Love You, Sunset

By pink_opal_27

2.7K 168 45

A setting sun can mean losing hope but can also be anticipation of a new beginning. Witness how love plays wi... More

Chapter 1: Collision
Chapter 2: Return
Chapter 3: Bestfriend
Chapter 4: Mia
Chapter 5: Sketchpad
Chapter 6: Time
Chapter 7: Out
Chapter 8: Stalker
Chapter 9: Kuya
Chapter 10: Goodbye
Chapter 11: Rooftop
Chapter 12: Unit
Chapter 13: Canvas
Chapter 14: Chef
Chapter 15: Visit
Chapter 16: Mommy
Chapter 17: Sister
Chapter 18: Message
Chapter 19: Dream
Chapter 20: Artwork
Chapter 21: Comeback
Chapter 22: Deal
Chapter 23: Fear
Chapter 24: Together
Chapter 25: Moment
Chapter 26: Reverse
Chapter 27: Missed
Chapter 28: Back?
Chapter 30: Love You, Sunset
EPILOGUE: The Story Behind

Chapter 29: Again

58 3 1
By pink_opal_27

Ken's POV


"Oo pare. Nagresign na ako. Hindi ko na kayang gamapanan ang trabaho ko dito sa ospital lalo na't alam kong dito ko unang nakilala si Mia at dito ko rin siya nawala" sabi ko kay Balti habang nagliligpit na ako ng mga gamit ko mula sa clinic kong mga halos sampung taon ko na ring naging tahanan.


Natatawa ako sa pangingilid ng mga luha ni Balti, "Huyy pare, hindi bagay sayo. Ako nga dapat yung maluha kasi bukod sa di na tayo magkakatrabaho, mamimiss ko yung laging pag-abot mo sa akin ng lunch. Kung hindi ko lang alam na may girlfriend ka, iisipin kong type mo ko eh." pagbibiro ko.


"Di kita type pare no. Baka si Mia pa nga"


"Ano? Anong sabi mo?"


"Teka teka, joke lang pare. Alam ko naman na kahit wala na si Mia sa tabi mo, sayong-sayo lang siya at sure akong mahal na mahal ka pa din niya hanggang ngayon"



Nilibot ko muna ang paningin ko sa apat na sulok ng opisina ko. Napapaiyak ako dahil kasabay ng pag-iwan ko sa clinic na ito ay ang pag-iwan ko rin sa mga naging alaala namin ni Mia dito.


"Bakit kasi huli ko nang nakilala na siya si Rita, ang tanging bestfriend kong pinangakuan kong hindi ko iiwan kahit kailan." bulong ko sa sarili ko habang walang humpay ang pagtulo ng mga luha ko kapag naaalala ko ang mga masasayang tawanan namin dito. Naririnig ko pa din ang boses niya dito kapag tumatawa, nang-iinis, nanggigil, umiiyak.



Matapos kong huling magpaalam sa clinic ko ay tinapik ko na sa balikat si Balti na busyng-busy naman sa kanyang phone.


"Huy ano ba yan? Nag-ML ka no?"


"Baliw hindi. Nakita mo na ba itong pinost ng ospital?"


"Ano? Issue na naman sa doktor?"


"Hindi ah. Look oh" sabay abot sa akin ng phone niya. Ayon sa post, ngayon daw ang uwi ng tanging tagapagmana ng R Holdings, yung kaisa-isang apo daw ng may-ari ng ospital na to.


"Uuwi? Sino? Wala na si Mia. Si Arra naman nakakulong. Si Joanna? Pero hindi naman niya yun apo mismo eh" a part of me gustong maniwala na si Mia or Rita ang uuwi galing Australia kaya lang napakaimposible naman yun.



Mula nang pagkagising ko sa ospital after nung aksidenteng nangyari kay Mia, parang may mali na sa mga nangyayari sa paligid. Parang nagreset ang lahat. Hindi nakakulong si Daddy. Si Mommy ongoing ang business niya. Walang kahit sinong nakakakilala kay Mia kahit na ipakita ko pa ang picture niya sa kanila.


Kahit sa nurses station, pinagtanong ko na rin kung may nakaadmit na Mia Sarmiento pero wala daw sa records at hindi rin nakikilala ang mukha ni Mia. Maski si Balti ay walang alam na kahit ano tungkol sa Mia ko kahit na siya ang neurosurgeon na humawak ng rare case ng condition ni Mia.


