Rules of Love (UNDER EDITING)

By ricamae_porkss

3K 141 4

Amoureux Series #2 I once ask myself, what love is? What can i get out of it? Dulce Villalobos is a kind of g... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 5

70 3 0
By ricamae_porkss

Disclaimer: Hindi po ako naging isang CAT Officer and yung mga terms na ginamit ko po dito is pinagtanong ko lang so kung may mga mali sorry na agad.

_____________________________________________________________________________________________________________

Chapter 5

Isang linggo. Isang linggo na akong palaging hawak ni Thyme at isang linggo nadin ang nakakalipas simula nang huli kaming nagkausap ni Clyde.

Nakabalik na si Eli. Nakapasok kaming lahat sa CAT pero naninibago ako sa mga nangyayari, palagi kong iniisip na wala lang siguro na baka nasanay lang ako at dapat nga maging masaya pa ako kasi diba sa wakas tinantanan na ako ni Clyde sa mga pagpapahirap niya sa akin at sa mga walang katapusan na demerits na ibinibigay niya sa akin.

Pero hindi ganon ang nararamdaman ko. Hindi ako nakakaramdaman na dapat akong mag pasalamat na sa wakas wala nang Clyde na nag bwibwiset sa akin bagkus nakakaramdam ako nang inggit sa kong sino man ang hinahawakan niya sa training.

Nong mga paunang araw na hindi niya ako kinukuha ay alin man kay Ceshiah o Aaron ang hinahawakan niya pero ni tong mga nakakaraan ay hindi nadin niya hinahawakan yong dalawa bagkus si Farrah na ang hinahawakan niya.

Si Farrah na lagi ang hawak niya, usap usapan nga nang mga aspirants ay si Farrah na daw ang pumalit sa akin. Si Farrah na daw ngayon ang paborito nang commander.

Pero hindi katulad noon ay mas maluwag si Clyde kay Farrah kasi kahit palagi niya itong hawak kagaya ko dati hindi naman naging aspirant of the week si Farrah bilang mo nga lang sa daliri ang demerits na nakuha niya kay Clyde.

"Bakla..." Nawala ako sa pag iisip nang mga nangyari nong isang linggo nang bigla na lang lumapit sa akin si Julliana. Nakayuko ito nang kaunti dahil ang tangkad niya tapos ako ay nakaupo sa may upuan.

"Ha? Ano yon?" Ngumiti ito sa akin tapos ay hinigit niya yong katabing upuan para makatabi siya sa pwesto ko.

"Ahm... Pwede favor?" Medyo mahinang boses na pagkakasabi niya. Mahinhin naman kasi siya talaga nahawa lang talaga siya nina Maureen nong nagtagal na magkakaibigan kami.

"Sure, ano ba yon?" Ngumiti ito nang alanganin sa akin bago may inabot na makapal na folder sa akin.

"Pwede ikaw na lang pumunta mamaya sa meeting nang SSG? Well, nakiusap kasi sa akin si Savannah na baka pwede daw ako tumakbo na representative nang batch natin para sa election next year kaya lang nag text si Mom kailangan kong umuwi nang maaga" Kita ko na sa mukha niya na kinakabahan siya sa magiging sagot ko. Hindi ko naman kayang humindi sa kanya, siguro kong ibang kaibigan ko baka pa pero si Julliana? Never, ewan ko ba kong anong meron sa kanila ni Ceshiah na kapag sila yong nahingi nang favor wala talagang makatanggi ni isa sa amin magkakaibigan.

"Sige wala naman kaming training mamayang hapon, saan ba yong meeting?" Ipinaliwanag niya sa akin kong ano magiging agenda nang meeting at kong ano ano ang kailangan kong tandaan para masabi ko sa kanya. Sinabi niya din na sa room daw nang grade ten yong meeting umakyat na lang daw ako mamaya sa third-floor para malaman ko kong saan.

