Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

173K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 50♕

1.6K 46 3
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

♕♕♕

Nakahanda na siya sa kaniyang pag-alis, suot ang isang coat na itim at pormal na pustura habang sakay-sakay ng kabayong itim.

"Dala mo na ba ang recommendation letter na galing sa heneral?" Tanong ko sa kaniya habang nakasimangot siya sa harap ko at walang gana na tumango.

"'Yung ibang gamit mo na iiwan mo sa sa dormitoryo ayos na ba lahat?" Muli kong tanong at nakasimangot na naman siyang sumagot sa 'kin habang nangangalag ang leeg ko at nakatingala sa kaniya.

"Ano bang problema? May na iwan ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya dahil mag kakalahating oras na kaming nakatayo sa harap ng gate ng kastilyo habang kasama namin si Achlys at Wilbert, iniintay na umalis siya at pumunta sa royal palace para magsimula ng kaniyang training bilang squire.

"Ikaw, ikaw ang maiiwan ko," sagot niya sabay simangot na naman sa harapan ko at itong mga nakakarinig sa kakornihan niya ngayon ay napapailing na lang at nag-aalisan na sa harap namin.

"Maiwan ko na kayo my lady, may aasikasuhin pa pala ako, mag-iingat ka sa iyong byahe sir Viggo," saad ni Wilbert at kakamot-kamot ng ulo na bumalik sa loob ng kastilyo.

"Ako rin, magpapaluto pa pala ako sa kusinero mo," saad naman ni Achlys at naglakad na rin palayo sa 'min kasama pa ng ibang katulong na magpapaalam pa sana kay Viggo kaso mukhang na inip na sila kasi itong bampira na ito ay ayaw pa umalis sa harap ng kastilyo.

"Ano ba Viggo, magtatanghalian na hindi ka pa rin umaalis?" Tanong ko sa kaniya at kulang na lang ay angilan niya ko at bumaba ng kabayo na kanina niya pa sinasakyan.

"Nagdadalawang isip na ko Cana, ayoko na iwan ka," sagot niya at nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa sagot niyang iyon.

"Huy, isang linggo mo na 'yan pinag-isipan at hindi ba na pag-usapan na natin ito kagabi? Ayos na ang lahat na iayos na rin natin ang mga kailangan mo, ngayon ka pa uurong?" Tanong ko sa kaniya at halata na naiinis siya sa sagot ko, ano bang gusto niya maglapasay ako sa harap niya at pigilan siya umalis eh babalik din naman siya mamayang gabi.

"Kasi eh, hindi ko talaga kayang iwan ka, sumama ka na kaya sa 'kin tapos manood ka ng training namin," sagot niya at napabuntong hininga na lang ako at umiling sa harap niya.

"Viggo naman, may trabaho rin ako no," sagot ko sa kaniya at nakita ko siyang lalong lumungkot kaya napailing na lang ako at sinenyasan siyang yumuko sa harap ko para maabot ko ang mukha niya.

"Uuwi ka naman mamayang gabi hindi ba? Iintayin kita sa kwarto ko," bulong ko sa kaniya at nakita ko ang pagmula ng mukha niya saka ko siya mabilis na hinalikan sa pisnge at tinapik sa balikat.

"Sigurado ka d'yan?" Tanong niya sa 'kin at humalukipkip naman ako sa harapan niya at masama siyang tinignan.

"Kung hindi ka pa magte-training ay hindi ka na talaga makakapasok sa kwarto ko," sagot ko sa kaniya at nakita ko siyang nagbuntong hininga na akala mo naman talaga eh dehado pa siya.

"Sige na nga, pero bakit sa pisnge lang? Wala ka bang pabaon na halik sa labi d'yan?" Tanong niya at umiling ako.

"Pag-uwi mo na lang, kaya dalian mo na at mag-training ka na! Dapat maging proud kaming tiga border sa 'yo ah!" Utos ko sa kaniya at sa wakas na kita ko rin ang ngiti sa mukha niya at kumaway na sa harapan ko.

"Babalik agad ako, sasabihin ko sa heneral na hindi ako titira sa dormitoryo," saad niya at tumango naman ako saka kumaway sa kaniya.

"Wag kang aalis ng kastilyo ng walang kasama!" Paalala niya at patuloy na nakalingon sa 'kin kahit na umaandar na ang kabayo niya palayo sa 'kin.

"Oo na! Tumingin ka na sa daan!" Hiyaw at utos ko sa kaniya saka ako natawa dahil nakasimangot na naman siya at kumakaway sa 'kin habang papalayo siya.

Napailing na lang ako at tatawa-tawa na pumasok sa loob ng kastilyo saka bumalik sa trabaho ko bilang lady ng kastilyong ito.

