MISSION 3: Claiming You

Від AleezaMireya

184K 8.7K 2.5K

"Pwede bang hindi kita tawaging Kuya? Crush kasi kita." Ang mga salitang iyon ang unang sinabi ni Pretzhel k... Більше

Author's Note
Teaser
Chapter 1 - Memory Lane
Chapter 2 - Pretty
Chapter 3 - Jealousy
Chapter 4 - Research
Chapter 5 - Portrait
Chapter 6 - Love Story
Chapter 7 - Gift
Chapter 8 - Seduction
Chapter 9 - The Chase
Chapter 10 - Confirm
Chapter 11 - Threatened
Chapter 12 - Getting To Know
Chapter 13 - Family
Chapter 14 - Admission
Chapter 15 - Lured
Chapter 16 - Cornered
Chapter 18 - Come Clean
Chapter 19 - Sweetheart
Chapter 20 - Secret
Chapter 21 - Priceless
Chapter 22 - Mission
Chapter 23 - Introduced
Chapter 24 - Unimpressed
Chapter 25 - Make Out
Chapter 26 - Future Plans
Chapter 27 - Lap Dance
Chapter 28 - Grand Slam
Chapter 29 - Warned
Chapter 30 - Taste
Chapter 31 - Tested
Chapter 32 - Unrestrained
Chapter 33 - Overheard
Chapter 34 - Wrong Verb
Chapter 35 - Evasive
Chapter 36 - Connive
Chapter 37 - Captivated
Chapter 38 - Tricked
Chapter 39 - Captured
Chapter 40 - Remorseful
Chapter 41 - Ready
Chapter 42 - Marked
Chapter 43 - Busted
Chapter 44 - Beloved
Chapter 45 - Perturbed
Chapter 46 - Cared For
Chapter 47 - Perfect Addition
Chapter 48 - Fairy Tale
Chapter 49 - Jubilant
Exciting News!!!

Chapter 17 - Virtual War

3.3K 170 60
Від AleezaMireya

Pagmulat pa lang ng mga mata ay may gumuhit nang ngiti sa mga labi ni Pretzhel. She got up after her morning prayer and reached for her phone in the bed side table. At gayon na lang ang gulat niya sa dami ng notification na naroon.

Kagabi, bago siya natulog ay nasa twenty-five comments pa lang yata ang nasa latest post niya ng cake creation. May comment doon si Nicolette at sinabi na gano'ng cake design ang ipapagawa sa kanya sa susunod.

There is no bad blood between Nicolette and her. Nang araw na napagkaisahan siya nina Nicolette at Clifford ay nakatanggap siya ng tawag mula sa babae. Humihingi ito ng dispensa at sana raw ay manatili ang pagkakaibigan nila. Naunawaan naman niya ang babae dahil nauna nang nasabi ni Clifford sa kanya, habang nagmemeryenda sila sa Aft deck, na na-blackmail nito ang pinsan. Sabi raw ni Clifford na hindi na nito bibigyan ng discount si Nicolette sa mga susunod na yacht rentals nito.

Hindi rin naman sila nagtagal sa laot dahil pasado ala sais ng hapon ay nasa marina na ulit sila. At kahit na may sariling kotse ay hindi pumayag si Clifford na umuwi siyang mag-isa. Nag-convoy ito sa kanya.

At hindi niya inaasahan, pero nang gabing iyon ay ipinaalam nito sa mga magulang niya ang intensiyong suyuin siya. Malugod naman iyong tinaggap ng mga magulang niya. Ang sabi pa ng Papa niya ay si Clifford ang pinaka gusto nito sa lahat ng maging manliligaw niya. Kilala naman daw kasi nito ang binata at noon pa man ay anak na ang turing dito ng mga magulang niya. Na lubha namang ikinasiya ng binata. Ngumiti ito sa kanya at kumindat pa, na sinuklian niya ng matalim na irap.

Mula noon ay lagi na niyang nakakausap ang binata. Chat, MSM, video calls. Ultimo sa mga post niya, laging naka-heart react at nagko-comment ito. In fact, ang huling ni-replay-an niyang comment ay ang kay Clifford. Sabi nito ay 'Beautiful, just like you, sweetheart.' Sumagot siya rito ng 'Thank you.' Pagkatapos noon ay natulog na siya. But that simple exchanged between them blow up.

Again.

