Surrendering Myself To You (Y...

By MB_Peculiars

582 10 75

Youth Trilogy #2 Antonina Grace Alvino was the typical young girl who enjoyed everything that youth could off... More

Prologue
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Epilogue I
Epilogue II
Author's Note

Chapter Two

23 1 8
By MB_Peculiars


"Salamat sa paghatid at pa-pizza, brodie."

"Aray ko naman!" Pagkababa ni Zoe sa motor ay tinulak niya ang ulo ko papaharap. Bwisit talaga. Tinawanan niya lang ako bago siya pumasok sa loob ng apartment nila.

"Ingat ka pag-uwi!" dinig kong sigaw niya habang nagmamani-ubra ako. Bumusina ako bago tuluyang umalis. Pagdating ko sa Valley Golf, tumabi muna ako para tawagan si Austin.

"Hello? Bakit iinom?"

"Dali na! I feel so sad, bro. Damayan mo naman ako."

"Paano kung ayoko?"

"Ang walang kwenta mo namang kaibigan."

"May trabaho ako."

"Sabado ngayon! Wala kang shift kapag Sabado ah?"

"Pumupunta ako sa bakery ni Mama kapag weekend."

Ano ba 'to? Hindi nauubusan ng dahilan?

"Kapag ikaw nangailangan ng pabor, 'wag na 'wag kang lalapit sa'kin ah?"

"Pota, sige na. Magpapaka-sad boy ka na nga lang, idadamay mo pa ako. Kausapin ko na lang si Mama. Ngayon lang 'to ah."

"Yown! Bibili na'ko. Punta na'ko ah? Bye, kitakits later. Lab you talaga, bro!"

Binaba ko na agad ang tawag bago pa siya makatanggi ulit. Pinaandar ko na ang motor at dumaan sa sari-sari store para bumili ng gin saka pomelo juice.

"Tao po! Shopee delivery!" Bumaba na ako sa motor kasama ang supot ng gin saka box ng pizza. Naubos namin ni Zoe iyong isa habang iyong isa ay pinaghatian na lang namin pang-take home. Hindi na kasi bumalik sila Wyeth at Von. Wala ring tao sa kanila.

"'Raulo," sabi ni Austin pagkabukas niya ng gate. Gulo-gulo pa buhok niya habang may suot na black t-shirt saka shorts. Kinukusot pa mata. Nasisilaw ata sa kagwapuhan ko.

Dumiretso na ako sa loob saka ako umupo sa sofa nila. Pinatong ko muna iyong pagkain at gin sa coffee table. Dumiretso naman si Austin sa kusina para siguro kumuha ng mga baso at pitsel.

"May dala ka na pa lang pulutan e," puna ni Austin pagkasilip niya sa box bago kinuha iyong juice. "Ba't bawas na?" Bumalik siya sa kusina kaya agad akong sumunod.

"Tira lang namin 'yan. Siraulo kasi si Zoe. Pinapunta pa ako sa practice namin tapos nagpabili pa pagkain kahit cancelled na pala," sagot ko na tinawanan niya naman habang umiiling. "Mag-isa ka lang dito?"

"Nasa taas si Nina. Nasa bakery si Mama tapos si Papa hindi ko alam," sagot nito habang nagbabasag ng yelo. Ako naman ay binuksan iyong juice gamit ngipin. Agad ko itong binuhos sa pitsel na may tubig. Hinalo ito ni Austin saka nilagay ang yelo.

"Bakit ka nag-aya bigla mag-inom?" tanong niya pagkabalik namin sa salas.

"Wala lang." Nagkibit-balikat ako habang sinisindihan niya iyong bote ng gin. Umapoy iyong loob saka siya nagsalin ng konti sa pitsel. Inulit niya lang hanggang sa maubos. Nilalagyan niya na ng alak ang shot glass pagkatapos.

Pinanliitan niya ako ng mata. Ininom ko iyong nasa shot glass para iwasan iyong tingin niya.

"Umamin ka na kay Zoe?" panghuhula niya.

"Wala nga akong gusto kay Zoe!" Lagi na lang niya sinasabi na may gusto ako kay Zoe kahit wala naman akong sinabing ganoon.

"Ni-reject ka, 'no? Friend zoned?"

Teluk naman nito.

"Wala nga sabi akong gusto sa kaniya."

"'Ge, kunyari naniniwala ako sa'yo," natatawa niyang sagot bago kumuha ng pizza. "So ano nga?"

"Iinom nga tayo para makalimutan ko, e. Tapos papaalala mo naman?"

Paano ba kasi nito nalalaman iyong tungkol kay Zoe? Hindi lang naman si Zoe ang babae sa buhay ko! Minsan iniisip ko kung psychic ba 'tong si Austin o ano.

"Ano'ng balita sa inyo ni mareng Cleo?" pag-iiba ko sa usapan saka ako nagsalin ng panibagong alak. Nasa mood ako magpakalasing ngayon.

"Ayon, mukhang nagtatampo na sa'kin," sagot nito bago ininom ang shot niya.