"Nakaalis na siya? Totoo na 'to?" Tanong ni Achlys habang may hawak-hawak na plato at kakapasok lang sa loob ng opisina ko.

"Oo, napilit ko rin sa wakas," sagot ko at nilapag niya ang hawak niyang plato sa lamesa na nasa loob ng aking opisina at umupo sa kaharap nintong sofa.

"Akala mo naman talaga hindi siya uuwi mamaya," sagot ni Achlys kaya natawa ako.

"Ewan ko ba doon, dapat pag nagte-training ka bilang knight ay titira ka sa dormitoryo na inihanda ng royal palace pero siya itong makulit na gusto pa byumahe ng pagkalayo-layo para lang makauwi," sagot ko at napailing na lang si Achlys saka nilantakan ang mga pagkain sa harapan niya.

"Hindi mo siya masisisi, gusto niyang umuwi sa piling mo eh," sagot niya naman at hindi ko naman maiwasan mapatigil sa ginagawa ko at mapangiti.

"Pero maiba ako Kiera, gusto ko na pala umalis sa kastilyo mo," bigla niyang sabi na kinagulat ko at mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko sabay bitaw ng panulat na hawak ko.

"Ha? At saan ka naman pupunta?" Tanong ko sa kaniya dahil natatakot ako na baka may gawin si Achlys na kakaiba o hindi kaya maisipan niya na naman manakop ng mga lupain katulad ng dati niyang gawain.

"Wag ka mag-alala, natututo na ko matuwa sa mga mortal na katulad mo, salamat na rin sa 'yo," sagot niya at dahan-dahan akong bumalik sa pagkakaupo at napasalumbaba na lang sa harap niya.

"So iiwan mo na rin ako?" Tanong ko sa kaniya at natawa naman siya saka dumikwatro ng pagkakaupo at sumandal sa sofa.

"Anong iiwan? Ang lapit lang kaya ng lugar kung saan ako titira," sagot niya na kinataas ng kilay ko.

Kaya ba siya busy kakaalis nitong mga nakaraang araw ay dahil naghahanap siya ng lugar kung saan siya mamalagi.

"Bakit ba ayaw mo na ba rito sa border?" Tanong ko at hindi naman maitatanggi na nasanay na rin ako na may isang dragon na palaging gutom sa kastilyo ko.

"Hmm... gusto ko magkaroon ng sarili kong kapangyarihan sa panahon ng mga mortal, gusto ko bumuo ng sarili kong empire," sagot niya na kinanganga ko.

"Ha? At pano mo naman gagawin iyon aber?" Tanong ko at tinuro niya naman ako.

"Syempre sa tulong mo, pansin ko kasing kayamana at pera ang basihan ng buhay ngayon, kaya kailangan ko muna payamanin ang lupain ko saka ako magtatayo ng mga palasyo," sagot niya at halos mahilot ko ang noo ko sa mga ideya na naiisip niya.

"Hoy, kahit may minahan ako hindi ko naman kayang ibigay ang ganung kalaking halaga, isa pa para makabuo ka ng sarili mong empire ay dapat may mga mamamayan kang titira doon at magpapalago ng lupain mo," sagot ko sa kaniya at napakamot naman siya ng ulo at tumingin ng inosente sa 'kin.

"Ganun? Ay sakit naman sa ulo," sagot niya at natawa na lang ako.

"Gusto mo tutulungan kita patayuan ng kahit maliit na kastilyo muna para makatira ka doon, saka saan ba ang lugar na 'yan? Baka naman may nag-mamay-ari na niyan?" Tanong ko sa kaniya at agad naman siyang umiling.

"Wala ah, wala talaga magtatangka tumira doon kasi libingan ng mga dragon ang balak ko pamugaran," sagot niya at nasapo ko na lang ang ulo ko dahil sa magulong usapan na 'to.

"So pano ka magkakaroon ng mamamayan kung ganun ang lugar na titirahan mo?" Tanong ko sa kaniya at napaisip na naman siya.

"Hmm... maganda ang lupain na 'yun at mayaman sa maraming mineral, sinunog ko lang 'yun kasi wala ko magawa pero maganda ang lupain na 'yun at pwede magsimula ng panibagong sibilasasyon," sagot niya at napaili na lang ako at sumang-ayon sa kaniya.

"Sige, tignan muna na 'tin kung mapapaganda pa natin ang lupain na 'yun, tapos syempre tutulungan kita sa una pero ikaw na ang bahala humawak noon," sagot ko sa kaniya at halata ang saya niya sa mukha at kulang na lang ay dambain niya ko at yakapin sa saya.

"Pero!" Pigil ko sa kaniya dahil yayakapin niya na talaga ako.

"Babayan mo syempre ang gagastusin ko pag mayaman na ang empire mo," sagot ko sa kaniya at mabilis naman siyang tumango.

