The Bad Boy's Love (Published...

blue_maiden

88.2M 2.1M 751K

[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo... Еще

Prologue
Chapter 1: City of love
Chapter 2: Dream or love?
Chapter 3: J's Graduation
Chapter 4: And she's back
Chapter 5: Long time no see
Chapter 6: Papa Jeydon
Chapter 7: Inuman session
Chapter 8: Going back
Chapter 9: The party
Chapter 10: Hello wedding bells
Chapter 11: Under the moon
Chapter 12: Job hunting
Chapter 13: First Night
Chapter 14: If only
Chapter 15: For a change
Chapter 16: Bridal Shower
Chapter 17: Dark past
Chapter 18: One step closer
Chaptet 19: Stag Party
Chapter 20: Changes
Chapter 21: Hold on
Chapter 22: Day to Forever
Chapter 23: The Wedding
Chapter 24: Secret House
Chapter 25: Premonition
Chapter 26: Best Friends
Chapter 27: Sayang
Chapter 28: Hindi itinadhana
Chapter 29: Welcome
Chapter 30: Bye Jeydon
Chapter 31: Durian
Chapter 32: In laws
Chapter 33: Hongkong Part 1
Chapter 34: Hongkong Part 2
Chapter 35: My boo
Chapter 36: Come back home
Chapter 37: Welcome home
Chapter 38: Someone like you (Part 1)
Chapter 39: Someone like you (Part 2)
Chapter 40: He's coming
Chapter 42: The Player's wedding
Chapter 43: The Fighter's battle
Chapter 44: Rest in Peace.
Chapter 45: Goodbye and Hello
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note
TFBBAM BOX SET PRE-ORDER

Chapter 41: Being a daddy

1.6M 41.2K 28.6K
blue_maiden

UNTI-UNTI KONG MINULAT ang mata ko dahil sa pag-iyak ulit ni Dwayne. Pangatlong pag-iyak na niya 'to. Nakita ko si Candice na akmang babangon kaya agad akong umupo sa pagkakahiga ko at pinigilan ko siya.

"Ako nang bahala. Matulog ka na," sambit ko.

"Sigurado ka ba? Wala ka pang tulog, Jeydon. Ako nang bahala kay Dwayne," nag-aalala niyang sabi.

"May pasok ka pa bukas, kaya kailangan mo ng tulog at ng pahinga. Ako nang bahala sa anak natin," nakangiti kong sabi.

Tumayo agad ako sa kama namin at tiningnan ko si Dwayne sa crib niya na nasa tabi lang din ng kama namin ni Candice. "Tahan na, Dwayne, nandito na si tatay." Binuhat ko siya nang dahan-dahan at saka ko siyang hinele. No'ng tumigil siya sandali sa pag-iyak, saka ako nagtimpla ng gatas niya.

Naglagay ako ng mainit na tubig sa feeding bottle ni Dwayne at saka ako naglagay ng dalawang scoop ng gatas. Nagbi-breastfeed pa rin naman si Candice pero minsan na lang dahil sa trabaho niya. Sampung buwan na simula no'ng manganak siya at nagtrabaho na ulit siya last week. Ayaw niya kasi akong magtrabaho dahil sa bilin ni Dr. Song na kailangan ko munang tumigil sa pagtuturo hanggang sa maging maayos na lahat.

Oo, alam na niya ang nangyari sa 'kin, kaya nag-alala agad siya sa 'kin. Gustuhin ko man na ako na lang ang magtrabahoat siya na lang ang mag-alaga sa anak namin ay wala akong magawa dahil hindi pa ako puwedeng magtrabaho ulit. Ayoko rin naman na magpasaway dahil ayoko na rin lumala ang sakit ko. Alukin man kami nila Dad at Ate ng pera, hindi namin 'yong tinatanggap na mag-asawa dahil pareho kami ng prinsipyo ni Candide na 'wag dumepende sa magulang namin kaya lahat ng gastos ay sa amin.

