Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

172K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 59♕

1.8K 49 2
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

♕♕♕

Mabilis siyang nagpatawag ng gagamot sa sugat ko at sa mataas na lagnat na nararanasan ko ngayon, hindi ko na mamalayan na may lagnat na pala ako dahil sa mga malalaim na sugat na natamo ko mula sa pagmamalupit ni Keisha.

Kita ko sa mukha ni Hendrix ang galit kay Keisha pero nung akmang aalis siya sa tabi ko ay agad kong hinila ang kamay niya at pinigilan siya sa pag-alis sa tabi ko dahil alam kong pupuntahan niya si Keisha at kokomprontahin ito.

Iyon ang pinaka ayaw ko mangyari dahil binalaan na ko ni Keisha at ayoko naman mapahamak ang Duchess at ang  pamilya ni Miranda.

"Hendrix pag nalaman ni Keisha na nagsumbong ako sa 'yo paaniguradong ang duchess ang pag-iinitan niya at baka ano pa ang gawin niya sa aking ina," pigil ko at pagmamakaawa sa kaniya ngunit hindi siya nakinig sa akin bagkos hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"Hindi mo naiisip ang paghihirap mo para sa duchess? Hindi ako papayag na saktan ni Keisha ang magiging empress ko," sagot niya at tumingin sa akin.

"Wag ka mag-alala walang mangyayari sa duchess at ako na bahala sa 'yo," tugon niya saka tumayo at binitawan ang kamay ko, saglit niyang kinausap ang doktor saka lumakad papuntang pinto.

"Babalik ako pag natapos na ang trabaho ko, hayaan mo mag-iiwan ako ng bantay para hindi ka makanti ng kapatid mo," sagot niya at pinihit na ang seredula ng pinto saka lumabas rito.

Wala na kong nagawa pa sa kinilos niya at hinayaan na lang magtiwala ang sarili ko sa kaniya, sa ngayon si Hendrix lang ang kakampi ko sa lugar na ito. Khait na alam kong may binabalak din siyang masama sa taaong mahal ko, siya lang ang maaring sagot ko para makatakas sa lugar na ito at alam kong hindi niya ko masasaktan basta sundin ko lang ang utos niya.

Sana lang wag sila magpang abot ni Keisha at hindi sila magkaroon ng iringan dahil malaking gulo ito kung sakali. Baka lalong mapahamak ang mga taong nais kong protektahan.

Kailangan ko rin mag isip ng plano para makatakas dito dahil hindi ko maaaring pabayaan na gawin nila ang plano para mapatay si Viggo at Achlys.

"My lady, inumin niyo po ang gamot na ito para manumbalik ang lakas niyo," utos ng doktor sa akin at inabutan ako ng isang basong tubig na may halong gamot.

Ininum ko naman ito at hindi nagdalawang isip sa doktor na nasa harapan ko pero ilang segundo lang ay nakaramdam na ako ng pagkaantok.

"Magpahinga ka na muna lady Kiera, babalik ang crown prince pagtapos ninto," sagot niya at kinumutan ako saka lumabas ng aking silid.

Ipinikit ko na ang aking mata dahil hindi ko na kinaya pa ang tama ng antok sa aking katawan.

Hindi naman ako sasaktan ni Hendrix hindi ba? Alam kong mahal na mahal niya si Kiera at masakit para sa akin na gamitin siya para makalabas sa lugar na ito pero hindi kasi tama ang paraan niya para mahalin siya ng tao.

Hindi ko siya kaya mahalin dahil na kay Viggo na ang puso ko.

♕♕♕

Umaga, ramdam ko ang pagkapagod ng katawan ko pero ramdam ko rin ang paggaling ng mga sugat ko at pagbaba ng lagnat ko.

Agad akong sinalubong ng isang katulong para pakain ng umagahan, tinulungan niya rin ako maligo saka magpalit ng benda ng sugat ko at magbihis ng damit.

Dinalhan niya rin ako ng libro na maaari kong paglibangan, nais ko sana siya makusap pero halatang mailap siya sa akin pero kailangan kong makahanap ng impormasyon tungkol sa lugar na ito.