"Salamat Kiera! Hayaan mo papadalhan kita ng maraming kabayo at kalabaw pag mayaman na ko," sagot niya at natawa na lang ako dahil wala siyang ibang inisip kung hindi ang pagkain niya katulad ng baka at kabayo.

"Tara, dalhin kita sa lugar na 'yun," bigla niyang pag-aaya at bago pa ko makapagsalita ay na gulat na lang ako nang buhatin niya ko sa kinauupuan ko at buksan ang malaking bintana mula sa opisina ko.

"Huy! Baka may makakita sa 'yo! Maaga pa!" Suway ko sa kaniya at umiling naman siya.

"Hindi iyan, hapon ngayon at pustahan tayo na tulog ang mga guardiya mo sa taas ng mga tore, walang makakakita sa 'tin lagi ko ginagawa 'to eh," sagot niya at hindi pa ko nakakapagreklamo ay agad niya nang nilabas ang malaki at itim niyang pakpak saka tumalon mula sa bintana sa ika-apat na palapag ng kastilyo.

Agad kong nakita ang nagkalat na papel sa opisina ko dahil sa malakas na pagwasiwas ng kaniyang pakpak sa ere, mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil pakiramdam ko ay mapapasigaw ako sa lula at taas ng kinalalagyan ko ngayon, idagdag pa ang mabilis niyang paglipad na talaga namang hindi makikita ng mga guardiya sa taas ng tore.

"Pupunta tayo sa magiging empire ko," saad niya at unti-unti kong minulat ang mata ko saka tumingin sa malawak na lupain pagkalagpas nang matataas na bulubundukin ng Lumire Empire.

Tumambad sa 'kin ang kulay berdeng lupain na halos balutin ng mga nagkalat na bulaklak na may iba't ibang kulay.

Maraming mga hayop ang makikita mo na tumatakbo sa malawak na lupain, marami ring mga mayayabong na puno at malawak na parte ng gubat.

Pagtinanaw mo naman ang hindi kalayuan ay makikita mo ang kulay asul na dagat, na kung tatansyahin mo ay malalim dahil sa asul na asul ito, ang baybayin naman ay may puti at pinong-pinong buhangin na masarap yapakan at pagtakbuhan.

"Hindi ko pa alam ang itatawag sa lugar na 'to, dahil dragons grave lang naman ang tinatawag niyo rito hindi ba?" Tanong niya at tumango naman ako.

Sa panahon ko, ang lugar na ito ay kilala bilang tourist spot dahil sa maganda at pino nitong buhangin, naging summer capital pa nga ito ng Gazina dahil sa marami ang nagpupunta rito para lang maligo at dito igugul ang summer nila.

"Miske sa panahon ko ay dragons grave ang tawag dito," sagot ko sa kaniya at inilapag niya naman ako sa buhanginan nang makarati kami sa dalampasigan.

"Marami ngang nakalibing na dragon dito dahil sa digmaan noon pero mukha ba itong grave yard? Ang ganda kaya ng lugar na 'to," saad niya at sang-ayon naman ako roon dahil napapatulala ako sa ganda ng lugar ito.

"Totoo, pero hindi naman maitatanggi na narito pa rin nakalibing ang mga kauri mo," saad ko sa kaniya at sinabayan niya ko sa paglalakad.

Naglakad kami sa dalampasigan at hinubad ang sandals na suot ko saka ko itinapak ang aking mga paa sa malamig at malinaw na tubig ng karagatan.

"Sabagay, eh anong itatawag ko rito?" Tanong niya at napatingin ako sa tinitignan niyang malaking bato sa gilid ng dalampasigan at na bigla ako nang makita ko ang isang rock formation na hugis dragon.

"Dragon ba iyan?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.

"Oo, earth dragon ang isang iyan dahil namatay siya na bumalik sa lupa," sagot niya at napatulala na lang ako sa laki ng bato na nasa harapan ko na hugis dragon.

"Eh ano nga itatawag ko rito?" Pangungulit niya sa 'kin at pagbalik niya sa usapan namin kaya napakamot naman ako sa ulo at nag-isip din.

"Hindi talaga ako magaling sa mga pangalan, wala pa nga akong na iisip na pangalan sa border eh," sagot ko sa kaniya at tinignan niya lang ako ng mapanghusga.

"Ano ba iyan, mag-isip ka matalino ka 'di ba?" Reklamo niya.

Naku, sarap tadyakan ng dragon na ito kung makapag-utos akala mo talaga hawak niya ang buhay ko.

"Hmmm.. maganda kasi kung alam pa rin ng mga tao kung ano talaga ang lugar na 'to kahit anong mangyari hindi ba? Grave yard ito ng mga kalahi mo kaya maganda kung ilagay pa rin na tin 'yung salitang libingan," sagot ko at agad na kumunot ang noo niya.

