Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

172K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 58♕

1.6K 38 1
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS


Nanunuyot ang lalamunan, kumakalam ang sikmura at halos balutin na ko ng lamig habang namamaluktot sa aking higaan.

Nakakulong ako sa maliit na seldang ito sa ilalim ng isang lumang kastilyo, hindi ako binibigyan ng pagkain ni Keisha sa mga lumipas na oras at ngayon gabi ay halos balutin ako ng lamig dahil sa wala akong kumot o kahit ano mang sapin para mahigaan.

Masahol pa ang lugar na ito sa mga tinutulugan namin noong nasa byahe pa lang kami papunta sa lugar na ito.

Talagang hindi na awa sa akin si Keisha at pinagkaitan ako kahit mga dayami man lang na mahihigaan.

"Bakit ba sobrang lamig sa Goldton tuwing gabi at napaka init naman sa umaga," tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa buwan mula sa maliit na bintana sa aking selda at panay ang kuskos sa magkabilaan kong braso para maibsan ang lamig.

Kitang-kita ko rin ang namumuong usok sa aking paghinga sa hangin, halatang malamig ang klima at ang hangin sa paligid.

Napakagat ako sa labi dahil sa sobrang uhaw, ramdam ko ang pagkatuyot ng lalamunan ko at ang pagbibitak ng labi ko.

Pilit kong pinikit ang mga mata ko at sinubukan makatulog kahit na hirap na hirap ako dahil sa lamig at nang ipikit ko ang mata ko, halo-halong mga isipin na naman ang pumapasok sa isipan ko.

Pawang naglalayag at naglalakbay ang utak ko kung saan, na miske ang araw-araw na pagdalaw sa akin ni Kiera sa panaginip ay hindi ko na nakita.

Umiikot ang isip ko sa katanungan kung bakit ako na punta rito sa sitwasyon na ito, kung pano ako makakalabas at kung anong gagawin ko para makaligtas.

Puno ng mga tanong, puno ng mga plano hanggang sa hindi ko na mamalayan na ipinikit ko lang ang mata ko at maya-maya ramdam ko na ang unti-unting pag init ng klima sa paligid ko at ang pagliwanag ng lugar.

Lambot na lambot kong binuksan ang aking mga mata at nakita ang pagsikat ng araw mula sa labas ng bintana. Tama ang sabi nila, sobrang bilis lang ng gabi sa lugar na ito na halos parang anim na oras lamang ay muling nariyan na ang araw.

Pilit akong bumangon sa pagkakahiga at hinawakan ang ulo ko na sobrang hilong-hilo sa kawalan ng tulog at gutom.

"Buhay pa siya," na rinig kong usapan nila sa labas ng selda ko at nakita ko ang isang lalaki na sumilip sa loob ng selda.

"Buti naman kung hindi malalagot tayo sa crown prince," rinig kong sabi ninto at nakita ko ang dalawa lang lalaki na sumilip sa loob ng aking selda.

"Tsk, hindi ko alam kung sino ang susundin ko, kung ang crown prince ba o si lady Keisha," rinig kong usapan nila at dahan-dahan akong bumalik sa pagkakahiga at pinikit ang mata ko para magkunwari na walang pakialam sa mga pinag-uusapan nila.

"Tanga ka ba? Syempre ang crown prince nagpakita lang tayo ng pagsunod sa kaniya dahil hindi niya pa binibigay ang kabuoan ng bayad niya sa serbisyo natin," sagot naman ng isa na halos ibulong niya na lang ito sa katabi niya, salamat na lang at kulob ang lugar na ito at kahit bulungan ag naririnig ko.

"Sabagay mas malakas ang crown prince at maaari pa siyang magign emperor, at ang babaeng ito ang empress niya, kaya kugn gusto pa natin mabuhay dapat maging maayos tayo sa pagsunod," sagot naman ng isa at sabay-sabay sila nagsitunguhan sa isa't isa.

"Kukuha ako ng pagkain habang wala pa si lady Keisha," tugon ng isa at nagsialisan na sila sa gilid ng selda ko at mayamaya lang ay bumalik ang isa na may hawak na pagkain sa kaniyang kamay.

