Malayah

Por itskavii

2.1K 299 566

Isang tagna. Mula sa balon ni Tala ay bumaba ang isang pangitain sa lupa. Sa ika-anim na beses na tangkaing a... Más

Malayah
PROLOGO
1. Ang Pagkawala ni Apulatu
2. Ang Kapre sa Balete
3. Ang Mapa
4. Si Mariang Sinukuan
5. Sa Lumang Bahay
6. Ang Tiyanak
7. Kay Mariang Karamot
8. Si Agua
9. Huwad
10. Ang Panlilinlang
11. Sa Tugot
12. Ilang Ilang
13. Engkanto
15. Ang Ginintuang Kabibe
16. Si Angalo
17. Ang Ikalawang Hiyas
18. Si Aran
19. Sa Makitan
20. Ang Araw
21. Sa Daluti
22. Mga Tadhanang Magkakadikit
23. Anong Tadhana
24. 'Di Kasiguraduhan
25. Sa Dagat Kung Saan Nagsimula
26. Ang Mahiwagang Sandata
27. Si Linsana
28. Adhikaing Maging Babaylan
29. Pagkagayuma
30. Sa Pagkamatay ng Ibon
31. Si Dalikmata
32. Ang Pagpula ng Paruparo
33. Sa Talibon, Bohol
34. Ang Susi Upang Mapakawalan.
35. Ama
36. Ang Itim na Hiyas
37. Kay Daragang Magayon
38. Isang Sugal
39. Ang Kakaibang Pwersa
40. Si Panganoron
41. Mula Sa Akin At Para Sa'yo
42. Umiibig
43. Si Pagtuga
44. Ang Kasal
45. Isang Sumpa
46. Himala
47. Isang Panaginip
48. Si Magayon
49. Mga Tikbalang
50. Portal
51. Ang Tagna
52. Batis Ng Katotohanan
53. Isang Dayo
54. Dalangin
55. Ina
56. Anino

14. Hiling

32 8 8
Por itskavii

Sinunod ng mag-asawa ang sinabi ni Sagani. Sa pagpatak ng alas-dose, susunugin nila ang huwad na bangkay ng anak habang ang tatlo naman ang mag-aabang sa engkanto.

Napag-alaman nina Malayah na ang engkantong kumuha kay Kara ay nakatira sa pinakamalaking puno ng kaimito sa kanilang lupa. Habang naghihintay ay inilabas ng dalaga ang libro ng kanyang lola.

"Ano iyan?"

Liningon niya si Lakan. "Libro ng lola ko, isang dating babaylan."

"Dyaan mo rin ba natutunan ang mahika ng pagpapalit-katauhan?"

Tumango si Malayah nang hindi nililingon ang binata at nakatuon lamang ang pansin sa paglilipat ng pahina ng libro. Ihininto niya ang pagbuklat sa isang pahina. Pagtawag ng engkanto.

Nabasa na niya ito kanina at naihanda na ang mga gagamitin na karamihan ay natagpuan niya sa gamit ni Lakan.

Balahibo ng Sarimanok.

Luha ng isang diyosa.

Abo ng aswang.

Sa isang palayok ay pinaghalo-halo niya ang mga ito at nilagyan ng dagta mula sa punong tirahan ng engkanto. Nang pumatak ang alas-dose, gamit ang kanyang mga kamay ay pinahiran niya ng likido ang puno.

ᜎ ᜊ. ᜐ᜔

LA BA S

Unti-unting lumiwanag ang puno at lumitaw mula rito ang isang kulay luntiang nilalang. Ang katawan nito ay nababalot ng lumot. Matangkad. Malaki ang katawan. Ang mga mata ay pawang puti lamang.

"At sino ang naglakas-loob na guluhin ako?" Sambit ng malalim at malakas nitong boses.

"Ibalik mo si Kara." Seryosong saad ni Sagani.

"Sino?"

"Ang babaeng kinuha mo at ginawan ng huwad na bangkay." Tugon naman ni Malayah.

"Wala akong alam sa sinasabi ninyo."

"Huwag ka nang magsinungaling. Sa oras na ito ay tiyak na masusunog na ang huwad na bangkay at wala kang magagawa kung hindi ang ibigay ang babae sa amin." Wika naman ni Lakan.

Napaatras silang tatlo nang biglang tumawa nang malakas ang nilalang. Nang matapos ito ay gumuhit ang isang ngisi sa mga labi.

"Mga hangal, hindi huwad ang nais ninyong sunugin."

--

Sa likuran ng kanilang bahay, gamit ang mga dayami, ay nagsindi ng apoy si Francisco. Unti-unti itong lumiyab hanggang sa maging mas malaki pa ang apoy kaysa sa kanya.

Tumunog ang kanyang relo, senyales na pumatak na ang alas-dose. Pinagmasdan niya ang anak na nakaupo sa isang silya, walang buhay. Sa tabi nito ay naroon si Inkayen.

Unti-unting binuhat ni Francisco ang anak at nilingon ang asawa. Nakaraos na ito sa pag-iyak ngunit ang panamaga ng mga mata ay mahahalata pa rin. Tumango ito sa kanya.

Lumapit na siya sa nagliliyab na apoy. Sa huling sandali ay pinagmasdan niya ang anak.

Taliwas man sa kanyang paniniwala ay kumakapit siya sa gatiting na pag-asang buhay pa nga ang anak. Bata pa ito at marami pang maaaring marating. Naaalala niya, noong gabi bago ito mamatay, kinuwentuhan pa siya ng anak tungkol sa mga pangarap nito paglaki. Ngunit noong madaling araw, nang balak painumin ng gamot ang anak, ay hindi na ito nagising muli.

