MISSION 3: Claiming You

By AleezaMireya

199K 8.9K 2.5K

"Pwede bang hindi kita tawaging Kuya? Crush kasi kita." Ang mga salitang iyon ang unang sinabi ni Pretzhel k... More

Author's Note
Teaser
Chapter 1 - Memory Lane
Chapter 2 - Pretty
Chapter 3 - Jealousy
Chapter 4 - Research
Chapter 5 - Portrait
Chapter 6 - Love Story
Chapter 7 - Gift
Chapter 8 - Seduction
Chapter 9 - The Chase
Chapter 10 - Confirm
Chapter 11 - Threatened
Chapter 12 - Getting To Know
Chapter 13 - Family
Chapter 14 - Admission
Chapter 15 - Lured
Chapter 16 - Cornered
Chapter 17 - Virtual War
Chapter 19 - Sweetheart
Chapter 20 - Secret
Chapter 21 - Priceless
Chapter 22 - Mission
Chapter 23 - Introduced
Chapter 24 - Unimpressed
Chapter 25 - Make Out
Chapter 26 - Future Plans
Chapter 27 - Lap Dance
Chapter 28 - Grand Slam
Chapter 29 - Warned
Chapter 30 - Taste
Chapter 31 - Tested
Chapter 32 - Unrestrained
Chapter 33 - Overheard
Chapter 34 - Wrong Verb
Chapter 35 - Evasive
Chapter 36 - Connive
Chapter 37 - Captivated
Chapter 38 - Tricked
Chapter 39 - Captured
Chapter 40 - Remorseful
Chapter 41 - Ready
Chapter 42 - Marked
Chapter 43 - Busted
Chapter 44 - Beloved
Chapter 45 - Perturbed
Chapter 46 - Cared For
Chapter 47 - Perfect Addition
Chapter 48 - Fairy Tale
Chapter 49 - Jubilant
Exciting News!!!

Chapter 18 - Come Clean

3.3K 165 29
By AleezaMireya

Pagsakay pa lang sa Fortuner ni Clifford ay binuksan na kaagad niya ang usapan tungkol sa palitan ng Facebook comments nito at ng kuya niya. Pinapangako niya si Clifford na hindi na ulit magko-comment sa post niya. Kung may gusto man itong sabihin ay ideretso na lang as private message sa kanya.

Nang iliko si Clifford ang Fortuner papasok sa SCTEX ay nagkaideya na kaagad siya kung saan sila papunta. Pero gusto niyang makasigurado kung tama ang sapantaha niya. "Sa Anvaya ba tayo pupunta?"

"Oo."

Nanlaki ang mga mata niya. "Seryoso ka? Bibili ka nga ng lote?"

Nagkibit-balikat ito. "Sayang din. Pre-selling pa. Makakapamili pa tayo ng magandang spot."

"Tayo? Anong tayo?" gilalas na tanong niya. "Ikaw lang, ano! Milyones, take note, with E and S. Milyones ang halaga ng property doon! Two bedroom condo pa nga lang, almost eight million na, di ba? Eh di, lalo na kung lot ang bibilhin? At wala pa akong gano'n kalaking pera."

"It's okay. Ako na ang bahala doon, sweetheart. You don't have to worry about the cost," balewalang sagot ni Clifford.

Umangat ang kilay niya. "What does that mean? Sinisilaw mo ba ako sa pera mo, Clifford?" aniya saka humalukipkip.

Sumulyap ito sa kanya, naaaliw na ngumiti. "Ikaw? Masilaw sa pera?" Umiling ito. "Baka nga kapag inabot ko sa iyo ang SALN at pass book ko, pilasin mo lang at ihagis pabalik sa mukha ko kahit hindi mo pa natitingnan man lang."

Umismid siya. "Alam mo naman pala. Eh bakit isinama mo pa ako rito?"

Bumuntonghininga si Clifford, saglit na sumulyap sa kanya bago ibinalik ang atensyon sa kalsada. "Hindi naman talaga pagpili ng lote ang totoong dahilan kaya gusto kitang isama, sweetheart. Pumayag ka ngang ligawan kita, pero ramdam ko naman na may pader ka pa ring inilagay sa pagitan nating dalawa. Hindi ko tuluyang maangkin ang puso mo. Ramdam kong hindi ka pa lubusang nagtitiwala sa akin."

