Malayah

By itskavii

2.1K 300 566

Isang tagna. Mula sa balon ni Tala ay bumaba ang isang pangitain sa lupa. Sa ika-anim na beses na tangkaing a... More

Malayah
PROLOGO
1. Ang Pagkawala ni Apulatu
2. Ang Kapre sa Balete
3. Ang Mapa
4. Si Mariang Sinukuan
5. Sa Lumang Bahay
6. Ang Tiyanak
7. Kay Mariang Karamot
8. Si Agua
9. Huwad
10. Ang Panlilinlang
12. Ilang Ilang
13. Engkanto
14. Hiling
15. Ang Ginintuang Kabibe
16. Si Angalo
17. Ang Ikalawang Hiyas
18. Si Aran
19. Sa Makitan
20. Ang Araw
21. Sa Daluti
22. Mga Tadhanang Magkakadikit
23. Anong Tadhana
24. 'Di Kasiguraduhan
25. Sa Dagat Kung Saan Nagsimula
26. Ang Mahiwagang Sandata
27. Si Linsana
28. Adhikaing Maging Babaylan
29. Pagkagayuma
30. Sa Pagkamatay ng Ibon
31. Si Dalikmata
32. Ang Pagpula ng Paruparo
33. Sa Talibon, Bohol
34. Ang Susi Upang Mapakawalan.
35. Ama
36. Ang Itim na Hiyas
37. Kay Daragang Magayon
38. Isang Sugal
39. Ang Kakaibang Pwersa
40. Si Panganoron
41. Mula Sa Akin At Para Sa'yo
42. Umiibig
43. Si Pagtuga
44. Ang Kasal
45. Isang Sumpa
46. Himala
47. Isang Panaginip
48. Si Magayon
49. Mga Tikbalang
50. Portal
51. Ang Tagna
52. Batis Ng Katotohanan
53. Isang Dayo
54. Dalangin
55. Ina
56. Anino

11. Sa Tugot

32 9 3
By itskavii

Masyado nang malalim ang gabi. Nakatulog na sa banig si Sagani habang si Malayah naman ay nahihimbing na rin sa kama. Nakaupo lamang sa isang silya si Lakan habang pinagmamasdan ang dalaga.

Naalala niya ang nangyari kanina. Kung gaano kasabik na mailigtas ni Malayah ang ama. Ngunit alam ni Lakan na hindi nito magagawa ang nais.

Matagal na niyang nakita ang mangyayari.

"Apalaan."

Napalingon siya sa bintana. Ang mga anito ay tumatawag muli. Ito na ang pangalawang beses ng pagpaparamdam nito sa kanya simula nang matagpuan niya ang nilalang sa tagna.

"Itama ang tagna, imali ang tama." Sabay-sabay na turan ng mga anito na hindi makita sa hangin.

Alam na ni Lakan ang ibig-sabihin ng mga ito. Umiling siya. "Hindi ako makikialam. Ang misyon ko lamang ay ihatid si Malayah sa kabilang mundo, tuparin ang pagbubukas niya nito."

"Hindi mo magagawa iyon kung hindi mo gagawin ang aming sinasabi."

Napabuga ng hangin si Lakan. "Hindi masama si Malayah."

"Iyon ang problema. Dapat siyang maging masama."

"Anong nais ninyong gawin ko? Iudyok siya? Baka nakakalimutan ninyo na isa akong diyos ng liwanag."

"Ang kadiliman ay nananahan. Ang kailangan lamang gawin ay takpan ang araw."

--

"Malayah."

Nagising ang dalaga dahil sa mga tapik na naramdaman sa balikat. Tumagilid siya ng higa at tinakpan ng kumot ang braso.

"Malayah."

Ngayon ay nilingon niya kung sino ito. "Lakan?" Usal niya nang maaninag ang binata sa kanyang nanlalabo pang mga mata. Kinusot niya ito at bumangon.

"Tara."

"Saan?"

Ngunit imbis na sumagot ay hinitak siya nito palabas. Kulay asul ang paligid at wala pang katao-tao sa isla. Ang ilang mga ilaw ay nakabukas na. Tahimik ang paligid at mga alon lamang ng tubig ang naririnig sa madaling araw.

Hawak ang kanyang kamay, dinala siya ni Lakan sa kakahuyan. Nagtataka man ay tahimik siyang sumama rito.

Huminto sila sa isang batuhan. Mula roon ay naaninag ni Malayah ang isang usok mula sa isang palayok at apoy. Lumapit sila rito.

Mula sa palayok ay nakita ni Malayah ang tila lusaw na pilak. Kinuha ito ni Lakan at ibinuhos sa isang hulamhan na hugis paru-paro. Pagkatapos ay ibinabad niya ito sa tubig.

Nang matapos ay nilagyan niya ito ng isang tali at isinuot sa kamay ni Malayah bilang isang purselas.

"Para saan ito?"

Hinawakan ni Lakan ang isa pang kamay ng dalaga at ipinatong ito sa pilak na paru-paro. "Pumikit ka?"

Kunot-noong pinagmasdan ni Malayah ang binata. Napabuga ng hangin si Lakan at hinawakan ang mga talukap niya upang isara.