"Bakit? Hindi mo pa rin sinasabing may trabaho ka na?" tnaong ko. Tumango siya bilang sagot. "Gagi, baka iniisip non na nambababae ka?"

"Oo nga, e. Baka pumunta na lang ako bukas sa kanila para makabawi naman."

"Tangek, dapat sabihin mo na lang 'yung totoo."

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa sa kanila ni Cleo saka sa experience niya sa trabaho bilang isang Jollibee crew. Ewan ko ba rito. Dapat nga bakasyon namin pero siya nagtatrabaho.

"Hi, Tita! Good evening ho," bati ko kay Tita Gen pagkauwi niya.

"Good evening din. 'Wag kayo masiyadong magpapakalasing ah? Gusto niyo ba ng Spanish bread? Nag-uwi kasi ako." Nilabas naman ni Tita ang supot saka pinatong sa coffee table.

"Salamat, Tita." Nginitian ko siya habang nakakaramdam na ako ng hilo. Pangalawang bote na namin, e.

"Austin, tirhan mo kapatid mo," dinig kong bilin ni tita.

"Sige, Ma." Hindi ko na naintindihan ang mga sunod nilang pinag-usapan habang naglalagay ako ng alak saka ko ito ininom. Narinig ko na lang na umakyat na si Tita para magpahinga.

"Paano kaya kung tawagan ko siya ngayon, bro?" wala sa sariling tanong ko. Narinig kong tipid na natawa ang katabi ko.

"Sino? Si Zoe ba?" tanong niya. Tumango ako habang nakatulala. Sinusubukan kong i-imagine kung tatawag nga ako sa kaniya ngayon. "Ano sasabihin mo?"

"Aamin na ako." Lumingon ako kay Austin na tahimik na nakasandal sa sofa habang nakangisi. Halatang naaaliw sa akin. "Para bukas kapag nahimasmasan na ako, sabihin ko na lang na lasing lang ako kapag ni-reject ako."

"Lasing ka na nga."

Sumandal din ako sa tabi niya habang nakatingin pa rin sa kawalan. Apat na taon... ang loyal ko naman. Pero walang narating pagka-loyal ko.

Awts pain ouch sakit lumbay lungkot pighati hinagpis.

"Lalo ka lang hindi seseryosohin non," komento niya habang naglalagay ng alak sa shot glass niya saka ito diretsong nilagok.

"Kahit lasing man ako o hindi, lagi naman akong hindi sineseryoso non. Tingin niya lahat ng lumalabas sa bibig ko biro." Nagsalin ako ng panibagong alak saka ito ininom. Kumuha ako ng Spanish bread saka ko ito kinagatan.

"Bakit? Umamin ka na ba nung seryoso talaga?" Napaisip ako sa tanong niya bago ako umiling. "'Kita mo? Hindi ka talaga seseryosohin kung lagi mong idadaan sa biro."

"Taena kasi tingin pa lang ng babaeng 'yon, feeling ko sasapakin na niya ako." Suminghal ako bago kumagat sa tinapay. Tinawanan na naman ako ni Austin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang walang kwenta mo talagang kaibigan."

"Wala pa ngang kayo pero under ka na?" sininghalan ko lang ang sinabi niya habang nakatingin ako sa labas. Medyo madilim na at tahimik. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko nang may marinig akong kumaluskos.

"Gagi, may tao." Kinusot ko iyong mga mata ko para masiguradong hindi nanlalabo paningin ko. May tao talagang unakyat sa gate! Tumingin din si Austin sa labas nang nakakunot ang noo.

"Saan?"

"Nawala." Tinignan kong mabuti iyong labas. Napatayo pa ako tapos mugtik pa akong matumba dahil sa hilo. Lumapit ako sa bintana pero wala ng katao-tao. Iyong ingay ng cricket na lang ang maririnig. "Pero meron talaga kanina!" malakas kong sabi sabay lingon kay Austin.

"Lasing ka na talaga." Binato naman ako nito ng plastic bottle, pero meron talagang gumalaw! Ano 'yon? Multo? Bumubukas na ba third eye ko?! 

"May number ba kayo nung guard dito? Kinakabahan ako." Bumalik ako sa tabi ni Austin na kinukunutan lang ako ng noo. E bakit ba? Baka mamaya may akyat-bahay pala rito tapos saksakin kami pareho.

"Alam mo, Ivan, kung may tao talaga maririnig ko rin 'yon. Lasing ka lang talaga." 

Medyo nahihilo na rin talaga ako pero ewan ko. May nakita talaga ako e. Nararamdaman ko na ring parang ang init ng katawan ko. Napabuntong-hininga na lang ako bago kumuha ng panibagong Spanish bread. 

Bakit sumarap 'to bigla?

Nagdaldalan na lang kami tungkol sa mga walang kwentang bagay. Hindi ko na talaga alam kung ano'ng pinag-uusapan namin. Nung una ay tungkol sa parts ng motor tapos bumalik kay Cleo tapos ngayon pinagtatalunan namin kung ano'ng mas okay ibigay sa babae. Kung chocolate ba o bulaklak.

"Mas okay nga bulaklak. It's more meaningful lalo na para sa mga babaeng sentimental."

