Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

172K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 46♕

1.8K 56 1
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

♕♕♕

Totoo ba 'yung narinig ko? Tama ba 'yung pagkakarinig ko sa sinabi niya? Gusto niyang humingi ng title bilang noble man sa emperor?

"Nahihibang na ba ang butler ni Lady Kiera? Hihingi siya sa emperor ng title ng wala naman siyang yaman na hawak-hawak o kahit anong napatunayan sa loob ng empire?" Iyan ang mga umaalingawngaw na usapan sa loob  hunting ground dahil sa sinabi ni Viggo sa harap ng emperor.

Patuloy siyang nakaluhod at hindi itinataas ang kaniyang ulo sa harap ng emperor at ni princess Diana habang pinagbubulungan siya ng mga tao sa paligid dahil sa kahilingan niya.

Hindi lingid sa 'kin na imposible ang nais niyang mangyari, kung isa siyang knight na naipanalo ang digmaan ay maaari siyang bigyan ng titulo bilang viscount or marquess pero kung wala naman ibang pagbabasihan sa nais niyang makuha ang malayo na tuparin ng emperor ang nais niya.

"Nais mong maging noble man?" Muling ulit ng emperor at tumango naman si Viggo.

"Yes your majesty, kahit hindi ngayon, kahit hindi niyo ko bigyan mismo ngayon ng titulo basta ipangako niyo sa 'kin na pag dating ng panahon, pag may ibubuga na ko sa high society ay bibigyan niyo ko karapat-dapat na titulo," sagot niya at namangha naman ako sa sinabi ni Viggo.

Pursigido siyang makamit ang bagay na 'yun at halata sa mga mata niyang hindi niya titigilan ang pangarap na 'yun.

Bakit niya ginagawa 'to? Dahil ba sa nais niyang maging karapat-dapat sa tabi ko?

"Osige, tutal ang hiling din naman ni lady Kiera ay ang tuparin ko ang hiling mo, kung kaya't pag natamo mo na ang kinakailangan basihan sa pagiging noble man ay bibigyan kita ng titulo base sa hawak mong kapangyarihan," saad ng emperor at wala nang nagawa ang mga bulungan sa paligid namin kung hindi tahimik na pagmasdan ang mga susunod na halbang ni Viggo.

"Siguro nga totoo ang usapan na may relasyon sila ni lady Kiera kaya gigil na gigil siyang makakuha ng titulo bilang noble man," saad ng isang ginoo na hindi kalayuan sa 'min sabay tingin sa diteksyon ko at tinaasan ko lang siya ng kilay nang magtama ang paningin namin.

Ano naman ngayon kung totoo? At least si Viggo gumagawa ng paraan para maging bagay kami sa mga pamanghusga niyong tingin.

"Maraming salamat your majesty, hindi ko sasayangin ang pangakong ibinigay niyo sa 'kin," saad ni Viggo sa harap ng emperor at tumayo na sa kaniyang harapan.

Inanunsyo ng emperor ang pagtatapos ng kasiyahan at ang mga nanalo sa palarong ito, nagbigay rin siya ng maikling salita para iselebra ang naging mabunga at malagong taon ng ani sa emperyo.

"Hindi pa rin ba nagigising ang heneral?" Pabulong kong tanong kay Viggo habang nanonood kami ng pagsindi ng isang malaking bonfire para sa pagtatapos ng araw na 'to at pagsisimula ng kasiyahan ngayon gabi.

"Hindi pa pero pinakuha ko na siya kay Grimm," saad niya at nakahinga ako nang maluwag.

"Buti nawala sa isip ng mga tao na hindi pa lumalabas ng gubat ang heneral, kung hindi katakot-takot na gulo ang mangyayari kung malaman nila ang katotohanan sa pagkatao ni Heneral Hervaux," saad ko at nahilot na lang ang ulo ko dahil sa dami nang nangyari sa loob lamang ng isang araw.

"Binigyan ba kita ng sakit sa ulo?" Tanong ni Viggo at umiling naman ako.

"Hindi mo naman kasalanan hindi ba? Sabi mo siya ang na unang sumugod sa iyo kaya wag ka mag-alala hindi ako galit sa nangyaring kumosyon," saad ko at tumango naman siya sabay ngiti.

"Pero hindi ko maitatanggi na ginulat mo ko sa hiling mo sa harap ng emperor, akala ko hindi mo nais maging noble o mabilang sa aristocracy," saad ko sa kaniya at napakamot na lang siya ng ulo sabay buntong hininga habang pinapanood namin ang paglaki ng apoy sa aming harapan at ang pagsasayaw ng mga tao paikot rito.