"My lady, ako po ang bantay niyo ngayon araw," sagot ng lalaki sa akin at napatingala naman ako sa kaniya, siya iyong lalaking nagbigay sa akin ng pagkain sa selda.

"Salamat," maikli kong sagot sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin, mukhang madali siyang kausapin kaya naman kinuha ko na itong pagkakataon at sinubukan siyang tanungin.

"Kamusta si Keisha?" Tanong ko sa kaniya at bahagyang tumingin sa katulong na ngayon ay wala na sa silid.

"Umalis po si lady Keisha ngayon, aag kayo mag-alala hindi niya kayo makakanti hanggat ako ang bantay niyo," sagot niya at ngumiti naman ako sa kaniya.

"Kung ganun maaari ba kong lumabas at magpaaraw man lang? Gusto ko huminga at makalanghap ng preskong hangin," tanong ko sa kaniya at agad naman siyang tumango sa harapan ko.

"Ayos lang po, basta hindi kayo mawawala sa paningin ko," sagot niya at tumango naman ako.

Sinamahan niya ko sa lumang hardin na kahit isang rosas ay wala kang makikita, tanging mga ligaw na damo at bulakalak lang ang narito.

Habang naglalakad ako sa labas ay todo bantay sa akin ang lalaking ito at ako naman ay patagong inaaral ang lugar para sa aking pagtakas.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin.

"Ed po my lady," sagot niya at tumango ako.

"Pag naging empress ako, hayaan mo bibigyan kita ng posisyon bilang baron kaya maging mabait ka sa akin ah," biro ko sa kaniya at agad naman sumilay sa mukha niya ang pagkagalak at tuwa sa pinangako ko.

Na ulit ang araw, halos tatlong araw din ako naging tahimik at nakisama sa kanila, hindi na ko makanti ni Keisha at pansin kong hindi rin siya bumabalik sa kastilyo, tila ba may pinupuntahan siya sa bayan ng Goldton.

Madalang ko siyang makita at tuwing magkakasalubong naman kami ay panay ang ngiti niya sa harapan ko na sobra kong kinatatakot.

Parang may nagawa siyang bagay na ikakalugmok ko, kaya naman sobrang kabado ako dahil nag aalala akong mabuti sa duchess at duke tapos hindi pa bumabalik si Hendrix tatlong araw na.

Wala din akong balita kay Viggo, hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya at ang kinatatakot ko ay baka nabalik na siya sa pagkakahimbing dahil sa layo namin sa isa't isa. Alam kong iyon ang mangyayari sa kaniya kung maputol ang kontrata at kung malayo siya sa master niya.

Natatakot tuloy ako na baka maging empress na nga ako ni Hendrix at hindi na muli siyang makita pa.

Pero sa paglilibot ko rito ng tatlong araw at sa pagiging maluwag ng bantay iong si Ed ay may nakuha akong mga impormasyon sa maaari kong labasan mula rito.

May isang lagusan sa likod ng kastilyo kung saan kasya ang isang mapayat at maliit na katawan, hindi ko pa nasusubukan kung kakasya ba ako rito at hinaharangan lang ito ng malaking bato na maaari ko naman mabuhat.

Napansin ko iyon nung naglalakad ako sa likod na hardin, halatang luma na ang kastilyo at may malalaking bitak ito sa mga pader kaya naman mabilis kong nahanap ang butas na iyon.

Mamayang gabi, susubukan kong tumakas dahil sa pagkakaalam ko ay madalas matulog si Ed at hayaan ako dahil sa pagkakaalam niya ay mahina pa ang pangangatawan ko at iniintay ko lang si Hendrix dumating.

Akala ng karamihan sa mga kawal dito ay si Keisha ang dapat nilang bantayan dahil ito ang maaaring manakit sa akin ngunit hindi nila alam ay may balak akong tumakas mula sa amo nila na crown prince.

Talagang inihanda ko ang sarili ko rito, nagpalakas ako at kumain para lang handa ang katawan ko sa ano mang mangyari.

