Huling Sandali

Oleh serenelygrace

2.7K 199 318

Don't judge the book by its title! *** "Akala ko may pinagkaiba ka sa lahat, Chaz. Pero wala kang pinagkaiba... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20: Debut

Chapter 2

138 15 23
Oleh serenelygrace

Naglakad din ako para sundan sila pero may humablot sa kamay ko.

Paglingon ko ay  nakangising mukha ni Rico ang bumungad sa akin.

"Ano?" Tanong ko rito.

"Susunod ka?" Ngumuso ito na itinituro si Chaz at ang apat na nasa labas pa ng classroom.

Tumango ako bilang sagot. Wala naman kasi akong choice. Mukhang nagalit pa ata sa akin.

Binitawan nito ang kamay ko,"okay, ingat." Nakangising saad nito at pinagtulakan akong makalabas ng classroom.

Sabay-sabay namang napalingon sa akin ang limang lalaki kasama si Chaz. Mga varsity player ng basketball ang nasa harap ko ngayon.

Nilingon ni Chaz ang mga kasamahan niya.

"'Pal, you can leave. I'll talk to her first." Saad nito sa mga kasama niya.
Tumango naman ang apat. May binulong pa ang isa kay Chaz kaya nasuntok niya ito.

Nang mawala ang mga kasama niya, lumingon siya sa akin. "Follow me," saad niya.

Mukha akong maamong tupang sumunod sa kaniya. Nakarating kami sa garden kung saan galing lang kami ni Rico kanina.

Nakayuko akong naglalakad habang nakasunod sa kaniya.

Hindi ko namalayan na huminto na pala siya sa paglalakad kaya naman hindi ko inaasahan na mauntog sa likod niya. His scent filled my nose. Tiyak na tatatak na naman sa isip ko ang mabangong amoy niya.

Agad naman akong lumayo sa kaniya. Nag-init na naman ang pisngi ko. Kung titingin siguro ako sa salamin ngayon tiyak na kakulay ko na ang kamatis.

"What are you doing?" Napatingala ako sa tanong nito. Ang sarap talaga sa tenga ng boses niya.

"H-ha?"

Napipikon naman siyang bumuntong-hininga.

"Gaano mo ako kakilala?" Kunot noong tanong nito sa akin.

Abot-tenga akong ngumiti sa kaniya. "Mula ulo hanggang paa. Paborito mo ang kulay itim, you love playing basketball, you love chicken so much, obsess ka sa cake kasi noong bata ka hindi ka nagkakaroon ng cake tuwing birthday mo, namatay---------"

"Enough!" Pagputol nito sa sasabihin ko pa. "How did you know all of these?" Masama ang tingin nitong tanong sa akin.
Nawala ang pagkakangiti ko nang dahil sa tingin niya.
"A-ah, e-eh, k-kasi-----

"Answer me!" Sigaw nito. Napatalon pa ako dahil sa gulat.

"K-kasi...

"Kasi?"

"Matagalnaakongmaygustosayo!"
Dire-diretsong saad ko. Lalong sumama ang tingin nito sa akin.

"What? Can you say it clearly?"

"Basta nalaman ko nalang,"

"And, are you expecting me to believe that bullsh*t?"

Umiling ako. Nag-uumpisa na akong matakot sa kaniya. Kahit matagal na akong may gusto sa kaniya. Hindi ko pa masyadong kilala ang ugali niya dahil mahirap talaga mapredict ang ugali ng isang Chaz Sevre Alberts.

"Do you know how I am feeling right now, Trixie Gonzales?" May diing saad nito habang nakayuko ako.

"I am scared. I didn't know that I had a stalker-like you. Nakakatakot dahil baka obsess ka na sa akin at hindi ko na mapipigilan pa 'yan. You know what, Trixie Gonzales? If you like me, please, stop it, I can't like you back and I don't want to. Please stop knowing things about me and my private life. Ikaw lang ata ang geek na may alam halos buong buhay ko, kulang na lang maging parte ka na rin ng buhay ko. Please, stop it." Dire-diretsong saad nito saka ako tinalikuran.

Unti-unting nagsibagsakan ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Kay sakit marinig 'yon mismo sa taong gusto mo.

Pero, hindi pa rin ako susuko. Ngayon pa ba ako susuko gayong napansin niya na ako? Baka naturn-off lang siya dahil nagmukha akong obsess na stalker. Hindi ko nalang babanggitin sa kaniya ang nalaman ko sa buhay niya.

