SB19 Random Scenarios And One...

By sb19stories

7.4K 253 22

WELCOME TO SB19 RANDOM SCENARIOS AND ONE SHOT BOOK 2! Thank you to all who voted, commented, and read my book... More

INTRODUCTION
AUTHOR'S NOTE•MUST READ!
1(T)SB19 pag tinakot ng multo
2(T)SB19 pag tinuli
3(T)[C.S]SB19 as online seller
4(T)SB19 pag magbabayad sa jeep
5(T)SB19 as ur batang jowa
6(T)[IMGN]Our Promise|JOSH
7(T)SB19 talking abt a'tin fanboys
8(T)SB19 as siblings at nagdala si Ken ng GF sa bahay
9(T)PABLO as your CEO
10(T)KEN as your CEO
11(T)KEN as your torpeng roommate
13(T)SB19 when u kiss a baby's cheek
AUTHOR'S NOTE

12(T)[O.S] UNTITLED|Stell Ajero

440 17 16
By sb19stories

UNTITLED | Stell Ajero

📍OneShot Story
📍Errors Ahead
📍Contain foul words (read at your own risk)
📍First Commissioned Story, Vester Hoon
📍Long Story ahead (9000+ words hehehe)

---
"Good morning Kate." Agad akong napalingon kay sir Andrew nang bumati ito sa'kin. Binigyan ko lang ito ng tipid na ngiti saka pinagpatuloy ang aking ginagawa.

Bumati rin ito sa iba pagkatapos ay tumungo sa lamesa niya.

'Ang gwapo talaga ni sir.'
'Sinabi mo pa.'
'Ang bait bait pa. 'Di ko feel na senior natin sya. Kasi mas feel ko siyang maging asawa.'
'Hahahaha lokaret ka.'
Ilan lamang ito sa rinig kong usapan ng mga katrabaho kong babae.

Mahina akong natawa saka napailing.

Gwapo naman talaga si sir Andrew. Masipag sa trabaho. Napakabait at friendly pa, senior ko sya pero hindi niya pinaparamdam na mas mataas sya sa'min. Kahit bago palang ako rito, ang bait ng pakikitungo nya sa'kin.. Well, kahit sa iba rin naman.

Ideal guy nga ang tawag sa kanya ng mga kababaihan dito.

Ideal guy nga siya pero 'di ko sya type.

I respect him as my senior and I know he respects me too.

***
"Kate, kunin mo nga iyong documents don sa meeting room. Naiwan ko. Nakapatong lang sa lamesa iyon."

"Sige ma'am." Agad akong tumungo sa meeting room kung saan kami nanggaling kanina ni ma'am Hazel.

Katatapos lang ng meeting namin.

Nang makapasok ako sa meeting room ay nakita ko si sir Andrew na nakaupo pa rin at busy sa papeles nito. Napaangat ito ng tingin sa'kin.

Nandito pa pala sya.

"Oh Kate? What brings you here?" Agad akong tumungo sa inupuan ni ma'am Hazel kanina at kinuha ang mga dokumentong pinapakuha sa'kin. Pinakita ko ito kay sir Andrew.

"Nakalimutan po ni ma'am Hazel iyong document papers niya. Pinapakuha niya po," sagot ko.

"Oh," naiusal nito at napaiwas ako ng tingin dahil sa kakaibang tingin nito.

Hindi kami nag-uusap talaga ni sir Andrew na kaming dalawa lang. Nagbabatian at nginitian lang talaga kami sa isa't isa pag nagkikita kami, kaya 'di ako sanay na kaming dalawa lamang ang nandirito. Isama mo pa iyong paraan ng pag tingin niya sa'kin. Nakakailang.

"Kate? Can I ask you something?" Napasulyap ako rito at nakitang nakatitig pa rin ito sa'kin.

Tumayo ito kaya napalunok ako ng laway.

"U-uh ano po iyon sir—"

"Shhh.. stop calling me sir, will you?" Nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pagsabi niya nun kaya dahan-dahan akong napahawak sa door knob.

I-i don't like this uncomfy feeling.

"Sir—" Pagkalapit nito sa gawi ko ay nilagay nito ang hintuturo nya sa labi ko at mahinang nagsalita, "Hey.., I said stop calling me sir. We're friends right? Or you want us more than that?" Ngumisi ito.

"S-sige po. Uh Andrew mauna na'ko baka k-kasi hinahanap na'k—" Akma kong bubuksan ang pinto nang pigilan ako nito.

"Shhh. Let's enjoy this moment for awhile Kate. Don't leave me like this. I know you like this too right?" Nagtataka akong napatingin sa kanya at ganun na lamang ang gulat ko ng hipuin nito ang pwetan ko.

"Bastos!" sigaw ko at sinampal ito.

Dali-dali kong binuksan ang pintuan pero pagkabukas ko ay hinila ako nito pabalik at hinawakan ang kamay ko.

Sinatado nito ang pinto.

"S-sir Andrew! Ba't nyo 'to ginagaw—Hmppp!" Tinakpan nito ang bibig ko saka mahinang nagsalita.

"Ayaw mo ba nito? I thought you like me too? You want me too—ARGHHH!" Kinagat ko ang kamay nito at dali-daling pumiglas sa pagkakahawak niya.

"Gago! Nirerespeto kita bilang senior ko! Ang baboy mo!" Sigaw ko bago umalis.

"Hey! Kate! Bumalik ka rito!!"

Dali-dali akong naglakad palayo sa lugar na iyon na hingal na hingal.

Umiiyak akong tumungo kay ma'am Hazel at 'di pa rin makapaniwala sa nangyari.

Gagong iyon!

He's my damn senior! I respect him so much! I trusted him so much! How can he... How can he do this to me?!

"Kate? What's wrong? Why're you crying? Are you okay?" Nag-aalalang lumapit sa'kin si ma'am Hazel nang makita ako nitong nakaluhod na umiiyak.

"M-ma'am Hazel..."

***
Kinabukasan, pagkapasok na pagkapasok ko sa trabaho ay niyakap ako ng mga katrabaho kong babae.

"We already know what happened to you yesterday."
"I'm sorry for what happened to you."
"I hope you'll be okay Kate."
"Kaya pala ganun nalang kung tumitig si sir Andrew sa'yo, may pagnanasa!"
"Buti nalang talaga at natanggal na sa trabaho iyon!"
Tila nagdiwang ang tenga ko sa huling nagsalita.

"Natanggal? Si s-sir Andrew ba?" tanong ko.

"Yes, I already fired him after what happened yesterday. That Andrew is a jerk! Such a disappointment!" Napalingon ako kay ma'am Hazel dahil sa sinabi nito at naluluhang tumingin dito.

"Shush. You're okay now. Hindi kana babastusin ng lalaking iyon." Niyakap ako nito at ganun din ako.

"Thank you ma'am Hazel." Marahan nitong tinapik-tapik ang likod ko.

I'm so lucky to have them.

Sa kabila ng pagkagusto nila sa gagong Andrew na iyon, pumanig sila sa tama at 'di nila ako hinayaang masaktan ulit sa lalaking iyon.

I still can't believe what had happened yesterday.

Sayang si Andrew. Sayang ang trabahong pinaghirapan niya. Mag 3 years na rin sya rito pero sinayang nya lahat iyon dahil lang sa pagnanasa niya. Tss.

Nandidiri pa rin ako pag naalala ko iyong pangyayaring iyon. 'Di pa rin ako makapaniwala.

Napakabilis ng pangyayari.

---

Week has passed and everything is still going well on my life and my job.

"Kate, okay kana ba?" Ngumiti ako sa katrabaho ko at tumango.

After what happened to me last week,  they always check on me if I'm okay. I'm happy that there's someone who cares for me. I'm happy to work with the people like them.

***
Break time na pero inuna ko munang tapusin ang mga paperworks ko. Kailangan ko 'tong tapusin ng maaga para maaga akong makauwi. Pero bago iyon, balak ko sanang librehin iyong mga officemate ko. Pagpapasalamat ko lang sa kanila this past days.

Pero habang busy ako sa ginagawa ko ay nakaramdam ako ng pananakit sa tiyan ko.

Shit naman.

Mukhang kailangan ko talagang mailabas 'to.

Napagpasyahan kong pumunta ng CR upang ilabas ang sama ng loob ko. Habang papunta sa CR ay nakarinig ako ng mga tawanan sa isang silid.

Napasilip ako rito at nakita ko ang mga katrabaho ko kasama si ma'am Hazel na nag-uusap sa meeting room.

Ba't sila andito? Anong meron?

"Ewan ko ba jan kay Kate, napaka OA. Like sinong iiyak pag hinipuan ka ng isang Andrew right? Andrew na iyon!"
"Yesss! Dapat nga magpasalamat pa sya. Tss!"
"Parang hinipo lang eh. Iyak agad hahaha."
"Pag sa'kin siguro ginawa iyon ni sir Andrew, oo agad ako! Nakakaloka 'tong si Kate. Akala mo mahaba ang hair."
"Trooot! Napaka assuming! Ayan tuloy, isang linggo na'kong nagluluksa sa pag-alis ni Andrew."
"Sana sya nalang pinaalis mo ma'am Hazel tutal baguhan palang naman sya."
"Oo nga ma'am."
"What's done is done. Hayaan niyo na syang mag-ilusyon kay Andrew. Mas baliw iyon kesa sa'tin."
"HAHAHAHAHAHA ikaw ma'am ah."

Agad akong umalis sa lugar na iyon na 'di makapaniwala.

