Let The Song Cry (0X1 BAND SE...

By childofyusaku

6.5K 158 421

0X1 BAND SERIES 1 #MainVocalist All right reserved © Kimverleigh Jane Honor, a girl with a lot of sweetness i... More

LET THE SONG CRY
PROLOGUE
LTSC||FIRST
"Maganda ka..."
LTSC||SECOND
Javin's gift
LTSC||FOURTH

LTSC||THIRD

250 21 88
By childofyusaku

“Are you okay? Namumutla ka.”

Hindi mapakali ang matang naiiwas ko kay Draxe. Marahan kong pinaglaruan ang kamay ko. “Uhm, mauna na ako,” sa wakas nasambit ko at muling ibinaling ang paningin sa kanya. “May emergency lang sa bahay.”

Natawa siyang bahagya. “You’re weird,” sambit nito then he just shrugged. “Just go.”

Mabilis kong inabot ang bag sa upuan at patalikod na kumaway. “Bye, Draxe! See you around!”

Teka, bakit ba ako kinakabahan na malaman ni Draxe na pupunta ang isang Terrence Javin sa bahay? As if naman may pake isang ’to, haist, pfft.

Act normal, Kim.

“Ingat, Kim! Don’t forget to chat me if you’re at home!”

“Hmm!” pagkaway ko sa kanya habang nakatalikod.

Bahagya akong bumuntong-hininga nang makarating akong sasakyan. Marahan kong tinuktukan ang sarili dahil nakalimutan ko magpaalam sa mga bata at kila Sister Anna.

“Ganoon mo na ba talaga ka sabik makita ang isang ’yon, Kim?”

Muli kong tinuktukan ang sarili at ini-start na ang engine. Malakas akong bumuga ng hangin habang napapalingon sa paligid, mahirap na baka may makasunod sa bahay ni Lola, it’s my private space.

Pagkarating ko sa harap ng bahay, nakita ko ang sasakyan ni Javin na nakaparada malapit sa may abandonadong parke. Pagkaparke ko ng sasakyan sa loob ng bakuran, binuksan ko ang phone ko to send text messages, asking where’s Javin.

Bumaba na akong sasakyan holding two plastic bag na may lamang chichirya na binili ko kanina sa may store for midnight snacks later, at iyong paper bag na may laman na mga libro, and other stuff. Iniwan ko na lang muna sa likod ng sasakyan ko ang mga canvas dahil ayokong makita ni Javin ang mga ’yon.

Ilang minuto pa nang may dumating na message sa akin.

From: Jav
labas

Bahagya akong bumuntong-hininga at binaba muna ang mga pinili ko sa gilid ng pintuan. Pagbukas kong gate, agad napataas ang kilay ko dahil bumungad sa akin ang balot na balot na Javin, naka-cap, naka-shades, at naka-longsleeves.

“For safety purposes,” ani nito na para bang nababasa ang nasa isip ko.

I just shrugged at naiiwas ang paningin. Sinenyasan ko siyang sumunod sa akin, pagkarating namin sa harap ng pintuan, kukunin ko na sana ang pinamili ko nang marahan niyang sinagi ang kamay ko.

“Ako na.”

Naiiwas ko muli ang paningin at munting napakagat sa labi para pigilan ang ngiti na kumakawala sa labi ko. Magmula noong celebration na ’yon, he’s acting differently na. Does it mean, he’s falling for--.

Napatampal ako sa labi nang biglang may tumikhim.

“What are you waiting for?” matigas na boses niyang sambit.

Gosh, Kim, you’re spacing out again.

Napabuga akong hangin nang mabuksan ko ang pinto, iginiya ko siya sa may sala. Pagkaupo niya sa mahabang sofa, inilapag niya ang mga pinamili ko sa may mesa at saka ito nagtanggal ng shades at cap. Bahagya itong bumuga ng hangin, halatang iritado ’to dahil sa magkasalubong ang kilay niya.

“Those fans are too much,” kalmadong ngunit pagalit niyang sambit.

Pati ba naman kapag galit siya, ang gwapo pa rin niya sa paningin ko.

Geez, Kim!

