Magical Smiles

By candyshaa

798 11 11

There are many things in life that comes unexpectedly. Masasabi mo bang inlove ka na sa isang taong napakatag... More

Magical Smiles

Magical Smiles-Part 2

212 4 2
By candyshaa

15*****

“I love singing with you.”

Gusto kong mainis dahil sa sinabi niyang yun pero di ko nagawa. Sa totoo lang, natuwa ako sa sinabi niya. Ganun din ako eh. Di ko alam kung bakit.

Nung ka-duet ko siya, bigla nalang lumakas ang loob ko. Nung ka-duet ko siya, bigla nalang gumanda ang boses ko. Nung ka-duet ko siya, parang kinanya ko lang ang stage, inenjoy ang lahat at di inisip na may mga taong nanonood samin. Basta, I enjoyed the moment and feelings came out naturally. Walang practice yun ah!

-- MAGIC?!

Pero ano ba ‘tong pinag-iiisip ko? Asungot yun, heller?! ERASE. ERASE. >_<

“O ano, Miss Sungit? Tara sa cafeteria. Libre kita, nagambala kita sa pagkain mo kanina eh.”

Wala akong naisagot. Sumunod nalang ako sa kanya. Di ko pa rin makalimutan yung kanina. Sabihin nyo, may kaluluwa bang sumapi sakin kanina?

“HOY!”

“Best! Nakakagulat ka naman!” Si Janice. Hinug niya ko.

“Grabe ha, ang galing niyo kanina!” Napanood niya?!

“Nandun ka best?!” Di ko siya nakita sa audi ah..

“Aba’y oo! Enjoy na enjoy ka kasing ka-du.. ah, kumanta eh, kaya di mo ko nakitang pumasok! Sakto kaya, pagpasok ko, nakanta na kayo. Ang galing mo! At ikaw rin lalo, Migz.^^ Astig kayo ha!”

Naku, may muntik pang may masabi itong bruhang ‘to. Nga pala, naikwento ko na kay Janice si Miguelito – na siya yung lalaki sa mall, sa jeep, yung asungot na katabi ko, yung nakabuntot sakin sa uwian.. Kaya siguro may hinala ito na nagkakagustuhan kami. NYEEH.

“Thanks.:)” Nagpasalamat si Miguelito sa bespren ko.

“No problem. :) At bakit nasa stage ka rin kanina, beh? Masyado mo na atang sinusuportahan yang FRIEND mo, nakakaselos na ha! :)))” Di ko feel na nagseselos siya. Mas na-feel ko na inaasar niya ko.

“Ah, nirequest ko kasing maka-duet siya. ” Naku, Miguelito. Buti nalang inamin mo!

“At pumayag naman si best?! ;))))” Todo ang smile ng bruha.

“Hoy, napilitan lang kaya ako noh..si Sir Christian kasi..”

“Weh? Ano namang nakaktakot kay Sir? E ang bait-bait nga nun eh.”

“Pero sa totoo lang, gustong-gusto rin naman niya ang duet namin. Sabi niya sakin, na-enjoy daw niya talaga!” Anong sabi mo, ASUNGOT??!!

“Wala akong sinabing-“

“UUYY, SI BEST! AHAHAHA! Bagay kayoooo!” Ano na naman, JANICKA DELAFUERTE?!

“Pambihira, duet lang yun! Anong bagay-bagay??!!”

“Ganyan talaga siya, Janice. Mahilig mag-deny. Pagpasensyahan mo na.” MUKHA MO, ASUNGOT! Feeling mo, antagal na nating magkakilala ha?! FYI, Mas matagal na kaming magkakilala ni Janice!

“Ewan ko sa inyong dalawa! Pag-uumpugin ko kayo eh!” Nagwalk out ako.

“Sige Migz, go na! Sundan mo na ang bestfriend ko.. She needs you.” Tama ba yung narinig ko?! GRRR. Anjan naman ang iba kong girlfriends, noh!

Dumiretso na ko sa cafeteria. ASAN SILA? Kahit iba kong classmates, wala na! Tumingin ako sa relo ko. Oh men, 10:38 na pala! We’re 8 minutes late! Ayos lang sana eh.. pero kasama ko kasi ‘tong si Miguelito. PATAY. Nakakahiya!

“Tara sa taas, late na tayo!” sabi ko sa asungot.

“Ganun ba? Hindi ba okay lang, galing naman tayo sa auditions eh.”

“IKAW lang ang nag-audition. E ako? Baka kung anong isipin nila..”

“E ano naman? Sabihin mo, sinoportahan mo ‘ko.”

“AYOKO NGA. Duh?! Kung ayaw mo pa, mauuna na ‘ko. Bakit nga ba niyaya pa kitang bumalik sa classroom?”

“Ayan ka na naman, nagsusungit ka na naman sakin. Sana lagi na lang kitang ka-duet, para makikita ko lagi ang mga magaganda mong ngiti. :))” HAH?

“CHE! Wag ka ngang corny!” Nasa may tapat na ako ng classroom.

“Ako muna ang papasok ha, tapos, pagka mga 3 minutes na, pumasok ka na rin.” Sabi ko sa kanya.

“Bakit?”

“Basta, ayokong kasabay ka. May klase na kaya.”

Pumasok na ako. Pinagtago ko siya. Pero, bwiset, pasaway talaga ‘tong mokong na ‘to! Sumunod pa sakin! Sinenyasan kong lumayo siya pero huli na ang lahat. Bukas na bukas na ang pinto.

“AYIIIEEE! Sabay sila!” Ito na nga bang iniiwasan ko eh!

“April, Miguel, why are you late?” tanong ni Sir John, ang Calculus teacher namin. Patay naman oh!

“Ah, we came from the auditorium Sir,I joined the auditions.” Sabi ni Miguelito. Naku, buti nalang nagsasalita ka!

“Oh I see. For theater arts club? Then why is April with you?” Oh men, lumakas pa ang hiyawan ng sambayanang Pilipinas. Ano, kinikilig na naman sila?! RAAAR. Di ko alam ang sasabihin ko kay Sir..

“Sir they sang together! Spectacularly awesome yun Sir!” sabi ni Maron. Andun din sila kanina? Di ko rin nakita? Ano ba yan, sinapian nga ata ako kanina eh!

“Uhm. She joined me Sir, to guide me to the auditorium. I asked for her help Sir.” WHOO! Thanks Miguelito. Buti nalang sinabi mong ‘I asked for her help.’ Kundi, nakuuu!!

“Okay. Now sit down.” PHEW. Naku, first offense pa naman yung pa-late-late sa klase! WEW.

Umupo na ako. Nakangiti si Dylan sakin. Pero this time, di ako natuwa kasi alam ko ang dahilan kung bakit niya ako nginingitian ng ganyan. PWEDE BA?!

Afternoon na.

Wooh. After ng pagkakasabi ng last teacher namin ng, ‘Take care, class,’ kinausap ko na agad si Miguelito.

“Wag mo na akong sasamahan pag-uwi ha! Yung sinabi mo sakin!”

“Yeah, yeah, Miss Sungit! Don’t worry. Pero pwede bang..”

“Ano? Hihirit ka na naman?”

“Pede bang samahan kita hanggang gate lang?”

“Kasama ko ang mga friends ko.”

 “Bakit, di mo ba ako friend?”

“Gusto ko babae!”

“Dali na. Ipagbubuhat ko kayo ng bag.” HMM. Nice idea! Ipabubuhat ko sa kanya lahat!

“Okay, sure. Girls, si Miguelito daw, ipagdadala kayong lahat ng bag. :)))”

“Hah, ah eh-”  Si Asungot, nag-aalangan!

“Let’s go girls! Iwan na natin kay Asungot yan!” HAHA. Bruha ko talaga!

“Okay, thanks Migz! :D” sabi nila.

Tulad ng lagi naming ginagawa pag uwian, habang pababa sa hagdan, paglabas ng pinaka-building at pagpunta sa main gate, chika-chikahan lang kami. Pag lumilingon ako kay Miguelito na nasa likod namin, NATATAWA nalang ako. AHAHA! Di makayanan ang dami ng dala!

“O ito na ang mga bag ninyo, mga senyorita!” Pabagsak na nilapag ni Miguelito ang mga bag namin. Aba, nagrereklamo pa ata?

“Thanks Asungot! So do you still feel alright? XP ” I said sarcastically. Nyahaha. Ipagbubuhat daw kami ha.

“Panalo ka ngayon, Miss Sungit. Bahala ka, pagsisisihan mo ‘to!”

“Whatever, loser! XD” Ano naman kayang pagsisisihan ko? Nakakatakot ah. WUHAHA.

“Ingat ka nalang sa pag-uwi ha. Di kita masasamahan eh.” Sabi niya in a sincere voice. Akala ko ba naiinis na siya?

16*****

Kinabukasan.

Yeah. :D  Magiging maganda ang araw kong ito. Alam kong super sasaya at tatahimik na ang buhay ko. ^_^

ABSENT KASI SI MIGUELITO. ;))))

Ewan kung bakit absent yun. Lahat nalang ng classmate ko, sakin tinanong! Malay ko ba naman, ako ba nanay niya?!

Pumunta ako sa locker room, kasama sina Rox. Kukunin namin yung gamit namin for the first class.

“Girl baka naman kaya absent si Migz, dahil sumakit ang katawan sa pagbubuhat ng bags natin..” sabi ni Connie.

“Sus, ano bang laman ng mga bag natin? Bato’t semento ba? OA naman niya kung ganun!”

Hmm. Bakit nga kaya absent yun? Di man lang nagpadala ng excuse slip.. Alam naman niya siguro na dapat laging may valid reason ang pag-absent, kasi pag walang excuse slip, magkakarecord siya sa guidance. Hanggang 2 beses lang papayagan yung ganun at kung makalampas, first offense na. Teka. BAKIT BA KO CONCERNED?!

At isa pang teka. Kanina pa ako halukay ng halukay sa bag ko. NASAN NA BA YUNG ID KO NUNG THIRD YEAR?!! [Dun ko kasi sinasabit ang susi ko sa locker. At sinabit ko sa ID para madaling makita.]

“Tara na!” Nagyayaya na si Lei. Teka lang naman!

“Girls wait. Di ko makita yung susi ng locker ko!”

“WHAT THE FISH??!!” sabay sabay pa sila. Tulungan niyo nalang kaya ako!

“Dito ko lang naman yun laging nilalagay diba? Nagtataka naman ako’t biglang nawala!”

Connie: “Omai, April. Ano ba yan! Sure ka ba talagang jan mo lang naiwan?”

Lei: “Naku. We need to see it immediately. Malapit na ang time.”

Rox: “Naku girl, baka kung saan nalaglag. Baka sa cafeteria. Sa classroom. O kaya nung naglalakad ka pauwi..”

Lei: “Maki-share ka nalang muna ng books kay Dylan. Tutal, seatmate mo naman. Tara na, ayokong ma-late!”

Kanina pa atat na atat ‘tong bruhang ‘to. Pero ayos ang idea niya ha. Maki-share? Kay Dylan? May positive side din naman pala ang pagkawala ng susi eh! :DD

Sa klase.

English ang first subject.

“Now, turn your books on pages 30-31 Answer excercises A-B. Start now.”

Ang rule - pag wala kang book, sa note book ka magsasagot. HIHI. Nagkaroon tuloy ako ng dahilan para tumabi nang malapit sa crush koo.:))

At dahil bawal magtagalog kapag time ng English,

“Ah Dylan, can I share with your book?”

“Sure.You left yours at home?” Inisod ko yung armchair ko much closer to him. :))

“Nope. I left it on my locker. Now, my keys are missing, that’s why. I always leave it inside my bag. I’m really wondering where it had been.”

“Aww. That sucks. You sure you left it on your bag?”

“Uhuh.”

“Oh. Maybe it accidentally dropped somewhere. I’ll help you find it later.” Wow. That’s what I like about him. He’s so kind.^^

“Oh thank you! You’re so nice, Dylan. :D”

“Don’t mention it! Call me a friend.:)” AAWW. Di ba matagal na naman tayong friends? ;)

I smiled at him. He smiled back. ANO BA ‘TO?! He made my heartbeat faster once again. :)) He’s so cute! Kinikilig ako!

 (-^_^-)

Alam kong nahirapan siya sa pagsagot. Syempre, binabasa ko tapos sinusulatan niya. Pero di siya nagtakip ng answers niya, alam naman niyang di ko kokopyahin eh. Napaka-gentleman talaga nito! =))

And guess what? Perfect ako! Inspired ba naman. XD Si Dylan, may isang mali. Oh kitams, di ako nangopya!

