Be For You and Me (Friends Se...

By Har_Gel10

2K 77 0

Macie. A full-time student and a daughter. She wanted for the world to change even on the smallest thing. Th... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Epilogue

Chapter 32

46 1 0
By Har_Gel10

Dumating and sabado nang masaya lang. Halos wala na akong iniisip kung hindi ang dadating na araw ng surgery nilang dalawa. Siguro masyado na ding magaan ang pakiramdam ko at halos palagi nalang akong nakalutang this past days.

"Macie."

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at si Theo pala.

"Yes?" Tanong ko dito.

"My parents will be arriving at exactly 11 AM today."

Napatulala ako sa narinig ko sakanya.

"Ngayon ba yun?" Parang kong tangang tanong pabalik.

Tumango naman ito saakin.

"Ba't di mo pinaalala!" Naiinis kong saad dito.

Agad akong nag-handa ng sarili para naman ay presentable akong tingnan.

Masyado na din akong kinakabahan na tila ba'y lalabas na ang puso ko. Ngayon din kasi makikilala ng magulang ni Theo si Poppy at gusto ko pa man ding maayos ang first impression nila sa anak ko.

Agad kong inayusan si Poppy pero alam ko naman na wala na akong magagawa sa damit nito dahil kailangan na kumportable ang damit nito kaya ay inayos ko nalang ang buhok nito at ang mukha.

Nag-ayos na din ako ng sarili. Nag-palit ako ng pantalon mula sa sweatpants na suot ko ay nag-palit ako ng itim na leggings.

"What are you fussing about? It's just my parents!" Di makuha ni Theo ang nangyayari dahil I am almost panicking.

"Your parents are meeting us, okay?" Naiinis kong tugon dito.

Hindi na ito namakialam pa at tumabi nalang sa isang sulok.

Nag-ligpit na din ako ng mga kalat namin katulad ng mga laruan ni Poppy at ang mga paperworks ko na tinatapos ko kapag may oras ako.

Mabilis naman akong natapos sa pag-liligpit at naupo na din ako sa tabi ni Poppy.

"Poppy."

Agad itong ngumiti saakin at alam ko na agad na isang ngiti lang nito ay makukuha na niya agad ang loob ng grandparents niya.

"You're meeting your Papa's parents ha, so be good." Paalala ko rito.

"Papa's parents? Lolo and lola?" Naka-ngiti nito tanong. Agad akong tumango dito.

Lumawak agad ngiti nito sa pag-tango ko. Alam kong excited na excited ito na magkaroon ng sariling lolo't lola dahil lumaki itong wala.

"Mama, I hope they'll love me." Mahinang saad nito.

Sa sobrang hina nito ay alam ko na ako lang nakarinig. Halata ring iniiwasan nitong marinig ng papa niya ang sinabi niya.

"Of course, they'll love you! You're adorable and lovely." Naka-ngiti kong sagot dito.

Siguro ay na-ease na sakanya ang iniisip nito at nag-laro nalang ito ng kanyang tablet.

Nang masigurado kong wala ng kailangan gawin ay naupo na din ako at nag-cellphone nalang. While scrolling my facebook feed ay biglang mag nag-notif saakin na may nag-tag daw saakin. Agad ko itong tiningnan kung ano ito.

Agad akong napangiti sa nakita ko. Post ito ni Theo sa instagram account niya. It is me and Poppy while I am fussing on her hair with a simple caption of "My loves".

"Theo. I think we do not have any appropriate foods na pwedeng ipakain sa parents mo." Balita ko dito nang matandaan ko ito. 

Napaisip naman ito at agad itong pumunta sa pantry kung nasaan ang mga pagkain namin. 

Rinig kong bumuntong-hininga ito siguro ng makita nito ang laman ng pantry.

"I'll tell my parents to bring food." Sagot nito saakin nang makabalik na ito sa sofa. 

Tinawagan niya ang parents niya para magpa-dala ng pagkain. Ang pagkain kasi dito ay puno ng junk foods kasi palagi kaming nag-oorder ng pagkain. 