"Luh may narinig ka bang empire na may grave sa pangalan ninto?" Tanong niya at natawa na lang ako dahil wala naman talaga.

"Sabi kasi sa 'yo tanga ako mag-isip ng mga pangalan!" Natatawa kong sagot sa kaniya at bumusangot na lang siya sa harapan ko saka ko binalik ang mata ko sa dagat at na isip na magigi ng magandang summer capital ito ng Gazina balang araw.

"Hmm.. kung Summer Grave kaya?" Tanong ko sa kaniya at napakamot na lang siya ng kaniyang ulo.

"Tsk, sige na nga summer grave na ang tawag sa lugar na 'to simula ngayon! Summer grave empire!" Sagot niya at natawa na lang ako dahil pinatulan niya na ang pangalan na naisip ko.

"Wahaha, talagang seryoso ka na gagawin mong sa 'yo ito at magsisimula ka ng sarili mong empire rito?" Tanong ko sa kaniya at sumama lang ang tingin niya sa 'kin at nagsimula maglakad pabalik.

"Wala kang tiwala sa 'kin? Kahit ganito ako ay kayang-kaya kong sumakop ng anim na emperyo sa isang linggo," saad niya at ramdam kong hindi siya nagbibiro sa sinabi niyang iyon kaya naman agad akong sumunod sa kaniyang paglalakad at sinumulan siyang utuin, dahil kung papapiliin ako ng magiging kalaban ko, huling-huli kong pipiliin ang dragon na 'to.

"Biro lang naman, ikaw pa ba ang tinatawag nilang The Dark One? Syempre kaya mo maging emperor," sagot ko sa kaniya at panay na ang pang-uuto sa kaniya habang naglalakad kami sa dalampasigan.

Inubos namin ang oras namin ni Achlys sa paglilibot sa lugar at sa pag-uusap namin sa mga plano niyang ipatayo sa lugar na ito.

Nakakapagtaka lang na naisipan niyang bumuo ng sarili niyang emperyo na dati ay kinahihiligan niyang sirain.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Achlys pero base sa mga usapan naming dalawa ay alam kong gusto niya talaga magtayo ng magandang emperyo kung saan tahimik na mabubuhay ang mga mamamayan niya.

"Achlys, mukhang ang laki ng pinagbago mo ah? Akala ko ba ayaw mo sa mga mortal?" Tanong ko sa kaniya at tinaasan niya naman ako ng isang kilay.

"Sino naman nagsabi na ayaw ko sa mga katulad mo? Sadyang wala lang ako magawa kaya madalas mga kauri mo ang na pagdidiskitahan ko, pero ngayon na isip ko na kung wala ang mga mortal, wala akong masarap na pagkain araw-araw," seryoso niyang sagot na nagpanganga na lang sa 'kin.

So talagang pagkain ang dahilan kung bakit siya nanahimik ngayon?

"Pero syempre, nung makilala ko rin kayo at tumira sa puder mo, natutunan ko na may buhay rin kayo, may karapatan kayong mabuhay sa mundo na ito kahit na mahihinang nilalang kayo," sagot niya at napatingala ako sa kaniya saka siya tumingin sa 'kin at ngumiti sa harap ko.

"Salamat sa pagkupkop mo sa 'kin Cana, kahit na alam kong nauubos ko na ang pagkain na iniimbak mo," sagot niya at natawa na lang ako saka ako tumingkayad at inabot ang ulo niya para gulhin ang kaniyang buhok.

"Hahaha, kahit na ubusin mo pa rasyon natin ngayon buwan ay ayos lang sa 'kin, mayaman na ata ang kaibigan mo, madali na kita mabibilan ng gusto mong kainin," sagot ko sa kaniya ag nakita ko siyang na mula at inalis ang kamay ko sa kaniyang ulo.

"Basta, dadalawin pa rin kita at lagi kita pupuntahan sa border," sagot niya at tumawa naman ako saka tumango.

"Bukas ang kastilyo ko kahit kailan mo gusto pumunta roon," sagot ko at simula noon, humiwalay na sa 'kin si Achlys at tumira sa bago niyang tahanan.

Sa summer grave, kung saan nakalibing ang mga dragon.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

257K 6.5K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
8K 120 112
Tunghayan natin ang pakikipaglaban at pakikipagsapalaran nang limang grupo laban sa panganib na mararanasan sa kanilang pupuntahang lugar. Tao laban...
26.6K 1.4K 32
Lucille Bretwood- anak ng dating pinakamakapangyarihang Duke sa Goldton Empire, biniyayaan ng kagandahan at katalinuhan na hinahangaan ng lahat ng ka...
20.3K 855 71
Bella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Qu...