Ang Aswang Sa Poblacion San J...

Par Alexis_Seguera

18.1K 912 87

Lugar kung saan nagsimula ang lahat at sa akin ay nagpahirap Ang lugar na siyang puno't dulo ng lahat Lugar n... Plus

Teaser
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 2

673 30 0
Par Alexis_Seguera

Chapter 2

Habang binabagtas ng tricycle ang daan papuntang Poblacion ay napansin ko ang malaking pinagbago ng daanan papunta sa amin. Ang dating maputik na daan ay naging sementado na, ang dating mga nagliliitan na mga puno ay nagtatayugan na sa taas.

Nakakapanindig balahibo rin ang ihip ng simoy ng hangin sa iyong balat. Madilim na rin ang daan papunta Poblacion ilaw nalang ng tricycle ang nagsisilbing tanglaw namin. Aakalain mong mag-a-alas sais na gayong ala-singko palang ng hapon. Maririnig mo rin ang tunog ng mga insekto bukod sa panaka-nakang hampas ng hangin sa mga puno.

Napayakap ako sa aking sarili ng makaramdam na parang may mga matang nakatingin sa akin sa dilim. Hindi na rin ako mapakali sa kinauupuan ko, pinagpapawisan narin ako ng malagkit dahil sa mga nakakatakot na imahe na pumapasok sa isipan ko.

' Paano nalang kung humila sa sakin sa loob ng tricycle ? Paano kung may biglang lumabas na nakakatakot na nilalang sa harapin namin? Paano nalang kung totoo nga ang haka haka na baka Aswang raw ang bumibiktima sa mga kababaihan dito sa amin? ' nanginginig na tanong ko sa sarili ko.

Mababaliw na yata ako sa kakaisip sa mga posibleng mangyari sa akin. Hindi magtagal ay nakarating narin kami ng ligtas sa bukana ng Bayan namin na may napakalaking karatula na nagsasabing--- "WELCOME TO POBLACION SAN JUAQUIN "

Gustuhin ko mang magpahatid nalang sa mismong bahay namin ay alam kong hindi puwede dahil hindi naman papayag ang driver sa gusto kong mangyari. Huminto ang tricycle at bumaba na ako. Hinarap ko ito upang magbayad at magpasalamat sana ng magsalita ito.

" Pasenya ka na ineng, gustuhin ko mang pumasok hanggang sa looban ay hindi talaga puwede. " Nakatungong sabi nito

" Okay lang po, alam ko naman po ang dahilan ninyo kung bakit ayaw niyo akong ihatid mismo sa bahay namin, kahit ako nga po ay natatakot rin sa posibleng mangyari saakin, pero kahit papaano ay nababawasan ang kaba ko kapag nagdadasal ako " nakangiting pahayag ko dito

" Ang bait mo namang bata sana ay pagpalain ka at mag-iingat ka kung sakali, maging alerto ka rin sa paligid mo at higit sa lahat ay huwag kang paabot ng ala sais dahil mas lalong delikado. " paalala nito

" Sige po...eto nga po pala ang bayad " sabay abot ng isang daan dito

" Naku! Ang laki naman nito ineng sing-kuwenta pesos lang ang sinisingil ko sa mga pasahero ko "

Susuklian na sana ako nito ng magsalita muli ako

" Okay lang po manong dahil kahit natatakot po kayo ay inihatid niyo parin po ako tsaka maraming salamat rin po dahil ang bait ninyo sa akin " bukal sa loob na sabi ko dito

" Nakakahiya naman, pero salamat nalang dito ineng. " Tumingin siya sa relo niya " Naku! Paano ba yan aalis na ako ala-singko kwarenta na Pala!? Jusko! Mag-iingat ka rin! At bilisan mo na! Baka abutan ka ng ala-sais!? Aalis na ako ineng paalam! " Natatarantang sabi nito sabay paandar ng tricycle

Napabuntong hininga nalang ako. Bitbit ang isang maleta sa kanang kamay at ang cake na binili ko sa kaliwang kamay ay nanginginig na pumasok ako sa bukana ng Poblacion.

Kadiliman ang unang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko. Wala ni isang mga tao ang gumagala, ang mga kabahayan ay nakasarado ang mga bintana at pintuan. Mayroon rin akong nakita na mga uwak na nakadapo sa mga kable ng kuryente, sa bubong ng mga bahay, at sa mga puno.

