Perfect Match (Salazar Series...

By Joyanglicious

33.2K 1.3K 76

Date Started: August 11, 2021. Date Ended: September 14, 2021. - Chelsie Alaia Tadeo ay kilalang habolin ng m... More

Perfect Match (Salazar Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Message to my yannies<3

Kabanata 4

643 39 4
By Joyanglicious

“Kayo na ni papa Cae?” Tanong ni Jeramae sa akin. Kakalabas lang namin sa room dahil tapos na kaming mag-exam. Papunta kami ng cafeteria para mag-lunch.

“Hindi,” agad na sagot ko. Iyon naman ang totoo, walang kami ni Caelus. Kanina pa sila tanong nang tanong ng ganiyan sa akin. Hindi ko alam kung bakit ba sila nagtatanong sa akin ng gano’n.

“Bakit hindi?” Gulat na tanong ni Caled.

“Eh sa hindi eh,” sabi ko sa kaniya. Walang kami ni Caelus. Isa pa nahihiya ako sa kaniya kung sakaling maging kami man. Ang taas-taas ni Caelus at ang baba ko naman. Hindi ako nababagay sa kaniya. Hindi ko nga gusto ang boyfriend diba? Bakit ko pa gugustohin na maging kami. Hindi nga ako naniniwala sa love na ‘yan.

Hindi ko nga kasama ang mga magulang ko ngayon eh. Dahil naghiwalay sila at nagkaroon ng sari-sariling pamilya. Wala na nga akong narinig sa kanila eh simula nung iwan nila ako kay tita. Masama ang loob ko dahil wala man lang sa kanilang dalawa ang gustong kumuha sa akin. Gusto na talaga nila akong ipamigay ng mga oras na iyon.

Nang makarating sa cafeteria ay nakita ko na agad sila Caelus. Kasama niya ang mga pinsan niya. Nang makita ako ay tumayo si Caelus at agad na lumapit sa akin. Nakita ko ulit ang mga tingin sa amin ng ibang studyante lalo na ‘yung mga babae. Umirap ako sa kanila, alam ko na ang nga iniisip nila sa akin. Ilang beses na akong napaaway dahil sa mga chismosa nung highschool ako at sila Caled ang mga kasama ko noon.

Simula elementary kasi ay marami na talagang nanliligaw sa akin. Kaya ‘yung mga classmate kong babae ay laging nagagalit at naiinis sa akin kapag ang mga crush nila laging sa akin nagpapansin.

Hindi ko naman kasalanan na maganda ako kaya nakukuha ko ang atensiyon ng mga lalaki.

Pinagalitan pa ako ni tita dahil nakipag-away ako. Sinabi ko naman na hindi ako ang nauna at pinagtanggol ko lang ang sarili ko pero hindi naman siya nakinig sa akin at ilang araw niya din akong hindi binigyan ng baon noon. Hindi din naman ako nagutom dahil binibigyan nga ako ng mga lalaking nagkagusto sa akin noon. Ang pagkain na binili nila nung recess namin ay shina-share nila sa akin kaya hindi talaga ako nagutom. Nagtataka na lang si tita sa akin noon kapag marami akong dalang pagkain.

“How’s your exam?” Tanong ng lalaki sa akin. Nilingon ko ang dalawa kong kaibigan pero pagtingin ko ay wala na ang dalawa.

“Okay lang naman, hindi naman masyadong mahirap,” sabi ko sa kaniya. Sumunod sa akin si Caelus nang maglakad ako para maghanap ng makakain.

Hindi naman siya nagsalita kaya pinabayaan ko na lang. Omorder na lang ako ng pasta at orange juice. Paborito ko ang orange kaya iyon ang madalas kong hanapin. Nang lingonin si Caelus ay nakita kong nakatingin siya sa akin.

“Bakit?” Tanong ko sa kaniya.

“Nothing.” Umiling pa siya sa amin. Kumunot ang noo ko sa kaniya at bumaling na kay ate cashier. Nakita kong nakatingin din si ate kay Caelus. Iba talaga ng epekto ng lalaking ‘to sa mga babae. Actually silang lahat ata na magpipinsan.