“Sorry, nadamay ka pa.” He cleared his throat. Napaiwas akong tingin dahil tinaasan niya ako ng kilay na para ba akong hinuhusgahan sa pagtingin sa kanya. “I said I’m sorry kasi nadamay ka.”

Ah. “Okay lang, you don’t need to say sorry hindi mo naman kasalanan,” medyo utal kong sambit.

Ngumiti siyang bahagya, hindi nakaiwas sa akin ang munting pag-examine niya sa akin. “You look good on that white dress.”

Napakagat ako sa labi para pigilan ang ngiting kumakawala. Of course this was your gift to me.

“Ah, eh--”

Natigil ako sa pagsasalita nang munti itong humalakhak. “You look good in everything, anyway.”

Ha? Ano iyong binulong niya? Pinagtritripan ata ako ng isang ’to!  Hmp.

Kukunin ko na sana ang pinamili ko para i-akyat ang iba nang magsimula siyang kalkalin ang pinamili ko!

“What is this?” Nakakunot noong tanong niya.

Halos lamunin ako ng lupa nang itaas niya ang isang pack ng napkin! Para akong tatakasan ng dugo nang magsimula siyang basahin ’yon, hindi ko alam kung matatawa ako, or mahihiya dahil sa hitsura ngayon ni Javin.

Namumutla ang mukha niya!

Bago pa man mahulog ang pack ng napkin, hinablot ko iyon at saka kinuha ang mga paper bag. Lakad at takbo ang ginawa ko paakyat sa kwarto. Nang makapasok ako sa kwarto, pabagsak kong sinira ang pinto, napasandal ako sa pintuan at napahawak sa dibdib. Malalakas ang hininga na pinakawalan ko.

Nakakahiya!

Sobrang nakakahiya, Kim! Huhu!

Napatingin ako sa hawak ko. “Bwisit na napkin ’to!”

Itinapon ko ang pack ng napkin sa bed at naupo rin doon pagkatapos. Muli akong napahawak sa dibdib ko. Napatayo ako at hinarap ang sarili sa may vanity mirror, pulam-pula ang mukha ko! Huhuhu.

Napabusangot ako sa may harap ng salamin.

“Nakakahiya, Kim! Ano na lang sasabihin sa ’yo ng isang ’yon?” pagkaltok ko sa sarili ko. “Teka nga, hindi ko naman kasalanan, ’di ba?” pagkausap ko sa sarili ko.

Napatayo ako nang maalala ko si Javin sa may baba, baka kung ano pa makita niya doon! Mabilis ako nagpalit ng pambahay at bumaba na, iniwan ko na ang phone ko na naka-charge doon.

Pagkababa kong hagdan, nakahinga akong maluwag nang makitang nakaupo lang sa may sofa si Javin habang nakaharap sa phone niya.

Buti naman!

Napatikhim ako bago naupo sa maliit na sofa. Napaayos naman siyang upo at inilapag ang phone sa may mini table bago ibinaling ang paningin sa akin.

He cleared his throat. “I invited them over,” mahinang sambit nito. “It’s okay if you’re not comfortable to have us here, I can cancel. I’m sorry,” sambit nito at muling tumikhim.

“Okay lang,” mahinang sambit ko kahit labag sa loob ko. Ayoko talaga nagkakaroon ng bisita rito sa bahay ni Lola, unang bisita nila rito, noong lamay ni Lola at hindi na nasundan pa. Ilang taon na rin naman nakalilipas. “Magdala na lang silang pagkain. Ubos na stock ko, e.”

Tinaasan niya akong kilay pagkarinig niya do’n, pero kinuha niya rin ang phone at nagtipa doon. Oo na, buraot na ako kahit kabibili ko lang, sayang naman kayaman mga ’yon kung hindi nila bawasan, ’di ba? Pfft.

Napataas ang kilay ko nang bahagya siyang natawa bago nagtipa, napapailing pa ’to. Sino naman kausap ng isang ’to?

“It’s Devin, he’s teasing me,” pagbaling niyang tingin sa akin at saka tinaas ang phone niya.

Nagtataka ko siyang tiningnan dahil sa sinambit niya. Narinig niya ba nasa utak ko? Geez.

