III ang pangalan ni Clyde hindi ba dapat Third? Ah bahala silang mag pinsan.

Tumango na lang ako at nag umpisa na silang pumunta sa pila. I'm just watching them peacefully hanggang mag punta na naman ang paningin ko kay Clyde. Damn! He's just so fine! Hindi ko ba maiintindihan nakatayo lang naman siya doon while he's hands are in his pockets. As in yon lang pero parang nagiging heart ang aking mata.

Na imagine ko kasi kong anong magiging itsura niya if naka roll up yong sleeves niya then kita yong mga ugat niya sa kamay? God! Pinagnanasaan ko na siya ngayon, kaasar!

Sa pagkakatitig ko kay Clyde ay hindi ko namalayan na nakatinggin na silang lahat sa akin.

"Wag kayong gagaya sa kanya. Don't pre-occupied while you're in training is that clear?" Napa ayos ako nang upo nang ituro ako ni Clyde at ginawang example. Ganon na ba ako kalala na nakakatitig sa kanya? Taena! Nakakahiya! Kainin na sana ako nang bleachers ngayon na.

Halata na gusto akong tawanan nang ibang aspirants pero pinigilan nila dahil malilintikan silang lahat. Wala talagang mabuting na idudulot sa akin si Clyde eh.

Nag patuloy na ang training at sa takot na matulala na naman ako at gawin na namang example ay kina Eli na lang ako tumingin at nanood. Talagang ginawa ko ang best ko para lang hindi mapatinggin kay Clyde at mahirap yon in fairness.

I was busy watching nang may tumapik sa akin na kong sino, tumingin ako doon at nakita ko si Julliana kasama si Savannah at Brei.

"Hi, freak" Bungad sa akin ni Brei na inirapan ko na lang buti at hindi na siya ulit nag salita. Nanood lang kaming apat doon sa training.

Ilang ulit pa silang nag paikot ikot bago tuluyang natapos ang training. Namataan ko sina Eli na papalapit, kasabay nito si Clyde. Namataan ko din si Ceshiah na agad napairap nang tumingin sa pwesto namin. Meron ba siya ngayon?

Nang makalapit sila ay napansin ko na nakatinggin sa akin nang diretso si Clyde bago tuluyang lumapit at ipinatong ang kanyang kamay sa ulo ko para guluhin ang buhok ko nang kunti.

"Good girl" Yon lang ang sinabi niya at naglakad na palabas kasabay sina Ember na ngayon ay masama na din ang tinggin sa kin.

Napatinggin ako sa paligid at mga mapangasar na mukha ang bumungad sa akin. Napansin ko na magsasalita na sana si Eli nang biglang may nanabunot sa kin.

"You bitch!" Rinig ko na si Farrah yon pero dahil nasa likod siya ay hindi ko mabawi ang buhok ko sa kanya dahil hindi ko siya nakikita.

Kita ang gulat sa mga mata nila nang masaksihan ang pananabunot sa akin ni Farrah. Nakita ko na lalapitan sana ako ni Julliana pero pinigilan siya ni Savannah.

"Don't"

"What do you mean don't? She's my friend!"

"Hayaan mo inagawan niya ang kakambal ko eh, she deserves it"

"You're way out of line, Savannah!"

"Whatever kapag tinulungan mo siya I'll make sure na hindi ka makakatakbo for the next year election"

Yon lang narinig ko bago ko naramdaman na inalis ni Julliana ang kamay ni Farrah sa buhok ko but before she can even do that ay nakita ko na sinabunutan na din siya ni Savannah.

"O my god! Just please stop!"

"Hoy ikaw kirara 1 at kirara 2 bitawan niyo nga ang mga kaibigan ko!" Kahit masakit na ang anit ko sa ginagawa sa akin ni Farrah ay nakita ko kong paano sana susugod si Ceshiah pero pinigilan siya ni Brei.

"Stop"

"Stop mo mukha mo! Bitawan mo ko!" Aaron was trying to get Savannah's hands from Julliana. Ceshiah and Brei was loudly arguing in the back and Eli was trying to help me.

"Ano ba bitawan mo na ang kaibigan ko, ano bang ginawa niya sayo ha?" Ramdam ko na naiiyak na si Eli dahil sa nangyari. Gusto ko nadin umiyak dahil sa sakit nang pagkakasabunot sa akin ni Farrah pero pinangako ko na hindi na ako iiyak kaya naman pinipilit ko ding tangalin na ang pagkakahawak niya sa aking buhok pero parang linta ang kanyang kamay dahil sobrang higpit nang pagkakapit nito sa buhok ko.

"Bitawan mo ko, ano ba!" I was trying to get her off with the help of Eli, but our effort was nothing compared to her hands. Talagang kapit na kapit ito sa buhok ko na lalong namamanhid na ang aking anit. Ramdam ko din na madami dami nadin akong hibla nang buhok na natanggal.

"You wish, bitch!" Gigil na gigil talaga siya kaya naman nang mahawakan ni Eli ang kamay nito ay agaran niya tong kinalmot, leaving a red mark on Eli's arms. Maputi si Eli kaya halatang halata yon pero kahit na nasaktan si Eli ay patuloy lang ito sa pagpigil.

Hindi sanay sa away si Eli kaya alam ko na nahihirapan na siya kaya tumayo ako para mabitawan na ako ni Farrah. Mas matangakad ako sa kanya kaya naman medyo naluwagan niya ang pagkakahawak but before I can even get off her ay nasabunutan na naman niya ako na halos mapasubsub ako sa sobrang lakas.

"Please bitawan mo na si Dulce" Lumapit muli si Eli pero dahil nga nakatayo na kami pareho ni Farrah ay agad niyang naitulak si Eli dahilan kong bakit napa untog ang ulo nito sa may bleachers. Nakita ko kong paano natigil si Brei at Ceshiah sa pagtatalo dahil sa nangyari. Agad dinaluhan nang dalawa si Eli at ako naman ay binitawan na ni Farrah.

"I didn't mean to push her, it's not my fault" Naiiyak na siya siguro sa takot na baka may mangyari kay Eli na masama. Binitawan nadin ni Savannah si Julliana at agad nitong dinaluhan ang kakambal na talaga namang naiiyak na habang nakatinggin kay Eli na walang malay at may dugo sa braso dahil sa kalmot niya at sa ulo dahil sa pagkakatama nito sa bleachers"

Agad akong lumapit kina Eli pero napadaing sa sakit nang braso ko na meron din palang kalmot ni Farrah. Kutsilyo ba yang kuko niya, ang sakit!

Agad na binuhat ni Brei si Eli habang si Aaron naman ay bitbit ang mga gamit namin. Si Ceshiah ay nakaalalay kay Brei habang si Julliana naman ay sa akin. Nakita ko yong kambal na nag uusap bago pumasok sa kotse at umalis na. Bitch!

"What the freak happened to her?!" Nagulantang ako sa lakas nang sigaw ni Clyde nang makita niyang walang malay si Eli habang buhat buhat ni Brei. Medyo naging kulay red na nga yong uniform nito dahil sa dugo na nanggaling sa ulo ni Eli.

Clyde was about to go see Eli nang mapansin niya kami. Agad siyang napatinggin sa mga kalmot ko tapos ay ibinalik niya ulit kay Eli ang tinggin.

"Did you that to her, Clementine?" Kita ko sa mata niya na para bang gusto niya na sumagot ako na hindi ako ang may gawa kaya naman yon ang gagawin ko but before I can even speak bigla na lang akong nawalan nang malay.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...