Huling Sandali

By serenelygrace

2.7K 199 318

Don't judge the book by its title! *** "Akala ko may pinagkaiba ka sa lahat, Chaz. Pero wala kang pinagkaiba... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20: Debut

Chapter 5

109 11 16
By serenelygrace

"Hey, beshie! Anong pinag-usapan niyo ni Kairon?" Bungad sa akin ni Rico the gay. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ni Kairo. Pero, sikat kasi ang mga 'yon. Ako lang talaga 'tong walang pakialam kasi na kay Chaz lang ang atensiyon ko.

"Wala naman, beshie. Naghihingi siya ng number ko, siguro wala siyang number. Pero nung hindi ko binigay hiniram niya nalang 'yung cellphone ko," pagbibigay impormasyon ko sa kaniya.

Nagtatalon naman ito sa sinabi ko. Pagdating na pagdating ang hyper niya na kaagad.

"Anong problema, bakit ka tumitili?" Kunot ang noong tanong ko sa kaniya.

"It means, gusto ka ni Kairon! Ayieee dalaga na si Trixie!" Saad nito habang niyuyugyog ang magkabilang balikat ko.

Tumigil lang siya nang sinamaan ko siya ng tingin. Dahan-dahan niyang inalis ang dalawang kamay sa mga balikat ko. Kaloka siya.

Nanatili siyang nakatayo sa harap ko. Sayang, gwapo sana si Rico pero hindi straight. Pero mas gwapo pa rin si Chaz.

"'Wag ka ngang magbiro ng ganyan, Rico. Paano kung si Chaz ang biniro mo sa akin? Edi naniwala agad ako," nakangusong saad ko sa kaniya.

Umikot ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"Alam mo, Trixie? Kahit kaibigan kita gusto kitang sampalin. Tigilan mo na nga 'yang kahibangan mo kay Chaz! Ang sama-sama ng ugali no'n!" Aniya. Inilagay niya pa ang dalawang kamay sa kaniyang magkabilang bewang at inikutan na naman ako ng kaniyang magagandang mga mata.

"You know what? Instead of dragging me down, bakit hindi mo nalang ako suportahan?"

"Handa kitang suportahan sa lahat ng bagay, Trixie. Alam mo 'yan. Pero diyan kay Chaz? Well, noong umpisa gusto kita para sa kaniya. Pero, lately nakikilala ko na ang ugali niya. Lalo na nung pumunta siya sa room natin para ipangalandakan na may admirer siyang kagaya mo. Hindi ka ba naturn-off doon?" Mahabang lintanya nito na ikinanganga ko.

Umiling ako.
"No, mas lalo ko siyang nagustuhan dahil doon. I like him because he is imperfect."

"Naku. Hindi lang ata pagkagusto 'yan, Trixie. Obsess kana kay Chaz."

"I'm not obsess, Rico." This time ako naman ang umikot ang mga mata sa kaniya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan saka naglakad palayo sa kaniya. Baka mamaya magkasakitan na kami dahil magkaiba kami ng opinion.

Hindi ko alam kung like pa ba 'to. But every time na malapit sa akin si Chaz, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Para bang gusto na nito kumawala.

Chaz isn't your typical man but he is my type. He isn't a good man. Ma-attitude kung tawagin. Akala mo laging may kaaway. I like him because he is true to himself. Hindi niya kailangang magpakabuti para lang magustuhan siya ng ibang tao. Pinapakita  niya talaga kung sino at ano ang pagkatao niya.

Sa School na 'to. A lot of plastics are everywhere. Akala mo kung sinong mga santa pero nasa loob ang kulo.

And that's why I like Chaz ever since. Kasi siya 'yon. Ganoon na talaga ang ugali niya noon pa.

Masakit magsalita. Masama ugali. Alam kong may soft side siya takot lang niya ipakita. And I'll be the one who will unveil his soft side. Sisiguraduhin kong matututunan niya rin akong gustuhin.

Kahit bilang kaibigan lang.

I went straight to our classroom kahit maaga pa. May 30 minutes pa para sa unang klase.

Naabutan ko si Rose na nasa unahan. This time hindi ko kasama si Rico, wala akong likod na pagtataguan.

Papunta na sana ako sa likuran nang hinablot ni Rose ang kamay ko. Madadaanan ko kasi ang pwesto niya bago makarating sa dulo.

"May kailangan ka ba, Rose?" Mahinahon kong tanong sa kaniya. Ayokong makipag-away dahil kapag nagkataon may mawawala na namang mahalaga sa akin kapag nagkabangas ako.

Binitawan niya ang kamay ko.
"Wala naman. May tanong lang ako," nakataas ang kilay niyang saad, pinagkrus niya ang kaniyang mga braso saka diretsong nakatingin sa akin.

Pulang-pula na naman ang labi niya.

"Ano 'yon?"

"May gusto ka kay Chaz?"

Walang pagdadalawang isip akong tumango. Para saan pa ang pagtatago kung alam naman na ng lahat?

"Huh! Sa itsura mong 'yan? Doon ka pa nagkagusto sa hindi ko kayang abutin? Seriously, Trixie?" Tumaas ang sulok ng labi nito na para bang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko.