Hindi ito ang unang comment ni Clifford na nauwi sa napakaraming palitan ng comments sa pagitan nito, ng Kuya Gab niya at ng iba pang mistah ng mga ito. Napailing siya. Isa talagang malaking pagkakamali na in-accept niya ang Friend Request ni Clifford at ng iba pang mistah ng kuya niya.

Pretzhel groaned when she saw that there are fifty-two comments below her 'Thank you.' reply to Clifford. She readied herself as she clicked the View 52 more replies...

Gabriel Rosales : Clifford Sales!!! TIGILAN MO YANG SWEETHEART NA 'YAN. TANGNA KA.

Clifford Sales: Gabriel Rosales Problema mo, bok?

Gabriel Rosales: Clifford Sales IKAW! G*ago ka. WAG MONG LANDIIN ANG KAPATID KO.

Clifford Sales: Gabriel Rosales Hindi ko siya nilalandi, bok. Nililigawan ko.

Gabriel Rosales: Clifford Sales NILILIGAWAN MY AS*! Tumigil ka! Pasalamat ka narito ako sa Davao. Kung nariyan lang ako, binalda na kita.

Pahinga nang malalim si Pretzhel. In a way ay mabuti na rin nga na nasa Davao ngayong two-weeks break ng kuya niya sa military duty nito. Doon ito nag-stay dahil naroon si Riah.

Clifford Sales: Gabriel Rosales Hindi ako natatakot sa iyo, bok. Malinis ang hangarin ko sa kapatid mo.

Gabriel Rosales: Clifford Sales Wag mo nga akong matawag-tawag na bok! MALINIS? Eh ano ang ginawa mo sa tabing dagat noong engagement party namin ni Riah Angelica Hassan? Pasalamat ka't narito na ako sa Davao nang makita ko ang video, kung hindi, hihiram ka ng mukha sa aso, Sales!"

Nanlaki ang mga mata ni Pretzhel. Nag-init ang mukha niya. Nakuhanan sila ng video ni Clifford?

Clifford Sales: Gabriel Rosales Bakit? Wala naman akong masamang ginawa noon, ah?

Gabriel Rosales: Clifford Sales ANONG WALA? G*ago ka talaga! Kita sa video kung saan ka nakahawak. Wag kang magpapakita sa akin, sinasabi ko sa iyo, babalian kita ng buto!

Clifford Sales: Gabriel Rosales Hindi ako takot, bok. Nataon lang na may aasikasuhin ako. Pero kapag naayos ko bago matapos ang two-week break ko, puntahan pa kita diyan sa Davao.

Gabriel Rosales: Clifford Sales Tapusin mo kaagad! Magharap tayo dito!

Ace Ismael: Eugene Cordova, talpakan na! Hahaha. Saan ka pupusta? Jason Arellano, Timothy Gamboa, baka gusto niyo rin pumusta?

Julius Rosales: Clifford Sales, Kuya Gabriel Rosales, seryosong away ba ito? Bro Ace, Sali ako sa pusta. Dun ako sa dehado.

Napa-face palm na lang si Pretzhel.

Eugene Cordova: Ace Ismael Nice! Sa dehado rin ako. Ang tandang na sugatan, lalong tumatapang, di ba, Clifford Sales? Hahaha. Riah Angelica Hassan, baka pwedeng i-live 'yong talpakan sa Davao.

Ace Ismael: Eugene Cordova Ayon! Talpakan sa Davao! Gabriel Rosales, Clifford Sales, kelan ba' yan? Gagawan ko na ng Event. Tingnan natin ilan ang maggo-Going.

Eugene Cordova: Ace Ismael Ayos, bok! Going na ako diyan!

Jason Arellano: Seryoso ba kayo, Clifford Sales, Gabriel Rosales? Kung seryoso man 'yan, hindi Facebook ang proper venue.

Timothy Gamboa: Anong kaguluhan ito? At bakit sa wall ni Pretzhel Rosales? May group chat tayo. Dun kayo magkagulo. At least doon, sanay na kami sa ingay ninyo. Wag dito. Ginagamit pa naman sa business ni Pet itong account niya, dito pa kayo nagkalat.

Amen! Gusto niyang pasalamat ng personal sina Kuya Jason at Kuya Timothy. Ang dalawang iyon talaga ang matino sa grupo.

Imbes na basahin pa ang ibang comments ay dumiterso na lang siya sa dulo at nagcomment.

Pretzhel Rosales: Gabriel Rosales, Clifford Sales, Ace Ismael, Eugene Cordova, Julius Rosales, one more stint like this, blocked kayong lahat sa account ko. Kuya Jason Arellano and Kuya Timothy Gamboa, thank you. Ate Riah Angelica Hassan, pakipalo nga si Kuya Gab.