“Kasama niya sila Isabel, Laley and Ben. Saktong nasa mall pa sila, buying foods and drinks,” habol nito bago ilapag ang phone sa mesa.

Okay?

I just shrugged at inabot ang paper bag kung nasaan ang mga libro na pinamili ko.

“Kimverleigh,” pagtawag niya sa pangalan ko after a minute of silent.

Natigil ako sa pagkuha ng libro, binalingan ko siyang tingin. This is the first time he called me by my name! Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang tingin niya, para nitong hinahalukay ang buong pagkatao ko.

“Y-yes?”

Geez! Bakit ako nauutal?!

Muli itong napatikhim at nag-iwas ng paningin. “Nothing,” bahagyang pagngiti niya. “I want coffee,” pahabol niya.

“Timpla ka doon sa kitchen,” agad kong tugon. Tiningnan lang niya ako na parang isa akong napakalaki na joke. Tumayo na ako dahil na gets ko na agad na tinatamad siya tumayo, psh! “Black coffee? 3-in-1? Or Tea?”

Or me?!

Char.

Munting ngumiti ito. “Black Coffee.”

“More on coffee?”

Tumango naman ’to. Pagkatalikod ko, napakagat ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang kumakawalang ngiti.

“Sarapan mo, ha?” paghabol niya.

“Aye!”

Pagkarating kong kitchen, hinanap ko kaagad iyong kabibili ko pa lang na mug at doon nagtimpla. Habang hinihintay ko pinainit kong tubig, nagpalaman na rin ako ng slice bread, dalawang pares. Sakto naman pagkatapos ko, uminit na ang tubig.

Awtomatikong napangiti ako nang matapos ko i-prepare. Sumilip pa ako sa may sala para tingnan si Jav, nakatutok ito sa phone niya habang nakakunot ang noo.

Natawa akong bahagya.

Kahit nagsusuplado talaga siya, hindi pa rin mapagkakaila ang kapogian niya.

Inayos ko ang buhok at bahagyang bumuntong-hininga. Hawak ang tinimpla kong kape at platito kung nasaan ang tinapay, pagkarating kong sala, inilapag ko iyon sa may mini table. Napatikhim ako dahilan para muli niyang ilapag ang phone sa may mesa.

“Thanks,” pagbaling niyang tingin sa akin. Pagkasimsim niyang kape, muli niyang ibinaling ang paningin sa akin. “Exactly my taste. Tastes good.”

“Edi goods,” pagngisi ko. Buti naman nagustuhan mo ang lasa ng kape ko. Ehe.

Bahagya siyang ngumisi bago muling sumimsim sa kape. Hindi na rin naman siya nagsalita.

Naisipan kong isindi ang TV. Ang awkward kasi na wala kaming kibuhan. Baka atakehin ako sa puso sa ideya na presensiya lang namin na dalawa ang nandito.

Pagkabalik kong upuan, binalingan ko siyang tingin, agad din ako napaiwas nang madako ang paningin ko sa namamasang labi niya. Napalunok ako. Gosh.

Kung ano-ano nakikita ng mga mata ko!

“You’re also watching cartoons,” he said in the middle of nowhere, breaking the silence.

“Y-yeah.”

He chuckles. “I remembered someone. My screen partner loves watching cartoon too.”

Screen partner.

Sielly?

Right. I almost forgot, he’s in love with her.

Gusto kong ngumiti dahil nandito siya, gustong-gusto ko, pero malawak ang ngiti nitong nakatutok sa T.V, animo’y parang may inaalala.

Hindi ba pwedeng manood na lang? Bakit kailangan niya pang ipamukha sa akin na hanggang dito lang talaga kami? Na kahit kailan hindi niya talaga ako magugustuhan?

“This is her fave kaya medyo kabisado ko ang isang ’to,” sambit nito, hindi nakaiwas sa akin ang munting pagngiti niya.

Parang unti-unting bumagsak ang mundo ko kasabay nang pagbagsak ng aking balikat, at ngiti sa labi.

