Ang Aswang Sa Poblacion San J...

By Alexis_Seguera

18.1K 912 87

Lugar kung saan nagsimula ang lahat at sa akin ay nagpahirap Ang lugar na siyang puno't dulo ng lahat Lugar n... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 9

549 29 0
By Alexis_Seguera

Chapter 9

Huli na ng mapagtanto ko na sa bahay kami ng mga Vallderama pupunta. Teka! Ano ba ang gagawin namin doon? At bakit ba kami pupunta doon? Isinawalang bahala ko nalang Ito at naligo na. Nakakahiya kasi paghintayin yung bisita namin.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Pagkababa ko ay iginala ko ang paningin ko sa paligid para hanapin ang isang tao na gumugulo sa isipan ko. Pero napatalon ako bigla ng may sumundot sa tagiliran ko.

" Ano ba! " Saway ko sa kaibigan ko

" Hinahanap mo si Hades no? Ayieeee ikaw ha! " Tukso nito. Namumulang nag-iwas nalang ako ng tingin dito

" H-hindi no! Tsaka tumigil ka na nga diyan! Halika ka na at magpapaalam pa ako " palusot ko rito

" Yieeee, tanggi pa more! Haha nandoon siya sa likod ng bahay, kakausapin yata ng Tatay mo " natatawang sabi parin nito

Kinabahan ako dahil sa sinabi nito. Kinakabahan kung ano ang posibleng gagawin at sasabihin ni Tatay dito. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Tatay pero kasi. Kahit naman nakumbinsi ko si Tatay na hindi sila masamang Tao ay may posibilidad paring saktan niya ito. Hindi man pisikal kundi emosyonal.

Nagmamadaling pumunta ako sa likod ng bahay namin ng tinawag ako ni Nanay. Nagmano muna ako dito at hinalikan ang pisngi niya.

" Bakit nay? " Tanong ko rito

" Aalis na ba kayo? " Takang tanong nito

Bago pa ako makasagot at inunahan na ako ni Trisha.

" Opo Tita " sagot nito kay Nanay, na nakasunod sa likuran ko

" Oh siya sige! Kumain muna kayo bago kayo umalis, mauna na kayo sa hapag kainan at tatawagin ko lang ang Tatay niyo tsaka yung bisita natin " anyayang sabi nito at iginiya kami sa hapag para kumain.

Nang naihatid niya kami ay tumalikod na ito, para tawagin sila Tatay. Nakasulyap lang ako sa papalayong likod ni Nanay. Gusto ko kasing sumama sa kanya para alamin kung okay lang si Hades

Siniko naman ako ni Trisha ng mapansin niyang nakasunod ang mata ko kay Nanay at tinaas baba nito ang kilay niya. Napailing nalang ako sa ginawa niya.

Umupo na ako sa upuan ko at umupo narin sa tabi ko ang kaibigan ko. Nandito narin ang mga kapatid ko na nauna ng kumain.

" Good morning ate " nakangiting bati sa akin ng dalawa kong kapatid

" Good morning " balik na bati ko rin dito

" Ako? Hindi niyo ba ako babatiin ng Good Morning " Sabi ni Trisha habang nakaturo sa sarili niya

Kahit kailan talaga ang babaeng to hindi nagbabago. Maingay parin.

" Hehe Good morning rin sayo Ate " nag-aalangang bati ng mga kapatid ko dito

" Good morning rin! " Balik na bati nito

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ako habang kumakain. Ang mga kapatid at kaibigan ko lang ang nag-iingay sa hapag kainan. Tumingin ako sa bukana ng kusina ng makita si Nanay na paparating, kasunod nito ay si Tatay, at ang panghuli naman ay si Hades.

Tumagal pa ang tingin ko kay Hades dahil sinusuri ko kung may kakaiba ba rito. Pero natigil lang ako sa paninitig ng tumingin ito sa akin, namumulang nagbaba ako ng tingin dahil nakakahiya ang ginawa ko.

Inanyayahan narin ni Nanay si Hades na sumabay sa amin sa pagkain. Noong una ay tumanggi pa ito dahil nakakain narin daw siya sa kanila bago pumunta dito, hindi rin nagtagal ay kumain na rin ito dahil sa pamimilit ni Nanay sa kanya.

Tumabi siya sa akin ng upo. Sa kanan ko ay si Trisha at siya naman ang nasa kaliwang bahagi ko. Sa kabisera ng lamesa doon nakaupo si Tatay sa kanang bahagi nito ay doon nakaupo si Nanay at ang dalawa kong kapatid.