At ngayon sumapit na ang oras ng aking pagtakas, tahimik akong nagpalit ng damit at sinuot ang isang hood na itim saka ko inilagay sa aking bulsa ang isang kutsilyo na ipinuslit ko kaninang tanghalian.

Maingat kong pinihit ang seredula ng pinto at sumilip sa mahaba at madilim na pasilyo ng kastilyo, nakita kong nakaupo si Ed sa gilid ng pinto at mahimbing na natutulog kagaya ng inaasahan ko.

Maingat akong humakbang palabas at dahan-dahan na isinara ang pinto saka ako maingat na naglakad sa mahabang pasilyong ito.

Nang makarating ako sa hagdan ay nakita kong wala ring katao-tao, sa pagkakaalam ko ay wala rin si Keisha ngayon at lumabas siya para magpakasaya sa night district ng Goldton empire.

Nagiging pariwala na talaga ang isang iyon, sinisira niya na ang sarili at imahe niya sa high society. Madalas ko rin siya nakikita na humihithit ng tabako na may halong dahon ng isang klase ng droga.

Kaya alam kong wala siya ngayon at madaling araw pa uuwi, magandang oprtunidad ito sa akin para makalabas at makatakbo pabalik ng Lumire empire.

Sa pagkakaalam ko ay malapit lang ito sa border kung saan may malaki at matatayog na bundok bago ka makarating ng Lumire.

Isa iyong short cut pero kung nais mong dumaan sa maayos na daanan gamit ang karwahe ay kailangan mo pang umikot sa piyer.

Naisip ko dumaan sa bundok at kagubatan kesa sa piyer dahil mas mabilis nila akong mahahanap doon at mas malaki ang tyansa na doon nila maisip na roon ako dadaan.

Kaya naman dali-dali akong pumunta sa likod ng kastilyo at nakita ang malaking bato na nakaharang sa malaking butas sa dingding. Inurong ko ito gamit ang buo kong lakas at mabilis na sumot dito.

Buti na lang at kakasya ako rito at walang bantay sa hardin ngayon gabi, maingat akong nakalabas at para bang walang kahirap-hirap ang pagtakas ko sa kanila.

Malaking tulong na rin na mabilis kong nakuha ang loob nila nitong nakaraang araw. Mabilis ko silang na uto kaya mabilis din akong nakalabas rito.

Dali-dali akong tumakbo nang buong bilis ko papasok ng gubat sa likod ng lumang kastilyo at tumakbo papunta sa bundok na nakikita ko.

Tanaw na tanaw ko ito at iyon ang naging palatandaan ko para makapunta sa border ng Lumire.

Ngunit hindi pa ko nakakalayo ay nakarinig na agad ako ng malalakas na sigawan sa loob ng kagubatan, napahinto ako at mabilis na kumabog ang dibdib ko sa mga naririnig ko.

Sa paghinto ko ay agad akong nagtago sa makakapal na halaman at pinakinggan saan nanggagaling ang kaguluhan na iyon.

Ngunit hindi ko pa nalalaman ay agad ko naman narinig ang malakas na boses ni Ed at ng iba pa.

"Diyan ka sa direksyon na iyan at dito naman ako!" Sigaw niya at nakita ko sa madilim namlugar na ito ang lumiliwanag nilang hawak na sulo.

Ngunit sa kinalalagyan ko ay mabilis kong na tanaw ang isang babae na may hawak ding lampara at isang palaso.

Napalunok ako dahil tanaw na tanaw ko kung pano manlisik ang mata ni Kiera, para bang handa na siya manghuli at pumatay ng isang hayop.

Napalunok ako at mabilis na gumapang palayo sa kanila, hindi ko alam saan ako pupunta dahil sa bawat direksyon ay puno ng kaguluhan.

Imbes na matakot ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang mga hiyawan nila ay wala akong nagawa kung hindi doon magtungo at kumaripas ng takbo.

