Fontabella 4: Taking The Risks

By TheButterflyReturns

6.2K 319 173

Taking The Risks Aljon Kaizer is chasing the criminal until it vanished from his sight. Running after that ma... More

Taking The Risks
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 7

260 18 26
By TheButterflyReturns

Chapter 7

Dahil linggo ngayon, minsan lang naman ako magsimba kaya idadamay na natin si Baby. Kailangan din niyang mag simba once in a while dahil sigurado akong maraming babae at maging isang kabaklaan ang ninanasa siya. Who wouldn't? Kahit ako naman pinagnanasaan siya kaya kailangan ko na talaga magbawas bawas ng kasalanan.

"Ma, simba lang ako." paalam ko at kumuha ng 100 pesos para may pang lugaw kami ni baby. Baka magutom siya pagkatapos ng misa, hindi naman niya ako pwedeng kainin kaya sa labas kami kakain.

"Aba," tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "May iba ata sa 'yo ngayon? Baka masunog ka niyan kapag pumasok ka sa simbahan?"

Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. "Aba? Igaya mo naman ako sa 'yo na nagsisimba lang tuwing misa de gallo?" tumalikod na ako at lumabas ng bahay. Kanina pa rin ako hinihintay ni papa para idaan sa police station.

Tumingin ako sa orasang pang bisig at nakitang alas sais trenta na ng umaga. Alas siete ang simula ng misa kaya may trenta minutos pa ako rito.

"Wala ka ba bibigay na datung dyan, pa?" tanong ko at naglahad ng kamay.

Bumuntong hininga siya at naglabas ng tumataginting na dalawang daang piso. "Thankies! Mwuaps!" umalis na siya kaya humakbang na ako sa mga baitang ng hagdan.

"Hi, Chief." bati ko sa Pulis na kasama ni Fontabella noon. I forgot this dude's name kaya chief na lang.

"Oh," tinaasan niya 'ko ng kilay. "Sinong lakad mo rito?"

"Si Fontabella sana." sagot ko.

"Bakit? Bubudulin mo ba?" nang-aasar niyang sabi.

"Kung gripuhan ko kaya 'yang tagiliran mo, chief?" iritado kong sabi.

"Pwede kitang kasuhan-"

"Charot lang naman. Oo si Fontabella hinahanap ko. Nasaan ba siya?"

"Wala pa-"

"Akala mo ba maniniwala ako sa 'yo na wala pa siya? Nasaan 'yung baby ko?!" inambahan ko siyang sisikuhin nang may brasong bumalot sa bewang ko.

"Morning, baby." ani baby mula sa likod ko at isinayaw-sayaw pa ako ng kaunti. "You looking for me, huh?"

"Excuse." ani Chief at umalis sa harap ko. Hinarap ko si Aljon at pinang gigilan ang dalawa niyang pisngi.

"May work ka ba? Kung aayain kita sa simbahan ayos lang?" tanong ko at nilanghap ang beefy niyang katawan. Mukhang maugat si Pulis.

"Meron, but why are we going to church? You want me to take there?" tumango ako.

"Yup! Kaya ibaba mo na 'yang mga gamit mo sa loob at sumakay tayo sa motor mo papunta sa simbahan." utos ko at itinuro ang backpack na nakasabit sa likod niya.

"Oh, okay. Wait me here." I nodded. Nagtagal siya sa loob ng mga dalawa o tatlong minuto bago siya nakabalik.

"Come on." aya niya at bumaba kami sa hagdan bago sumakay sa motor niyang mahal pa sa buhay ko.

"Magsisimba ka ba talaga?" he asked and started the motor's engine.

"Oo nga isasama kita. Gusto mo pakasal na tayo? Charot hahah" ani ko at yumakap sa kaniya. "Pwede naman siguro kitang yakapin, 'di ba?" tanong ko at inihilig ang ulo sa malapad niyang likod. Shet, sobrang bango ni Pulis. Parang naligo siya sa pabango bago siya pumasok. Argh. Nakakainis 'yung mga lalaking sobrang guwapo dahil alam mong hard to get at mahirap abutin.