Sa bawat hakbang ko ay nakasunod ang mga mapupulang mata nila sa akin. Binabantayan ang bawat kilos ko. Kahit natatakot ay pilit kong inihahakbang ang mga paa ko patungo sa bahay namin. Kinse minuto ang layo ng bahay namin mula sa bukana at sampong minuto nalang bago mag ala-sais. Nagmamadali ako sa bawat hakbang ko malapit narin ako sa bahay namin dahil nakikita ko na ito.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko pero bago ako makarating sa bahay ay madadaanan ko muna ang isang malaking puno ng mangga ng hitik na hitik sa bunga. Sunod nito ay ang bahay na namin. Kinakabahan ako ng hindi ko maipaliwanag, hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero may nakita akong anino sa likod ng puno na siyang nagpahinto sa akin.

Basi sa tindig nito ay nakatingin ito sa akin. Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot pero pilit kong pinapalakas ang loob ko. Pumikit ako ng ilang sandali at biglang nagmulat ng mata ng may naramdaman akong kakaiba. Bigla akong napasigaw ng may kung ano na mabalahibong nilalang ang biglang kumikiskis sa mga binti ko.

Humupa lang ang kaba ko ng tinignan ko ito at makita ang isang itim na pusa sa may paanan ko para itong nagpapalambing. Binitawan ko ang maleta ko sa isang tabi at kukunin ko na sana ang kuting ng may biglang may sumigaw ng pangalan ko.

" ARTEMIS!! " sigaw ng kung sino sa pangalan ko

Kinuha ko muna ang pusa at tinignan ang sumisigaw.

" TAY! " sila Tatay may dala dala na mahabang kawayan at flashlight

Lumapit sila sa akin at hinawakan ako nito sa balikat at sinuri kong may mga galos na ako o wala. Para silang nakahinga ng maluwag ng makita na wala akong ni galos sa katawan.

Kinuha nito ang maleta ko at ang cake na dala dala. Inakbayan ako ni tatay ay inayang umuwi na.

" Tay? Paano niyo nalaman na nandito ako? Wala naman akong natatandaan na sinabi sa inyo na ngayon ako uuwi " naguguluhang tanong ko dito

" May narinig kasi kaming sumisigaw hahayaan na sana namin kaso parang nabobosesan ko kaya naglakas loob na kaming lumabas para tignan kong sino yun, tapos nakita ka namin kaya pinuntahan na kita" paliwanag nito

Tumahimik nalang ako. Nalagpasan narin namin ang puno ng mangga kung saan ko nakita ang anino. Nilingon ko iyon at nakitang wala na ang anino don. Hindi kaya namamalik mata lang ako? Pero hindi e? Totoo na may nakita talaga ako!? 

Papasok na sana kami ng gate ng bahay namin ng mapansin ni tatay ang dala dala ko.

" Art? Alaga mo ba ang pusa nayan? " Kunot noong tanong ni tatay

" Huh? Nakita ko lang po to kanina sa daan, para namang walang nagmamay-ari nito e kaya akin nalang, kawawa naman po kapag pababayaan nalang natin "

" Ahhh, bakit parang ang sama kung makatingin sa akin ng pusang yan? Parang papatayin ako sa tingin " Kunot noong tanong paring nito

Tinignan ko ang pusa at nakita ang mapupungay na berdeng mata nito na nakatingin sa akin, ayieeee ang cute! Nakakagigil!

" Si tatay talaga o! Hindi naman ah, ang cute cute nga niya eh " sabi ko at hinimas himas  pa ang balahibo nito bago kami tuluyang pumasok ng gate.

Nakita ko si nanay at ang mga kapatid ko na naka-dungaw sa bintana ng bahay namin. Mababatid mo talaga ang saya sa mga mukha nila dahil sa laki ng mga ngiti nila sa labi.

" Ate!! " Nakangiting salubong saakin ng mga kapatid ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay at niyakap ako ng mahigpit pero hindi rin ito nagtagal ng magsalita si nanay

" Mabuti naman at ligtas kang nakauwi anak, bakit kasi hindi ka nagsabi na ngayon ka pala uuwi? Edi sana sinundo ka nalang namin. Alam mo naman na masyadong delikado ngayon ang Poblacion, kung hindi lang naglakas ng loob ang tatay mo na lumabas at alamin kung sino ang sumagaw aba! Baka hindi ka na namin nakita pa. " Maluha luhang sabi ni nanay

" Sorry po nay, gusto ko po sana kayong sorpresahin e, pasensya na po hindi ko lang talaga inasahan na masyado akong gagabihin sa daan dahil akala ko ay mga bandang ala-singko imedya ay nandito na ako. Pasenya na po at pinag-alala ko pa kayo" nakayukong paumanhin ko

" Sa susunod kasi magsabi ka kung kailan Ka uuwi hindi yung bigla biglaan, Paano nalang kong may mangyaring masama sayo habang nasa daan ka?" Nakapameywang na sabi nito

" Sorry po " nakayuko paring sabi ko habang hinihimas himas ang balahibo ng pusa.

