Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

173K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 45♕

1.7K 59 6
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

♕♕♕

Malakas na ugong ng trumpeta ang umalingawngaw sa buong hunting event, isang hudyat na tapos na ang tatlong oras para sa mga kalalakihan upang manghuli ng mga hayop na kanilang ibibigay sa mga binibini bilang puntos.

Lumabas na kami ng tent kasama ang Duchess para salubungin ang Duke at si Viggo, habol tingin ko rin sa mga kalalakihan na dumarating si Achlys dahil sa hindi pa rin ito bumabalik kanina pa.

Kinakabahan na nga ako kung saan ba nagsuot ang dragon na 'yun o kung anong kalokohan na ang ginagawa niya ngayon kaya hindi ko maiwasan mag-isip at mag-alala hindi para sa kaniya kung hindi para sa mga tao ngayon sa hunting event.

"Nariyan na sila," rinig kong sabi ng isang noble lady sa tabi ko at nakita namin na isa-isang nagdaratingan ang mga kalalakihan palabas ng gubat at kaniya-kaniya ito ng dalang mga hayop na kanilang huli.

Bawat kalalakihan ay dumidiretsyo sa kanilang pag-aalayang binibini at ibinibigay ang kanilang huli rito.

"Aba mukhang si lady Keisha na naman ang mananalo sa hunting event na 'to," rinig kong usapan ng mga kababaihan at nang tignan ko kung na saan ang magaling kong kapatid ay kita ko kung gano karaming mga offering ang ibinababa sa kaniyang paanan.

Halata sa mukha niya ang tuwa sa dami ng kalalakihan na nag-aalay sa kaniya. Siya ang tinaguriang hunting queen nung nakaraang taon dahil hindi pa naman kasali si Diana nung nakaraan taon pero kung kasali ang prinsesa ay for sure ito ang mananalo.

"Ang daming offering ni lady Keisha, bakit walang nagbibigay sa lady namin?" rinig kong inis na tanong ni Miranda at napailing na lang ako.

Para naman gusto kong bigyan ako ng patay na hayop sa harapan ko at gawin itong dekorasyon sa bahay o damit, sa totoo lang hindi ako sang-ayon sa pagpatay nila sa mga hayop dahil sa panahon namin ay pinagbabawal ang ganito pero kasi isa itong tradisyon sa panahon na 'to kaya hindi naman ako maaaring umangal.

"Totoo ba nakikita ko? Nakahuli ang duke ng puting soro (white fox), hindi ba mahirap makahanap ng isang albino?" Rinig kong kaguluhan ng mga nobles nang makita nila ang duke ng Romulus na kakalabas lang ng gubat at may bitbit na tatlong soro at isa rito ay kulay puti.

"Pagbinigay niya ito sa buso niyang anak ay siguradong panalo na ang binibini," dagdag nila at patagong tumingin sa direksyon ko na huling-huli ko naman.

"Grabe wala pang nagbibigay kay lady Kiera," bulungan nila at napailing na lang ako dahil hindi talaga nawawala sa pag-uugali ng mga noble na ito ang pagtsitsimisan.

"Akala ko nga maraming magbibigay sa kaniya dahil akala ko maraming nag nanais na makasosyo siya sa minahan niya, ngunit mukhang lahat sila ay natakot sa kaniya matapos ang pinakalat na insidente ni lady McMillan kanina," tugon ng isa sabay tingin nilang sa 'kin kaya tinaasan ko sila ng kilay at mabilis silang umiwas ng tingin.

Naramdaman ko naman ang tapik ng Duchess sa aking balikat. "Wag mo na lang silang pansinin anak, alam ko bibigyan ka ng iyong papa ng puntos," saad niya at ngumiti naman ako.

Sa totoo lang wala naman sa 'kin kung hindi ako magkaroon ng kahit isang puntos sa palaro na 'to, pumunta lang naman ako rito para may tiga representa ang border.

Pero hindi ko aakalain na kakalat agad ang pang-aasar ko kay lady McMillan sa mga kalalakihan na kakarating pa lang sa hunting ground.

"Aba anak mukhang napakadami mo nang nakukuhang puntos, iba talaga ang ganda ng isang Romulus," rinig kong bati ng Duke kay Keisha nang nakangiti at halata sa mukha ng maldita kong kapatid na excited siyang makuha ang puting soro (white fox) na hawak ng Duke.

"Hindi naman po father, nahihiya nga po ako at hindi alam kung nararapat ko bang makuha ang puntos na 'to," nahihiya niyang sagot at akala mo naman talaga ay mahinhin siya.

