Ang Aswang Sa Poblacion San J...

By Alexis_Seguera

18.1K 912 87

Lugar kung saan nagsimula ang lahat at sa akin ay nagpahirap Ang lugar na siyang puno't dulo ng lahat Lugar n... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 7

627 27 0
By Alexis_Seguera

Chapter 7

" A-ah! N-nice to meet you rin " balik na sabi ko rito habang namumula parin.

Naiilang na kasi ako sa pagkakatitig niya sa akin. Para kasing ako lang ang nakikita niya sa paningin niya. Yung para bang kami lang dalawa ang tao dito sa Plaza. Tapos parang namamangha rin siya sa mga nakikita niya sa akin.

Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang nakakailang. Inalis lang niya ang tingin sa akin ng magsalita si Hayden.

" By the way kuya, are you coming with us? " Tanong nito

" Yeah " maikling sagot nito

" Paano ba Yan? Kompleto na tayo, tara na! Para marami pa tayong pupuntahan " excited na sabi ni Aviana

Nag-umpisa na kaming maglakad sa isang malaki na puting SUV na halatang mamahalin. Teka diyan ba kami sasakay? Nakakahiya naman, puwede naman kasing mag-tricycle nalang.

Bahagya kong hinila si Trisha para mahuli kami sa paglalakad at maka-usap narin. Gusto ko rin siyang maka-usap kung paano niya naging kaibigan ang mga Vallderama. Hindi ba siya natatakot dito? Hindi naman sa naniniwala ako sa haka-haka na Aswang sila pero kasi. Ang hirap paniwalaan na ang mayamang tulad nila ay nakikisalamuha sa mga taong kagaya namin.

" Trisha? Paano mo ba sila nakikila? " Bulong na tanong ko dito

" Huh? Sino? Yung mga Vallderama ba? " Balik na tanong naman nito

" Oo, paano mo ba sila nakikila? Tsaka hindi ka ba nababahala o di kaya ay nawi-wirduhan dahil ang mayamang kagaya nila ay nakikisalamuha sa atin? Hindi ka ba natatakot na baka may masama silang balak sayo? " Nababahalang tanong ko rito

Bahala na, judgemental na kung judgemental. Nagtataka lang kasi ako.

" Ano ka ba! Grabe ka naman mag-isip sa kanila, porket ba mayaman hindi na puwede makisalumaha sa tulad natin? Hindi naman kasi sila kagaya ng ibang mayaman diyan na mataporbe at mapagmataas. Matatakot? Bakit naman ako matatakot sa kanila? Wala naman silang ginagawa na masama sa akin. Sa katunayan nga ay sila pa ang tumulong saakin noong nangangailangan kami ng pinansyal na tulong. Tsaka ang babait kaya nila, wala kang maipipintas sa kanila dahil sa kabaitang taglay nila " mahabang pahayag nito

Hindi parin ako naniniwala sa mga sinasabi ng kaibigan ko. Malay ko ba kung pakitang tao lang sila o di kaya ang nagpapaganda lang ng imahe. Pero sa kabila ng mga sinabi niya tungkol sa mga Vallderama ay may parte sa isip ko na gustong maniwala sa mga sinasabi niya. Pero merong ring parte sa isip ko na hindi naniniwala hangggang sa hindi ko pa sila lubusang nakikila.

" Teka? Bakit mo ba sa akin to tinatanong? Naniniwala ka sa mga sinasabi ng iba na Aswang sila no " nabigla ako sa naging tanong niya

" Hindi naman sa ganon, nagtataka lang kasi ako, tsaka paano mo ba talaga sila nakilala at naging kaibigan? "

" Ahh, yon ba? Noong una rin ay kagaya mo rin ako, natatakot at nababahala sa kanila, simula kasi ng dumating sila dito sa Poblacion ay doon rin nagsimula na ang kababalaghang nangyayari dito. Halos araw-araw ay may nababalitaang patay, tapos karumal-dumal rin ang mga nangyayari. Wawak ang tiyan, nawawala ang lamang loob at halos maubos ang dugo sa katawan. Merong nagsasabi na baka mababangis lang na hayop ang may gawa nito o di kaya ay mga adik. Pero ang mas pinaniniwalaan talaga ng mga tao ay Aswang ang gumagawa nito. Hanggang sa meron mismong nakasaksi na Aswang nga ang may gawa----"

