Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

172K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 54♕

1.5K 45 3
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

♕♕♕

Huni ng mga ibon ang gumising sa akin at ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas ng beranda, pupungas-pungas kong kinusot ang aking mata at inunat ang aking mga braso.

"Magandang umaga," rinig kong bulong niya at naramdaman ko ang mainit niyang palad na gumagapang papunta sa likuran ko.

Agad na kumunot ang noo ko nang ramdam na ramdam ko ang balat niya sa balat ko kaya agad akong napamulat at napatingin sa lalaking ngiting-ngiti sa harapan ko.

"Kamusta ang tulog mo?" Tanong niya at halos mapanganga ako nang makita ko ang maputi niyang balat at ang kaniyang matikas na dibdib na sumisilip sa kumot.

Doon, sa mga oras na 'yun agad na pumasok sa isipan ko lahat ng mga nangyari sa 'min dalawa kagabi.

Agad akong napasilip sa ilalim ng kumot at nakita ang katawan kong wala nang saplot saka ako napanganga at napatingin sa kaniya.

Ngiting-ngiti lang siya sa harapan ko at panay ang hawak sa buhok ko.

"Oh bakit parang na gulat ka? Wag mong sabihin nakalimutan mo ang nangyari sa 'tin kagabi?" Tanong niya at halos mapanganga na lang ako dahil totoo nga ang mga nangyari sa min kagabi at hindi panaginip.

Buong akala ko nagkaroon lang ako ng isang mainit na panaginip, 'yung tipong sa sobrang sarap ng nangyari sa min kagabi ay hindi na nag process pa ang utak ko at inakala kong panaginip lang ang lahat.

Mantakin mo 'yun Cana, sinuko mo ang bataan at sa bathtub niyo pa talaga ginawa ang bagay na iyon.

Agad kong tinakpan ang mukha ko dahil sa hiya nang maalala ko lahat ng mga pinaggagawa ko kagabi.

'Yung paghiyaw ko at halinghing sa sakit at sarap na naranasan ko, 'yung pagmamakaawa ko sa kaniya na angkinin ako, 'yung mga posisyon na ginawa ko para lang mas maramdaman ko siya sa loob ko.

"Aaaaah! Mahabagin!" Reklamo ko at narinig ko na lang siya tumawa nang malakas.

"Hahahaha, ano pinagsisihan mo na ba o hindi ka lang makapaniwala sa nangyari sa 'ting dalawa?" Tanong niya at agad ko siyang hinarap.

"Hindi naman panaginip 'yun di ba?" Tanong ko sa kaniya at tumango siya saka tinuro ang dibdib ko.

"Mukha bang panaginip lang ang mga kiss mark na iyan?" Tanong niya at napayuko naman ako saka ko nakita ang mga marka ng halik niya sa balat ko.

Napatingin ako sa dibdib ko at sa iba pang parte ng katawan ko saka ko nakita ang mga marka na ginawa niya sa akin.

"Wag ka magtaka kung hindi ganong masakit ang maselang bahagi mo, alam mo naman siguro na kayang makapaghilum ng mga labi ko hindi ba?" Sagot niya sabay dila sa kaniyang labi at pakita ng pilyo niyang ngiti na lalong nagpamula sa mukha ko.

Napatakip ako sa aking mukha nang maalala ko kung gano kainit ang gabing iyon, hindi ko lubos maisip na gagawin ko 'yun sa panahon na 'to!

"Hahaha wag ka na mahiya, nakita ko na bawat sulok ng katawan mo," saad niya sabay hila sa 'kin pabalik sa pagkakahiga at niyakap niya ko sabay yupyup ng mukha niya sa dibdib ko.

"Tanghali na pero wala akong balak bumangon, sana lagi na lang tayong ganito," bulong niya at niyakap ko rin siya saka hinalikan ang ulo niya.

"Sana nga ganito na lang tayo, sana matapos na ang problema," tugon ko at mas naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap sa bewang ko.

"Kaso kailangan kong puntahan si Diana mamaya upang asikasuhin ang Duke at para mahanap din ang Duchess, kailangan ko rin maghanap ng makakain na tin para sa mga sususnod na linggo," sagot niya at napabuntong hininga ako.

"Viggo, pasensya ka na kung nadamay ka pa sa gulong ito, ikaw tuloy lahat gumagawa ng trabaho para hindi tayo mahuli," sagot ko at umiling naman siya saka tumingin sa mga mata ko.

"Sa totoo lang, gusto ko nga na itakas ka na lang at magpakalayo-layo, gusto kong tumira tayo sa malayong lugar na hindi nila alam at walang nakakakilala sa atin para naman masolo na kita at walang ibang hahadlang sa 'ting dalawa," sagot niya at na isip ko rin ang bagay na 'yun.