"Lady Kiera," bulong at tawag ninto sa akin kaya marahan kong binuksan ang mga mata ko at binuksan niya naman ang pinto ng selda.

"Kumain ka habang walang nakakakita," utos ninto sa akin at bumangon naman ako sa pagkakahiga.

Tinignan kong maige ang inihanda niyang desenteng pagkain sa akin ngunit hindi ko maiwasan ang hindi magtiwala, syempre maghihinala ako sa kanila dahil hindi ko alam kung baka palabas lang nila ang usapan nila kanina o yalagang sinadya nilang marinig ko ang usapan na iyon kaya tumingin ako sa kaniya ng seryoso.

"Pano mo ko makukumbinsi na walang halong lason ang pagkain na iyan?" Tanong ko sa kaniya at nakamot niya ang ulo niya.

"Kung ayos lang sa inyong gamitin ko ang kutsara na it ay titikman ko ang pagkain na nasa harapan niyo," saad niya at tumango naman ako saka siya humigop ng sabaw at tinikman lahat ng pagkain na na sa harapan ko.

"Tiga pasunod kami ng crown prince kaya wag kayo mag-alala, mabuti pang ubusin niyo na iyan bago may makakita na iba," sagot niya at tumango naman ako saka ko nilantakan ang pagkain na nasa harapan ko.

Hindi ko na alam kung anong lasa n pagkain dahil panay lunok na lang ako nang mahawakan ko ang mga ito at maisubo sa bibig ko.

Mabilis kong ito naubos at agad na ininum ang isang basong tubig na ibinigay nila sa akin, agad din siyang patagong lumabas sa selda ko bibit ang pinagkainan ko at umalis.

Na ulit iyon nung dumating ang pananghalian at mayamaya lamang ay nakarinig na ko ng pamilyar na paglagutok ng takong sa malamig na simento ng dungeon na ito.

Nakita ko ang mahaba niyang buhok na nakatali paitaas habang suot ang isang pabolosong bistida at mga alahas.

"Magandang tanghali sister Kiera," tawag niya sa akin habang halata ang mga kamay niya na may hawak na kung ano sa kaniyang likuran.

"Na saan ang duchess Keisha? Bakit hindi mo tinupad ang usapan na tin? Isa pa pakawalan mo rin ang pamilya ni Miranda!" Utos ko sa kaniya at narinig ko lang siya tumawa habang binubuksan naman ng bantay ng selda ko ang pinto saka ako kinaladkad palabas dito.

"Malapit na dumating ang crown prince, siguro mga dalawang araw mula ngayon at syempre bago siya dumating kailangan muna natin magsaya hindi ba mahal kong kapatid?" Tanong niya habang hinihila ako at walang magawa sa malakas ng pwersa ng lalaking may hawak sa braso ko.

"Saan mo ko dadalhin!?" Sigaw ko sa kanila at pinaghahampas ang kamay ng lalaki ngunit hindi ako makapalag dito.

"Wag ka syadong atat, malalaman mo rin," sagot naman ni Keisha at dinala nila ako sa pangalawang palapag ng abandodong kastilyo na ito at pinapasok sa isang silid.

Napakunot ang noo ko dahil maayos ang silid na ito, may kama at banyo, malinis at walang alikabok.

"Wag ka muna pakampante, halata sa mukha mong nakahinga ka ng maluwag," saad niya at sinenyasan ang lalaki gamit ang isang tingin niya at agad na akong hinila nung lalaki paupo sa isang upuan at tinali ako rito.

Ang kamay at paa ko ay nakatali sa upan habang siya naman ay nakatayo sa unahan ko saka niya inilabas ang kanina niya pa hawak-hawak sa kaniyang likuran.

"Ako na bahala rito, iwan mo kami," utos niya sa lalaki at agad naman itong sumunod saka niya itinaas ang isang bote na nasa kamay niya.

"Alam mo na siguro kung ano ito hindi ba?" Tanong niya at masama ko siyang tinitigan.