Mabuti na lang at malakas ang alindog ko. Naakit siguro sa 'kin 'tong kumag na 'to. Pagkababa namin ay pumarke si Baby sa gilid ng kalsada. Lahat ng tingin ng tao ay nasa aming dalawa.

Mga ingiterang marites talaga.

"Ay pak, si bakla. Preso siguro 'yan tapos huling misa na at sasamahan lang ni Fontabella para mabawasan kasalanan bago bitayin."

"Sinabi mo pa. Ang chaka-chaka, oh. Parang Annabelle remake live version."

Imbis na ma imbyerna ako sa mga bulungan nilang dalawa, kinalabit ko ang tagiliran ni Baby.

"Can you kiss me on my cheeks-" ituturo ko pa lang sana ang pisngi ko pero mabilis na itong nahalikan ni Aljon kaya nanlaki ang mata ko saka uminit ang aking pisngi.

"Why?" he asked and smirked. Hindi ko siya sinagot pero nilingon ko lang ang mga babaeng narinig kong nagbubulungan. Bakas sa mukha nila ang gulat sa ginawang paghalik ni Aljon sa akin.

"He's my bf, okay? So shoo! Lubayan niyo kami." ani ko at pumasok na sa loob ng simbahan. Sa second to the last row kami naupo at sakto lang naman dahil kita namin dito ang altar.

"Why did you do that?" tanong ni Aljon nang makaupo kami.

"Ano ba?" I asked back.

"You said I was your boyfriend?" he said. Nainsulto ko ba siya masiyado para ganituhin niya ako? Edi sana sinaksak niyo na lang ako.

"M-may nagawa ba akong mali?" tanong ko.

"Wala naman. Parang masiyado mo naman silang iniinggit na ako nobyo mo. They can't wish to have a good and handsome boyfriend with them because I can't be anywhere." hinampas ko ang hita niya kaya mas tumawa siya.

"Tongek! Good and handsome. Basta sa akin ka lang, okay?"

"Akala ko ba nililigawan mo ako?"

"Oo nga! Papakilala kita kay Lord. Sabihin ko kapag hindi ka naging sa akin, siya na lang kukuha sa 'yo. Salamat sa lahat."

---

"Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo." anang Pari na nasa harap.

"At sumainyo rin." tugon namin.

"Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa't isa." aniya kaya kaya naging parang manok na tumutuka ng feeds ang tao habang bumabati ng 'kapayapaan sa iyo' sa mga kalapit nila sa upuan.

Joke lang, baka hindi ako makapasok sa langit nito.

"Peace be with you, baby." ani ko at sinubukang hindi kiligin kay Aljon na ako lang ang binati.

Sa susunod siya babatihin ko.

Ay shems sorry, Lord.

"Kordero ng Diyos na nag-aalis," kanta ng paring nasa harapan. "ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin."

"Kaldero ng Diyos na nag-aalis," napalingon ako sa tabi ko dahil alam kong hindi ako nagkamali ng dinig sa sinabi niya. Proud na proud pa siya sa pagkanta.

Kaldero raw?

Sinaing ka, ghorl?

Napailing na lang ako at nagpigil ng tawa habang tumutuloy ang misa. Nang matapos ang misa, lumabas na kami ni Aljon sa simbahan at pumasok sa isang lugawan.

"Wanna eat some lugaw, baby?", tanong ko sa kaniya at itinuro ang mga taong labis kung makahigop ng lugaw. Pati mangkok sasama.

"What is lugaw?" tanong niya pero napalingon ako sa mga grupo ng kafederasyon kaya mabilis kong itinulak si Aljon sa upuang bakante at pwede naming dalawa kainan. Nasaldak siya pero ayos lang, baka maunahan pa kami ng mga hinayupak na 'yon at mag standing ovation kaming dalawa rito which clearly I don't want to happen.

"My balls..." I heard Aljon murmured. Bola raw niya? Nuyon?

"Maupo ka muna dyan, kukuha lang ako ng pagkain natin." sabi ko. Tumango siya habang naka simangot.

Nilapitan ko si Ateng naka apron. "Dalawang tig 20 pesos nga na lugaw. 'Yung may laman." sabi ko at inabot ang singkwenta sa kaniya. "Dun ako sa may pogi nakaupo." sabay turo ko kay Aljon na hindi mapakali sa inuupuan.