Breaktime.

As usual, I’m with my girlfriends, ang kasama ko palagi pag kainan. Nagulat na lang ako nang biglang lumapit sa table namin si Dylan.:)

“April,” inabot niya cellphone niya. “isave mo naman jan yung number mo.:)”

WOW. :D OMAI LOLA. Si Dylan? Kinukuha ang number ko? Text mate? Call mate? AHAAY!^.^ Nakakatuwa! :)))))

“Bakit? :)” Nako, todo smile na man ako eh! Pero hinay-hinay April, wag ipahalata!

“Wala lang, gusto ko kasi may number ako ng lahat ng classmates natin eh.” Ow ganun ba. (-_-) Feeling naman si April. 0_o

Sinave ko yung number ko. Inabot ko rin sa kanya yung cellphone ko para mai-save niya yung number niya.

“Ako Dylan, di mo hihingiin ang number ko?” Tanong ni Roxanne.

“Wala pa ba akong number mo?” Tapos hinanap niya ata sa phonebook niya.

“Naku Dylan, ganyan ka na, kinakalimutan mo na ‘ko..” Haha. Nagtampo ang bruha. XP Pero pabiro naman yung tono niya.

“Ah, wala pa nga. Geh isave mo.” Inabot niya kay Rox ang CP niya.

“Naku, kung di pa hinanap, di mo malalaman!” Sinave naman ni Rox.

Bumaling naman si Dylan sakin. “Ah, April, nakita mo na yung susi mo?”

“Nah. Di pa eh. Pinaalam ko na sa Lost and Found.”

“Oh that’s great. Tiningnan ko sa auditorium.. Nagtanong din ako. Wala daw silang nakita eh.” Wow, nag-effort talaga siya? :)))

“Wow, Dylan! Dapat di ka na nag-abala. Salamat ah!” Yiiee! Pinag-uukulan niya ng oras yun! ^_^

”Wala yun. :D Geh!”

“Geh! Thanks.:)” Nakakatouch naman siya! :))

Bumalik na siya sa table nila. Andun yung mga dabarkads niya.

“OOOW. Men, nakadalawa ka pa! Nuestro, garnering TWO points!” Narinig ko kina Carl. Anu kaya yung pagkuha niya ng number, consequence lang?

17*****

Balik sa klase.

Naki-share na naman ako ng ibang books kay Dylan. Daming kilig moments!^.^  Lalo na nung time ng Filipino, syempre, sinusundan namin yung pagbasa ng selection. :) Lagi niyang inaalala kung nahihirapan na ba ako sa posisyon ko sa pagbabasa. Ang sweet! :)) Mas nilalapit pa niya yung libro niya sakin kesa sa kanya eh! Mukha tuloy siya yung nakiki-share..

Lagi kaming ngiti doon, ngiti dito! Grabe, ang gwapo-gwapo niya talaga! :) Makita ko palang yung ngiti nia, ULAM na eh. Tapos, malaman ko pang AKO yung nginingitian niya? Grabe, EMPACHO na ‘to! XDD.

Yes! THANK YOU LORD! :DD Saya saya ko po! :)))

Uwian.

Naalala ko si Miguelito. Nakakamiss din pala pag walang nangungulit sakin. Nasanay na kasi ako sa asungot na yun e. Ganito pala pag absent siya..

Pero mas masaya ang buhay noh, pag wala siya! Walang gambala sa mga moments ko with Dylan.:) Lagi kasi yung bigla nalang tatawag ng ‘Miss Taray!’ kapag nag-uusap kami ni Dylan eh!

Pagdating ko sa bahay..

Ate Lara (yung katulong namin):“April, may nagpapabigay nito sayo.”

WHOA. Yung 3rd year ID ko. :D With my LOCKER KEYS! Wow naman! Now I have NO PROBLEM.:)

“Te sinong nagbigay?” HEEHEE! Si Dylan kaya? Pero imposible naman..

“Kaklase mo daw siya. Narinig ko lang eh. Matangkad na lalaki, maputi, medyo mataba. Sa Mommy mo yan inabot. Sila rin ang nag-usap. Pero nagtaka naman ako, bakit di siya naka-uniform..”

Matangkad? Maputi? Medyo mataba? Hindi naka-uniform? Si Miguelito yun ah! Siya lang naman ang kaklase kong absent kanina. At ang CHUBBY nun.^^ Cute na sana siya eh, kainis nga lang. O_o

E pano kaya niya nalaman.. ay OO NGA. Ang address ko, nasa ID! Patay, alam na niya kung san talaga ko nakatira. Tapos nag-usap sila ni Mommy? Ano naman kayang pinag-usapan nila? At pano napunta sa kanya ‘to? Hay, yung ASUNGOT na yun talaga oh!

“Ah. sige salamat, ‘te! Alam mo bang pinroblema ko ‘to kanina! Akala ko ipapagiba na yun locker ko para lang mabuksan. Buti nalang bumalik!:)”

Tumaas na ako at hinanap si Madir. Gusto kong tanungin kung ano ang pinag-usapan nila nung asungot. Pero, tulog siya. Pagod na naman siguro sa trabaho. Next time na nga lang, may assignments pa ko. Teka.. HUHU. Yung mga libro ko? Bahala na nga, sa Internet nalang maghanap at magbasa!

Umaga.

Papasok na kaya si Miguelito na yun? Kailangan niyang magpaliwanag sakin! :/

“Good morning Miss Sungit, did you miss me? XD ”

Ano ba yan, pambungad sa gate! What the?! Nag-effort pang abangan ako para mang-asarr! Nauna pa siya sa guard ha! Di ba dapat iche-check muna kung may ID kami?

“Tabi nga!” My gooodnesss naman oh. Panira ng umaga. :|

“Miss Sungit, let me take you to your – ah, our room! :)” MUKHA MO!

“CHE! Don’t walk with me! Ayokong nakikita ng iba na magkasabay tayo!”

“Feeling mo naman, sobra kang sikat para magka-intriga dito.. Ano ba, smile naman jan, binati na nga kita ng ‘Good Morning’ eh! Gusto mong ulitin ko? Goo-“

“Shut up! Wala nang iginanda ang morning ko. Ikaw ba naman yung una kong nakita!”

“Hay, morning na morning ganyan ka. Mornings are gift from God, He made it for us to have hope to continue living, knowing na may chance pa tayo to improveour bad yesterdays. Wag mong sayangin ang umaga mo sa pagsimangot at pagtataray. Smile! Gayahin mo ‘ko!”

AWTS. Tinamaan ako. Tama siya. Sorry Lord. :] Okay, pagbibigyan ko na ‘tong isang ‘to. Ngumiti na ako. :)

“Ayan.:) Ang ganda-ganda mo pa naman. Sana lagi kang ganyan. Para di na Miss Sungit ang tawag ko sayo.” Aaw. Nakakatouch din naman siya kahit papaano. =) Pero di ako dapat magpadala, alam kong may kasunod laging pang-aasar yan.

“Alam mo, naiisip ko tuloy, araw-araw may menstrual period ka!” ANAK NG TOKWA. Sinasabi ko na nga ba. HMMP!:/

“Alam mo, dahil yun sayo! Mataray ako gawa mo! Lagi ka nalang may pang-asar e noh? Bakit ba lagi ka nalang ganyan sakin?!” Kainis.

“O, high blood ka na naman! Iniisip ko lang yun, alam ko namang hindi totoo eh! Gusto mo talagang malaman?”

“Oo. Itatanong ko ba kung hindi?!!” Grrr.

“E kasi, ang cute-cute mo pag inaasar ka. Malamang narinig mo na ‘to sa iba. Pero promise, totoo, cute ka. Nakakatuwa kasing tingnan yung iba’t-ibang facial expressions mo! Ang orig eh! Sayo ko lang nakita. Na-amaze naman ako.:)” Ano ba ‘to? Trip lang niya? Ay nakoo..

“Pwede ba, di mo ko madadaan sa pambobola mo.” Nag-blush ata ako? Ano ba, ayokong mahalata!

“Ok, ayos lang kung di ka maniwala. Basta ako, sinasabi kong cute ka. Sa totoo lang, ang ganda ganda mo nga eh. Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita ko na sa personal, maliban sa mommy ko. Di kita niloloko. Promise, open my heart, swear to God. :)” Ano namang kinain nito at ganito ang pinagsasasabi sakin?

“Mukha mo. Kinikilabutan ako sayo. May sakit ka pa ata eh! Dapat di ka muna pumasok!” BLUSH.

Nasa may room na kami. Pumasok na kami ni – ay kasama ko nga pala siya! Pagpasok sa room? Ano ba yan, di ko na napansin! Abot tengang ngiti na naman ng mga kaklase ko ang nakita ko. May meaning na naman yun. Ano ba yan!

“Sa sobrang pagka-miss nila sa isa’t isa, nagsabay na sila sa pagpasok sa school! XD” Loka ‘tong si Marj. Tawanan ang madla. Walanjo.

“Hay nako, ewan ko sa inyo! Kayo talaga, nagkasabay lang kami sa gate!” Hay kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko.

“Oo, na-miss ko siya. Inabangan ko talaga siya sa gate. Pero parang di niya ko na-miss.” Miguelito naman! HAAY. Issue na naman ‘to! Pero ang ikinatutuwa ko sa kanya, pag ganitong mga sitwasyon, di niya ako ipinapahiya. :)) He tells everybody the truth. Tulad ngayon, siya naman talaga ang nag-abang sakin kanina.. di kami nagplanong magsabay pumasok.

“Oh men, may nakalimutan ako!” Bigla nalang siyang napasigaw. Minsan, nakakagulat din yang si Miguelito. Lumabas agad siya ng room. Ano naman kaya yun? Ilang minutes nalang, start na ang classes.

18*****

Uwian.

No sign of Miguelito. Yes. Makauwi na nga! XD

“Miss Sungit! Wait for me!” Hay nako, nakita pa rin pala niya ko. Tssss.

“O bakit, di ba may usapan tayong di mo na ko sasabayan pag uwian?” Nakakalimot ata ito!

“Sinabi ko bang ARAW-ARAW? Dali na, di na kita sinabayan nung isang araw. Tapos kahapon, absent ako. Oh ngayon, pwede na!” Hay bwiset. Bakit ba kasi ako pumayag agad! Nadaya ko nito ah.

“I hate you. Asungot ka talaga!”

“Well, you should be thanking me. You got your locker keys back, because of me!”

Oh yeah. This is what I totally wanna know why.

“Paano ba yun napunta sayo ha?”

“Secret. :P AKO PA!”

“Wag ka na ngang sumabay sakin, KAHIT KELAN!!”

“ Okay, Miss Sungit! Sasabihin ko na!Habang naglalakad tayo.”

Pumayag na ‘ko.

“Pinagdala mo ako ng sangkatutak na bagahe nung Wednesday, Di ‘ba.. Dun ko nakuha-“

“Snatcher!”

“Hindi noh! Nalaglag kasi! Pero dahil pinahirapan niyo ako, lalo ka na, gumanti lang ako! Pasalamat ka, binalik ko sayo nang kumpleto, aangkinin ko na sana yung ID mo eh!”

“Nyay.. pinagnanasahan!”

“Feeling ka naman, Miss Sungit!.. Owhow. Alam ko na nga pala kung saan ka nakatira! Ikaw, nililihim mo pa sakin! Ambait-bait naman pala ng Mommy mo.. Pinayagan nga niya akong ihatid ka araw-araw sa pag-uwi eh!”

OH MEN! Mommy?! “Ano pang ibang pinag-usapan ninyo ng mommy ko?”

“Ikaw.^^ Close na nga kami eh, andami ko nang nalaman tungkol sa inyo. :)”

“Sus, feeling close ka lang! At bakit ka nga pala absent kahapon? Wala kang excuse slip.”

“Ah, di na ko nakasulat. At tsaka kailangan ng parent’s signature e ang parent ko, isinugod ko sa ospital nung gabi! Dun na ko natulog. Kaya ako umabsent.”

 “Ha? Sino? Bakit?” Anong meron?

“Yung nanay ko. Nanghihina na kasi siya. Alam kong may mali sa kanya. At.. na-diagnose na may cancer siya.”

“Aaw. Cancer? Anong klase?”