"They're not be arriving at 11. Since they are still going to buy food for us." 

Dumating ang 11 o'clock at agad kong inasikaso ang pagkain ni Poppy na dumating na. 

"Love, do you want some coffee?" Tanong ni Theo habang nakatayo ito sa pintuan.

Tumango naman ako dito. Agad naman itong lumabas para bumili ng kape sa coffee shop sa groundfloor. 

Mabilis naman itong nakabalik galing sa coffee shops at dala na nito ang cup of coffee ko and a slice of cake. 

"Padating na parents ko, Love." Naka-ngiti nitong saad. 

Agad kong inayos ang sarili ko. 

"Babe, fix yourself." Sita ko dito. 

Lumapit naman ako sakanya para ayusin ang buhok nitong akala mo ay bagong gising. Hindi ko malaman paano itong nakapunta ng coffee shop ng ganun ang itsura nito.

Isang oras ang lumipas ay may narinig kaming kumakatok sa pintuan. Agad kong naisip na baka ayun na ang magulang ni Theo. Tumayo na ako agad at inayos ang sarili namin ni Poppy habang binubuksan ni Theo ang pintuan.

"Love, my parents here." Rinig kong tawag ni Theo sa living area. 

Inaya ko agad si Poppy na pumunta sa living area para makita sila. 

"Poppy, they are your lolo and lola!" Pakilala ni Theo sa anak nito. 

"Hello, po." Nahihiyang tugon ni Poppy.

"Is this my apo?" Giliw na tanong ng Nanay ni Theo.

Tumango naman si Theo sa ina niya.

"Hello, my darling! It is nice to meet you." Masayang saad nito kay Poppy.

Hindi na ako nakiki-sawsaw sa meeting ng mag-apo dahil ngayon palang sila nagkaka-kilala. 

"Mom, Dad." Tawag ni Theo sa magulang nito. "This is my girlfriend and the mother of my daughter, Macie."

"Good afternoon po, Ma'am, Sir." Bati ko dito sa dalawa.

"Good afternoon, dear." Mahina nitong bati rin saakin.

The current time is really awkward cause I do not know what to say to them. 

"What's your name hija?" Tanong saakin ng dad ni Theo.

"Macie Escolanda po." Nakangiti kong sagot dito. 

"Escolanda?" Ulit ng Dad ni Theo. "How are you related with Maria Escolanda?"

Nagulat ako na alam niya ang pangalan na iyon

"That's my mom po." 

"Really? She's a really good friend of mine, yun nga lang ay nawalan ako ng contact sakanya." Sagot nito saakin.

"Oh. My Mama died six years ago po." Mahina kong saad dito.

"Really? Oh, I'm so sorry." Paumanhin nito saakin.

Tumango naman ako dito. "It's okay po. Masyado na itong matagal."

"Dear, you can call us Mom and Dad. Okay?" Suhesyton ng Mom ni Theo.

Pumayag naman ako kahit hindi ako kumportable sa suhesyton nito.

Poppy and I just bonded with them to get to know each other. Poppy was really excited to have her own grandparents since I do not have one. Kaya naman ay sobrang saya ko na maayos ang pakikitungo nila kay, Poppy. 

Gabi na pero nandito parin silang mag-asawa sa ospital. Siguro ay sinusulit nila ang oras nila. Nakatulog nalang si Poppy ay nakikipag-kwentuhan parin sila saamin.

"Hija, what are you doing right now?" Usisa ni Mom.

"I'm an anthropologist po. Pero, I am usually doing research works." Sagot ko naman.

Wala namang mali sa pagiging anthropologist, lalo na't we are the one looking for our history.

"Really, that's great!" Dad exclaimed. "Are you mostly on research or do you also do some fieldwork?

"Mostly research po pero may times po na I also do fieldwork." Sagot ko sa tanong nito. "That way po ay mas marami akong oras para kay Poppy." 