Nang maipaliwanag na niya sa akin ay agaran niya akong niyakap at agaran nang lumabas dahil hinahabol niya si Carol na hawak hawak na naman ang bag nito. Inaasar na naman siguro ni Carol si Julliana na rich kid. Totoo naman na mayaman talaga siya pero ayaw talaga niya na ipinagkakalat kasi hindi naman daw siya yong mayaman kong hindi yong parents niya.

Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko para mamayang hapon ay ito na lang pakiusap ni Julliana ang gagawin ko. Nang oras na nang klase ay sinabi lang nang class president na may sakit daw yong teacher namin kaya pwede na daw kami umuwi.

Agad kong kinuha at inayos ang mga gamit ko bago ako tuluyang lumabas. Agarang nag paalam sa amin si Julliana, todo sorry pa ito dahil baka daw naabala niya ako pero sinabi ko lang na hindi kaya wala na itong nagawa at umalis na.

Nag aya silang kumain pero hindi na ako sumama dahil may meeting pa ako na pupuntahan at isa pa gusto kong kasabay na kumain sina Papa at Vergel, pag kasi kumakain kami sa labas ay hindi na ako nakakain nang dinner sa bahay dahil busog na ako napipilitan tuloy sila Papa na kumain na sila lang dalawa.

Nang tuluyan akong maka akyat sa taas ay nabigla ako nang may biglang maka bangga sa akin na isang estudyante na pababa na sana. Nabitawan ko yong folder na ibinigay sa akin ni Julliana at bigla akong na out of balance. Handa na sana akong bumagsak sa sahig nang makaramdam ako na may kamay na nakahawak sa aking bewang at tinulungan ako para hindi ako tuluyang madapa.

"Hoy ikaw! Mag dahan dahan ka nga sa pagbaba mo muntik na tuloy malaglag tong babae, bigwasan kita diyan eh" Iminulat ko ang mata ko at nakita ko ang isang lalaki na medyo moreno na sinesermonan yong estudyanteng naka bangga sa akin.

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang bumaling sa aking pwesto. Para itong natatawa tawa na hindi maintindihan.

"Ah Miss, balak mo bang tumira sa kandungan ko? Medyo nakakangalay na kasi baka namam? Pwede ka nang tumayo" Nagulat ako kaya naman agaran ako bumitaw at tumayo, kinuha ko din ang gamit ko pati yong folder na nalaglag sa sahig.

"Saan ba punta mo Miss? Mag ingat ka na lang sa hagdan kasi awasan eh nagtatakbuhan talaga pababa yong mga grade ten para makauwi" Napatinggin naman ako ulit sa kanya nang magsalita siyang muli. Ngumiti lang ito sa akin pagkatapos ay inilahad niya ang kamay niya.

"Hello, Brei" Iniabot ko din ang kamay ko. Bastos ko naman kong hahayaan ko na lang na nakalahad ang kamay niya.

"Dulce, salamat nga pala" Ngumiti ito ulit kaya naman kitang kita ang maganda niyang puting puting ngipin. Bakit parang ang pogi naman nito pero hindi ko man lang siya napapansin sa school.

Nag shake hands kami bago niya ako tuluyang iniwan. Inayos ko na lang yong mga gamit ko bago ko tuluyang hinanap kong saang room ba dapat ako pumunta.

Nakakailang lakad na ako nang makarinig ako nang ingay mula sa isang room agaran akong nag punta doon. Nang mamataan nila ako ay nagtinginan silang lahat sa akin.

"Ahm... Hi, dito ba yong meeting nang SSG?" Tumango sa akin yong babae sa harapan pagkatapos ay nag tanong.

"Anong kailangan mo?" Mukha siyang anghel ang ganda niya bakit ba ang gaganda at gwapo nang mga nakakasalamuha ko ngayon? Ano ba yon sign ba ni lord para ipamukha sa akin na isa lang ako patatas?