“Sa blood. Leukemia. Stage 3 na pala.” Anlungkot-lungkot ng mukha niya ngayon.

“Oow, nakakaawa naman ang mommy mo. Pero ikaw, parang ngayon ka lang naawa. Ngayon mo lang ba siya naalala nung tinanong ko? Di kasi halata kanina,it seems like you’re so much happy about it! Look Miguelito. She’s your mom!”

Hinarap niya ako. Mata sa mata. Kinabahan tuloy ako. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito e. Super serious. Nagalit ata siya sakin. :( Ansakit ko kasi magsalita.T_T  Napayuko tuloy ako.

“MAHAL KO SIYA! MAHAL NA MAHAL KO ANG NANAY KO! KAYA WAG MO AKONG PAGSABIHAN NG GANYAN, DAHIL WALA KA NAMANG ALAM TUNGKOL SA BUHAY KO!”

Ouch. I’m so sorry. :’(((

“Sorry.” Si Miguelito yun. Inunahan pa kong humingi ng tawad?

“Ah, ako nga dapat ang nagsorry eh. Migz, sorry sa mga sinabi ko.”  Hinawakan ko nang mahigpit yung kamay niya. “Sorry. Sorry.” Naku, tutulo na yung luha koo. T_T

“Migz, sorry talaga, di ko sinasadya. Wag ka nang magalit sa-“

Oh my, niyakap niya ko.

Hinahawakan niya yung buhok ko habang sinasabi niya saking “Alam mo, kanina ko pa tinatago yung lungkot na nararamdaman ko. Pinipilit ko lang maging masaya! Alam mo ba kung gano kasakit para sakin yung nalaman ko?! Siya nalang ang pamilya ko, tapos ngayon, malala na ang sakit niya. Ayoko nito! Ayoko! Hindi ko matanggap!” Umiiyak na siya. Tumutulo yung luha niya sa balikat ko. HUHU. Naluluha na rin ako. T_T

Inalis niya yung pagkakayakap niya sakin. Ang sabi niya, “Alam mo, buti nalang nandito ka. Ikaw lang ang napagsabihan ko nito. Gumagaan yung loob ko. Salamat, Kate. Salamat talaga.”

Kate? Siya lang ang tumawag ng ‘Kate’ sakin.

GOODNESS. Umaagos na yung luha ko! Nag-iiyakan kaming dalawa! Ano ba ‘to drama?!

“Hoy Asungot, wag na wag mo lang sasabihing drama mo lang to! Sasapakin talaga kita!”

Napangiti ko siya. :) Ayan, that’s better. Di ko ma-take na malungkot siya eh, nalulungkot na rin ako. He’s been a great friend to me, kahit parati kaming nag-aasaran. Maaasahan naman siya eh. Thoughtful. Masayahin. Minsan, parang siya yung nagiging konsensya ko. Mabait din siya, madalas nga lang naiinis ako sa kanya. Pero ngayon, magiging isang mabuting kaibigan ako para kay Miguelito. Mommy nalang pala niya yung family niya. Super lungkot talaga ng mga pangyayari.

Pinunasan niya ang luha ko at luha niya at ngumiti sakin. Ang cute niya pag ngumingiti. Gusto ko, lagi lang siyang ganyan. :))

Nakita namin yung nagtitinda ng ice cream. Niyaya niya akong kumain. Sakto at nasa tapat kami ng playground, tumambay muna kami. Konting hakbang nalang, andun na kami sa bahay namin. E yung itsura ko, pulang-pula ang mata. I don’t want them to see me like this.

Umupo kami sa bench.

Nagtawanan lang kami. Asaran ulit. Pinabayaan ko siyang asarin ako para malimutan niya uli yung lungkot niya. And guess what, pati mga sarili naming kadramahan kanina, pinagtawanan namin. Ang weird nga eh. AHAHA. Natutuwa lang ako kasi napapagaan ko yung loob niya. :D

“Nga pala, natouch ako kanina sa paghawak mo sa kamay ko. :))” Ano?!?! Bakit pa niya pinaalala?

“Sincere lang ang pagso-sorry ko, natakot kasi ako. Akala ko galit ka.”

“Natutuwa talaga ako sayo! Ang bait-bait mo na sakin! :D Alam mo, ikaw pa lang at ang mommy ko ang babaeng humawak sa kamay ko!”

“CHE! Di na yun mauulit noh! Syempre naman, dinadamayan lang kita. Nakakalungkot kaya yung nangyari sa mommy mo! Kahit di ko siya kilala, naaawa rin ako. At dahil dun lang!”

“AAW. Kasi nga nanay ko siya. Kaya ka nagkakaganyan. :) Super concerned ka lang kasi sakin, aminin mo nalang!”

“FEELING KA! Pweh!” Binatukan ko siya. :P

“Hoy, bumalik ka nga rito!”

19*****

Nagtatakbo ako papunta sa bahay. Para akong elementary. XD

Pagdating ko, nagsisigaw ako. “Mommy! Mommy!”

Ewan. Bigla akong naging hyper. Humahabol si Miguelito. Nakarating na siya sa gate namin.

“Oh Miguel, nandito ka na pala!” MIGUEL?! E ako? Di ba niya ako nakita?!?! Ouch naman oh! :/

“Ah ganyan ka na mommy! Di mo na ko pinansin!” Nag-emote ako. Nag-belat si Asungot sakin. Hmmp!

“April naman, siyempre nakita kita.:) Nanghiram kasi ako kay Miguel ng VCD kahapon.” Buti pa yung VCD, naalala. :|

Pero teka? Sa sobrang pagiging close ba nila kahapon, pati mga ‘dream movies’ ni Mommy, napag-usapan na nila, kaya ngayon, nakapanghiram na siya? Ano bang meron sa Asungot na ‘to?

Pumasok na ko sa bahay. Si Miguelito, pinapasok ni Mommy. Sila na naman ang nagkwentuhan. :[ Umakyat ako sa kwarto ko para ilapag yung bag ko at magbihis. At pagbalik ko sa baba, pumunta ako sa salas para malaman ang pinag-uusapan ng dalawa.

“Alam mo Miguel, may kamukha ka eh..” Si Mommy talaga, kung anu-ano na.

“Sino po? Artista ba? :)” Feeling na naman ito!

“Yung kaklase at kabarkada ko nung high school.. Napansin ko na yun kahapon eh, di ko nga lang nasabi sayo. Erika ang pangalan niya. Special sakin yun kasi ang daldal nun sa classroom dati. Wala na nga akong balita doon eh, wala pa kaming reunion.”

“Erika po? Ano pong apelyido?”

“Ladivar.”

“Nanay ko po yun.” Ah. Yung maysakit niyang mommy..

“Oh di nga?! Kaya pala kamukha mo talaga eh! Torres ang apelyido mo ano? Mayaman pala ang napangasawa..”

“Saan niyo naman po nakuha yung mayaman?” Napapangiti si Miguelito.

“Aba, sikat kaya iyan! Malaki rin ang kumpanya ng mga magkakamag-anak na Torres..”

“Ah, kasama nga po kami dun. Kaya lang po, di ko itinuturing na isa akong Torres. Hiwalay na po ang parents ko, at sumama po ako sa nanay ko.” OH. Separated pala. Kaya naman pala mommy nalang niya ang pamilya niya.

“Hay, ang saklap naman ng nangyari kay Erika. Sya nga pala, how’s she? Gusto ko siyang makita.:))” Ngiting-ngiti pa si Mommy. Nag-iba na naman ang mukha nitong si Miguelito. Di siya nakapagsalita.

“She’s in the hospital, mommy. Kinwento sakin ni Migz.” Nakisingit na ko sa usapan nila.

“Oh bakit?”

“May cancer po siya. Leukemia. Stage 3 po.” Super lungkot ng pagkakasabi niya nun.

“What? Kanina lang sinabi mo, your parents got separated. Now your mom has cancer? Buti nalang, di halata sayo Miguel. Napakamasayahin mong bata. Bibisitahin mo ba ngayon ang nanay mo?”

“Opo. Pagkagaling ko po dito.”

“Naku, siguro hinihintay ka na niya. Ihahatid na kita sa ospital, Miguel. I wanna see Erika.”

“Salamat po. Kate, sama ka?” KATE. Naantig na naman ako.^^

“Sasama ako. Gusto ko ring makita ang mommy mo.”

Sumakay na kami sa kotse. Mom drove the car.Wow, kami pa ni Asungot ang naging dahilan para magkita ulit ang dating high school classmates. Nakakatuwa. :)) Naikwento na rin sakin ni Mommy yung mommy ni Miguelito. Nung 2nd year daw sila, parati silang magkadaldalan.

Nung nakarating kami sa ospital, nakita ko yung mom niya. Ampayat. Halatang may sakit siya. Pero ang ganda pa rin niya. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Miguelito sakin na ‘Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita ko na sa personal, maliban sa mommy ko.’ No wonder kung bakit niya nasabi yun. Her mom’s really lovely. Mas maganda talaga sakin.

“Ma, nandito na po ako.” Miguelito kissed his mom’s hand. Ang sweet niya palang anak. Bihira sa mga binata ang ganyan pa rin sa nanay nila.

“Andito rin po yung kaklase ko, si Kate po, tsaka si Tita Jenny. Naaalala niyo pa po ba siya?” Pinakilala na kami ni Miguelito sa Mommy Erika niya.

“Erika! Ngayon lang uli kita nakita. Ano bang nangyari sayo?!” Si Mommy yun. Aaw. Nag-hug sila. Tuwang-tuwa sina Mommy at Tita Erika. :) Natutuwa rin naman ako. Nag-smile sakin si Miguelito.

“Pano mo nakilala ang anak ko? :D” tanong ni tita Erika kay Mommy.

“Magkaibigan ang mga anak natin. Classmates sila ngayon.”

“Naku, buti nalang inilipat ko ng school si Miguel! Kundi, baka di na kita nakita, Jenny! Ang ganda ganda mo pa rin, parang dalagang dalaga!”

“Ikaw rin naman ah. :) Parang namayat ka lang...”

Nag-usap lang ang mga mommy namin. Andami nilang kwento eh!

“Ang ganda ng mommy mo.” Sabi ko kay Miguelito.

“Syempre. ;)) Ang mommy mo rin. Kamukha mo. :D” Pinisil pa niya yung pisngi ko. “Nakakatuwa noh, dahil sa ‘tin, nagkita sila. Salamat, dahil nakilala kita. Naging hyper tuloy ang mommy ko oh!”

I smiled at him. “Oo nga eh. Naikwento na siya ni Mommy sakin.Magkadaldalan daw sila lagi noon.”

“Hanggang ngayon nga eh! Haha. :O Teka, papakilala kita.”

Lumapit siya sa mommy niya. Nakangiti sakin si tita Erika. :)

“Ma, si Kate po. Ang bestfriend kong babae sa school. Alam mo mommy, ang bait-bait niya!” Nakakatuwa naman yung pagpapakilala niya. Itinuturing niya akong bestfriend? ^_^

“Oh ikaw pala yung naiikwento sakin ng anak ko. Ikaw daw yung sinasamahan niya pag-uwi di ‘ba? Ang ganda mong bata. Mukhang may gusto sayo ‘tong anak ko.” HAH?! Ano daw?!

“Ma naman..” Hay. Kinontra naman ata ni Miguelito. :)

“Aba anak, wala ka pang pinapakilala saking babae sa bahay! Kelan ka ba magkaka-girlfriend? :)” Nakakatawa naman ang biro ng mommy niya. Di pa pala nagkaka-girlfriend itong mokong na ‘to.

“Bakit mommy, gusto mo na bang ipagpalit kita agad?” Hinahawakan ni Miguelito ang noo at buhok ng mommy niya. Kumiss pa siya. ANG SWEET.:)) Nakakatuwang tingnan.^^ Talagang love na love niya ang kanyang nanay.

“Di pa nagkaka-girlfriend si Miguel? Naku e itong si April, single din! No boyfriend since birth! Ano Erika, pwede ano?” ANO MOMMY?!?! Bakit mas atat pa kayo?

Kumunot ang noo ko. Si Miguelito, medyo napapangiti. Nakakainis! Ano ‘to, pinagkakasundo kami? AYOKO NGA. Di bale kung sa crush koo. ;)))

“Mommy naman, bata pa ko.” Sabi ko.

Napangiti lang sila. “Oo nga, kailangan pa namin ng panahon.” Dagdag naman ni Miguelito. Iyan. Tama lang yan.^^ Nakakailang naman ang usapang ito..

