Breaking the Stoneheart (La T...

By issakalsada

4.5K 158 21

LA TIERRA DE CONDE SERIES Series 2 Breaking the StoneHeart SYNOPSIS "No matter how strong a person you are, t... More

Breaking the Stoneheart
SYNOPSIS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 12

143 4 0
By issakalsada

Chapter 12
Exchange

Nagmadali akong naligo at nagbihis. Inimpake ko ulit ang mga gamit ko at lumabas na. Naabutan ko si Nanay na naghahanda na ng hapunan. Gulat na napatingin siya saakin papunta sa maletang hila-hila ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya nang makalapit na saakin.

"Nay, uuwi na po ako. Hinahanap na ako ni Mama." Seryosong sagot ko naman sa kanya.

"Hinahanap? Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Ang ibig kong sabihin..." Kilala ni Nanay si Mama sa lahat lalo na sa ugali nito. Syempre, si Nanay ang nag-alaga sa kanya simula no'ng hindi pa siya naga-artista. At alam din ni Nanay kung ano ang turing ni Mama saakin. Kaya hindi siya naniniwalang na talagang hinahanap na nga ako sa bahay.

"Opo, Nay. Nag-text si Tito Tristan sa akin na nag-aalala na si Mama at hinahanap niya ako." Masayang sabi ko sa kanya. "May byahe naman ngayong gabi di po ba, Nay?"

"Paano ang pag-aaral mo? Nakapagsimula ka na ah? Ano? Hindi mo ba tatapusin?" Pag-aalala niya at binalewala ang tanong ko.

"Pwede naman po akong mag-enrol ulit doon sa Maynila. Ang mahalaga sa akin ngayon ay si Mama, Nay." Lumabas na ako at sumunod siya. "Sige Nay, mauuna na ako. Tatawag nalang po ako kapag nakarating na ako doon. Saka, kapag may kailangan kayo, sabihin niyo nalang saakin."

"Bukas ka nalang lumuwas. Gabi na, nak."

"Hindi ko na pwedeng ipagpabukas ito, Nay."

Nag-abang ako ng masasakyang tricycle. Natanaw ko pa ang mga tropa ni Andeng sa may tindahan,nagk-kwentuhan at hindi nag-iinuman. Wala si Cross. Nang makita nila ako, sumigaw agad si Andeng. Pinapalapit ako sa kanila. Tumango lang ako at sumakay na sa tricycle bago pa man sila makalapit saakin.

"Nay, saan pupunta si Ate Rielle?" Narinig ko pang tanong ni Andeng.

Hindi nagtagal, may dumaang bus na papuntang Maynila kaya sumakay na ako. Buti nalang at hindi na ako naghintay pa ng matagal. Halos hindi na ako makatulog sa labis na pagkatuwa. Excited na ako. Kung pwede nga lang paliparin itong sasakyan, ginawa ko na, makarating lang agad sa bahay.

Namuo na sa aking isip ang maaring mangyari pagbalik ko. Mom is going to apologise to me. She'll tell me how happy she is that finally, I came back. She'll tell me she misses me so much. She'll tell me how sorry she is of hurting me physically and emotionally. She'll finally realized that she can't live without me. She needs me. She'll tell me she loves me. Paniguradong babaha ng luha ang buong bahay namin nito.

Pero kabaliktaran pala lahat ng mga naiisip ko.

"Mabuti nga at naglayas na ang bastardong 'yon! Nabawasan ang galit ko. Buti nalang napagtanto niyang hindi ko siya tatanggapin sa buhay ko!"

Natigil ako sa pag-ambang pagbukas ng pinto nang marinig ko ang sigaw ni Mama. Naibaba ko tuloy ang kamay ko sa doorknob at naestatwa sa labas.

"She's still your daughter, Marina!" Boses ni Tito Tristan. "Kailan mo ba siya matatanggap? Nasasaktan na ang anak mo! Akala mo matapang si Rielle? Pagdating sayo, mahina siya!"

"She is not my daughter! How many times do I have to tell you that, Tristan? She will never be my daughter! At hindi ko siya matatanggap! She ruined my life! She ruined everything that I have!"

Parang punyal na pinagsasaksak ang puso ko sa masasakit na salitang binitiwan ni Mama. Ganito na ba talaga kalaki ang galit niya sakin? To the point na ikinakahiya niya ang sarili niyang anak? Kasalanan ko ba na nabuntis siya ng ama ko? Kasalanan ko ba na nabuhay pa ako sa mundong ito? Kasalanan ba ang mabuhay?

Dahan-dahan akong napaatras habang dahan-dahan din sa pagdaloy ng mainit na likido sa aking pisngi.

"Neng, aalis na kami. Sasakay ka ba?" Gulat na napatayo ako sa kinauupuan.

Dumiretso agad ako dito sa terminal galing sa bahay. Hindi ko na kayang pakinggan ang mga maaanghang na salita ni Mama.