Tahimik lang kaming lahat habang kumakain. Pero itong katabi ko panay ang siko sa tagiliran ko. Kanina pa kasi niya bulong ng bulong sa akin. Na kesyo ' kinikilig daw ako dahil nakatabi ko ang crush ' ' Na baka daw ay himatayin ako sa sobrang kilig ' nakakabaliw na ang mga sinabi niya kaya hindi ko nalang siya pinansin pa

Nang matapos tuloy kaming kumain ay ang Pula Pula ng mukha ko dahil kanina pa pala kami pinapanood ni Hades na nagbubulungan. Kumukunot kasi ang noo nito ng sandaling sulyapan ko ito. Pero ng makita naman ako nitong nakatingin sa kanya ay ngumiti ito. Hilaw na ngiti tuloy ang isinukli ko dito. Habang ang kaibigan ko naman ay hindi magkamayaw sa paimpit na tili nito.

Ang sama tuloy ng tingin sa amin ni Nanay kanina. Nagpaalam na ako kay na Nanay at Tatay na aalis na. Lumabas na kami ng bahay at nakita ang sasakyan gagamitin namin. Isa naman itong " Ford Expedition " ang ganda! Nakakahiyang sumakay.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan ng may naunang magbukas dito. Napatingin ako dito at nakita si Hades.

" After you Mi Lady " sabi nito sa akin

" S-salamat " kiming sagot ko rito

Bago pa ako pumasok ay inalalayan muna ako nito. Namumulang umupo tuloy ako. Sumunod naman si Trisha na may mapanuksong ngiti sa labi. Hindi ko nalang ito pinansin at namumula paring tumingin sa bintana.

Umupo narin si Hades sa Passenger Seat at sinimulan ng paandarin ng driver nila ang sasakyan. Sumulyap ako sa rear view mirror ng sasakyan at mabilis na napaiwas ng tingin dahil nakatingin rin doon si Hades na may misteryosong ngiti sa labi at direkta itong nakatingin sa mga mata ko.

Habang binabagtas ang daan papunta sa kanila ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa napakalaking tarangkahan nila. Lalo pa akong namangha ng pumasok ang sinasakyan namin sa loob. Napakaganda ng kanilang hardin dahil sa naglalakihan at nagyayabungang mga kulay pulang rosas na maiikumpara mo sa kulay ng dugo.

Huminto na ang sasakyan at bumaba na kami. Kaagad ko namang iginala ang paningin ko buong paligid. Ipinikit ko ang mata ko ay upang langhapin ang mabangong amoy ng mga bulaklak. Ang lalaki ng bawat talulot nito at mahahalata mo rin na nanggaling pa ito sa ibang bansa dahil sa kakaibang kulay nito.

Meron rin akong nakita na dalawang istatwa ng isang Angel na merong sungay ng sa Demonyo? Teka? Meron bang ganon? Medyo nakakatakot rin ang itsura nito dahil ang hahaba ng mga kuko at meron rin itong pangil. Nakatayo ito sa magkabilaang bahagi ng gate.

Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Hades na mariing nakatitig sa akin. Para kasing binabantayan niya ang magiging reaksiyon ko sa istatwa na kanina ko pa tinitigan.

" A-ah hehe m-maganda pero, parang wala naman yata sa ayos yung sungay at mahahabang kuko at pangil niya " pilit na sabi ko rito

Natatawa at napailing nalang tuloy siya sa sinabi ko at tumingin rin sa istatwa.

" That statue is sculptured by our great-great grandparents, because they said that it symbolizes the prosperity of our family, so we must treasure and take care of it " nakangiting paliwanag nito sa akin

Tumango tango nalang ako dito at tinignan ang bahay sa harapan ko. Ngunit napanganga ako ng makita ito. Hindi ito isang bahay lang dahil mansyon ang nakikita ko ngayon. Mas malaki pa pala ito sa malapitan. Ang ganda rin ng estraktura nito dahil alam mong magtatagal talaga ito ng ilang taon dahil sa magandang quality ng mga ginamit dito.

Pumasok na kami sa double door ng kanilang mansyon. Kahit ang pintuan nila ay halatang nanggaling at nililok pa sa isang matibay na kahoy na hindi basta matitibag. Bahagya naman akong nagulat ng sumalubong sa amin ang mga nakahilerang maid sa gilid na nagsiyukuan ng pumasok kami. Hindi tuloy ako mapakali sa kinatatayuan ko.