Noong una, kadiliman ang kanya lamang nakikita. Ngunit unti-unting sumilay ang isang liwanag, una ay puti, na dahan-dahang naging isang kapaligiran. Ang kanyang paningin ay umuusad, tila siya'y naglalakad. Unti-unti itong huminto sa isang kulay asul na paru-paro. Papalapit nang papalapit hanggang sa tila ang paningin ng paru-paro ay naging sa kanya.

Nakikita niya ang pag-angat mula sa rosas na dinadapuan. Unti-unti itong lumipad at nakita ni Malayah ang kakahuyang tinatahak ng paru-paru.

Unti-unti itong pumasok sa isang puting portal. Napapikit nang mariin si Malayah dahil sa pagkasilaw. Nang muli niyang iminulat ang mga mata ng paru-paru, nakita niya ang imahe ng ama. Nakaupo sa maitim na sahig, nasa likod ang mga kamay, at nakatitig sa kanya.

"Papa..."

Umaatras ang kanyang paningin hanggang sa makita niya ang paru-paro. Doon niya napagtanto na hindi siya ang pinagmamasdan ng ama. Dumapo ang paru-paro sa balikat ni Apulatu.

Unti-unting lumapit muli ang kanyang paningin sa paru-paro hanggang sa dahan-dahang dumilim ang paligid. Naramdaman ni Malayah ang pag-init ng isang bagay sa ilalim ng kanyang palad kung kaya't kaagad niyang inalis ang pagkakapatong ng kamay.

Napamulat si Malayah. Unti-unti nang sumisilip ang araw sa silangan. Sa harap niya ay pinagmamasdan siya ni Lakan. Tiningnan niya ang paru-paro sa purselas na suot. Hindi na ito kulay pilak bagkus ay asul.

"Nakita ko si Papa..."

"Alam ko." Wika ni Lakan at ngumiti. "Isa iyang uri ng anitong tagapagbantay. Asul ang kulay nito habang nakadapo ang paru-paro sa iyong ama. Ngunit magiging pula ang purselas sa oras na lumipad ito palayo. At lilipad lang palayo ang anito sa oras na makaramdam ito ng panganib sa paligid."

Pinagmasdan ni Malayah ang purselas. Hinawakan niya ito at pinakiramdaman ang pagkakahulma ng paru-paro.

"Kaya huwag kang mag-alala. Kung pumula ang purselas bago natin makuha ang isa pang hiyas, hahayaan kitang tumawid mag-isa patungo sa kabilang mundo."

Natigilan si Lakan nang bigla siyang yakapin ni Malayah. Naririnig niya ang mahihinang paghikbi nito.

"Huwag ka nang umiyak." Sambit niya at hinaplos ang buhok ng dalaga.

Napapikit si Lakan nang maalala ang pag-uusap nila ng kanyang mga anito. Umaasa pa rin siya na mapagtatagumpayan ang kanyang misyon nang walang mapapahamak. Ngunit hindi niya alam kung paano.

Isa lamang ang sigurado siya. Hindi masama si Malayah. Ang nais lamang nito ay ang iligtas ang ama.

--

"Malayah, tara na."

Napahinto sa panunuod sa payapang dagat ng umaga si Malayah at lumingon kay Sagani. Tumango siya. "Sige, susunod ako."

Matapos ang nangyari kagabi, wala nang binanggit ang dalawa niyang kasama patungkol dito. Hindi maintindihan ni Malayah. Hindi ba sila galit sa akin?

At nang tanungin niya ang mga ito kung bakit, "Naiintindihan ka namin." Iyon lamang ang kanilang sagot.

Noong gabing iyon ay may ipinangako si Malayah sa sarili. Hindi na siya gagawa muli ng ikakabahala ng mga kasama o magsisikreto sa kanila.

Ang senyales ng sibilisasyon ay ang malamang hindi ka nag-iisa. Naalala niya ang mga salitang iyon mula kay Lakan.

At ngayon, alam ni Malayah na hindi na siya nag-iisa sa laban.

Bago sumakay sa sasakyan ay nilingon niyang muli ang dagat. Napabuga siya ng hangin. "Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Agua."

"Sino si Agua?"

Batid ni Malayah na nakita na ni Lakan ang sirena ngunit sa anyo nitong tao. "Ang sirenang tumulong sa akin na makuha ang hiyas."

Tuluyan na silang pumasok sa sasakyan at umalis sa lugar ng mga sirena at ni Mariang Karamot.

--

"Saan naman ang punta natin ngayon?" Tanong ni Sagani habang nakasilip kay Malayah na nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan.

Pinagmasdang mabuti ni Malayah ang mapa. Nang ipatong niya ang hiyas sa ekis ng mapa kung nasaan ang lugar na pinanggalingan nila sa Subic ay unti-unting nagkadetalye ang sumunod na lugar.

"Sa tugot ni Angalo." Basa niya sa baybaying nakasulat.

Continue Reading

You'll Also Like

55.2K 2.8K 65
[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars...
25.5K 1.9K 94
[BOOK 1 OF 2] In her 15 years of existence, Mirai Akarui lived a normal life. She attends a normal school, lives in a normal town, and encounters nor...
226K 4.9K 47
"The pain you gave me is a sign that you truly love me, please, don't be upset and don't let me go...Because I am fully ready to be with you even if...
610K 20.8K 59
SWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) Digmaan ng mga diyos. Limang planeta ang nanganganib dahil dito. Pero kaylangan ng i...