Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

173K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 47♕

1.8K 49 2
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

♕♕♕

Masayang tawanan ang umaalingangaw sa hunting ground kasama ng masayang musika na bumubuhay sa gabi.

Nakaupo ako sa isang mesa na nasa ilalim ng malaking puno habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid ko na nagsasaya at may kaniya-kaniyang usapan.

Gusto ko sana magsaya kasama ng pamilya at mga kaibigan ko pero hindi ko magawa pagtapos kong malaman lahat ng pinaplano ni Kiera at ang paggamit niya sa crown prince.

Hindi ko maiwasan maawa sa crown prince dahil sa pagpapaasa na ginawa sa kaniya ni Kiera at paggamit sa kaniya ninto.

Alam at ramdam kong walang balak magpakasal sa kaniya si Kiera dahil simula't sapul ay si sir Grimm ang pakay ni Kiera, kaya lalo akong nakokonsensya dahil sa mga panahon na saglit kong nakilala ang crown prince, alam kong totoo ang pagmamahal niya kay Kiera.

"Iniisip mo pa rin ba 'yung crown prince?" Tanong sa 'kin ni Viggo at halatang hindi niya gusto ang kinikilos ko.

"Hindi lang ako mapakali pagtapos kong malaman iyon, naaawa ako sa kaniya," sagot ko at hindi maiwasan malungkot, sumalumbaba ako sa mesa at malalim na nagbuntong hininga.

"Nakita mo ba siya? Umalis na ba siya sa hunting ground?" Tanong ko kay Viggo at pikon siyang tumango.

"Kanina pa siya umalis," pabalang niyang sagot at napabuntong hininga na lang ako dahil hindi niya mapigilan mainis sa inaakto ko.

"Nagseselos ka ba?" Tanong ko sa kaniya ag agad naman siyang umiling.

"At bakit naman? Alam ko naman mas mahal mo ko kesa sa lalaking iyon," mayabang niyang sagot at napatawa na lang ako.

"Oh alam mo naman pala eh bakit ka napipikon tuwing sasabihin ko ang pangalan niya?" Tanong ko sa kaniya at humarap siya sa 'kin habang namumula at may pagkapikon sa mukha.

"Malamang! Sino bang lalaki ang nais marinig na bukang bibig ng kasintahan nila ang pangalan ng ibang lalaki aber?" Tanong niya at natawa na lang ako at tumango.

"Okay-okay hindi na, dami lang talagang pumapasok sa isipan ko ngayon," saad ko at na gulat na lang ako nang ilapit niya ang mukha niya sa 'kin sa mesa at sumalumbaba sa harapan ko.

"Ako na lang kasi ang isipin mo," sagot niya na talaga naman nagpapula sa mga pisnge ko.

"Ehem! Andito kaya ako," na awat ang tinginan naming dalawa nang magreklamo si Achlys na kasama nga pala namin sa mesa at abala sa pagkain niya.

"Nakakawalang gana kayo sa pagkain ah, pwde kung maglalandian kayo kumuha na kayo ng kwarto?" Tanong niya at napaubo na lang si Viggo at ako naman ay napaayos ng upo.

"Ano tutunganga lang ba tayo ngayon gabi? Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ni Achlys sa 'min at umiling naman ako.

"Bukas pa ng umaga ang tapos ng pagtitipon, mga alas singko ng umaga ay uuwi na tayo," sagot ko dahil walang tulugan ang kasiyahan na 'to ngayon gabi.

"Nakakatamad naman," reklamo ni Achlys at sasabat pa sana ako nang marinig ko ang boses ni Keisha sa harapan namin.

"Narito sila father," saad niya at nakita ko ang Duke at ang Duchess kasama ni Keisha at halatang hindi maganda ang timpla ng mukha ng Duke.

Napailing na lang ako at tinago ang pagkapikon ko kay Keisha dahil halatang kinuwento niya sa Duke ang tungkol sa 'ming dalawa ni Viggo.

"Kiera kailangan na 'tin mag-usap," seryosong utos ng Duke at umalis na sa harapan namin kaya tumayo na rin agad ako at sinundan siya sa paglalakad.

"Mahal, wag mo sana pagalitan ang anak mo," rinig kong habol ng Duchess sa kaniyang asawa at lumingon lang ito.

"Usapan namin itong dalawa Carla, bumalik na kayo sa tent niyo at magpahinga," utos niya at nakita ko ang Duchess na halatang nag-aalala sa 'kin at si Keisha naman ay patagong nakangiti.

Napalingon din ang Duke sa likuran niya nang maramdaman niyang sumusunod si Viggo sa 'min dalawa.