Wala naman akong karapatan na malungkot at masaktan, I was just his fan, and one of his friends, kung maituturing ba niya akong kaibigan. Hindi ko maiwasang masaktan, hindi na bago, pero hindi pa rin talaga ako nasanay sa tuwing binabanggit niya iyong babae na ’yon while he’s smiling like that. Parang dinudurog puso ko.

Kasi umasa ako sa naging action niya noong graduation party.

“Are you okay?”

Bahagya akong tumango at saka ngumiti. “O-okay lang,” mahinang sambit ko. Napatayo ako. “Sa taas lang muna ako. Feel free.”

“Okay?”

“Pagbuksan mo sila mamaya kapag hindi pa ako nakababa.”

Bago pa man siya magsalita, mabilis ako naglakad paakyat. Pagkapasok kong kwarto, napaupo ako at isinandal ang sarili sa likod ng pinto at nagsimula nang humikbi.

Dumb, Kim, crush lang naman, ’di ba?

Pinunasan ko ang basang pisngi ko at munting napasinghot. Bakit ba ako umiiyak? Crush ko lang naman siya!

Tama!

Crush lang, Kim. Crush lang.

Tumayo na ako at pinampag ang pang-upo dahil may narinig akong sunod-sunod na pagbusina. Inayos ko muna ang mukha, nag-apply na rin ako ng foundation dahil mukha akong galing sa pag-iyak, kinuha ko na rin ang phone bago bumaba. Pagkababa kong hagdan, saktong papasok sina Laley, Ben, Devin, at Isabel.

Pagkalapit sa akin ni Laley, nakataas ang kilay nito na para ba akong sinusuri, hindi nakaiwas sa akin ang pagbaling niyang tingin sa may mini table. Napangisi ito bago ibaling ang paningin kay Javin, sumipol pa ’to.

“Kanina ka pa rito, TJ?” nang-aalaska niyang tanong.

Eh??

“About an hour ago?” sagot naman ng isa. “Where’s the other?”

“Susunod daw sila after their work,” sabad ni Kuya Devin. Munti itong kumaway sa akin, nginitian ko lang siya.

“Make sure na hindi sila masundan,” dagdag ni Javin.

Malakas na napatikhim si Laley at natatawang hinila si Isabel paupo sa mahabang sofa. Sumunod naman si Javin, Ben, at Kuya Devin. Pagkaupo ko pa lang sa mini sofa, malakas muli na tumikhim si Laley, sinundan ni Ben.

Tinaasan ko silang kilay. Are they teasing me?

“Gusto ko ng kape. Isabel, ikaw ba gusto mo?” parang nang-aalaskang sambit ni Laley.

Sinamaan ko siyang tingin dahil na gets ko kaagad ang pahiwatig niyang ’yon. Bwisit talaga isang ’to!

“Medj, sinisikmura ako,” inosenteng sagot naman ng isa.

Malakas na natawa si Laley bago ibaling ang paningin sa akin. I simply rolled my eyes na mas ikinatawa niya.

“Patimpla ng kape, Kim. Ayoko ng black coffee, 3-in-1 akin, kay Isabel ewan ko.”

Talagang ako pa magtitimpla? Hanep!

“Black Coffee,” sabad ni Kuya Devin at muling nakipag-usap kay Javin. Si Ben may sariling mundo sa tabi ni Laley, as always.

“Thanks, baby,” malambing na saad ni Isabel.

Napabusangot ako. Edi kayo na!

Tumayo na ako. Sinamaan ko ng tingin si Laley na mapang-asar na nakangiti bago ako nagtungo sa kitchen. Habang nagpapainit akong tubig, pumasok naman sa kitchen si Kuya Devin na may hawak na mga plastic bag.

“Huwag mong pansinin iyong pinsan ko, masyadong mapang-asar ’yon,” pagsalita niya after a second. Nilapag niya ang mga pinamili nila sa may mesa at isa-isang nilabas ’yon. “Kanina sa byahe, she saw--.”

Hindi natuloy ang sinasabi niya nang tumunog na ang heater. Pagkatapos masiguro na okay na, binalingan ko si Kuya Devin na busy pa rin sa paglabas ng mga pinamili nila. Mukhang magluluto siya dahil nakahanda na ang kutsilyo at paglagyan.