Umiiyak akong naglabas ng sama ng loob sa CR habang inaalala ang mga sinabi ng mga officemates ko.., and worst, ni ma'am Hazel.

How can they? How can they do this to me?!

So.., all this time? Peke lang iyong pinapakita nila sa'kin? Binabackstab na nila ako...

All this time, ayaw na talaga nila sa'kin...

Ha! Ang tanga mo self!

Ang tanga-tanga mo! Nakaka—arghhhh!!!!

I don't know who can I trust anymore!Or magtitiwala pa ba ako?

I-I.., I can't believe this!!!

Tanginaaaa!

'Di ko na alam!

Bakit ganito? I don't deserve this!

Agad kong pinunasan ang luha ko.

Pagkabalik ko sa office table ko ay nakatulala lamang akong nakatingin sa computer.

Saka lamang ako napakurap ng mata nang makaramdam ako na may tumapik sa balikat ko.

"Kate, you okay? You want a coffee?" Nakatitig lamang ako sa mukha ni ma'am Hazel na nag-abot ng kape sa'kin.

Damn it. Bakit 'di ko man lang napansing ang PLASTIK ng approach nito sa'kin? Bakit ngayon ko lang napansin?!!

Gustuhin ko mang umiyak pero hindi nila deserve ang luha ko.

I trusted you all.., but this is all what I've received.

Pilit akong ngumiti rito at sinabing okay lang ako.

Ayokong inumin ang kape niya. Baka may lason palang nakalagay. Siguro pinlano rin nila 'to.

Hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako.

Mas mabuti pang 'di magtiwala sa tao. Para hindi ako ganitong nasasaktan.

***
After that day, I decided to leave my job. Pinadala ko lang ang resignation paper sa office dahil ayokong makita ang mga makakapal na pagmumukha nila.

Nasusuka ako sa kaplastikan nila.

Ayoko nang makita pa sila. Never again.

Napagdesisyunan kong maging freelancer nalang.

Mas mabuti pa 'to para kahit nasa loob lang ako ng bahay ay kumikita pa rin ako. Pahirapan nga lang makahanap ng client. Pero mas okay na 'to.

Ayoko ng lumabas. Natatakot na'kong magtiwala sa mga tao.

Hindi ko na kakayanin pang magpaloko sa mga taong pinagkatiwalaan ko.

Napakasakit.

Naghanap na rin ako ng bagong mauupahan ko. Baka kasi puntahan ako nina ma'am Hazel sa dati kong bahay kahit obvious namang hindi at alam kong paplastikin lang ako non kung pupunta man iyon. Ayoko na silang makita. Never again nga diba.

New house. New life. And new me.

---
*door bells*

"Is this Kate Cullen's house? This is Joshua Torres. Here's your delivery ma'am."

"Come in," usal ko habang tutok sa computer ko.

Rinig ko ang pagbukas ng pinto at paglapag nito ng mga inorder ko sa lamesa.

"Dito ko nalang ibaba sa lamesa ma'am?"

"Oh," sagot ko.

"Sige ma'am alis na po ako."

Makalipas ang ilang segundo ay narinig ko ang pagsara ng pinto senyales na umalis na ito.

Napalingon ako sa mga inorder ko saka tumayo at lumapit dito.

Wala namang kulang.

Napatingin ako sa mga gamit malapit sa may pinto at kitang kompleto pa rin ito.

Napahinga ako ng maluwag.

Heto ka na naman Kate. Ang lala ng trust issues mo.

Walang kanakaw-nakaw jan.

Inayos ko ang inorder kong grocery pack for my 1 week life.

Kada linggo ay may nagdedeliver ng grocery pack kasama na ang food supplies at kakailanganin ko for 1 week.

Iisang lugar lang naman ang pinag oorderan ko pero iba't ibang tao kada linggo ang nagdedeliver dito sa bahay ko ng mga pinag oorder ko.

Siguro dahil ang sungit ko.

Ni-hindi man lang ako nagti-thank you o tumitingin sa kanila pag nagdedeliver sila rito. Ni wala pang tip.

Diba ang sungit? Ayan, walang nagtatagal.

Mas mabuti na rin iyon. Para no attachment, no pain.

This is the new me.

I've been doing this since the day I've resigned to my past job. And it's been 3 months already. Tagal na ring ganito ang set up ko.

Sanayan na rin.

I'm okay with this set up din naman.

Pagkatapos kong maayos ang mga inorder ko ay humarap na ulit ako sa computer ko.

Let's get back to work!

---
Week passed at araw na naman ng linggo.

Napakabilis ng panahon.

Araw na naman ng pagdeliver ng groceries dito sa bahay ko.

Pusta ko na agad bagang ng mga katrabaho ko rati na bago na naman itong magdedeliver.

Pero infairness sa shop na pinag oorderan ko ah, daming delivery man.

*door bells*

Napaayos ako ng upo at napatutok sa computer ko.

"Hello ma'am! This is Stell Ajero. Nandito na po mga inorder nyong pagkain, panligo, panlaba, pangtrabaho, pangangailangan sa bahay, panlinis ng bahay, bagong damit, bagong underwear—"

"Come in!" Pagputol ko sa sinasabi nito.

Necessary ba talagang sabihin mga pinamili ko?! Ghad!

Nakakahiya sa kapitbahay!

"Good afternoon ma'am!" Masiglang bati nito pagkapasok nito sa bahay.

Tinanguhan ko lang ito habang nakatutok sa may computer.

"Bising busy tayo ma'am ah."

"Oh," naiusal ko.

"Uh.. saan ko po ilalagay itong inorder nyo ma'am? Dito nalang ba sa lamesa?" rinig kong tanong nito.

"Oh," sagot ko.

"Ang dami niyong order ma'am hehehe. Marami kayong nakatira rito?" Ba't ang daldal nito?

Hindi ko ito sinagot at nagkunwari lang akong busy sa computer.

"Uhh hehehe naistorbo ba kita ma'am?" Hindi ko ito sinagot.

"Uhhh sige po ma'am alis na po ako..," dagdag nito.

"Ge," saad ko. Umalis ka naaaa!

"Ma'am???" Ano na naman?

Kunot-noo akong lumingon dito at nakita ko itong nakangiti ng malapad sa'kin. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Sabi ko po aalis na ako."

"Oh," saad ko saka tumango.

Nawala ang ngiti sa labi nito, "Asan thank you mo ma'am?"

Nakatitig lamang ako rito.

"Uhhh..., sabi ko nga aalis na'ko ma'am hehehe."

"Alis na," wika ko at humarap na ulit sa computer.

"Bye-bye ma'am." Hindi ako lumingon dito at hinintay na marinig ang pagsara ng pinto.

"Ma'am, sabi ko bye-bye."

"Oo nga!" Kairita naman 'to. Pwede namang umalis na agad.

"Mag bye-bye ka rin ma'am. Tapos mag thank you." Lumingon ako rito at nakita ko na naman itong nakangiti sa'kin ng malapad.

"Oh," sagot ko.

Nagsalubong ang kilay nitong napakamot sa ulo saka nagpaalam na ulit na umalis pero this time, umalis na talaga siya.

Pagkalabas niya ay napahinga ako ng maluwag at mahinang natawa.

Ang daldal.

Bwiset na siguro iyon sa'kin. 'Di na iyon babalik.

Tss. hahahaha.

Napatingin ako sa lamesa kung nasan ang mga inorder ko.

Kunot-noo akong lumapit dito nang makitang may maliit na papel na nakadikit sa lamesa.

Isang sticky note.

"Nice meeting you ma'am sungit! :'D -Stell at your service." Pagbasa ko sa nakasulat sa papel.

Ganda ng sulat-kamay ah.

Tss.

May paganito pa sya.

Lihim akong napangiti at sinimulan nang ayusin ang groceries ko.

***
(Next Sunday... )

*door bells*

"Hello ma'am! This is Stell Ajero. Nandito ulit ako upang ihatid ang inorder nyong pagkain, panligo, panlaba, pangtrabaho, pangangailangan sa baha—"

Awit. Bumalik sya?

"Pasok!" Talagang sasabihin niya pa ulit mga pinamili ko? Hanep talaga.

"Magandang magandang magandang hapon ma'am! Pero mas maganda ka sa hapon. Yieee," saad nito pagkapasok na pagkapasok niya sabay kindat.

Anong trip nito? Ba't bumalik 'to?

Humarap ako sa computer at 'di pinansin ang pagbanat nito.

"Etong si ma'am ang sungit sungit. Hindi mo ba 'ko namiss ma'am?" Wow.

'Di ako makapaniwalang lumingon dito at nakita ko itong malapad na naman ang ngiting nakatingin sa'kin. 

Tinaas-baba nito ang kilay niya, "Kasi ako ma'am namiss kita. Yieee ngingiti na iyan," saad nito sabay tawa.

Tss.

Nagpipigil tawa akong humarap sa computer.

Miss mong mukha mo. Mambobola amp.

"Hahaha yieee si ma'am nagpipigil." Tss.

"Anyway ma'am, kumain na ba kayo?"

Alam ko mga galawang ganito eh.

"Alis," seryosong saad ko habang nakatingin sa may computer screen.

No, self. Bawal tayong maattach sa tao, okay? Alalahanin mo.

At lalaki iyan! Baka may bad intention  iyan. Hindi natin alam laman ng utak nyan.

"Sorry ma'am." Hindi ako sumagot dito at hinintay ang pag-alis nito.

"Sige po alis na'ko. Sorry po ulit. Masyado ata akong nagfeeling close sa inyo," saad nito kaya akala ko ay aalis na ito ngunit pag lingon ko sa gawi nito ay nandoon pa rin sya pero malapit na sa may pinto. Nakayuko ito at magkalapat ang dalawang kamay nito.