"Hindi ko kasi maiwasan isipin na kung nais kong manatili sa tabi mo, kailangan ko talagang maging parte ng high society, dahil isang lady ang babaeng na gustuhan ko," saad niya at hindi ko maiwasan mapangiti.

"Kinikilig naman ako sa sagot mo, pero as in pinahanga mo ko Viggo," saad ko at nakita ko siyang na mula at umiwas ng tingin sa 'kin.

"Pinahanga mo rin ako dahil nagkalat ka na naman ng usapan tungkol sa pagtutok mo ng crossbow sa harap ni lady McMillan," saad niya at natawa na lang ako.

"Hayaan mo sila, nagbibiro lang naman ako. Lakas kasi nila manira ng araw kaya pinatikom ko lang ang mga bibig nila," saad ko sa kaniya at natawa na lang siya at napailing sa 'kin.

Patuloy kaming nagkwentuhan dalawa at hindi na tinago pa sa harap ng iba ang pagiging malapit namin sa isa't isa. Tutal kalat na naman ang balita tungkol sa relasyon namin ay hindi na namin ito itatago pa.

Kinakabahan lang ako kung anong sasabihin ng Duke pero dahil mukhang hindi pa nakakarating sa tenga niya ang balita ay hahayaan ko muna ang sarili ko magpahinga sa isipin.

Pero imbes na ma enjoy ko ang event na 'to ay bihla naman lumapit sa pwesto namin ang crown prince.

Seryoso ang mukha niya ag halatang alam niya na ang balita na kumakalat ngayon sa hunting ground, nakatingin siya sa 'ming dalawa ni Giggo at para bang gusto niyang patayin si Viggo sa mismong harapan ko.

"Lady Kiera, maaari ka bang makausap?" Saad niya at akmang hahawakan ang kamay ko pero agad na humarang si Viggo.

"May pustahan tayo hindi ba crown prince?" Tanong niya kay Hendrix at ako naman itong nalito sa kung ano ang bagay na tinutukoy niya.

"Nanalo ako kaya lulubayan mo na si Lady Kiera," saad ni Viggo at tumingin naman sa kaniya ng seryoso ang crown prince at lumayo sa 'kin.

"Sige, pero hayaan mo sana akong makausap ng isa pang pagkakataon si lady Kiera," saad niya at napatingin lang ako sa kanilang dalawa, tumango si Viggo sa 'kin at para bang pinapayagan akong sumama kay Hendrix at si Hendrix naman ay parang nagmamakaawa na sumama ako sa kaniya.

Napailing na lang ako at sumama sa crown prince, sinundan ko siya sa paglalakad at pumunta kami sa loob ng tent niya.

"Iwan niyo muna kami," saad niya sa mga kawal at katulong na nasa loob ng tent, nang tuluyan nang makalabas ang mga ito ay halos masuklay niya na ang buhok niya sa inis.

"Ano bang iniisip mo lady Kiera?" Tanong niya at napapitlag ako sa taas ng boses niya.

"Tungkol ba sa 'min ito ni Viggo?" Tanong ko sa kaniya at lumapit siya sa 'kin saka hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Ano pa ba sa tingin mo? Anong dahilan bakit nagiging ganito ako? Bakit siya pa ang pinili mo Kiera?" Tanong niya at kita ko sa mga mata niya ang inis at lungkot na para bang dinudurog ng desisyon ko ang puso niya.

"Masisira na ba lahat ng plano na 'tin dahil lang sa nabulag ka ng lalaking iyon?" Tanong niya at hindi ko maiwasan mapakunot ng noo sa mga naririnig ko.

"Pumayag akong sumabak sa gera kahit na iiwan kita dahil sabi mo doon ko mapapalakas ang hawak ko sa trono, pumayag ako kahit na may posisbilidad na hindi na ko makakabalik sa piling mo, kaya ginawa ko lahat para matalo ang kalaban sa gera at makita ka! Pero anong nangyari? Bakit ang laki ng pinagbago mo!" Sagot niya sa 'kin at napayuko ako. Hindi ko alam ang iisipin ko dahil sa walang memorya ni Kiera ang pumapasok sa isip ko na tungkol sa mga sinasabi niya ngayon.

Nakakapagtaka pero dapat na tatandaan ko kung ano 'yung sinasabi ng crown prince.