Walang Mia. Walang Rita.



Hindi ko alam kung saan o paano ako magsisimula. Nasa akin lahat ng alaala naming dalawa ni Mia pero bakit mukhang hindi naman siya nag-eexist sa mundong ito.


Dalawang taon ko ring hinahanap ang sagot. Dalawang taon na ring wala akong nakukuhang sagot.




Nagpaalam na rin si Balti sa akin dahil magrorounds na rin daw siya. Magkaibigan kami kaya kahit hindi na ako magtatrabaho sa ospital na ito ay mananatiling may communication kaming dalawa ni Balti.


Palabas na sana ako ng clinic ko nang nagulat ako sa nakita ko.


"Mr. Iringan, good afternoon po." banggit ko kahit na alam ko na hindi naman ako ang sadya niya.


Saglit siyang napatigil at lumingon sa akin, "Ngayon ka pa lang aalis?"


Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Ganoon pa rin ba ang laki ng galit niya sa akin sa pagkaaksidente ni Rita noon nung mga bata pa kami? Ganoon pa rin kaya ang galit niya sa daddy ko na siyang tinuturo niyang dahilan kung bakit nawala ang daddy ni Rita, ang anak niya?


"Natagalan lang po sa pagligpit po ng mga gamit ko" mahinahon kong sabi.


"Wag ka sa harap dumaan. Sa likod ng ospital ka dumiretso. Baka sabihin pa ng mga doctors at nurses dito, pinalayas talaga kita. Ayokong maging masama ang imahe ko sa mata ng mga taong hawak ng kumpanya ko."



May buntong-hininga akong binitbit muli ang box na naglalaman ng mga gamit ko.


Pabukas na sana ako ng exit door dito sa may likuran ng ospital nang bigla akong tinawagan ni Balti.


"Yow, yung classmates pala natin sa med school andito ngayon sa ospital. Nasa may lobby daw. Saan ka ba?"


"Ha? Nasa exit door sa likod ako."


"Ha? Bakit diyan ka naman dadaan? May pinagtataguan ka no?" sagot ni Balti sa phone. Hindi niya rin alam na si Mr. Iringan, na may-ari ng ospital na ito, ang siya ring isang malaking dahilan ng pag-alis ko sa trabahong sobra kong mahal.



"Ken, andyan ka pa ba? Huyyy ano di sumasagot? Halika ka na dito sa lobby. Bilisan mo, sumaglit lang naman daw talaga sila. Sa garden sa labas na lang kami maghihintay ha. Gusto daw nilang maglakad around"


"Wait, paano 'tong box ko ng mga gamit?"


"Edi ilagay mo muna somewhere dyan. Saglit lang naman, babalikan mo naman yan agad."


Hindi naman na sigurong masamang sumaglit sa may front entrance no. Wala na rin naman akong hawak na box.



Dali-dali akong naglakad sa may lobby ng ospital.


Habang patungo ako sa pintuan ay patuloy ko pa ring kinocontact sina Balti pero ring lang ng ring. Hindi ko kasi silang makita sa labas from the window ng ospital. Siguro masarap na ang kwentuhan ng mga yun. Di bale, hanapin ko na lang sila sa labas.


Paglabas ko ng pintuan ay may isang pamilyar na mukha ang nakita kong paparating sa direksyon ko. Natuod ako sa kinatatayuan ko kaya di ko namalayan na naharangan ko na pala ang tanging daanan papasok ng ospital.




"Hey!" tila nagulat siya nang makita ako sa entrance.


"Excuse me. I bet you are also a doctor here at this hospital?" nakatitig pa rin ako sa kanya. Hindi ako pwedeng magkamali.


"Hey!" muli niyang sinabi sabay pitik sa harapan ng mga mata ko. "Doctor, can you please move? You're such a nuisance here at the entrance"


Muli kong naalala ang una naming pagkikita dito sa ospital. Ganitong-ganito ang eksena nun eh. Ano ito? De ja vu? Hindi. Sure ako nangyari talaga yun.


Napagilid naman ako sa pintuan habang nag-iisip kaya naman nakapasok siya sa ospital.


"Mia?" hindi ko na napigilan pa ang sariling banggitin muli ang pangalang inaasam kong matawag sa dalawang taon na pangungulila ko.