Okay lang naman kay Candice magtrabaho, para naman daw sa amin 'yon. At pareho kaming nag-agree na 'wag kumuha ng yaya para kay Dwayne. Gusto ko kasing sa amin talaga siya ni Candice lumaki.

Hinalo ko ang gatas ni Dwayne. Binuhat ko ulit siya at pinainom ko siya ng gatas habang hawak hawak ko ang feeding bottle niya at hele-hele ko siya.

Aaminin ko, nakakapagod at nakakantok ang ginagawa ko. Halos wala pa akong tulog dahil panay ang iyak ni Dwayne. Kung hindi siya gutom ay puno naman ang diapers niya. Pero kahit gaano kahirap pa lahat ng 'to, masaya pa rin akong gawin ito para sa anak ko at para kay Candice.

Kinantahan ko si Dwaybe ng lullaby at no'ng matapos niyang uminom ng gatas ay agad din naman siyang nakatulog. Pinagmasdan ko lang siya sandali bago ako dumiretso sa kama at matulog.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog pero nagising ako sa tawa ni Dwayne. Pagmulat ko, nakita ko sila ni Candice sa harap ko.

"Good morning, Tatay Jeydon!" bati sa 'kin ni Candice. "Dwayne say hi to Tatay!" Nilapit niya sa akin si Dwayne at binuhat ko siya. Ang lakas ng tawa niya kaya hindi mo na rin mapigilan na tumawa.

"Good morning sa dalawa kong baby," sambit ko. Hinalikan ko si Dwayne sa pisngi pagkatapos lumapit ako kay Candice at hinalikan ko din siya. "Good morning kiss, asawa ko."

"Pilyo ka talaga. Bumangon ka na. Nagluto ako ng breakfast mo."

Binuhat ko si Dwayne papunta sa baba. Pagtanaw ko pa lang sa mesa, natakam na agad ako sa mga niluto ni Candice. Ang daming pagkain at sa tingin pa lang masarap na. Buti na lang nag-aral na siyang magluto. Napangiti tuloy ako no'ng maalala ko 'yong dating sunog na itlog na niluto niya para sa 'kin.

"Ang dami naman ata nating pagkain?" nagtataka kong tanong. "May okasyon ba?"

Kinuha niya sa akin si Dwayne. "Walang okasyon. Gusto ko lang ipagluto ang napakasipag kong asawa at napakamapagmahal na tatay ni Dwayne," nakangiti niyang sabi. "Tama naman ako, 'di ba, baby? Ang sipag at ang sweet ng tatay mo?"

Lumapit ako sa kanila para yakapin silang dalawa. "Mahal na mahal ko kayong dalawa."

"Ang aga aga ang cheesy ng asawa ko. Mahal na mahal ka rin namin ni Dwayne. 'Di ba ,baby ko?"

"Taa-tay!" sigaw ni Dwayne.

Pareho kaming nagulat ni Candice. Iyon ang unang word na sinabi ni Dwayne. "Baby! Nagsalita ka na!" sigaw ni Candice at halata mo ang excitement sa mukha niya. "Oh my gosh! Nagsalita ka na talaga!"

"Taa-tay!" sigaw ulit niya. Kinuha ko agad ang phone ko at nag-video ako. "Taa-tay!" masaya niyang sabi.

"Sinong pogi?" tanong ko habang nagvi-video pa rin ako. "Dwayne, sinong pogi?"

"Mumm-ma!" sagot niya.

Natawa si Candice. "Very good baby, si Mommy," natatawa pa rin niyang sabi at parang inaasar pa niya ako.

"Dwayne, hindi naman pogi si mommy, maganda siya. Ang pogi si tatay," sambit ko.

"Yah!" sigaw niya at umiyak siya.

"Teka, anong ginawa ko? Bakit siya umiyak? May nasabi ba akong masama?" natataranta kong tanong. Ngayon pa lang kasi siya umiyak habang kinakausap ko siya.

"Relax, hindi ka pa naman niya talaga naiintindihan. He's just a 10-month-old baby. Gutom lang siya. Ako nang bahala at kumain ka na diyan. Aalis na rin ako mamaya at napaliguan ko na nga rin pala si Dwayne."