"Ikaw ang bumuo ng plano, sabi mo pag-uwi ko ay patay na si Diana? Anong nangyari bakit mas nakikita kong malapit kayo sa isa't isa?" Tanong niya habang kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya, walang limalabas na boses sa bibig ko, hindi ko alam ang isasagot ko sa mga nalalaman kong rebelasyon ngayon.

"Lahat ng plano na sira dahil lang sa malaking pagbabago mo! Iniwan mo ko sa ere Kiera," sagot niya at napabitaw sa balikat ko at tumalikod sa harap ko.

"Pano ko makukuha ang trono? Hindi ba't gusto mong maging empress ko?" Muli niyang tanong at napahawak na lang ako sa bibig ko.

Ito ang totoong plano ni Kiera? Ginagamit niya ba ang crown prince para sa paghihiganti niya?

"Lahat ba ng pinapakita mo sa harap ni Diana ay ayon sa utos ko?" Tanong ko sa kaniya at napalingon siya sa 'kin nang takang-taka.

"Ha? Hindi ba iyon ang plano? Sabi mo sa 'kin ay kukunin mo ang loob ni Diana at papatayin mo siya para walang sagabal sa pagiging emperor ko saka tayo magpapakasal para maging empress kita hindi ba? Anong tingin mo sa 'kin? Hindi ko dudungisan ang mga kamay ko kung hindi rin magiging sa 'kin ang trono," sagot niya at muling lumapit aa 'kin.

"Marami akong pinatay sa gera, kakampi man o kalaban para lang maiuwi ko ang panalo at lahat ng papuri para maging ganap na emperor, pero pag-uwi ko bigla ka na lang nagbago," sagot niya at hinawakan ang aking baba kaya napatingala ako at napatingin sa mukha niya.

"Dahil ba sa lalaki mong iyon?" Tanong niya at walang lumalabas na salita sa aking bibig dahil sa mga nalalaman kong katotohanan.

"Binago niya ba ang pananaw mo? Hindi ba palabas lahat ng pinapakita mo sa harap ni Diana ngayon?" Tanong niya at iniwas ko ang tingin ko dahil sa palapit na nang palapit ang kaniyang mukha sa harapan ko.

"I-i-Itigil na na-natin ang p-plano," iyon na lang ang na sabi ko sa harap niya at kitang-kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.

"Ha? Hahahah! Pagtapos kong gawin lahat ng gusto mo?" Tanong niya at hindi ako makatingin sa mga mata niya.

"Kiera! Sumugod ako sa digmaan para lang magawa ang nais mo na maging emperor ako, pero anong nangyari? Bakit hindi pa rin patay si Diana?" Tanong niya sa 'kin at napayuko na lang ako.

"Hindi ko alam! Nagbago ang isip ko, alam kong mabait na tao si Diana at hindi ko na kayang panindigan ang plano," sagot ko at hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko.

"Kung ganu'n, papano naman ako?" Tanong niya na sobrang kinakukunsensya ko.

"Pano naman lahat ng sinugal ko at ginawa ko para lang sa gusto mo? Alam mong susunod ako sa mga gusto mo kaya ba inuto mo ko?" Tanong niya at galit na galit sa akong harapan, ramdam na ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa kamay ko na para bang mapuputol na sa diin.

"Iiwan mo na lang ako ng ganun-ganun na lang kasi ano? Kasi may bagong lalaki ka na naman?" Tanong niya at napapaimpit na lang ako sa sakit pero hindi ko siya magawang masagot dahil sa pakiramdam ko kasalanan ko naman lahat ng ito.

"Ginawa mo kong kontrabida Kiera, hinayaan din kitang gawin mo ang panlalaki mo dahil alam ko sa huli sa 'kin ka babagsak pero ano 'tong nangyayari sa inyo ng alipin na 'yun?" Tanong niya naiiyak na ko sa sobrang sakit ng pagkakahawak siya sa braso ko.

"Patawarin mo ko, hindi ko rin alam!" Iyon na lang ang nagawa kong sabihin sa harap niya at napatigil siya nang makita niya ang luha sa mata ko.

"Bakit ka ganiyan? Ginamit mo lang ba talaga ako?" Tanong niya sabay bitaw sa braso ko saka tumitig sa mga mata ko.

"Hindi kita ginamit Hendrix, sadyang hindi ko na kilala ang sarili ko, hindi ko na gusto maging kontrabida sa paningin nila," sagot ko at hindi na napigilan maiyak.

"Please Hendrix, baguhin na lang na 'tin ang takbo ng buhay na 'tin, piliin natin maging masaya at walang galit," sagot ko at nasapo niya na lang ang noo niya.