"Oh?" Tinaasan ko ito ng isang kilay.

"Eto po hindi na tayo masyadong close. Hindi ko na feel na close tayo." Eh? Nagbibiro ba sya?

Bigla nitong inangat ang tingin nya sa'kin at ngumiti na naman.

"Hahahaha pangit ko talagang magjoke. Haaay. Anyway ang cute ng reaction niyo ma'am. Sige po alis na'ko. Bye bye! Pakabusog ka po!" saad nito sabay kumaway at nag finger heart. Pagkatapos ay lumabas na ito ng bahay.

Ba't may pafinger heart pa? Anong trip nun?

'Di ko namalayan na namumula na pala ako kaya napasampal ako sa pisngi ko.

Ah! Baka gutom lang ako kaya ako namumula!

Ba't naman ako mamumula sa isang compliment diba? Ha! 'Di ako naniniwala sa sinabi non noh. Nambobola lang iyon.

Mga tao ngayon 'di katiwa-tiwala. Tss!

Napatingin ako sa lamesa at lumapit dito nang makakita na naman ng isang sticky note na nasa takip ng isang baunan.

Binuksan ko ito at naamoy ang mabangong sinigang.

Wow. Siya ba may luto nito?

Napahawak ako sa tiyan kong tumunog saka mahinang natawa.

Sabi ko sa inyo gutom lang iyong pamumula ko kanina eh. Tss.

Inamoy ko ang sinigang saka binasa ang nasa papel,
"May natira po kasing ulam sa'min sayang naman. Luto ko po iyan.
P.s. Wala pong lason iyan. :'D -Stell at your service."

Natawa ako ng mahina sa nakasulat pagkatapos ay humigop ng unting sabaw.

Aghhh. Sarap.

Ngayon nalang ulit ako nakatikim ng lutong sinigang.

'Di kasi ako marunong magluto. Tamang prito lang at mga can goods kinakain ko. Oks naman na sa'kin ang ganun.

Pero nakakamiss palang kumain ng ganito. 'Di na kasi ako nalabas para bumili sa karinderya.

Napatingin ako sa sulat ng delivery man.

Ang sungit ko sa kanya, sa kanila. Hindi ko deserve ang magandang pakikitungo niya sa'kin.

Pero wala eh. Ayoko nang magtiwala pa. Baka mangyari na naman sa'kin iyong nangyari rati dahil sa pagtiwala ko sa mga taong binabackstab at may masama na palang hangarin sa'kin.

Pasensya na sa mga taong nakakasalamuha ko ngayon. Hindi nyo deserve 'to pero gusto ko lang protektahan sarili ko.

Paniguradong 'di na babalik iyong Stell na iyon dito. Nagbigay na nga ng sinigang, nasungitan pa. Hayst.

Tatanggapin ko nalang as remembrance itong sinigang na bigay nya sa'kin.

Baka deep inside ayaw talaga nun sa'kin. Nakikisama lang sa'kin dahil sa customer nila ako. 

Siguro nga binabackstab na rin ako nung ibang nagdeliver na rito rati. Baka pinag-uusapan na nila ako kung gaano ako kasama sa kanila.

Napasapo ako sa noo ko.

Aishhh! Ano ba namang pag-iisip iyan, Kate!

Sinasaktan mo lang lalo sarili mo.

Makakain na nga lang muna.

***
(Next Sunday...)

*door bells*

"Delivery from Kate Cullen!"

"Pasok!" saad ko at agad akong natigilan nang makita ko ulit si Stell.

"O-oh," naiusal ko pagkapasok nito.

Bumalik ulit sya. 'Di ko napansin na boses nya pala iyon.

"Good afternoon ma'am! Ako'y nagbabalik!—Sana all bumabalik. But anyways ma'am, here's your delivery!" Nakangiti na namang bati nito sa'kin. Buhat-buhat ang mga inorder ko na nasa malaking bag ay nilapag niya ito sa lamesa. Nilabas nito ang mga inorder ko sa bag niya pagkatapos ay ngumiting tumingin sa'kin.

May inabot itong papel sa'kin na agad kong tinanggap.

"Hehehe binabasa niyo po ba mga sulat ko? Masarap po ba iyong sinigang? Kinain niyo po ba?" sunod-sunod nitong tanong.

Umiwas ako ng tingin dito at humarap na ulit sa computer.

"Ma'am, napapansin ko lang..., lagi kayong nakatutok jan sa computer niyo. Naku baka manlabo agad mata niyo." Napatingin ako rito.

"It's none of your business," saad ko.

"Hehehe concerned lang naman ma'am. Eto naman."

"Ba't ka bumalik?" tanong ko rito.

"Actually ma'am, bumalik talaga ako para sa baunan—joke lang HAHAHAHA. Inyo na po iyang baunan ko. Regalo ko na sa inyo. Kelan po ba birthday niyo?"

Ilang segundo pa bago ko siya sinagot, "January 7."

"Ayy hahahaha tapos na pala. August na eh. Belated birthday gift ko nalang sa inyo iyan ma'am!" Walang emosyon akong nakatingin lang sa kanya.

"Ma'am? Wala man lang thank you? Or smile jan?"

"'Di ka ba nasusungitan sa'kin? Ha? Ba't ka pa bumalik? 'Di mo ba mahalatang ayokong makipag-usap sa'yo? Gusto kong mapag-isa. 'Di mo ba maramdaman iyon?"

Natahimik ito ng ilang segundo bago sumagot, "Bumalik lang naman po ako ma'am kasi po ginagawa ko lang po trabaho ko, ang magdeliver sa inyo." Napalunok ako ng laway.

Oo nga pala. Ba't 'di ko naisip iyon. Ayan pahiya ka self.

Naiilang akong umiwas ng tingin dito at napakamot sa batok ko.

Shit naman. Ba't 'di ko naisip iyon?

"And to answer your question ma'am, hindi po ako nasusungitan sa inyo. Nacucute-an nga po ako sa inyo pag umaakto kang nagsusungit sa'kin hehehe." What? Umaaktong nagsusungit? Sa kanya? Hell no.

"Ako naman magtatanong ma'am." Napatingin ako rito at tinaasan ito ng kilay.

"Bakit po kayo nag oorder ng napakarami kada linggo? Hindi naman sa ayaw kong nag oorder kayo. Thankful nga po ako kasi may kikitain ako pangdelivery. Pero curious lang po talaga ako, bakit po parang halos lahat ng pangangailangan niyo, inoorder niyo lang? Lumalabas pa po ba kayo?" Wow. Ang daming tanong.

"Pag sinagot ko ba iyan, bawas iyan sa sweldo mo?"

"Syempre hindi ma'am. Grabe ka naman sa'kin." Mahina akong natawa sa sinabi nito pero agad rin akong nagseryoso nang mapansin kong napangiti ito sa naging reaksyon ko.

"And to answer your other question kanina ma'am, hindi ko po makitang ayaw niyo 'kong kausap. Ngumingiti ka nga po sa'kin eh. Yieee."

"Tss. Pwede ka nang makaalis."

"Ayy ma'am 'di mo pa sinasagot tanong ko."

"Ha? May tanong ka ba?" Pagmamaang-maangan ko.

Nanliliit ang mata nitong tumingin sa'kin.

"Sige na nga, alis na po ako. Next week itatanong ko nalang ulit. Basahin mo po iyong sulat ko ah!"

"Ge." Gulat itong lumingon sa'kin.

"Hehehe binabasa niyo po iyong mga sulat ko?" Hindi ko sya sinagot at tinignan lang sya.

"Hehe sabi ko nga alis na'ko. Keep niyo po iyong baunan ko ah? Alagaan niyo ng mabuti!" Aalis na sana ito nang lumingon na naman ito sa'kin.

"Ma'am??"

"Oh?"

"Bye-bye." Lihim akong napangiti.

Ba't ang cute niya?

Hala gago, anong sabi ko?

"Oh," tugon ko rito at humarap na sa may computer.

Shit naman.

Ba't ganun iyon? Normal lang ba sa kanyang maging paFall?

Or hindi niya alam na ganun sya?

Napasampal ako sa sarili ko.

Maghunos-dili ka!

Pagkalabas nito ng bahay ay agad kong binasa ang papel na bigay niya.

"Hello ma'am Kate! Ayieee nag-aabang sya sa sulat ko ksksks joke lang ma'am. Pinapangiti lang kita. Sungit mo eh :'3 ngiti ka naman paminsan ma'am. Cute mo kaya pag nakangiti hehehe. Dali, smile ka. As in now na."
Tss.

'Di ko namalayang napangiti ako sa sulat niya.

Nanlaki ang mata ko sa pagngiti ko.

Naitapon ko tuloy iyong papel pero agad ko ring pinulot.

Siguro naninibago ka lang talaga self kasi may nakikipag usap na ulit sa'yo ng ganito sa personal.

Oo, baka ganun nga.

***
(Next Sunday...)

*door bells*

"Wait! Sino iya—" Huli na nang buksan ko ang pinto at sumalubong sa'kin si Stell na ngiting-ngiti.

Oh shoot. Nalimutan kong linggo na pala.

Pero teka... ang aga niya naman ata?

Napatingin ako sa suot nito at nagtaka ako na hindi niya suot ang usual outfit niya na may tatak ng pinagtatrabahuan niya.

Eh? Ano na naman kayang trip nito?

"Good day ma'am Kate! Happy Sunday sa inyo!" bungad na bati nito sa'kin.