Nagtanong pa sila ng tanong about saakin at kay Poppy bago sila umalis. They also promised that they will be here kapag nag-start na yung surgery.

Mabilis na lumipas ang mg araw at kinabukasan na ang surgery ng dalawa. I am really praying and hoping that the surgery will go well. 

Theo is also staying in his own room para makapag-pahinga siya bago yung surgery. Salitan ako sa dalawang kwarto para bantayan silang dalawa. 

Hindi ko narin muna pinapunta ang mga kapatid at kaibigan ko para iwas ingay dito. 

"Love, what time is the surgery?" Tanong saakin ni Theo habang kumakain ito ng mansanas.

"10 AM daw." Sagot ko naman dito.

Tumango naman ito saakin at pinag-patuloy ang pagkain ng mansanas. 

"Maaga kang matutulog later ha. Also start narin ng fasting niyo." Paalala ko rito. 

10 to 10 kasi ang fasting nito. Para narin hindi ito maka-apekto sa surgery kaya kailangan na kailangan. Maski ang pagkain ng chewing gum ay pinagbabawal.

"Mom said she'll come here later." Inform nito saakin. "Concentrate on Poppy, please."

Tumango naman ako dito. 

"Pwede ko naman kayong bantayan ng sabay." Saad ko dito. 

"Love, I know you want to take care of the two of us at the same time but Poppy will need you tonight." 

Ngumiti nalang ako dito dahil alam ko na ayaw niyang iwanan ko si Poppy mamayang gabi.

"Then, we'll video call later." Gusto ko talagang makita ito mamayang gabi.

Kinakabahan kasi ako para bukas. Hindi sa wala akong tiwala sa mga doctor that will do the surgery. Pero I think normal naman ito lalo na't my love of lives ang sasalang dito.

Pumayag naman ito at pinag-patuloy ko ang pag-aayos ng mga pagkain na pwedeng makain ng parents ni Theo. Nang matapos na ako ay nag-paalam na din ako dito para bantayan na si Poppy.

May kasama naman si Poppy sa kwarto nito kaya hindi ako masyadong nag-aalala para dito. Tsaka katabi lang ng kwarto ni Theo ang kwarto ng anak nito.

"How is he?" Bungad na tanong ni Kuya Maki.

"He's okay. Mukha naman siyang hindi kinakabahan." Kwento rito. "Sabi pa nga niya ay wag na daw akong pumunta mamaya sakanya.:

Tinawanan naman ako ni Kuya.

"Ayaw lang niyang mag-aalala ka para sakanya." Saad nito saakin. 

Totoo naman na ayaw lang nitong akong mag-aalala para sakanya kaya hindi na niya ako pinasama sakanya. 

Hindi ko nalang ito masyadong pinansin pa dahil alam kong ayaw niya akong nahihirapan.

Umupo na ako sa couch na nandito sa loob ng kwarto. Nag-lalaro naman kasi mag-isa sa si Poppy and she won't need me for the next hours. Tinapos ko na din muna ang mga naka-binbin na trabaho ko. 

"Alis na muna ako." Paalam saakin ni Kuya Maki. "Allen, will be staying here with you tonight." 

Nag-paalam na din ako dito bago ito maka-alis. Maganda na umalis na muna ito dahil gusto ko na munang mapag-isa. 

Mga ilang minuto pa ako nag-trabaho ng mga kailangan kong gawin ay bigla nalang bumukas ang pintuan ng kwarto. Agad naman akong napatingin dito kung sino ang nag-bukas. 

Si Chione at Alice pala, kasama si Ethan. 

"Anong ginagawa niyo dito?" Salubong ko dito. 

Sinamaan lang ako ng tingin nung dalawang babae. Umupo naman ang tatlo sa mga spare chairs na nandito sa kwarto. 

While they are getting comfortable ay tumayo na muna ako para tingnan si Poppy and luckily she is asleep. Inayos ko na muna ang kumot nito bago bumalik sa mga kaibigan ko na kumakain na ng ice cream galing sa freezer.

