Huling Sandali

By serenelygrace

2.7K 199 318

Don't judge the book by its title! *** "Akala ko may pinagkaiba ka sa lahat, Chaz. Pero wala kang pinagkaiba... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20: Debut

Chapter 4

108 15 21
By serenelygrace

Nang matapos akong makapagbihis mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.

Ano kayang pag-uusapan namin ni Kuya Kobi? Bihira lang kasi siyang sumeryoso at ganitong sitwasyon pa. Though, lagi pala siyang seryoso pero hindi 'yung ganito na kaming dalawa lang.

Pabalik-balik ang lakad ko sa kwarto habang nasa bewang ko ang aking dalawang kamay. Paulit-ulit na humihinga ng malalim.

Muntik na akong mapatalon nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tiyak na si Kuya Kobi na 'to.

Agad naman akong lumapit sa pinto saka binuksan ito. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Kuya Kobi.

Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. "Pasok ka po, Kuya."

Pumasok naman siya. Sinara ko naman ang pinto pero di ko ni-lock.

Umupo naman si Kuya Kobi sa kama kong panda ang cover. Kumandong naman sa hita niya si Kuro, ang alaga kong pusa.

Kuro kasi kulay black siya. My Persian cat. Regalo sa akin ni Kuya Nate noong 17th birthday ko. Kaya mahal na mahal ko si Kuro. Kuya Nate knows that I love cats so much pero ayaw akong payagan ni Daddy, nakakahika raw.

Nanatili akong nakatayo sa pintuan habang nakatingin kay Kuya Kobi na pinapat ang ulo ni Kuro.

Naramdaman niya siguro na nakatingin lang ako sa kaniya kaya nag-angat ito ng tingin sa akin. Kumunot ang noo nito, tinap niya ang kama.
"Come here," saad nito habang tinatapik ang kama sa bandang tabi niya.

Agad naman akong umupo doon.

"Anong pag-uusapan natin, Kuya?" Tanong ko nang maka-upo ako sa tabi niya. Kinuha ko naman si Kuro na nasa hita niya at nilipat ko sa hita ko.

"I saw you,"

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam ang tinutukoy niya. Saw me?

"Saan po, Kuya?"

He let out a heavy sigh. Napipikon ba siya sa akin?

"With that guy. You were hugging that guy earlier. Tell me, do you have a boyfriend?" Seryosong saad nito habang nakatingin sa akin.

Umiwas naman ako tingin sa kaniya dahil nahihiya ako sa nagawa ko. Ang tanga ko naman kasi hindi ko sinarado ang pinto e.

"Wala po, Kuya." Sunod-sunod kong iling.

"Don't lie to us, Trixie. Pinayagan ka naming magkagusto kay Chaz. Pero, hindi ibig sabihin no'n na pumapayag kaming magka-boyfriend ka. You're just 17, Trixie. Love can wait. Focus on studying. Yes, we're rich but that doesn't mean you won't focus on your studies. We're rich because our parents work hard for us." Sunod-sunod na saad ni Kuya Kobi.

"Wala naman po talaga akong boyfriend, Kuya. 'Yung nakita mo po kanina, I'm just comforting Chaz because I think he had a problem." Malamyang sagot ko.

Kahit anong magiging hadlang para mapansin ako ni Chaz hindi ako titigil dahil nandito na ako sa puntong ito eh. Ito ang gusto ko. Pwede namang pagsabayin. Nasa tao naman iyo.

"I'm just reminding you as your Kuya. I don't want you to be hurt. Bata ka pa. Love can wait but the door of education is not always open for you. It won't wait for you."

Napayuko ako dahil sa sinabi ni Kuya Kobi. Dahil kahit anong sabihin pa ng iba. I want Chaz. I won't stop until I get him. Until he finally notices me. I won't.

"Opo, Kuya."

Gustuhin ko mang sumagot pero ayoko nang humaba pa ang usapan.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama ko kaya napatingala ako sa kaniya. Bahagya siyang ngumiti saka pinat ang ulo ko bago ako tinalikuran at lumabas ng aking kwarto without saying na lalabas na siya. Lagi naman siyang ganoon. Lalo na si Kuya Cole. Kinukuha niya pa ang duplicate na nakatago sa isang halaman na nakadisplay sa labas ng kwarto ko para makapasok. Pwede namang kumatok.

Ganoon din si Kuya Nate, palibhasa alam nila kung saan nakalagay ang duplicate key ng kwarto ko. Mabuti na lamang sa walk in closet ako nagbibihis dahil baka bigla silang pumasok.

Napahiga ako sa kama ng marealize na marami palang magiging hadlang kung sakaling maging boyfriend ko si Chaz. Pero, kung talagang nagmamahalan pwede namang ilaban.

I won't get tired. Ilang taon akong naghintay mapansin lang ni Chaz.  Ngayon pa ba ako susuko gayong napansin niya na ako? Mapa-harsh man 'yan atleast napansin.

***
Kinabukasan maaga akong gumising para maagang pumasok. Sila Kuya kasi tanghali na gumigising. Mga puyaters kasi sila.