"Ah, proxy ako ni Julliana may kailangan kasi siyang puntahan kaya naki usap siya na ako muna ang umattend" Nag liwanag naman ang mukha nong babae at iginiya ako sa upuan don sa medyo likod. Nginitian ko na lang siya bago ito umalis.

"It's you again" Nagulat ako nang may bigla na lang sumulpot at nag salita sa aking gilid, pag tinggin ko ay nakita ko yong lalaking tumulong sa akin kanina.

"Hi" Yon na lang ang sinabi ko at hinahayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin sa buhay niya. Hindi naman pakikipag usap ang agenda ko dito kundi mag list down nang mga kailangang malaman ni Julliana if ever na tatakbo siya next school year.

Nag tagal ang meeting nang halos isang oras, isa isa kasing ipinakilala nong babae kanina na si Savannah pala yong mga sure na tatakbo sa next election at akalain mo nga naman na for president pala ang tatakbuhan nong lalaki kanina. Akala ko ay nandon lang siya para maki epal yon pala siya ang may pinaka mataas na posisyon.

Nag lalakad na ako sa may parking nang may narinig na nag uusap.

"Three, sigurado ka ba na okay ka lang? Sinabi ko naman sayo na okay lang kong hindi ka pa muna makakapag training dahil valid naman na may sakit ka" Biglang nag taasan ang balahibo ko sa braso nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Clyde. Ito na ang nagiging epekto niya sa akin simula nang hindi na niya ako hawakan.

Sa tuwing mapapalapit o maririnig ko ang boses niya ay ganito ako.

"Two okay nga lang ako, stop worrying. I'm perfectly fine isang linggo na din naman ako nakapag pahinga eh" Hindi ko ugali na makinig sa usapan na may usapan pero ngayon hindi ko lang talaga mapigilan. Nakakaasar nagiging chismosa na ata ako.

"Just making sure, baka biglang umuwi si One kapag may nangyari sayo" Yoon ang huli kong narinig bago sila nag tawanan at umalis sa pwesto nila para sumakay sa kotse ni Clyde.

At dahil lang doon ay hanggang pag uwi ay wala ako sa wisyo ko. Nakakailang tinggin na nga sa akin si Vergel dahil para daw akong tanga dahil nakakailang hugas na daw ako sa bigas. Nagulat nga ako kasi clear na yong tubig.

Tinancha ko na lang yon pag katapos ay isinaksak na at naupo na lang ako sa sofa. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako ganito?

Inintay lang naming mag kapatid na maluto ang kanin pati ang pagdating ni Papa bago kami sabay sabay na kumain. Gumaan ang pakiramdam ko habang nag uusap kaming tatlo tungkol sa mga bagay bagay na nangyayari sa amin.

Isa yon sa pinaka inaabangan ko pag uuwi ako yong sabay sabay kaming kakain tatlo. Yong hindi lasing si Papa kasi bilang panganay masakit sa akin pag nakikita ko na ganon si Papa. Mas lalo lang ako nagtatanim nang galit sa taong matagal ko nang pinatay sa ala ala ko. Wala na siya sa paligid pero namumuweryiso pa din siya sa aming pamilya.

Nang matapos kami kumain ay nag ligpit na si Vergel at ako naman ay umakyat na para mag pahinga. Napagod ako kahit ang ginawa ko lang naman kanina sa meeting ay mag list down nang kong ano ano. Hirap kasi maka keep up sa mga tao don kanina halata mo talaga na matatalino si Julliana talaga ang nababagay don.

Nang umaga na ay agaran na akong bumangon para mag handa na nang umagahan namin ni Vergel, friday kasi ngayon basta friday ay talagang hindi ko na naabutan si Papa dahil palagi siyang sobrang aga napasok nang ganitong araw.

Nag saing lang ako at nagluto nang itlog at bacon tapos ay bumalik na ako sa kwarto ko at naligo. Agad akong nagbihis at nag blower nang buhok dahil kailangan tong naka bun dahil baka mamaya ay magupitan ako sa training kawawa naman ang buhok ko pag nagkataon.