Mother knows best talaga.

Pagkatapos kong kumain ay nakita ko si Candice na buhat si Dwayne habang tulog na ito. Ang bilis niya rin makatulog lalo na kapag buhat siya ng mommy niya.

Kinuha ko si Dwayne sa kaniya pagkatapos nagpaalam na siya para pumasok. Unang araw ko pa lang na maiiwan mag-isa kamasa si Dwayne. Buong linggo kasing nandito sila Dad at Mom, pero ngayon ako na lang mag-isa. Oom medyo kabado. Kahit 10 months na si Dwayne hindi pa rin ako sanay mag-alaga sa kaniya mag-isa.

Pumunta kami sa kwarto niya at nilapag ko siya sa crib niya. Iniwan ko lang na bukas ang pinto para makapaghugas pa ako ng plato at makapaglinis ng bahay.

Oo, house husband ako. Sabi nila stressful daw 'to, pero para sa akin hindi. Nag-eenjoy nga ako kasi may bago akong nagagawa at hindi nila maiisip na ang isang bad boy na katulad ko ay gagawa ng mga gawaing bahay.

Ilang oras din akong naglinis ng bahay at naglaba ng damit ni Dwayne. Pumunta ako sa kwarto ni Dwayne at umupo ako para magpahinga. Nakakapagod pero konting pahinga lang naman okay na ako. Ayokong maging mahina at maging walang kwenta kaya kapag may kaya akong gawin, gagawin ko para sa pamilya ko.

"Yah!" Napatalon ako sa kinakaupuan ko no'ng marinig ko ang malakas na iyak ni Dwayne. Nakaidlip na pala ako. "Waaaa!"

Tumayo agad ako at kinuha ko siya. Sa amoy pa lang alam ko na kung bakit siya umiiyak kaya kumuha agad ako ng diapers, wet wipes, at tissue. Inilapag ko siya sa malaking sofa na may bedsheet at do'n ko siya papalitan ng diaper.

Tinanggal ko ang pajama niya at pati ang diaper niyang punong puno ng poopoo. "Anak, ilang araw mong tinago 'tong poopoo mo? Ang baho eh," pang-aasar ko.

Kumuha ako ng wet wipes at pinunasan ko ang pwet niya nang dahan-dahan. Sanay na rin naman ako sa amoy ng poopoo niya kaya okay na rin sa 'kin. Pagkapunas ko ng tissue, bigla na lang siyang umihi at saktong sakto 'yon sa mukha ko.

"Three points! Paglaki mo magaling kang basketball player niyan!" natatawa kong sabi. "Pilyo ka rin pala, anak, katulad ni tatay."

Nagulat ako kasi tawa nang tawa si Dwayne. Para bang inaasar niya rin ako. Natawa na rin tuloy ako. "Thank you for always relieving my stress. You're our little angel, Dwayne," nakangiti kong sabi.

Pinunasan ko ang mukha ko pagkatapos inilagay ko ang diaper niya. Pinalitan ko siya ng damit at nilagyan ko siya ng pulbos sa katawan.

"Taa-tay!" sigaw niya.

"Mahal na mahal ka ni Taa-tay, anak."

Tumunog ang doorbell. Binuhat ko si Dwayne at pumunta kami sa gate. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko 'yong tatlong ugok na may dala dalang mga pagkain at kasama pa si Skie at Marion.

"Hi Tatay Jeydon!" bati ni Marky. "Dadalawin lang namin ang inaanak namin."

"Boys, say hi kay Dwayne," sambit ni Troy.

"Hi, pinsan!" sigaw ni Skie at ni Marion.

Nakangiti lang si Dwayne sa kanila. Halata mong masaya siya na makita ang dalawa niyang pinsan.

"Pasok kayo."

Pinabuhat ko muna kay Marky si Dwayne at saka ko nilagay sa sala ang crib ni Dwayne para makapaglaro silang magpipinsan at para makapagkwentuhan kaming apat.