"----nakita nito mismo kung paano kainin ng isang nilalang na may mapupulang mata, matatalim ng ngipin, at nagtutulisang mga kuko ang mga kaibigan niya, nakatakas nga ang saksi pero kinagabihan rin ay namatay ito, maging ang kanyang pamilya ay hindi pinalampas, Doon na mas lalong naniwala ang mga tao na Aswang ang may gawa nito. Sino pa ba ang paghihinalaan kung hindi ang mga bagong lipat na pamilya Vallderama. Maraming naniwala na sila ay pamilya ng mga Aswang. Idagdag mo pa rito ang kakaiba nila mga pag-uugali. Madalas kasi ay tuwing gabi lang sila lumalabas tapos kapag naman lumabas sila sa umaga ay balot na balot ang katawan. Kaya siguro sila pinaghihinalaan na Aswang dahil ganon sila----"

"----Noong una ay ganoon rin ang paniniwala ko, hanggang sa tuluyan ko na silang nakilala . Isa lang naman silang tipikal na magpapamilya, mayaman man sila pero hindi nila yon pinaglalandakan. Alam mo ba? Ang unang naging kaibigan ko sa kanila ay si Aviana naalala ko pa nga noon kung paano kami nagkakilala-----"

~~~F.L.A.S.H.B.A.C.K.~~

Sabado ng umagang iyon ay inutusan ako ni nanay na bumili ang pang-ulam namin. Noong una ay natatakot pa ako dahil sa mga nangyayari ngayon sa Poblacion, pero tinatagan ko ang loob ko dahil sa oras na hindi ko nagawa ang pinag-uutos ni nanay ay malilintikan ako sa kanya.

Pumara na ako ng tricycle para magpahatid sa palengke, Kung nandito sana si Artemis ay magpapasama ako sa kanya. Bumaba na ako ng tricycle para magbayad pero hindi muna ako dumiretso sa palengke dahil alas otso pa naman ng umaga.

Pupunta nalang muna ako sa Plaza para makapag-isip at magpahangin. Nito kasing nagdaang araw ay Hindi na ako masyadong lumalabas ng bahay dahil sa takot. Kailangan ko ng preskong hangin na malalanghap.

Umupo ako sa isa sa mga bench na nandoon. Kaunti lang ang mga tao ngayon sa Plaza dahil siguro sa takot ay hindi na naisipan pang lumabas.

Tahimik sa ako at nakatulala sa kawalan, iniisip ko kung kailan matatapos ang kababalaghang ito. Umihip ang malamig na simoy ng hangin na naging dahilan upang maging magulo ang buhok ko. Naiinis na inayos ko ito at tinali. Habang tinatali ito ay napatingin ako sa katabing bench na kinauupuan ko.

Ganon lamang ang gulat ko ng may nakita akong naka-upo doon. Sa pagkaka-alala ko kasi ay wala namang naka-upo don kanina. Mas lalo pa akong kinilabutan ng Makita ang kabuuan nito. Balot na balot ito balabal at umiiyak Ito, Teka? Umiiyak?

Inalis ko ang paningin ko. Tatayo na sana ako ng magawi ulit ang tingin ko dito. Ewan ko ba, hindi ko nalang namalayan ang sarili ko na lumapit dito. Huminto ako sa tapat nito at tinitigan ito ng malapitan. Huminto muna ito sa pag-iyak ng mapansin ako. Tumingin Ito sa akin at takot na takot ang mababanaag mo sa mata nito.

" H-hu-w-wag n-niyo p-po a-akong s-saktan p-pa-rang awa niyo n-na " hinging paki-usap nito

Bigla akong nabahala sa sinabi niya. Anong sasaktan ang pinag-sasabi niya? Doon ko lang napansin na nanginginig na pala ito at nakita ko rin na may tumutulong dugo sa noo nito, marami rin siyang paasa at maliliit na sugat sa katawan.

" A-anong nangyari sayo?---" Tanong ko dito habang kinukuha ang panyo sa bulsa ko
" Paano mo ba to nakuha? Sinong may gawa nito sayo? " Sunod sunod na tanong ko

Pupunasan ko na sana ang dugong tumulo sa pinge niya ng bigla itong lumayo sa akin.

" H-hu-w-wag mo akong s-saktan paki-usap " kumunot ang noo ko sa sinabi niya

Bakit ba panay ang sabi niya na huwag ko siyang saktan? Mukha bang sasaktan ko Siya?

" Hindi naman kita sasaktan, pupunasan ko lang dugo na tumutulo sa noo mo " mahinahong sagot ko rito. Mukha namang naniwala siya sa akin kaya hinayaan na niya ako. Pero hindi parin mawala sa kanya ang pangamba na baka saktan ko siya. Napa-buntong hininga nalang ako