Nang maayos na lahat ay bumaba na ako naabutan ko si Vergel na kakagising lang. Maaga pa naman kasi talaga. Umupo kami sa may lamesa at sabay nang kumain nang matapos ay umakyat siya para maligo at ako naman ay nag sipilyo na. Habang naliligo si Vergel ay inihanda ko na ang lunch niya at nang matapos ay hindi padin siya tapos sa paliligo kaya iniwan ko na lang din ang baon niya sa tabi nang pagkain niya.

"Vergel, una na ako ha nandito na baon at pagkain mo!"

"Okay, ate bye! Ingat!" Lumabas na ako at isinarado ang pinto. Nakita ko na naman ang sasakyan na yon sa may garahe namin pero katulad nang parati kong ginagawa ay nilalampasan ko na lang yon. Nag abang na ako nang tricycle buti na lang at meron nang dumaan kahit medyo maaga pa talaga.

Pag dating ko sa school ay nakasabay ko si Farrah na naglalakad din papasok. May dala itong dalawang coffee. Ngumiti ito sa akin kaya wala na akong nagawa at ngumiti na lang din ako sa kanya. Sabay kaming naglakad hanggang sa makarating nang gym, dumiretso ako sa mga kaibigan ko at si Farrah naman ay dumiretso sa isang gilid na parang may inantay.

"Best friend na ba kayo?" Natatawa tawang pagkakasabi sa akin ni Aaron.

"Tangek, syempre binibilinan ni Dulce kong ano ba dapat gawin ni Farrah ngayong si siya na lagi hawak ni Clyde" Ano na naman bang trip nang mga to? Sa tuwi na lang may training ako palagi ang nakikita.

"Wag nga kayo aga aga uumpisahan niyo na naman ako mga wala ba kayong magawa sa buhay?" Medyo inis na pagkakasabi ko habang naglalagay nang gel sa mga baby hair ko na nagtataasan.

"She's right stop na both of you" Napatinggin kaming tatlo kay Eli para kasing nakakapanibago alam ko naman na mahinhin nang slight to pero iba din kasi yong boses niya.

"Problema mo?" Hindi ko napigilang itanong. Tumingin ito at maya maya ay umiyak na hindi tuloy namin alam tatlo kong ano ang gagawin, ako ay hindi mag kaaliga sa kakahanap nang panyo si Ceshiah ay hindi alam kong anong yakap ang gagawin at si Aaron ay hindi alam kong ano ano ba ang pwede niyang sabihin kay Eli.

"Hala ka bakit? Ang tanga mo kasi Aaron asar ka nang asar diyan kay Dulce eh"

"Aba bakit ako ikaw tong nag sabi diyan nang kong ano ano"

Nag away pa sila kaya naman lalong lumakas ang iyak ni Eli kaya naman nag tingginan sa amin yong iba pang aspirants sa pag aalala namin ay agaran namin tong hinigit paalis doon dinala namin siya sa may canteen doon sa pinaka gilid.

"Sino ba talaga may gawa sayo? Sino sa dalawang to at babatukan ko" Pag kausap ko kaya naman binatukan ako ni Ceshiah at siya naman ngayon ang humarap at kumausap kay Eli.

"Is it Levy?" Pagkasabi na pagkasabi niya noon ay umiyak na naman si Eli. Confirm si Levy nga at ano namang ginawa non aber?

"Don't worry about me. I'm fine it's not his fault" Napakunot lang noo ko sa pinagsasabi niya.

"Anong fine fine ka diyan eh akala ko nga hinihika ka na kakaiyak anong fine diyan aber" Pero hindi padin siya nagpapigil at sinabi na wala naman daw kasalanan si Levy at okay lang siya.

"Eh bakit ka iyak nang iyak diyan kong walang ginawa sayo yon?" Huminga muna siya nang malalim bago nag umpisa ulit mag salita.

