Under A Rest | ā˜ļø

By blueth_24

475 36 6

Police Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
A/N

Chapter 49

6 0 0
By blueth_24

Kung gaano kabilis ang puso ko sa pagtibok ay ganoon naman ang bagal ng paglalakad ko. I'm on my way to our house. Hindi ibinenta iyon noong umalis kami, kaya sigurado akong pasira na iyon ngayon lalo na at hindi naman ganoon katibay ang materyales na ginamit.

Balak kong ipaayos ito ngayon habang nandito pa ako. Hindi ko ito kayang ibenta dahil masyadong maraming masasayang alaala ang nakapaloob dito. Ang iba man ay masakit at malungkot, pero hindi mahihigitan ng mga alaalang iyon ang saya at tawa na naganap sa bahay na ito.

I once had a complete family here. I once brought friends here. I once was taken care of here by Uno.

Ilang taon pa man ang lumipas ay sigurado akong nandito nakatayo ang bahay namin, pero bakit ibang bahay ang nakikita ko ngayon?

Nakatingala ako sa isang bahay na mayroong dalawang palapag. Gawa ito sa magandang materyales na kahoy. Medyo vintage ang theme ng bahay na hinaluan ng pagka modern. Pero kaninong bahay ito? Sigurado akong hindi namin binenta ang bahay dahil dala ko ang titulo.

May isang pamilyar na mukha ang dumaan sa harapan ko. Mas tumanda siya ngayon at halata na ang pag edad niya. Mukhang nagtapon siya ng basura dahil may dala siyang black bag.

"A-aling Sol" tawag ko sa kaniya. Noong una ay mukhang hindi niya ako nakilala pero agad nagliwanag ang mukha niya ng mamukhaan ako.

"Naku! Meisha! Ikaw na ba iyan? Ang laki ng pinagbago mo, ang ganda ganda mo na rin ngayon." Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako. "Halika tumuloy ka muna sa amin"

"Ah. Hindi na po aalis rin ho ako, pagbisita lang po ang sadya ko. Kaya lang..." tumingin ako sa bahay na nasa harapan namin ngayon.

"Binibisita mo ba ang dating bahay ninyo? Naku ang laki na ng pinagbago ano?" tumingin siya sa akin at parang may naalala siya "Teka! Nagkita na ba kayo?"

Nangunot ang noo ko sa tinanong niya. Nino?

"P-po? Nino po?"

"Sino pa. Edi iyong pulis na nagpaayos ng bahay ninyo"

Hanggang sa makapag check in ako sa isang malapit na hotel ay iyon pa rin ang iniisip ko. Isang pulis? Si Uno? Hindi. Imposible iyon, sigurado akong galit siya sa akin. Pero paano kung siya nga? Ibig bang sabihin... stop it Meisha. Huwag mong paasahin ang sarili mo.

Kinaumagahan ay tinanghali ako ng gising dahil anong oras na akong nakatulog dahil sa kakaisip. Dumalaw ako sa puntod ni papa noong malapit na magtanghali. Hindi rin ako nagtagal dahil kinailangan ko ng bumalik ng Manila. Tumawag kasi kanina si Laureen, gising na raw ang pasyente ko.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga natuklasan sa pag uwi ko ng probinsya. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko na hindi ko alam kung gusto ko bang masagot o manatili na lang na tanong.

Samut saring papuri ang natanggap ko sa mga kasamahang Doctor. Nagulat pa ako ng maging isa sa mga iyon si Kian. Matalik na kaibigan ni Uno. Kaswal lang kaming nag usap at hindi naman niya nabanggit ang kahit na ano tungkol sa personal na bagay. Maybe he's sensitive enough or he's just that professional.

"Hey! Who's the hot Doctor you were talking to awhile ago?" tanong ng intrimitidang si Alesha. Puro lalake na lang ba ang bukambibig niya?

"An old friend"

"You got hot old friends huh? A pilot. And now a doctor. What's next? A policeman?" biglang namula ang pisngi ko sa sinabi ni Laureen. Bahagya pa akong nasamid sa kinakain ko.

"Stop! Just eat" nagpatuloy kaming tatlo sa lunch namin nang lumapit sa amin si Kian. Napakagat labi naman si Alesha, halatang nilalandi si Kian. I'm not sure though kung sila pa ba ni Aryana. Wala naman siyang nabanggit.

"Hi. Can I join you?" sa akin siya nakatingin ngunit si Alesha ang sumagot.

"Sure!" agad na umusog si Alesha kahit na dalawa na silang nakaupo doon ni Laureen.

"Ah. Dito na lang ako" napasimangot siya ng sa akin tumabi si Kian. Inismiran pa ako ni Gaga. "Hey, there will be a project mission few days from now. We are still looking for doctors who wants to come. Are you guys perhaps willing-"

"Yes. Of course" Alesha eagerly answered.

"U-uh." mukhang naiilang si Kian sa kasama ko. "How about the two of you?" Bumaling siya sa akin at kay Laureen.

"I think it's a good idea." Laureen said while shrugging her shoulder.

Wala naman akong nagawa kundi ang pumayag na lang. Pagkatapos noon ay nagpaalam na rin siya mukhang iyon lang talaga ang sadya niya.