Pupunta kami sa lugar ng walang nakakakilala sa amin, doon pwede kami mabuhay ng normal at walang hahadlang na estado sa aming dalawa, walang noble o slave na kategorya na nakapataw sa aming dalawa.

Malaya kaming mamumuhay ng wlaang manghuhusga, malayo sa mga mata ng high society.

Ngunit hindi ko naman papayagan na maghari-harian lang si Keisha, hindi ko papayagan na gawin niya ang nais niya at ang maitim niyang binabalak sa Romulus.

Isa pa kailangan ko pang mahanap ang duchess at makpirma na ayos lang siya bago ko isipin ang pagtakas at paglayo sa lugar na 'to.

"Gusto ko rin Viggo, sobra kong gusto ngunit hindi ko maiiwan ang Duchess, hindi ko maiiwan ang mga tao sa border at ang mga panilya na umaasa sa negosyong hawak ko," sagot ko sa kaniya at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata pero nagawa niya pa rin ngumiti sa harap ko.

"Alam ko, alam kong malaki ang responsibilidad mo bulang lady ng border kaya naman gagawin ko lahat para matulungan ka at malinis ang pangalan mo," sagot niya at napangiti na lang ako saka ko inabot ang mukha niya at muli siya inundayan ng halik.

Tanghali na ngayon pero mukhang ipagpapatuloy pa namin ngayon ang bagay na ginawa namin kagabi.

♕♕♕

Nakaupo ako sa kama habang pinagmamasdan ko siya mag-ayos, na pagpasyahan na namin kumilos at ngayon ay babalik siya sa Lumire Empire at patagong kikitain si Diana.

Kailangan namin mailigtas ang duke at makumpirma na magigising siya sa tulong ni Diana kaya naman muli siyang aalis para malaman ang kalagayan ng duke at ang sunod naming gagawing hakbang.

"Babalika agad ako, kainin mo muna 'yung mga pagkain diyan na inihanda ni Wilbert at babalik ako na may dala pang mas marami," sagot niya at tumango naman ako at ngumiti.

"May iba ka pa bang gusto? May kailangan ka ba ipakuha o importanteng bagay na kailangan mo?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Ikaw lang naman ang kailangan ko at importante sa 'kin kaya dalian mo at bumalik ka rito," sagot ko sa kaniya at nakita ko ang ngiti na gumuhit sa labi niya.

"Bolera, osiya sige na aalis na ko, mag-iingat ka ah," sagot niya at tumayo na ko para halikan siya sa pag-alis niya.

"Ikaw ang mag-iingat," sagot ko at humalik sa pisnge niya na kinagulat niya, napataas naman ang kilay ko sa reaksyon niya dahil bakit pa siya magugulat kung ginawa na namin ang bagay na iyon.

"Ano ka ba bakit ganiyang ang ekpresyon mo?"tanong ko sa kaniya at napakamot siya ng batok niya.

"Pano, pag ganiyan ka parang ayaw ko na umalis at gusto ko na kang na muli kang sunggaban," sagot niya at natawa na lang ako saka tinapik ang balikat niya.

"Umuwi ka na lang nang maaga," sagot ko at agad siyang napangiti at tumango.

"Sige pala alis na ko," sagot niya at agad na nawala sa paningin ko.

Napailing na lang ako at hindi maiwasan mapaisip ng mga ginawa namin kagabi, nakakaloko lang dahil sa nangyari na iyon ay bahagya kong nakakalimutan ang isipin ko nitong mga nangyari kahapon.

"Mas maige na rin na hindi ako ganung nag-aalala para makapag-isip ako ng tama at makapagplano ng susunod kong hakbang," bulong ko sa sarili ko at kumuha na ng timba at basahan para muling maglinis ng silid at iba pang parte ng mansion na ito.

Halos dalawang oras din ako naglinis at nang makatapos ako ay bumaba ako ng hagdan para tignan ang kusina kung may magagamit pa kong kagamitan roon pangluto.

"Hmm... marurumi lang ang mga kagamitan pero magagamit pa ang mga ito," saad ko at isa-isa hinalungkat ang mga kagamitan sa malaking kusina na ito at sinubukan magluto ng pagkain ko.

"Sabi ni Viggo may maliit na taniman raw sa likod ng mansion, may mga gulay pa kaya roon?" Napakamot ako sa ulo ko at isa lang ang sagot sa tanong na iyon, iyon ay puntahan an lugar at tignan sa sarili ko.

Kaya naman maingat akong lumabas ng mansion na may dalang basket at gunting na nahanap ko sa kusina.

Naglakad ako sa likod ng mansion at nakita ang maliit na green house doon, pagpasok ko sa loob ay tumambad sa 'kin ang samo't saring mga halaman na namumunga.

"Iyon may kamatis," tugon ko at pumitas roon gamit ang mapurol na gunting na hawak ko.

