Andromeda 2: Her Retribution ✅

By BlueAmazon

79.1K 1.9K 224

[Andromeda Season 2] [TAGALOG STORY] Three years ago, I escaped the fire that almost led me to my death and I... More

Disclaimer
Introduction
Chapter 1
Author's Note
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Andromeda 3 - Posted!

Chapter 2

5.1K 151 7
By BlueAmazon

Chapter 2

"Ingat!" Sigaw ko sa papaalis na sasakyan nina Ales at Carlo. After all those years, ngayon lang nagkalakas ng loob si Carlo. Napangiti ako at tumalikod. Pero hindi lingid sa akin na may tao sa likod ko. 

Isang napakaliit na tao.

"Boo!" Saad ng maliit na boses. Nagkunware naman akong nagulat pero nahalata niya kaya sumimangot siya. "Mommy!" Ayaw na ayaw niya kasing lagi ko siyang nararamdaman kaya't hindi na ako nagulat. Kiniss ko ang pisngi niya. Mas sumimangot sya at pinagkrus ang dalawang kamay.

Natawa ako at kinarga siya, "What? Nagulat na ako diba?" She pouted even more. Natawa ako at tinap ang nguso niya na nagpatawa sa kanya. "Yang nguso na 'yan, I'll bite that sige ka!" pagbabanta ko sa kanya na ikinatawa niya naman ng sobra. Napangiti ako sa maliit na batang karga-karga ko. Itong batang ito, ito yung batang muntik ko nang patayin dala ng pagkadisgusto ko sa nangyari sa amin ng ama niya. 

I still thank God na pingilan ako ni Carlo at Ales. 

Tinitigan ko ang mukha ng anak ko na nakangiti sa akin. Papatay ako kapag sinaktan nila si Cassiopeia. Papatay ako para sa anak ko. Kaya kong ibalik ang dati kong sarili para sa batang ito. Niyakap ko ng mahigpit si Cassy, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung mawawala ang anak ko. 

Naalala ko na naman yung panaginip ko. Hindi lahat dahil panaginip nga 'yon ngunit ang hindi ko makakalimutan sa panaginip na 'yon ay yung kinuha nila si Cassiopeia sa akin. At yung buhay pa si Franco. 

Kung tutuusin, hindi ko nga nakitang namatay si Franco ang alam ko lang ay nasaksak ko siya sa mata at napatumba naman siya ni Anton. Pero totoo nga kayang nasunog na sa apoy na 'yon si Anton? Eh si Jake? Buhay rin ba o namatay na rin? It would do me a favor kung patay na sila. 

"Mommy you're idling, are you okay?" nawala lahat ng iniisip ko ng magsalita si Cassy. Nginitian ko siya, "Yes, darling. Mommy's fine. I'm going to call Tito Anton, okay?" nanlaki naman ang mga mata niya at ngumisi. "You're going to call daddy?" nakangiti niyang tanong sa akin. Napabuntong hininga na naman ako. Gaya ng sabi ko matalinong bata si Cass at matigas din ang ulo. Sinabi ko na sa kanyang hindi niya daddy si Anton pero iniiyakan niya lang ako at sinasabing wala naman siyang daddy kaya si Anton na lang daw 

Minsan nakakapagod din mag explain kaya hindi ko nalang pinapansin. Hindi ko kinocorrect, hindi ko rin naman sinasabing mali, wala lang akong sinasabi. Ganun. 

Pumunta kami sa room namin at kinuha ko ang laptop. Bukas naman ang wifi lagi kaya't okay na. Tiningnan ko ang skype kung open si Anton at nung open napatingin ako kay Cassy saka siya tinawagan. 

Nagring ng nagring hanggang sa sinagot niya pero napasinghap ako ng makarinig ako ng ungol. Agad kong pinatay ang tawag. Walanghiyang Anton 'yun. Sasagot nalang ng tawag yung nakikipag-ano pa talaga? Buti nalang hindi yun narinig ni Cassy kung hindi mapapatay ko si Anton, babalatan ko siya ng buhay at palalayasin sa bahay na ito. Naku naman talaga yung malanding iyon! 

"Mommy, daddy's not answering ba?" nagtatakang tanong niya. Tumango ako, "Daddy's kind of...busy kasi." tumango naman siya habang pinaglalaruan ang rag doll niya Bigla niya akong nilingon, "Mommy can we go to the amusement park?" 

Nginitan ko naman siya. "Of course baby. Anything for you. Prepare lang si mommy." saka ko siya iniwan sa kwarto at pumasok sa cr. Nang makapasok ako sa cr ay nagring ang phone ko at nakitang sa skype pala ang notif na 'yun. Binuksan ko ito at nakitang si Anton pala. Ano naman kailangan nito? 