"Kasi baka na sakin naman yong problema? Baka kasi nag assume lang ako na we had something. I thought we had pero siguro kababata lang talaga ang tinggin niya sa akin baka hanggang doon lang talaga but then somehow, I got hurt when he stops talking to me and eventually got himself a girlfriend"

"May girlfriend na yong si Levy?" Tumango siya at tumahan na at inaayos na ang pag ka bun nang buhok niya.

"Tara na baka malate tayo sa training sigurado ako na mapapagalitan tayo nang mga officers" Labag man sa amin ay wala na kaming nagawa dahil nag diretso na siya papuntang gym na hindi man lang kami nililingong tatlo.

Pag pasok namin ay nakita namin na inaabot ni Farrah yong coffee na hawak niya kay Clyde. Doon lang kami nakatinggin pero hindi ko na alam kong anong sunod na nangyari nang dumating si Terran at hindi kami tinigilan sa kadadaldal. Minsan naiisip ko kong hindi ba siya napapagod mag salita nang mag salita. Kong hindi ba nakakangalay yong pag daldal niya araw araw.

"Sama ba kayo?" Nang medyo nanahimik ay bigla na namang nag salita si Terran. Ako ang napapagod para sa bibig niya eh.

"Saan naman?" Pag tataray sa kanya ni Ceshiah siguro kagaya ko ay nabibingi na din siya. Ang nakakatagal lang naman sa bibig niyan ay si Eli at Aaron eh.

"Ito naman init agad nang ulo tatanong lang eh pero ito na nga sabi kasi nila pagtapos daw nang training eh mag pa party daw para sa atin yong mga officer pero dahil nga tapos na ang training hindi naman mandatory ang pumunta, so ano sama ba kayo? Sama na kayo" Para siyang bata na pinipilit kami pero nang walang nagsalita sa amin ay pumunta siya kay Eli, siguradong mang hihingi siya nang back up dito.

"Eli, tulungan mo naman ako oh. Pili-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang mapansin niya na mapula ang mga mata nito.

"Hala ka anong nangyari sayo?" Pilit iniiwas ni Eli ang mukha niya dahil ang lakas nang boses ni Terran kaya naman napapatinggin na naman sa amin yong iba.

"I'm fine" Pamimilit pa nito pero makulit pa sa makulit si Terran.

"Anong okay ang pula nang mata mo sino may gawa sayo!" Napalakas ang pagkakasabi ni Terran kaya naman halos lahat nang nasa gym ay napatinggin na sa amin kasama na don ang iba pang officer.

Pinilit ko na patahimikin si Terran pero huli na dahil napansin ko na naglalapitan na yong mga officer sa amin kasama na don si Clyde. Napansin ko na malungkot lang na nakaupo ulit si Farrah sa pwesto niya hawak pa din niya yong kape na ibibigay niya sana kay Clyde kanina.

At dahil nga nahigit ko si Terran kitang kita na ngayon nang mga officer si Eli. Agaran na nang laki ang mata ni Clyde nang makita niyang pulang pula ang mga mata ni Eli.

Agaran itong lumapit sa pwesto namin at hinawakan si Eli.

"What's wrong, Three?" Panay ang pag iling ni Eli pero baka mag kamag anak sila ni Terran at hindi niya talaga tinantanan ito hanggang sa napilitan na lang si Eli na mag sabi dahil halos lahat ay naka tinggin na sa amin.

"That fucking bastard!" Tumayo si Clyde at halatang halata na yamot na naglakad palabas nang gym agaran namang sumunod si Eli at syempre nag sunuran din kami pero kami lang mga kaibigan ni Eli ang pinayagan nang mga officer yong iba na gusto maki chismis ay hinarang nina Thyme.

Naabutan namin si Clyde na hawak hawak sa kwelyo si Levy at si Eli na pinipigilan ito. Hindi padin ako makapaniwala sa lahat nang nangyayari, anong meron?