Pinuno ko ang basket ng iba't ibang mga bunga ng puno at halaman na naroon, nakakatuwa lang at buhay pa rin ang mga halaman na narito at mukhang lalo silang lumago at kusang nagparami sa green house na ito.

Kung dito kami mamalagi ni Viggo, paniguradong hindi kami magkukulang sa mga prutas at gulat na nakatanim sa bakuran na ito.

Napangiti ako, dahil kahit papano ay nakakaraos pa rin ako sa problemang dinadanas ko.

Kailangan ko lang talaga amging matatag at maging mautak sa mga plano at desisyon na gagawin ko.

"My lady," napalingon ako at agad na nabitawan ang basket na hawak ko nang makita ko si Miranda sa harapan ko.

"A-anong gi-ginawa mo rito? Pa-pano mo ko nahanap?" Litong-lito kong tanong sa kaniya habang siya ay halatang balisa at palingat-lingat sa paligid.

"Pinadala po ako ni lady Keisha rito para ibigay sa inyo ang sulat na ito," tugon niya at lumapit sa 'kin nung makumpirma niyang mag isa lamang ako.

"My lady! Parang awa niyo na, sundin niyo ang nakasulat sa liham na iyan dahil kung hindi ay mamatay ang buong pamilya ko at ang duchess! Baka isunod din ako ni lady Keisha, my lady!" Pagmamakawa niya sa harpa ko at biglang lumuhod at kumapit sa palda ko.

"Papatayin niya ko, papatayin niya kami!" Para siyang mawawala sa kaniyang katinuan habang sinasabi niya ang kataga na iyon at halatang napakalalim ng kaniyang mata at kulang sa tulog.

"Kumalma ka Miranda! Sagutin mo muna ang tanong ko, pano mo ko na tuntun rito? May kasama ka ba? May iba pa bang nakakaalam sa pinagtataguan ko?" Tanong at usisa ko sa kaniya habang hawak ko ang dalawnag balikat niya at pilit siyang piangsasalita.

"Na-narinig ko po si sir Viggo at sir Wilbert na nag-uusap at agad kong sinabi ku lady Keisha kung na saan kayo gamit ang mensaherong uwak na binigay niya sa akin," sagot niya at nanginginig ang buong katawan niya.

"Anong sabi mo? Ikaw ba ang naghaharid ng balita kay Keisha?" Tanong ko sa kaniya at agad naman siyang tumango.

"Wala akong ibang paraan para maligtas ang pamilya ko my lady, hawak niya ang buong pamilya ko at pag hindi ko sinunod ang utos niya ay papatayin niya ang mga ito, lady Kiera! Parang awa niyo na, ayoko na makakuha pa ng panibagong parte ng katawan ng pamilya ko!" Sagot niya na lalong nagpagulo at nagpagimbal sa isip ko.

"Pinapadalhan ka niya ng alin?" Pagkumpira ko at tuluyan na siyang umiyak sa harapan ko.

"Pinutulan niya ng daliri ang aking ama at pinadala ito sa 'kin nung nakaraang buwan, at nitong umaga lang ay ang mga kuko naman ng aking ina! My lady! Parang awa niyo na iligtas niyo ang pamilya ko!" Pagmamakaawa niya at ngayon alam ko na bakit laging balisa si Miranda, dahil sa hawak ni Kiesha ang buhay ng pamilya niya.

Lumuhod ako at pinahinahon siya sa kaniyang pag-iyak, lahat ng mga ginagawa ni Keisha sa kaniya ay sinabi niya sa 'kin at pati lahat ng mga nagawa niya para kay Keisha ay inamin niya na rin sa akin.

Siya pala ang ginawang mata sa border ng magaling kong kapatid,inutusan niya si Miranda na malapit sa akin at kunin ang loob ko kapalit ng malaking halaga.

Pero nung una lamang iyon, dahil habang pabigat nang pabigat ang inuutos niya kay Miranda ay umaayaw na ito at nagtakang sabihin sa akin ang totoo na nagbunga naman ng pang bo-block mail sa kaniya ni Keisha.

Dinukot nito ang pamilya niya at tinago sa hindi niya alam kung saan, tuwing hindi niya ginagawa ang pinag-uutos sa kaniya ni Keisha ay may dumadating sa kaniyang kahon na may laman na iba't ibang parte ng katawan ng kaniyang pamilya.

Una ay ang daliri ng kaniyang ama na may suot pang wedding ring, sunod ay ang mga kuko ng kaniyang ina na kilalang-kilala niya dahil sa kakaibang hugis ninto, at nitong nakaraan lang daw at isang tenga, maliit na tenga na tinataya niyang parte ng kapatid niyang bunso.

Halos magimbal ako sa mga nalaman ko tungkol sa ginagawa ni Keisha, alam kong talamak ang kakaibang pagpatay sa panahon na ito pero hindi ko maatim na kayang gawin iyon ng kapatid ko.