Unang tingin mo pa nga lang sa kaniya ay ma-aattract ka na. Kaya maraming mga babae ang naghahabol sa kanila. Sabi din sa akin ni Caled na matinik nga sa mga babae ang mga Salazar, lalo na ‘tong si Caelus. Marami na nga din siyang napaiyak na babae.

Parang ako lang, parang ako ‘yung girl version mi Caelus. Madami din kasing mga lalaki ang naghahabol sa akin, eh hindi ko din naman sila gusto. Kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga magustuhan ang mga naliligaw sa akin. Marami din ang umiyak na lalaki sa akin.

Kaya masasabi kong parehas talaga kami ni Caelus. Hindi din naman kasi siya naniniwala sa love. Iyon ang napapansin ko sa kaniya. Ilang buwan na kaming magkasama at wala naman siyang tinatanong na kung ano sa akin. Kung pwede ba siyang manligaw o kung may gusto ba siya sa akin. Hindi ko talaga narinig iyon sa kaniya.

Ako din naman. Hindi ko din gusto na magkaroon kami ng relasiyon ni Cae. Alam kong marami siyang babae, nakikita ko iyon. May nahuli pa nga ako na nag-text sa kaniya, hindi ko naman kilala at hindi ko din hawak ang cellphone niya. Nag-cr siya nun at naiwan ang cellphone niya kaya nakita ko ang text ng babae. Love pa ang tawag niya kay Caelus. Meron pa akong nakita na may kasama siyang babae sa bar. Kaya nga ayokong magkaroon kami ng relasiyon. Alam ko naman na hindi siya seryoso at ganun din ako, kaya mas mabuting ganito na lang kami.

Uso naman ngayon ang walang label eh.

“May problema ba?” Tanong sa akin ni Caelus. Umiling ako sa kaniya at kinuha na ang order ko. Tapos na ata siyang kumain dahil nauna naman siya sa akin dito sa cafeteria.

“Are you sure?” panigurado niya sa akin. Saglit pa kaming nagkatinginan bago ako umiwas ng tingin. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?!

Naghanap na ako ng mauupoan na hindi naman kalayuan sa pwesto nila. Nakita ko si Jeramae at Caled sa kabilang table na may kasama ng dalawang lalaki. ‘Yung isa ay iyong Brian na kafling ni Jeramae, ang babaeng ‘to may bago ulit. Si Caled naman ay kasama ang boyfriend niya. Kumaway pa ang dalawa sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

“Kumain ka na?” Tanong ko sa lalaki. Lumingon siya sa akin at umayos ng upo. Magkaharap kami dahil dalawang upoan lang naman ang nandito sa may mesa.

“Yeah,” sagot niya sa akin. Tumango ako at nagsimula ng kumain. Hindi kaya siya naglalaway? Kumakain ako sa harap niay tapos siya nakatulog lang sa akin.

Oh baka naman sa akin siya naglalaway?

Umiling ako sa mga naiisip. Baka mamaya ay mahalata ng lalaking ‘to na siya ang iniisip ko at baka kung ano pa ang sabihin niya.

Napatingin ako sa babae na dumaan sa gilid namin. Tiningnan niya kami pero mas lalong tumagal ang titig niya kay Caelus. Kumunot ang noo ko doon. Ang lawak-lawak ng daan tapos dito pa talaga siya makikidaan sa amin. Nananadya ba ang babaeng ‘to? At bakit ganun na lang ang titig niya kay Caelus?

“Who’s that?” Tanong ko sa lalaki. Tumingin sa akin si Caelus.

“I don’t know.” Nagkibit balikat siya sa akin. Tumango ako at nagpatuloy sa pag kain. As if naman naniniwala ako, baka mamaya ay isa pala iyon sa mga kafling niya o baka ex. Hindi ko naman kilala ang babae at ngayon ko lang din nakita iyon pero mukhang may something ata sila ni Caelus.