"'Wag mo na lang ako pakialaman, Rose. Mind your own business. Kung may gusto ka rin kay Chaz, hindi kita papakialam. Let's see who will win." Seryosong sagot ko sa kaniya.

Ayokong laging dinadrag sa usapan si Chaz. Wala naman dito 'yung tao pero lagi na lang sinasama sa usapan. Mamaya naglalakad 'yon tapos napatid. Baka mauna ang mukha, magasgasan ang mukha ng Chaz ko.

Pagak na tumawa si Rose dahil sa sinabi ko, joker na ako no'n.

"Huh! Ikaw talaga nagsabi niyan? Last mo na 'yan? Hindi mo ba alam na may girlfriend na si Chaz?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Parang bigla na lamang akong nilamon ng isip ko at natulala na lang kay Rose. Hindi ko alam kung paano ko idadigest ang impormasyong sinabi niya.

All this time kasi ayaw sabihin sa'kin ang relationship status ni Chaz. Kaya wala akong alam sa mga past or present relationship ni Chaz. Pero kahit kailan hindi ko inisip na may girlfriend siya dahil parang mababaliw ako kapag iniisip ko ang ganoong pangyayari.

Hindi ko namalayan kung paano ako nakapunta sa upuan ko sa bandang likuran. Napansin ko nalang nandito na rin si Rico, katabi ko.

"What happened, Trixie?" Nag-aalalang tanong ni Rico. Nakatulala lang ako sa mukha niyang nag-aalalang nakatingin sa akin. 

Mabilis akong umiling. Hindi ko rin alam kung anong nangyari. 

"Totoo bang may girlfriend si Chaz?" 

Sunod-sunod ang pag-iling niya sa akin. "I don't know, Trixie. Siya ang tanungin mo,hindi naman ako ang may gusto sa kaniya." Biglang pagsusungit nito sa akin.

Ang random naman masyado kung bigla akong magtatanong kay Chaz nang ganoon. 

Napagdesisyunan ko na pumunta sa court after class dahil gusto ko subukan kung makikita ko si Chaz doon. Parati na kasing may practice ngayon dahil may liga ulit sila sa darating na intramurals. I'm willing to be their cheerleader pero hindi ako nakapasa. Hindi raw kasi ako maganda. 

Naglalakad ako sa direksiyon papunta sa court nang makasalubong ko ang isa sa mga kasamahan ni Chaz. Sa pagkaka-alala ko siya si Justin, iyong baby face at pinakamaliit sa kanilang lima.

Ngumiti ito nang pareho kaming huminto nang magkatapat kami. Kita ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito. "Hey, Trixie!" Nakikipag-apir ito sa akin kaya naman nakipag-apir nalang din ako. Magmumukha akong bastos kapag di ko tinanggap. He's wearing their varsity uniform na may apelyido at number sa likuran. 

"Hi, Jah. Nakita mo ba si Chaz?" Feeling close kong tanong sa kaniya. Mas lalong lumawak ang ngiti nito nang dahil sa tanong ko. 

"'Yan ang gusto ko sa'yo eh, straightforward!" He giggled.

"Gusto mo ako?" Nanlalaki ang mga matang pag-uulit ko sa sinabi niya.

Tumawa naman ito ng malakas na ikinanuot ng noo ko. 

"Oy! Iba iniisip mo, ah? Gusto kita as a person, not romantically." Nakangising paglilinaw niya sa kaniyang sinabi.

Napatango-tango na lamang ako. Baka di ko na maabutan si Chaz.

"And, nasa court pa si Chaz. Goodluck!" Aniya saka nilampasan na ako nang wala ng ibang sinabi. Parang karamihan sa mga kasama ni Chaz ay sintu-sinto.

Dumiretso na lamang ako sa court para hanapin si Chaz. 

Natanaw ko naman siyang naglalaro mag-isa sa court. Siguro gusto niyang maging perfect ang laro nila next time. Kasi natalo sila kahapon.

Sino ba kasi 'yung Kaye na 'yon?

Kapag nakilala ko 'yon sasabunutan ko 'yon. Nang dahil sa kaniya natalo sila Chaz dahil nasa kaniya ang isip ni Chaz.

Tumikhim ako para mapansin niya na may tao pa siyang kasama. 

Nagtagumpay naman ako dahil huminto siya sa pagdi-dribble saka lumingon sa gawi ko. Malapit ako sa bleachers. Magkasalubong ang kilay niyang lumapit sa akin. Pawis na pawis siya.

Kinuha ko ang water bottle sa bag ko at panyo para iabot sa kaniya pero tinabig niya ito kaya nahulog ang mga ito sa lapag.

Seryoso siyang tumingin sa akin. Halos magkadikit na ang kaniyang mga kilay.

"What are you doing here, geek?" Walang emosyong tanong nito. Para bang ayaw niya talagang makita ang pagmumukha ko sa harap niya.

"Kumusta ka?" Ang tanging nasabi ko. May lakas na loob pa akong magsalita kahit na tila sasabog na siya sa inis. Tila tambol din ang  puso ko sa bilis ng tibok nito. 

"I'm fine. Pwede ka nang umalis," asik niya.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...