Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

172K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 51♕

1.5K 46 2
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

♕♕♕

Napapalibutan ako nang makapal na usok, itim na usok na sobrang pamilyar sa 'kin. Muli akong nakatayo sa malamig na simento ng tore na ito kung saan kitang-kita ko ang sinag ng bilog na pulang buwan.

Nakatayo siya sa harap ko, tahimik na pinagmamasdan ang gagawin ko, katulad ng paulit-ulit kong nakikita sa panaginip ko.

Patuloy lang siyang nakatingin nang seryoso sa 'kin habang makikita mo sa mga mata niya ang paghingi ng saklolo dahil sa kalungkutan.

Sinubukan kong humakbang papalapit sa kaniya ngunit kada ginagawa ko iyon ay lumalayo siya at laging nawawala sa makakapal na usok na nakapaligid sa 'ming dalawa.

"Kiera, gusto kong matapos na ang kalungkutan mong ito, bakit hindi mo buksan ang puso mo sa magandang kinabukasan na tinatanggihan mo?" Tanong ko sa kaniya hanggat kaya ko pa magsalita sa loob ng mahabang panaginip na ito.

"Pwede kang maging masaya, kahit hindi ka nakakapaghiganti," muli kong tawag sa kaniya at mabilis na humakbang papunta sa pwesto niya.

Agad kong na hawakan ang braso niya at napigilan siya sa paglayo sa 'kin, nang mahawakan ko ang balat niya, ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng galit niya sa katawan ko.

Lahat ng emosyon ng Kiera na nasa harapan ko ay ramdam na ramdam ko.

Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang paghikbi niya kaya naman niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran at dinamayan siya.

"Subukan na 'tin maging masaya sa buhay na 'to Kiera, ayokong makulong ka sa sarili mong kalungkutan," bulong ko sa kaniya at unti-unti kong na ramdaman ang init sa katawan niya at ang pagsikat ng liwanag mula sa pulang buwan.

Ramdam kong unti-unti na wawala ang usok sa paligid at umaaliwalas ang paningin ko sa loob ng lugar na ito.

"Tulungan mo ko maging masaya Cana," rinig kong bulong niya at bigla na lang akong napabangon sa pagkakahiga at napahawak sa aking pisnge dahil ramdam ko ang pagdaloy ng aking luha mula rito.

"Panaginip na naman?" Rinig kong tanong ni Viggo habang nakaupo siya sa sofa na nasa loob ng aking kwarto, inikot ko ang paningin ko sa loob ng silid at hindi ko alam bakit hinahanap ko si Kiera sa paligid.

"Binangungut ka na naman ba?" Tanong niya at lumapit sa 'kin saka nagsalin ng isang basong tubig at pinainum ito sa 'kin, inabot ko naman ito at kalmadong uminum.

"Nakausap ko siya sa pagkakataon na 'to Viggo," sagot ko sa kaniya at umupo siya sa tabi ko saka ako hinila sa bisig niya.

Niyakap niya ko at pinakalma ako sa pamamagitan nang paghaplos niya sa likuran ko.

"Mabuti naman, dahil matagal mo nang gustong kausapin siya hindi ba?" Tanong niya at agad naman akong tumango.

Sa totoo lang, halos magkakalahating taon na simula nang araw-araw akong dinadalaw ni Kiera sa panaginip ko. Sa sobrang tagal na nito ay na sanay na ko sa paulit-ulit na sinaryo kung saan lagi ko siyang hinahabol at nais makausap.

Ngunit ito ang unang pagkakataon na may lumabas na boses sa bibig ko, ito 'yung unang pagkakataon na nakausap ko siya at na sabi ko ang gusto ko.

"Viggo, hindi ka na naman ba natutulog?" Tanong ko sa kaniya dahil halatang kanina pa siya gising at iniintay akong magising sa panaginip na lagi akong dinadalaw tuwing gabi.

"Hindi ako makatulog eh," sagot niya at bumitaw na sa yakap namin, pilit niya kong pinabalik sa pagkakahiga at kinumutan ulit ako.

"Matulog ka pa, alas tres pa lang ng madaling araw," sagot niya at hinalikan niya ko sa noo saka ko pinikit ang aking mata at hinayaan na ipagpahinga ang katawan at isip ko.

"Matulog ka ng mahimbing, dito lang ako sa tabi mo," saad niya at na ramdaman ko siyang tatayo na sa kama ko kaya agad kong hinawakan ang kamay niya at pinigilan siyang umalis.

"Pwede bang tabihan mo ko sa pagtulog Viggo?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko ang pamumula sa mukha niya sabay hawak sa batok niya at lihis ng tingin sa 'kin.

"Kung gusto mo, pero hindi ko mapapangako na wala akong gagawin sa 'yo," sagot niya at natawa naman ako sabay hila sa kaniya pahiga ng kama.