Kaya ayoko talagang magkaroon kami ng label ni Caelus. Ang dami niyang babae, ang daming naghahabol sa kaniya.

“What?” Napatingin ako sa lalaki nang magsalita siya. Problema nito?

“Ha?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Bakit bigla naman siyang nagsasalita. Umiling siya sa akin at umiwas ng tingin.

Kumunot ang noo ko at umiwas na lang din ng tingin sa lalaki.

“Ayokong sumama girl.” Nagkatinginan kami ni Jeramae dahil sa sinabi ni Caled. Nag-aya kaming magbar sa kaniya dahil tapos na ang midterm namin at nakakapagtaka na wala siya sa mood na sumama sa amin. Usually ay siya ang nag-aaya tapos ngayon ayaw niyang sumama? Anong nakain ng baklang ‘to?

“Ha? Bakit?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

“Joke lang, ito naman masyadong seryoso.” Bumangon siya sa pagkakahiga sa sofa at inakbayan na kami.

“Tangina mo,” mura ko sa kaniya at tumawa naman siya.

“Sasama ako no, ako pa ba. Hindi ako pwedeng mawala sa bar at baka hanapin ako ng mg boylet ko doon,” ani Caled at ngumiti sa amin.

Lumabas na kami sa condo niya para makapunta na kami sa bar. Nag-text sa akin si Caelus na nando’n din raw sila. Nagtanong pa nga kung nagpapasundo ba daw ako pero sinabi ko sa kaniya na kasabay ko na sila Jeramae at wag na lang akong sunduin.

Magkikita din kasi si Jeramae at Brian. Nanliligaw na sa kaniya si Brian at sinabi ko sa kaibigan ko na wag munang madaliin dahil baka masaktan na naman siya. Mukha din namang mabait si Brian kaya may tiwala ako sa lalaking iyon.

Si Caled naman ay nakipaghiwalay na sa boyfriend niya dahil nagsawa na daw siya, seloso kasi iyon at ang hilig daw sa sex kaya pagod lagi ang bakla. Sayang lang dahil malaki daw ang titi nun.

Sasakyan ni Caled ang dala namin. Siya ang nagmaneho dahil hindi naman ako marunong mag-drive dahil wala akong sasakyan. Hindi din traffic kaya mabilis kaming nakarating sa bar.

Nakita agad namin si Brian kaya pumunta na doon si Jeramae. Si Caled naman ay naghahanap na ng boylet niya. Ang dami din kasin gwapo ngayong gabi. Nakita ko si Caelus kasama sila Yosef, naninigarilyo.

“Kayo lang?” Tanong ko kay Caelus nang makalapit ako sa kanila. Tinabi niya ang sigarilyo nang makita ako. Kanina pa nga niya ako nakita eh, ngayon lang siguro nag-sink in sa kaniya na nandito ako.

“Umuwi na sila Zymon,” sabi ni Yosef. Tumango ako at naupo sa tabi ni Caelus. Siguro ay hinatid nila Zymon sila Nailah pauwi.

Umalis si Yosef para kumuha ng inomin. Naiwan kami ni Caelus kasama si Caiden na naninigarilyo pa din hanggang ngayon.

“Lasing ka na?” Tanong ko sa lalaki dahil namumula na ang kaniyang tenga at hindi niya maalis ang tingin sa akin.

“No.” Umiling pa siya sa akin kaya tumango ako. Bumalik na si Yosef at naupo na. Nag-abot sa akin ng vodka at agad ko naman iyong ininom.

Dumapo ang tingin ko sa gawi nila Jeramae na ngayon ay nagtatawanan sa kung ano. Namumula na din ang mukha ni Jeramae dahil sa alak. Si Caled namanw ay umalis sa pwesto nila at pumunta sa dance floor. Ang baklang ‘to, ang hilig talagang magsayaw.

Bumaling ako sa inomin na nasa mesa at uminom ulit. Dahil siguro sa stress sa midterm kaya panay ang lagok ko ng vodka. Napansin ko din ang kanina pang tingin sa akin ni Caelus. Hindi ko alam kung may iniisip ba siyang kung ano o gusto lang talaga niyang tumitig sa akin habang umiinom ako.