Kaya nang tumayo ni Dwayne basta nakahawak siya sa crib niya. At malaki ang binili namin kaya kasyang kasya silang tatlo sa loob.

"Skie, ikaw ang pinakamatanda diyan, kaya mag-behave ka, ha?" paalala ni Charles. Kakaibang tatay din si Tanda, mahigpit at strikto siya sa anak niya.

"Balita ko buntis daw si Serina ah?" tanong ko. "Ang sipag mo talaga," pagbibiro ko.

"Ugok! Malaki na naman si Skie eh, kailangan nang sundan. 'Yong isa sa atin ang tanungin mo. Eh asawa nga wala pa eh," pagkasabi pa lang niya no'n, binato na siya ng unan ni Marky.

"Hoy tanda! Kakainin mo 'yang sinabi mo!" sigaw niya. Buti medyo malayo kami kina Dwayne kung hindi kung ano-anong kalokohan na narinig nila sa mga 'to.

"Paano kakainin ni Lolo Tanda 'yang sinasabi niya, ha? Bakit, buntis na ba si Sab?" tanong ni Troy. Pati siya nabato ng unan ni Charles at ni Marky. Strike two.

"Buntis agad?" sabi ni Marky.

"Umayos ka, Troy! Hindi ako lolo at lalong hindi ako matanda!" alma niya.

"Mga tatay na kayo, pero isip-bata pa rin kayo. Tama nga nga 'yan," pag-aawat ko. "Ano bang ibig mong sabihin, Marky?"

"Sab and I are engaged at ikakasal na kami after three months." Natigilan kaming tatlo sa sinabi niya. Nagtinginan pa kami. "Anong problema n'yo?"

"Ikakasal ka na?! Shit. Matanda na talaga tayong apat!" sigaw ni Charles.

"Ikaw lang!" sabay sabay naming sabi. Nagtawanan pa kami kaya asar na asar naman tong si tanda.

"Sa ating apat ako ang pinakababy face," sambit niya. "Ano, papalag ba kayo?"

"Baby face?" biglang tanong ni Skie. Narinig pa pala niya 'yon mula sa daddy niya. "Sino po ang babyface, daddy?"

"Ah, wala 'yon, baby. Sige, maglaro lang kayo diyan nila Dwayne at Marion," nakangiti niyang sabi. "Hinaan n'yo ang boses n'yo, nakakahiya sa mga anak natin."

"Hindi ka lang pala under sa asawa mo pati sa anak mo," bulong ni Troy, pero hindi niya maiwasang matawa. "Your humor never gets old, tanda."

"Pero seryoso, congrats Marky at welcome to the club," sambit ko.

"Oo nga, congrats, pero parang ang bilis naman ng kasal n'yo?" tanong ni Charles.

"Matagal ko nang plano 'yon. Hindi ko lang mahingi ang kamay niya dahil sa mga goals namin, pero ngayon na alam ko ng siya na ang the one ko, ayoko na siyang pakawalan pa."

"Ang sweet talaga ni papa, Marky," pang-aasar ni Troy. "Tandaan mo lang na kahit anong maging desisyon mo, nandito lang kaming tatlo."

"Oo, one for all, all for one," sambit ko.

Natigilan kami no'ng marinig namin na nagsisitawanan sila Dwayne, Marion, at Skie. Ang saya saya lang nilang naglalaro. Hindi ko maiwasan na makita ang sarili namin sa kanila dati.

"Well, I guess anak ko na lang ang kulang para makumpleto sila," dagdag ni Marky.

"Oo, para makumpleto ang APAT version 2," nakangiti kong sabi.


Продолжить чтение

Вам также понравится

53.1K 3K 15
Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute in her mission to locate Ludovic Luciano...
Jeydon Lopez Tina Lata

Любовные романы

464K 14.6K 33
This is my life... Jeydon Lopez is the epitome of the word 'bad boy'. He doesn't care about girls and romance. Not at all. But what people don't know...
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind Ai

Подростковая литература

97.7M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...
CRAZY IN LOVE fedejik/ Ate Mommy...

Любовные романы

1.6M 50.5K 54
Mga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si T...