"Malakas lang loob mo magsabi ng ganiyan pero halos isang taon na tayo magkasama pero hanggang halik ka lang," pang-aasar ko sa kaniya at hiyang-hiya siya sa sinagot ko sa kaniya.

"Wag mong ubusin ang pasensya ko, buti nga't napapanindigan ko ang pangako ko sa tatay mo," sagot niya saka humiga sa tabi ko at agad ko siyang niyakap nang mahigpit.

"Aalis ka na naman mamaya," saad ko at na ramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko habang nakadantay ang isang binti ko sa kaniya.

"Kailangan eh, wag ka mag-alala mapapaaga raw ang pagtatapos ko sa training dahil sa alam mo na, mas malakas pa ko sa heneral," mayabang niyang sabi kaya natawa naman ako at hindi maiwasan matuwa dahil sa wakas ganap na siyang knight.

"Madaya ka nga eh, dapat apat na taon pa ang igugul mo sa pag-te-training pero para kang nag short cut ng tatlong taon dahil sa kakaiba mong lakas," saad ko sa kaniya at natawa lang siya sabay yakap din sa 'kin.

"Wag ka na nga mag-isip ng kung ano-ano dyan, matulog ka na at marami ka pang aasikasuhin mamaya," saad niya at tumango na lang ako at sinunod ang sinabi niya.

Dahil sa komportableng yakap ni Viggo sa 'kin ay mabilis akong nahulog sa muling pagkakahimbing.

♕♕♕

Kalahating taon na ang nakakalipas simula nang pumasok si Viggo sa pagiging knight at nang umalis naman si Achlys sa border at nagtayo ng sarili niyang kastilyo sa summer grave kung saan nais niyang mag-umpisa ng kaniyang sariling emperyo.

Mabilis na kumalat ang balita sa buong Gazina tungkol sa isang binata na nagtatangkang bumuo ng sarili niyang emperyo.

Madaming tumawa sa ideya na iyon pero hindi nila akalain na unti-unting umuunlad ang emperyong sinimulan ng binata.

Maraming nagtangkang sakupin ang lugar dahil sa magandang panimula ninto ngunit ni isang hukbo o kahit ni isang group ng pirata ay walang nakabalik dahil nilamon sila ng itim na apoy.

Walang nakakalam saan galing ito, hindi nila nakikita ang kalaban nila na mabilis na lumilipad sa himpapawid, doon kumalat ang balita na kakaiba ang lugar kung saan nakalibing ang mga dragon.

Simula noon wala ni isang emperyo ang nagtangka na sumakop sa bagong umuusbong na empire na tinatawag nilang Summer Grave.

Kumalat din sa buong Lumire na ang black sheep ng Romulus ay may kaugnayan sa pag-usbong ng bagong emperyo at malaking balita ito para sa royal family.

Agad akong pinatawag sa royal palace at kinausap kung anong balak o binabalk ni Achlys gawin, sinabi ko sa emperor ang mga plano ni Achlys at wala itong balak na kalabanin ang ano mang emperyo na narito sa Gazina.

Natahimik ng ilang buwan ang usapan tungkol sa bagong emperyo na umuusbong, ngumit umingay naman ang pangalan ko sa high society dahil sa malakas ang kapit ko sa summer grave at sa lumalago kong mga negosyo.

'Yung turing nila sa 'kin bilang walang kwentang binibini ng house Romulus ay nagbago nang malaki, hinahangaan na ko sa buong emperyo at halos dunagsa ang mga marriage proposal para sa 'kin dahil sa edad kong ito ay edad na ng pagpapakasal.

Pero syempre wala akong ni isang kinuha o sinagot na liham mula sa mga kalalakihan sa empire, isa lang naman ang iniintay ko mag propose sa 'kin, iyon ay ang lalaking mahal ko.

"Viggo," tawag ko sa kaniya at agad naman siyang luminhon sa 'kin, kakagaling niya lang sa training at hindi pa nakakapagpalit ng kaniyang damit pero inaasikaso niya na ko para sa hapunan ko.

"Oh?" Tanong niya at tinaas ko ang sulat na pinadala ng aking ama mula sa Romulus estate, nakakapagtaka na nagpadala siya ng liham imbes na personal na magpadala ng tauhan niya.

"Nakikita mo ba ang Duke sa Central tuwing napapadaan siya sa royal palace? Nais niya raw ako papuntahin sa Romulus estate sa lunes," kwento ko sa kaniya habang abala siya sa pag-aayos ng pagkain sa harapan ko at sila Miranda at Beth naman ay tinutulungan siya.

"Hindi ko ganung nakikita ang Duke dahil malayo naman ang training ground sa main palace," sagot niya sabay lapag ng kutsara at tinidor sa magkabilang kilid ng aking plato.