Pagka-post ng comment niya ay nag-chat siya kay Clifford. 'We need to talk about what happened on my Facebook wall.'

Si Clifford na lang ang kakausapin niya na wag nang mag-comment para hindi humaba ang diskusyon sa wall niya. Pagkasend noon ay tumayo na siya. Malamang na mamaya pa maka-reply ang binata dahil nagsabi ito sa kanya kagabi na maaga itong aalis at may aasikasuhin daw ngayong araw.

Pumunta siya sa banyo para maghilamos. Kung siya lang ang masusunod ay maliligo na siya bago bumaba, pero tiyak na sermon ang aabutin niya sa Mama niya. Ayaw nito na naliligo siya sa umaga na wala pa raw nailalagay na mainit sa sikmura. Nagkasya na lang muna siya sa paghihilamos. Gamit ang kamay ay inayos niya ang magulong buhok saka itinali na messy bun.

Paglabas ng banyo ay kinuha niya ang ka-partner na roba ng satin camisole top and shorts sleepwear niya. Maiski rin lang ang roba. Kasing haba lang iyon ng satin shorts niya. Pero at least hindi naman halata ang dibdib niya. Nakasanayan na rin kasi niyang matulog na walang bra.

Itinatali niya ang sash ng roba habang bumaba ng hagdan nang marining niya ang pag-uusap ng mga magulang sa kusina.

"Tiyak namang may kwarto tayo sa ipapatayong bahay ng mga anak mo," anang ina niya.

"Oo nga. Pero syempre, bigyan mo pa rin naman sila ng privacy. Kailangan din mapag-isa ang mga bata. Hindi naman pwedeng doon ka na tumira," sansala ng ama niya.

Napangiti si Pretzhel. Tiyak na ang ipapatayong bahay ng kuya niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Noong engagement party ay nasabi ng Kuya Gab niya na humahanap na ito ng architect na gagawa sa dream house ni Riah.

"Hindi naman tayo doon titira. Papasyal lang."

"Kuu. May pasyal bang kasasabi mo lang na linggo-linggo tayong pupunta? Okay na ang isang beses isang buwan. Hayaan mo ang anak mong masanay na malayo sa iyo. Kailangan niya iyon kapag nag-asawa na siya. Hayaan mong matutong tumayo sa sariling paa nila ang mga anak natin. Hindi habang buhay na kasama nila tayo. At saka noon pa naman ay napag-usapan na natin na darating ang panahon na kukunin sila sa atin ng totoong nagmamay-ari sa kanila. Tagapag taguyod at tagapag palaki lang tayo. Taga handa sa daang tatahakin nila."

Napangiti si Pretzhel. Her father was a man of few words, but when her father speak, it was full of truth and wisdom. Lagi at lagi siyang may napupulot sa ama.

Hindi pa tuluyang makakapasok sa kusina ay nagsalita na siya. "Good morning! Agang lambingan naman po niyan. At saka, hindi pa nga naitatayo ang bahay nina Kuya, pinagtatalunan niyo na kaagad ang pagbisi-" Imbes na tapusin ang sinasabi ay napamaang siya nang makita ang lalaking kaharap ng ama sa dining table.

"Good morning, sweetheart." Clifford grinned. "Kape?" anito na tumayo. Kumuha ng mug at ipinagsalin siya ng brewed coffee.

"Ginagawa mo rito ng ganito kaaga?" aniya nang makabawi. "Akala ko ba may pupuntahan ka?" aniya na pinasadahan ang kabuuan nito. Her heart fluttered. Yep, military officer can be casual yet stylish. This man right here is the example. Navy blue polo shirt, white shorts and navy blue loafers.

"May pupuntahan tayo. Ipinagpaalam na rin kita kina Mama at Papa," nakangiting sagot nito. Lumapit sa kanya at iniabot ang mug.

"Thank you," she murmured. Itinaas niya ang mug. Uminom siya ng kape para itayo ang pamumula ng pisngi.

Na-conscious siya sa paraan ng pagtingin ng binata. At naasiwa rin sa suot. Bihis na bihis na ito, samantalang siya ay nakapantulog pa, ni hindi pa man lang nakakapaligo. "Magka-usap tayo kagabi. Bakit hindi mo sinabi sa akin na ako pala ang pupuntahan mo?"