Anton10496: Bakit ka napatawag. Sorry nabusy lang.  

Inirapan ko ang phone ko bago nagtype. 

DromiCassy: May sasabihin sana ako sa'yo. Nevermind. Sige maliligo na ako. 

Di naman matagal ang naging reply niya kaso I wished hindi ko nalang binasa. 

Anton10496: Ayos 'yan! Video chat tayo habang naliligo ka. 

Di ko na sinagot dahil gago at agad na naligo ng mabilis dahil nag-aantay na yung maliit na tao sa labas. Nang matapos ako nakita kong naguusap si Cassy at Anton sa laptop ko. Tawa ng tawa si Cassy na akala mo'y kinikiliti. Naririnig ko rin ang tawa ni Anton. "Where's mommy baby?" tanong ni Anton na rinig ko naman Tinuro ako ni Cassy saka hinarap ang laptop sa akin. "There," ani Anton at ngumisi inirapan ko naman siya at tumalikod. 

"Cassy, mommy's going to change. Kayo na muna magusap ni Tito Anton." tumango naman si Cassy pero hindi bago niya ako kinorrect. "It's daddy Anton, mommy." 

"Oo, nga naman Andy. DADDY Anton daw kasi." narinig kong saad ni Anton. Napangisi ako saka napailing. How I wish siya na nga lang ang naging tatay ni Cassy at hindi ang traydor na si Jake. Ang Jake na walang ginawa kundi gamitin kaming magkapatid. 

**

"Are you ready?" tanong ko kay Cassy. Kanina pa sila natapos magusap ni Anton at ngayon ay nasa car na kami para pumunta sa amusement park. Nagtatalon naman siya habang yakap yakap parin ang rag doll niya, yung doll na kahit saan kami magpunta o kahit ano man ang gawin niya, hindi niya maiwan iwan. 

"I'm ready, mommy!" tuwang tuwang saad niya. Napangiti naman ako, "Then let's go." saka ko siya isinakay sa child seat sa likod ng car. Nang masigurado kong okay na siya ay sumakay na agad ako sa driver's seat ay agad na kaming umalis. 

On our way papunta sa amusement park ay in-on ko ang radio para magkamusic naman kami. Si Cassy ay mahilig sa music. Napapangiti ako kapag naghuhum siya kapag alam niya yung kanta. Minsan, narerealize ko na nakakatuwa palang maging ina. Kahit pa ba, ako lang at wala akong kasama sa pagpapalaki sa kanya. Ay, hindi pala. Meron nga pala akong mga kasama, mga kasamang hindi ako iniwan kahit anong mangyari. 

Kung tatanungin mo ako kung magiging isang ina ako 6 years ako. Sasamaan lang kita ng tingin at kapag sinabi mong magbabago ang buhay ko at magiging mapag-bigay para sa anak ko ay baka binaril na kita dahil pakiramdam ko noon nonsense ang pinagsasabi mo. Pero what can I say? I've changed for the better. For the best. 

"We're here!" ani ko at kinuha ang ball of energy na kasama ko. Hinawakan kong mabuti ang kamay niya, "Wag kang lalayo kay mommy ha?" tumango naman siya habang yakap-yakap parin ang rag doll niya. 

Pagkapasok namin ay una kaming pumunta sa mga rides na gusto niya tulad ng carousel. Sinakay ko siya sa isang kabayo saka naman ako tumayo sa gilid. Nakangiti siya at gumagawa ng sound na tunog kabayo. "What's this nga baby? Ca...?" 

"Carousel!" 

"Very good!" ani ko at pinugpog ng halik ang pisngi niya. Halos manigas naman ako ng mapasulyap ako sa isang lalaki at nakita ko ang mukha ni Franco. Nang nakangisi. Pinikit ko ang mata ko saka bumalik ang tingin doon. Hindi si Franco 'yun kundi matanda na kasama ang apo niya. Napabuntong hininga ako. I'm being paranoid. Dapat ienjoy ko lang ito dahil kasama ko ang anak ko at ayokong mawala ang mood niya. 

"Mommy! Let's go there!" aniya at tinuro yung ferris wheel. Tumango naman ako at kinarga siya. I'm being paranoid. Too paranoid for my own good. 

**

"Are you hungry?" tanong ko kay Cassy. Tumango naman siya at ngumuso. Natawa ako at kiniss ang cheeks niya. "Halika kunin natin ang gatas ni Cassy tapos bili tayo food. Okay?" tumango naman siya at kumapit ng mahigpit sa kamay ko. Bigla akong kinabahan. Bakit? Damn it, Andromeda! Stop acting like some paranoid shit you stupid woman! 