"Isa itong gamot na halos sobrang hirap mahanap, sa katunayan iisa lang ang kayang gumawa ninto at pinapatay ko na siya kahapon lamang," sagot niya sa akin at pinaikot-ikot sa harapan ko ang hawak niyang bote.

"Ito ang antidote sa lason na ginamit ko sa Duke, nakuha ko pa ito sa under ground market at sabi ng nagbenta sa akin ay hindi ito magagawan ng ano mang lunas galing sa ibang manggagamot kung hindi sa kaniya lang," sagot niya at ngumit sa harapan ko kaya sinaman ko siya ng tingin.

"Alam mo Kiesha, hindi ko alam kung anong pumapasok sa kokote mo pero tatay mo ang taong nilason mo! Siya na lang ang natitira mong kadugo!" Sagot ko sa kaniya at minata niya lamang ako.

"Alam mo naman pala, dahil miske ikaw hindi ko naman tinuturing na pamilya pero bakit ikaw pa rin ang pinili ng Duke? Bakit hindi ako? Alam niya naman namatay ang aking ina na mahal na mahal siya ngunit anong ginagawa niya? May asawa't anak na pala siya at nung namatay ang nanay ko? Kayo ang pinalit niya! Kinuha niyo lahat ng dapat sa akin!" Sigaw niya sabay hagis ng bote sa sahig na kinagulat ko, kakasabi niya lang kanina na ito lang ang nag iisang lunas para sa duke pero sinayang niya lang ito.

Sa sobrang galit ko ay pilit akong nagpupumiglas sa pagkakatali sa akin at galit na galit siyang tinitigan.

"Demonyo ka Keisha! Magbabayad ka sa mga ginagawa mo!" Sigaw ko sa at malakas lanh siyang tumawa sabay hablot sa buhok ko at hila rito.

Napaimpit ako habang inis na inis na tumingin sa kaniya kahit na sobrang lakas ng pagkakahila niya sa buhok ko.

"Tandaan mo mas demonyo ka," sagot niya sa akin at pabalang na binitawan ang buhok ko, naglakad siya papalayo sa pwesto ko at may kinuhang kung ano sa ibabaw ng mesa saka ko lang nakita ang isang patpat na hawak niya.

Kalimitan itong ginagamit ng mga guro sa pagdedesiplina ng mga istudyante nila, hindi ito ganong kasakit ngunit kung buong pwersa mo itong ihahagupit sa isang tao ay para kang nilatigo sa akit ninto.

"Alam mo ba pinangarap ko maging guro?" Kwento niya at lumapit sa akin sabay malakas na hinampas ang braso ko.

"Ahhh!" Hiyaw ko sa sakit at agad na tumingin sa kaniya saka ko nakita ang pagguhit ng mga ngiti niya sa labi.

"Kaso mukhang mahihirapan na ko tuparin ang pangarap na iyon dahil sa 'yo, madumi na ang kamay ko at dudumi pa ito pagpinatay ko na kayong dalawa ng crown prince," saad niya at muli akong hinagupit pero pansin ko na lagi niya lang akong hinahampas sa mga parte ng katawan ko na natatago ng damit.

"Subukan mo lang magsumbong sa crown prince ng ginagawa ko sa 'yo ngayon at pati duchess hindi mo na makikita pa, susunod agad siya sa duke aa isang utos ko lang sa mga servant ko," sagot niya at halos mapapikit na lang ako habang ramdam na ramdam ng balat ko ang malalakas na hagupit ng patpat na hawak niya.

Parang mapupunit ang balat ko kada hampas niya, umiinit na ito at pakiramdam ko magiging manhid na sa ilang hampas pa na matatamo ko.

Umiikot ang tawa niya sa loob ng silid at ang malalakas na hagupit niya sa katawan ko, halos mapadugo ko ang labi ko sa pagkakakagat dito dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Ayoko humingi ng awa sa kaniya, ayokong kausapin siya o kahit tignan man lang ang mukha niya na sobrang saya sa pagpalo na ginagawa niya.