"Hmm.. bakit kaya?" Pagtataka ko at may kakaiba sa liham na 'to na medyo kinakabahan ako.

Iniling ko na lang ang ulo ko at na pansin kong pawang balisa si Miranda at hindi tama ang ginagawa niyang paghahanda.

"Miranda, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya at agad siyang nabalik sa ulirat at agad na tumango sa harap ko.

Pansin kong malalim ang mga mata niya at nangingitim ang ilalim nito, halatang wala siyang tulog at balisang-balisa.

Hindi kaya hindi pa rin siya nakakalimot sa nakita niya nung gabing bampira si Viggo?

"A-ayos lang po ako my lady, pero pwede po bang humingi ng isang araw na pagpapahinga? Pakiramdam ko po kasi ay iikot na ang aking paningin," sagot niya at agad naman akong tumango.

"Osige, kung gusto mo magpapatawag din ang ako ng doktor," sagot ko at agad naman siyang tumango, mukhang hindi na nga siya nakakatulog nitong mga nakaraang araw dahil sobrang bagsak ng kaniyang katawan.

Kumain kami nila Viggo at Wilbert ng magkakasabay, hindi ko na iniisip pa ang estado ko o ano pa mang etiketa na kailangan bilang lady, basta kung maraming pagkain ay madalas ko silang inaaya na sabayan ako.

Natapos ang araw na iyon, mabilis na lumipas ang panahon at hindi ko na mamalayan na sumapit na pala ang lunes.

Ang araw kung saan pinapatawag ako ng Duke para pumunta sa Romulus estate.

Kaya naman maaga akong gumayak at sumabay na rin kay Viggo sa pagpunta sa Central, sa daan namin papunta Romulus ay hinatid niya muna ako sa aming manor bago pumunta sa royal palace para mag ensayo.

"Sunduin kita mamaya o mauuna ka na umuwi?" Tanong niya sa 'kin habang inaalayayan niya ko makababa ng karwahe.

"Hindi ko alam kung magtatagal ako rito, depende sa Duke kung gagabihin ako saka kung hindi man ako umuwi ay baka rito na ko matulog," tugon ko sa kaniya at agad naman siyang tumango sa harap ko.

"Kung ganu'n dadaanan na lang din kita rito para sigurado," sagot niya at tumango naman ako.

"Mag-iingat ka ah, good luck sa training," sagot ko at tinaasan niya lang ako ng kilay sabay ngisi.

"Good luck sa kanila," sagot niya at na tawa na lang ako habang pinagmamasdan ko siyang sumakay sa kaniyang kabayo at pumunta sa royal palace.

"Kiera, anak!" Rinig kong bati ng Duchess kaya agad akong napalingon sa kaniya ay sinalubong siya ng halik sa pisnge, masaya niya kong inaya papasok ng estate at nakipagkwentuhan sa akin.

"Intayin mo saglit ang iyong papa, matatapos na sa meeting niya iyon kasama ng mga Vassals niya," saad ng Duchess at tumango naman ako habang nakaupo kaming dalawa sa garden at nagkukwentuhan.

"Ano po ba ang dahilan bakit niya ko pinapunta rito?" Tanong ko sa kaniya at nag-isip din ang duchess bilang sagot.

"Hindi ko rin alam, sabi niya ay saka niya na raw sasabihin sa 'kin pag na sabi niya na sa iyo, ang nakausap niya pa lamang ay ang kanang kamay niya," sagot ng duchess at tumango naman ako.

"Si Keisha po, kamusta?" Tanong ko dahil wala na kong balita sa magaling kong kapatid na si Keisha.

"Hmm.. hindi ko ganung nakikita ang batang iyon, madalas siyang umaalis ng Dukedom at gabi na umuuwi, may kasulatan siya parati at mukhang may kapalitan na ng mga liham, mukhang nobyo niya," sagot ng duchess at hindi ko naman maiwasan mapaisip kung sino ang lalaking iyon.

Sabagay hindi naman maitatanggi na maraming nanliligaw kay Keisha dahil hindi rin naman maitatanggi ang kagandahan ng babaeng iyon, depende na lang kung malaman nila ang tunay na pagkatao nito.

Nagkwentuhan kaming dalawa ng Duchess hanggang sa matapos ang meeting ng Duke sa mga vassals niya.

Lumapit si Krista sa amin at sinabi na pinapatawag na ako ng Duke sa isang pribadong kwarto sa loob ng main mansion kung saan madalas sinasagawa ang mga importanteng pag-uusap sa loob ng pamilya ng Romulus.

"Mauna na po ako mother, mamaya na lang po ulit," saad ko sa kaniya at tumayo na para pumasok sa main mansion.