"Para siguradong maisama kita. Ilang araw na kitang niyayaya, ang dami mong dahilan. Siguro naman ngayong weekend, pwede na. At sabi rin ni Kate sa akin na for releasing na lahat ng cake today kasi nagawa niyo na lahat kahapon pa."

Para makaiwas sa pagtitig nito ay naupo siya sa bangkong hiningit ni Clifford, ang bangkong katabi ng inookupa nito.

Totoo naman kasing niyayaya siya ni Clifford. May ipapakita raw ito sa kanya at kailangan nito ang opinyon niya. But he doesn't elaborate further. Tuloy ay nagdududa siya kung ano ba ang ipakikita ng binata sa kanya.

And he have to give it to him. He really is persistent. At tuso rin. Paano pa nga ba naman siya makakatanggi kung narito na ito mismo sa bahay nila at naipagpaalam na sa mga magulang niya? But then again, she's certain that if she insisted not to go, Cliff won't force her.

Ang totoong tanong na lang ay kung ayaw ba talaga niyang sumama?

"Ayaw ko ngang sumama. Ayaw mo naman sabihin sa akin kung saan tayo pupunta. Mamaya kung saan mo pa ako tangayin," nakairap na sagot niya sa binata.

Tumawa si Clifford. "Sumama ka na. Saglit lang tayo. Nag-promise ako kina Mama at Papa na bago dumilim, ihahatid na kita rito. Makikikain na rin ako ng dinner dito."

"Saan nga kasi muna tayo pupunta?"

"Madalas kong marinig kay Abby na may trust issue daw iyang si Pretzhel kaya sabihin mo na, anak, at sinisigurado ko sa iyong hindi mo maisasama si Pretzhel kung hindi niya alam," anang ina niya. Ibinaba ang serving plate ng fried rice sa lamesa.

Tatayo sana siya para tulungang maghayin ang ina, pero mabilis na nakatayo si Clifford. "Stay put. Ako na, sweetheart."

Imbes na kumontra ay hinayaan na niya ito. Tutal, dati naman nang ginagawa ng lalaki iyon basta nasa kanila.

"Sumama ka na, anak," taboy ng ama niya. Masuyo itong ngumiti sa kanya saka sumulyap kay Clifford.

Ang binata naman ay ngumiti nang magpatong ng pinggan sa tapat niya. Pretzhel's heart beat faster than it already did when his familiar scent filled her nostril. Imbes na gumanti ng ngiti ay itinaas niya ang mug at sumimsim ng kape para itago ang pamumula ng mukha.

"Importante ang desisyon mo at mamimili daw kayo ng lote na pagtatayuan ng bahay ninyo ni Clifford," sagot ng ama niya.

Ang mug na nasa tapat ng labi niya ay kaagad niyang naibaba. Mabuti na lang at wala nang laman ang bibig niya, kung hindi ay malamang na nahirinan siya. Pero dahil sa lakas nang pagkakabagsak niya sa lamesa ay tumapon ang ibang laman niyon.

"Bahay namin?" nagugulumihanang tanong niya sa ama. Nang hindi ito sumagot ay bumaling siya kay Clifford na muling naupo sa tabi niya. "Anong bahay natin?"

"Bahay natin. Kung saan tayo titira," sagot ni Clifford sa kalmanteng boses na akala mo'y natural lang na pag-usapan iyon ng pamilya nila.

Pumikit si Pretzhel. Humugot nang malalim na hininga saka muling tumingin sa binata. "Teka nga! Bakit nasa bahay ka na? Sinagot na ba kita? Di ba, hindi pa?"

Clifford grinned. "Hindi pa. Sa ngayon. Pero gagawin ko ang lahat para mapasagot kita. Malaot madali ay doon din naman tayo pupunta. At dahil darating ang panahon na ibabahay naman kita, mas mabuting ngayon pa lang, i-plano na natin, di ba?" Nakangiti man ito, bakas naman ang determinasyon sa mga mata ng binata.

Pretzhel's heart nearly stopped.
Dahil walang maisip na isagot ay nag-iwas na lang siya ng tingin sa binata.

Продовжити читання

Вам також сподобається

841K 14.8K 65
This is just a pleasure. Pure lust and sex. That's it. No strings attached. Just pure lust and desire with each other.
452K 11.9K 35
What's the truth behind their pleasure?
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
409K 9.3K 34
A roller coaster ride to forever. Prince Cage Monteverde was known as a notorious playboy. He could make you his by his sugar coated words. Telling y...