"Madaling sabihin, mahirap gawin," sagot niya at na patalikod na lang siya sa 'kin.

"Kung ganun, iiwan mo na ko at ang plano nating dalawa?" Tanong niya at napapahikbi ako saka yumuko sa harap niya.

"Ganu'n na nga, ayoko na ituloy kung ano man ang plano na mayroon tayo noon," sagot ko sa kaniya at narinig ko siyang na patawa.

"Iiwan mo nga ako sa ere, hindi ko akalain na 'yung nag-iisang kakampi ko noon ay iiwan din ako ngayon," sagot niya at tumingin sa 'kin nang malungkot sabay ngiti.

"Gagawin ko pa rin ang plano, at kahit sa ayaw mo o hindi, ikaw pa rin ang magiging empress ko," saad niya at naglakad na palabas ng tent at iniwan ako doon habang hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga palad ko.

Hindi ko lubos akalain na nagpapanggap lang siya na mabait kay Diana at sa emperor dahil sa plano na inutos sa kaniya ni Kiera.

Hjndi ko alam na may ganoon silang plano para mapatumba ang prinsesa at mapasakamay nila ang Lumire Empire.

Pero bakit ganu'n? Hindi ko matandaan ang ano mang ukol sa plano na 'yun? Bakit hindi pumapasok sa isip ko ang mga na pag-usapan ni Kiera at Hendrix noon?

Gano ba kagalit si Kiera kay Diana na pari ang crown prince ay kinumtyaba niya na para sa plano niya?

At kaya pala sobrang galit ang crown prince kay Diana nung na matay si Koera sa story dahil sa namamagitan sa kanilang dalawa.

Napayuko ako at napatingin sa mga palad ko, hindi ko pa ganu'n kakilala si Kiera at kada tumatagal lalo kong nakikita ang madilim niyang nakaraan.

Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko kay Diana kung may gawing hakbang ang crown prince?

"Cana?" Napalingon ako sa pinto ng tent at nakita ko roon si Viggo na hinahawi ang trapal at mukhang nag-aalala sa 'kin.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya at agad naman akong yumakap sa kaniya.

"Viggo, may binabalak ang crown prince, kasabwat niya si Kiera at si Kiera lahat ang may plano nu'n," natataranta kong paliwanag sa kaniya at halatang hindi niya maintindihan ang pinapaliwanag ko.

"Kumalma ka nga muna, wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo," saad niya at huminga naman ako nang malalim.

"Kailangan kong pigilan ang crown prince sa kahit anong plano niya na gagawin laban sa crown princess," sagot ko at tumango lang si Viggo sa harap ko habang patuloy pa rin akong kinakalma sa basig niya.

"Sige kahit ano pa iyan ay sasamahan kita sa laban mo," sagot niya at napayakap na lang ako nang mahigpit sa kaniya.

"Sa ngayon, ipaliwanag mo muna sa 'kin lahat-lahat nang sinabi sa 'yo ng crown prince para mapaghandaan natin kung ano man ang gagawin niya," sagot niya at hinawakan ang braso ko saka tinaas ang manggas ninto.

"Ginawa niya ba ito sa 'yo?" Seryoso niyang tanong at hinawakan ko na lang ang kamay niya para kumalma siya at walang gawin na kahit ano sa crown prince.

"Hayaan mo na, hindi ko rin naman masisisi ang crown prince," sagot ko at hindi maiwasan maawa sa crown prince dahil sa pinaikot lang siya sa kamay ni Kiera at ginawang sunod-sunuran sa mga utos niya.

Hindi ko masisi ang crown prince kung magalit siya sa 'kin, dahil sa totoo lang miske ako ngayon ay na iinis din sa totoong nag mamay-ari ng katawan na 'to.

Kiera, akala ko hindi ka talaga ang Villainess sa story na 'to, pero bakit ganito ang mga nalalaman ko sa 'yo?

Ano ba talagang balak mo?

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

298K 11.9K 37
[COMPLETED] Namatay siya nang mahulog ang sasakyan na minamaneho sa taas ng skyway, however, she was resurrected inside a novel that she once read, b...
1.3K 183 52
The best stories! (3.22.22) Running out of stories? Well this is for you then! DISCLAIMER: Each stories have their own Author so read at your own r...
87.4K 2.8K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
2K 351 17
Bigla ko nalang naisip dahil sa napanood kong movie at inupload ko dito sa wattpad kaya ayan nishare ko nalang. One of my fictional short story with...