Buti nalang napapansin ni Mommy na gumagabi na. Malapit nang umuwi si Dad. Gusto lagi ni Mommy na sinasalubong niya ang kanyang sweetheart eh. Mas maaga kasi lagi ang uwi ni Mommy kesa kay Daddy.

Nagpaalam na kami. At may mga last messages pa ang motherhood ko.

“Erika, get well ha. Nakakaawa si Miguel eh. Sinabihan ko na naman siya na mag-feel at home lang siya samin. Anak mo naman. Parang anak ko na rin. :D Kung wala siyang magawa, punta lang kamo siya sa bahay. Sige Erika, baka nakauwi na ang hubby ko eh.:) Don’t worry, palagi kitang dadalawin. Itext mo rin ako ha!” At nagbeso-beso ang mga nanay.

I waved goodbye to both of them. Mukhang sa ospital na ulit matutulog si Miguelito. Wala namang pasok bukas eh.

Nagpasalamat ako kay Lord sa magandang araw na ‘to. :) Masaya! Naku, ilang pages na naman ang mapupuno ko sa diary ko nito..

20*****

Weekend.

Wala namang masyadong projects. Saya! Pa-text text lang ako. Unli eh! :)

Di ko pa tinetext si Dylan. Nahihiya pa ko eh. HIHI.^^

Dami ring nag-unli. Daming GM eh! Yung inbox ko, puro GM. From Rox, Janice, Lei, Marj, Connie, Ate Bea, Kuya Jay, Maron, Carl, Roel, Dustin, Michael, Pinkie, Jillian at kung sinu-sinong friends ko sa school, pati yung mga friends ko sa church at graduates from our school. Dagsa eh, sabog! XD

Pero may isang hindi GM. Hindi rin pasa-quote.

“good morning, april! maen kna ba?” From Dylan. +63917******* 9:36 AM

OH MEN. Para sakin? Kung kumain na daw ba ako? :))) AYIIIEEE! Grabe, iyon lang ang mensaheng nagpangiti sakin.^^

“morning din, dylan. ;))oo, maen na ko. kw ba? ^^” reply ko.

“di pa eh. wla kong ksma sa bhay. Huhu.”

Aaw. Kawawa naman ang Dylan koo. “gusto mo, puntahan kta? :D dalhan kta ng pgkain.^^” HAHA. Just to be sweet.:) Sa totoo lang, nakakahiya kaya..

“tlga april? how nice.:D punta ka, please..nlulngkot ako.”

OH MY. OH MY. Kinikilig ako, sobra, grabe yun! Anong irereply ko? Anoo? Pupunta ba talaga ako?

“sryoso ka, dylan?”

“oo, ikaw b? kundi k pwd, ayos lng.:(“

OWHOW. Ayoko ng may sad face! Gusto ko siyang puntahan! Malapit lang naman eh. Pero nahihiya ako.. Anong gagawin ko? Nakaligo na naman ako.. AAAHH.

“cge, punta ko jan. wait mo ko.”

SENT NA. Ahaayy. Wawaway. Anoo? Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko! Masaya na kinikilig na kinakabahan na ewan!

Pumunta ko sa kitchen namin para kumuha ng pagkain. Naku, dapat maganda ang lalagyan! Masasarapan kaya niya? Ayos na kaya ito? Naku, natataranta akoo! x_x

“april, salamat ha. ;D I’ll wait for u.:)”

Ayan ayos na. Magpapaalam na ko. Sina Yaya Trining at Ate Lara lang ang kasama ko sa bahay. Sina Mom & Dad, at work. Si Ate, may pasok. Nandun siya sa bahay namin sa Manila. Sa Manila siya nag-aaral, nasa Cavite kami. Kasama niya dun yung tita kong walang asawa. Close naman sila ni Ate eh.

Kay Ate Lara ako nagpaalam. Si Yaya Trining kasi, baka i-interrogate pa ko.

Nakarating na ako sa bahay nina Dylan. Naku. Lumalakas na ang pintig ng puso ko! Ano ba yan! Wooh. Kaya ko to.

I pushed their doorbell. Dali-dali naman niyang binuksan. Pumasok na ko. Weehee.^_^  Ang cute niya, nakapambahay.:)

“April!” Niyakap niya ko. Tuwang tuwa?! Wow. Ngayon lang niya ‘to ginawa sa kin. Lalo tuloy akong kinikilig! Ayoko nang matapos ‘to.. :DD Wagas na ang kasiyahan ko!!!

“Ah anong meron?” AHAHA. Yun nalang ang nasabi ko sa kanya. GRABE. I feel like floating..

“Pagkain! Thank you talaga April, nagugutom na ako!” AH. PAGKAIN PALA HA. :( OUCH.

“Ah oo. Eto oh!” Inabot ko yung pagkain. I smiled half-heartedly. Super smile naman siya. Natutuwa na rin ako! :)

“Pasensya sa abala ha, April. Di kasi ako marunong magluto. Ang bait-bait mo talaga. :D Tara, samahan mo kong kumain!” Inakbayan niya ko papunta sa dining room nila. WOW. AHAHA! :))))))

Ang saya ko! WEEHEE. (-^_^-)

Pinanood ko lang siyang kumain. Niyaya niya akong sabayan ko siya, kaya lang busog pa ko eh. Tuwang-tuwa siya at panay sabi ng: ‘ang sarap!’ Well, luto ni Yaya Trining yan, kaya masarap! :)

Ang cute niya kumain, kahit pandalas at gabundok ang kanin sa plato! Lalo ko tuloy siyang nagiging crush. WOOT. :D

Bago siya mag-toothbrush, binuksan niya ang TV nila. Manood daw muna ko. Magtu-toothbrush lang siya. Pero pinatay ko rin ang TV. Pinag-ligpit ko nalang siya ng pinagkainan. :)

Pagbalik niya,

“April, bakit ikaw ang gumagawa niyan? Sanay ka ba?”

“Hindi, pero pinagmamasdan ko yung mga maid namin habang nagliligpit. Natuto ako sa pagtingin.^^”

“Hmm..may mali ka pa rin eh. Mas nauuna ang kutsara’t tinidor kesa sa plato. :)” Oo nga noh? HEHE. Sinasabon ko na yung mga plato, may kutsara pa.

“Pero pwede naman di ‘ba?” Napangiti ako. :)

“April, ako nalang jan, magpahinga ka nalang. Ikaw naman ang nagdala ng kinain ko eh. Di mo na dapat ako pinagliligpit.”

Patuloy pa rin ako. “Hindi, ako na-“

Di ko na siya napigilan. Saktong pagkalapag ko ng sinasabon kong plato, hinawakan niya ang mga kamay ko at isinahod niya sa gripo. Binabanlawan niya yung kamay ko!! :DD Nabasa rin tuloy ang kamay niya. AAAW. Nananaginip ba ‘ko?!

“April kasi, making ka nalang sakin. Ako nalang, okay.” Wala nang sabon ang kamay ko, binabanlawan pa rin niya..ayaw ba niyang bitawan? :)))

Super nagba-blush na ako. :))) “April, wag kang kikiligin ha!”

NYEK. May pagkakatulad rin pala sila ni Miguelito! Pero ang kaibahan, kay Dylan, kinikilig talaga ako.:)

Tinanggal ko na nga ang kamay ko. “Kilig ka jan! HMMP! Kaya ko namang banlawan ang sarili kong mga kamay noh!”

Nginitian niya ako. WALANJO. TUNAW NA TALAGA AKO. XDD

21*****

“Pumunta ka na sa salas. Hintayin mo ko. Laro tayo ng playstation. :)”

Okay. Pumunta na ako. AAAW. Sobrang tuwang-tuwa na ako. :D Andami nang nangyari! Tapos maglalaro pa kami.^_^ AYYIIEE..

Pinili kong makipaglaro ng Tekken. Sa lahat ng mga laro niya, yun lang ang kilala ko eh! Ayoko naman ng racing. Yung mga laro niyang barilan, parang di ko type..

Syempre, nag multi-player kami. Ang galing niya. Master na ata niya ‘to eh!  Habang naglalaro, nagkwentuhan kami.

“Asan yung mga kasama mo sa bahay?” tanong ko.

“Ah, nag-out of town sina Mommy at Daddy. 16th anniversary nila eh. Sweet 16 daw.”

“Wala ka bang kapatid na kasama dito?”

“Umalis si Ate Denise. Naglagalag kasama ang mga kolehiyala. Kainis nga yun, lagi nalang pa-sosyal. Gabi na yun makakauwi.”

“Ahaha. Ganyan talaga, babae eh! Ahm, wala ba kayong maid?”

“Ah, yung maid namin, pinalayas. Magnanakaw kasi. Papalit-palit kami ng katulong, pero wala pa kaming makuhang matino.”

“Buti na lang yung samin, mabait, loyal pa. Since birth, sila na yung maid namin.”

“Buti pa kayo… Oh, April. K.O. ka na naman! :P”

“Oh men, lagi ka nalang nananalo, Dylan! Forever na ba ‘kong loser?!”

Nagtawanan lang kami. Maya-maya, nagpadeliver siya ng pizza. Kwentuhan naman kami about sa family namin. :) Ang saya nga eh, close na ulit kami ni DYLAN MY CRUSH!

Maya-maya..

“Gusto mo nang palitan yung laro?” Inalok niya ko.

“Ah, hindi na. Spongebob na ngayon sa Nickelodeon, tara nood tayo.:)”AHAHA. Bata. O_o

“Mahilig ka rin ba sa Spongebob?” ‘RIN?’ Ibig sabihin, mahilig siya? :D

“Oo. Yang yung cartoons na lagi kong pinapanood, kahit paulit-ulit yung episodes. :) E ikaw Dylan?”

“Haha. Ganun din ako. Di kasi nakakasawa. Ang cute eh. :)” Wow. Tulad kami.

“Pero, ang favorite ko talaga, Hello Kitty. Girly eh. Ang cute-cute pa.”

“Ah, mga babae, Hello Kitty talaga ang madalas na gusto. Naaalala ko simula nung Grade 6 tayo, ang background mo sa Friendster, laging Hello Kitty. Kahit hanggang 2nd year tayo, paiba-iba pero Hello Kitty pa rin.”

“Haha. Oo nga noh. Naalala mo pa yun, Dylan? Nakakatuwa ka naman. Haha. Di na nga lang uso ang Friendster eh.”

“Gusto mong makita ang kwarto ko? Di mo iisiping binata na yung natutulog dun, andami kasing Spongebob items eh. :)”

“Ahaha! Isip bata ka pala Dylan. Sige ba, makita ko naman ang mga stuff toys mo.:)”

“Hoy, dalawa lang yun ah, baka isipin mo bakla ako, mahilig sa stuff toy. Ahaha. :D”

Umakyat kami sa second floor ng bahay nila. Pagbukas niya ng pinto ng kwarto niya, sugod naman agad ako sa kama niya. HAHA. Hilata agad. Di ko napigilan eh! Sa tingin pa lang, alam mo nang anlambot-lambot! Ang cute-cute pa!

“Grabe ka April, baka magiba yan! :P”

“Grabe ka naman! Inviting kasi eh! Ang cute-cute ng kama mo.:) Ang cute ng cover, kita yung Krusty Krab, pati mga unan, puro Spongebob and Patrick, tapos may pineapple na sandalan..haha! Parang nasa Bikini Bottom lang.:)” Haha. At home na at home ako sa kwarto niya. Yakap ko na nga yung isang unan eh.^^

Binuksan niya yung isang closet niya. Wow. Puro Spongebob na laruan. :) AHAHA. Ang cute naman oh! Si Dylan? Di ko akalain! Napabangon ako sa pagkakahiga.

“Wow, Dylan, grabe ka! Die hard fan!”

“Haha. Matagal na yang mga yan. Display nalang ‘to ngayon.”

“Display? E bakit nasa loob ng closet naka-ayos? Ayiiee, tinatago! Nilalaro pa rin niya!”

“Haha! Ikaw talaga April.:D E kasi naman, pumapasok din dito yung mga friends kong lalaki. Baka pagtawanan ako pag nakita yan. Sa itsura pa nga lang ng kama ko, pinagtawanan na nila ko eh!”

“Hay mga lalaki talaga. Antaas ng pride.”

“Sayo ko nga lang ‘to naipakita, kasi mahilig ka rin sa Spongebob, tsaka babae ka naman. Di na nakakahiya.”