"Ba't.., ang aga mo ata? Tsaka 'di mo suot iyong ano..." Tinuro ko ang damit niya. Nakasuot kasi ito ng—wait!

"Hehehe ma'am, yayain sana kitang magsimba kasama ko."

Napakurap-kurap ako ng mata.

Ako? Lalabas? Ng? Bahay? After? Almost? Four? Months?

No.

Sorry Lord, but no.

Ayokong lumabas ng bahay!

Pa'no kung makita ko ulit sina Andrew? Sina ma'am Hazel?

Baka backstabbin na naman nila ako.

Paano kung—

"Ma'am? Ma'am? Yohoo!?" Napakurap-kurap ako ng mata.

"O-oh?"

"Ano po? Payag ka po? Magsimba po tayo. Para naman po makalabas kayo ng bahay ninyo. At makalanghap kayo ng fresh air!" Ngiting-ngiting wika nito.

"Ha?" Napabuga ito ng hangin na ngumiti at lumapit sa'kin.

Napaatras ako sa 'di malamang dahilan.

"Sabi ko po, magsimba tayo," saad nito pagkahinto niya. Napahinga ako ng maluwag ng huminto ito.

Bakit ako pa inaya nyang magsimba? Can't he see? I don't want to go outside. Tss.

"Ma'am?" tawag nito sa'kin habang kunot-noong nakatitig sa labi ko.

"Oh?" Anong tinitingin niya? Mamanyakin din ba ako nito?

Subukan niya lang talaga at malilintikan sya sa'kin.

"Namumutla labi mo ma'am. Ang dry rin," wika nito. Napahawak ako sa labi ko.

"Kaya dapat lumabas ka ng bahay ma'am. Sama ka sa'kin magsimba ngayon." Ayy wow. May pasegway.

"Ang putla mo talaga ma'am simula nung first delivery ko rito sa inyo. Akala ko dahil pagod ka lang nun pero hindi eh. Hanggang ngayon maputla ka pa rin. Nalabas ka ba ng bahay ma'am?"

"O-oo." Kainis. Iyon na nga lang sinabi ko, nautal pa.

"Mmmm.... nag eexcercise ka ba ma'am?" Ha! Anong tingin nito sa'kin? Mataba?

"Oo naman!" Binigyan ako nito ng tinging 'Di-Ako-Naniniwala-Look.'

"What?" Iritang tanong ko.

"'Di ka nagsasabi ng totoo ma'am eh."

"Oh eh bakit ikaw? Iyang pinapakita mo ba sa'kin ngayon, totoo?" tanong ko rito.

"Aba'y oo naman ma'am. Totoo lahat ng pinapakita ko sa inyo ah."

Nakatingin lamang ako sa mga mata nito.

Trying to see if he's lying.

But I couldn't see it! Damn it!

Marahan ako nitong hinila papasok ng bahay.

"May problema ka ba ma'am? Willing akong makinig."

"Uhh—"

"Pero pagkatapos nalang natin magsimba mo iyan ikwento hehehe. Baka malate tayo eh. Bihis ka na po. Maghihintay ako."

"Bakit ako inaya mo? Halata namang ayaw kong lumabas diba?"

"Ako nga'y diretsuhin mo ma'am. Bampira ka ba?" Binigyan ko ito ng blankong tingin.

"Eh kasi naman ma'am, takot na takot kayo sa labas. Ano bang meron sa labas—"

"Basta ayokong lumabas okay? Maraming mapanghusgang tao! Pag-uusapan ka. Lolokohin ka. Hindi sila katiwa-tiwala. Ayokong makita iyong mga taong iyon! Sasaktan lang nila ako..." Nakatingin lang ito sa'kin. Kita ko ang pagkagulat sa mata nito. Pati ako ay nagulat din sa sinabi ko.

"Kaya ayokong lumabas. Naiintindihan mo ba? Iba nalang ayain mo," dagdag ko at akmang tatayo. Hinawakan nito ang braso ko.

Ngumiti ito sa'kin habang nakatingin sa mga mata ko.

Ba't ba palagi 'tong nakangiti? Hindi ba sya nangangalay?

"Sa'kin ma'am? May tiwala ka ba sa'kin?" tanong nito.

Hindi ako nakasagot at nakatingin lang sa mga mata nito.

Hindi ko alam.

"Ha? Ba't mo natanong—" Nanlalaki ang matang hinila ako nito palapit sa mukha niya. Nagtama ang ilong namin at ilang pulgada nalang ang pagitan namin!

Napapigil hininga ako sa ginawa nito.

"You trust me ma'am," mahinang saad nito.  Ngumiti ito sa'kin at nilayo ang mukha niya. Napahinga ako ng maluwag nang ilayo nito ang mukha niya.

"Pa'no m-mo nasabi?"

"I can see it ma'am. Tsaka 'di mo ako pinatay nung hinila kita palapit sa'kin hahahaha buti nalang talaga. Sorry sa ginawa ko ma'am. It's not really my intention."

"Papatayin talaga?" Natawa ito sa sinabi ko.

"Masyado bang exaggerated ma'am? Sabi ko sa'yo ma'am eh mabait ka, hindi ka masungit o masama. Hindi mo nga kayang pumatay hehehe."

"Tss." Lihim akong napatawa.

Tumingin ito sa'kin ng seryoso kaya napakurap-kurap ako ng matang tumingin din dito.

"May mga tao talagang 'di totoo sa'yo ma'am. Pero may mga tao rin namang totoo sa'yo. You just have to stick and focus with true people. And you just have to be true on yourself. Hindi mo kailangang magtago sa reyalidad. Face it ma'am. It'll makes you stronger and wiser for choosing the right people. Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa rito ma'am? Kasi ako, nalulungkot ako para sa inyo. Hashtag realtalk lang ma'am. Hindi mo kailangang magtago ma'am. Sila nga ang dapat na magtago sa inyo eh. Ang kakapal naman ng mukha nilang lokohin at saktan ka diba? Sila ang mahiya! Tse!" Natawa ako sa sinabi nito.

"Omayghad! Tumatawa ka pala ma'am?!" Kunwaring gulat na saad nito.

"Tss baliw." Lihim akong natawa.

Napatingin ako sa kamay ko nang hawakan niya ito.

Wala man lang akong naramdamang kaba at takot sa ginawa nito.

Binigyan ako nito ng matamis na ngiti. Ngiting nagbibigay assurance.

"Thank you for trusting me ma'am. Don't worry ma'am, akong bahala sa inyo mamaya. Hindi kita pababayaan. Pag nakita natin iyong mga nanakit sa'yo, ipagpapasaDiyos ko nalang sila... " HAHAHAHAHA baliw.

"Hahaha pero totoo iyon ma'am! Si Lord na ang bahala sa kanila diba? Karma is real! Kaya magbihis kana ngayon ma'am at baka malate tayo sa simbahan naku po! Huwag kang matakot ma'am okay? Nandito ako. Magtiwala ka rin sa sarili mo. Kaya mo 'to ma'am!" Napahawak ako ng mahigpit sa kamay nito, pinipigilang umiyak.

Bakit ka ganito Stell?

Napakabait mo.

May tao pa palang kagaya mo.

You don't know how much it means to me.

Hindi mo alam kung gaano ako binigyan ng assurance ng mga sinabi mo.

"Thank you Stell," saad ko kaya abot langit na ngumiti si Stell sa'kin.

"Ayieee walang anuman ma'am!" Napangiti ako.

"Huwag mo na akong tawaging ma'am. Kahit Kate nalang."

"Naku ma'am, hindi ako sanay."

"Sige ms. Kate nalang itawag mo sa'kin."

"Uhh miss ma'am nalang."

"Hahaha bakit miss ma'am? Parang karespe-respeto naman ako niyan," natatawang wika ko.

"I really respect you ma'am," saad nito. Napangiti ako.

Pagkatapos nun ay agad akong pumili ng masusuot ko. Hindi rin nagtagal ay agad kaming umalis ni Stell papuntang simbahan.

After how many months, lalabas na ulit ako ng bahay.

I don't know.., I don't feel scared. I feel more happy and... excited.

Thanks to Stell.

After that day, I feel more free and happy for myself. Pagkapunta namin sa simbahan ni Stell, nagpasalamat ako ng sobra kay Lord.

Nagpasalamat ako dahil nakilala ko si Stell.

***
(Next Sunday...)

*door bells*

"Hello miss ma'am! This is Stell at your service—." Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa'kin ang nakangiting Stell.

Ngumiti rin ako rito at pinapasok ito.

"Ayieee hinintay ni miss ma'am pagdating ko. At nakangiti ka pa! Grabe naman talaga. Dahil ba iyan sa pagsimba natin last week at kaninang umaga ma'am?" tanong nito pagkatapos nitong ibaba ang mga diniliver nito.

Oo na hindi.

Oo dahil masaya akong nakapagsimba tayong dalawa. Hindi, dahil dahil sa'yo kung bakit ako ngayon ganito.

Sa loob ng limang linggong pagdeliver niya rito, hindi ko akalaing magiging magkaibigan kami.

Hindi ko akalaing magtitiwala ulit ako...Dahil lang sa taong 'to.

***
Dumaan ang mga linggo at 'di ko namalayan na palagi na'kong nag-aabang sa pagpunta niya para magdeliver.

Hindi ko rin namamalayang unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya.

*door bells*

"Magandang magandang magandang hapon miss ma'am! Pero mas maganda ka sa hapon. Ayieee hahaha." Ito. Ito ang isa sa dahilan kung bakit nakararamdam ako ng paru-paro sa tiyan ko. Iyong pagiging ganito niya.