" Ano bang nangyari sayo? " Ulit na tanong ko rito. Nag-aalangan man ay sinagot rin nito ang tanong ko.

" P-pinagbabato k-kasi a-ako ng tao diyan k-kanina " nanginginig paring sagot nito

" Bakit hindi ka lumaban? " Nagtatakang tanong ko. Kung ako siguro yung ginawan ng ganon aba! Baka nagka-rambulan na

" W-wala n-naman k-kasi akong m-mapapala kapag p-pinatulan k-ko sila, t-tsaka kapag g-ginawa ko naman yon p-pa-rang p-pinapatunayan ko n-narin na t-totoo ang pinaparatang n-nila " nakatungong sabi nito

Diniinan ko ang pagkakalapat ng panyo sa sugat niya para hindi na dumugo.

" Ano ba ang pinaparatang nila sayo? " Kuryosong tanong ko

Suminghot-singhot muna ito bago sumagot

" P-pinagbibintangan kasi n-nila ang p-pamilya n-namin na A-a-aswang " naiiyak na sabi nito

" A-aswang!? Kung ganon isa kang V-vallderama!? " Sa gulat ko ay bigla akong napatayo ng tuwid

" O-o-oo--- " sagot nito "----I-isa akong V-vallderama----" pinagdugtong nito ang dalawa niyang hintuturo at lumuluhang tumingin sa akin "----n-natatakot ka ba sa akin? H-hindi naman t-t-totoo y-yung mga binibintang n-n-nila s-sa amin g-gusto lang n-naman namin n-ng mapayapang pamumuhay, at t-tsaka gusto ko l-lang rin n-naman na m-magkaroon ng k-kaibigan k-kaya tumakas a-ako sa b-bahay, m-mahirap ba a-akong maging k-kaibigan? " Sabi nito sabay hagulgol

Inaamin ko na natakot ako noong sinabi nito na isa siyang Vallderam. Siguro ay naging mapanghusga ako sa kanila na hindi man lang inaalam ang tunay na pagkatao nila. Hindi ko akalin na ganito ang dinanas niya, masyadong nabulag ang mga tao sa paniniwala na Aswang sila---maging ako ay hindi ko maikakaila na hinusgahan ko sila agad. Nakaka-konsenya dahil ang hangad lang naman nila ay mapayapang pamumuhay, ngunit ganito ang sinapit na niya/nila sa mapanghusga na mata ng mga tao.

" P-pasenya ka na---" umupo ako sa tabi nito ay masuyong iniharap ang katawan nito sa akin "----pasensya ka n-na at h-hinusgahan agad kita, kayo ng pamilya niyo ng hindi man lang kinilala kayo, pasensya na, nagulat lang talaga ako ng malaman na isa kang Vallderama---" ngumiti ako dito ng hilaw "----bali-balita kasi na kayo daw ay isang A-aswang, tsaka sa tingin ko naman hindi naman masama na maging kaibigan ka, nadala lang naman ako sa mga tsismis tungkol sa inyo...pasenya na " nakatungong sabi ko dito

Nabigla nalang ako ng niyakap ako nito. Napangiti nalang ako at yumakap rin pabalik.

" O-okay lang yon, s-sana maging magkaibigan tayo " nakangiting sabi na nito

" Oo naman! Tsaka halikana, dadalhin kita sa health center, ipagamot natin ang mga sugat mo, lalo na yang sa noo mo mukha kasing malalim " yaya ko dito

Ngumiti lang ito sa akin pabalik at nagpahila para ipagamot siya.

~~ E.N.D O.F F.L.A.S.H.B.A.C.K ~~

"----pagkatapos ng pangyayari na yon ay nagbago bigla ang pananaw ko tungkol sa kanila. Mas napatunayan ko na hindi talaga sila kagaya ng mga haka-haka ng mga tao, Doon rin nag-umpisa ang pagkakabutihang loob namin ni Aviana, tapos nakilala ko rin ang mga pinsan niya. Ang sasaya nga nila kasama eh " nakangiting pahayag nito.

Napa-isip ako sandali dahil sa mga sinabi, nagsisisi ako tungkol sa mga iniisip ko sa pamilya Vallderama. Masyado naman yata akong naging marahas sa pagkakakilala sa kanila ng hindi man lang inaalam ng tunay nilang pagkatao.

Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa bigla nalang hinawakan ni Trisha ang kamay ko.