"Sir Viggo, hindi ba't sabi ko usapan sa pagitan namin dalawa ito ng aking panganay na anak?" Seryoso niyang tanong kay Viggo at tumango naman ito.

"Ngunit butler po ako ni lady Kiera at hindi ko siya maaaring iwan o malayo sa kaniya," sagot niya na sapo na lang ng aking ama ang kaniyang noo at hindi pumayag sa nais ni Viggo.

"Iyon nga ang dahilan, butler ka lang niya kaya wag ka manghimasok sa usapan naming dalawa," inis niyang utos kay Viggo at hinila na ko papalayo sa kanila.

"Father! Bakit mo naman sinabi sa harap ni Viggo iyon?" Tanong ko sa kaniya nang makalayo kami sa maraming tao at napunta sa tapat ng isang liblib na sapa.

"At bakit! Sinira niya ang tiwala ko sa kaniya, akala ko ay mapagkakatiwalaan siyang butler pero iba pala ang turing niya sa 'yo! Alam mo ba ang pinapasok mo Kiera?" Tanong ng Duke at napayuko na lang ako.

Tama siya, malaki ang tiwala niya kay Viggo at hindi niya alam na may ibang relasyon na pala ang namamagitan sa 'ming dalawa.

"Sinisira mo ang imahe mo bilang lady at bilang isang Romulus, ano bang pumasok sa kokote mo at pumatol ka sa isang slave?" Dirediretsyo niyang tanong sa 'kin at halos masuklay niya na lang ang kaniyang buhok sa dinulot kong balita sa kaniya.

"Ikaw pa mismo ang bumili sa kaniya, pano kung bigla ka na lang niyang saksakin sa likod at kunin lahat ng mga pinaghirapan mo?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Father, hindi porque mahirap si Viggo ay ganoon na ang gagawin niya para makakuha ng yaman, hindi siya linta na sisipsipin lang ang mayroon ako, hindi niyo ba narinig ang hiniling niya kanina sa harap ng emperor?" Seryoso kong tanong sa kaniya na nagpatahimik naman sa kaniya.

"Nais niyang maging noble man para lang bumagay sa katulad ko, feeling ko nga siya pa itong hindi deserved ang katulad ko dahil aminin na natin na matagal ko nang nasira ang pangalan ng pamilya na tin, matagal ko nang nasira ang imahe ko," sagot ko sa kaniya at natahimik kaming dalawa.

"Gusto ko siya bigyan ng pagkakataon, katulad ng pagbibigay niyo sa 'kin ng tyansa na mapatunayan ang sarili ko," muli kong sagot habang nakatingin sa mga mata ng aking ama.

"Father, hayaan niyo sana ako sa mga gagawin kong desisyon mula ngayon, hindi ko pwede turuan ang puso ko o mamili ng taong mamahalin ko para lang sa yaman, sa totoo nga lang nagmana ako sa inyo," sagot ko sa kaniya na kinabigla niya.

"Minana ko sa inyo 'yung lakas ng loob niyong ipaglaban ang mahal niyo, hindi ba't minahal niyo naman ang aking ina kahit na isang peasant siya?" Tanong ko at parang natauhan siya sa mga salitang iyon.

"Gusto ko lang din sundin ang puso ko father, katulad ng pagsunod niyo sa puso niyo, dahil mukhang masaya kayo ngayon at walang pinagsisisihan, gusto ko rin maramdaman ang saya na 'yun," sagot ko sa kaniya at wala na siyang nagawa kung hindi tanggapin ang desisyon ko at yumuko sa harapan ko habang sapo-sapo ang kaniyang noo.

Nilapitan ko siya at niyakap, niyakap niya rin ako at hinahod ang aking likuran.

"Kaya ako ganito umakto dahil pinagdaanan ko na ang nais mong pagdaanan Kiera, alam kong mahirap na landas ang tatahakin niyo ni Viggo kaya sana makayanan niyo," sagot niya at tumango naman ako at niyakap pa siya ng mahigpit.

"Tatandaan ko po ang paalala niyong iyan," saad ko at humiwalay na kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

"Pagkaalis mo rito, tawagin mo naman si sir Viggo at mag-uusap kaming dalawa," saad niya at napangiti ako saka niya ginulo ang aking buhok at ngumiti sa 'kin.

"Kailangan ko lang pagsabihan ang nobyo mong iyan," saad niya at natawa naman ako saka sinunod ang utos niya.

Kumaway ako sa kaniya at bumalik sa hunting ground at tinawag si Viggo, sinabi ko sa kaniya na nais siyang makausap ng aking ama kaya naman sumunod siya at pumunta sa direksyon ng Duke.