Hindi ko maiwasang makaramdaman ng kakaiba sa mga pinapakita niya sa'kin.

Hindi ko alam kung alam niya bang paFall siya sa mga kinikilos niya.

Kahit anong pilit kong isipin na magkaibigan kami, 'di ko maiwasang tignan sya sa ibang paraan.

Sa tuwing nandito sya, sa tuwing malapit sya, lumalakas pintig ng puso ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Dahil sa lintek na Stell na'to.

"Kumusta ka naman ma'am? Kamusta ang buong linggo mo?"

"A-ayos lang naman. Ganun pa rin. Paulit-ulit lang."

"Expected ko nang sasagutin mo iyan. Kaya naman may dinala ako." May nilabas itong maraming CD sa bag na dala niya.

"Charan! Hehehe mga movies and series iyan. Lahat iyan napanuod ko na—Ayy bukod pala sa isa jan. Pero ibibigay ko na rin sa'yo. Para naman hindi ka mabored dito sa bahay mo. Hehehe." Ngumiti ako rito.

"Thank you, Stell." Sino ba namang hindi mafo-fall sa lalaking ganito diba?

Nakakabwisit.

Paano ko makikimkim ng matagal 'tong nararamdaman ko kung patagal ng patagal eh mas lalo akong nahuhulog sa ginagawa niya?

Ayoko namang umamin sa kanya. Ayokong masira ang kung anong meron sa'min ngayon.

Siya na nga lang ang taong pinagkakatiwalaan ko, baka mawala pa pag umamin ako.

Ayoko.

Mas lalong masakit iyon.

Kelangan ko 'tong itago.

***
Lumipas ang ilang buwan at hindi ko namalayang mag-aanim na linggo nang nagdedeliver si Stell sa'kin dito.

*door bells*

Dali-dali kong pinatay ang niluluto ko at lumapit sa may pinto.

"Hello miss ma'am!" Ngiting bungad nito sa'kin.

Ngumiti ako rito at inaya itong pumasok.

"Hmmm ano iyong naaamoy ko? Parang amoy... Sinigang?" Mas napangiti ako ng malapad sa saad nito.

"Hala miss ma'am.., nagluto ka ba ng sinigang?" Nahihiya akong tumango rito.

"Nag-aaral na ako ngayon kung pa'no magluto kasi nahihiya na'ko sa pagdala mo ng ulam dito kada linggo. Gusto mong tikman?"

"Aba syempre miss ma'am! 'Di na dapat tinatanong iyan. Sa totoo nga po ay gutom na ako. Ako ang huhusga sa unang luto mo. Tamang tama lang hehehe."

"Hahaha sige. Maupo ka muna jan. Paghahainan kita." Iniwan ko muna ito saglit at naglagay ng sinigang sa maliit na bowl. Agad ko itong binigay kay Stell at naupo sa harap nito.

Sheez.

Kinakabahan ako.

Napakagat-labi ako ng hihigop na ito pero agad itong tumingin sa'kin at mapang-asar na ngumiti.

"Tikman mo na. Huwag mo'kong pinapakakaba lalo!" Natawa itong tumangu-tango at akmang hihigop nang mapang-asar na naman itong tumingin sa'kin.

"Stell!"

"Hahahaha eto na eto na. Si miss ma'am naman napakaunti talaga ng pasensya." Pagkatapos nyang sabihin iyon ay humigop na ito sa sabaw.

"A-ano? Okay lang ba?" Kabadong tanong ko rito.

"Uhm o-okay lang naman miss ma'am.  Not bad for a first timer. Hehehe," ngiting sagot nito pero halatang pilit.

Naibaba ko ang balikat ko dahil sa kahihiyan sa sarili ko.

Ang pangit ng luto ko!

Nakakahiya sa luto ni Stell.

"Uyy miss ma'am. Ano ka ba, okay talaga iyong luto mo. Sumobra lang sya sa asim hehehe pero napakaimpressive na sa first timer like you."

Napabuntong-hininga ako, "Talaga? Nagsasabi ka ng totoo?" Tumangu-tango ito at lumapit sa'kin. Pinisil nito ang pisngi ko at ngumiti.

"Magiging mas masarap din iyang sinigang mo kesa sa'kin. Basta ba praktis lang ng praktis! Mabuti naman at nagpapraktis kana magluto. Mag-aasawa ka na ba?"

"Baliw." Natawa ito sa sinabi ko saka humigop ulit sa sinigang ko. Napapikit ito sa asim kaya natawa ako ng mahina.

Tumingin ito sa'kin kaya ngumiti ako rito. Ngumiti rin ito na nagparamdam na naman ng kakaibang pakiramdam sa tiyan ko.

Nagsulat ito sa maliit na papel saka inabot niya ito sa'kin.

"Keep smiling miss ma'am! Huwag mong ipagdamot ang gandang taglay na iyan. ;>> -Stell." Pagbasa ko rito. Napaangat ako ng tingin kay Stell at binigyan ako nito ng matamis na ngiti.

***
(Next Sunday...)

Nanginginig akong nakahiga sa kama habang balot na balot sa makapal na kumot.

Ang tagal ko na ring 'di nilagnat.

Kainis kasing ubo at sipon na 'to. Sila ang may kasalanan kung ba't ako may lagnat ngayon. Tss!

*door bells*

Shit. Anjan na siya.

Sinubukan kong bumangon pero napahiga lang ulit ako.

Hilong-hilo rin ako.

*door bells*

"Miss ma'am?" pagtawag nito sa'kin sa labas ng bahay.

*door bells*

Sinubukan ko ulit bumangon pero bumagsak ako sa sahig dahil sa panginginig ng binti ko.

Napadaing ako sa sakit dahil sa pagkabagsak ng katawan ko sa sahig.

Kaasar! Ganito ba talaga pag sobrang tagal nang 'di nagkasakit?

Napakasaklap naman nito.

"Miss ma'am?! Ano iyong narinig ko? Okay lang po ba kayo?! Miss ma'am?! Sagutin niyo 'ko. Papasok talaga ako." Kumatok-katok ito sa pinto at paulit-ulit na nagdoorbell.

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng kwarto ko at sumandal sa pader upang makatayo.

"P-pasok!" saad ko pagbukas ko ng pinto ng kwarto.

Agad ding bumukas ang pinto ng bahay at bumungad ang maaliwalas na mukha ni Stell.

Pero bigla ring napalitan ng pag-aalala ang mukha nito pagkakita nito sa'kin.

"Miss ma'am... N-namumutla ka!" Mahina akong natawa.

"Malamang may sakit ako," saad ko habang nakasandal sa pader.

Dali-daling sinarado ni Stell ang pinto at binaba ang dala-dala niya.

"Kaya ba 'di tayo nakapagsimba kanina kasi may sakit ka?" Tumango ako.

"Uminom ka na ba ng gamot?" tanong nito.

"Wala akong gamot."

"What? So hindi ka pa nakakainom? Eh maggagabi na oh?"

"Ayoko sa gamot. Tsaka kaya ko naman 'to—"

"Eh nakasandal ka nga sa pader oh. Kaya mo ba talaga miss ma'am?" tanong nito.

Umiwas ako ng tingin dito. Rinig ko ang pagbuntong-hininga nito at lumapit sa'kin.

"Miss ma'am, gusto mo ba bumalik sa higaan mo? Aalalayan kita." Napatingin ako rito at nagsimula na namang magharumentado ang puso ko.

Ba't kasi ganyan siya makatitig? Nanglalamon.

Umiwas ulit ako ng tingin sa kanya at tipid na tumango.

Napasigaw ako nang bigla ako nitong buhatin papuntang kama. Napakapit ako sa leeg nito at mas napalapit sa kanya kaya napalunok ako ng laway.

Ang bango niya.

Napatingin ako sa adams apple nito na sobrang lalim. Agad din akong tumingin sa ibang gawi at baka mahuli niya pa ako.

Hindi niya pwedeng malaman na may nararamdaman ako sa kanya. No way.

"Ayan, hehehe para mas madali at para 'di kana mahirapan," saad nito pagkababa nito sa'kin.

"Salamat," nakatingin sa ibang gawi kong saad. Napaatras ako ng ulo nang yumuko ito at pinagpantay ang ulo naming dalawa.

Ngumiti ito sa'kin kaya napakurap-kurap ako ng mata.

Agad ko itong tinulak.

"H-huwag ka ngang lumapit sa'kin ng ganun kalapit..,baka mahawaan ka."

"Ayy hehehe sorry miss ma'am. Sige po." Napagpasyahan kong mahiga sa kama at balutin ang sarili ko sa kumot ko.

"Miss ma'am. Huwag muna matulog. Kumain muna kayo para makainom kayo ng gamot."

"Hindi pa ako matutulog.., Hihiga lang ako kasi pagod katawan ko."

"Ahhh." Napatingin ako rito na nakakrus ang brasong nakatingin sa'kin.

"Aalis ka na ba?" tanong ko. Umiling ito.

"Paiinumin muna kita ng gamot miss ma'am bago ako umalis."

"Wala nga akong gamot."

"Hindi niyo ba alam na boyscout 'tong delivery man nyo?" Napatingin ako rito at nakitang may nilabas itong lalagyan sa maliit na bag niya.

"Charan!" Lihim akong napangiti nang tinaas-baba nito ang kilay niya sa'kin habang hawak-hawak ang isang lalagyan ng gamot.

"Handang-handa ka talaga ah," natatawang ani ko.