"Hayop ka talaga eh no! Tigilan mo ang pinsan ko ha!" Hindi pa ako nakakamoveon sa narinig ko ay nagulat na naman ako nang bigla na lang niyang suntukin nang malakas si Levy. As in sobrang lakas naglabasan nga yong mga ugat niya sa kamay sa lakas nang suntok. Namula din ang kamao niya.

"Please tama na! Tara na hayaan mona please!" Habag na habag na naman si Eli pero kaming tatlo ay hindi malaman kong paano kami lalapit. Nakakatakot kasi baka mamaya kami naman ang masuntok pag nakielam kami.

"You better stop showing your face to my cousin or else!" Padabog itong umalis papuntang gym at dahil siya nga ang commander ay wala kaming nagawa kong hindi ang sumunod naiwan si Eli doon nakita ko na parang may sinasabi pa siya kay Levy kaya nag patuloy na kami sa pag pasok.

Sinalubong ni Thyme si Clyde at may sinabi pa ito hanggang sa tuluyan nang lumabas nang gym si Clyde. Kahit ilang minuto na ang nakalipas simula nang suntukin niya si Levy ay halata pa din sa kanya na yamot na yamot padin ito.

Hindi ko na alam ang nangyari kasi nag simula na ang training. Hindi na bumalik si Clyde hindi na din bumalik pa si Eli kaya buong training ay yoon lang ang iniisip ko.

All this time mag pinsan sila? What the heck kong ano ano na ang pumapasok sa isip ko yon naman pala mag ka dugo sila.

Ngayon napaisip ako, oo nga pala Reyes ang gitnang pangalan ni Eli, ang bobo mo talaga Dulce.

Hindi naman kasi pala kwento si Eli. Hindi niya na kwento si Clyde, na pinsan niya pala to. Ngayon nag make sense na lahat kong bakit ganon na lang mag alala si Clyde kay Eli kong bakit may time na sabay silang umuwi at kong bakit sila mag kahawig nang slight. The more na naiisip ko lalo ko lang napapatunayan na ang bobo ko pala talaga.

Nang matapos ang trainig ay agaran naman kaming umalis at dumiretso sa room. Naabutan namin don si Eli na nakaupo na at kausap sina Maureen na mukhang nabalitaan na ang nangyari kanina.

"Pinsan mo pala si commander, Eli?" Mag tatanong pa lang sana ako pero na unahan na ako ni Aaron.

"Yeah, sorry if I didn't say anything ayaw ko lang naman na isipin niyo na kaya ako nakapasok sa CAT ay gawa lang niya pasensya na ha" Nag tawanan lang sila pero ako hindi ako nakipag tawanan kasi ngayon may naiisip ako na hindi ko dapat naiisip.

Bakit naiisip ko na ngayon hindi naman pala sila at mag pinsan lang ay bigla akong sumaya? Eh ano naman kong wala naman pala silang kahit na anong relasyon at mag pinsan lang naman?

Ano naman sa akin yon?

Nitong mga nakaraang araw naiisip ko na hindi kaya may gusto ako kay Clyde pero naiisip ko din bakit naman ako mag kakagusto sa kanya eh palagi niya lang naman ako pinapahirapan.

Pero tuwing maiisip ko ang mga pag papahirap niya sa akin ay para na akong kinikilig ngayon. Grabe kinikilabutan na talaga ako.

Lord bigyan niyo naman ako nang sign kong talagang may gusto na ako sa masungit na yon oh.

Yon lang ang pinag dadasal ko hanggang sa may narinig kaming nag salita mula sa pintuan.

"Hey, Three... One wants to talk to you" Napatinggin ako sa pinto at doon nakita ko si Clyde na nakatayo at hawak ang cellphone niya habang nakatinggin kay Eli.

Biglang nag kabugan ang dibdib ko ito ba yong sign niyo lord?

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...