Pagkaupo ko sa mesa ay agad akong kinausap ng aking ina at itong sila Achlys at Miranda ay halatang mga tsimosa dahil mataimtim silang nakikinig sa usapan namin ng aking ina.

Kinuwento ko sa kanila ang na pag-usapan namin ng Duke at nakahinga naman nang maluwag ang Duchess dahil sa pumayag ito at hindi kami hinadlangan.

Mga ilang oras pa at nakita namin silang dalawa ni Viggo na palabas sa lugar kung saan kami nag-usap at tinawag niya na ang Duchess.

"Magpahinga na rin kayo," utos ng Duke bago pa siya umalis at tumango naman kami sa kaniya saka ako humalik sa pisnge nilang dalawa ng Duchess at nagpasalamat.

Yumuko kaming dalawa ni Viggo sa harapan nila at inintay silang makabalik sa kanilang tent.

"Anong sabi ng Duke sa 'yo? Tinakot ka ba niya?" Agad kong bungad kay Viggo at umiling siya.

"Sa amin na lang dalawa iyon," sagot niya at pansin ko naman sa mukha niyang masaya siya sa pinag-usapan nila ng Duke kaya naman masaya na rin ako doon.

Nagsaya kami kasama sila Miranda at Achlys. Nag-usap sa mga bagay-bagay habang iniintay matapos ang gani at sumapit ang umaga.

Pagtapos ng hunting event ay isa-isa nang nag-aalisan ang mga karwahe sa lugar at na pagpasyahan na rin namin umuwi sa border.

"Maligayang pagdating lady Kiera," bati agad sa 'min ni Wilbert at ng iba pang mga katulong na naiwan sa border.

"Magandang umaga, naging ayos ba ang lahat nitong wala kami?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.

"Wala naman problema my lady, maaari na po kayong magpahinga mula sa mahabang byahe." Sagot niya at tumango naman ako at pumasok na sa aking silid.

"Miranda!" Tawag ko sa lady in waiting ko dahil magpapahanda ako sa kaniya ng paliguan pero pansin ko talaga na nagiging pabaya siya sa trabaho niya at laging nawawala sa tabi ko.

"My lady, ano po iyon?" Tanong ni Beth napabuntong hininga na lang ako.

"Asan ba si Miranda?" Tanong ko at nagbikit balikat lang si Beth bilang sagot.

"Hindi ko po alam my lady, ako na lang po ang utusan niyo kung wala pa siya," sagot niya at nagbuntong hininga na lang ako at tumango sa kaniyang harapan.

"Paki handa naman ang paliguan ko," sagot ko at tumango siya saka mabilis na sinunod ang inuutos ko.

Nakatapos na ko maligo't magbihis ay wala pa rin si Miranda samantalang si Viggo naman ay abala sa pinag-utos ko sa kaniyang pagtingin saglit sa minahan.

Matutulog na sana ako para makapagpahinga saglit pero hindi mawala sa isip ko 'yung kinikilos ni Miranda, may kakaiba talaga sa kinikilos niya, parang may tinatago siya sa 'kin o may ginagawa siyang kakaiba.

Napabangon ako at napaisip kun ano 'yun, sa ngayon titignan ko muna ang bawat kilos nila rito sa loob ng kastilyo. Mabuti nang maaga pa lang ay nalalaman ko na kung may kakaiba o wala.

♕♕♕

Sumapit ang hapon at muling bumalik si Viggo sa Kastilyo kasama si Achlys na sinama niya sa misyon para naman hindi ito maburyo sa loob ng Kastilyo.

"Nasa silid niya na si Achlys?" Tanong ko kay Viggo at tumango naman siya saka umupo sa tabi ko at na gulat na lang ako nang sumandal siya bigla sa balikat ko.

"Napagod ka ba sobra?" Tanong ko sa kaniya at tumango lang siya sa 'kin bilang sagot at napangiti ako dahil pakiramdam ko kailangan ng lambing ng isang 'to.

Kaya naman hinawakan ko ang buhok niya at hinaplos ito habang patuloy siyang nakayuko sa balikat ko.

"Cana, maiintay mo ba ko?" Tanong niya na nagbigay sa 'kin ng pagtataka.

"Saan?" Tanong ko at bahagya niyang tinaas ang tingin niya para magtama ang mga paningin namin.

"Maiintay mo ba ko maging karapat-dapat para sa 'yo?" Tanong niya at para naman matutunaw ang puso ko sa tanong na 'yun.

"Syempre naman," sagot ko sa kaniya pero imbes na matuwa siya ay parang hindi siya naniniwala sa sagot kong iyon.