"Ayos ka lang, Neng? Heto oh, gamitin mo. Kanina pa kita napapansin na parang wala ka sa sarili." Inabutan ako ni manong ng panyo at nag-alinlangan pa akong tanggapin iyon kaya siya na ang nalagay sa kamay ko.

Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking pisngi gamit ang likod ng aking palad.

"Kung ano man 'yang problema mo, Neng, malalampasan mo din 'yan. Maraming nagmamahal sayo, hindi mo lang napapansin at nakikita. Subukan mong buksan ang mga mata mo, doon mo makikita na hindi ka nag-iisa."

Nakatingin lang ako kay manong habang nagsasalita siya. Funny how this man who doesn't know me can see how vulnerable I am when my mom can't. Wala pa siyang pakialam sa nararamdaman ko.

Mahigpit ang hawak ko sa dalang maleta at napansin iyon ni manong. Dahil sa wala ako sa sarili kanina pagdating ko dito, hindi na ako nakakain, hindi na rin ako nakabili pa ng ticket.

"Wala kang ticket?" Umiling lang ako. "Tara na. Ako na ang bahala." Sabi niya at nauna ng maglakad palapit sa nakaparadang bus.

Wala na akong lakas para magreklamo pa,sumunod na ako sa kanya. Pinapasok niya ako at pinaupo sa isang bakanteng upuan sa gilid ng bintana at hinintay nalang ang pag-alis nito.

Sometimes, I really feel like I don't even exist.

I'm tired. I'm tired of the bullshit. I'm tired of being ignored and forgotten by my own mother! I'm tired of everything. I'm just hoping that she'll realize how much she's hurting me someday. Ganoon naman talaga siguro. You cannot force someone to love you.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog dahil sa pag-iyak. Mugtong-mugto na ang aking mga mata. Kumakalam na ang aking sikmura. Hinang-hina na ang aking buong katawan. Durog na durog na ang puso ko.

I'm freezing. I'm starving. I'm bleeding to death, but...everything's fine. I guess.

"Tandaan mo ang sinabi ko sayo, Neng. May taong nagmamahal sayo ng higit pa sa inaakala mo at iyon ang pinakamagandang pakiramdam sa lahat. Huwag mong kakalimutan 'yan." Paalala saakin ni manong pagkababa ko.

"S-salamat po."

"Mag-iingat ka." Sabay tapik niya sa aking balikat.

Wala sa sariling naglakad ako hila-hila ang aking maleta. May mga nakahilera ng tricycle sa gilid at inanyayahan na akong sumakay pero hindi ko iyon pinansin.

"So I breathe and let you go
How do I breathe and let you go?
Before it's too late
I'll take a step away
I know one word would make me go
Rushing back to you."

Nakarinig ako ng isang malamig na boses ng isang babae at paglingon ko, hindi ko namalayang nandito ako ngayon sa harapan ng Conde Victoria.

I took a deep breath before entering the Restobar.

Maluwag sa loob. Una kong nakita ang isang babaeng nakaupo sa high chair sa itaas ng stage nagg-gitara habang kumakanta. She has a very lovely yet cold and mysterious voice that can captures anyone's attention. Damang-dama niya ang kanyang kinakanta at nakapikit pa. Halos hindi na makakain ang mga customers dahil sa kanya na lahat nakatingin.

"So I'll just shut my eyes
Forget that you were mine
How do you go from making one your home
And then just letting it all go
Let me take it in
Before it sinks in."

Pumuwesto ako sa gilid,at may lumapit agad na isang waiter. Tumingin muna siya sa maleta ko bago saakin.

"G-good evening, Ma'am. A-ano po ang order niyo?" He asked.

"Just give me 5 bottles of beer." Sabi ko. "At isang pakete ng sigarilyo. Puti."

Lumaki ang kanyang mga mata pero naglaon ay umalis din agad para kunin ang order ko at dala na nga nito pagbalik.

"And I don't know where
I could find the strength to let you go
When the only love I've come to know
Packed his bags and left me alone
You found another home."

Humithit ako ng sigarilyo. Gawain ko na ito sa Maynila lalo na kapag sobra akong nagagalit o kaya nalulungkot. I don't know why pero kumakalma ako kapag ganito.

Tumingin ulit ako sa stage at pansin ang kakaibang lungkot sa kanyang malamlam na mga mata nang imulat niya iyon.

"Thank you! Have a good night, everyone!" Sabi nito matapos ang kanta. Nagpalakpakan ang mga tao at ang iba naman ay humihirit ng isa pa ngunit ngiti lang ang isinagot ng babae bago bumaba sa stage.

Sinundan ko ng tingin ang babae, ibinaba ang dalang gitara. Nakita ko din na may isang lalaking pasuray-suray na lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa siko at agad naman niyang binawi. Ngunit sadyang malakas yata ang lalaki kaya't hindi siya nakawala. Wala namang nakakapansin sa kanila dahil abala na sa pagkain at pag-inom ang mga tao.