Tumawa ako. Tumawa na lang ako nang tumawa.

 “April, pinagtatawanan mo na rin ako! Sige. Tawa! Yabang niyo talaga..”

Natawa ako lalo. :D Nakakatuwa naman si Dylan. Isang binata? Maka-Spongebob? Ahaha! Parang baby! :P

“Natatawa lang ako sayo. Para kang hindi binata.^^ Ang cute!” Tapos, hinigpitan ko pa yung yakap ko sa unan niya.

Ngumiti siya sakin. “Oo na April. Ikaw rin naman ah! Puro Hello Kitty siguro yung kwarto mo. Pang-baby!”

“Mukha mo! Mas pambata pa rin ang itsura ng kwarto mo! Sakin, ang motif ay purple at light green, tapos yung kama ko, yung pang princess. Tapos, marami lang teddy bear at unan. May Hello Kitty rin pero di katulad nito! Masyado mo nang idol si Spongebob. HAHAHA!”

“Edi ikaw na’ng sosyal! Umalis ka na nga sa kwarto ko, nilalait mo lang eh.” Haha. Nakakatuwang makipag-asaran sa crush ko. :)

“Ayoko pa, ang cute dito! Ito siguro ang pinaka-cute na kwarto dito sa bahay ninyo. :)”

“Syempre, cute din ang may-ari! Haha.” Ganito pala si Dylan. Self-proclaimed din.^^

“Haay.” Humiga ako. Naka-taas pa ang kamay ko at nakalagay sa ilalim mg ulo ko na parang nagsa-sunbathing. Anlambot talaga ng kama niya! “Dylan, palit tayo ng kama. Ako nalang dito.:)” Mabiro nga.

“Hoy unan ko yang hinihigaan mo! Siguraduhin mo lang na mabango yang ulo mo ha. At tsaka bakit kailangan pa tayong magpalit ng kama kung kasya naman tayo sa isa.:D” Hinila niya yung comforter at hihiga na rin siya. OH MEN. Tatabihan niya ‘ko? Sa kama?

“Hoy hoy hoy, wag ka ngang tumabi. Tumayo ka lang jan. Ansagwa kaya!”

“Aba, aba. Kanino bang kama ‘to? Sayo ba ha? Sayo ba?” Pinukpok niya ako ng unan. Gusto mo ng pillow fight ha.. Hindi ako magpapatalo!

“Akin na ‘to ngayon! Hahaha!” Gumanti ako, gamit yung unan niya.

“Hahaha! Bumili ka nang sayo!” Ginantihan naman niya ko. ;)))

YIIEEE. K-I-L-I-G. Grabe na ito. Isang umaga lang na kaming dalawa ang magkasama, ang close na namin. =)))

Patuloy lang kami sa pillow fight. Utas na kaming dalawa sa katatawa. :DD Ang saya niyang kalaro!

Di na tuloy kami nakapanood ng Spongebob. Napansin niyo? :)

22*****

Nung napagod na kami sa katatawa at kahahampas ng unan, inayos na namin yung kwarto niya. Ang gulo eh! Daming na-misplace at nagalaw. Sa likot ba naman namin. XD Nakaabot pa yung kaguluhan namin hanggang sa family area sa second floor. Haha. Tapos bumaba na kami, pasado 11 na. Malapit na ang lunch time.

“Dylan, malapit nang mag-12. Luto ka na. :P”

“Aba? Ako magluluto? E kaya nga ka nga pumunta rito para bigyan ako ng pagkain, kasi di ako marunong magluto!”

“Di ba alam ng parents mo na di ka marunong? Pano ka nila nakayanang iwanan mag-isa?”

“Binigyan nila ako ng pera. Umorder na lang daw ako o kumain sa labas. E di ko naman gusto yun eh, gusto ko laging may kasalo. Kaya natuwa ako nung sinabi mong pupuntahan mo ako.:D” Eto na naman tayo, tunaw na naman sa ngiti ni DYLAN! Natuwa ako sa sinabi niya.:)

“April, ikaw ba marunong ka magluto? May mga maluluto naman jan sa ref. Kung di ka marunong, tara mag-lunch sa Max’s.”

“Aba, sosyal ka naman. Sa resto pa ha? Marunong ako. Tulungan mo ‘kong magluto. Buti na lang tinuruan ako nina Mommy at Yaya nung bakasyon. Kelan ba ang uwi ng parents mo?”

“Tuesday.” Aaw sayang. Akala ko aabot pa ulit ng isang Sabado. Pupunta sana ulit ako.:D

Binuksan ko yung ref nila at freezer. “O, eh andami pala namang laman ng ref ninyo eh! Mabubulok lang ‘to pag sa labas ka lagi kakain.”

Nguiti lang si Dylan. “Okay Master! Ano po bang iluluto natin ngayon?”

“Ano bang gusto mo?”

“Kahit ano, Master April! Basta luto mo. :D” GULAY. Kinikilig na naman akoo! :))

“Ah, sinigang na baboy, gusto mo? Favorite ko yun eh.”

“Favorite mo April?! Ako rin! XD” Ano daw? Favorite niya rin? Bagay talaga kami! =)

“Soulmates.:D” Haha. WAGAS ANG KILIG MOMENTS EH! Tama ba yung narinig ko sa kanya? Soulmates daw? Yeehee!

Tinuruan ko siya kung ano’ng gagawin niya. All the time, naka-smile siya. ANO BA TOOO?! Talaga bang pinamumukha niya sakin na ang gwapo niya? Minsan, natutulala ako sa kanya tapos mapapalingon siya. Iwas naman ako eh. XD Kahiya! Maya-maya naman, siya yung nararamdaman kong nakatitig sakin, paglingon ko, iiwas din siya. Crush niya rin kaya akoo? XDD  Haay. Alive na alive ang puso ko eh! Pano ba naman, kanina pa nagmamadali sa pagtibok!

Hinintay na naming maluto. Yung kanin, luto na. Umupo lang ako. Si Dylan, inaayos yung mesa. Nakakatuwa. Kami lang dalawa.. sa iisang bahay.. magsasalo sa pagkain.. sa pagkaing niluto naming dalawa.. Haay. Ang sarap sa feeling. Parang kami. XDD

“April, naamoy ko na.. luto na ata.”

“Ah oo nga!” Tulala baman eh! .O_o. Pinatay ko na yung stove. Lumapit siya.

“April ako na ang maghahain. Iwan mo na yan. Upo ka na.” HOW SWEET! ;)))

Nagpray na kami. Tapos kumain na.

“April! Ang sarap ng sinigang! Ang galing mong magtimpla!”

“Talaga?” FLATTERED. XD

“Oo April, sobra! Pwede ka nang magtayo ng business eh! Mag-e-HRM ka ba sa college?”

“Hindi eh. ComSci ang gusto ko.”

“Ay oo nga, galing mo sa Computer subject natin eh. Talo mo ako lagi sa HTML. At ang astig mo mag-layout.”

“Haha, di naman. Mas magaling pa rin si Troy. Yun ang tunay na Tech Master sa’tin eh.”

“Para sakin, mas magaling ka pa rin :)” Tapos sumubo ulit siya. He’s so touching! Ang sweet-sweet niya.^^

Ngiting-ngiti naman ako. Napansin niyo bang andaming details dito sa pag-stay ko kina Dylan? Pangatlong chapter na ‘to about sa iisang kilig morning.:) Pero syempre, ito kaya ang greatest kilig moment of my life! HAHA. 8-)

Kumain lang kami nang kumain. This is my sweetest lunch break ever, kahit ang asim ng sinigang. O_o

23*****

Biglang tumunog yung door bell. May bisita si Dylan?

“Excuse me,” sabi ni Dylan at dumiretso sa kanilang front door.

“Uy Migz! Pare, napabisita ka ata?” ANO DAW? MIGZ? Si Asungot ba yan?

“Pare, nagtetext ako sayo, di ka naman nagrereply. Nakalimutan mo na ba yung sinabi mo kahapon? Dala ko na yung bala ng playstation ko. Gusto mo ng kalaro di’ba?” OH MEN. Siya nga. Bakit ngayon pa?!

“Ah, oo nga. Pasensya. Anong oras ka ba nagtext? Di ko kasi hawak ang phone ko. Kanina pa kami naglalaro ni April. Kumakain na kami, sama ka! Tara sa dining.” Dylan, bakit mo pa siya niyaya?!

“April? Anjan si Kate? May iba pa bang tao dito?” OH MY.

“Wala akong kasama. Buti nga sinamahan ako ni April eh. Dinalhan niya ako ng breakfast. Ayan, siya ang nagluto ng lunch. Kain ka na rin pare!” Papalapit na sila.

“Busog pa ‘ko pero sige. Nang matikman ko ang luto ng bruha!” ANO?!

“Hoy Asungot, anong ginagawa mo dito?!” Nakapameywang pa ‘ko.

“E ikaw, Miss Sungit? What are you doing at a guy’s house?”

“Wala kang paki! Sinasamahan ko si Dylan, bakit, masama?”

“OH. Sinasamahan pala ha. Talaga lang?”

“At bakit? Are you questioning me?! Are there any other reasons? Kung anu-ano siguro ang pumapasok sa kukote mo noh?”

“Kita mo def-“

“Guys teka. Hanggang dito ba naman, nagbabangayan pa rin kayo? Akala ko hanggang classroom lang. Haha. Relax. Kumain na lang tayo.” Si Dylan, nag ala-referree. >_<

“Miss Sungit, plato!”

“ABA?! Kumuha ka mag-isa mo. Kitang kumakain ako rito!”

“E bakit si Dylan pinaglilingkuran mo?”

“Pare ako na ang kukuha! Wag mong sigawan si April.” HAY. Pagpasensyahan mo na siya, DYLAN!

Tumahimik kaming dalawa.

Pagbalik ni Dylan, kumain rin agad si Miguelito. Buti nalang tapos na ‘ko. Si Dylan tuloy, hindi matapos sa pagkain dahil sa Asungot na ‘yan. Wala talagang manners oh!

“Pare salamat. Pasensya na rin ah. Matagal na ba kayong close ni April?” Bakit naman kaya niya itinatanong kay Dylan? GRRR.

“Ah di naman. Pag classmates kami, close kami. Nung mga nakaraan, di kami close. Ngayon ko lang uli siya naging classmate.”

“Madalas ba siyang pumupunta dito?” Ano ba’t ganyan siya kay Dylan? RAAR. Kainis. Pumunta na lang ako sa kitchen. Makapagsimula na nga lang sa pagliligpit. Kahit di ko na hihintaying matapos sila. Baka masigawan ko lang yang Asungot na yan.

“April, ako na jan.” Si Dylan. Narinig kasi na may umaagos na tubig sa lababo eh.

“Hindi pare ako na. Ako naman ang huli. Miss Sungit, wag ka nang magsipag jan! Di bagay sayo!” Hay ewan.

“Mukha mo Asungot! Mabulunan ka sana jan!” Hay di ko talaga maiwasang sigawan siya.

“Sungit!”

“Haha. Ganda naman ng tawagan ninyong dalawa..” Narinig ko si Dylan. Ano namang maganda dun?! Pinuntahan ko sila sa dining table.

“Dylan, walang maganda sa tawagan namin. Si Miguelitong Asungot kasi ang nakaisip. Walang kwenta noh?”

“Sus, e bakit sinusunod mo, Miss Sungit? Di ba nga iyan ang ibang term natin sa ‘honey at darling?’” Nag-iba ang mood ng mukha ni Dylan. Bwisit naman kasi ‘tong si Miguelito eh!

“Napaka-kapal talaga ng pagmumukha mo!” Deretsahan na ‘to. ASAR NA ASAR NA KO!

Nakita kong nililinis na ni Dylan ang mesa. Si Miguelito naman, sumagot pa sa sinabi ko. “Bakit ba April, ikinakahiya mo bang ako ang boyfriend mo?!”

“BOYFRIEND?! Napakagaling mo!” Dumiretso na si Dylan sa kitchen, dala yung mga pinggan. Di na siya nakangiti. Kainis. Sinabunutan ko si Miguelito.

“Kahit kalian talaga, nakakasura ka! Bwiset!! Ang lakas ng loob mong gumawa ng kwento!” Pinarinig ko talaga kay Dylan para di siya maniwala kay Miguelito.

“At di’ba sabi mo ikaw na ang magliligpit! Puntahan mo si Dylan doon! Bilis! Kakain-kain ka ng niluto ko eh!”