Nakagat ni Pretzhel ang labi. Imbes na sumagot ay tumingin siya sa labas ng bintana. What Clifford said was the truth. She'd been rejecting his invitation because deep in her heart, there is still this hesitancy and fear that wouldn't go away.

May trust issues talaga siya.

Especially with Clifford.

She loved him then and she's in love with him still. He can make her happy, but he can also break her to bits. And the prospect of getting her heart shredded to pieces frightened the hell out of her.

She's afraid she won't be able to recover.

"Para makuha ko ang puso mo, dapat makuha ko muna ang buong tiwala mo, sweetheart. At umaasa ako na ngayong araw ay maipakita ko sa iyo na hindi ako nagsisinungaling. Na wala akong itinatago."

Imbes na sumagot ay pinanatili na lang ni Pretzhel ang paningin sa labas ng bintana ng kotse.

Nagulat pa siya nang gagapin ni Clifford ang kamay niya at dalhin sa labi nito. "I'm reaping what I sow. I'm the one who placed that fear in your heart. But I'll do all I can to undo what I did, sweetheart," naninikluhod na wika nito.

Tumingin siya sa lalaki. Ang isang kamay nito ay nasa steering wheel, ang isa ay nakahawak sa kamay niya, pero nakatutok ang mga mata nito sa kalsada.

"I let you see us in the garden, Pretzhel. I know you were there, listening and watching us."

Umawang ang labi niya. Napasinghap. Was he talking about what happened on her debut?

"And I did what I did back then because I needed you to let go of your childish obsession of me. At least, that's what I thought that time. I thought I was merely an object of your obsession, of your childhood fantasy..."

Napalunok siya. Bigla ang paglakas ng kabog ng kanyang dibdib.

"You were so young when we first met. Thirteen, while I am nineteen. I watched you blossomed right before my eyes. From a pretty little girl to a very beautiful young lady." May ngiti sa mga labi nito nang sumulyap sa kanya.

"I broke a promise to your brother and I'm sure he'd kill me if he found out that I'd taken several bite of your succulent lips, sweetheart." Huminga ito nang malalim. Muling dinala ang kamay niya sa tapat ng labi.

Pretzhel's cheeks colored. She remembered what happened in the car park back in PMA. And in the garden when she turned eighteen.

"Years passed, you're of legal age. Just turned eighteen, yet you offered yourself to me just to fulfill what you always wrote in your love letters - that when the right time comes, you'll let me have you. That you will be mine."

Nag-init ang mukha niya. Totoo naman iyon. Madalas siyang sumulat kay Clifford noon. Iniipon niya ang mga sulat at oras na magbakasyon ito sa kanila ay patago niyang  inilalagay ang mga sulat sa bag ng binata. Pero ni minsan ay wala namang sinagot kahit isang sulat si Clifford. Ni wala man lang indikasyon na nababasa nito ang mga iyon sa tuwing magkakaharap silang muli.

"It's easy for me to claim what you'd been promising me years before that, Pretty. But I can't. It felt wrong. Masyado ka pang bata noon pero nakulong ka sa nararamdaman mo para sa akin. Marami ka pang hindi nakikita at nadidiskubre sa mundo, Pretzhel. But you let your world revolved around me. And it's not right, not healthy even, for a young and bright girl like you. Malawak ang mundo at gusto kong makita mo iyon. At oras na angkinin kita, akin ka na, Pretzhel. Sa napakamurang edad ay makukulong ka sa mundo ko. Sa walang kasiguraduhang mundong pinasok ko. At ayaw kong idamay ka roon sa panahong inaalam mo pa lang kung ano ba ang landas na gusto mong tahakin."

Nakagat niya ang labi. Ang katulad na mensaheng sinasabi nito ngayon ang mismong nakasulat sa card na ibibigay nito sa kanya noong birthday niya. Na sana raw ay mabilis niyang malaman kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay at kung ano ang gustong maging. At kung ano mang landas ang tahakin niya ay susuportahan siya ng binata. He even wished her to mature faster.

"Kung alam mo lang kung gaano kahirap na tumigil noon, Pretzhel," pabulong na salita nito. Nagpakawala ito ng hininga sa pagitan ng mga labi. Humigpit ang hawak sa kamay niya.

Makalipas ang ilang sandali ay muli itong nagpatuloy. "Ayaw kong dumating ang panahon na magsisisi ka. Ayaw kong makitang miserable ka dahil sa akin. Kaya kahit mali, ginamit ko si Brigitte."