" Huwag kang basta-basta nalang naniniwala sa mga sinasabi ng iba, halika at mas makikilala mo pa sila kapag nakasama mo na--" nakangiting sabi nito "----tsaka huwag ka ring matakot kay Hades haha pansin ko kasi nanginginig ka kapag malapit siya sayo, masasanay ka rin" lukaret rin to e, paano ako hindi matatakot palagi kasi siyang nakatingin sa akin tapos ang lalim pa kung tumitig.

Katulad nalang ngayon, nakatingin pa rin siya akin na parang mawawala ako sa oras na inalis niya sa akin ang paningin niya. Pilit kong nilalabanan ang pagka-ilang sa pagkakatitig niya. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kanya dahil parang hihigupin ako nito.

Pumasok na ako sa loob ng SUV. Nauna na kasi si Trisha, hindi man lang ako hinintay. Doon ako banda umupo sa may bintana, gusto ko kasi na kapag bumabyahe ay nakatingin ako sa mga tanawin sa labas.

Napalingon ako ng gilid ko ng may umupo dito. Naamoy ko kasi ang panlalaking pabango nito, nagulat nalang ako ng makita si Hades na naka-upo sa tabi ko. Hindi ba dapat ay sa passenger seat ito naka-upo? Nakita ko kasi siya doon kanina na naka-upo, ang bilis naman yata niyang lumipat ng umupuan. Ikinibit balikat ko nalang Ito at tumingin ulit sa bintana.

Nakatitig nanaman kasi siya sa akin. Asan ba kasi si Trisha? Dapat talaga hindi na ako nagpahuli sa pagsakay. Tatlumpong minuto ang layo ng ilog mula sa plaza. Tahimik lang ako sa biyahe dahil naiilang at nahihiya parin ako sa kanila lalong lalo na sa katabi ko.

Parang magkakaroon nga ako ng stiff-necked dahil hindi talaga ako lumingon sa kahit ano mang direksyon. Bumaba na agad kami ng huminto ang sasakyan namin. Maririnig mo talaga ang lagaslas ng tubig sa ilog, nakikita mo ang nag-gagandahang mga puno sa paligid at malalanghap mo ang preskong hangin.

Naka-relax ang ganitong senaryo, kahit nakakatakot man ang Poblacion ngayon ay makakapag-relax ka rin naman dahil sa tanawin na makikita mo. Tinahak namin ang isang trail papunta mismo sa ilog, limang minuto lang naman kasi ang gugugulin mo para makarating doon mismo.

Sementado rin ang daan papunta roon, ang daan kasi ay pinagigitnaan ng mga puno. Pagkarating namin doon ay dumiretso na kami sa isang kamalig na makikita doon.

Meron itong mga lamesa at upuan sa labas para siguro doon ilalagay ang mga pagkain. Gamit sa ang susi ay binuksan ni Xyfer ang pintuan ng kamalig, sumilip ako dito para makita ang loob. Isang upuan na gawa sa bamboo, isang pintuan na sa tingin ko ay CR at meron ring maiit na lababo.

Nagkanya-kanya na ang mga babaeng Vallderama inilagay lang nila ang kanilang mga gamit sa lamesa at lumagoy langoy na sa ilog, hindi rin nagpahuli ang kaibigan ko. Umupo nalang ako sa isang upuan na nandoon at masaya silang pinapanood.

" Why don't you join them? " Nanlaki ang Mata ko ng may bumulong sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita si Hades na tinitigan nanaman ako.

" A-ah haha, wala kasi a-akong dalang d-damit " kinakabahang sagot ko

" Hmmm, I feel like you're scared of me, did I do something you're scared of? " Nagtatakang tanong nito

" H-hindi naman sa g-ganon, naiilang lang k-kasi ako " nakatungong sabi ko

" I'm sorry for making you uncomfortable, I'm just really fascinated by you so I can't take off my eyes to you " seryosong sabi nito

Namula naman ako dahil sa mga sinasabi niya

" O-okay lang, at tsaka puwede bang huwag mo akong titigan? At tsaka Kung puwede rin ay lumayo ka sa akin " kiming sagot ko

Tumahimik nalang ito dahil sa sinabi ko.

Bumalik ang tingin ko sa ilog ng isinigaw ni Trisha ang pangalan ko

" ART! HALIKANA MALIGO TAYOOO "

" ART! DALI HUWAG KANG MAHIYA " sigaw naman ni Aviana

" OO NGA! THE WATER IS SO REFRESHING!! COME ON JOIN US! " sabay na sigaw nila Farah, Elora at Zendaya