Tiniis ko ang lahat dahil kung kaya niya ngang itapon ang nag iisang antidote para sa lason ng kaniyang ama, panigueadong kayang-kaya niya ring patayin ang duchess.

Kakayanin kong tiisin ang sakit na ginagawa niya pero hindi ko kayang isipin na mamatay ang babaeng nag iisang kakampi ni Kiera simula nung una.

Napamahal na ko sa duchess at sa duke, itinuring ko silang pangalawang pamilya ko sa panahon na ito at sobrang sakit malaman na nasa bingit sila ng kamatayan.

Kaya yumuko na lang ako sa kinauupuan ko habang damang dama ko ang paghagupit ng pamalo sa buong katawan ko kung saan hindi ito makikita ng crown prince.

Nang matapos siya sa kaniyang pagpapakasaya ay nag-utos siya ng isang katulong na bihisan ako at ayusan, nilagyan din nila ng gamot ang mga sugat ko.

Akala ko ayos na ang lahat, akala ko kailangan ko na kang intayin si Hendrix para makapag-usap kami ngunit hindi siya dumating sa loob ng tatlong araw sa mga araw na iyon ay paulit-ulit na sinasagawa ni Keisha ang pagpapahirap niya sa katawan ko.

Paulit-ulit niya kong sinasaktan, hindi siya na kuntento sa pamalo at nagdala pa ng latigo o hindi kaya iba pang bagay na makakapanakit sa akin.

At may pagkakataon pa na papasuin niya ang likod ko ng mga titis ng tabako na hinihithit niya. Hindi pumasok sa isip ko na nagsisigarilyo ang babaeng ito at kung tama ako isang uri ng droga ang tabakong kinukunsumo niya.

Pang-apat na araw ko na rito sa lugar na ito, halos mamula at magsugat na ang likuran, braso at binti ko. Ang tanging maayos lang sa katawan ko ay ang mukha ko, ang mga kamay at paa ko pero ang kabuoan ninto ay puno ng sugat at paso galing aa galit ni Keisha.

"Kumain na po kayo lady Kiera," pag-aaya ng katulong na nag-aalaga sa akin ngunit wala akong gana kumain, wala na kong lakas pa para lumaban o mag isip, umeeko na lang sa utak at pandinig ko ang mga senaryo kung saan patuloy akong hinahagupit ni Keisha.

"Iiwan ko na po ang pagkain niyo rito," sagot niya at inilapag ang pagkain sa harapan ko saka naglakad pabalik ng pinto at nang bubuksan niya ang pintuan ay saka naman niluwa ninto ang crown prince.

Gulat na gulat siya nang makita ako ngunit parang manhid na ko para magbigay ng reaksyon o salubungin siya ng pagbati, pa tuloy lang akong tahimik sa kinauupuan ko at pilit na tinatago ang sakit sa katawan ko.

"Keira, ayos ka lang ba?" Tanong niya at agad na sinara ang pinto at lumapit sa akin, lumuhod siya sa binti ko at niyakap ako mula rito.

Napapikit ako nang madaganan niya ang binti ko na puno ng sugat galing aa pagmamalupit ni Kiesha ngunit pilit ko itong tinago sa kaniya.

"Pasensya ka na kung natagalan akong tagpuin ka, masaya ako at pumayag kang sumama sa akin, hindi ko akalain na tutuparin ng kapatid mo ang pinag-usapan namin," sagot niya at hindi ko alam kung inosente ba siya o ano. Basta alam ko kakampi siya ni Keisha at may balak din siyang itapon ninto.

"Kiera, bakit ayaw mo magsalita? Kamusta ka na? Hindi ako makapaniwala na pinili mo ulit ako kesa sa alipin na iyon," dagdag niya at tumayo sa pagkakaupo at hinawakan ang dalawang pisnge ko.

"Hindi mo alam kung gano mo ko napasa nung pumunta ka sa Goldton para makasama ako," dagdag niya pa at hindi ko alam bakit kusang tumulo ang luha sa mga mata ko na kinabigla niya, natahimik siya at halata sa mga mata niya na sobrang nasasaktan siya sa mga nakikita niyang mga luha ko na isa-isang nagbabagsakan mula sa mata ko.