Lumipas ang mga araw at naging abala lamang ako sa pag asikaso sa mga in and out patients ko. Tumulong rin ako sa mga kailangang dalhin para sa project mission, I also donated money for the funds. Alam kong malaki ang budget ng hospital dahil isa ito sa pinakakilala at malaking hospital sa Pilipinas, pero gusto ko pa ring tumulong.

Naglalagay kami ng mga supplies and donations sa truck, ngayong araw ang alis namin at isang linggo kami roon. Balita ko ay malayo ang pupuntahan namin. Hindi ko na natanong kung saan dahil sa naging abala ako sa pagcheck ng lahat ng mga kakailanganin.

Nakakatuwa naman na taon taon ay mayroong ganitong pakulo ang hospital. Malaking tulong rin kasi iyon sa mga mahihirap na hindi afford ang magbayad para magpagamot. How ironic it is that they said "Health is wealth" when infact you need wealth to get a good health. Nalungkot naman ang puso ko dahil doon. Oo nga at doctor ako, at ang mga sinusweldo ko ay galing sa bayad ng mga taong naoospital. Pero hindi ako iyong klase ng Doctor na kailangan munang bayaran bago operahan ang pasyente. Ilang beses na akong nag opera at nanggamot ng libre, pero hindi naman naging malaking kabawasan iyon sa sweldo ko. Sana lang lahat ng doctor ay natatandaan pa ang sinumpaan nila na tungkulin nila ang magsalba ng buhay ng iba at hindi ng pera.

"Hey wake up. My shoulder felt numb" nagising ako sa pagyugyog ni Laureen ng balikat niya. Nakatulog na pala ako.

"Did we arrived?" she just shrugged her shoulder telling me that she doesn't know.

Lumabas kami ng sasakyan at bumungad sa amin ang... airport? What are we doing here?

"A-anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay Kian na agad namilog ang mata.

"You didn't know? We're held to Mindanao"

Napaawang ang labi ko sa gulat. Did I just heard it right? Sa Mindanao?

Sumakay kami sa isang private plane na pagmamay ari ng Hospital, nalaman ko iyon dahil sa nakita ko ang logo roon. Ang alam ko ay malayo ang pupuntahan namin pero hindi ko alam na ganoon kalayo.

"Hindi ba delikado roon? Balita ko ay madaming NPA sa mga lugar doon." rinig kong tanong ng isang Doctor na kasama namin. Bakas sa boses niya ang pangamba sa mga maaaring mangyari.

"You don't have to worry. The Alpha will escort us."

Tila nakahinga naman ng maluwag ang babae ganun din ang ibang kasamahan namin.

Ilang oras lamang ang itinagal namin sa himpapawid bago kami nakarating sa Mindanao.

Pagkababa namin at pati ng mga gamit namin ay nag intay kami ng ilang minuto sa sundo namin papunta sa isang specific na place kung saan kami papunta. Nasa likod lamang ako at nag aayos ng sintas ng rubber shoes ko dahil malapit ng matanggal ito. Nakarinig ako ng ingay ng sunod sunod na sasakyan kaya naman napaayos ako ng tayo. Akala ko ay sa akin sila nakatingin pero hindi, nasa likuran ko pala ang hinihintay namin.

Nang humarap ako doon ay parang nanghina ako. Sa isang dosenang lalakeng nakasuot ng uniporme ng pulis at kagalang galang na naglalakad, ay isang lalake ang nakaagaw ng atensyon ko.

Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko at parang bibigay ang tuhod ko sa oras na gumalaw ako.

Mas tumangkad siya at naging mas matikas ang katawan niya. Napansin ko rin ang laki ng pinagbago ng aura niya. Sa loob ng maraming taon na pangungulila at pag inda sa pagod ko ng mag isa. Sa wakas. Nandito na siya.

Ilang pulgada na lamang ang layo niya sa akin nang magtama ang paningin namin. He didn't even flinched and got surprised. Parang wala lang ako sa kaniya. Inilibot niya ang paningin niya pagkalipas ng ilang segundo, pero sapat na iyon para mapagtanto kong marami ng nagbago.

"Welcome Doctors. We, the Alpha team promise to protect you at all cost, while you are staying here. So don't worry because we'll always be here for you. Always."

Muling nagtama ang mata namin sa huling katagang binigkas niya. Napuno ng pangungulila ang puso ko, he was supposed to say that line to me.

Nilagpasan niya ako, kasabay ng pagkirot ng puso ko. Nakalimutan ko, hindi na nga pala ako. Hindi na siya ang pahinga ko, hindi na siya ang Uno ko.

~💙

Continue Reading

You'll Also Like

624K 20.7K 169
The young lady from the Xue family was talented and beautiful, and married the dream husband at the age of 16. They had a loving and harmonious relat...
Cecilia By Anastasia

General Fiction

32.5K 766 27
Cecilia's father, a well-known and successful lawyer, was tired of her problems. Tired of the issues she had been causing for the family and it's nam...
38.7K 4K 13
Maybe sometimes love needs a second chance because it was not ready for the first time šŸ„€... Ekansh Malohtra a youngest buisness tycoon (28).. A man...
402K 13.5K 53
Anhay Sharma:- Cold business tycoon who is only sweet for his family. He is handsome as hell but loves to stay away from love life. His female employ...