"Syempre naman miss ma'am!" Nakangiti kaming nakatingin sa isa't isa sa tugon nyang yon.

"...Pero paano iyan? M-maya-maya pa ako kakain. So.., mamaya ko pa iyan maiinom? Eh maggagabi na? P-pano ka?" sunod-sunod kong tanong.

"Edi iwan ko nalang po rito iyong gamot. Inumin niyo po iyan mamaya ah. Tatawagan po kita para macheck ko hehehe."

"So.., aalis kana?"

"Ayy hindi pa ma'am ah. 'Di ka pa matutulog diba? May ikikwento ako sa inyo. Tsaka ishishare ko rin iyong sinabi ni Father kanina sa church. Sayang wala ka kanina, ganda ng topic hehehe." Napangiti ako.

Pagkatapos non ay nagstay nga si Stell upang makipagkwentuhan sa'kin.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa presensya niya.

Nakangiti lamang akong nakatingin sa mukha nito habang excited itong nagkikwento sa'kin ng mga bagay-bagay.

Hindi ako magsasawang titigan at pakinggan 'tong lalaking 'to.

Napakurap-kurap ako ng mata nang tumigil ito sa pagsasalita at napatingin sa'kin.

Ngumiti ito at pinagpatuloy ang kinikwento niya.

Napahinga ako ng maluwag nang magpatuloy na ito.

Awit. Heart attack.

Ilang oras ang lumipas at 'di namin namalayang mag aalas syete na.

At sa 'di inaasahan ay bumagsak ang napakalakas na ulan kaya lumabas muna ng bahay si Stell upang isilong muna iyong motor nya sa tabi ng bahay.

Kumain muna ako saglit upang makainom na ng gamot na dala ni Stell.

Ilang minuto ang lumipas ay pumasok ng basang-basa si Stell sa bahay.

"Oh miss ma'am? Ba't kayo lumabas ng kwarto niyo? Baka magkasakit kayo lalo. Naku." Hindi ko ito pinakinggan at dali-dali ko itong inabutan ng tuwalya.

"Basang-basa ka. Magpalit ka muna. Baka magkasakit ka rin. May dala ka bang extrang damit? Diba boyscout ka?" Napangiti si Stell sa sinabi ko at kinurot ang ilong ko na ikinabigla ko.

"Cute niyo miss ma'am. Pulang-pula kayo. Yes miss ma'am, may dala ako. Boyscout talaga 'to! Hahaha!" Napatingin ako sa salamin at nakitang pulang-pula nga ako.

Bwisit.

"Bilisan mo at magbihis kana agad. Pasok na'ko sa kwarto." Paalam ko rito. Pagkapasok ko sa kwarto ay akma ko sanang sasaraduhin ang pinto nang makita ko itong biglang naghubad ng pang itaas sa may sala. Nakatalikod ito sa gawi ko kaya 'di niya alam na nakita ko syang naghubad.

Nanlalaki ang mata kong sinarado ang pinto at napahawak sa dibdib ko.

Shit.

Totoo ba iyong nakita ko? Nakakita ako ng abs... Nakakita ako ng v...

Ang namumula kong mukha ay mas lalong nag init at namula. Napahiga nalang ako sa kama at nagpagulong-gulong kaya ang ending, mas sumama lalo pakiramdam ko at sumakit ang katawan.

Ayan. Kaharutan mo Kate. -,-

Hindi ko namalayang napaidlip pala ako. Nagising nalang ako nang makaramdam ako ng may tumatapik sa'kin.

"H-hmmm?" Nanghihina kong tugon.

"Miss ma'am?" Agad akong napaayos ng pagkakahiga nang marinig kong nagsalita si Stell. Napahawak ako sa gilid ng labi ko at baka may laway pero wala naman.

"Oh S-Stell? B-ba't andito ka pa? Nakaidlip pala ako.." Napakamot-kamot ako ng mata.

"Miss ma'am, may hihingin sana akong favor? Hehehe," nagdadalawang-isip na saad nito.

"Ha? Ano iyon?"

"Pwede po bang makitulog dito ngayong gabi?" Tila nalagutan ako ng hininga sa sinabi niyang iyon.

"H-ha? Pakiulit."

"Pwede po ba akong makitulog muna sa inyo rito ngayong gabi? Sobrang lakas po kasi ulan. Hindi po ako makakabyahe pauwi nito. Tumawag na rin ako sa'min na 'di ako makakauwi. Pero don't worry ma'am, kung ayaw ninyo, makikitulog nalang ako sa kaibigan ko."

Natahimik ako ng ilang segundo at nag-isip.

I trust this person.

Alam ko namang wala siyang gagawin sa'kin.

Ngayong gabi lang naman Kate. Makikitulog lang sya.

Hahayaan mo bang maulanan 'to at magkasakit dahil sa'yo? Diba hindi?

Pero paano kung makita ko na ngayong gabi kung ano nga ba talagang klaseng tao siya?

Paano kung pagsamantalahan niya rin ako gaya ni Andrew—no. Hindi ganung tao si Stell.

Magkaiba sila ni Andrew.

Si Stell, matinong tao. Si Andrew, tangina siya.

"Miss ma'am?" Nabalik ako sa huwisyo ko ng tawagin ako ni Stell.

"H-hmm?"

"Don't worry ma'am. Pinapangako ko sa inyo, wala po akong masamang intensyon sa inyo. Hindi ko ginagamit 'tong rason na 'to para pagsamantalahan kayo. Nirerespeto ko kayo miss ma'am. Tsaka ok lang naman po sa'kin kung sa may sala po ako matutulog. Sanay naman po ako—"

"H-hindi. Ayos lang. Dito kana matulog," sabat ko. Natahimik kaming dalawa.

Grabe. Nabasa nya laman ng utak ko ah.

"Miss ma'am, sure po ba kayo? Dito ako matutulog? Paano po kayo? Baka po maging uncomfortable kay—"

"Ayos lang. May tiwala naman ako sa'yo. Tsaka 'di naman tayo tabi. May comforter ako jan. Dito ka sa baba hihiga."

"Miss ma'am, sure na ba ta—"

"Oo nga. I trust you, okay?" Ngumiti ito saka mahinang natawa.

"Sorry miss ma'am. Nagulat lang talaga ako. Akala ko 'di kayo papayag." Binigyan ko lang ito ng tipid na ngiti.

"Kunin mo lang jan sa gilid iyong paghihigaan mo. May unan na rin jan at kumot kung sakaling lamigin ka. Nakabukas kasi iyong aircon," ani ko.

Pagkatapos nun ay naglatag na si Stell ng mahihigaan niya.

Napatingin ako sa oras ng phone ko at nakitang mag aalas nwebe na pala. Ang bilis ng oras.

Napahawak ako sa bandang balikat ko dahil sa pananakit nito.

"Miss ma'am, kumain kana ba? 'Di mo pa pala naiinom iyong gamot."

"Tapos na. Nakainom na rin ako ng gamot."

"Ganun ba? Buti naman." Napatingin ito sa ginagawa ko at lumapit sa'kin.

"Miss ma'am, gusto niyo massage? Magaling ako magmasahe. Sabi ng lola ko ang galing ko raw." Ngiting saad nito.

"Ayos lang ba? Baka pagod kana eh."

"Aysus ako? Pagod? Hindi ma'am ah hahaha. Sige halika upo ka ma'am. Masahiin ko iyong bandang masakit sa inyo. May ointment ba kayo jan? Pag wala, may baon din ako syempre hahaha!" Natawa ako sa sinabi nito. Inalalayan ako nitong maupo sa kama.

"Wala eh." Sagot ko.

"Hahaha sige ma'am saglit lang kunin ko lang sa bag ko." Pagkatapos nun ay kinuha na nito ang ointment na dala nya at minasahe ang balikat at batok ko.

"Grabe ang galing mo nga Stell." Nakapikit kong saad.

"Ang dami mong lamig miss ma'am. Mukhang kelangan nating patayin mamaya iyong aircon sa madaling araww. Malamig naman po eh. Kelangan mong pagpawisan." Tumango lang ako bilang sagot.

"Stell, ako naman hihingi favor."

"Sige miss ma'am, ano po iyon?" Rinig kong anito sa likod ko.

"Pakihilot naman itong ulo ko oh. Ang sakit kasi. Nahihilo ako."

"Ayy sure miss ma'am. No problem!" Naramdaman kong pumunta ito sa harapan ko at naupo sa kama ko.

"Huwag malikot miss ma'am ah. Baka matamaan ng daliri ko iyong mata nyo. May ointment pa naman ito." Naramdaman ko nalang na nilagyan nito ng ointment ang sintido ko saka hinilot.

Inaantok akong napadilat ng mata at napatingin kay Stell na sobrang focus sa paghilot sa ulo ko.

Napasulyap ito sa'kin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Namumula akong umiwas ng tingin dito at ipinikit na ulit ang mga mata ko.

"Miss ma'am, may tanong ako."

"Hmm? A-ano iyon?" Nakapikit kong tugon.

"Anong tingin niyo sa'kin?" Napadilat ako ng mata at tumingin sa kanya. Nagtama ang mata namin pero sa oras na ito ay nilabanan ko na ang tingin nya.

"Ba't mo natanong?" Binaba nito ang kamay nya.

"Curious lang ako miss ma'am. Anong tingin niyo sa'kin?"

"Paanong tingin??"

"Basta tingin mo sa'kin miss ma'am hahaha."

"Uhmmm.., ano ba.., u-uh.., mabait ka," unang sagot ko habang nakatingin sa kanya. Nakangiti lang itong nakatingin sa'kin.