Parang may tiwa sa pwet ampotek.

"Ate, damihan mo laman niyan ah. Nakita mo ba 'yon? Pulis 'yon at binabantayan nila bayan natin. Kapag wala sila baka isang araw nabalitaan na lang kita lumulutang sa ilog kaya damihan mo as a piece of gratitude haha!"

Bumalik ako sa kinauupuan ni Aljon na nahimasmasan na ata sa kung ano mang nangayari sa kaniya.

"Ayos ka na?"

"Ang sakit..." nag-iinarte niyang sabi.

"Ng ano ba?" tanong ko. Inginuso niya ang nasa gitna ng hita niya.

"Masakit yung tit* mo?" tanong ko ulit.

"No, the ones that are attached to it. Hitted this Goddamn chair so badly."

"Ah masakit bayag mo?!" napalakas ata pagkakasabi ko no'n dahil may naglingunan sa amin.

Aljon chuckled. "Yeah, can you massage it so I can feel better?"

Tinampal ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. "Loh, si Aljon pereng tenge. Hindi ko naman 'yan pwedeng masahiin dito." napailing na lang ako at saktong dating ng order naming lugaw.

"This is lugaw, huh?" tanong niya. "It's called arroz caldo."

Tinarayan ko siya. "Ang arte mo. Basta lugaw 'yan, kinakain kapag may padasal or kapag galing ka sa simbahan kakain ka kasama mga friends mo or kamag-anak maybe." paliwanag ko. "'Di ba, guys, galing kayo sa simbahan tapos naglugaw kayo here?" tanong ko sa mga kumakain na ang karamihan ay mga bata.

"Opo."

"May tanong po ako, kuya." taas kamay na sabi ng isang batang lalaking may edad siguro ng lima.

"Oh?"

"Bakla ka po ba?" halos maubo ako sa tanong niya. Narinig kong natawa si Aljon sa harap ko.

"Ay hindi ako bakla. Sino nagsabi sa 'yo na bakla ako? Suntukin natin?" saad ko sa bata habang umaasta bilang babae. Bumunghalit ng tawa si Aljon at umiling iling pa.

"Bakla ka po, eh." rason ng bata.

"Tanga alam ko. Hindi ka pa buhay sa mundong 'to alam kong bakla ako, okay?" inirapan ko siya at dumapo ang mata ko sa seryosong mukha ni Aljon my baby.

"Oh, nakanguso ka dyan? Linggo na linggo, biyernes santo 'yang mukha mo?" sinimulan ko na ang pagkain dahil lumalamig na ito. Naglagay ako ng patis, kalamansi, I don't like pepper so pass, and isang kutsarita ng chili oil.

"We're just from church. 'Yang bibig mo." ani Aljon at sumubo ng lugaw habang nakatitig sa 'kin.

"Saan tayo pupunta kapag tapos natin kumain?" pagliliko ko ng usapan.

"Hindi ko alam, eh. Wala pa rin akong day off and baka sa Tuesday free ako." dahil naubos ko na ang laman ng kinakain ko, sumandok din ako sa plato niya. Ayos lang siguro dahil hindi siya umaangal.

"Tuesday ka lang free?" tanong ko at tumayo para kumuha ng maiinom namin. Inamoy ko muna kung malansa ba 'yung stainless steel na baso bago ko kinuha. Kadalasan kasi hindi nahuhugasan nang maigi.

Uminom ako ng dalawang baso bago binigyan si Aljon na naghihintay.

"Tuesday, Thursday and Saturday ako free sa work. Ikaw ba? Do you have work or anything else?"

Umiling ako. "I don't have a work but naghahanap naman na ako para secure ang future nating dalawa. Syempre, pa'no tayo mag-aanak kung wala tayong pera?" sabi ko at tumayo para ilagay sa isang tabi at niligpit ang kalamansing ginamit namin. May iba pang gagamit nitong lamesa at para hindi na rin maglinis masiyado sila ateng tindera.

"We can have a family. I can provide anything."