Mukhang gulat na gulat siya pero lumukso ang puso nang finally, alam kong nag-eexist talaga ang isang Rita Iringan sa mundong ito. At narito siya sa harap ko. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Ayaw paawat ng mga luha kong tulot-tuloy lang sa pag-agos.


Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong inilayo sa kanya. Wait, yung nangyari noon, si Bruno ang mineet niya dito sa ospital? Si Bruno din kaya ngayon? Ughhh no hindi pwede. Matagal nang hindi nanggugulo si Bruno? Or hindi ba siya nanggugulo kasi magkasama na sila ni Rita? The heck, mga iniisip mo Ken Chan.



Mas lalo ko pang ikinagulat nang sabihin niyang, "I don't even know you". Wala akong nasabi. Ni hindi ko alam ang lumabas na ekspresyon sa mukha ko nang marinig ko iyon? Dalawang taon akong naghintay na makita siyang muli pero ano ito? Bakit hindi niya ako kilala? Tsaka bakit wala ring nakakakilala sa kanya.




"Hi I'm here." sabi ni Mia pagtalikod niya sa akin. Please lang wag sanang si Bruno ang imemeet mo.



Unti-unting bumungad sa akin ang mukhang binati ni Mia. "Lolo, ang tagal mo. Sabi mo saglit ka lang. Naglakad na tuloy ako sa garden sa labas."


Nagkatitigan kami ni Mr. Iringan. Now I can confirm that she's Rita.


Nilapitan ko silang mag-lolo. "Mr. Iringan, now tell me, she is Mia Sarmiento, right?"


"Teka, bakit mo ganyan kausapin ang lolo ko ha? I'm not that, who is she? Mia?


"Mahal. Ikaw. Mia Sarmiento. Ang tanging babaeng nagpatibok ng puso ko. Nangako tayo sa isa't isa diba? Walang iwanan?"


"Nakikiusap po ako sa inyo Doctor Ken"


"Wait" nagulat ako, "Hindi ko pa naman nababangit pangalan ko sayo ah. You're right, I'm Doctor Ken." Kung nawala man sayo lahat ng alaala, sana may natira man lang kahit isang memory or scene lang from the time na masaya tayo together. "Kilala mo ako right? Ikaw nga si Mia"


"Excuse me? I only read what's in your ID. Can you just please stop calling me Mia because I'm not her"



Trust me Mia, lahat gagawin ko para maalala mo ako. Baka ang aksidente ang may sala kung paano di na akong maalala ng mahal ko. Masakit man pero kailangan ko siyang iwanan muna with her lolo.



Araw-araw pa din ako nagpapabalik-balik sa condo unit ni Mia, ni Rita, nagbabasakali na mag-abot kaming dalawa pero mukhang malabo. Sabi rin ng nasa admin ay pinull-out na daw ng family ni Mia ang mga gamit niya sa itaas. Paano ko kaya siya makikitang muli at makakausap? Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa kanya, kung bakit wala siyang naalala tungkol sa akin.



Sa mansion pa rin kaya sila nakatira ng lolo niya? Kaya lang hindi ko na masyado maalala kung saan banda yun kasi mga bata pa naman kami noon nung nakulong ang daddy ko at nagdecide ang mommy ko na lisanin na ang lugar na kinalakhan namin.





"Mommy" bungad ko sa mom ko while she's preparing our breakfast.


"You remember Rita Iringan, yung apo ni Tito Lolo Rod?" nakaupo ako sa favorite kong upuan sa dining. First time na lang ulit na magkakasama kaming kumain sa hapagkainan.


"Mommy?" pag-uulit ko kasi parang hindi niya ako narinig o pilit na hindi makinig at sagutin ako. "Tanong ko lang kasi Mommy kung naaalala niyo pa yung mansion nina Rita noon. Kailangan ko siyang makita ulit."


Finally hinarap na rin ako ni Mommy.



"Anak, matagal na tayong umalis sa lugar na yun. Tsaka pwede ba, kalimutan mo na si Rita. Nakalimutan mo na ba kung bakit nakulong ang daddy mo? That Rodrigo Iringan made your dad the fall guy for Rita's death. And he also made you the fall guy for that incident sa ER noon."