Napalunok ako ng laway na nagsalita ulit, "U-uh.., madaldal." Natawa si Stell sa sinabi ko.

"Oh bakit? Totoo kaya."

"Hahaha ano pa miss ma'am? Iyon lang ba?"

"Teka lang eto naman. Ano.., gentleman," sagot ko.

"Ayieee talaga ba miss ma'am?" Tumango ako.

"Ano pa?" Excited na saad nito. Lihim akong napangiti sa kakyutan nito.

"Uhm.., caring ka rin." Napaigtad ako ng bigla nitong ilapat ang palad niya sa noo ko.

"Ang init mo miss ma'am."

Natawa ako, "Nag-aastang caring? Ganun?" Natawa kaming dalawa.

"Pero seryoso, ang init mo. Teka magbasa lang ako ng tuwalya miss ma'am ah. Lalagyan kita sa noo." Tinanong nito kung san nakalagay ang tuwalya saka ito lumabas ng kwarto.

Napahawak ako sa noo ko saka napangiti.

Meron pa...

Pa-fall ka rin.

Ang gwapo-gwapo mo.

Ang ganda mo ngumiti.

Ang tingin ko rin sa'yo.., hindi lang bilang isang kaibigan.

Gustong-gusto kita Stell.

Napahiga ako sa kama at napahinga ng malalim.

Malala kana Kate. Lakas na ng tama mo.

Napatingin ako kay Stell na kapapasok lang ng kwarto at may bitbit-bitbit na isang maliit na palanggana.

Feeling ko tuloy, magkalive-in partner kami.

Napatakip ako ng mukha sa naisip ko.

"Miss ma'am? Ok ka lang?"

Napatingin ako kay Stell, "H-ha?"

"Hala miss ma'am! Namumula ka!" Dali-dali itong lumapit sa'kin at kinapa ang noo at leeg ko.

"Ang init mo. Kailangan niyo nang magpahinga." Inalalayan ako nitong mahiga ng maayos at nilagyan ako ng kumot.

Pagkatapos ay pinunasan ako nito ng basang tuwalya sa kamay at mukha ko. Tapos ay pinatong ito sa noo ko.

"Tulog ka na ma'am. Babantayan kita rito hanggang sa makatulog ka," ngiting ani nito at nahiga sa higaan niya sa ibaba lang ng kama ko.

Kinabahan tuloy ako.

Paano pag nakita nya akong pangit matulog? Maglaway? Nakanganga? Or ano pang pangit na impresyon?

"Mukhang malalim na naman iniisip mo hahaha. Itulog niyo *sniffs* nalang po iyan. Mas lalong sasakit ulo nyo niyan." Napatingin ako kay Stell nang makitang napaupo itong nakatingin sa'kin.

"Don't worry miss ma'am. Matutulog na rin ako pagnakatulog kana. *sniffs*  Maaga pa alis ko bukas eh hehehe." Oo nga pala, muntik ko nang malimutan.

"Thank you Stell."

"Naku wala iyon miss ma'am. *sniffs*  Tulog kana, okay? Kelangan mo nang gumaling. Good night! Sleep well," saad nito at nahiga na ulit.

"Good night Stell. Ikaw rin, magpahinga kana." Ipinikit ko na ang mga mata ko at tuluyang nakatulog ng mahimbing.

***
Author's POV

Kada minuto ay chinicheck ni Stell ang tuwalyang nakalagay sa noo ni Kate. Binabasa ang tuwalya pagkatapos ay pipigain at ilalagay ulit sa noo ni Kate.

Mahimbing nang natutulog si Kate ngunit 'di pa rin natutulog si Stell dahil sa labis na pag-aalala nito rito.

Kahit nag-aalala ay hindi nya ito pinahalata kay Kate kanina at dinaan nalang ito sa kwento at ngiti niya.

Pagkatapos nitong pigain ang tuwalya ay nilagay nya ulit ito sa noo ni Kate. Pagkatapos nun ay itinabi nito ang ilang hibla ng buhok ni Kate sa gilid ng tenga nito.

Inayos nito ang kumot ni Kate at naisipan na ring matulog.

Nang makahiga na ito ay napatingin ito sa kisame. Iniisip ang mga naging sagot sa kanya kanina ni Kate.

"Kahit may sakit ang sungit pa rin *sniffs* hahaha," mahinang usal ni Stell. Napatingin ito sa kama ni Kate at napangiti.

"Good night Ama. Good night ulit Kate." Ipipikit na sana nito ang mga mata niya nang magsalita si Kate.

"Hnggg, Stell..." Napabangon si Stell at dali-daling lumapit kay Kate.

"Miss ma'am? May masakit ba? *sniffs* Gusto mong tubig?"

"Stell..," nakapikit na wika ni Kate. Tila nagsasalita ito habang tulog.

"Stell..,"

"Yes miss ma'am? Ano iyon? *sniffs*"

"Stell, 'wag mo 'kong iwan..."

"Hinding-hindi ko kayo iiwan miss ma'am," nakatingin sa mukha ni Kate na saad ni Stell.

"Napapanaginipan mo *sniffs* pala ako miss ma'am? Naku hahaha."

"Hnggg..," Hindi maintindihang sinasabi ni Kate.

"Tulog ka lang jan ma'am. Dapat bukas magaling kana, okay? Matutulog na rin ako ah? Good night ulit miss ma'am." Hinaplos nito ang mukha ni Kate at hinalikan ito sa tuktok ng ulo.

Mahihiga na sana si Stell nang magsalita ulit si Kate na ikinabigla nito.

"Gusto kita.., gustong-gusto kita, Stell..." Dahan-dahang napalingon si Stell sa nakapikit na si Kate at lumapit ulit dito.

"A-ano iyon miss ma'am? Gusto..,mo..,ako??" Wala itong nakuhang sagot kay Kate. Napansin nitong may tumulong luha sa mata ni Kate.

Agad itong pinunasan ni Stell.

"Mukhang binabangungot ata si miss ma'am. Mukhang sapilitan ata syang nagconfess sa'kin hahaha," mahinang usal ni Stell habang nakatitig sa natutulog na si Kate.

'Kailangan ko syang magising sa bangungot na iyan.' Ani Stell sa isip niya.

"Miss ma'am?" Mahina nitong tinapik-tapik sa balikat si Kate pero hindi ito nagigising.

"Miss ma'am—"

"Stell, totoo ang sinasabi ko. Gusto kita...,'di ka ba naniniwala s-sa'kin?" Pikit-matang usal ni Kate na nagpahinto kay Stell.

***
(Kinabukasan...)

Nagising nalang akong wala na si Stell sa bahay ko.

Pero paggising ko ay bumungad sa'kin ang niluto nyang umagahan kasama na ang gamot na iinumin ko.

Napangiti ako.

Kahit kelan talaga.

Wala naman sigurong nangyaring masama kagabi noh? Parang wala naman. Pinagluto pa nga ako ni Stell eh. Hshshs.

Medjo okay na rin pakiramdam ko. Hindi na sobrang sakit ng ulo ko pero nahihilo pa rin ng unti.

Sipon nalang at lagnat meron ako.

Woooh! Sana magtuloy-tuloy na 'tong recovery ko ngayong araw!

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko at napansing may isang sticky note na nakadikit dito.

Ohhh, 'di ko 'to nakita kanina ah.

Napangiti ako dahil alam kong galing iyon kay Stell.

Lumapit ako rito at binasa ito, "Gusto rin kita Kate. >///< -Stell in your dream."

Muntik na'kong malagutan ng hininga sa nabasa ko.

Po.. Tang.. Ina?

Napakurap-kurap ako ng mata.

T-totoo ba iyong nabasa ko?

Inulit ko ulit basahin ang nakasulat sa sticky note, "Gusto rin kita Kate— POTAAAA TOTOOOOO! WAIT! Check natin iyong sulat-kama—gagu sulat-kamay nya rin 'tooooo!" Pumasok ako sa kwarto at nagpagulong-gulong sa kama.

AAAAAAAAAAAAAAAAAA!

Napahiyaw ako sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon.

M-may nasabi ba ako kagabi?? May nangyari ba kagabi?! Anong kabalastugan ginawa mo kagabi Kate?!

Tangina Kateeee! Alalahanin mo!

Arghhh! Nafufrustrate ako!

G-gusto niya rin daw ako? So nagconfess ako kagabi ng 'di ko alam?!

Paano iyon!?

Sheyt! Nagsleep talking ba ako?

Taena parang bumalik ulit sakit ng ulo ko ah. 'Di ko kineri!

Hindi ako mapakaling nagpalakad-lakad sa buong bahay habang iniisip ang nangyari kagabi.

AAAAAA! PAANO KO HAHARAPIN SI STELL NITO NEXT WEEK?

PAANOOOOO?!!!!

***
(Next Sunday...)

Linggo na at heto ako't nakatungangang nakatingin sa may pinto.

Hindi kami nakapagsimba ng sabay ngayon ni Stell. Hindi rin siya tumawag or nagtext this week na kinagawian na niyang gawin dati.

Hindi naman ako nag expect na tatawag siya or what.

Actually, mas gusto ko nga iyon eh...

...KASI 'DI PA AKO READY HARAPIN SI STELL NGAYON!!! T~T

Ayoko pa rin sya makausap! Huhuhuhu.

Hindi ko alam sasabihin ko mamaya.

Magiging awkward kaya?

Anong mangyayari? Hindi ko alam!

Naloloka na ako!

Ilang minuto nalang nanjan na sya! At hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko.