"'Teluk naman nito, chocolate nga! At least kapag 'yon, makakain pa nila. Mas practical." Naiimagine kong tatapon lang ni Zoe iyong bulaklak kapag iyon ang binigay sa kaniya.

"Pota, kung usapang practical din naman, e'di bigas na lang ibigay mo."

"Pangit mo namang kausap!" reklamo ko sabay hampas ko sa kaniya ng throw pillow. "Ang mahal-mahal ng roses tapos malalanta lang din. Chocolate nga dapat."

"Sus, tinatabi nga 'yon madalas ng iba kahit tuyo na. It's the thought that counts, Ivan. Ang chocolate puwede nila 'yan bilhin para sa sarili nila anytime. E ang bulaklak? I mean puwede rin naman nila bilhan ang mga sarili nila ng bulaklak, but of course, it still hits differently when it's given to them."

Lasing ba talaga 'to?

"Basta chocolate pa rin," sabi ko na lang saka ako pumunta sa CR nila para umihi. "Dito na ako magpapalipas ng gabi. Parang 'di ko na kaya magmaneho," sabi ko pagkabalik sa living room.

"'Ge lang. Dito ka na matulog. Palinis na lang muna ako nito, mabait ka naman. Maghihilamos lang ako." Sininghalan ko lang siya nang iwan niya ako at dumiretso na siya sa taas.

Dahil nga mabait ako, tinapon ko na iyong mga box ng pizza roon sa basura nila sa labas. Binilisan ko ang pagpasok sa loob dahil ang creepy nung kalye. Walang katao-tao. Kumukurap pa iyong street light na orange. Hinugasan ko na rin iyong pitsel at mga basong ginamit pagbalik ko sa loob ng bahay.

"Dito ka na lang matulog ah?" dinig kong sabi ni Austin sa salas kaya agad ako dumiretso roon. Naabutan ko siyang akmang aakyat na sa hagdan. "May disposable na toothbrush din akong nilagay roon."

"Oi! Iiwan mo ako rito? Doon na lang ako sa kwarto mo!" pagmamaktol ko.

"Ayoko. Lalawayan mo lang mga unan ko." Bago pa ako nakasagot ay umakyat na siya sa taas. 

Ang sama ng ugali.

Pagkatapos ko mag-toothbrush at maghilamos ay agad na akong nahiga sa sofa. Mabuti na lang may iniwan siyang unan saka kumot dito. Nag-cellphone lang ako sandali hanggang sa hindi ko na nalabanan ang antok.

"Aray, takte naman." Agad na nagising ang diwa ko. Pagpihit ko kasi ay bigla akong nahulog sa sahig. Dapat talaga nagpumilit na lang ako matulog sa taas. Hindi talaga ako makatulog nang maayos dito sa baba. Ang sakit ng katawan ko. 

Tangina, pati ulo ko ang sakit pa rin. 

Sige, inom pa.

Pagbalik ko sa pagkakahiga sa sofa ay napabangon ako nang may marinig na naman akong kumakaluskos!

Ayoko na.

Sa taas na talaga ako matutulog. Kahit hilo-hilo pa ako ay umakyat na ako sa hagdan at dumiretso sa kwarto ni Austin. Buti na lang hindi niya ni-lock ang pinto.

Dinahan-dahan ko ang pagbukas sa pinto para hindi siya magising. Medyo madilim dahil maliit na lamp shade lang ang ilaw niya. Napasinghot ako dahil sa matamis na pabango. Weird. Hindi ko na lang ito pinansin at saka ako maingat na nahiga sa tabi niya.

Bakit ba ang init? Ramdam ko talagang nag-iinit iyong katawan ko. Para akong lalagnatin pero hindi naman mabigat pakiramdam ko. Bumangon ako saglit para magtanggal ng t-shirt saka ako bumalik sa pagkakahiga. 

Sa wakas, naging komportable rin ako.

"Ano na naman 'yon?!" Agad akong napabangon kasabay ng pagtili ng isang babae. Nasa horror movie ba ako?! Hindi na ako makatulog nang tuloy-tuloy!

Agad na nanliit ang mga mata ko dahil hindi ko talaga ma-gets kung ano'ng nangyayari. Tinignan ko si Austin pero bakit ang haba ng buhok niya? Nanliit iyong mga mata ko nang buksan niya ang lamp shade sa bedside table.

"Kuya Ivan? What the hell are you doing here?!"

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Written on August 17th, 2021
Edited on April 14th, 2022

Published on April 13th, 2023

Continue Reading

You'll Also Like

172K 5.9K 37
Belle Ville Series #3. Life has always been tough for Hagia. She was forced by fate to be strong and independent at a young age. Working different pa...
76.7K 2K 42
Hechanova Series 2/4 Truth to be told, We all once like someone who doesn't like us back. We chase them, until we give up. Why are we so obsessed? Ma...
1.8K 32 50
A 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced he...
589 7 50
Attorney Grey, named as the best at her job. Well known by her success at a young age in the industry, everyone looked up to her but nobody knew how...
Wattpad App - Unlock exclusive features