"Nararapat syempre, ito ibinibigay ko sa 'yo ang isang soro para sa puntos mo," sagot ng duke at inabot kay Keisha ang isang normal na soro saka ngumiti kay Keisha at kita ko sa mata ni Kiesha ang pagkadismaya kahit na nakangiti siya sa harap ng Duke.

"Osiye ibibigay ko na ito sa kapatid at mama mo," sagot ng Duke at miske ang mga ibang noble na nakakita ay nanghinayang dahil hindi ibinigay ng Duke ang puting soro kay Keisha bagkos lumapit siya saming mag-ina at inilapag niya ang puting soro sa paanan ng Duchess.

"Inaalay ko para sa pinaka maganda kong asawa," sabi niya at para namang maluluha ang duchess at agad na niyakap ang Duchess.

Kinilig naman ako sa kanilang dalawa at hindi maiwasang mapangiti dahil sa pinakita ng Duke.

"Hahaha wag mo ko yakapin, madumi ako galing sa pangangaso," saad ng duke at tumingin sa 'kin sabay ngiti.

"Pasensya na Kiera, ibibigay ko ang puntos na to sa inyong ina, pareho lang kayo ni Keisha na may limang puntos sa 'kin," saad niya at masaya na ko sa unang puntos na nakuha ko.

"Salamat po father," saad ko at masaya nakipag-usap sa kanila habang iniintay namin ang iba na dumating.

Natawag ang pansin naming lahat nang makita ang bitbit ni sir Grimm na isang tigre, buhat-buhay niya ito sa kaniyang balikat at dire-diretsyong naglakad papunta sa harap ni Diana at inilapag ito sa harapan niya.

"Oh my! Pinakamataas na puntos," rinig kong bulalas ng iba at kita ko sa mukha ni Keisha ang inis dahil natalo na siya ni Diana.

Lamang na sana siya kay Diana dahil mas marami ang natatanggap niyang offering ngunit nung dumating ang malaking tigre na may trentang puntos na dala ni sir Grimm ay na talo na siya ni Diana sa paramihan ng puntos na 'to.

"Hehehe," di ko maiwasan matawa nung makita ko ang mukhang ni Keisha at panay ang lingon sa paligid kung may magbibigay pa ba sa kaniya ng malaking usa para naman madagdagan ang puntos niya at malamangan pa ang prinseaa ngunit paunti na nang paunti ang lumalabas sa gubat at wala na ni isa ang nag-aabot sa kaniya.

"Hmm ang crown prince na lang ba ang iniintay?" Rinig naming tanong ng emperor sa harap naming lahat at bumulong sa kaniya ang kawal.

"Ang crown prince na lang, ang heneral at si sir Viggo ang iniintay saka natin makikita kung sino ang mananalo sa palaro na 'to," anunsyo ng emperor at hindi ko alam bakit biglang kumabog ang puso ko.

Bakit sa lahat ng pwedeng matira ay si Viggo at ang crown prince, idagdag mo pa na kasama pa nila sa loob si Heneral Hervaux na malaki ang galit kay Viggo.

Bigla akong kinabahan, hindi pa rin dumarating ang mokong na dragon na 'yun, saan ba sila nagsuot at pinapakaba nila ako nang matindi.

"Dumating na ang crown prince!" Anunsyo ng isang kawal at napasinghap ang lahat nang makita namin itong may hila-hilang dalawang malaking itim na oso na halos kinailangan niya pa magdala ng isang kariton na hila-hila ng apat na kabayo.

Ni wala siyang kahit anong galos at tanging pawis lang ang makikita mo sa kaniyang mukha.

Agad na nagtama ang paningin naming dalawa at ngumiti siya sa akin saka dare-daretsyong nagtungo sa aking harapan.

Napanganga ako, nakatulala lang ako sa kaniya habang hinihila niya ang mga walang buhay na oso na may tama ng palaso sa kanilang mga bungo.

"Pasensya na na tagalan ako, kailangan ko pa maghanap ng kariton upang mahila ang dalawang ito," tugon niya sabay lapag nito sa harapan ko.

"Dalawang bente na puntos sa kabuoan na apat na pung puntos para sa crown prince at nagtatala ng record sa pagiging kampyon, may lalaban pa ba?" Sigaw ng tiga anunsyo at nagsipalakpakan naman ang mga noble sa pinakita ng crown prince.

"Ayos ka lang? Hindi ka naman nasaktan?" Tanong ko sa kaniya at biglang gumuhit ang ngiti sa kaniyang mukha.

"Lubos mo kong pinasaya nung iyan ang una mong itanong sa 'kin, syempre para sa 'yo magiging ayos ako," sagot niya at hindi ko naman maiwasan mapangiti.