Baka may mga royal knight ang Goldton empire na nakikipaglaban sa gawing ito, o maaaring may misyon sila at kampo sa border baka maaari akong humingi ng tulong o kustodiya sa kanila laban kay Keisha at Hendrix.

Kaya naman agad akong tumakbo doon ng buong bilis ko at narinig ko na lang ang pagsigaw ni Keisha sa likuran ko.

"Kiera!!!" Sigaw niya at nakita ko kung pano niya banatin ang panang hawak niya at itutok ito sa akin.

Kitang-kita ko kung gano manlisik ang mga mata niya at kung gano kaasintado ang pagpuntirya niya sa akin.

Hindi ko na nagawang lumingon ulit at mabilis na tumakbo papalayo sa kaniya ngunit bigla ko na lang na ramdaman ang braso ko na mabilis na natamaan ng palaso galing sa kaniya.

"Argh!" Impit ko pero hindi ako tumigil sa pagtakbo at sunod-sunod na pagulan ng pana ang tumama sa mga dinadaanan ko.

Laking pasasalamat ko na mukhang lulong pa siya sa droga ngayon at hindi makaasinta ng ayos dahil kilala si Keisha bilang isa sa pinaka magaling na archer sa Lumire.

Kaya naman todo takbo ako at hindi ginagawa diretsyo ang direksyon ko para mahirapan siyang asintahin ako.

Ngunit matalino si Keisha, rinig na rinig ko ang mabilis na pagtakbo ng kabayo sa likuran ko at ang tunog ng mahibilis na palaso sa likuran ko.

Halos habulin ko na ang hininga ko sa takot dahil sa ilang beses niya nang nadadaplisan ang braso at paa ko.

Kabado ako na baka sunod na ang ulo ko na tamaan ng palaso niya kaya naman agad akong sumigaw at hindi ko alam bakit pangalan niya ang sinigaw ko.

"Viggo!!!" Hiyaw ko kahit alam kong malabo na makapunta siya rito dahil sa kontrata naming dalawa at maaaring nahulog na siya sa mahabang pagkakahimbing.

"Viggo!" Hiyaw ko at hindi na mapigilan maiyak dahil sa takot at kaba na lumalamon sa isipan ko.

Wala na kong ibang maisip sa ngayon, nais ko na lang na makita ang mukha niya, marinig ang boses niya ay makita ang masaya niyang ngiti sa harapan ko.

Pakiramdam ko sobrang pagod na pagod na ko ay siya lang ang pahinga ko, gusto ko na siyang makasama at matapos ang paghihirap na 'to.

Bakit? Bakit hindi ko mabigyan ng magandang katapusan si Kiera? Bakit hanggang ngayon ang hirap hirap pa rin ng kapalaran niya?

Gusto ko mabigyan siya ng hustisya at gusto kong sumaya sa piling ng lalaking mahal ko.

Pero bakit kahit labanan ko ang tadhana, ganito pa rin kahirap ang daan na tinatahak ko? Bakit kahit ibahin ko ang takbo ng istorya at buhay mo Kiera?

Bakit lungkot at trahedya pa rin ang natatamo mo?

"Viggo! Kailangan kita!" Hiyaw ko at kasunod nun ay ang mabilis na pagtama ng pana sa likuran ko. Halos damang-dama ko ang pagpunit ninto sa laman ko na pakiramdam ko tatagos na ito sa dibdib ko.

Napaubo ako ng dugo pero pilit pa rin akong tumatakbo patungo sa bundok na nasa harapan ko, saka ako napatigil nang tumambad sa akin ang nagkalat na bangkay, isang dragon at bampira na punong-puno ng dugo sa kanilang kamay at katawan.

"Vi-viggo?" Tanong ko sa sarili ko dahil pakiramdam ko namamalik mata lang ako, na baka nag ha-hallucinate lang ako dahil sa pagod at sakit na nararamdaman ko.

"Cana?" Tanong niya at nang makita niya ko ay agad na nagbago ang kulay ng pula niyang mata papunta sa kulay ginto.