Napasinghap siya. Napatitig sa binata.

"Not in that sense, sweetheart," maagap na sagot ni Clifford sa tanong na hindi niya masabi. "Nang umalis ka sa likod ng column ay tumigil na rin ako. Umalis ako saglit sa venue to cool down."

Nakahinga siya nang maluwag.

"Eighteen and twenty-four. Medyo mahirap pang tawirin noon." Sumulyap sa kanya si Clifford, may ngiti sa labi. "Pero nang makita kita noong kasal nina Jason ay parang may sumuntok sa sikmura ko, sweetheart. You looked like a dream. And then you bravely declared you're an accomplished lady, managing your family's bakeshop, I said to myself that it's about damn time! Ilang taon akong dumistansiya, at ngayong natagpuan mo na ang landas na gusto mo, oras na para bumalik ako. Besides, twenty-four and thirty is just the right age, sweetheart. Hindi na mahirap tawirin."

Clifford lifted her hand and kissed it. "I know you still love me, sweetheart. And I'll claim what you promised me years ago, Pretty," he murmured sensually.

Sweet shivers filled Pretzhel's body. Nakagat niya ang labi. Huminga siya gamit ang bibig para pabagalin kahit kaunti ang nagririgudon niyang puso.

They traveled in a comfortable silence after that. Clifford would kiss her hand every now and then. And every time that he did, sweet tension filled her body. It was actually a real struggle not to remove her seat belt and lay her head on his shoulder.

Pagpasok nila sa Anvaya ay muling lumakas ang tibok ng puso ni Pretzhel. Pero ang nerbisyo ay napalitan ng kalituhan. Pretzhel expected he'd bring her to his condo but he took another route. Now they are in the middle of nowhere. Maliban sa mga puno at damuhan ay wala siyang matanaw na ibang istruktura sa  magkabilang gilid ng sementadong kalsadang tinatahak nila.

Dahil wala namang ibang kasabay na sasakyan sa malapad na kalsada, at dahil maingat namang mag-drive si Clifford ay pinangahasan na niyang alisin ang seat belt. Ipinihit niya ang katawan sa gawi ni Clifford. "Are we looking for the perfect spot where to dump my body?"

Clifford laughed. "I have this feeling it's the other way around, sweetheart."

Pretzhel grinned. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

Imbes na sumagot ay tumuro sa unahan si Clifford. Muling bumaling sa harapan si Pretzhel. Noon niya nakita ang kotseng nakaparada ilang metro sa unahan nila. Pero kahit may kalayuan pa ay kilala niya ang babaeng nakatayo sa tabi ng kotse sa gilid ng kalsada.

Muli siyang humarap kay Clifford. "Ah. So hindi pala ito murder. Anong plano mo? Threesome?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

Muling tumawa si Clifford. "Fuck, sweetheart! Bakit alam mo ang threesome?"

Pinaikot niya ang mga mata. "Duh! Anong palagay mo sa akin? Kahapon lang ipinanganak? Anyway, kung threesome nga ang plano mo, sorry, I won't engage in that. Malay ko kung may STD kayong dalawa," nakaismid na dagdag niya. Humalukipkip.

Lalong lumakas ang tawa ni Clifford. Nang makita nito ang matalim na tingin niya ay unti-unting humina ang tawa ng lalaki. Tumigil ito sa likod ng nakaparadang kotse. Nag-alis ng seat belt saka dumukwang sa gawi niya.

Hinawakan nito ang pisngi niya. Tinitigan siya sa mga mata. "Threesome never occurred in my mind, Pretty. Wala akong planong makipag sex sa iba. Kung may gusto man akong gawin, iyon ay makipag make love sa iyo, sweetheart," seryosong wika nito.

Make love.

Pretzhel felt the blood rushed to her face. She'd seen the honesty in his eyes. And she'd also seen how much he really wanted to make love to her.

And it excites the hell out of her.

"Let's get out of here bago pa ako maubusan ng kontrol na halikan ka," paanas na salita ni Clifford saka binuksan ang pintuan sa gawi nito.

Continue Reading

You'll Also Like

105K 6.5K 48
WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Cold and reserve, that's what people used to describe the billionaire grandson...
1.2M 25.3K 30
SPG Theseus Montenegro is a serious man. Puro business lang laman ng kanyang utak. Hindi mo sya makikitang may kasamang babae. Dating isn't in his vo...
132K 9.3K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...