Sila Caiden at Yosef naman ay may pinag-uusapan na kung ano kaya si Caelus lang ang nakatitig sa akin.

“What are you looking at?” Tanong ko sa kaniya. Namumula na talaga ang tenga niya at panay pa din ang pag-inom niya. Baka mamaya ay makatulog na ang lalaking ‘to dito.

“Baka malasing ka niyan,” sabi niya sa akin.

Ininom ko muna ang isang baso ng vodka bago siyang sagotin. Medyo umiikot na nga ang paningin ko pero okay pa naman ako.

“Hindi ‘yan,” sabi ko sa kaniya at umiling. Hindi siya nagsalita at umiwas ng tingin sa akin. Napatingin ako sa isang kaha ng sigarilyo na nasa mesa at agad naman akong kumuha ng isang stick doon.

Sinindihan ko ‘yon at nanigarilyo na ako. Ilang buwan na akong hindi nakakatikim nito, mabuti nga at may sigarilyong dala ang mga ‘to dahil lagi naman silang naninigarilyo. Sinasabihan ko din naman si Caelus na wag laging manigarilyo dahil hindi nga ‘to nakakabuti sa kalusogan.

“What the fuck Chelsie,” ani Caelus sa akin.

“What?” Tanong ko sa kaniya. Bakit ba biglang uminit ang ulo niya.

“Stop smoking,” sabi niya at kinuha ang sigarilyo sa akin. Tumaas ang kilay ko sa kaniya. Minsan nga lang eh.

Magsasalita pa sana ako kaya lang ay may sumulpot na babae. Nakasuot lang siya ng short at spaghetti strap top. Sino ba ‘to? At bigla na lang sumulpot. Nawala din tuloy ang pagkahilo ko nang makitang tumabi siya kay Caelus. Lasing ba ang babaeng ‘to? Napatingin na din sila Yosef sa dalawa.

“Hi. Dare lang ‘to ha kaya sana wag kang magalit,” malanding sabi ng babae. Hindi naman nagsalita si Caelus at nakatingin lang sa babaeng nasa tabi niya.

“Anong dare ‘yan?” Tanong ko. Tumingin saglit ang babae sa akin at umirap. Ang pangit ng ugali ng babaeng ‘to, nakakabwiset.

“Hahalikan ko lang siya sa lips.” Nangunot ang noo ko sa narinig. Anong hahalikan? Ang kapal naman niya! Hindi ko pa nga nahahalikan si Caelus eh tapos mauuna siya.

Agad akong tumayo sa inuupoan ko at inalis ang kamay nung babae sa balikat ni Caelus. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ng babae sa ginawa ko.

“Tabi, ako na lang ang gagawa,” sabi ko sa babae.

Kumalong ako kay Caelus at nakitang nanlaki ang mata niya sa ginawa ko. Ipinulupot ko ang kamay ko sa kaniyang batok at inilapat ang aking labi sa kaniyang labi.

“Oh, shit,” ani Caiden.

“Makaalis na nga,” rinig kong sabi ng babae.

Napangiti ako at at itinigil ang halik. Napatingin ako sa sa lalaki na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

“Lasang sigarilyo at vodka,” aniya. Akmang tatayo na ako sa pagkakaupo sa kaniya pero hinila niya ako pabalik kaya napabagsak ako sa kaniya.

“We’re not done yet,” he said as he held my chin and give me a long kiss.

Continue Reading

You'll Also Like

78K 2.1K 49
Panacea Series #1 Elvira Itzel is willing to lose her worth just for the man that she loves. She's willing to give everything for him; her body, her...
175K 6.3K 33
2/6 Saint Series. Elle escaped from her father's house because she can't obey his order to marry someone who she doesn't know.She'll meet Jacos at St...
936K 17.1K 44
Audrey Claurette Del Vierre, someone who wanted freedom went to a place she's unfamiliar to, just so she could explore things. There she met the self...
190K 4.5K 55
Can she still remember everything?