Nalungkot si Asungot. Hah. Natauhan ka rin. Mahinhin ang pagkakasabi niya kay Dylan ng “Pare, ako na jan.”

Haay. Umupo ako sa sofa sa salas.

Lumapit si Dylan sakin. Umupo rin siya.

“Kayo na ni Migz?” tanong niya.

“Naku, hindi noh. Maniwala ka naman dun.”

“Madalas ko kayong napapansing magkasabay sa pag-uwi.” Ano ba ‘to, bakit ang seryoso ng mukha niya? Nagseselos ba siya? XD Natutuwa ako na naiinis.

“Kasi naman, sunod siya nang sunod. Nakakainis na nga eh! Sa totoo lang mas gusto kong di ko siya kasabay.”

“Ganun ba, buti na lang.”

ANO DAW????! “Buti na lang?!” Bakit kaya? :))) Nagselos kaya siya dun sa kanina? :”>

I smiled at him. He smiled back. HEHE. I pinched his face. Di ko napigilan. Ang cute niya eh!

Pinisil din niya yung pisngi ko.

“Ang ganda mo April. :)” WAAAAH. Sobrang nakakakilig kasi galing kay Dylaaan!! GRABE YUN. Di na ‘ko makakatulog mamayang gabi!

Kinuha niya yung kamay ko. He kissed it. OH MY GULAY. Talaga namang mapupuyat ako mamayaa! Dylan bakit mo ba ‘to ginagawa? May gusto ka ba sa ‘kin o sadyang ganyan ka lang? Ano? Sabihin mo, para di ako nalilitoo!!

Magkatinginan lang kami at parehong nakangiti. Feeling ko nagbu-blush na talaga ako.>_<. I love this feeling. =))))

“Pare, san ko ilalagay yung kaldero?” NAKUU! Epal naman talaga ‘tong Asungot na ‘to oh!

“Pare, sana iniwan mo na ‘yan. Ako na’ng bahala.” Ayan. Tumayo tuloy ‘tong si Dylan. Eye to eye contact na kami eh!

Napatingin tuloy ako sa orasan. Naku, malapit na mag-1! Bago nga pala ako pumunta sa simbahan e pupunta muna ‘ko kina Janice! Naku, hinihintay na ‘ko nun, sigurado..

“Ah, Dylan, pupunta pa nga pala ‘ko kina Janice. Tapos didiretso na ‘ko sa church. Geh, salamat ha.”

“Ihahatid na kita.” Nagkasabay pa sina Dylan at Miguelito. WEE. Feeling ko humahaba ang hair ko.O_o. Arte eh. XD

Para fair, “Ah ako nalang, kaya ko na. Thanks.:) Geh, bye!”

“Ingat ka April/Miss Sungit.” Sabay na naman ang dalawa. AHAHA.

“Salamat! :)”

“April, anong oras ang practice ninyo sa church?” tanong ni Dylan.

“4:30. Sa inyo ba?”

“5. Hehe. Sayang, di tayo churchmates. Ikaw ba Migz, san ka?”

“Ah, dun pa rin kami sa dati. Kahit malayo.^^” Waha. Naikwento na rin sakin ni Miguelito yung church nila pero nakalimutan ko yung pangalan.

“Geh alis na talaga ‘ko guys! Bye-bye!” Parang ayaw akong paalisin eh. HAHA.

“Sige April. Ingat.” – Dylan.

“Miss Sungit, sa sabado samin ka naman pumunta!” – Asungot.

Di na ‘ko sumagot sa sinabi niya. Nakakainis lang. ;O

24*****

Pumunta ako kina Janice. Pinasundo niya ako sa driver nila. Lalabas pa ‘ko ng subdivision eh. Ano kaya ang ipapatulong sa ‘kin ng bruha?

Nang makarating ako, may naaamoy akong kakaiba sa kitchen. Ano yun, may nasusunog?

Nadatnan ko si Janice na binubuksan yung oven.

“Hoy bruha, sinunog mo na! Ano ba ‘yan?”

“Ikaw naman kasi April! Kanina pa kita hinihintay! Di ka nagrereply sa mga text ko! Nainip tuloy ako. Gusto kong magpatulong sa pagbe-bake eh!”

“Hinay-hinay girl. Sorry!”

“Ano ba kasing ginagawa mo kanina?! Kung busy ka, sana nagsabi ka!”

“Teka naman, galit ka? Sorry na..” I hugged her. Bakit kaya ang taray niya ngayon? Masyado bang importante yung gagawin niya?

“Ok bati na kita April. Tulungan mo na ‘ko.”

“Ano bang klaseng cake?”

“Hindi cake. Soufflé.”

“Aba, sosyalera ka! Yun pang mahirap ah! Para kanino ba? Bumili ka nalang kaya..”

“Eh April naman ee..gusto ko yung pinaghirapan ko..hindi ng manufacturer ng kung anong bakeshop. Wala kasi akong ibang katulong, wala si Mom at Dad. Yung maids namin, day-off ngayon. Para kay Edward kasi ‘to eh. Pupunta siya mamaya. Tulungan mo na ko April..”

“Ah ganun ba. Okay. I understand you now. :) Una sa lahat kasi, wag mong iiwan nang matagal ang soufflé sa loob ng oven. Masyado na siyang titigas at katulad nga nung kanina, pag napasobra, masusunog. Pag sobrang bilis naman, super magiging creamy pa yung center , di mo makukuha nang maayos yan galing sa moulder..”

Sinermonan ko muna ang aking best friend. Tapos, tinulungan ko na siya sa pagbe-bake. Wow. Nagiging in-demand na ang bago kong talent ah. :> Parang sa kanina lang, nakapagluto pa nga ng sinigang sa bahay ng crush. AHAHA!

Pagkatapos nun, umalis na ako. HAHA. Si Best talaga, inarkila pa ‘ko para sa pagkaing ibibigay niya sa very special love niya. For sure, magugustuhan ni Edward yun. Gawa ni Janice eh, plus mula pa sa galing ko. Wahah, kapaal. XD

I went to church para sa practice ng choir. Galing ako sa Dance Ministry dati pero nag-try naman ako sa choir. Ayun, pasok. Choir member na ‘ko. Ngayon naman, gusto kong mag-transfer ulit ng ibang ministry. Sa banda naman ako. Gusto kong maging lead singer. ;> Papasukin ko lahat para kay Lord. Payagan naman kaya ako sa muli kong paglipat?

Pagkatapos ng practice, bonding time ko naman kasama ang youth ng church namin na kasali rin sa mga ministries. HAHA. Ang hyper ko nga eh, yung kasiyahang dala ng pagpunta ko kina Dylan, nag-stay lang sakin buong araw. :)) Ang saya-saya tuloy ng kulitan namin, tapos ako pa ang naging pasimuno ng asaran. HEHE.

Nung pauwi na ako, tsaka ko lang na-check yung messages ko.

WAAH. Sabog ang inbox. Si Miguelito Torres kasi! Halos sampung beses ata sinend ang iisang message na ‘ingat ka miss sungit! sa sbado, ako nmn ang puntahan mu ha.:)’ Oo na, unli ka na. Ako rin naman ah? Makaganti nga. Ifa-flood ko rin ang inbox niya. \m/

“nye.nye.nye.nye.nye. ayoko nga! :P” sent.

“nye.nye.nye.nye.nye. ayoko nga! :P” sent.

“nye.nye.nye.nye.nye. ayoko nga! :P” sent.

“nye.nye.nye.nye.nye. ayoko nga! :P” sent.

“nye.nye.nye.nye.nye. ayoko nga! :P” sent.

“nye.nye.nye.nye.nye. ayoko nga! :P” sent.

“nye.nye.nye.nye.nye. ayoko nga! :P” sent.

“nye.nye.nye.nye.nye. ayoko nga! :P” sent.

Haha. Pasensya na sa paulit-ulit na yun ah! =)

Nagreply. Dagsa na naman!

“daya mo.” 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, aandaming times! Delete ako ng delete, pasok nang pasok yung messages! GGGGRRRRR. Di ako makapagtext, vibrate nang vibrate eh! Hanggang sa bumigay ang cellphone ko. Natuluyan na sa pagkamatay si Sony Ericson. XD Na-empty batt na siya. Kainis naman si Miguelitoo!! Nako, pagbukas ko uli ng cellphone, sabog na naman yun!

Buti nalang may isa pa akong phone. Iba ang network ng sim. Tingnan ko lang kung makakapagtadtad pa ‘to ng messages..

“beh buti nga. :P” Sinend ko sa kanya. Haha. Lahat ng contacts ko sa isang phone, nasa isa rin eh. Buti nalang.

“cnu po ito?” Reply niya.

“edi si april. wawawa! :P grabe ka mgtext! adik sa re-send! etchosero..”

“a ganon. Gustu mo tadtarin din kita jan sa isa mo pang number?”

“aa sige, bahala ka, kung mrami kang pan-text sa other networks eh. :P” Di ko pa nasesend yun, dagsa na agad. Sunud-sunod ang vibrations ng Samsung ko. Watta. Yaman sa load nito ah?

Pinabayaan ko nalang siya. Pagkatapos ng 52 New Messages, tumigil na. In-open ko yung inbox, puro “miss sungit ka talaga!”

Tapos may isang message na iba. “smart ‘to?! grrrrrrrrrrrr!”

WUHAHA! HAHA! Bankrupt ang load! Iyan kasii. O_o HAHA! Sarap niyang pagtawanan! LOL!

“waahaahaa! kakaawa.. o anong napala mo ngayon?! XP” nakatawa ako habang nagrereply nun.^^

Hindi siya nagreply. WHAHAHA! Lagas ang load ni Miguelito. XD Wagas ang halakhak ni April. Pero may pagpipigil ako ha! Baka isipin ng nakakakita sakin, baliw ako. :O

Nung makarating ako sa bahay, chinarge ko agad ang isa kong cellphone na Globe ang sim. Baka nagtext na si Dylan eh! =))

At meron nga siyang messages!

“april, tnx tlga dun sa knina! you’re such a nice friend^^,”

 “ingat sa pag-uwi mo mya. :D”

“kain na april..”

Nakakatuwa kasi ang sweet niya sakin! :D HEEHEE! Napaka-caring naman ng crush ko oh! Crush niya din kaya ako? Wooh. Gusto kong malaman!XD

Nagkatext naman kami sa pag-uwi niya galing church nila. Hehe. Ansaya naman! ;))

“Lord, thanks for a wonderful Saturday. :) Crush din po kaya ako ni Dylan? Lord, thank You po talaga! Ang saya-saya ko.^^”

25*****

Linggo ng umaga, nagsimba kami. Youth fellowship naman sa hapon. Super blessed naman ako. :D

Monday.

Pasukan na ulit. Ready to see Dylan! =)

Sa school pagpasok ko,

“Magandang umaga, reyna ng kasungitan!” Sino pa bang babati nang ganun sakin?! GRRR.

“Ano na naman ang kailangan mo?!”

Aba. Biglang kumanta ang Asungot. “Kailangan kita.. ngayon at kailanman.. kailangan mong malaman na ikaw lamang.. ang tunay kong mina-“

“CHE!”

“O ano na naman ba, na-feel mo na naman ang kanta ko noh? Pasensya na, joke lang yun. :)”

“ALAM KO! Feeling mo naman maniniwala ako sayo? AS IF!”

“WHOA. Lutong ah. ‘As if!’ Bongga nun ah.. ‘As if! As if!’ Whoa, di ko magaya! Astig mo talaga Miss Sung-”

“Don’t talk to me! Get out of my sight!! Wag na wag kang lalapit kung mang-iinis ka lang! Maghanap ka ng kausap na katulad mong baliw!” *Inhale. Exhale.* Grabe. Mabilis akong tatanda nito eh.

“Okay. Aalis na ‘ko. Sorry.” Hay ewan. Bakit ba kailangan ko pa siyang sigawan lagi?

Habang papunta ako sa locker room, naiisip ko yung ginawa ko kanina. Nagi-guilty ako. Nakasigaw na naman ako.

Pagpasok ko sa classroom, nagtaka ako. Bakit wala pa si Miguelito dito? Malapit na yung time ah. Sang sulok kaya ng school pumunta yun?

“Hi April. :)” Bati sakin ni Dylan.

“Ah. Hi Dylan. :)) Nakita mo si Miguelito?” Nawala yung ngiti niya.

“Kanina, sa lobby. Baka may pinuntahan pa. Bakit?”