“Sorry, akin muna ang kitchen mo ngayon,” natatawang sambit niya.

Natatawa lang din na tumango ako. “Balik na ako doon, Kuya. Ikaw na bahala r’yan.”

It’s not bad naman pala that there’s someone na guguluhin ka sa safe space, lalo na kapag mga tunay. Glad, I found this circle.

Tumango naman siya. Bago pa ako makahakbang, natigilan ako sa huling sinambit niya.

“Check Javin’s IG post.”

Pagkarating kong sala, nagtatawanan iyong dalawa habang si Javin ay sumusulyap sa phone niya. Napaismid ako nang maalala ko ang sinabi niya kanina, psh.

Edi doon siya sa Sielly niya, hmp.

“Thanks, Kim. Malapit na raw sina Kai, Steven, at Shin,” pagpansin ni Laley. “Ba’t kulang ’to ng bread?” pang-aalaska pa niya, sinamaan ko nga ng tingin. “Joke lang! Pffft! Ako na kukuha.”

“Hoy, huwag ninyo ubusin bread ko!”

“Oo na, Mommy Kim, nakakahiya naman sa ’yo,” sambit nito kaya natawa ang iba.

Umirap ako at naupo sa may mini table. Ayon nga, siya na ang pumunta sa kusina, pagbalik niya isang pares lang ng bread ang hawak niya.

“Punta ka raw sa kitchen sabi ni Kuya Devin,” pagkausap niya kay Isabel.

Bigla kong naalala iyong sinabi ni Kuya Devin kanina na, “Check Javin’s I.G post.” Dahil sa kuryusidad, binuksan ko ang phone at nagtungo sa Instagram app. Halos mahulog ko ang phone dahil bungad sa akin ang post niya 45 minutes ago.

It’s a picture of cup of coffee, at may caption na, “coffee ft. safe place.”

Naibaling ko ang paningin kay Javin na tutok na tutok sa phone niya. Muli kong pinasadahan ang pinost niya to confirm kung namamalikmata lang ba ako. Pero hindi.

“Hoy, Kim, kanina pa natunog phone mo.”

Napabalik ako sa ulirat at sinagot ang tawag. Draxe’s calling pala.

[“Whew, akala ko kung ano na nangyari sa ’yo. Good thing at sumagot ka,”] pagtawa nito sa kabilang linya.

“Draxe.”

Pagkabanggit kong pangalan na ’yon, hindi nakaiwas sa peripheral vision ko ang pagbaling ng tingin nila sa gawi ko.

“Nakalimutan ko na mag text, nag charge kasi ako,” sambit ko at tumikhim. “Nakauwi ka na rin ba?”

[“Yes.”]

“Nakalimutan ko magpaalam kila Sister kanina, pfft.”

He chuckles. [“Don’t worry sinabi kong may emergency ka. Sige na’t napatawag lang ako dahil nag-aalala ako sa ’yo na wala ka pang message. Akala ko kinidnap ka nang fans niya, pfft!”]

Natawa akong bahagya. “Sira. Sige na, baka busy ka pa r’yan.”

[“See you around, Kim.”]

“See you.”

Pagka-end ng call. Gulat akong tumingin sa gawi ni Jav nang pabagsak niyang inilapag ang phone sa may mesa bago ito tumayo. Masama pa ang tingin na iginawad sa akin bago dumiretso sa kusina hawak ang pinag-inuman niyang kape kanina.

Napakunot ang noo ko na binalingan si Laley na parehas ang ekspresiyon sa akin. Sabay pa kaming nag shrug.

Anong nangyari do’n?

Weird.

Continue Reading

You'll Also Like

24K 1.5K 55
"Ilang chances pa ba ang kailangan mo para maramdaman kong tayo talaga ang para sa isa't isa?" - Eunice Book 1 Date Started: January 15, 2020 Date Fi...
10.7K 38 3
Rags to riches. That's the perfect way to describe the overnight millionaire Erika Julia. Living the best life, with cool friends, parties, and of co...
235K 3.5K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
79.5K 663 10
Arrange Marriage Daiyu Clean Zhou is a full-blooded Chinese who was born in the Philippines. She is the only child of Congressman Ciran Zhou, one of...