Halos mahilamos ko ang mukha ko nang mabasa ko ang liham na hawak ko ngayon, kusa nang tumulo ang luha ko nang mabasa ko ang mga nakasulat doon.

"Kilala ko siya my lady, kung kaya niyang gawin iyon sa inosenteng pamilya ay kaya niya rin iyon gawin sa Duchess, lalo na't hindi natin maitatanggi na malaki ang galit niya rito," sagot niya at iyon din ang na iisip ko.

Baka hindi lang mawalan ng daliri ang duchess o mabulag ito, baka tuluyan niya nang patayin ang duchess dahil alam kong malaki ang galit niya rito.

Pero hindi ko kayang mangyari iyon, hindi ko hahayaan mangyari iyon dahil importante sa akin ang Duchess kahit na sabihin nating hindi ako ang tunay niyang anak na si Kiera.

Hindi ako papayag na gawin na lang ni Keisha ang mga gusto niya, kaya naman hindi na ko nakapag-intay pa at sinunod ang nakasulat sa liham.

Pero hindi ako tanga para kumagat ng ganoon sa liham na gusto niya, dahil nakasulat doon na dapat ako lang ang pumunta sa lugar na pinag-uutos niya.

Alam kong alam niya na kung ano si Viggo at iyon ang iniiwasan niya, ang makalaban ang isang bampira kaya naman nag-iwan ako ng liham kay Viggo at iniwan ko mismo ang liham na pinadala sa kin ni Keisha.

"Ihatid mo ko sa tinutukoy niyang lugar," sagot ko kay Miranda at tumango naman siya habang panay ang paghingi ng paumanhin sa akin.

"Patawarin niyo ako my lady," sagot kiya at umiling naman ako saka ko tinapik ang balikat niya.

"Sobrang bata mo pa at ganito na agad ang dinaranas mo, hayaan mo oag naging ayos ang lahat ay mababawi rin natin ang pamilya mo," sagot ko sa kaniya at maiyak-iyak siyang tumango sa akin habang naglalakad kami palabas ng mansion at doon ako sinalubong ng isang itim na karwahe.

Napalunok ako, dahil pag sumakay ako sa karwahe na iyon ay maaaring katapusan ko na o hindi naman kaya ay isa iyong patibong.

Pero ukol sa liham, kung sumama ako sa kaniya ay papakawalan niya ang duchess at ibibigay niya sa akin ang antidote ng lason na ginamit niya sa duke.

Alam kong malaking pursyento na isa itong patibong, pero hindi naman ako pwedeng tumunganga lang dito at intayin ang tulong ng iba.

Isa pa alam ko naman na mahahanap ako ni Viggo at ni Achlys dahil sa magpapadala ako kay Miranda ng sulat para ipaalam kay Achlys kung na saan ako, para na rin matulungan niya si Viggo iung sakaling may mangyari.

Tumingin ako kay Miranda habang paakyat ako ng karwahe na maghahatid sa 'kin sa kapahamakan.

Sumenyas ako sa kaniya dahil sa hawak niya ang lihim na ipapadala kay Achlys, alam kong hindi siya sasaktan ni Keisha dahil sa ginagamit niya pa si Miranda sa mga plano niya kaya nakakasigurado ako na madadala pa ito ni Miranda sa Summer grave.

"Mag-iingat ka," mahina kong bulong gamit ang mga labi ko at tumango naman siya sa akin at maiyak-iyak na nagpasalamat at humingi ng patawad.

Umiling lang ako sa kaniya at ngumiti sa harapan niya ngunit agad ding nawala ang ngiti na iyon nang makita ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na hood sa kaniyang likuran at mabilis siyang sinaksak sa kaniyang dibdib.

Napatayo ako sa karwahe at akmang lalabas rito ngunit hindi ko mapihit ang seredula ng pinto at wala akong ibang nagawa kung hindi sumigaw at hampasin ang bintana ng karwahe habang kitang-kita ko sa aking mga mata ang pagbagsak ni Miranda sa lupa habang nakatingin sa direksyon ko.

"Aaaah! Bakit mo nagawa 'to Keisha!" Hiyaw ko at napaluhod na lang sa loob ng karwahe at wala nang nagawa sa pagkamatay ni Miranda sa aking harapan.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 185 34
Akala ni Lyra Madrid ay nasa ayos ang lahat kaya wala na siyang mahihiling pa. Mabuting magulang, maaasahang kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Pe...
298K 11.9K 37
[COMPLETED] Namatay siya nang mahulog ang sasakyan na minamaneho sa taas ng skyway, however, she was resurrected inside a novel that she once read, b...
202K 8.1K 29
Luna traveled back in the year 1889, and she's stuck inside the body of Lady Celestine --- the noble lady who's bound to marry the King of Citadel. ...