"Mukhang wala nang tatalo sa 'yo, mag-uwi ka ba naman ng dalawang malaking oso," sagot ko sa kaniya at napatingin siya sa mga offering na nasa harapan ni Diana at ni Keisha.

"Kung alam ko lang na limang puntos lang ang meron ka baka naghanap pa ko ng ilang oso para matalo mo sila," sagot niya at umiling naman ako.

"Hahaha wala naman akong gagawin sa mga iyan, ayos lang na matalo," sagot ko at umiling siya.

"Intayin mo 'yung butler mo, baka sakaling may mahuli siya kahit usa para pandagdag sa puntos mo," inis niyang sagot at na tawa na lang ako.

"Mukhang wala na ata tatalo sa 'yo, ang tagal pa ni Viggo," sagot ko sa kaniya at umiling siya.

"Kung may makahuli nung malaking puting lion ay paniguradong panalo na kung kanino man mapupunta iyon," sagot ng crown prince at 'yung iba naman na nakarinig sa sinabi niya at na gulat sa balita na kanilang na rinig.

"Puting lion? Meron ba nun?" Tanong ko at tumango siya.

"Oo, albino at nakita ko 'yun kanina kaso sobrang hirap hulihin ng ganoong klase kaya naman sinukuan ko na at humili na lang ng dalawang oso," sagot niya at para bang gusto ko makita iyon. Mas malaki raw ang punto pag puti ang nakuha mo o yung tinawag nilang albino dahil rare ang case ng isang hayop na puti ang buong kulay. Katulad ng fox na nahuli ng Duke kanina.

"May palabas pa ng gubat!" Anunsyo ng kawal kaya sabay-sabay kaming napalingon sa isang lalaking may hila-hilang isang lion na puti habang may kagat-kagat na mansanas.

Napatulala ako nang makita ko si Achlys na may kinakausap sa kaniyang likuran at sunod na lumabas si Viggo na may buhat-buhay na isang malaking asong lobo.

Nanlamig ang kamay ko nang makita ko silang dalawa, parang wala lang sa kanila ang dala-dala nila at nag-aasaran pa. Pero hindi iyon ang dahilan bakit nanlalamig ang mga palad ko kung hindi dahil sa karamihan ng royal knights na alam ko ang tunay na pagkatao ay nakatingin nang masama kay Viggo.

Wag mong sabihin na ang heneral ang bitbit-bitbit niya? Pinatay niya ba ito? O na walan lang ng malay?

"Asong lobo ba ang dala-dala ki sir Viggo? Bakit ganon kalaki? Parang singlaki ng dalawang oso iyon!" Rinig kong bulalas ng duchess sa tabi ko at kinakabahan din sa nahuling hayop ni Viggo.

"Pero tignan mo, bitbit pa ni sir Achlys ang albinong lion," bulalas naman ng Duke at sabay-sabay kaming napatahimik ng ilapag nilang dalawa ang mga iyon sa harap ko.

"Argh, sumakit 'yung likod ko," reklamo ni Viggo at si Achlys naman ay panay lang ang nguya ng mansanas.

"Mukhang may nanalo na, higit pa sa isang daang puntos," anunsyo ng emperor habang nakatingin sa 'min ni Viggo at naglakad patungo sa kinaroroonan namin.

"Pero aalisin ko ang puntos na 'to," saad pa ng emperor sabay turo sa puting lion na dala ni Achlys.

"At bakit huklub—"

"Ahahaha sige lang po alisin niyo po, hindi naman siya nakalista sa palaro," agad kong awat kay Achlys dahil tatawagin niyang hulluban ang emperor sa harap ng lahat.

"Pasensya na sir Achlys pero isa lang ang tiga representa ng border at si sir Viggo iyon kaya hindi bilang ang puntos mo kahit na singkwenta pa ang halaga ninto," sagot ng emperor at tinignanan ang walang malay na asong lobo sa harapn ko.

"Buhay pa ito sir Viggo?" Tanong ng emperor at magalang naman siyang tumango.

"Yes your majesty, nais daw po kasi ni lady Kiera ng alagang aso," maangas niyang sahot habang nakatingin sa mga royal knight na galit na galit sa kaniya dahil pinatumba niya ang Alpha nila.

"Hahahaha, magaling, at dahil diyan ikaw ang panalo at tinaguriang King of hunting event sir Viggo," anunsyo ng emperor at tumingin naman sa 'kin.

"At si lady Kiera Deidamia Romulus naman ang Queen of hunting event, ang parangal na ito ay para sa border at lupang inaalagaan niyo, ano mang hiling niyong dalawa ay tutuparin ko," sagot ng emperor at napatingin naman ako kay Viggo na parang masusing pinag-iisapan kung anong hihilingin niya sa emperor.