"Kiera, bakit?" Tanong niya at napaupo ulit sa harapan ko saka yumuko.

"Napilitan ka lang sa pagpunta mo rito tama ba?" Tanong niya at hindi na ko makasagot pa, tumingin ulit siya sa akin at ngumiti ng pilit kasabay ng pagtulo rin ng luha niya sa mata.

"Pasensya ka na Kiera, kahit masaktan ka hindi na kita pakakawalan pa, hayaan mo matutunan mo rin na mahalin ako," saad niya at hinalikan ang noo ko.

"Hendrix," tawag ko sa kaniya at muli niyang hinalikan ang noo ko.

"Hayaan mo, Gagawin ko ang lahat para matutunan mo kong mahalin at para mahulog din ang puso mo sa akin, tatapusin ko kang ang misyon ko sa border ng Goldton at papatayin ang dragon at bampirang iyon," saad niya na nagpatigil sa akin, parang tumigil ang oras ko at lalong nahulog sa kalungkutan nang marinig ko ang sinabi niya.

"Nakahanap na ko ng paraan para makapatay ng dragon, hindi ka na nila makukuha pa sa akin kaya naman wag ka mag-alala, hindi ka na nila masasaktan," saad niya at napahawak ako sa dalawang braso niya at tinignan siya nang seryoso habang hindi mapigilan ang pagtakas ng mga luha ko.

"Alam mo kung ano sila? Anong gagawin mo?" Tanong ko at hinaplos niya ang ulo ko saka ngumit sa harap ko.

"Papatayin ko sila Kiera, dahil ngayon alam ko na, na napipilitan ka lang dahil natatakot ka sa kanila, kaya mo siya pinili dahil sa tinatakot ka niya di ba? Bampira siya halimaw sila kaya wala kang magaw akjng hindi sundin ang gusto ni Viggo dahil wala kang lakas na makatakas sa bampira at dragon na iyon tama ba?" Tanong niya at muling hinalikan ang noo ko habang ako hjndi makasunod sa mga sinasabi niya.

"Alam ko na ngayon kung bakit siya ang pinili mo, wag ka na matakot ako na bahala sa kanila, kahit halimaw sila ay may paraan ako para patayin sila, makikita mo Kiera dadalhin ko sa 'yo ang ulo ng dalawnag halimaw na iyon," saad niya na lalong nagbigay sa akin ng kaba.

Nagkakamali ka Hendrix, hindi ko pinili maging kaibigan si Achlys dahil sa natatakot ako sa kaniya o hindi ko minahal si Viggo dahil sa inutos niya at natatakot ako sa kaniya kung hindi dahil talagang minahal ko siya.

"Parang awa mo na Hendrix, itigil na natin ito wala silang kasalanan dito," sagot ko at hindi ko alam bakit parang umiikot na naman ang paningin ko.

"Kiera? Kiera!" Rinig kong tawag sa akin ni Hendrix at bigla na lang ako bumagsak sa sofa. Agad niyang hinawakan ang noo ko at agad na hinila ang manggas ng damit ko saka tumambad sa kaniya ang napakaraming sugat mula sa pagmamalupit ni Keisha.

"Sinong may gawa ninto sa 'yo? Si Keisha ba!" Tanong niya at hindi na ko nakasagot pa at tanging nakikita lamang ang galit na galit na mukha niya.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 185 34
Akala ni Lyra Madrid ay nasa ayos ang lahat kaya wala na siyang mahihiling pa. Mabuting magulang, maaasahang kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Pe...
2K 238 28
Title: Sweet Treats Author: katanascytheslash29 Genre: Scifi, Mystery/Thriller, Action Things are getting bittersweet as the time flies. A parasite...
1.3K 183 52
The best stories! (3.22.22) Running out of stories? Well this is for you then! DISCLAIMER: Each stories have their own Author so read at your own r...
69.1K 5K 117
Blue -Sabrina Lorraine Park *typographical and grammatical errors ahead.. Meet Blue- Sabrina Lorraine Park a highschool students full of talents,- b...