Hinithit ko muna ang sigarilyo at naubo pa ako dahil sa diretso kong ginawa. Tatlong bote pa lang ang nauubos ko at ang pangapat ay nangangalahati na. Nilagok ko iyon at tumayo.

"Bitawan mo ako sabi!" Mariin na sabi no'ng babae nang makalapit na ako.

"Miss naman eh,sasaluhan mo lang kami. Ilang gabi na kaming pabalik-balik dito para mai-table ka lang. Huwag kang mag-alala,babayaran ka rin namin." Sabi naman no'ng lasing na hindi pa siya binibitawan.

"Hoy manong! Hindi po ito club! At mas lalong hindi ako GRO o escort, singer ho ako. Singer! Kung gusto mo, doon ka sa Maynila. Maraming club at babae doon, bumili ka kung gusto mo! Kaya pwede, bitawan mo na ako?"

"Bitawan mo." Malamig na utos ko sa lasing na matanda. Pareho silang napalingon saakin. "Sabi ko, bitawan mo. Bingi ka ba?" Hinila ko na ang braso ng babae.

"Hoy Miss! Huwag ka ngang mangialam dito!" Hinablot naman no'ng lalaki ang isa pang braso ko at paglingon ko ay may naka-abang ng kamao at palapit na ito sa mukha ko.

Mabilis ang pangyayari. Napapikit nalang at ako hinintay ang paglapat ng kamao niya saakin ngunit walang dumating. Umingay ang paligid at nakarinig pa ako ng mga boteng nabasag. Nagmulat ako kaagad.

At nagulat nang makitang nakahandusay na sa lapag ang lasing na matanda. Isang pamilyar na lalaki ang nagpatayo sa matanda at binigyan ulit ito ng suntok at tuluyan ng nawalan ng malay.

Napaatras ako sa labis na gulat...at takot na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.

"Alisin niyo 'yan sa harapan ko!" Galit na sigaw ni Senyorito Cross.

"Irah Fleeden!" Nabaling ang atensyon ko sa sumigaw. Isang waitress ang lumapit sa lalaking pamilyar saakin. Si Quinn na mariing nakahawak sa braso ng babaeng tinawag niyang Irah Fleeden.

"Let me go, Quinn." Sabi no'ng babae at sumama na sa waitress na sinundan naman sila ni Quinn.

Hindi ko na nasundan pa ang mga mangyayari dahil hinaklit na ni Senyorito ang kamay ko palabas. Ngayon ko lang siya nakitang galit na galit. Hindi ko nga rin alam na marunong din pala siyang magalit ng ganito katindi.

"Bitaw, Cross! Ano ba?!" Ginamit ko ang buo kong lakas para itulak at makawala sa kanya. Akmang babalik ako sa loob ng iharap niya akong muli sa kanya. "Kukunin ko ang maleta ko sa loob! Huwag ka nang sumunod!"

"Ako na! Stay Right here Marrielle Yllana Sereno!" Dumagundon ang boses niya sa paligid. Natulala ako. Mag-isa iyang bumalik sa loob. At pagbalik, bitbit na ang maleta ko.

"Let's go!" Nagulat na lang ako dahil ang isa niyang kamay ay pinagsaklop ang aming mga daliri.

Dire-diretso ang lakad namin hanggang sa makarating na kami sa paradahan ng sasakyan. Hinila ko ang kamay ko palayo sa kanya. "Ano ba Senyorito?!"

"Fuck!" Napaatras ako sa gulat ng walang-ano-ano ay hinampas niya ang sasakyan. Nanginginig ang kamay at labi ko. Hindi ko alam ang sasabihin.

Tumingin siya saakin. Madilim ang kanyang mga mata, parang papatay ng tao.

"Pwede bang umiwas ka sa gulo, Rielle?!" Umalingawngaw ang boses niya dahilan ng pagtingin sa amin ng mga dumaraang tao.

"P-pwede bang huwag kang makialam?!" Sigaw ko din sa kanya kahit sobrang kinakabahan na ako. Matapang siyang humarap saakin. Pilit na tinatagan ko din ang aking sarili.

"Makikialam at makikialam ako, Rielle! Makikialam ako pagdating sayo! Fuck this! Damn it!"

"What the hell are you saying?! Nahihibang ka na ba?!" Tumatagal na ang tingin sa amin iilang tao pero wala akong pakialam. "Stop meddling with my life, Senyorito! Mind your own dahil hindi kita pinapakialaman!" Pumiyok na ang boses ko dahil sa sobrang pagkainis sa kanya.

"Fine!" Sigaw niya na nagpatigil sa akin lalo na sa mga sumunod niyang sinabi na lalong nagpakaba saakin.

"I'll stop. But in exchange...I will like you."

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
368K 19.3K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
848K 39.2K 31
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
389K 27.1K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...