"Oh, anyare sa'yo? Ang pangit mo na lalo," ani Rico nang makabalik ako sa classroom.

"Wala paring professor hanggang ngayon?" Sagot ko na tanong din. Ayaw ko lang sabihin sa kaniya dahil mabilis siya mag-react baka bigla nalang siyang sumugod kay Chaz.

"Wala na raw papasok. May bisita kasi ang School, pupunta ang mga SIS, diba doon nag-aaral 'yung dalawa mong Kuya?" Sunod-sunod na saad nito.

"Possible na makalaban nila Chaz ang mga Kuya mo." Dagdag pa nito.

"Magagaling din naman maglaro sila Kuya, alam kong kakayanin nila School natin pero mas gusto ko paring manalo sila Chaz." Nakangiti ngunit malamya kong sabi sa kaniya.

"May sakit ka ba? Bakit parang bigla kang tumamlay? May masakit ba sa'yo? Tell me, huh?" Nag-aalala nitong tanong sa akin. Ngumiti muli ako sa kaniya saka umiling.

Magsasalita pa sana ako pero may nagsalita sa speaker na nasa labas ng classroom. Meron noon bawat room, nasa labas nga lang.

Calling all the attention of students of the Northeast International School please proceed to covered court as soon as possible. Thank you.

Kaniya-kaniya namang labas ang bawat isa sa classroom. Huli kaming lumabas ni Rico dahil nasa dulo kami nakaupo.

Pagdating namin sa court marami nang estudyante. Grabe talaga impact nila Chaz sa campus. Well, hindi ko pa kilala 'yung mga kasama niya kasi di naman ako interesado sa kanila.  

Ang alam ko lang kilala din sila sa campus.

"Tara, doon tayo banda sa unahan para makita ka ng mga Kuya mo mamaya." Hila-hila ako ni Rico. Tinatawid namin ang dami ng estudyante makuha lang pwesto sa unahan.

Dahil katawang lalaki pa rin naman si Rico, basic lang sa kaniya na itulak ang mga kababaihan na siyang ayaw magpadaan. Nahampas ko nalang ang sarili ko dahil pinagsasapalaran niya talaga ang sarili basta makarating kami sa unahan.

At kung sinuswerte nga naman, nagkaroon nga kami ng pwesto sa unahan dahil kakilala ni Rico ang isang babaeng nakaupo dito. Tinanong niya kung may nakaupo ba sa mga space. Thank God, dahil wala.

Nakangiti kami pareho dahil nakaupo kami mismo sa unahan.

Nilibot ko ang aking paningin nang maka-upo ako. Pansin ko agad ang mga nag-gagandahang cheerleaders. Dati gustong-gusto kong sumali sa cheerleader kasi parang ang sarap ihagis sa ere.

Teka, bakit may cheerleader agad? Prepared ang School ah.

Hinanap ng mga mata ko ang grupo nila Chaz. Kasama niya na ang apat pa na lalaki. Siguro simula ngayon kikilalanin ko na rin 'yung apat pa. Lagi niya kasi itong kasama baka kasi sakaling mababait sila at tulungan nila ako kay Chaz.

Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid para hanapin kung nandidito na ang mga taga, SIS.

"Wala pa ba ang mga taga-SIS?" Tanong ko kay Rico.

"Wala pa. Malalaman mo naman agad 'yon kapag nandito na sila. I'm sure titili ako." Nakangising sagot nito sa akin.

Lahat nalang basta gwapo.

Bumalik muli ang tingin ko sa grupo nila Chaz.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nakatingin sa akin 'yung lalaking kumindat kanina noong palabas sila ng room namin. Seryoso ito. Matangkad din siya  pero mas matangkad si Chaz. May hikaw ito sa kanan niyang tainga, maporma, malinis ang gupit ng buhok niya, maangas siya tingnan, natural na playful ang mga mata niya, matangos din ang ilong niya. Depina na rin ang katawan niya. Chaz is 20 years old. Hindi ko lang alam kung ilang taon na yung mga kasama niya.

Hindi ko alam pero ang tagal ko ring nakipagtitigan sa kaniya. Ako na rin ang umiwas sa titigan namin o baka may katitigan siyang iba sa likod ko. Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa likod.

Tiningnan ko muli si Chaz pero kahit isang sulyap sa pwesto ko waley.