Tinawagan ko naman si Rico na siyang on the way na raw. Pero alam mo 'yon? 'Yung on the way niya, on the way palang sa bathroom.

Pagbaba ko sa sasakyan sa parking lot kumaway lang ako kay Manong driver na nginitian naman ako.

Nakangiti akong naglakad papuntang gate.

"Good morning, Ate guard!" Masiglang bati ko sa guard na siyang bantay. Medyo pipikit-pikit na itong nakaupo sa upuan. Napadilat lang noong binati ko siya. Siguro wala pa 'yung ka-change shift niya.

"Good morning, Miss Gonzales." Oh diba, kilala niya ako.

Hawak niya kasi ID ko para i-check.

Nang ma-check niya ang ID ko, dire-diretso akong naglakad patungo sa Garden. Wala pa namang klase. 8 am pa ang first subject ko at 6 am pa lang ngayon.

You know, dito ako magliliwaliw kung paano ko makukuha ang pansin ni Chaz. Dito ako sa garden magmumuni muni.

Malapit na ako sa bench na palagi naming tinatambayan ni Rico nang may maaninag akong isang bultong nakaupo doon.

Aba, sinong may sabing pwede siyang umupo doon?

Nang makalapit ako, I didn't expect na maaga din pala siyang pumapasok.

Kumikinang ang hikaw niyang sa kanan niyang tainga.

"Hey," bati nito sa akin nang makalapit ako sa bench. Nanatili akong nakatayo sa harap niya. Doon kasi mismo siya nakaupo sa inuupuan ko. Doon kasi ako kumportable. Unlike sa upuan ni Rico na may bukol ang upuan, masakit sa puwet.

"Upuan ko diyan!" Turo ko sa inuupuan niya.

He chuckled sexily. Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin.

"May pangalan mo?" Aniya habang nakataas ang kilay pero nakangiti.

"Yep! Tumayo ka saka mo tignan, nandiyan mismo sa inuupuan mo!" Sabi ko sa kaniya.

Agad naman siyang tumayo. Nang makatayo siya agad akong umupo doon.

Uto-uto pala siya.

Binelatan ko siya nang maka-upo ako. Wala siyang nagawa kundi ang umupo sa opposite ko. 'Yung may bukol na upuan.

"Ang cute mo," aniya habang hindi nawawala ang ngiti sa labi.

"Ikaw ang kauna-unahang nagsabi niyan dito sa School. Kahit kasi ang nag-iisa kong kaibigan nilalait ako." Nakangusong saad ko habang parang batang nagsusumbong.

Ewan ko ba. Ngayon lang kami nagkausap ng medyo matagal pero magaan ang loob ko sa kaniya. Siguro dahil kaibigan siya ni Chaz.

"Edi kaibigan na kita ngayon para hindi lang nag-iisa ang kaibigan mo." Nakangiting saad muli nito.

Hindi ba siya nangangawit kakangiti?

"Sigurado ka ba diyan? O, nang-go-goodtime ka lang?"

"Bukal sa loob ko ang pag-aalok ng friendship. Kung kailangan mo ng taga-remind na cute ka, I'm here. May bayad nga lang."

"Ano namang bayad?"

"Hmmm," kunwareng pag-iisip niya. Itinukod niya pa ang siko niya sa mesa na humaharang sa aming dalawa saka mataman akong tinitigan.
"Give me your number,"

"Number? Bumili ka kaya ng simcard mo para hindi ka nanghihingi ng number ng iba."

This time. Humalakhak na siya. Humawak pa siya sa kaniyang tiyan at nagpupunas pa ng luha sa kaniyang mata.

Siya na masaya.

"Can I borrow your phone nalang?"
Kahit nagtataka. Kinuha ko ang cellphone sa bag saka binigay sa kaniya. Madalang ko lang naman iyon gamitin dahil wala naman akong kausap kundi si Rico lang.

Wala din password kaya naman nabuksan niya kaagad.

Nawala ang ngiti niya nang mapunta siya sa homepage ng phone ko.

"Bakit may problema ba sa phone ko?" Kunot ang noong tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya sa tanong ko.

"You like Chaz so much?" Seryosong saad niya. Nakangiti naman akong tumango.

"Chaz is so lucky to have an admirer like you." Aniya.

"No. I'm so lucky because I like Chaz."

"Unbelievable!"

"Kairon, maaga ka palang pumapasok?" Kuryosong saad ko.

Napakamot naman siya sa batok saka umiwas ng tingin sa akin.

"Hindi naman, gusto ko lang mapag-isa ngayon."

Tumango naman ako bilang tugon.

Tumayo siya saka inabot sa akin pabalik ang cellphone ko.
"Una na ako sa'yo, Cutie. I'll text you, save my number, okay?" Aniya saka naglakad palayo sa akin.

Kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya ako itetext. Tumango na lamang ako bilang sagot.

Sa pag-alis ni Kairon siyang dating naman ni Rico.

Kapag may umaalis, may dumarating.

***
NOTE: Araw-araw may update. Basta sinisipag ako.

PS: Bukas ko na to i-edit. Nakakatamad magbukas ng laptop. Skl.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...