Sasalubungin ko ba sya? Balik ba ako sa dati na nakatutok lang sa computer? Kakausapin ko ba sya ng kaswal na parang walang nangyari?

Taena naman Kate! Anong gagawin mo?

*door bells*

Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at sumigaw, "P-PASOK!"

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa labas.

Hinihingal akong nakatago rito sa may kwarto habang nakasandal sa may pinto.

Oh ba't ka nagtago Kate?

"Miss ma'am?" Tawag ni Stell sa'kin.

Ba't ganun? Parang mas gumwapo ata boses niya?

Lumayo ako sa pinto ng kwarto at nagsalita, "W-wait! May ginagawa lang!" Palusot ko.

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ko binuksan ang pinto. Dahan-dahan akong lumabas at sumalubong sa'kin ang nakangiting si Stell na nakatingin sa'kin.

"Oh miss ma'am? May problema ba? Parang may tinataguan ka ata?" Natatawang saad nito.

Taena...

Ramdam ko ang pamumula ng tenga ko.

"U-uh, m-may ipis kasi. Feeling butterfly. Kakabanas. Tinataguan ko. B-baka wala na ata sya. Hehehe," palusot ko. Nagpipigil tawa itong tumangu-tango saka nilabas ang mga inorder ko sa bag nya.

Napaayos ako ng tayo.

Napasulyap ako kay Stell na para bang wala itong ginawang muntik nang maging dahilan ng pagkalagot ng buhay ko last week.

Napatalon ako sa gulat na umiwas ng tingin kay Stell nang magtama ang mga mata namin. Rinig ko ang mahinang pagtawa nito kaya nagsalita na'ko, "Ako ba'y pinagtitripan mo Mr. Ajero?"

"H-ha? 'Di miss ma'am ah hahaha."

"Tss. Umalis ka na nga!" Pagtaboy ko rito.

"Bwisit na lalaking 'to. Pagkatapos mo'kong bigyan ng heart attack sa sulat mo, umaasta kang walang alam. Neknek mo," bulong ko sa sarili ko. Masama ko itong tinignan. Natatawa itong nakatingin sa'kin.

"Hahaha cute mo miss ma'am." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang maramdaman ko ang pamumula ng tenga ko.

"Sige, pasok na'ko sa kwarto—"

"Teka." Lumingon ako rito. Napakamot ito sa ulo at kabadong tumawa.

"Nabasa mo ba?—"

"Oo," agaran kong sagot dito. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago ako nagsalita ulit.

"May nasabi ba ako nung tulog ako?" tanong ko. Namumula ang tenga nitong tumango.

"A-anong sinabi ko?"

"Gusto mo 'ko," sagot nito. Damn it. So tama nga talaga hula ko.

Nalilito akong nagtanong sa kanya, "Eh ano iyong sinabi mo ron sa sulat mo na gusto mo rin ako chuchu na iyan? Alam mo ba kung gaano ako binagabag—"

"Uhh.. sa totoo niyan... uhh..." Tumalikod ito sa'kin at may kinuha sa bag niya. May nilabas itong bulaklak na nakabalot pa at humarap ito sa'kin.

"P-para sa'yo." Napatingin ako kay Stell at nakita kong naiilang nitong inabot ang bulaklak sa'kin.

"Galing pa iyan sa hardin ng lola ko. Nagpaalam naman ako. Buti talaga at pumayag hahaha.., u-uhm p-para sa'yo nga pala..." Tinanggap ko ang bulaklak. Magtatanong na sana ako kung para sa'n 'to nang lumuhod ito sa harapan ko.

Gulat akong napatingin kay Stell.

"Totoo man o hindi iyong pag amin mo habang tulog ka, ang mahalaga,  totoong gusto kita mapanaginip man o sa totoong buhay. Pero dahil nandito ako sa harapan mo, totoong-totoo, tunay na tunay, real na real nesfruta—ayy mali hehehe." Naudlot ang pagsulpot ng luha sa mata ko dahil sa biro nito.

Kahit kelan talaga.

Gusto niya rin ako?

Kelan pa?

Napatingin ako sa dalawang kamay ko nang hawakan niya ito habang nakaluhod sya.

"Kate..," naluluha akong napangiti nang banggitin niya ang pangalan ko.

Hindi ako sanay. Pero ba't ang sarap sa tengang marinig 'to galing sa kanya.

"Kate, unang araw palang, hindi na kita itinuring bilang customer ko. Kasi tinuturing kita bilang isang babae. Babaeng may mabuti at malambot na puso. Babaeng nirerespeto ko. Babaeng nagustuhan ko simula ng araw na iyon," ngiting saad nito. Nabigla ako sa sinabi nyang iyon.

Natawa ito sa reaksyon ko.

"Gumagamit ka ba ng tide?" tanong nito.

"Ha?"

"Gulat ka noh? Hahahaha."

"Tss." Natawa kaming pareho.

"Pero seryoso. Nandito ako ngayon sa harapan mo dahil wala ako sa likod mo—"

"Stell."

"Yieee nag-abang hahaha."

"Parang sira."

"Hahaha." Biglang sumeryoso ang mukha nito at tumitig sa'kin. Napalunok ako ng laway. Binigyan ako nito ng matamis na ngiti.

"Gustong-gusto kita Kate. Hindi ko alam kung bakit, kailan, at sa paanong paraan. Kaya ako nakaluhod ngayon sa harapan mo para malaman mong seryoso ako sa sinasabi ko."

"Paano ko malalamang seryoso ka eh puro ka biro." Natawa ito sa sinabi ko.

May kinuha itong isang maliit na papel at inabot sa'kin. Binasa ko ang nakasulat dito, "Can I court you? -Stell na may gusto sa'yo >3<"

Napakagat-labi akong napatingin kay Stell, "Kate, p-pwede ba kitang ligawan?"

Sh-t. Totoo bang nangyayari 'ti Lord? O baka panaginip ko 'to?

"Stell."

"H-hm?"

"T-totoo ba talaga 'to? O n-nananaginip lang ako?" Nakatulalang tanong ko.

"Totoo 'to Kate." Pinisil ko ang pisngi ko.

Sh-t. Totoo nga.

"U-uh Kate, hindi kita pinipressure ah. Kung ayaw mo—"

Hinawakan ko ang kamay nito at pinatayo ito.

"Ano ba Stell, gusto kita. Gusto rin kita! Oo, pumapayag ako. Gusto mo tayo na? Biro lang." Natatawa na naluluha akong niyakap ni Stell at inangat-angat pataas.

"Stell!"

"Hahahaha ang saya saya ko!"

"Hoyp. Liligawan mo palang ako ah—"

"Yes. Yes. Alam ko. Ang saya ko lang. Thank you Kate!" Nakangiti lamang akong nakatingin dito.

"Matutuwa ang lola ko sa balita kong 'to panigurado. Teka tawagan ko lang ah." Binaba ako nito at tumawag sa phone nito.

"Hello? Lola! May good news po ako sa inyo! Opo! Umamin na'ko. Pumayag po sya! Opo! T-teka lang po ah. Magpaalam ako. Kate?" Napatingin ako kay Stell.

"Hm?"

"Kausapin ka raw ni lola. Pwede lang ba?" Omayghad.

"S-sure. Sure." Hinarap nito ang phone sa'kin at nagulat ako ng nakavideo call pala sila.

"Naku napakaganda nga nitong nililigawan mo Stell. Ija, alam mo bang matagal ka ng gusto nito? Lagi kang kinikwento sa'kin jusmiyo—"

"Lola."

"Hahaha salamat at pinasaya mo ang apo ko ija. Nakatutuwa namang makitang nakangiti ulit ang apo ko. Totoo ngang ikaw ang dahilan ng pagngiti niya. Osiya sige, ibaba ko na 'to. Nangangalay na ang braso ko."

"Salamat din po," tugon ko.

"Hahaha. Sige po lola! Babyeee! Hintayin niyo po ako. Uwi ako maya." Pagkatapos ay binaba na nito ang tawag.

"Totoo ba iyon Stell? Sa'kin ka lang daw ngumingiti ng ganun?" Nahihiya itong tumango.

"Weh?" Natatawa itong tumango.

"Kagaya mo, nawalan din ako ng tiwala sa tao, sa mundong ginagalawan ko simula ng lokohin ako ng mga magulang ko. Mahabang storya hahaha. Pero nakilala kita at nanjan ang lola ko. Hindi pala ako nag-iisa. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy kong nilalabanan ang mapagsamantalang mundong 'to." Ngumiti ako rito at hinawakan ang kamay nito ng mahigpit.

"I'm lucky you found me." Napangiti ito sa sinabi ko.

"And I'm so lucky I found you miss ma'am."

"We're both lucky we found each other."

And tinatamad na si Author dugtungan dahil napakahaba na. The end. Hahaha. Basta alam niyo na iyon. Happy ending ean😭
---
A/N: I'm open for commission po. Kindly dm my twt acc po. Need money po eh.

twt acc: _Atin_Wrighter

Continue Reading

You'll Also Like

511K 14.6K 107
"aren't we just terrified?" 9-1-1 and criminal minds crossover 9-1-1 season 2- criminal minds season 4- evan buckley x fem!oc
450K 13.5K 96
Theresa Murphy, singer-songwriter and rising film star, best friends with Conan Gray and Olivia Rodrigo. Charles Leclerc, Formula 1 driver for Ferrar...
848K 19.3K 48
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
1M 39.7K 92
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗿 𝘄𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗳𝗶𝗿𝗲, 𝗹𝘂𝗰𝗸𝗶𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗵𝗲𝗿, 𝗔𝗻𝘁𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 �...