"At kumuha pa talaga kayo ng ice cream." Masama na ang tingin ko lalo sa mga ito.

"So, tanong mo bakit kami nandito? That is because someone did not inform us na bukas na pala yung surgery." Matalim nitong saad saakin. "Why didn't you tell us?" 

Nagapakawala ako ng buntong hininga dahil dito. 

"I just did not have time to inform you." Katwiran ko dito. 

"You know naman na I am working here diba. You can always ask the nurse station to call for me or something." Sagot agad ni Alice. 

Totoo na kahit nagtatrabaho ito sa ospital ay hindi ko manlang naisipan na sabihan siya. 

"So many things are going on kasi ang I do not have the time to say anything to you guys." 

"Bisitahin ko lang si Theo sa kabila." Mahinang paalam ni Ethan. 

Agad naman itong lumabas para bumisita kay Theo. 

"What the fuck is happening, Macie. It's been weeks since you last called and now I just found that you are also together with that asshole?" Matalim na saad ni Chione. 

"Saan mo iyan nalaman?" Nag-tataka kong tanong dito. 

Ang alam ko kasi ay wala pa akong nasasabihan na kahit na sino na I am together with Theo. 

"Kanino pa ba? Edi kay Patrick, alam nung lalaki na iyon ang lahat." Mataray nitong sagot saakin. 

Napatawa naman ako sa tono nito. Halatang naiinis ito saakin at pinipigilan lang nito ang sarili niya. 

"I do not want to bother you with that information, lalo na you are just starting your career and Alice is just starting her residency." 

"I'll call Allen na I will be staying here with you tonight." Pinal na balita saakin. 

Tumango naman ako dito dahil alam kong wala na akong magagawa dahil nag-desisyon na ito.

"What about Baby Zoe?" 

Hindi niya pwedeng pabayaan si Zoe since it is still a toddler.

"My parents will be looking after her sa house namin." Sagot nito.

Tumingin naman ako kay Alice na tahimik lang. 

"What about you?" Tanong ko sa kaibigan ko.

"Since I have the night shift tonight, I'll visit nalang later and after the surgery tomorrow." Sagot nito saakin.

Ngumiti naman ako sa dalawa because I really appreciate the effort and time they are giving. 

Ilang oras pa silang nag-stay sa loob ng kwarto bago sila nag-paalam na babalik nalang mamaya. Si Chione ay kukuha ng kanyang gamit at si Alice naman ay malapit ng mag-simula ang kanyang shift. 

Hindi na bumalik parin ang mga nurse at doctor dito sa kwarto ni Poppy dahil narin sa tapos na ang check ups nito at pahinga nalang ang kailangan nito.

Sina Kuya Allen at Kuya Maki ay sinamahan ako sa waiting room kasama ang magulang ni Theo. Pare-pareho lang kaming nag-iintay ng balita galing sa operating room. 

"Kuya, it's almost 8 hours. Wala paring balita." Halos tumulo na ang aking mga luha.

Hindi na ako mapakali ng walang balita sa mag-ama ko. 

"Hija, don't worry. A liver transplant is an easy surgery, they are just really taking their time to complete it." Tahan na bulong saakin ng mom ni Theo. 

Yumakap na ako dito dahil sa hindi ko alam kung anong mangyayari saakin kapag nawala ang dalawa saakin.

"Mom! I cannot lose them!" Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. 

Agad naman akong pinatahan nina Mom and Dad. 

"Macie, listen to me. You will not lose the both of them and they are going to fight it because you are family." Matigas na paalala ng Dad ni Theo.




Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 30K 36
Ebony Gray hasn't had the nicest life but she can't complain. All she wants is a little adventure. When she finds Loki, god of mischief, passed out i...
3.2K 99 44
"Do not be Afraid" - silence said. " I am with you" - it continued. Unspoken The world, the people, the ha...
213K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
1.1M 62.5K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...