“Ah wala..nagtataka lang ako.”

“Ah.”

Ano ba yan, may napapansin talaga ako kay Dylan eh. Bakit kaya nagkakaganyan siya? =) HAHA. Pero kaya ko lang naman hinahanap yung Asungot kasi nga, nakonsensya ako sa ginawa ko kanina. Saan naman kaya pumunta yun?

Pumasok na sa classroom ang English teacher namin. Bakit wala pa siya sa klase?

Break.

Pababa pa lang ng hagdan patungong cafeteria, tinetext ko na siya.

“ui, san ka? bkt di k umatend ng class?”

Umoorder na kami ng kakainin, di pa rin siya nagrereply. Habang naghahanap ako ng table, nagvibrate ang cellphone ko.

“di ba sbi mo ‘get out of my sight’ kaya di ako nagpakita syo.:(”

“e asan kb? bka mpagalitan ka nian eh.”

“you don’t care about me dba? bkt mo pa tinatanong? :’(“

“migz naman, sorry na. sorry dahil nasigwan kta knina. kw naman ksi eh.”

“tnggap ko nmang ako lagi ang may kslanan. :(“

“wag k ng mg-inarte jan. attend kna mya, pleease. sorry na best.”

“best?!:))) tlga miss sungit? bestfrend mo na rn ako? =)”

“Hoy April, kain na! Sino bang katext mo jan ha?” Nagulat ako kay Rox!

“Roxanne, tinatanong pa ba yan? Edi si Migz..ang karamay niya sa buhay!:))” Anong karamay ang pinagsasasabi ni Connie?

“Karamay?!?!”

“Karamay sa hirap at ginhawa. Sa lungkot at ginhawa. :))” – Leijean.

Tawanan ang tatlong bruha. “Ewan ko sa inyo!”

 “Aminin mo na kasi girl, si ‘Miguelito mo’ yang katext mo!”

 “Miguelito ko?! Eeeew.”

“Kunwari pa! O nagva-vibrate! Basahin mo na, baka si Migz na yan!”

“Pwede ba, hindi siya ang ka-text ko!” Ayan. Nagsinungaling pa tuloy ako. Kainis naman kasi ‘tong mga ‘to eh! Vibrate nga nang vibrate ang phone ko. For sure si Asungot yun.

Sinilip ko yung inbox ko. Puro “ui..bestfriends na tyo?:)” from Miguelito. Ahaay.

Napansin pala ako ni Lei.

“O si Migz nga? :D”

“Hindi. 4438 yun.”

“Weh?!XD Palusot ka lang girl! Wag na mag-deny..:)”

“Di nga eh! Kumain na nga lang tayo! Bakit ba ako ang topic?!” Ang kulit naman ng mga babaitang ito!

26*****

Pagkatapos ng break, pumunta kami sa locker para magre-touch, kumuha at magbalik ng gamit.

Bumulaga sa harapan ko ang Asungot.

“Wait up, beautiful!”

“You’re blocking my locker! Tabeee!”

“Hey, please calm down bestie. :)”

I rolled my eyes. Sign na naaalibadbaran ako sa kanya. Umalis naman siya sa pagkakaharang niya sa locker ko. Pagbukas ko, may banner ni Spongebob and Patrick. Ang cute. :>

“Happy Bestfriend’s Day.” Yun ang nakasulat sa banner. Kasabay pa ng pagkakabasa ko yung pagbati ni Miguelito.

“Happy Bestfriend’s Day, Kate! Narinig mo na ‘ko?” Ulit pa eh.

“Oo naman, syempre. Galing sayo ‘to?”

“Yeap. Pinaghandaan ko na ‘to dati eh. :) Ngayong tanggap mo na ‘ko as bestfriend, let me give you a friendly hug!”

“Teka baliw! Wag dito! O sige na nga, bestfriends na tayo. Para tumigil ka na jan.”

“YES! WOOHOO!” May pagtalon pa ‘tong si Miguelito. Ano ba yan, para yun lang eh!!

Napansin kong andaming napatingin sa kanya.

“Hoy, tumigil ka nga! Wag ka dito mag-eskandalo!” Grabe siya. O_o

“I’m just happy. :D Sorry. Thanks bestfriend!” Naku, yayakap na ata!

“Wait, wait, wait.” Naka-stop sign ako sa kanya. “Relax Migz. Wag kang OA.”

“MIGZ? You called me Migz again? WEEHEE!” Umalis na siya nang patalon-talon. Parang kangaroo. Bakit ba ang saya-saya na niya dahil dun?! HAAY. I slapped a hand on my forehead. Hay April, ano na naman ba’ng ginawa mo?

“SINAGOT MO NA SIYA?! KAYO NA?!”

HAH?! Walanjong ganda ng tanong sakin ng tatlong bruha!

“WHAT?! San niyo naman nakuha yan?! Di naman siya nanliligaw, kayo talaga!”

“Ah ganun ba, girl? Na-shock kasi kami sa pag-YES niya eh. Haay, nakahinga na kami. :))” – Rox.

“Oo nga, na-shock pa naman kami na natuwa! Sayang!” – Connie.

“O ano namang ikinasaya nun?” – Lei.

Ipinakita ko yung banner. “O ito. Bigay niya sa’kin.”

“Wow ang cute!”

“Mag-BF na nga kayo! :D” What the?!

“BF?!?!”

“BF, as in Best Friend. Grabe ka naman mag-react. :>”

“Ah.” Oo nga. Grabe ko naman magreact. Kakahiya yun.^^

Tiniklop ko yung banner, at nilapag sa locker ko. Napangiti naman ako ni Miguelito. :)) Ang cute ng binigay niya, Spongebob and Patrick. :) Hehe. Kung kaming dalawa yun, ako si Spongebob. Mas bagay sa kanya si Patrick, ambaliw niya kasi.^^ Tapos ang chubby pa niya. AHAHA.:DD

Pagbalik sa classroom, todo ang ngiti ni Miguelito. Bakit ba ang laki ng impact nun sa kanya? Hay ewan.

Uwian.

“Sabay uli tayo best, ha!” Si Miguelito.

“Ok. Wala naman akong magagawa eh.” Naglakad na ‘ko.

“Yey! Di ka na masungit!:D”

“Buti natitiis ko.” HAAY EWAN.

“Tapos na ba period mo?” HAA?!

“Anong period?! Kung anu-ano’ng pinag-iiisip mo!”

“Ito naman, alam mo na yung period na sinasabi ko. Pa-inosente ka pa jan eh. Ikaw ang babae. Mas alam mo yun.”

“GRRR!” Tinulak ko siya.

“Naku, may pahabol pa ata ang red alert mo! Ahaha!:O Unti-unti ka na namang nagsusungit!”

“Mukha mo! For your information, tapos na period ko! GRRR! Bakit ko ba ‘to sinasabi sa lalaki? Bakla ka ba? Alam na alam mo eh!”

“Sa tingin mo ba, di ako nag-aral ng science?! Best naman!”

“Hmmp!!” Binilisan ko ang paglalakad.

“Hoy, ang mag-bestfriends, walang iwanan. Ngayon pa lang, nang-iiwan ka na eh. Si Spongebob at Patrick, di ganito..”

“Yeah. Yeah, whatever.”

Biglang nag-iba yung topic.

“Kate, di ka ba nagtataka kung bakit nailagay ko yung banner sa loob ng locker mo?”

“Hah?” Bakit nga ba?

Teka. OO NGA ANO. Ba’t di ko naisip yun?!

“Ninakaw mo na naman yung susi sakin, ano?!”

“Grabe ka, best Kate! Di ako magnanakaw noh! Wag mo naman akong pagbintangan ng ganyan. Nasa iyo naman yung susi mo ah.:(“

“E pano mo nabuksan? Hindi ba naka-lock?” Nagtataka naman ako ditoo.

“Naka-lock. :P”

“E pano mo nga nabuksan?!”

“May duplicate ako. :P” Matalino! Malamang dinuplicate niya yun nung absent siya. Grabe andami naman niyang ginawa nung araw na yun! Sinugod sa ospital ang nanay, binantayan, pumunta samin, nakipag-close sa nanay ko, binalik yung susi’t ID ko na nai-duplicate na rin niya.. ano ba yun? Bakit parang lagi nalang siyang mabilis?

“Hay naku, andaya mo!” Talagang madaya siya.

“Ginawa ko yun para sa susunod, pag nawala na yung susi mo nang tuluyan, mabubuksan mo pa ulit yung locker mo. Ikaw kasi di nagdu-duplicate eh!”

“E akin na!”

“Ayoko nga. Sakin muna ‘to. Baka sa iisang lagayan mo lang ilagay, tapos pano pag nawala? O edi dalwa nang susi ang wala sayo?” HAY ang kulit talaga niya.

“Sige na nga. Ang kulit mo eh.”

“Yehey! :) Ikaw, wala kang balak kumuha ng duplicate ng susi ko?”

“Wala. Haha. Ano namang paki ko sa susi mo? :P”

“Ok. :(“ Wahaha. Sumimangot na naman ang Asungot.

Nasa may tapat na kami ng bahay. Nag-bye na ko sa kanya. Nag-hi naman siya sa Mommy ko. Inalok pa niya ng merienda pero tumanggi is Asungot.

Pagdating sa bahay, napag-isip-isip ko.Anu-ano pa kaya ang mangyayari ngayong “bestfriends”na nga kami?! Di kaya lalo lang akong maburaot sa kanya?

27*****

Umaga.

Sa school.

Wooh, buti nalang wala siya para bumungad sa harapan ko ngayon. Haha. Saya, di niya ako naalalang inisin. :”>

Diretso agad ako sa locker. Di ko na hinintay ang mga friends ko. Mga pahuli yun eh.

Pagbukas ko, may nakasabit na naman. Hindi na banner. Isang yellow na papel na may nakasulat na “ROCK & ROLL!” Tiningnan ko tuloy ang laman ng locker ko. Ano ‘to?!? ROCKS?!? GRRRRRRRRR!

*BLAAG!* Pabagsak kong sinara ang locker ko. “MIGUELI-“

“Miss April Kate, are you mad? Please don’t shout at the hallways.”

Patay. Si Principal Dory. INANG. Ba’t siya pa ang nakaabot sa ‘king sumisigaw?!

“Sorry, Mrs. Principal. Sorrry.”

“It’s alright. Just don’t do it again, okay. I know you’re a nice girl. Since nung maliit ka pang bata, mabait ka na, and as I see you grow up, you’re getting nicer. Don’t bring your outrages here. Di maganda sayo ang nagagalit, anak. :))” WHEW. Ambait talaga ni Principal Dory. Wooh. Buti nalang!

“Thanks, Principal Dory. Thank you. Sorry po ulit sa kanina. :)” I smiled at her. She smiled back. At umalis na siya.

“O ano ang napag-usapan ninyo ni Mrs. Principal?!” Si Miguelito? Nasa likod ko?

Lumingon ako dramatically, with matching pagkunot ng noo.

“Wala!!” Tumingin tingin ako sa paligid kasi baka may nanonood sa’min. Hininaan ko yung boses ko at medyo lumapit ako sa Asungot na ‘to. “Bakit mo ba kasi nilagyan ng mga bato-bato ang locker ko? Inaano ba kita?! Ha?!”

Mas lumapit pa siya. Ang boses niya, hininaan niya rin. “Wala lang, bakit? Di mo ba nagustuhan ang pagkakaayos ko ng rocks and pebbles sa locker mo? Ganda nga di ’ba,imported pa yang mga batong yan. Ipapatapon na nga sakin ni Mommy yan kasi wala na namang paglalagyan pero naisip ko, maganda sa locker mo yan. Gusto mo, mas ayusin ko pa? Di mo ata nagustuhan yung ayos ko, teka..”

Hinila ko siya sa kwelyo niya. Parang pabulong na ang mga salita namin. Ayoko nang may makarinig. “Talagang hindi ko nagustuhan! Are you totally OUT OF YOUR MIND?! Sa tingin mo ba matutuwa ako sa ginawa mo?! I think gusto mo atang ibato ko sa’yo yang mga yan?! HA?!”

“Hindi. Ito nga ang sole purpose ko eh. Ang asarin ka. Kita mo, ang cute-cute mo ngayon!” Pinisil niya pa ang mukha ko! GRRR! Hinigpitan ko ang hawak sa kwelyo niya para masakal siya.

“KISS! KISS!” Sina Carl. Hay bwiset!