"Pero iniisip mo pa rin bumalik sa totoong katawan mo hindi ba?" Tanong niya sa 'kin na nagbigay rin ng katanungan sa isip ko ngayon.

Babalik pa nga ba ko sa dati kong panahon? Ngayon na mas alam ko na ang dahilan bakit ako na rito sa panahon na 'to.

"Hmm... sa totoo lang iniisip ko pa rin ito, kasi kung iisipin na 'tin, kaya ako na rito para ipaghiganti si Kiera hindi ba? Makakabalik lang ba ako kung na gawa ko ang gusto niya? Hindi ko alam pano makakabalik Viggo, at aamin ko sa 'yo na nagugustuhan ko na ang buhay na dito," sagot ko sa kaniya at na ramdaman ko ang pag-ikot ng braso niya sa bewang ko saka niya ko hinila palapit sa kaniya.

"Dito ka na lang, wag ka na bumalik sa panahon mo Cana," sagot niya at hinawakan ang aking mukha saka ako marahan na inihiga sa sofa at pumaibabaw siya sa 'kin, dahilan para mabigla ako at mamula.

"Ah teka Viggo," awat ko sa kaniya pero parang hindi niya na ririnig ang sinasabi ko at patuloy na inilalapat ang katawan niya sa 'kin at nilalapit ang kaniyang mukha sa mukha ko.

"Hindi ko alam ang gagawin ko pag iniwan mo ko rito," saad niya at hinawakan ang labi ko gamit ang hintuturo niya, halata sa mga titig niya ang pagkahumaling dito kaya hindi ko magawang magsalita o kumilos bagkos hinayaan ko kang siya gawin ang gusto niya.

"Mababaliw ako pag nalayo ka sa 'kin, ano pa kaya kung iiwan mo ko?" Tanong niya at nakita ko ang paglabas ng mga pangil niya sa labi at bumaling ng tingin sa leeg ko.

"Viggo," tawag ko sa kaniya at bago niya pa gawin ang gusto niya at muli siyang tumingin sa 'kin.

"Pwede ba?" Pagpapaalam niya at tumango na lang ako saka siya ngumiti at marahan at malumanay na binaon ang mga pangil niyang iyon sa laman ko.

Napasinghap ako, medyo matagal-tagal din nung na bigyan ko siya ng dugo ko dahil sa insidente noong nakaraan linggo kaya naman ramdam ko ang gutom niya sa dugo ko.

Pero pansin ko, parang hindi na siya ganung humihingi ng dugo sa 'kin at nakakayanan niya na ang matagalan na hindi pag-inum ng dugo.

Hindi kaya dahil sa nakatikim siya ng dugo ni Achlys nung nangyari ang insidente? Iba rin ang lakas niya ngayon at madalas lagi siyang gising hindi katulog noon na lagi siyang natutulog at inaantok.

"Cana," tawag niya sa 'kin at hinila ako paupo ng sofa saka niya ko binuhat at pinaupo sa binti niya.

"Huy!" Gulat kong sagot sa kaniya dahil hindi ko maiwasan mahiya sa posisyon na ito kung saan nakasalampak ako sa harapan niya.

"Hahaha, mas kita ko ang mukha mo rito," saad niya at muling bumalik sa pag-inum ng dugo ko habang ramdam ko ang mainit niyang dila sa balat ko at ang paggala ng kamay niya sa likuran ko.

Napatingala ako sa sensasyon na ginagawa niya ngayon, hindi ako makapalag at para bang gusto ko pang maramdaman ang init ng haplos niya sa buong katawan ko.

"My lady, hanap niyo raw po ako?"

Na patingin kaming dalawa ni Viggo sa pagpasok ni Mirandan sa pinto ng walang pasabi, natulala siya nang makita niya ang dugo sa bibig ni Viggo at ang mahabang mga pangil ninto.

"Ba-bampira?" Nangangatog niyang tanong habang hindi alam ang ikikilos at agad ko siyang sinenyasan.

"Sssshhh— dapat walang makaalam ninto Miranda,"

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

48.3K 3.2K 24
Matapos magising sa tatlong buwang pagka-comatose si Charlie ay hindi niya alam bakit tila kulang na ang pagkatao niya kahit na hindi naman siya na w...
216K 6.2K 80
She was a gangster yet she discovered she wasn't just like any other normal gangster when this one heck of a perverted jerk appear and confused her o...
2K 238 28
Title: Sweet Treats Author: katanascytheslash29 Genre: Scifi, Mystery/Thriller, Action Things are getting bittersweet as the time flies. A parasite...
8.8K 438 58
Helliza was living in an isolated place, away from the outside world. But she could never say 'no' to her Grandfather. Labing dalawang taong gulang s...