Lumapit si Diana sa pwesto namin habang nasa likod niya si sir Grimm na pailing-iling na lang dahil sa tinamo ng kaniyang ama. Mukha naman hindi siya galit kay Viggo at hindi ito masisisi dahil malamang, ang heneral ang nag umpisa ng away at hindi si Viggo.

"Ginagawad ko ang regalo na ito sa Queen of hunting event, Kiera Deidamia Romulus," pag-aanunsyo ni Diana at nakangiti sa 'kin habang inaabot naman sa kaniya ng isang lady in waiting ang isang tiara na nakapatong sa pulang unan.

"Hu? Seryoso?" Tanong ko dahil hindi ko akalain na bibigyan nila ako ng tiara dahil last year sa pagkakaalam ko ay isang brooch na may malaking dyamante ang ibinigay nila kay Keisha.

"Itong tiara na ito ang magbibigay titulo sa Myo bilang Queen of hunting event ngayon taon, ipapasa mo ito sa susunod na mananalo sa sususnod na taon," paliwanag niya at yumuko naman ako para mailagay niya ito sa aking ulunan.

"Anong kahilingan mo lady Kiera ng house Romulus?" Tanong niya at napaisip naman ako, sa totoo lang wala na kong ibang maisip o wala ako ngayong mahihiling pa dahil na sa akin na ang minahan na inaasam ko, na kaligtas na ko sa maaari kong kamatayan at malayo na sa kamahamakan kaya wala na kong maisip na ibang nanaisin.

Napatingin sa 'kin si Diana at ang emperor, hindi rin makapag-intay ang mga nanonood sa kung anong hiling ko kaya naman na kamot ko na lang ang pisnge ko at tumingin kay Viggo.

"Ang hiling ko po ay sana kahit anong hilingin ni Sir Viggo ay tuparin ng emperor," sagot ko at nagtaka naman silang lahat, napataas ang kilay ng emperor pero na tawa na lang din dahil wala na siyang magagawa kung hindi tumango.

"Sigurado ka na ba sa hiling mo lady Kiera?" Tanong ng emperor at tumango ako sa kaniya at magalang na yumuko.

"Yes your majesty," sagot ko at tumango naman ang emperor saka tumingin kay Viggo na gulat na gulat din sa hiniling ko.

"Aww bakit hindi ka humiling ng maraming baka?" Bulong sa 'kin ni Achlys at siniko ko lang siya saka kami napatingin kay Viggo dahil tinatanong na siya ng emperor sa kung anong hiling niya.

Lahat ng atensyon namin ay nasa kaniya, nakatingin silang lahat at iniintay ang ano mang hiling na lalabas sa bibig ni Viggo.

Miske ako kinakabahna dahil halatang seryoso siya at pinag-iisipan ang bagay na sasabihin niya sa emperor.

Huminga siya nang malalim at magalang na lumuhod sa harap ng emperor, "Nais ko pong hilingin na payagan niyo ko magkaroon ng apilyido at title sa empire na 'to," sagot niya habang hindi pa rin tinaas ang kaniyang ulo sa harap ng emperor at halos lahat ng nakarinig noon ay na gulat.

Miske ako hindi makapaniwala na iyon ang hihilingin niya sa harap ng emperor.

"Ang ibig mo bang sabihin ay nais mong maging ganap na mamamayan ng Lumire empire, hindi bilang servant at slave kung hindi isang normal na mamamayan?" Tanong niya at halos pinaulot ng emperor ang kaniyang sinabi kaso umiling si Viggo sa harap ninto.

"Tama po kayo sa nais kong maging mamamayan ng emperyo at magkaroon ng apilyido, ngunit hindi bilang isang mormal na mamamayan dito kung hindi isang noble man," sagot ni Viggo na nagdulot sa lahat ng mga aristocrats ng kumosyon.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

2K 351 17
Bigla ko nalang naisip dahil sa napanood kong movie at inupload ko dito sa wattpad kaya ayan nishare ko nalang. One of my fictional short story with...
216K 6.2K 80
She was a gangster yet she discovered she wasn't just like any other normal gangster when this one heck of a perverted jerk appear and confused her o...
202K 8.1K 29
Luna traveled back in the year 1889, and she's stuck inside the body of Lady Celestine --- the noble lady who's bound to marry the King of Citadel. ...
69.1K 5K 117
Blue -Sabrina Lorraine Park *typographical and grammatical errors ahead.. Meet Blue- Sabrina Lorraine Park a highschool students full of talents,- b...