02 ang  number ng jersey niya.

Muntik na akong mapatayo sa kinauupuan ko nang bigla na lamang tumili si Rico. Hudyat na nandito na ang mga taga SIS. Kaniya-kaniyang tilian din ang mga kababaihan kaya sobrang ingay na.

May mga taga-SIS din na kasama ng mga varsity player. May pwesto na pala para sa kanila kaya pala may space sa kabilang banda ng mga bleachers.

Tumingin din ako sa entrance. Seryosong naglalakad si Kuya Kobi saka Kuya Nate.

Nang gumawi ang paningin nila sa bandang pwesto ko agad akong kumaway. Ngumisi agad si Kuya Nate, lumabas agad ang malalalim nitong dimples, na ikinatili na naman ng karamihan. Tumango lang naman si Kuya Kobi, ang cold talaga kahit kailan.

"Sinong nginitian ni Nate ng SIS?"

"Ang swerte naman nung nginitian niya,"

Dinig kong bulong ng nasa likuran ko. Siniko naman ako ni Rico sa gilid.

"Ang cute talaga ni Nate, 'no?" Bulong ni Rico sa tenga ko.

"Lahat ng Kuya ko, cute."

"That's my sister-in-law!" Pabiro nitong saad saka ako hinampas.

"Walang papatol sa'yong mga Kuya ko, kahit kaibigan pa kita."

Kunwari naman siyang humawak sa bandang dibdib niya saka kunwaring nagpupunas ng luha.

"Ouch, huh?"

Tumigil na kami sa pag-aasaran nang nag-announce na mag-uumpisa na ang laro. Seryosong seryoso kaming nanunuod. Ang intense ng laro dahil magagaling ang parehong team.

***

SIS ang nanalo dahil parang wala sa kondisyon si Chaz na maglaro. Pero, okay lang naman dahil para sa'kin siya lagi ang panalo.

Lalapit sana kami ni Rico kila Kuya pero agad silang dinumog ng mga estudyante para magbigay ng congratulations. Sa bahay ko nalang sila i-gi-greet mamaya.

Lumabas nalang ako sa court dahil para akong mauubusan ng hininga sa sobrang dami ng tao. Umakyat nalang ako sa third floor para pumunta sa locker ko. Si Rico nagpaiwan dahil nakikipagkwentuhan pa sa isang babaeng kakilala niya. Hindi ko alam kung tungkol saan.

Malapit na ako sa locker nang may marinig akong ingay sa isang bakanteng classroom. Alam kong tao iyon dahil dinig ko rin ang yabag ng mga paa nito.

Dahan-dahan akong lumapit dito, pinihit ang siradura ng pintuan saka sinilip kung anong mayroon sa loob.

There!

I saw Chaz. He's sweating severely.
Nakaupos siya sa isang upuan habang nakayuko. Napansin ko din ang dugo na nasa kamao niya. Tingnan ko ang pader at may dugo ito.

May problema kaya siya?

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng room. Hindi ko rin sinara ang pintuan.

Hindi niya siguro ramdam ang presensiya ko dahil nakalapit na ako sa kaniya lahat-lahat hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Chaz," agaw-pansin ko sa kaniya.

Dahan-dahan siyang tumingala. His tears slowly ran down to his cheeks.
He's crying.

Parang pinipiga ang puso kong makita siyang lumuluha. Kahit ang mga Kuya ko hindi ko pa nakitang umiyak.

Parang may sariling isip ang katawan ko. Niyakap ko si Chaz na hinayaan niya na lamang, hindi niya ako tinulak.

Aasa na ba ako?

"Chaz," bulong ko habang tinatapik ang kaniyang likod. Yumakap din siya sa bewang ko habang ang ulo niya ay nasa bandang tiyan. Nararamdaman ko din ang pagyugyog ng balikat niya.

Nakaupo siya habang ako nakatayo lang. No one's here when he needed them.

Tatanggalin ko na sana ang pagkakayakap ko sa kaniya nang humigpit lalo ang pagkakayakap niya sa bewang ko. Huminto man ang pagyugyog ng kaniyang balikat pero nararamdaman kong basa na ang uniform ko sa bandang tiyan.

"Don't leave me, please." Namamaos na pakiusap nito.

"I won't," I replied without hesitation. He needs someone behind him. May problema siya at kailangan niya ng makakasama.

"Don't leave me, Kaye."

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...