" Hay! Halika ka nga rito " biglang sabi nito at niyakap ako ng mahigpit

" Sorry po talaga nay " bulong ko rito

" Oh Siya, Halikana at kumain na tayo, alam kong pagod at gutom ka na dahil sa biyahe. Doon ka muna sa kuwarto at magpahinga ka kahit sandali ihahanda ko lang ang hapunan natin " at umalis na ito upang ihanda ang hapunan namin

" Ate!! " Tuwang tuwa na tawag sa akin ng bunso kong kapatid

" Bunso ang laki laki mo na! Happy Birthday Day " nakangiting bati ko dito

" Hihi ate! Asan na po yung cake ko? Yung promise niyo po sa akin " nakangusong Sabi nito. Gamit ang isang kamay ay kinurot ko ito sa pisngi.

" Nandoon kay Tatay bukas mo nalang tignan ha? Para surprise " ngumiti ito ng pagkalapad sa akin at tatalon talon na pumunta sa kusina

" Ate? Halika na ihahatid na kita sa kuwarto mo " sabi ng isa ko pang kapatid

Tatlo kaming magkakapatid ako yung panganay, ang sumunod naman saakin ay si Audrey mag-s-senior high school narin siya sa susunod na taon at ang bunso naman ay si Aries mag-s-seven na siya bukas.

" Kamusta yung pag-aaral mo Audrey? " tanong ko habang umaakyat kami ng hagdan.

" Okay naman teh, medyo mahirap pero kakayanin ko naman "

" Ganon ba, mag-aral kang mabuti ha? Kahit wala kang honor ayos basta makapagtapos ka lang tsaka huwag mo ring i-pressure yung sarili mo, i-enjoy mo lang yung pag-aaral mo"

" Opo ate, sisiguraduhin ko po na makakapagtapos ako para masuklian ko rin ang mga paghihirap na ginawa mo sakin pati narin ang pagpapahirap nila nanay at tatay mapalaki lang tayo ng maayos "

Niyakap ko ang kapatid ko ng huminto na kami sa tapat ng kuwarto ko.

" Sige na magpapahinga na ako, tulungan mo nalang sila nanay sa kusina " sabi ko rito

" Sige ate " tipid na sabi nito

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kuwarto ko ng biglang mag-salita ang kapatid ko

" A-ate? " Nanginginig na sabi nito

" Oh? Bakit? " Humarap ako sa kanya at nakita na pinagpapawisan siya ng malagkit at balisa rin itong nakatingin sa pusa na dala dala ko

" B-bakit? Audrey? Anong nangyayari sayo?" Natatarantang tanong ko dito

" A-ate y-yung pusa m-mo naging kulay p-pula ang m-mata niya!? " Napakunot naman ang noo sa sinabi niya

" Huh? Ang pinagsasabi riyan? " Inangat ko ang pusa kapantay ng mga mata ko para makita kung totoo ba ang sinabi ng kapatid ko.

" Meow "

Normal naman ang mata niya at wala namang kakaiba. Kulay berde parin naman ito.

" Naku! Audrey ha! Tulungan mo nga doon si nanay sa kusina nasobrahan ka na yata sa panonood ng mga Fantasy movies "

Napakamot nalang siya ng buhok niya.

" S-sige Ate " Habang nakatitig parin sa pusa ay patalikod itong humakbang bago tuluyang bumaba ng hagdan ay sumulyap muli ito sa pusa.

Napailing nalang ako sa ginawa niya. Binuksan ko ang pinto at pumasok na sa loob ng kuwarto ko wala parin itong pinagbago maliban nalang sa mga punda at kumot nito.

Umupo ako sa dulong bahagi ng kama ko at tinitigang muli ang pusang hawak ko. Kulay pink ng ilong, kumikinang na itim na balahibo at mapupungay na berdeng Mata. Ang cute cute talaga ng pusang ito pero bakit hindi manlang yung nakikita nila tatay? Bahala na.

Sino kaya yung may-ari ng pusang ito. Para kasing alagang alaga at hindi man lang hinahayaang magutom, ang taba kasi nito at ang bango pa ng balahibo. Sinabi ko lang naman kay Tatay na baka walang ng nagmamay-ari dahil nakyu-cutan talaga ako sa kanya bahala na kung sino man ang may ari nito ay aangkinin ko nalang ang pusa niya hehe

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

135K 3.7K 25
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
72.4K 1.8K 68
"mom, dad, Im married!" lahat ng relatives namin ay nagulat sa announcment ko. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang unica ija ng pamilyang Letpr...
276K 38.5K 20
လက်တွေ့ဘဝနှင့် နီးစပ်ချင်ယောင်ဆောင်ခြင်း
84.5K 2.2K 82
an eighteen-year-old boy, trying his best to save his ass from being whipped by his soon-to-be husband, and at the same time, he wants to get away wi...