"That's a big no no, Aljon baby! Hindi porket ikaw ang may pera sa ating dalawa, ikaw ang gagastos. I want to work for my own money and that's why business course ang kinuha ko. Matagal na rin kasi akong nag-a-apply sa work kaso ayaw akong tanggapin." paliwanag ko sa aking kaniya. Tumayo na rin siya na senyales na uuwi na kaming dalawa sa police station.

"Bakit ayaw kang tanggapin?" Aljon asked as we walk by together in a slow manner towards his motor.

"Jusq, na-stress ang bangs ko masiyado sa sistema ng Pilipinas, babe." saad ko at napasapo ng noo.

"Why?"

"Kasi nga, 'di ba naghahanap ako ng trabaho so kapag nag-a-apply ako ayaw naman akong tanggapin kasi kailangan ng two years job experience. Pagpalain ng may kapal, kaya nga ako nag-a-apply para magka job experience tapos ayaw akong papasukin kung wala akong job experience? Nasaan 'yung logic do'n?"

Aljon chuckled. "I strongly agree with you, babe. Philippines' job qualifications are so fucking high. Kapag mag oopisina ka kailangan may mataas kang degree, nakapagtapos ng college or what. Take a look on other countries that doesn't base on educational background but on someone's expertise because they trust their people based on what they can do. Being a manager requires deploma, job experience and must finish college while running for election like senator or president basta you can read and write ayos na."

Mabagal akong pumalakpak sa talak ni Aljon. Panis sa Pulis, pang Miss universe ang sagutan, sinabi ko lang naman na need ng job experience tapos makakarating siya dyan? Well, good for him. He has a point and he deserve some special reward and that is me!

"The hell are you clapping at?" Aljon asked and ride his Ducati. Sumakay muna ako sa likod bago siya sinagot.

"Ikaw. Siguro kung ikaw kalaban ko sa debate mag-a-according to the bible ako para matalo ka." I heard him giggled on what I said. "Let's go to your office, woohoo!"

Halos lumipad kaming dalawa dahil sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Aljon ng sasakyan. Huminto kami sa tapat ng police station at nauna akong bumaba bago siya bumaba.

"Anong gagawin mo rito?" tanong ni pulis habang umaakyat kami new hagdan.

Umiling ako. "Actually, hindi ko alam. Ayaw mo bang nandito ko?"

"Hindi naman. Naisip ko lang na baka may ginagawa ka at naistorbo pa kita sa mga ginagawa mo." paliwanag niya bago kami pumasok sa kwarto. Naupo ako sa receiving chair at pinagmasdan ang buong kwarto. Since naayos ko na at natanggal ang mga kalat sa lugar, parang gusto ko naman i-renovate or somewhat like that.

This room feels so lifeless and dull. It needs some sparkling colors like rainbow! Haha!

"Nakatulala ka na naman dyan." narinig kong saad ni Aljon habang umiikot ang paningin ko sa paligid.

"May naisip kasi akong gawin dito sa kwarto mo." tugon ko at tumayo para i-check kung movable ba ang mga cabinet. Mukhang movable naman lahat pati lamesa niya. Pwedeng magbawas ng ilang gamit at nang makagawa ako nang maayos dito.

"Renovate natin kwarto mo. Parang lalagyan ko lang ng design. 'Yang binatana sa likod mo ang pangit ng kulay. Papalitan din natin 'tong kulay blue na pintura. Parang maganda white walls or gusto mo wallpaper na lang para hindi na tayo mahihirapan sa pag-ayos?"

His brows met and his face seems so uncertain about the thoughts I've just uttered.

"What? Wala akong naintindihan, ang bilis mong magsalita." huminahon ako at sumandal sa isang bookshelf.

"Aayusan natin 'tong kwarto mo but syempre your own money, wala naman akong pera, eh." pagpapaliwanag ko at binuksan ang electric fan sa gilid ko. Tagal kasi lumamig ng air-con, sobrang init dito sa loob.

"My money, huh?" he asked and crossed his arms on his mascular chest. Bakit ba sobrang daming matabang pulis tapos 'yung mga kagaya niya iilan lang. Baka nga siya lang ang hunk na pulis dito, eh.

"Oo pero sige para sa 'yo papasok ako sa trabaho at tutulungan kita."

TheButterflyReturns © 2021

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...