Nakangiting umiling nalang ako sa kanila

" HUWAG NA! WALA NAMAN AKONG DALANG DAMIT " Balik na sigaw ko sa kanila

" PAPAHIRAMIN NALANG KITA ART! " Nakangiting pahayag ni Zendaya

" NAKO! HUWAG NA, AYOS LANG NAMAN AKO DITO " Tumatangging pahayag ko

Hindi talaga sila tumigil kaka-kulit sa akin na maligo. Nakakahiya kasing manghiram ng damit sa kanila tsaka isa pa wala talaga akong balak na maligo. Sumapit na ang tanghali ay nagsibihis na sila para makapagtanghalian na. Tumulong rin kasi ako sa pag-iihaw kanina. Wala naman kasi akong naiambag pero sabi naman ni Hayden okay lang naman daw. Kasi sagot talaga nila ang pagkain namin. Ang sarap nilang makasama dahil hindi nila ako pinapabayaan na ma-out of place sa kanila.

Pero kanina ko pa napapansin na nawawala Hades, simula kasi kanina noong nag-usap kaming dalawa ay umalis na ito at hindi ko na nakita, nagsisisi tuloy ako sa mga sinabi ko kanina. Hanggang sa umalis na kami sa ilog ay hindi ko parin nakikita si Hades, nag-aalala na kasi ako baka kung ano na ang nangyari sa kanya pero sabi naman ng kapatid niya diyan lang daw sa tabi tabi ayt uumuwi rin naman daw siya bago mag-gabi.

Tumingin-tingin lang Kami sa mga tiangge, wala kasi akong nagustuhan, pero meron akong nakita na isang bracelet na panlalaki. Meron itong pendant ng isang cartoon anime na isang lalaking may pakpak, mahabang sungay at merong korona. Na-k-kyutan kasi ako kaya ko binili.

Alas quatro na ng hapon ng dumating kami sa isang burol. Ang ganda pagmasdan tanaw na tanaw kasi mula dito ang buong Poblacion. Tahimik lang kaming lahat at ninanamnam ang magandang kapaligiran. Totoo nga ang mga sinabi ni Trisha na hindi naman kakaiba ang mga Vallderama, para lang silang mga simpleng mamamayan kung kumilos, Hindi maarte o mapagmataas. Sa tingin ko nga ay sa konting panahon naming magkakasama ay para na kaming magkakapamilya.

Sobra akong na-enjoy sa mga ginawa namin ngayong araw. Pero parang may parte sa akin na kulang hindi ko lang alam kung ano yon. Nakatingin lang ako sa mga nagtataasang puno ng sumalubong sa paningin ko ang isang bouquet ng bulaklak. Tinignan ko ang may hawak nito ng makita si Hades.

" For you " sabi nito

Nahihiya man ay tinanggap ko ito

" T-thank you " namumulang sagot ko dito

Umupo ito sa tabi at nagsalita

" I'm really sorry for making you uncomfortable " sinserong sabi nito

" Okay lang yon, hindi lang kasi talaga ako sanay na tinitigan "

Bigla kong naalala ang binili ko kanina sa tiangge. Kinuha ko ito sa bag ko at hinanap ang bracelet. Namumulang iniabot ko naman ito sa kanya.

" Ito oh? Binili ko para sayo, pasensya ka na kanina ha? Hindi lang talaga ako sanay na tinitigan " nakangiting sabi

Ngumiti ito saakin at isinuot nito sa sarili ang bracelet. Napatulala ako saglit sa ginagawa. Binili ko lang naman ang bracelet nayon dahil naaalala ko sa pendant nito si Hades. Dahil ang cute na demonyong cartoon anime nayon ay sumisimbulo sa hari ng mga demonyo. Sa Greek mythology kasi ay ang pangalang Hades ay tumutukoy sa panginoon ng mga patay at Hari ng impyerno na may alagang aso na tatlo ang ulo kung saan ito ang nagbabantay sa tarangkahan papuntang Impyerno.

" Thank you " balik na sagot nito sa akin

Ngumiti nalang ako dito at ibinalik ang tingin sa nag-gagandahang tanawin.

Continue Reading

You'll Also Like

31.7K 1.2K 11
Oc female Jackson x Hermes x Apollo x Ares
111K 226 86
Erotic shots
271K 37.9K 20
လက်တွေ့ဘဝနှင့် နီးစပ်ချင်ယောင်ဆောင်ခြင်း
1M 42.9K 90
Kenta Bernard, a seventeen-year-old, died of leukemia in the hospital and was reincarnated in a novel that he has yet to finish. He is the ill second...