Sa paglalakad ko papunta sa silid kung saan ako iniintay ng Duke ay nakasalubong ko si Keisha na ngiting-ngiti sa akin.

"Magandang araw sister," bati niya sa 'kin na kinakilabot ng buong sistema ko dahil hindi maganda ang kutob ko sa ngiting binibigay niya sa 'kin ngayon.

"Ano na naman ang pinaplano mo?" Tanong ko sa kaniya at agad niyang pinakita sa 'kin ang inosente niyang mukha na takang-taka sa tanong ko.

"Pinaplano? Hindi ba pwedeng medyo matagal na nung nakita kita sa manor kaya nais naman kitang batiin? Isa pa na miss din naman kita no," sagot niya sa 'kin at agad na kumunot ang noo ko.

"Kailan mo pa natutunan na kausapin ako ng ganiyan? Hmm.. mukhang totoo ang balita na masaya ka at may nobyo ka na?" Tanong ko sa kaniya at agad niyang tinakpan ang bibig niya gamit ng kaniyang kamay at mahinhin na tumawa.

"Halata ba? Buti iyan ang iniisip mo," sagot niya sabay ngiti ulit sa harap ko.

"Osiya, masaya akong makita ka ngayon sister Kiera," sagot niya saka naglakad papalayo sa pwesto ko at napailing na lang ako sa kung anong masamang hangin ang umihip sa kapatid ko para maging masaya siya sa pagkikita namin.

Kumatok ako sa malaking pintuan na nasa harapan ko at narinig ko ang duke na pinapasok ako sa loob ninto kaya marahan kong pinihit ang seredula ng pinto at nakita ko siyang nakaupo sa harap ng isang table na may nakahandang tsaa.

"Kamusta na father?" Tanong ko sa kaniya at mahinhin akong na upo sa harapan niya.

"Mabuti naman, sobrang ganda ng takbo ng Romulus dahil sa iyo Kiera," saad niya at napangiti naman ako habang pinagmamasdan siyang ayusin ang ilang papeles sa harapan niya.

"Pinatawag niyo raw po ako? Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong ko sa kaniya at ngumiti naman siya saka ako pinagsalin ng tsaa.

"Nais kong sabihin na maayos na ang lahat ng pepreparasyon," saad niya na pinagtaka ko.

"Preperasyon po saan?" Tanong ko sa kaniya at hindi mapigilan mapaisip kung may bago ba siyang itatayong negosyo sa Lumire.

"Preperasyon para ilipat ko sa 'yo ang titulo ko bilang Duke," sagot niya at napanganga naman ako sa narinig kong kataga na lumabas sa kaniyang bibig.

"P-po?" Na uutal kong tanong at masaya naman siyang tumango sa harapan ko.

"Ipapaman ko sa 'yo ang Romulus, Kiera at tatagurian kang Duchess ng Romulus," sagot niya at halos mapanganga ako sa mga balitang nalaman ko.

"Nais ko ng magpahinga sa mga nakakapagod na gampanin na ito at malaki naman ang tiwala ko na makakaya mong hawakan ang pangalan ng pamilyang ito," saad niya at tinaas niya ang kaniyang tssa kaya naman kinuha ko rin ang akin.

"Tinatanggap mo ba ang titulong Duchess ng Romulus?" Tanong niya sa 'kin at maiyak-iyak akong tumango sa saya.

"Syempre naman po father," sagot ko at tumango siya sa 'kin saka ako inaya na inumin ang tsaa naming dalawa.

Humigop ako ng mainit na tsaa at nilasap ko ang sarap ninto, dumoble ang sarap dahil sa balitang na laman ko.

Pero agad ding na wala ang ngiti sa mukha ko nang makita kong nabitawan ng Duke ang hawak niyang tsaa at unti-unti nahulog sa sahig.

Nakita ko siyang napaluhod at pilit na hinahawakan ang kaniyang leeg habang unti-unti lumalabas ang bula sa kaniyang bibig.

Napabalikwas na lang ako nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa ninto si Keisha na nakangiti sa harap ko sabay sigaw nang malakas.

"Aaaah!!! Ang Duke! Nilason ang Duke!" Sigaw niya na unti-unting nagpapabingi sa pandinig ko habang nakaukit sa mukha niya ang ngiti ng tagumpay.

Keisha, anong ginagawa mo sa sarili mong ama?

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

91.5K 5.3K 46
Liliana West is a Healer from Sandovia. She was living her life peacefully until the son of a High Lord asked her hand for marriage. She knows better...
33.7K 1.6K 46
A girl with no emotion written her face and eyes. Dahil sa likod may mga nakakatagong nakikilabot na nakaraan. That why she change a lot not until sh...
2K 238 28
Title: Sweet Treats Author: katanascytheslash29 Genre: Scifi, Mystery/Thriller, Action Things are getting bittersweet as the time flies. A parasite...