“Ang sweet nun pare!” Anong sweet ka jan, Alvin?!

Napatingin na lang ako sa kanila. Nire-enact ba naman nina Troy at Maron yung posisyon namin ni Miguelito kanina.. Nakakainis!!

Troy: (Nag-act siya bilang ako) Miguel, ang gwapo mo ngayon! *talagang ginaya yung paghawak ko sa kwelyo ah! may kasama pang paghimas?! wala naman akong ginawang ganon!*

Maron: (Siya naman ang nag-act as Miguel) April, ang cute cute mo! *pinisil niya rin yung mukha ni Troy.* Pwedeng pakiss, my sweet darling?

Troy: Oh sure.. *nakanguso pa*

Yiieeeww! Binatukan ko na sila. Ang OA naman nila, di naman ganun yung kanina ah! Tawa pa nang tawa ang mga lalaking ‘to, kahit si Miguelito!

“Mga sira kayong lahat!” Kinuha ko na yung libro na dapat kanina ko pa nakuha at nagwalk-out na ‘ko.

“Best, hintay!” Si Miguelito, humabol na.

“Oh sweetie, don’t leave me!” Si Maron, tuloy pa rin sa pang-aasar! Kainis!

Halakhakan eh. Nakakalayo na ‘ko, dinig ko pa rin ang tawanan nila!

“Best, sabay na tayo pagpasok sa room! Wag mo naman masyadong bilisan oh!”

Binilisan ko pa lalo ang paglalakad. “Che! Mag-isa ka! Tanggalin mo yung mga bato sa locker ko!” Kahingal. Umaakyat na kami ng hagdan nito..

“Mamaya best, promise aalisin ko na. Patawarin mo na ‘ko oh.. please!”

“OO NA! Whatever!” Binuksan ko n yung pinto ng room namin. Nakapasok na kami.

“Yehey! Love you best! :)”

“AYYIIIIIEEEEE! WOOH! NAG- I LOVE YOU NA SIYA!” Grabe ‘tong mga classmates ko. Agang-aga, intriga na naman! I gave them an eeew-you’re-all-so-creepy look.

“Pambihira naman kayo oh! Stop thinking that there’s something special between us, because there is absolutely NONE!” GRRRR. Anlalim ng hiningang pinanggalingan nun.

“Okay, pagbigyan na natin si April. Once na nag-english na siya, sign yan na kumukulo na ang dugo niya. Haha!” si Dan yun. Hay naku, nakakainis pero salamat na rin. Nanahimik nalang ako.

Alam niyo kasi, ngayon lang ako inasar ng ganito sa buong buhay ko. Nung mga past few years naman, never akong napagkaisahan. First day na first day palang ng pagka-4th year ko eh. Nung election! Sinadyang maging muse ako para escort ko ‘tong Asungot na ‘to. Yung mga classmates ko, laging naka-ayiiiee saming dalawa. Hay naku, ewan ko ba! Simula nang pumasok dito yang Miguelito Torres na yan, naging pikon na ‘ko. At dahil dun, may nakita akong side ng sarili ko na ngayon ko lang na-figure out. ANG SUNGIT KO RIN PALA. XD

Buti nalang di na ako kinausap ni Miguelito. Buti nalang, nanahimik na rin siya.

Si Dylan ang lagi kong kausap. Di ko pinapansin ang Asungot na nasa right side ko. Buti nalang di siya makulit. Kundi, lalo ko pa siyang masisigawan.

Klase namin sa Christian Education (CE).

Asking for forgiveness at repentance ang topic. SHEESH. Sakto?! Di pa ko nakakapag-sorry sa kasungitan kong ipinakita kanina eh. Tinamaan ako dun sa lesson.

Yung class activity pagkatapos ay sharing of experiences about dun sa mga nagawa naming mali sa kapwa at kung paano kami humingi ng sorry after nun.

Isa-isa kaming tinawag sa pagkakasunod-sunod sa upuan. Nagsimula sa unahan. WEW.

Karamihan, about sa friends ang ishinare. Yung kay Rox at Dylan, sa family nila. OH MEN, tapos na si Dylan? Naku, patay ako na pala ang sunod.

“April,” Tinawag na ko Mrs. Verna, ang CE teacher namin.

“Uh, my experience is about how mean I speak and tell words to a friend. I told him hurting words a lot lately and he always let it slip away. He doesn’t mind it, though. He always forgives me. But one time I told him something like ‘Your mother’s sick and it seems like you’re so much happy about that! Look, she’s your mother!’ What I said wounded him. I knew that, I saw it in his eyes. He answered me loudly that I don’t have any right to say that because I never knew how much he loves his mother.” Hinga. Whoo. Nakatingin sakin si Miguelito na parang nata-touch. Siya kasi yung tinutukoy ko eh.

“Then, I was about to say sorry but he said it already. He said sorry for shouting at me. But I knew that I was the one who really needed to say that, because what I said was more hurtful than his shouting, so I sincerely asked for his forgiveness. At that moment, he quickly forgave me. I was glad. That’s why that guy is so special to me.”

“And now, I will, again say sorry for still being mean and short-tempered, even though I know he’s just joking me. Sorry Migz.” I faced him and he smiled at me. Then I faced the class. “And sorry classmates, for shouting at you this morning.”

Nag-smile si Mrs. Verna. Nagpalakpakan ang klase. May mga nagsabing, “It’s alright, April. :)” Natutuwa ako. Lumuwag ang loob ko.

Now, it’s Miguelito’s turn.

“Before sharing my experience, I would like to say I’ve already forgiven you, Kate. You know that you’re my best friend and I accepted you for who you are, what you are, and how you talk to me.” May naririnig akong ‘yiiieee’ sa paligid.

“I understand you, and I want to say sorry for being hard-headed. I knew the things you wouldn’t like, but I still did them. I just wanted to see your cute facial expressions. :)” Eto na naman ang ‘ay-ayiiiee’ ng madla.

“Promise, I’ll remove the rocks I brought to your locker.” Natawa ang iba. Bakit daw may bato. HAHA. Weirdo kasi ‘to eh!

Tapos nun, ikinwento na niya yung about sa experience niya. Sa tatay niya daw. Pero ang masaklap, di raw siya pinatawad. Naisip ko, kaya ganun nalang niya kamahal ang nanay niya, kasi wala ang asawa para samahan ang nanay niya sa hirap at ginhawa. Haay. Napakabait niya talagang anak. :)

28*****

Lunch break.

Di agad kumain si Miguelito. Pumunta agad siya sa locker ko para tanggalin yung mga bato. Hehe. Nakakatuwa siya. :O

Uwian.

Syempre, sabay na naman kami ng aking bagong bestfriend. :)

“Yiie!” Kinurot ni Miguelito ang pisngi ko.

“Aray! Ano ka ba..”

“Masakit ba, best? Sorry..” Hinawakan niya ang mukha ko.

Tinanggal ko ang kamay niya. “Wag ka ngang ganyan, naaalibadbaran ako!”

“Best naman, ikaw talaga!” Ginulo naman niya ang buhok ko.

“Ano na naman ba’ng kinain mo?” Nagtataka naman ako dito.

“Ah, yung tinda sa cafeteria, bakit? Hehe. Natutuwa lang ako sayo Kate. :)”

“Bakit naman?”

“Wala lang. ;)” Ang cute ng smile niya. Ang taba kasi ng pisngi niya eh. Ngayon ko lang nakita ang tunay niyang cuteness. Gwapo rin naman pala ito eh! Pinisil ko rin ang pisngi niya.

“Ang cute mo pala, Migz.:)” Nginitian ko siya ng todo. Hehe. Tapos binilisan ko ang paglalakad.

Siya naman, napatigil sa paglalakad. Hinawakan niya ang pisngi niya.

“Hoy, tara na! Ayaw mo pa bang umuwi?” Medyo malayo na pala ako. Ano’t tumigil ‘to?

Naglakad na siya papalapit. Hinintay ko siya. Todo ang ngiti niya. Ang cuuute!XD Umakbay siya sakin. “Thanks best. ;) Ang sarap marinig na cute ako, lalong lalo na pag galing sayo. :D”

“Wag mo nga ‘kong akbayan!” Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya. “Oo na, cute ka na. Wag mo masyadong isipin, baka mabakla ka. Ahahaha!”

“Mabakla pala ha!” Tumakbo siya. Tumakbo rin ako. Ano ‘to habulan?!

Tawa kami nang tawa. Ang bilis niya talaga, kahit kelan. Todo speed na ‘ko, pero parang walang ka-effort effort sa kanya. Hinigal na ‘ko’t tumigil sa may playground.

“Time first!” *Matinding inhale-exhale.* Grabe yuun!

Nilapitan niya ‘ko. “Ahaha! Hiningal si Chubby Kate! XD Pahinga muna tayo dito, bestfriend.:)”

Umupo kami sa bench. Bumili siya ng ice cream para saming dalawa.

“Mas chubby ka kaya sakin, Miguelito!”

“Okay Senyorita. Sabi mo eh. Haha.” Inabot na niya yung ice cream ko.

“Thanks! Kumusta na mga pala si tita Erika?”

“Ayun, nasa bahay na. Medyo okay na siya. Ang saya nga eh!:)” Tapos dinilaan niya yung ice cream. Nakakatawa ang itsura niya. XD

“Nice. Buti naman.” Dinilaan ko rin yung ice cream.

“Whahaha! Kate, para kang bata! May amos-amos ka pa. Ahaha! Grade 1!”

“Hah? Saan?” Nakakahiya naman, siya pa ang nakakita..

Bumubunot na ‘ko sa bulsa ko ng panyo pero inunahan niya ko. Nalaman ko nalang, pinupunasan na niya yung amos ko gamit ang hanky niya.

“Ano ka ba! May panyo ako.. nakakahiya naman, panyo mo pa yung namantsahan.” Ang bait naman ni Migz.:)

“Ayos lang. May sipon na rin naman eh. HAHAHA!” Ano?!

“YUUUCK! Kadiri ka!”

“JOKE LANG! Grabe ka. Haha. Bakit ko naman ipupunas sa mukha ng best friend ko ang panyong nasingahan na?"

“Sus, di malabong gawin mo rin yun.”

“Kate naman! Wala akong sipon!”

“Okay. Okay. Oo nalang.”

“Alam mo, di ko na lalabhan ‘to.:)” Pinakita niya yung panyo niyang may chocolate stain.

“Eew. Kadiri ka Migz. Siguro, di ka talaga gumagamit ng panyong nilabhan.” Hinawakan ko yung mukha ko. “Yuck, gamit na yung pinunas sakin!” Haha. Pang-asar lang. O_o

Tinawanan niya ‘ko. Nag-asaran lang kaming dalawa. :DD

Tapos, hinatid na niya ko sa bahay. May chika-chikahan sila ng konti ni Madir. Lagi naman eh.

Haaay. Kahit medyo nakakaasar, aaminin ko, ang sayang kasama ni Migz. :)) Akala ko nung una, forever lang akong maiinis sa kanya. Di pala. Ang bait-bait naman pala niya.

Naiisip kong sa kabila ng mga pang-iinis niya sakin, naging kaibigan ko naman talaga siyang maaasahan.

Kapag may nawawala akong quizzes, alam niya kung san ko nilagay. Alam niyang makakalimutin ako kaya tinatandaan niya.

Kapag tapos nang i-check ang long tests, siya yung taga-tingin kung tama ang pagche-check sa papel ko. Siya rin ang tagareklamo kapag may minalian sa mga sagot ko na tama naman.

Kapag malungkot ako, inaalam niya kung ano ang dahilan. Napapagaan niya ang loob ko. Pag ayaw kong sabihin, di na siya nangungulit. Basta, pinapatawa na lang niya ko. Hanggang sa nakalimutan ko na rin kung bakit ang lungkot ko kanina. Ambaliw noh. :”> Napaka-effective niya.

Kapag absent siya, nararamdaman ko na may kulang sa araw ko. Nasanay na rin ako sa kanya eh. Hehe. Siya naman ang madalas na batukan ko ngayon, di na si Janice. Kasi naman, di na kami classmates nung bruha eh. Iba ang sched nila. Asar.

Pero masaya na rin ako dahil kay Migz. At least, di na ko masyadong nalulungkot dahil sa pagka-miss ko sa BFF ever ko. :)

-----------

Author’s note:

Again, THANKS FOR READING. :D

Makakailang chapter kaya ako? I’m clueless. Etchos lang. Ahaha. ;)

----------

Continue Reading