Hindi pa kami nakakalayo sa bench na inuupuan namin kanina ni Cassy ng may biglang sumabog. Sa gulat ay agad kong nakarga si Cassiopeia na ngayon ay naiiyak na. "Shh..." pagpapatahan ko sa bata. Anong nangyayari? 

Nagkagulo ang mga tao at panay ang takbuhan nila. Sa dami ng tao sa amusment park na ito ay halos hindi na kami magkaintindihan. Maraming bumabangga sa akin pero makapit ang pagkakahawak ko sa anak ko. Hindi pa nakakalapit ang lahat sa gate ng may panibago na namang pagsabog na malapit sa amin This time may tumilamsik na bato sa harap ko kung saan nakaharap si Cassy. Agad akong tumalikod para ako ang matamaan at hindi siya pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay dahil sa pinaghalong pagkagulat at sakit lumuwag ang kapit ko kay Cassy. 

Sapat na para kunin siya sa akin ng hindi ko makita ang mukha na lalaki. Napasinghap ako ng medyo maaninag ko ang side part ng mukha niya. This can't be. "Franco..." nilingon niya ako at nginisihan bago may pinaamoy sa anak ko para makatulog. 

I knew it! My instincts are always right! And I fucking ignored it! 

"Franco, akin na ang anak ko!" sigaw ko pero natatabunan yun ng sigaw ng iba pang tao. Hindi ako makalapit ng maayos sa kanila dahil sa dami ng mga tao. Sa inis ko ay agad kong pinagtutulak ang mga tao. May mahapdi sa likod ko at base sa basa nito alam kong may dugo rin ito pero di ito titigil saakin makalapit kung nasaan si Franco. Bago pa ako tuluyang makalabas ng gate ay naisakay niya na sa sasakyang walang plate number ang anak ko. 

"Fuck, no!" sigaw ko at agad na sumakay sa sasakyan ko saka ko sila hinabol. Kung saan saan lang kami lumiliko and everything is like a deja vu. Yung sa panaginip ko. Ganito rin yun pero doon si Jake ang kumuha sa anak ko. Hinding-hindi ko bubuhayin si Franco kapag nahuli ko siya ngayong tarantado siya. 

Napalingon ako sa kanan ng may prumeno ng malakas. Shit! Nawala na sa paningin ko sina Franco! "Shit!" napamura ako at agad na minaniubra ang sasakyan sa kanan pero nabangga ako sa isang kahoy. Lumabas yung lalaki at lumabas rin ako pero di bago ko kinuha ang baril na nasa bag ko and gripped it tightly. 

Lumabas ang lalaking nakaitim at agad akong tinutukan ng baril but then I know better. Paglabas ko palang ay agad ko silang pinaputukan sa ulo. Yung isa naman ay sa dibdib na may ilang centimetro nalang sa puso. Nahirapan siya huming pero nilapitan ko siya, "Saan nila dinala ang anak ko?" mapanganib kong tanong. Alam kong kasamahan sila. Kung hindi man, wala akong pakialam dahil haharang harang sila. 

"H-hi-indi k-k-ko a-al-a-am." tumango ako at binaril siya sa ulo. Kinapkapan ko siya at tama nga ako. Tauhan nga siya ni Franco. May mga dokumentong nagsasabi at sa cellphone niya ay may pinagusapan sila ni Franco. Di ko naman matetrac ang phone niya dahil putang ina yung tagthree hundred na walang camera ang phone nila. Masyadong mautak, fuck! Sinipa ko ang sasakyan nila at sinuntok ang salamin. Fuck! Saan nila dinala ang anak ko!? 

Nagring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko kanina pa ito nagvavibrate pero wala akong panahong makasagot nakita kong si Ales ito. "H-hello?" basag ang boses kong tanong.  "Ales, kinuha nila si Cassiopeia." walang emosyon ang boses ko pero may piyok. Di ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Shit, sa dami ng galit sa akin ni Franco baka kung ano ang gawin sa anak ko. Anong laban ng two years old? 

"Yun nga dapat ang sasabihin namin Andy kaso di ka sumasagot. Andy, nakita namin si Jake kanina. Narinig namin buhay pa daw si Franco. And they're talking about you." 

Continue Reading

You'll Also Like

265K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
209K 6.5K 63
"Kuya? Ano yung hentai? Pinag-aaraalan ba yun? Turuan mo nga po ako. " - Yuin Quinzel nakamoto yuta | 091316-021317 | nct chat series [ COMPLETED ] ...
3K 111 25
Jazz was being kidnapped by New People's Army 5years ago. She was mistakenly thought that she was the daughter of Col. Lopez. Through her staying in...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...