Hawak niya ang isang braso niya na puno ng sugat at dugo, habang kitang-kita ko naman si Achlys na hirap na hirap sa kaniyang paghinga at nakasandal sa puno't mukhang wala nang lakas.

"Viggo," tawag ko nang matauhan akong siya nga ang nasa harapan ko, hahakbang ako papalapit sa kaniya ngunit muli kong na ramdmaan ang pagtusok ng matalim na bagay sa dibdib ko.

Muling bumulwak ang dugo sa bibig ko at nakita ko ang mahaba't matulis na espada na nakaturok sa dibdib ko.

"Hindi kita hahayaan mabuhay mahal kong ate," bulong sa likuran ko at lalo pang diniin ang espada sa dibdib ko.

Napalingon ako kay Viggo, kita ko ang gulat sa mukha niya at ang takot sa mga mata niya.

Hindi siya makagalaw at nakita kong na statwa siya sa harapan ko, samantalang ako naman ay ramdam ang panlalamig ng bawat dulo ng daliri ko hanggang sa paakyat na ito nang paakyat sa kamay ko.

Ngumiti ako sa harap ni Viggo at tinaas ang dalawang kamay ko para ayain siyang hakapin ako.

Ito na lang ang huling nais kong maramdaman, ang init ng yakap niya kaya naman binanggit ko muli ang pangalan niya.

"Viggo, mahal ko," bulong ko dahil pakiramdam ko miske ang paghinga ko ay ramdam kong malapit nang tumigil.

"Aaaaah!!!" Rinig kong sigaw niya at mabilis na tumilapon si Keisha sa likuran ko at ramdam kong sinalo ako ni Viggo sa bisig niya.

"Cana! Wag mong ipipikit ang mata mo parang awa mo na, uuwi na tayo," bulong niya sa akin habang hinahaplos niya ang pisnge ko gamit ang kamay niya na puno ng dugo galing sa mga kalaban niya.

"Sa-saglit, parang awa mo na," natataranta niyang utos sa akin at muli akong na ubo ng dugo sa harapan niya, nakita kong tumalsik pa ito sa pisnge niya at sinubukan kong punasan ito gamit ang lakas ko na unti-unti nang nawawala.

"Viggo, ma-mahal," bulong ko at sobrang hirap na ang paghinga ko, gusto ko pang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko pero ramdam kong hindi ko na kaya pa.

"Wag ka na magsalita, alam ko, mahal na mahal na mahal din kita Cana, parang awa mo na saglit lang dadalhin kita sa Lumire," sagot niya at kitang kita ko ang panginginig ng kamay niya, hindi niya alam kung anong gagawin niya sa dugong patuloy na umaagos sa dibdib ko dulot ng malalim na pagkakasaksak ni Kiesha sa akin.

"I-i-naantok na ko," bulong ko sa kaniya at umiling siya sa akin.

"Hu-huwag! Pa-parang awa mo na Cana!" Hiyaw niya at mukhang mawawala na sa katinuan kaya muli akong ngumiti sa kaniya at hinawakan ang pisnge niya.

"Ma-magkikita ta-tayong muli Viggo," bulong ko at ramdam kong unti-unti nang nawawala ang lakas ko.

Hanggang sa sakupin na ng dilim ang paningin ko, unti-unti siyang na wala sa mata ko at ang huling natatandaan ko na lang ay ang mabilis na pagbabalik tanaw ng memorya ko sa memerya ni Kiera.

Pagtapos nu'n isang nakakabinging katahimikan at kadiliman.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

87.7K 2.8K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
3.8K 122 36
"She was his Dark Fairytale and he was her Twisted Fantasy. And together they made Magic." Open the chapter where the magic and power invades~
1.3K 183 52
The best stories! (3.22.22) Running out of stories? Well this is for you then! DISCLAIMER: Each stories have their own Author so read at your own r...
45.2K 2.2K 55
Highest Ranking: #1 KingandQueen #1 castle #1 book #1 historical #1 liar #1 mask Kaharian, kapangyarihan at trono. Iyan lamang ang mayroon si Hilary...