Yes, alam na namin na naframe-up ako ni Bruno, ni Doc Steve. Kakuntsaba sila ng lolo ni Rita para mapasama ang image ko sa ospital. Super bait naman ni Tito Lolo sa akin noon pero naiba lang talaga nung nagkapatong-patong na yung mga problemang dumating sa buhay nila.


Kwento ko sa inyo ha? Short lang naman.


Magbestfriends talaga sina Daddy, Tito Lucas na hindi ko alam kung nasaan, at Tito Red (yung daddy ni Rita), kaya nga naging magbestfriends din kami eh. Pero sa di malamang dahilan, may lumabas na issue na yung mommy ni Rita ay inagaw daw ni Daddy from his bestfriend, which is completely not true. Then one night, nakatanggap daw ng message ang daddy ni Rita na itatakas na daw ni Daddy ang Mommy niya kaya naghabulan sila sa sasakyan. That rage led to an accident that caused Tito Red's death. And kaya biglang nagbago si Tito Lolo sa amin, hanggang sa akin, dahil naman sa "pagkamatay" ni Rita. Dinamay din ni Tito Lolo ang mga negosyo namin, nabankrupt kami. Yung favorite na restaurant ng family namin, kinuha din mula sa amin. Pinakulong din nila si Daddy at ako naman finrameup sa kasalanang kahit kailan ay hindi ko pinangarap na macommit sa trabaho ko.



"Anak" my mom cut my thoughts, "Gusto mo pa rin ba talagang bumalik sa mansion na yun? Kahit puro sakit lang ang naidulot nun sa atin?"



"Mommy, masaya naman tayo noon diba? Doon ko nakilala si Rita. Doon namin nabuo ang mga masasayang memories namin together. I want to go back there, baka sakali lang naman"


"Baka sakaling ano anak?"


"Na makita ko siyang muli doon. Mula kasi nung nagkasalubong kami sa entrance ng ospital, hindi ko na siya nakikita. Mukhang nawala yata yung mga magagandang alaalang nabuo namin sa isipan niya"


"Anak, kung di ka niya maalala, bakit kailangan mo pang ipilit ang sarili mo sa kanya?"


"Ma, hindi man ako maalala nito" sabay turo sa sintido ko, "pero sigurado akong maaalala ako ng puso niya"




Nagulat ako nang biglang tumakbo si Daddy sa may pintuan. Pagbalik niya, "Nak, may pinadeliver ka ba? Number ko pa ginamit mo ha" sabay abot sa akin ng white box.


Nagtaka naman ako kasi wala naman akong pinadeliver pero tama ang address na nakalagay dito. Hahabulin ko pa sana yung lalaking nagdeliver pero nakaalis na pala siya.


"Buksan mo kaya anak. Pangalan mo ang nakalagay eh"


"Sige Dad wait lang. Wala naman sigurong sasabog dito no?" pagbibiro ko pa.






Pagbukas ko ng box, nagulat ako dahil isang tuxedo ang nasa loob nito. Complete pa with pants and black shoes. Nagtataka akong inilabas ito sa box. Isang flower brooch din ang nakalagay sa loob ng small diamond box dito. Habang nilalabas ko ang mga laman ng box, may nahulog na isang maliit na envelope. Binuksan ko ito at isang note ang nasa loob nito saying....





See you in an hour, Chow.





------------------------------------------------------------------------------

A/N My second to the last chapter. Again, maraming salamat po sa lahat ng mga readers na umabot pa rin til this chapter.

Continue Reading

You'll Also Like

22.6K 712 29
the story takes place in Nevermore where Wednesday meet a tribrid that is Hope's twin sister who was misplaced at birth. her name is Faith Mikaelson...
517K 10.3K 53
The Romano family always had one saying 'Family over anything' Which they stuck to, especially after the disappearance of their youngest daughter...
50.9K 6.6K 55
"ඒයි ඇටිකිච්ච ඔහොම ඉන්නවා" "නේත්‍ර, නේත්‍ර... මගේ නම නේත්‍ර" "මොකද උඹේ කට ඔච්චර සද්දෙ, මට ඔය වයසට වඩා උඩ පනින්න දඟලන ඇටි කිච්චන්ව පේන්න බෑ. ඒ නිසා මට...
57.3K 1.2K 26
.. a story, of a girl who has a condition that could change her life for the greater good. Loni has a medical condition that stopped her from develop...