Nabuhay si Francisco sa mundo ng siyensya. Kung saan lahat ay may paliwanag. Kung saan ang mahika at hiwaga ay kalokohan lamang. Ngunit sa mga sandaling iyon, nais niyang maniwala. Na buhay ang kanyang anak. Na isa lamang ubod ng saging ang kanyang buhat-buhat na balak ihagis sa apoy.

Ihuhulog na sana ni Francisco ang bangkay sa apoy nang marinig ang sigaw ni Sagani.

"Huwag!"

Kunot-noong lumingon ang mag-asawa sa hingal na hingal na binata. Kasunod nito ay dumating din si Lakan.

"Siya talaga ang inyong anak," wika ni Sagani at tiningnan ang ngayong babae na dati ay isang ubod ng saging sa kanyang paningin.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Ayen.

"Hindi ito isang kaso ng panlilinlang ng engkanto. Bagkus ay isang hiling."

Naguguluhan ang mag-asawa sa sinabi ni Lakan. "Isang hiling?" Tanong ni Ayen.

"Ikaw ang humiling, Ayen."

Kumunot ang noo ni Ayen, hindi maintindihan ang winika ni Lakan. Ngunit natigilan siya nang maalala ang gabing namayapa ang kanyang anak.

Lubos ang lumbay, lumabas ng bahay si Ayen at naupo sa ilalim ng isang puno upang humagulhol.

Napakabilis ng pangyayari. Ilang oras lamang bago matulog ay nasilayan niya pa ang matamis na ngiti ng anak. Ayaw niyang maniwala. Pilit niya pa ring kinukumbinsi ang sarili na hindi ito nangyayari.

Naalala niya ang tungkol sa mga engkanto. Kung paano sila kumukuha ng mga tao at nagpapalit ng kahoy upang linlangin ang iba na patay na ang kanilang kinuha.

"Tama... iyon nga iyon. Hindi pa patay si Kara."

At sa punong kanyang pinagsasandalan ay nagmamasid ang isang engkanto. Pag-asa. Iyon ang kanyang naaamoy sa nilalang na nasa tabi ng kanyang tirahan.

Pumasok muli sa bahay si Inkayen at sinabi sa asawa ang kahibangang pinaniniwalaan. At sa kahibangang iyon ay nabuo ang isang hiling.

Hindi naniwala si Francisco. Ngunit pinilit ni Inskayen ang asawa na huwag munang ipalibing ang anak.

Isinarado nila ang hacienda, pinauwi muna ang mga nagtatrabaho. Tanging ang mag-asawang sina Sinya at Roni na tanging pinagkakatiwalaan nila.

At kinabukasan ng tanghali, dumating ang kanilang mga bisita na binigyan siya ng malaking pag-asa.

Napahagulhol mula si Ayen. "K-Kasalanan ko... kasalanan ko..."

Ibinabang muli ni Francisco ang walang buhay na anak sa silya at hinagkan ang kanyang asawa.

Muntik na niyang sunugin ang anak dahil sa mga paniniwalang hiwaga ng asawa. May galit man ngunit isinantabi niya ito. Naiintindihan niya si Ayen. Lubos ang lumbay ng kanyang asawa at ang tanging nais lamang nito ay ang mabuhay ang anak.

Sina Sagani at Lakan naman ay nakatayo lamang at pinapanood ang dalawa.

--

"Ang mga mortal... walang kapangyarihan at mahihina."

Sinamaan ng tingin ni Malayah ang engkanto.

"Nagsasabi ako ng totoo, binibini."

"At sinasamantala mo naman ang kahinaang iyon?"

Bahagyang tumawa ang nilalang. "Narito ako upang tulungan kayo. Tumutupad ako ng mga hiling. Mga impossibleng bagay na hindi ninyo kayang gawin."

Hindi kumibo si Malayah.

"Ngayon ay ang hiling mo naman ang matutupad."

Inilabas ng engkanto mula sa kanyang likod ang isang tela. Noong una ay hindi ito nakilala ni Malayah ngunit nang buksan ito ng nilalang at kuminang sa ilalim ng buwan ang isang asul na sapiro, natigilan siya.

--

"Seryoso ka ba? Aalis na tayo ngayong madaling araw? Wala na tayong masasaktan niyan." Reklamo ni Sagani kay Lakan na inililigpit ang mga gamit sa ibabaw ng lamesang bato.

"Puro ka kasi kalokohan. Sa tingin mo ba ay hindi magagalit sa atin ang mag-asawa? Muntik na nilang masunog ang sarili nilang anak."

Napakamot ng uo si Sagani. "Kasalanan ko ba kung nakita ko talagang ubod ng saging 'yung bangkay?" Sumandal siya sa isang puno. "Nasaan na nga pala si Malayah?"

Ipinikit niya ang mga mata, tila dinadalaw na ng antok. Ilang sandali ang nakalipas ngunit hindi sumagot si Lakan at tila mga kaluskos lamang ang naririnig ni Sagani.

"Hoy, 'asan ka'ko si Malayah?"

Nilingon niya ang kasama. Hinahalungkat nito ang mga gamit na tila ba may hinahanap. Huminto ito at humarap sa kanya.

"Sagani, nawawala ang hiyas."

***

Seguir leyendo

También te gustarán

96K 3.2K 67
Do you know the story of Huntres, Senshins and Shinigamis? Wait... This is not their story. This is Custos' story. This is our story. This story is b...
1.6M 64.1K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
226K 4.9K 47
"The pain you gave me is a sign that you truly love me, please, don't be upset and don't let me go...Because I am fully ready to be with you even if...
96.8K 2.4K 36
Ciara Fiasco, daughter of Hades, king of the Underworld and one of the elderly olympian gods, and she has a mission. To put an end to Nathan Castler'...