Para kasing maharlika kami kung ituring nila. Napatalon rin ako ng bahagya at napakapit sa braso ni Hades ng may biglang nagsalita sa gilid ko.

" Welcome home My Lord " bati nito kay Hades at bahagyang yumukod

Butler!? May butler sila? Bakit hindi pa ako nagulat? Meron silang dugong bughaw eh

" Stop it Nicholas! Estás asustando a mi reina " ' Your scaring my queen ' hindi ko na naintindihan ang huling sinabi dahil ibang lengguwahe ang ginamit niya

" I'm sorry for scaring you mi lady " hinging paumanhin nito habang nakayuko

" O-okay lang " sagot ko rito

Iginiya kami nito sa loob ng bahay nila. Binitawan ko narin ang braso ni Hades ay nagpatuloy sa paglalakad. Sa tabi ko naman ay si Trisha na tahimik lang. Nagtataka nga ako e, kanina pa kasi siya tahimik. Hindi ko nalang ito pinansin at iginala nalang ang panginin sa nag-gagandahang mga vase, mamahahaling painting na nakasabit sa dingding, at ang napakalaking bintana nila meron ring mamahaling kurtina.

Kahit saan ka tumingin ay nakikita mo ang karangyaan sa buong lugar. Kahit nga ang inaapakan naming sahig ay napakakintab sa linis. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako nababagay dito. Ingat na ingat rin ako sa paglalakad ko dahil makabasag ako. Mahirap na nagkakahalaga kasi ng milyones ang bawat gamit nila dito.

Kanina pa kami naglalakad, saan ba kami pupunta? Ang sakit na ng paa ko kakalakad. Bakit ba kasi ang laki ng bahay nato at napakaraming pasikot-sikot? Sa wakas ay huminto na kami sa isang napakalaking pintuan.

" Your majesty is already waiting for your arrival " saad ng butler nila sa amin habang nakayukong binuksan ang malaking pintuan sa harap namin.

Sino daw? Your majesty? T-teka nandito ba yung mga parents niya! Nakakahiya. Napatingin tuloy ako sa suot ko. Isang simpleng puting printed T-Shirt, itim na pantalon at sneakers lang. Haharap ako ng nakaganito? Tapos sa isang conde pa! Jusko lamunin na sana ako ng lupa.

" Don't worry about your clothes----" ngumiti Ito sa akin "----Your beautiful no matter what you wear " namumula tuloy akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Pero sa kabilang banda ay gumaan rin ang loob ko dahil sa mga sinabi niya.

Tuluyan na kaming pumasok sa kanilang bulwagan.

" Mi hijo! " Tawag sa kanya ng isang babaeng sopistikada tignan at napakaganda ng katawan

" Mother " bati nito sabay halik sa pisngi

M-mama niya Yan! Bakit parang ang bata pa niya. Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Ang ganda niya, hindi mo aakalaing mayroon na siyang dalawang anak dahil sa kinis at Ganda ng katawan niya. Parang hindi siya tumatanda.

Nahihiya tuloy akong nagbaba ng tingin dahil naabutan ako nitong nakatingin sa kanya. Tinitigan muna ako nitong mabuti at humarap ulit kay Hades

" Es ella la chica que siempre me dijiste que fuera tu reina? " ' Is she the girl you always told me , to be your queen ' tanong nito kay Hades

" Sí! Será la futura condesa de la casa de Vallderama " ' Yes! She will be the future countless of the house of Vallderama ' t-teka ano ba ang pinag-uusapan nila? Hindi ko maintindihan. Ako ba yung pinag-uusapan nila? Nakatingin kasi sila sa akin habang nag-uusap sila. Nakakailang tuloy.

Continue Reading

You'll Also Like

63.6K 6.2K 123
A story following a young hunter named Jay. He has grown up in a world where dungeons, monsters, and humans with leveling systems are a cultural norm...
1.2M 39.8K 59
Princess Nymeria is well aware that her kingdom is in decline. It has been for hundreds of years after all. Unlike her ancestors, she's willing to re...
250K 10.5K 26
စံကောင်းမွန် + တခေတ်ခွန်း ငယ်ငယ်ကခင်မင်ခဲ့တဲ့ဆက်ဆံရေးကနေအကြောင်းတစ်ခုကြောင့်စိတ်သဘောထားကွဲလွဲပြီး ပြန်တွေ့တဲ့အချိန်မှာသူဌေးနဲ့အလုပ်သမားဆက်ဆံရေးဖြစ်သွ...
1.7M 111K 26
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...